Chasing Hell (PUBLISHED)

By KnightInBlack

63.2M 2.2M 1.6M

Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you! More

Work of Fiction
Chasing Hell
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Author's Note

Chapter 19

1.2M 45K 28.4K
By KnightInBlack

Chapter 18: Cedric

Ace's Point of View

Hindi makapaniwalang napatingin sa akin si Mr. Sebastian. Ramdam ko ang pagdududa mula sa kanyang nanunuring mata.

Pero wala akong planong bawiin ang pasya ko. Napagpasyahan kong putulin na ang paghingi ko ng tulong kay Mr. Sebastian Lee.

"Mukhang alam ko na kung bakit." Mahina itong natawa.

"Kahit na bigyan kita lahat ng impormasyon ay palaging may kulang. Tama ba?"

"Maraming salamat po sa lahat ng naitulong nyo. Tatanawin ko itong malaking utang na loob."

"Anything Mr. Craige. Malaki rin ang utang na loob namin sa inyong amang tumulong sa amin nung nalugmok kami."

Payak na ngumiti na lang ako nang marinig na naman ang mga salitang 'yon. Ama...

"May kinalaman ang lahat ng ito sa matagal nyong pagkawala. Hindi ba?" Nakangising tanong nito. "Ano nga ba talaga ang nangyari sa inyo? Bakit bigla kayong naglaho?" Manghang tanong pa nito.

Hindi ako sumagot. Lahat ng nangyari sa amin ay mananatili na lang na bahagi ng aming nakaraan. Lahat ng nangyari sa loob ng impyerno ay kami lang ang makakaalam. Gaya ng pakiusap namin sa mga pulis na tumulong sa amin.

Mananatili sa amin ang lahat at hindi makakalabas.


"I'm sorry..." Bulong ko.

"A mystery that I can't resolve. So far, kayo pa lang ang nagpahirap sa akin ng ganito. Lahat ng kinalap kong impormasyon tungkol sa inyo... palaging may mali... kulang."

Hindi pa rin maalis ang pagkamangha sa kanyang mata at parang nachachallenge sya sa amin. Magaling si Mr. Sebastian, pero limitado 'yon at hindi nya sakop ang nangyari sa amin.

"Bakit namatay si Mr. Valdez? Bakit naging pula ang mata ni Lux?"

"Hindi nyo na po kailangang malaman." Mapait kong sagot.

Gusto kong tigilan nya kami at alam kong ang mga ganitong pangyayari ang nagpapanabik sa katulad nya. Gusto nyang nahihirapan sya sa paghanap ng sagot.

"Oh, sorry. I understand."

Napangisi na lang ako dahil hindi 'yon ang nakikita ko sa kanyang mata. Gusto nya pa ring malaman.

"Pero, kailangan nyong mas maging maingat. Hindi takot pumatay ang taong kalaban nyo."

"I know... Magiging mas maingat kami."

Tumango ito at ibinigay sa akin ang isang brown envelope na kanina pa nya hawak. Hinawakan ko lang ito at hindi binuksan.

"May kilala ka bang Nicky Colt?"

Kumunot ang noo ko nang marinig ang pangalan na 'yon.

"I conducted my own investigayion regarding Gardo's death. Alam mo naman na may kabagalan ang kapulisan. And I found out... her. Sya ang pumatay sa taong inatasan mong magbantay kay Zein."


Binuksan ko ang brown envelope. Halos tungkol lahat ito kay Nicky. Background nya pero walang nabanggit mula sa Hell University na malamang ay hindi naabot ni Mr. Sebastian.


"Kilala mo ba sya?"

"Friend of mine." Maikli kong sagot bago ibinalik muli sa loob ng brown envelope ang mga papeles.

Nakita ko ang gulat sa mata ni Mr. Lee nang sabihin ko 'yon.

"Another mystery. Bakit papatayin ng kaibigan mo ang nangangalaga sa iyong mahal? Anong rason nya? Masama? Mabuti? Para saan?"


Kung ano man 'yon alam kong may rason sya. Kung ano man 'yon ay iyon ang aalamin ko.

Bakit nga ba nya ginawa 'yon?

Napabuntong-hininga na lang ako dahil sumasakit na ang ulo ko sa mga nangyayari. Hindi ko na alam kung anong hakbang ang gagawin ko. Nalilito ako at nanatiling malabo ang lahat ng bagay.

"Natatakot ka..."

Natahimik ako sa sinabi ni Mr. Sebastian. Ni hindi ko magawang tumingin sa kanyang mata na iniiwasan ko. Tama sya... Natatakot ako.

Natatakot ako hindi para sa sarili ko. Natatakot ako para sa kanya, para sa amin.

"Bakit hindi mo sabihin kay Ms. Shion? Maiintindihan ka nya."

Sumandal ako sa upuan at ngumiti na lang. Akala ko mareresolba ko ito ng mag-isa. Hindi sumagi sa isip ko na darating ang araw na matatakot akong magsabi. Ayokong mabahala sya. Ayokong mawala ang ngiti sa kanyang labi dahil doon lang ako kumukuha ng lakas.


"Don't be selfish, Ace. Itinatago mo sa kanya ang mga bagay na dapat ay alam nya."

"I know... I-I just can't... Hindi ko alam kung paano o saan mag-uumpisa."

"Alam mo bang mas nanganganib ang babaeng 'yon dahil sa ginagawa mo?"

Nagulat ako sa sinabi nya. Seryoso ang mata nito habang nakatingin sa akin at alam kong hindi nya talaga gusto ang ginagawa kong paglilihim.

"Huwag kang magtataka kung dumating ang araw na... maglaho na lang sya."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi nya. Humigpit ang pagkakahawak ko sa brown envelope na sa tingin ko ay nalukot ko na. Hindi ko nagustuhan ang mga lumalabas sa bibig nya.

Tinatakot nya ba ako? Damn! Takot na takot ako.

"This is not just your battle. This is also her battle, no secrets, no worries."


Should I tell her? I think, I must.


"Hindi kayo dapat matakot sa inyong kalaban. Matakot kayo sa inyong sarili. Katakutan nyo ang mga sikretong itinatago nyo dahil ito ang gagamitin nila laban sa inyo."

Hindi maipagkakailang tagos sa puso lahat ng sinasabi nya. Tama sya at naiinis akong hindi ko maitama ang sarili ko. Sa tuwing nagtatangka akong magsabi kay Zein, natututop ako ng kanyang mga halakhak at ngiti.

"Be brave enough... Hindi basta-basta ang kalaban nyo."

Huminga ako ng malalim bago pinasilip ang ngiti sa aking labi. "Maraming salamat Mr. Lee, naiintindihan ko. I'll try... Susubukan ko." Bulong ko.

Susubukan kong buksan ang aking sarili. Uunti-untihin ko lahat hanggang sa makalaya na ako at mawalan na ang takot. Para kay Zein, para sa amin.


"Tungkol nga pala sa hinihiling mong bagong magbabantay kay Ms. Shion." Napatingin ako sa lalaking nakangising umupo sa aking tabi. Kinuha nito ang aking kape at ininom. "I want you to meet my son. Cedric." He introduced.


"Uh, nice meeting you... again. Ace Craige."

Hindi na ako nagulat dahil matagal ko ng alam na anak nya si Cedric pero nagulat ako na sya ang magbabantay kay Zein.

"Wala na po bang iba?" Tanong ko.

Narinig ko ang paghalakhak ni Cedric ngunit hindi ko ito pinansin.

"He's my best. Siya ang magaling sa ganitong bagay."

"Whoa. Thank you for the compliment dad but you forgot something... I'm Cedric. The best among the awesome."


Muli itong humalakhak ngunit nanatili akong seryoso. Alam ko na ang pagsagip ng nilalang na ito kay Zein. Nung mga panahon na pumunta kami sa race car competition at nung mga panahong minura nya ako dahil hindi ko binabantayan ng maayos si Zein.

Napabuntong-hininga na lang ako. "I think... I've no choice. Just name your price." Nakangising sambit ko.

Akala ko maaapakan ko ang kanyang ego pero mali ako. "1 million per one week. 5 million per one case. Bagsak na 'yan kumpara sa 20 million kong price sa isang tao." Nakangiting wika nito.

"Cedric." May pagbabantang wika ni Mr. Sebastian.

"As long as my future will be safe. Then, deal. Pero kapag may nangyaring masama kay Zein, ako mismo ang papatay sa'yo."

"Then, kill yourself now. Ilang beses ng muntik mamatay si Zein. Nasa tabi ka ba nya?"

Naramdaman ko ang pagbuo ng inis sa loob ko at ang mahigpit na pagkuyom ng kamao ko. Nagpupuyos ako dahil sa mga sinabi nya pero alam ko ang limitasyon ko.

"Alam ko na ang buong sikreto mo."

Natigilan ako sa sinabi nya at nakita ko rin ang pagkabigla sa mga mata ni Mr. Sebastian. Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam kung nananakot lang sya o talagang nalaman nya.


"This is the battle of secrets and I will always be here for Zein. Pinagkakaisahan nyo sya. 'Pag dumating ang araw na mawala na ang ngiti sa kanyang labi. Ako... ako mismo ang maglalayo sa kanya sa iyo."


Hindi ko na napigilan ang pagdapo ng kamao ko sa kanyang mukha. Napatayo si Mr. Sebastian at inilayo ang kanyang anak sa akin. Naghiyawan din ang mga customer dito.


"My girl is only mine! Itatak mo ito sa utak mo. Kahit na ako pa ang pinakamasamang tao sa mundo, akin pa rin sya. I'm selfish. I don't give up what's mine. Magkamatayan na... Akin lang sya, Mr. Cedric Lee."

Nakangising pinunasan nya ang kanyang labing pumutok. Pinapakalma rin sya ni Mr. Sebastian.

Hindi ko makalma ang sarili ko. Gusto ko syang sapakin hanggang sa mabura na ang kanyang mukha. I hate his guts.

"I'm a stealer. I can steal when you loosen the bond. Kaya kong pakawalan ang isang tao mula sa marupok na pagkakahawak. You don't deserve her."

Mapakla akong natawa at inis na hinawakan ang brown envelope. Tinagilid ko ang ulo ko para pakalmahin ang nag-aalab kong kamao.


"May hawak akong alas, Mr. Craige. Huwag mong hayaang ako pa mismo ang magsabi sa kanya ng lahat ng itinatago nyo."

"Then, go. I don't fucking care and will never give a damn."

"S.A.M.A.N.T.H.A" Pagleletra nya.

Natahimik ako at nakita ko ang pagkunot ng noo ni Mr. Sebastian. Alam na nga nya.

"A.L.L.I.S.O.N"

"Shut up."

"Z.E.I.N."

Hindi ako nakapagsalita at nakita ko ang pagsilip ng ngisi sa kanyang labi.

"H.E.L.L.U.N.I.V.E.R.S.I.T.Y"


Tumalikod na ako para umalis ngunit may pahabol syang sinabi na labi na ikinapukaw ng aking atensyon. Ang mga letrang nagpanginig sa akin.

"T.R.A.I.T.O.R"

Continue Reading

You'll Also Like

56M 988K 32
Join Lorelei and Loki as they unravel the threads of mystery, unveil the masks of evil intentions and put together the pieces of the puzzle in their...
16.2K 163 4
Ito po ay Fan Fiction lamang. Dala narin ng sobrang pagka-inspired sa istoryang HIH kaya ko nagawa ang fanfic na 'to. Hindi ko entensyon na pangunaha...
7.3K 56 5
this is spoken poetry originally made by me.
3.5M 99.6K 53
Brandish Eireen Varquez is one of the wealthiest clans of the Delafuentes, the "alpha" female of her generation who strikes a superior and powerful a...