*this is the first part so. Hope you like it guys and don't forget to vote and leave a comment.
Sincerely yours *JayCass*
"Lolo, nangarap din po ba kayong maging mayaman?" Ani ni Mill sa kanyang lolo vien.
.
"Apo, alam mo namang mas gusto ni lolo ang simpleng buhay. Mahirap ang maging mayaman hijo" ani Lolo Vien habang nagpapaliwanag sa makulit niyang apo na 13yrs old pa lang.
.
"Eh kasi naman Lo, kung mayaman lang sana tayo edi napa gamot na kita tapos ililibot kita kahit saang bansa mo gusto. Mag sho-shopping tayo tapos mag gagala kahit saan basta mapasaya ko lang ang pinaka mamahal kong lolo, oh diba!? Taray ko no Lo? Hehe" pagpapaliwanag ni milo habang naglalakad sila.
Napa iling na lamang si "Lolo Vien" sa naiisip ng kanyang apo. Ni minsan hindi niya nakitaan ng kahinaan o nanghin nanakit man lang ang bata kahit wala na itong magulang at tama lang ang katayuan ng kanilang buhay.
"Alam mo apo kahit kelan andami mong sinasabi ang daldal mo sobra, alam mo naman ang gusto ni lolo para sayo ay makatapos ka ng pag-aaral at maging maganda ang takbo ng future mo" ani nito habang ginugulo ang buhok ng bata.
"Ah basta lo!, pag nagka pera ako ililibot kita kahit saan. Tapos ipapagamot kita sa mga magagaling na doctor, para lagi ka ng nakakaluwag ng paghinga." Sabi ni mill sa kanyang lolo.
Alam kasi ni "Mill" na minsan ay sinusumpong ang kanyang lolo na may sakit sa puso dulo't ng komplikasyon nito sa kalusugan. Kaya lahat gagawin niya wag lang mahirapan ang kanyang lolo kaya pilit niyang ngumingiti sa harap nito kahit na nalulungkot siya sa dahilang may sakit ito at iniinda lamang.
"Lo, tara bili tayu ng mansanas ayun oh!." Turo ni mill sa isang stall na may mga tindang prutas.
"Ah sige hijo, tara na't makabili at uuwi narin tayo medyo masakit na ang paa ni lolo eh"
"Kuya?, magkano po dito sa Fuji apple ny~" at di natuloy ni mill ang sasabihin nya dahil natulala sya sa kaharap nya.
"Milliard apo, natulala kana diyan? Ikaw talagang bata ka" habang pabungisngis na sabi ng kanyang lolo.
"A-ahm kuya, pabili po ng fuji apple mga isang kilo hehe" habang nahihiya niyang pagbili.
**Milliard POV**
"Ang gwapo naman nito, maputi, makisig, matangos ang ilong, tapos napak~" sabi niya sa knyang isip.
--------------
"Ahmmm. Boy eto na ung mansanas oh" sabi ng vendor pero di niya parin kinukuha
Kinalabit ni Lolo Vien Ang knyang apo dahil sa pagkatulala.
"Pst Apo!, anong nangyayari sayo?" Tatawa tawang sabi ni lolo Vien.
"AY! ANG SARAP! Nak ng.. Lolo naman eh ginugulat ako" naiinis na sabi ni Mill.
"Ahahaha naka kita ka lang ng gwapo kung ano-ano na pinagsasabi mo Hijo" tatawa tawa parin ang lolo Vien nya.
.
"Tss. Lika na nga Lo! Inaalaska niyo nanaman ako eh. Kuya eto ang bayad!" Litanya niya habang inaabot ang bayad sa vendor.
"Maraming salamat po, balik po kayo ulet" ani ng lalaking vendor.
"Lo! Tara na at ng makauwe na tayo" natatarantang sabi ni Mill
"Relax ka lang apo, masyado kang Natataranta eto na oh. Uuwi na tayo haha" natatawa parin siya sa apo nya.
"Balik po kayo ahh" pahabol pa ulit ng lalaki.
"Hmppp!" Nag aalburutong inis ni mill habang naglalakad sila ng kanyang lolo.
....
Nakauwi na sila ng bahay at inaasikaso na nila ang hapag.
"Oh apo, bakit parang di na maipinta mukha mo jan?" Ani ni lolo Vien.
"Eh kasi Naman Lo, nakakahiya ako kanina yan tuloy kung ano-ano sinasabi ko" inis na detalye niya dito.
"Kaw nmn kasi apo, masyado kang nagpapahalata oh sige na kumain kana at may pasok kpa bukas" sabi ng lolo niya nang pangisi ngisi.
...kinabukasan.
Papasok na siya ng school ng alaskahin na naman siya ng kanyang lolo vien.
"Oh apo, baon mo mag-aral mabuti ah at wag muna mag boboypren baka mamaya pag uwi mo dito buntis kana. Mahirap yan" natatawang sabi niya dito.
"Lo naman iiiii!, ang aga aga asarin ba naman ako pinagkakatuwaan niyo nanaman ako eh" litanya nya dito.
"Hay nako! Eto naman nag lalambing lang si lolo eh. Oh siya pasok na ah, at mahaba pa ang lalakarin mo ingat apo" at humalik siya sa noo ng nagiisa niyang apo.
"Sige na nga, bye na lo! Wag masyadong paka pagod mag basa ng dyaryo lo ah. Pag uwi ko ako na bahala sa gawaing bahay lo,pektus ka sakin pag nagpagod ka jan lo bye mwuahh" pagpapa alala nya sa lolo nya.
Nasa loob na siya ng university na kanyang pinapasukan. At ginagawa nanaman niya ang kanyang nakaugalian, ang tumingin sa kabilang building ng college university na kadikit ng school nila.
"Hayyy! Buti nalang nakapasa ako dito. At nakikita ko ang mga college papa dito hehe nakaka buhay ng dugo mag-aral may goshhh!" Sabi niya sa kanyang isip.
"Hoy!! Bakla ka ng taon! Nangangarap ka nnmn jan!"
Sabi ng bespren nyang si Erika.
"Halika na at ng makapasok na tayo sa first subject kung ayaw mong ma boljak nanaman tayo ni barney!" Litanya nito ulit sa knya.
"Oo na! Eto na eto na ohh! Kala mo naman siya di niya gawain" saway niya rin dito.
"Hmpp!,alam mo yan! Para saan pa't magka tandem tayo syempre sasabay ako ng kalandian hahaha" at nag apir silang dalawa.
Pumasok na sila sa room nila.
At mag sisimula nanaman ang kalbaryo niya sa pang aalaska ng mga kaklase niya.
.
*thank you for reading don't forget to vote and leave a comment guys!*
Next chapter Updating......