I Know Places (COMPLETED)

By Ellisire

1.3K 93 19

You stand with your hand on my waist line It's a scene and we're out here in plain sight I can hear them... More

1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
Alex's Letter

20

26 2 0
By Ellisire

Shin's POV

Nakarating na ako sa woods ng beach, wala pa rin akong Brigitte Anne na nakikita at nahahanap. Wala rin akong nase-sense na movement sa paligid ko kaya umalis na ako sa kinatatayuan ko at mas lalong tinahak ang papasok ng gubat.

Where the hell is she?! Masasapak ko talaga siya kapag nakita ko siya! Bakit ba siya aalis ng mag-isa eh alam naman niya sa sarili niya na isa't kalahating tanga siya pagdating sa mga direction? Makakalbo ko talaga siya kapag nakita ko siya.

"Shin! Shin!" Narinig kong pagtawag sa 'kin ni Kris kaya't nilingon ko siya.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko nung makalapit na siya sa 'kin.

"Looking for you." Hingal niyang sabi.

"Hindi ako ang nawawala. Si Brigitte." Sabi ko sa kanya at naglakad na.

"Hindi ka ba natatakot dito? Baka mamaya may mga monsters na sinasabi mo." Sabi niya at hinarap ko siya.

"I know how to walk. I can fight in land. Mauna ka na kung takot ka." Sagot ko sa kanya.

"I'm scared for you! Paano kung maulit na naman sa 'yo 'yong nangyari sa kwarto mo non? I don't want that to fucking happen again!" Sigaw niya at napataas ang kilay ko.

"Kris, that can and it will happen all the time." Sabi ko at naglakad na.

"Nahanap na nila si Brigitte. Let's go." Sabi niya ng makalayo na ako nang bahagya sa kanya.

"Are you sure?" Tanong ko sa kanya.

"Yes." Sagot niya at nauna na akong maglakad pabalik sa kanya.

The walk back to the resthouse was quiet. Wala rin akong balak na kausapin siya dahil baka maibulaslas ko lang sa kanya yung pagkapikon at pagtataka ko ron sa babaeng kanina niya pa kasama.

"Where the hell did you go?" Tanong ko kay Brigitte pagpasok ko sa kwarto namin.

"Sorry na babes. Di ko naman sinasadyang mawala." Sabi niya at napairap ako sa kanya.

"Dapat sa phone mo nilalalagyan ng tracker eh." Sabi ko sa kanya at inirapan.

"Sige. Palagyan naman. Pati ako lagyan mo na. Para alam ko na kung saan ako lulugar." Sabi niya at ngumiti nang malungkot sa 'kin at naglakad papasok sa banyo.

"What the hell happened?" Tanong ko kay Delanxe at nagkatinginan kaming dalawa.

"Ewan. Baka natripan mag-drama." Sabi niya at humiga na sa kama ko.

Sandali kaming natahimik ni Delanxe at nung makalabas si Brigitte sa banyo ay nagsalita na ako.

"Wag kayong aalis sa kama niyo. Don't look at me, may itatanong ako sa inyo. Pero wag niyo 'ko tignan." Sabi ko sa kanila at nag 'okay' naman sila sa akin.

"Anong tawag sa feelings mo kapag bumibilis yung tibok ng puso mo sa ibang bagay na ginagawa niya? Anong tawag dun kapag nagseselos ka kasi may ibang babaeng malapit sa kanya? Kapag magkahiwalay kayo, tas hinahanap-hanap mo siya, anong tawag dun? Kapag magkasama kayo, tas pakiramdam mo kayo lang yung tao sa mundo, kapag kaya niyang baguhin yung mood mo nang sobrang bilis dahil lang sa simpleng bagay na ginagawa niya, anong tawag dun? Nalilito ako." Dire-diretso kong tanong sa kanila at naramdaman ko na sila sa may paanan ko at nakatingin sakin ng nanglalaki ang mata. Hindi ko sila tinignan at patuloy pa rin akong nakatingin sa kisame.

Kakasabi ko lang na wag ako titignan, tapos ngayon pinangdidilatan pa ko ng mata?

"Omg babes. Si Kris ba yan?" Tanong nila pero hindi ako sumagot at pumikit lang at huminga nang malalim. Realizing what I've said, I'm so dead.

Hindi ko alam kung dapat ko bang itigil 'tong nararamdaman ko para sa kanya, kung dapat ko namang itigil, hindi ko alam kung makakatigil pa ko. Hindi ko alam kung makakalayo pa ako.

"Ako yung nagtatanong sa inyo, bat may bumalik sakin na tanong?" Tanong ko sa kanila at umupo sa kama.

"Siyempre curious ang lola mo. So answer our question na kasi. Si Kris yan?" Tanong ni Brigitte.

"Kailan ka pa naging conyo?" Tanong ko sa kanya.

"Ewan ko ba. Maybe I make hawa rin sa mga girl na 'yon na friends with your kuya and our kaibigan Delanxe." Sabi pa niya habang lalong nag-iinarte.

"What the fudge, Brigitte." Sabi ni Delanxe sabay bato ng unan.

"Ano ba? Nagtatanong ako oh." Pagatataray ko sa kanila.

"Init naman ng ulo nito."

"Oo nga. Pwede na magpatong ng kawali diyan sa ulo mo tas magluto ng itlog."

"Hala gusto ko ng itlog."

"Hala ako rin."

"Luto tayo."

"Ikaw Shin, gusto mo?"

"Ano?!" Hysterical na sigaw ko sa kanila. Kailan ba sila magiging matinong kausap?!

"Sabi ko kung gusto mo rin ng itlog, ipagluluto ka rin namin." Pag-uulit ni Delanxe at napapikit ako nang mariin.

"No thanks."

"Hala bat ka nagalit?"

"Bugarets ka kasi. Alam mo naman na hindi naglalafang ng egg ang baklang yan." Sabi ni Brigitte sa kanya habang tinutulak siya palabas ng kwarto namin.

Yung pagtatanong ko nauwi sa pagluluto nila ng itlog. Nice.

***

"Shin, pasok na." Sabi ni kuya Miere at pumasok na ako sa van.

"Kris." Sabi niya at naghiyawan naman sila pero parehas kaming walang imik ni Kris nung tumabi siya sa 'kin at sinalpak ko na lang yung earphones ko sa tenga ko.

The ride on the way to the airport was peaceful. Walang nagsasalita sa amin. Hindi ko rin alam kung bakit pero mas gusto ko muna 'yon sa ngayon kesa inaasar nila kami ni Kris. I don't want to give him false hope. That'll suck.

"Nakauwi rin!!" Sigaw ni Blake pagkapasok niya sa bahay namin. Back at it again at the subdivision house.

"Nanay Corazon! Namiss kita!" Pagwawala ni Blake sa loob ng bahay at natataranta naman lumabas si Nanay mula sa kusino at dali-dali niya kaming niyakap.

"Napakalambing naman nitong batang ito." Natatawang sabi ni nanay.

"Para magselos asawa mo." Sabi ni Blake at natawa lalo nang malakas si nanay.

"Kumain na ba kayo?" Tanong niya at tumango naman kami.

"Tahimik ata si Shin?" Tanong ni nanay at napatingin sila sakin.

Nagpanggap akong may hinahanap sa bag ko at nung tumingin ulit ako sa kanila ay hindi na sila nakatingin sakin.

"Magpapahinga lang ako sa taas." Sabi ko at naglakad na papunta sa kwarto ko.

"Nakakapagod!" Sigaw ko at tumalon sa kama ko para mahiga.

"Woah babe na-miss kita." Sabi ko at nagpagulong-gulong sa kama ko.

Ang tagal ko na ring hindi nakakatulog dito sa kama ko. Nakakamiss din 'tong kwarto ko. But I like my unit more.

***

"What the hell?" Sabi ko kay Dela Cruz. Ang principal ng Easton University na pag-aari namin.

Nandito kami ngayon sa meeting and Dela Cruz over here is suggesting some ideas. In example making his students work like a robot and control them.

"But this will be great! We've been creating a formula since 2010. We just need the test subjects." Sabi niya at napairap ako at napatango ang ibang mafia leaders.

"And your students will be your test subjects? Don't be stupid. You're proposing your plan to a White Mafia. Gamitin niyo ang utak niyo. Lalo ka na, Dela cruz." Sabi ko at tinignan sila nang masama.

"But we will gain lots of money. Kapag naging matagumpay ang experiment nila, pwede natin itong ibenta sa ibang companies. Or we can use the students as our reapers!" Sabi ng isang mafia leader, sign of agreeing with Dela Cruz. I don't need his fucking opinion.

"Magkano ba ang perang gusto mo nang maisupalpal ko sa mukha mo? I didn't know na ang dami niyo na mukhang pera." Natatawa kong saad sa kanila.

"Hindi porque ikaw ang pinaka leader dito may karapatan ka nang sabihan kami ng ganyan." Malamig na sabi ng isang leader pa.

"Have some fucking respect." Giit ni kuya Jin at tinignan nang masama ang lalaki.

"No. Let him. Tignan natin kung hanggang saan niya kaya." Sabi ko at tinignan nang masama yung lalaki.

"Do you want me to knock some fucking senses to you? Gagawin mong test subjects ang mga estudyante for fuck's sake! You're going to drug innocent students of MY school just for YOU to earn money?! Do not disobey me because you are nobody in here!" Sigaw ko sa kanya at natahimik ang buong hall.

"Don't act so tough. You're just a fucking highschool student." Sabi ulit sakin nung lalaki.

With a blink of an eye I was already on top of him breaking his nose and busting his lips open.

"A reminder that a high school student beat the shit out of you with a blink of an eye." Sabi ko at tinadyakan siya sa balikat.

"For those who agreed on his plan," sabi ko sabay turo kay Dela Cruz. "I want you all out of this mafia. Now." Malamig kong sagot sa kanila.

"You'll also regret turning down my proposal." Sabi ni Dela Cruz sa akin at nagpantig ang tenga ko.

Nagsabay-sabay sila sa pagrereklamo sa akin at nakagat ko ang labi ko sa sobrang pagpigil ng galit ko sa kanila.

Kinuha ko ang isang baril sa ilalim ng lamesa ko at ipinutok ito malapit kay Dela Cruz at sinigurado kong nagkaroon ng mababaw na sugat sa sentido niya.

Natahimik sila at napatingin sa akin nang may gulat at takot na ekspresyon.

It looks like the leaders are looking down on me dahil lang nalaman nila na high school student lang ako.

"Leave or I'll turn this fucking hall into a bloodbath." Mariin kong sabi sa mga sumang ayon kay Dela Cruz kanina at agad silang naglabasan with fears on their eyes.

"Subukan niyong gawin ang mga ginawa nila, ako mismo ang maglalagay sa inyo sa lugar niyo. Dismissed." Sabi ko at naglakad palabas. Isinara ko nang malakas ang pinto kaya nabasag ang salamin nito bago pa man sila makalabas.

Don't press the bitch button.

Continue Reading

You'll Also Like

350K 4.3K 80
Nalaman mo nga na princess ka, tapos biglang malalaman mo na ang pagiging prinsesa mo may mga kadugtong pa... isa na doon ang pagiging Ampon mo tapos...
1.1M 48.1K 152
Pa-like po ng status, miss maam. An epistolary.
20.5K 494 10
"Nerd,Matalino,Top Natcher(correct Ba yung Spelling),BookWorm,Manang Manamit,Big Glasses,Braces and Cold Na Nerd....Akalain Mo yun May Nerd Pa Palang...
33.9K 413 77
Quotes ● Jokes ● Banats ● Sayings Unknownimous_ ♡