Ang Mutya Ng Section E

By eatmore2behappy

134M 5.3M 3.3M

Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung... More

eatmore2behappy
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Not an update!
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 107
Chapter 108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 123
Chapter 124
Chapter 125
Chapter 125.02
Chapter 125.03
PART TWO
Part Two

Chapter 106

946K 37.2K 27.1K
By eatmore2behappy

University Visit 2.0

Aries's POV

["Andyan na sya! Wala na tayong magagawa! Bantayan mo nalang mabuti!"] Galit na utos ni Kuya sakin.

Agad ko syang tinawagan pagkadating namin sa University. There's a reason why Kuya didn't sign Jay-jay's waiver.

"Yun pa isang problema. Pagdating dito, dumikit agad sya sa mga classmate nya para hindi ko sya makita."

["Just make sure na hindi sila magkikita! Hindi pa pwede Aries! Baka magka-gulo lang!"]

"Alam ko. I'll do my best."

I ended the call. Masyado'ng maraming tao dito. Sure ako'ng mahihirapan silang magkita and beside hindi naman sya makikilala ni Jay-jay.

"Babe! Tara na!" Ella called me.

Mabilis akong naglakad palapit sa kanila. I'll just hope for the best right now.

+++++++++++++++++++++++++++++

Jay-jay's POV

Ang galing! Ang bilis kong nakapag-tago kay Aries. Mabuti nalang, nahawa ako ng pagiging ninja kay Mayo kahit konti.

"Kamusta naman kayo sa bus nyo?" Tanung sakin ni Ci-N.

"Ayos lang... Kayo ba?"

Ngumiti sya ng pagkalapad-lapad. Yung alam mong may nangyaring maganda sa kanya.

"Tabi kami ni Rakki... Sinandal ko yung ulo ko sa balikat nya. Ahihihihi." Sabi nya habang kinikilig-kilig pa.

Napa-ngiwi nalang ako. Tong bata na to, kakaiba! Dinaig pa yung babae, kapag kinilig.

"Pila na! Pila!" Sigaw ni Eman.

Dahil ako ang nag-iisang dalagang bukid dito sa amin. Ako na naman yung nasa unahan ng pila. Katabi ko si-----😒

"What?!" Inis na tanung sakin ng Hari ng mga ulupong.

"Ewan ko sayo..." Bulong ko na feeling ko narinig din nya.

Umayos kami ng pila at merong lalaki na lumapit samin. Naka-polo'ng dirty white sya at brown na pants. Meron din sya'ng sash na may nakalagay na 'Tour Guide'.

"Ako po ang inyong Tour Guide. Tawagin nyo po ako'ng Randy." Sabi nya.

Marami sya'ng pinaliwanag na eklabu na sa totoo lang hindi ko naintindihana. Lunch lang ata yung salitang nakilala ko.

Nag-simula na sya'ng maglakad kaya naman sumunod na kami. Pinaghalong luma at bago yung mga building dito. Ang lawak ng ground at ang daming istudyante.

Yayamanin!

"Pare.. chicks." Dinig kong sabi nila Rory.

"Ang una po nating pupuntahan ay ang history hall ng university kung saan makikita lahat ng board member at nagtayo ng school na to." Sabi ni Tour Guide.

Naglakad lang kami at pumasok sa isang lumang building. Pagpasok, puro bulletin board na agad ang bumungad sakin.

Kung anik-anik yung sinabi ni Tour guide na kinatamaran ko ng pakinggan. Sandali kaming huminto at natapat sa isang bulletin board. Hindi kagaya sa mga nauna, mas bago ang mga picture dito.

"Jay..." Tawag sakin ni Ci-N. "...kamag-anak mo?" Tanung nya sabay turo sa isang listahan na puno ng pangalan.

Lumapit ako at tinignan yung pangalang tinuturo nya.

Jasfher Mariano

Ang galing, kapangalan ko sya at kaapilyido. Yun nga lang, wala akong maalala na may kapangalan ako sa mga kamag-anak namin.

Umiling lang ako kay Ci-N. Tumingin pa kami sa mga bulletin ng may matapatan akong picture. Para kasing kilala ko yung nasa picture.

Pamilyar to sakin.

Para bang nakita ko na sya. Hindi ko lang maalala kung saan. Tinitigan ko pang mabuti pero hindi ko pa rin maalala. Lalaki na muka'ng ng nasa mid-40's.

Muli kami'ng tinawag ng Tour guide at nagsalita nung kung anu-anu. Pero wala sa kanya yung atensyon ko. Yung lalaki kasi sa picture, para kasing nakita ko na talaga sya. Hindi mapakali yung bulate sa utak ko dahil sa kanya.

Kung saan-saan pa kami dinala nitong Tour Guide. Wala na kong naintindihan sa sinabi nya. Dun pa rin sa picture yung focus ko. Nakarating kami sa cafeteria at dun kami pinakain.

"Huy... Jay!" Tawag sakin ni Ci-N.

"Huh?"

"Sabi ko kung kakainin mo pa yan?" Tanung nya sabay turo sa pagkain sa plato ko.

Umiling ako at nilapit sa kanya yung plato. Wala akong gana, marami naman akong kinain kanina kaya okay lang.

"May problema ba? Kanina ka pa tahimik." Puna ni David at halos lahat sila tumingin sakin.

"W-wala... Pagod lang ako."

"Are you sure about that? Kanina lang excited ka." Tanung ni Yuri.

Nag-nod lang ako sabay pilit ng ngiti. Ayoko'ng pati sila idamay pa sa isipin ko. Ako nalang bahala dun.

Bigla nalang dumamba si Felix sa table namin. Yumanig yung table at muntik ng tumaob yung mga baso.

"Anu ba yan?!"

"Felix naman!"

"Parang bata!"

"Good news!" Announce nya habang nakangiti.

Bigla nya'ng hinarap samin yung papel na hawak nya. Hindi ko maintindihan nung una kaya yung malalaking letter nalang binasa ko.

Scholarship Agreement and Approval

"Pinapirma kana?!" Gulat na tanung ko.

Buong ngiti na nag-nod si Felix kaya naman sabay-sabay kaming nagpalakpakan.

"At lahat ng to... Utang ko sayo." Sabi nya habang nakatingin sakin.

Akmang yayakapin na nya ko ng bigla'ng humarang yung kamay ni Yuri.

"Hindi na kailangan ng yakapan." Sabi nya.

Pare-pareho kaming nagpalitan ng tingin. Sa halip na magsalita bigla nalang dumamba ng yakap si Felix sakin.

Hala!

"Oy! Felix!" Sigaw ko.

"Bakit ba?! Gusto ko syang yakapin!" Sabi ni Felix.

Hindi pa nakakasagot si Yuri ng dumamba din ng yakap si Ci-N.

Anak ng...

"Ako din yayakap!" Sabi ni Ci habang nakangiti ng nakakaloko.

Sinubukan kong kumawala sa yakap nila pero bigla nalang ding yumakap si David sakin.

"Hala! Umaano ba kayo?!" Inis na tanung ko.

"Tignan mo si Keifer." Bulong sakin ni Ci-N.

Bakit ko gagawin yun?

Pero ginawa ko parin yung sinabi nya. Kingina! Muka na sya'ng papatay ng tao. Napalunok nalang ako.

"B-bitaw na... T-tama na yung yakapan." Sabi ko habang pilit kumakawala.

Pero ang Ci-N lalo pang hinigpitan ang yakap at hinimas-himas pa yung muka nya sa balikat ko na parang pusa.

Magsasalita na sana ako ng biglang hampasin ni Keifer yung lamesa. Lahat kami napatigil at napatingin sa kanya, pati mga istudyante ng University na to.

"Move away or i will cut your arms off?" Mahinahon pero ma-otoridad na tanung ni Keifer.

Sabay-sabay silang humiwalay sakin. Parang bata na kinagalitan si Ci-N, napayuko pa sya sabay pout.

Muli kaming tinawag ng Tour Guide. Sa theater na daw kami dahil magsasalita daw yung mga board member ng school.

Bumalik kami sa pila at muling sinundan yung Tour Guide. Panibagong building yung pinuntahan namin.

Pumasok kami sa malaking itim na pinto. Mukang eto na yung theater na sinasabi nila. Sobra'ng laki at ang daming upuan.

"Section E! Dito po tayo!" Tawag samin nung Tour Guide sabay turo ng pwesto namin.

Medyo dulo at likod na yung pwesto namin. Malayo na sa stage at parang nilayo talaga kami sa ibang Section.

Tsk! Pati ba naman dito!

Naghanap na kami ng mauupuan. Sandali kong nilingon yung katabi ko at----😒.

Yuri at Kiefer.

Ayokong katabi tong dalawa na to. Kundi ako mamatay sa pagka-buryong, mamatay ako sa tingin.

Next time nga didikit na ko kila Ci-N o kaya kay David. Nag-umpisa ng magsalita yung nasa stage kaya naman tumahimik na kami.

Iba't ibang tao yung nag-sasalita. Karamihan sa kanila wini-welcome lang kami. Pero isang tao yung umagaw ng atensyon ko

Yung lalaki sa picture sa may bulletin board. Sya yung kanina ko pa iniisip kung saan ko nakita. Sobra'ng pamilyar talaga sya sakin.

"Welcome sa Hemilton University! I'm Jasfher Mariano, one of the board member! We are happy to have you here! Blah blah blah blah..." Pakilala nya sa sarili nya.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Ganito rin yung pakiramdam ko nun, nung gusto kong makaharap si Percy at malaman kung sino sya.

"Jay... Bakit?" Tanung sakin ni Yuri.

Hindi ko sya pinansin. Ayaw maalis ng tingin ko sa lalaki'ng nagsasalita.

Jasfher Mariano!

Tang'na! Agad kong kinuha yung cellphone ko sa bag. Binuksan ko yung gallery at nag-swipe ng nag-swipe.

Bakit ba puro picture ni Ci-N to?

Nakagat ko nalang ang ibabang labi ko. Ramdam ko kasing matatapos na sya'ng magsalita. Baka hindi ko na sya maabutan kung hindi ako mag-mamadali.

Nahanap ko yung picture na kailangan ko. Kailangan ko para mapatunayan na kilala ko nga yung taong nasa harap at nagpakilala'ng Jasfher Mariano.

Yung picture namin ng Papa ko.

Yung nag-iisang picture namin. Sanggol pa ko at nasa harap kami ng hindi kilala'ng simbahan.

Kamuka nya!

Mas bata lang yung nasa picture na meron ako. Pero hindi ako pwedeng magkamali. Sya to! Kayalang Boy Mariano ang nakalagay sa birth certificate ko.

Kusa nalang tumulo yung luha ko.

"What's wrong?" Tanung sakin ni Keifer.

"S-si Papa ko..." Bulong ko at bahagya'ng hinarap sa kanya yung cellphone ko.

Sandali nya'ng tinignan yung picture at binalik sakin yun tingin nya. Mabilis sya'ng tumayo at agad na hinawakan ang kamay ko.

"Tara... Kung gusto mong maka-siguro, lapitan mo sya." sabi nya at pilit ako'ng hinatak.

Kahit sa totoo lang natatakot ako, tumayo din ako agad at hinayaan syang hatakin ako.

Sandali kami'ng tumingin sa stage yun nga lang nakababa na sya. Sasalubungin sana namin sya pero bigla nalang kami'ng hinarang ng Tour Guide.

"Sir, Ma'am bumalik na po kayo sa upuan nyo."

"You don't understand. We need to talk to that person." Inis na sabi ni Keifer.

Tumingin yung Tour Guide sa tinuro namin kaya agad kaming nakakuha ng pagkakataon ni Keifer para lusutan sya.

Mabilis kami'ng tumakbo pero paglabas namin ng building, hindi na namin sya nakita.

"Asan?" Tanung ko.

Panay ang tingin namin sa paligid. Hangang bigla nalang nanghatak ng kung sino itong si Keifer.

Hala!

"Huy Keifer!" Tawag ko sa kanya pero hindi nya ko pinansin.

"May nakita kabang lalaki'ng naka-business attire at may hawak na brief case?" Tanung nya sa dinampot nya.

"Marami!" Pabalang na sagot nung lalaki samin.

Agad syang nakakuha ng matalim na tingin mula kay Keifer. Sumingit na ko sa kanila at baka pagmulan pa ng away.

"Kuya... Baka po kilala nyo yung Jasfher Mariano? Kailangan ko lang po sya'ng maka-usap." Paki-usap ko.

"Hindi nyo sinabi agad! Yun lang pala eh... Papunta na syang parking ngayon." Sagot nya sabay turo sa kung saan.

Binitawan sya ni Keifer at agad akong nagpasalamat sa kanya. Lakad takbo ang ginawa namin marating lang yung parking.

Pero kung suswertihin ka nga naman! Ang laki ng parking nila, dinaig pa parking sa mall.

"You go that way! I'll search here!" Utos ni Keifer.

Mabilis akong tumakbo sa direksyon na tinuro ni Keifer. Lahat ng lalaki'ng pasakay ng kotse nila, nilapitan ko na ata.

Hinihingal na ko sa pagtakbo at pagtingin sa bawat sasakyan. Gusto ko ng sumuko dahil sa pagod. Hanggang sa may narinig akong nagsalita sa likod ko.

Dahan-dahan kong nilingon yun. Nang makita ko ng maayos, kusa nalang tumulo ang mga luha ko. Wala rin tigil sa pagtibok ng mabilis ang puso ko.

Kaharap ko na sya ngayon.

Hindi ako makapagsalita. Binuksan nya yung pinto ng kotse nya at ipinasok yung brief case na hawak nya.

Akmang sasakay na sya ng makita nya ko. Napatigil at para bang nagulat sya na makita ako. Sinara nya yung pinto ng kotse nya at sandali'ng nakipag-titigan sakin.

"J-jay-jay?" Tanung nya at bahagyang lumakad palapit sakin.

Kilala nya ko?! Shit!

"K-kilala nyo po ako?" Tanung ko at lumakad palapit sakanya.

Bigla nalang may tumulong luha galing sa mata nya.

"O-oo naman..." Huminga sya ng malalim. "...oh gad! Ang tagal kong hinintay ang araw na to." Sabi nya at sinuklay ng kamay ang buhok nya.

Mas lumakas ang pag-iyak ko. Halos hindi ako makahinga. Hindi ko alam kung dahil sa masaya ako at nakita ko na sya o dahil kilala nya ko pero hindi man lang sya nagpakita sakin.

Kahit alin dun, wala akong pakialam. Basta ang alam ko lang eto na sya.

"P-pwede ba kita'ng yakapin?" Tanung nya sakin.

Hindi na ko nagsalita. Nagkusa na kong lumapit at yumakap sa kanya. Mahigpit. Sobrang higpit na yakap ang binigay ko. Kung kailangan kong bawiin yung mga panahon na hindi ko sya nayakap, gagawin ko.

"Jay... I'm so sorry... Patawarin mo si Papa." Sabi nya habang nakayakap pa rin sakin.

Ang tagal kong hinintay na mabigkas ang mga salitang to. Yung salitang kikilala sa kanya at bubuo ng pagkatao ko.

"P-papa..."

Lalung humigpit ang yakap nya sakin. Pero hindi pa nagtatagal ang yakap na yun ng may bigla nalang humatak sakin at paglayuin kami.

"Bitiwan mo si Jay-jay!" Sigaw ni Aries.

"Aries!" Sigaw ko.

Mahigpit nya kong hinawakan sa braso. Masama ang tingin nya kay Papa.

"Umalis kana!" Utos ni Aries kay Papa.

"A-aries... Nakiki-usap ako. Gusto ko ng makasama yung anak ko." Paki-usap nya.

Kilala din nya si Aries?!

Sinubukan kong kumawala pero lalung humigpit yung hawak nya sakin.

Nasasaktan ako!

"Umalis kana kung ayaw mong sabihin ko to kay Tita Jeana!" Sigaw ulit ni Aries.

Tinignan ako ni Papa na para bang humihingi ng tawad. Bumalik sya sa kotse nya at mabilis na sumakay.

"Papa! Sandali lang!" Sigaw ko at sinubukan ko syang habulin.

Niyakap ako ni Aries mula sa likod para pigilan ako. Pilit akong kumakawala at lumalapit kay Papa.

"Sandali lang Pa!"

"Jay! Tumigil kana!"

"Bitiwan mo ko Aries!"

"Tumigil kana!"

Mabilis na umandar paalis yung kotse ni Papa. Napaluhod nalang ako ng bitiwan ako ni Aries. Gustuhin ko mang habulin para saan pa. Kusa naman syang lumayo at piniling iwan ako.

Nagpatuloy ang pagiyak ko. Hindi nga lang kapareho ng dahilan ng pagiyak ko kanina yung ngayon. Masakit kasing ngayon ko nalang sya nakita, pinili pa nyang iwan ako ulit.

"JAY-JAY!" malakas na sigaw ng kung sino at bigla nalang bumagsak si Aries sa sahig.

Natakpan ko nalang ang bibig ko sa pagkagulat. Hanggang sa may kamay na umalalay sakin sa pagtayo.

Yuri...

Andito din si Keifer at mukang sya yung nagpabagsak kay Aries.

"What happen?" Tanung ni Yuri.

Napatingin ako kay Keifer na mukang hinihintay din ang sagot ko.

"S-si Papa... N-nakita ko sya."










++Don't forget to Vote, Comment and Share. 😉 ++

Continue Reading

You'll Also Like

29.1M 1M 53
It's hard to prove yourself when everyone thinks that everything's being given to you on a silver platter. And in Siobhan Margarette's case, she'll d...
535K 19.7K 43
Si Crizel ay mahigit isang dekada ng bwisit na bwisit kay Kester Belleza. Mahigit isang dekada na nya itong sinusumpa. Kulang na lang ay ipakulam nya...
467K 22.7K 59
Renesmee Venice Esquivel was the only girl in the Last Section who overcame a harrowing and dark past. She was bruised, hurt, and full of scars in he...
43.8K 412 38
Book 2 of The Good Step Father She knew it was her fault.Her step dad was locked in prison for the crime of rape against her.Young and vulnerable,she...