Archimage Academy (completed)

By cindylyna

1.7M 37.8K 2.8K

Fantasia's Fairytale: Archimage Academy (School of Witchcraft and Wizardry) WELCOME TO ARCHIMAGE ACADEMY Scho... More

★ Archimage Academy
[Latest updates!]
★ Wiz 00: Prologue
★ Wiz O1: Black Building
★ Wiz O2: Guesstimate Game
★ Wiz 04: Letter
★ Wiz 05: Shopping
★ Wiz 06: The Exo Princes
★ Wiz 07: Trip to Fantasia
★ Wiz 08: House Dorms
★ Wiz 09: Identification Exam
★ Wiz 10: Discovered
★ Wiz 11: First day? Disaster!
★ Wiz 12: He's Incubus
★ Wiz 13: Night Woods
★ Wiz 14: Night at the forest
★ Wiz 15: Luciferus Sisters
★ Wiz 16: Hunting Game
★ Wiz 17: Lumphorn
★ Wiz 18: Lost
★ Wiz 19: Utopia City
★ Wiz 20: Four Seasons
★ Wiz 21: Tragedies
★ Wiz 22: Evacuate
★ Wiz 23: Torture
★ Wiz 24: Love is in the air
★ Wiz 25: First Mission
★ Wiz 26: Elementals (Earth)
★ Wiz 27: Elementals (Air)
★ Wiz 28: Elementals (Fire & Water)
★ Wiz 29: Royal Dragons
★ Wiz 30: Danger
★ Wiz 31: Fall all over
★ Wiz 32: The Keys
★ Wiz 33: Protego Horribilis
★ Wiz 34: She's back
★ Wiz 35: Memento Mori
★ Wiz 36: Autumn's death
★ Wiz 37: A taste of Victory
★ Wiz 38: Last magic
★ Wiz 39: Epilogue
[Characters Profile]
[Staffs]
[List of Magical Creatures]
[List of Magical Places]
[List of Magic Spells]
[List of Kingdoms in Fantasia]
[List Of House Dorms]
[Important notes ♥]
[Coming up!]
// Fantasy Writing Contest!

★ Wiz O3: Meet Albus

59.4K 1.5K 114
By cindylyna

Edited.

May compilations of drawing po ako. Pag may time kayo tingnan niyo sa Fb may page ako :) Art Bloomers.

Uma-Artist ang peg ko char! Enjoy kayo.

***

Chapter 3

"Why?" Zhey just ignored my death glare. 'Di man lang natinag sa mga tingin ko.

Wala na akong nagawa dahil lumabas na 'check sign form' it means tama ang sagot niya. Akala ko talaga kasinlaki ng munggo ang utak ni Zhey nagkamali ako.

"Woahh, I don't know that you have a brain cousin," I said to her. Hindi ko rin napigilang ngumiti. Hanga na ako sa kanya.

"I told you hehe," chin up at nakangiting na sabi ni Zhey.

Tama na ang pagbubunyi masyado na talaga kaming nag-aaksaya ng oras ganitong kalokohan. Kung sino man ang nagpakulo nito hindi sila nakakatuwa. May lumabas na naman na mga umiilaw na letra sa pader. Aatakihin na talaga ako sa sobrang takotㅡmasyadong mahiwaga.

"Guess what? what can you hold without your hands?" I read the last logic.

Simple and short question but it is difficult. It takes time to answer. Bakit ganun? ang ikli nga pero parang pinipiga ang brain cells ko.

This time, nagseryoso na kami at the same time ay kinakabahan sapagkat ito na ang huling pagkakataon namin upang makalabas na sa kakaibang gusaling pinasukan namin.

Sa gitna ng eksenang 'yun naramdaman ko ang malakas ngunit malamig na hangin ang dumaan. Nagsitayuan kusa ang mga balahibo ko ng humangin ng malakas sa loob, nagsiliparan din ang mga papel na nakakalat at pati ang lumang kurtina na nakasabit sa sirang bintana ay humangin. Okay, this is weird.

Alam ko ang mga ganitong eksena na parang sa horror movies. Lena dapat mo na talagang tigilan ang kapapanuod mo ng nakakatakot.

Napatingin ako sa bandang bintana at doon ko napansin na magdidilim na. Wait, hangin? Air, wind?

"I think it's air?" ito ang katagang namutawi sa bibig ko nang makakuha ako ng clue mula sa paghangin kanina.

Siguro naman tama ako? Ang sagot ay hangin I guess.

"Final?" Zhey asked and I just nodded.

"Then try it! Mr. Strange Wall our answer is air!" lakas na loob na sagot ni Zhey kay Mr. Wall. Tss, kalokohan ito. Pero sana tumama minsan lang gumana ang utak ko tapos sa ganito pang walang kuwentang laro.

But the hope in our faces turn down into dissapointment when the ex sign formed on the strange wall.

"Mali?!" hindi ko makapaniwalang sabi. Minsan na nga lang sumagot mali pa. Nakakahiya, mas magaling pa pala sa akin si Zhey. Pero 'di namin inaasahan ang susunod na nangyari.

We were shocked and scared when the wind started to spinned violently.

To the point na nagliliparan ang mga papel, upuan, libro at ibang bagay sa library. Napayakap kaming dalawa sa sobrang takot at kaba. Parang may ipo-ipo ang nagaganap.

"Yuko!" I screamed on top of my lungs when the arm chair flew.

Nag-duct, cover and hold kami na animo'y may earthquake drill na nagaganap. But the wind didn't stop spinning. The heck! Ano bang nangyayari?

"Ano ng gagawin natin?!" tanong ni Zhey habang nakayuko at halos mangiyak ngiyak.

"We need to answer that question to end this stuff!" napamura na ako sa mga kababalaghan nangyayari. Yumuko ako bigla nang muntikan na akong matamaan ng lumilipad na libro take note hard bound pa. That was close.

Luckily, nakahanap ako ng sirang kahoy at pinanggsanga sa mga flying objects.

"Waah, ang lollipop ko!" sigaw ni Zhey nang nilipad ang kanyang mga lollipop na nasa bulsa niya pero mukhang 'di niya napansin na may tatama sa kanya na isang figurine. Malas talaga!

"Zhey!" I tried to warned her but it's too late. Tuluyan na siyang nakatayo at nakahakbang.

The figurine hitted Zhey on her forehead. Napaatras si Zhey sapo ang kanyang noo. Ang kulit naman kasi. Hinatak ko siya paupo at nagtago kami sa ilalim ng lamesa.

"Oh my gosh Zhey! You okay?" nag-aalala kong tanong sa pinsan ko at tinapat ko ang flashlight sa kanya. Napansin kong may sugat siya sa noo.

"Y-Yeah," Zhey answered at patuloy pa rin ang pagwawala ng hangin.

"What can you hold without your hand? Air? wind? A-ano ba?" pilit kong na pinapagana ang isip ko. Pero 'di gumagana ng maayos ang utak ko sa sobrang takot.

"Hold your breath ahh!" sigaw mayamaya ni Zhey nang babagsak sa amin ang luma at malaking painting ni Monalisa na nakasabit malapit sa amin.

Sa puntong iyon nagsiganahan bigla ang aking brain cells. Naisip ko ang tamang sagot. Bahala na walang masama kung susugal ka.

"Final answer is breath!" sigaw ko at saka pumikit. Naramdaman kong yumakap sa akin si Zhey. Last chance na ito na kaya dapat ay tama.

"Aaaaaaaah!" Slow motion na bumabagsak ang higanteng painting sa amin. We closed our eyes as the end of the world.

Pero makalipas ang ilang segundo naramdaman kong humina bigla ang hangin at tumigil ang pagliliparan ng mga gamit. Lumuwag ang pagkakayakap ni Zhey at sabay kaming dumilat.

Gayon na lamang ang tuwa ko at relief na naramdaman. "Tama! Ang galing mo Lena. Makakalabas na tayo!" masayang wika ni Zhey. Tama ang sagot ko kaya dahil doon nakahinga na rin ako sa wakas. Pero hindi pa ito ang tamang oras upang magdiwang.

"No, hindi pa tapos…" wika ko kaya napatigil sa pagsasaya at napatingin si Zhey sa akin.

"'Di ba ang sabi sa sulat kanina 'be ready to open the close'? So, may mabubukas. Hindi mo ba naalala?" I reminded about the rules that I nearly remembered.

Pero bago pa niya maalala mula sa pader kanina may lumitaw na isang bilog na nagliliwanag at umiikot.

Ano iyan?

Agad kaming napaatras at nagulat sa biglang paglitaw nito.

"Aaah!" napatakip kami ng mata dahil nakakasilaw ang liwanag nito.

Mayamaya, humina ang liwanag dito at nakita na namin kung ano ito.

Para itong isang portal. Mababaliw na ako, ano naman ba ito? Kailan pa ba ito matatapos?

"I-Ito na ba iyon?" manghang wika ni Zhey na imbes na matakot ay amaze na amaze pa siya.

Humakbang siya palapit sa portal which is isang malaking pagkakamali. Nagulat ako nang biglang higupin ang paa ni Zhey.

"Aaah! Lena tulong!" sigaw niya sa akin. Kaya lumapit ako at hinila ang kanyang dalawang kamay.

"Ahhh!" I groaned loudly. Kalahati na ng katawan niya ang nahigop ng portal sadyang napakalakas ng pwersaㅡparang magnet.

"Pinsan!" inabot ni Zhey ang dalawang kamay ko kaya pati ako ay nahihigop na rin.

"Waah!" binigay ko na ang lahat ng lakas ko pero pati ako nahihigop na rin.

"No!" hanggang sa tuluyan ng nalamon ang buong katawan ko at ni Zhey.

***

Magkahalong takot, kaba at saya ang nararamdaman ko nang paikot -ikot akong dumaan sa portal.

Wala akong nagawa kundi sumigaw, humingi ng tulong at magdasal na sana mabuhay pa ako pagkatapos nito.

Hanggang sa isa-isa kaming niluwa ng malaking portal at bumagsak sa isang kutson.

Kutson?

"Ouchh, my nose!" huling akong nahulog from the strange circle at buti malambot ang binagsakan namin.

Nang mahimasmasan na kami ay nagawa na namin makatayo kahit nangangatog ang tuhod ko. "Nasaan na tayo?" tanong ni Zhey at saka ko nilibot ang mga mata ko.

Wow, literal na napanganga ako ng namangha ako sa nakikita ko.

Blue and windy sky na may nakasabit na chandinier. Oo pero meron nga! Kumikintab pa nga. Ang weird.

Tapos nakapaligid sa amin ay mga malalaki as in super gigantic book shelves na may milyon milyong aklat.

Wow, lahat na yata ng libro sa buong mundo ay nandito na kaya nagti-twinkle twinkle na ang mga mata ko. Book lover kaya ako.

Sa bawat corner nito ay may stairs 'yung bang parang stairway nakalutang ang mga baitang.

"Mukhang nasa library na naman tayo," sambit ni Zhey. Pinagsawa namin ang mga mata namin sa nakaka-amaze na tanawin.

Pero naputol ang pagpapantasya namin ng may maliit akakatakot na boses ang lumitaw.

"Welcome my lucky students na masuwerteng napili ng kapalaran…" Napaigtad ako sa narinig ko. Parang boses ng tiyanak.

"S-Sino ka? Magpakita ka!" sabi ni Zhey kaso binatukan ko siya.

"Bakit mong sinabing magpakita? baka halimaw iyan!" bulong ko.

"Ako si Albus ang tagapangalaga ng lugar na ito at isang mensahero sa pagitan ng Utopia at sa mundo ng mga tao," muling wika niya.

Mula sa likod namin may lumitaw na isang matandang may maputi at mahabang balbas at buhok na umabot na sa lupa, hanggang tuhod ko, nakasuot na mahabang robe at cape, may tungkod, mahaba ang ilong parang pinoccio at may pointed hat sa ulo parang duwende.

"Duwende!" takot na takot na sigaw ni Zhey saka nagtago sa likod ko. Ako naman nanigas lalo ng maglakad siya papunta sa akin. Totoo nga ang usap-usapan na may mga lamang lupa sa school.

"Hindi ako duwende! Isa akong gnome. Wag kayong matakot harmless ako hindi ako nanakit," paliwanag niya nang medyo nakangiti.

"Gnome?"

"Gnome is an ageless and deformed of dwarf who lives in the earth and usually guards treasures," sagot ni Albus. Grabe ang dami niyang alam. May merriam webster ba siya sa utak niya?

"Bakit napunta kami dito? At anong kailangan niyo?" tanong ko dito.

"Okay sasagutin ko iyan kung uupo kayo du'n. Ang tatangkad niyo!" nailang na ngumiti ako dahil sa sinabi niya. Umupo nga kami sa upuan.

Teka kailan pa nagkaupuan dito? kanina may kutson diyan ah! Nevermind.

"Kayong dalawa ay ilan sa mapapalad na mabibigyan ng tiyansa na makapag-aral sa isang kakaibang eskwelahan isa marahil ay dahil nabuksan niyo ang lagusan na ito. At ito ang inyong sulat mula sa eskwelahan na 'yun." mula sa kanyang makapal na balbas may kinuha siyang anim na papel na nakasobre.

I think it's a letter? Tinanggap namin ito.

"Woop. Wag niyo munang bubuksan iyan dito!" Albus warned us and he sealed the letter. How he did it?

"Wait, can you explain it to us? What's that school? at paano kaming masuwerte ha?" walang galang na tanong ni Zhey. Mapapahamak talaga ako dito.

"Hmm… 'di ako maaring magkuwento sa inyo isa lang akong mensahero ng sulat na iyan pero may isang tao ang pwedeng magexplain sa inyo iyan. Ang may alam," Albus said na hawak ang kanyang balbas.

Ilang taon na kaya siya? 'di ko maiwasang mag-isip.

"Sino po?" I asked.

"Ang iyong ama," diretsahang sagot nito.

Si Dad?

"Si Daddy? At bakit naman po siya nasama dito?" gulat na gulat kong tanong at napatayo na ako.

"He can explain it," simpleng sagot ulit nito at palakad lakad sa harapan namin.

"Paano po kung ayaw namin ito?" tanong ni Zhey habang hawak ang sulat.

"Well, masasabi ko lang ay 'di niyo pwedeng iwasan o suwayin ang kapalaran niyo. Maraming kapalit ang pagdadaan niyo at sa ayaw man o gusto niyo nakatakda na sa inyo ito. Hindi niyo ito maaring tanggihan ito dahil hindi niyo gugustuhin ang mangyayari sa inyo. Iyon lamang marami pa akong gagawin kaya ibabalik ko na kayo sa mundo niyo. Paalam…"

"T-teka!ㅡ" bago pa kami makapagsalita ay parang nagcast siya ng spell na dahilang kung bakit.

Lumiwanag.

And everything turns to black…

***

LIBRARY.

"Jusko mga batang ito! Dito pa naisipang mag-camping. Alas otso na! GISING!" isang nakakairitang boses ang gumising sa amin.

"Aww! sino ba 'yun?!" galit kong sabi.

"Ako ito ang yaya niyo. Lagot ako sa daddy mo nito eh! Kanina pa kayo hinihintay ng sundo mo." Napadilat ako bigla at nilibot ko ang mga mata ko.

Nasa creepy library pala ako at nakatulog kami? Teka parang may nangyari eh.

Ramdam kong sumakit ang katawan ko. Parang may ginawa akong mabigat. Napaisip ako ng malalim.

Aha! Natandaan ko na! 'Yung Game, 'yung si albus, 'yung portal ba 'yun?

Pero pagtingin ko sa paderㅡha? Magkadikit naman ang dalawang book shelves. Weird.

"Grabe nanaginip daw ako na may mga hiwagang nangyari dito Yaya!" kwento ni Zhey kay Yaya habang tumatayo kami.

Nandito pala ang yaya namin, isang teacher at dalawang guards ng school naku mukhang nawawala kami.

"Talaga? ganu'n din ang panaginip ko eh." napakunot ang noo ni Zhey dahil magkapareho kami ng panaginip.

Wooo, thanks to God Nakalabas na ako ng buhay sa Black building. Pramis 'di na ako pupunta diyan as gin never.

"Pero parang totoo? Wait kasama sa dream ko eh natamaan ng figurine!" sabi ko.

Wait! Tanging magpapakatotoo nito ay kung may sugat sa noo si Zhey. Kapag meron nga edi nangyari nga kapag wala edi it's just a dream baka pareho lang kami.

"Bakit?" tanong ni Zhey nang humarap ako sa kanya.

"Patingin lang ng noo mo," sabi ko at tiningnan ko ang noo ni Zhey.

***

Albus po! Ang ating cute na gnome.

Vote na!

~Lyn.

Continue Reading

You'll Also Like

242K 11.4K 49
THANK YOU @thehappybutsad FOR THE BOOK COVER SET <3 LOVE IT SO MUCH! <3 MINT ACADEMY SERIES #4 You lost you friends, family and love ones what...
1.8M 181K 205
Online Game# 2: MILAN X DION
7K 614 35
Academy na puro babae lang ang mga studyante, ngunit sa pag pasok sa paaralang ito, maraming sikreto ang mabubunyag at mga tanong ang masasagot. Kaka...
638K 20.7K 67
Montague Academy has a perfect reputation-a famous school known for its identity as "the School for the Elites," where most of its students come from...