Stuck Forever with You (Stuck...

By NerdyIrel

16.3M 184K 62.6K

Meet Kathryn Bernado. Contented na siya sa buhay niya dahil for her, everything's more than perfect na. She's... More

Stuck in the Moment (book 1)
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Epilogue
Author's Note

Chapter 53

130K 2.3K 868
By NerdyIrel

Lahat ng bagay, may dahilan. May reason.

Kaya kung ano man mangyayare----WAHAHAHAHA. De joke.

Oh ito na, update ko :)

Xoxo.

#GotToBelieve ANG SAKIT NG NANGYAYARI AH.

Badboy joaquin na :(

-----------------------------------

Chapter 53

Kathryn’s POV

Nakasimangot lang sakin sila Julia nung nakita nilang HINDI ko talaga isinuot yung swimsuit na binigay nila.

Silang tatlo, ang sesexy tignan.

Ako lang ang hindi.

Well, MEDYO sexy naman.

Kasi naka-swimsuit din ako.

Though may shorts at pinatungan ko yung pantaas ko ng manipis na pantaas pero kita pa rin yung loob.

Binitawan ko muna yung kamay ni Daniel tapos tumakbo ako papunta kila Zharm.

“Sorry girls, ayaw ni DJ” Page-explain ko.

AYAW NAMIN ni daniel. HAHAHAHA.

Inirapan nila si DJ sabay nagulat ako nung lumapit sila sa boyfriend ko.

Bea: “HOY IKAW!”

Zharm: “ANG POSSESSIVE MO”

Julia: “Oo nga! SAYANG YUNG BINILI KO!”

Napatingin si Daniel sa kanila.

Sila Diego, tatawa-tawa na.

“Huh? Bakit? Ano?”

Bea: “BAKIT MO YOUR FACE!”

Zharm: “Bwist ka!”

Julia: “Ang OA mo!”

NAtatawa na ko sa kanila.

Gait na galit sila kay Daniel.

Is it really a big deal na magsuot ako ng two-piece? HAHAHAHA.

Mukhang nagets na sila ni DJ kaya natawa bigla itong mokong na ito.

“Ahhh! Nagagalit kayo kasi hindi ko pinagsuot ng two-piece si kath? HAHAHAHA oh bakit? Sorry ah, ayoko kasing magmukhang ewan ang girlfriend ko. Di kasi ako katulad nitong mga tropa ko na hinahayaan ibandera ang mga bilbil ng gf nila sa beach”

Nag-apir pa sila Diego, Albie at Jake tapos tawa sila ng tawa.

ANO?

Julia: “HOY! ANO SABI MO?”

Zharm: “KAMI? MAY BILBIL?”

Bea: “ANG SAMA MO!”

Me: “GRABE KA!”

Kahit ako, nainis na.

So, yun pala reason kung bakit ayaw niya ko pagsuotin ng swimsuit.

KASI DAW MAY BILBIL AKO!

(-_-)

Humanda ka sakin!

At dahil busy yung mga boys sa kakatawa at kakakain ng mga pagkain dito sa tabi ng beach, di nila napansin na naglakad na ko pabalik ng hotel.

Makikita mo ang sinasabi mong hindi sexy Daniel!

Magsisisi ka talaga na sinabi mo yun!

Dali-dali akong pumunta sa room ko at nagpalit ng damit.

Siguro nga mahiyain ako pero ang onti kaya ng tao sa beach!

Ilalantad ko na talaga katawan ko.

Ayoko kasi yung iniinsulto ako.

I mean, MODEL ako.

Pinaghirapan ko yung katawan ko.

Napunta akong gym paminsan-minsan noon.

And it sucks na sasabihan akong may bilbil.

WALA KAYA AKONG TABA SA KATAWAN!

Pagkapalit ko, nilagay ko yung pantaas ko na manipis para di ako ganung pagtinginan dito sa hotel.

Di na ko nag-dare tingan sarili ko  sa salamin.

At bago pa magbago ang isip ko, lumabas na ko ng room ko.

Paglakad ko papunta kila Daniel, tinanggal ko yung pagkakapusod ng buhok ko tapos yung manipis na pantaas ko, inalis ko na rin.

“Sino yung sabi mong may bilbil?” Tanong ko kay Daniel nung nakalapit na ko sa likuran niya.

Napatingin siya sakin.

Lahat sila nanahimik.

Kahit sila Diego, Albie at Jake.

Kahit sila Julia, Bea at Zharm.

Ang laki ng ngiti ko nung napansin kong titig na titig si DJ sakin.

Well….sa katawan ko…pero napatitig din naman siya sa mga mata ko nung bumalik na siya sa sarili niya.

*silence*

“Whitwiw!”

“Uy chicks!”

“Sexy mo miss!”

“Patikim!”

Napalingon ako dun sa isang grupo ng mga lalake na dumaan.

Pagtingin ko sa kanila, mga nagsingitian sila sakin.

“Tarantado yun ah! HOY MGA GAGO! GIRLFRIEND KO BINABASTOS NIYO!” Sigaw ni Daniel.

Napatigil yung mga lalake sa paglalakad.

Sila Diego, lumapit samin nila DJ.

Albie: “Ano pre? Patulan na natin?”

Jake: “Isang go signal lang”

Diego: “Mga sira ulo eh”

O_O

Nakakatakot tignan yung apat.

Halatang mga nabadtrip.

Kung palagi silang nagpapatawa, may time din palang, kapag sumeryoso sila, matatakot ka talaga.

Nakalimutan ko palang mga basagulero sila noon.

“DJ, tama na” Hinila ko na lang kamay niya para makalayo dun.

Sinuot ko na yung manipis na pantaas ko tapos hinila ko siya dun sa may gilid na walang masyadong tao.

Tingin pa rin ng tingin si Daniel dun sa mga lalake.

Parang gusto niyang balikan at upakan na.

“Itigil mo na. Hindi tayo pumunta dito para makipagaway”

Nung nagsalita ako, napatingin siya sakin.

Napakagat labi ako sa takot nung nakita ko yung tingin niya sakin.

Halatang galit siya…sakin.

“Ano ba kasing pumasok sa isip mo at nagpalit ka ng damit? Putek, alam ko maganda katawan mo pero kailangan mo bang ibandera sa iba? Kath, sinabihan na kita. Ayoko ng ganyan ang suot mo!”

I crossed my arms. “Sira ulo ka pala eh! Ikaw kaya ang dahilan kung bakit sinuot ko itong two-piece na ito! Pano, sabi mo may bilbil ako! Nangiinsulto ka!”

“Psh! Hindi ikaw ang inaasar ko! Sila julia! Ano ba naman! Tignan mo, nabastos ka ng di oras! Tangin----”

“ITIGIL MO NA! TAPOS NA!” Sinigawan ko na siya. Nababadtrip na rin kasi ako.

Ako naman yung nabastos eh.

Bakit siya yung galit na galit?

Hay nako!

Umupo na lang ako dito sa mga malalaking bato at ibinabad ko sa tubig yung mga paa ko.

Maya-maya, tumabi na si Daniel sakin.

“So ngayon, sakin ka na nagagalit?”

“Hindi ako galit DJ. Naiinis lang ako. Napahiya na nga ako, dinagdagan mo pa”

Sobrang napahiya ako sa sinabi niya.

Right now, hiyang-hiya ako sa sarili ko.

I heard him sigh tapos hinawakan niya kamay ko.

“Sorry. Alam mo naman ako pag nagagalit. Putek, babalikan ko talaga yung mga yun”

“DJ----”

“Oo na. Hindi na”

I looked up at him. “Sorry talaga Daniel. You hit a nerve and nainis ako kaya pinakita ko sayong WALA AKONG BILBIL”

He smiled. “Alam ko nga yun. Ilang beses ko na tinggal yang t-shirt mo. HAHAHAHA. Ito naman, jino-joke time ko lang naman kayo. Pero kath, naiinis din ako sayo. Di ka tumupad sa usapan”

Tinawanan ko siya. “Sorry nga diba”

“Pwes, di rin ako tutupad sa usapan”

Tumaas kilay ko. “Usapan na ano?”

“Right now, di ko lang sure kung mapapanindigan ko yung pangako natin kay Lola Eva. Kath, binalaan na kita. Pag sinuot mo yan, di talaga ako magpipigil”

O___O

“Magpipigil? As in---WAHHHHH!”

Napasigaw na lang ako nung bigla niya kong hinila at napatalon kami dito sa may dagat.

Nasa may gilid kasi kami ng malalim na part.

“GRABE KA! HAHAHAHA Itigil mo ah!”

Tinanggal ko yung manipis na damit ko kasi nadikit sa katawan ko at medyo uncomfortable yun.

Pinatong ko yun sa may bato.

Pagharap ko, tinalsikan ako ni DJ ng tubig kaya natawa ako ng natawa.

Nagulat kasi ako sa ginawa niya.

Pero mas nagulat ako nung ngumiti siya nang nakakaloko at bigla na lang nagswimming pailalim.

Napasigaw ulit ako nung hinila niya yung paa ko.

And just like BEFORE nung hindi pa kami at nasa batangas din kami, pinagsisipa ko siya para makaahon ako.

Sabay kaming umahon ni DJ.

“Haha natatandaan mo nung ginawa ko sayo yan dati?” Ngingiti-ngiting tanong niya.

“Leche toh! Hilig mo manghila ng paa”

“Oh di sige, bewang na lang”

Sabay hinila niya yung bewang ko para mapalapit ako sa kanya.

“Ang hot mo” He said, smiling seductively sakin.

Mas hot ka!

Shirtless ka kasi!

Di ko syempre sinabi yun kasi magaactivate na naman pagiging PBB Teens nito pag nagkataon.

“Nyehnyeh! Panget!” Asar ko na lang sabay tulak sa kanya at swimming palayo.

Lumingon ako at ngumiti.

“BELAT! PANGET!” Umahon agad ako dun sa mababang part at tumakbo papunta kila Julia.

HINDI PWEDENG MAIWAN KAMI NI DANIEL NG KAMI LANG.

MAY IBANG MANGYAYARE PAG NAGKATAON.

RAMDAM KO YUN.

Bea: “Miss sexy!”

Zharm: “Shet friend! Ang kinis mo!”

Julia: “Nakakainggit talaga katawan mo sis!”

Ngumiti na lang ako sa kanila sabay kuha ng isang stick ng hotdog na niluluto ni Diego.

“Nangiiwan naman ito oh!”

Paglingon ko sa likuran ko, napatigil ako.

I froze at my spot.

Para siyang yung model ng isang brand na wet look tapos sobrang hot.

Ohmygosh.

Itigil mo kathryn yang mga pumapasok sa isip mo.

I blink fast sabay talikod.

Diego: “Si Kath kinakabahan!”

Albie: “Anong ginawa mo diyan daniel! hahaha”

“Tado! Wag niyong inaasar yang girlfriend ko. Wala pa kaming ginagawa. Mamaya na lang daw HAHAHA”

Pinalo ko nga yung braso niya. “Anong mamaya? Walang mamaya!”

Diego: “ARAY!”

Albie: “HAHAHAHAHA”

“Weh? Talaga lang ah!” Pangaasar niya sabay kuha ng kinakain ko.

Inirapan ko nga. “AKIN YAN EH!”

“Kiss muna bago ko ibalik” Sabi niya habang nanguya.

Umupo pa siya na parang boss siya dun sa isa sa mga beach chair.

“Neknek mo! Diegs, penge pa nga akong isa”

Diego: “ISA PANG HAWAK SA STICK NA YAN KATH, IKAW IIHAWIN KO! HIRAP HIRAP KAYA MAGIHAW TAPOS KAIN KA LANG NG KAIN! DUN KA! WAG KA DITO! DANIEL, ITALI MO NGA YANG FIANCEE MO! PAG AKO GUTOM, UMIINIT ULO KO. KANINA PA KO NAGIINIT KAY ZHARM PERO INUUNA KO MUNA TIYAN KO”

Nabitawan ko tuloy ng di oras yung stick ng hotdog.

Ah ganun!

Kampihan pala ha!

“Fine! Eh di wag! Ipagdamot mo lahat ng yan, nanakawin ko muna girlfriend mo! Maghahanap kami ng boylet na handang ibigay lahat ng pagkain na gusto namin” sabay ngiti kay Zharm.

Nag-apir pa kami.

Napadiretso bigla ng upo si DJ. “Ay hindi. Dito ka lang Kath. HOY DIEGO, KANINONG PERA YANG GINAMIT MO PAMBILI NG MGA HOTDOG NA YAN? BIGYAN MO TONG PRINSESA KO!”

Hinila pa ko ni DJ para umupo ako sa may lap niya.

Tapos nilock niya na ko sa pwesto ko kasi ni-wrapped niya yung arms niya sa waist ko.

HAHAHAHA.

Oh loko!

Si Diego, bwisit na bwisit na binigay sakin yung buong lalagyan.

“Oh yan! Lamunin niyo!”

(-_-) <--- Ganyan pa itsura niya. HAHAHAHA.

“Ano sabi mo diegs?” Tanong ni DJ.

“Sabi ko gwapo ako. Basta akin na tong last na ito ah!”

Albie: “Last na yan? Sampu pa yan ah!”

Diego: “OH BAKIT ALBIE? MAY REKLAMO KA? IKAW MAGIHAW DITO!”

Albie: “SUNOG NGA PAG AKO DIBA?”

Diego: “EH DI MAGTIIS KA DIYAN SA HAWAK MO! ABA! HAHAHA”

Nagkabatukan pa talaga yung dalawa.

Parang mga bata!

“At ikaw! Ang takaw takaw mo. Nanahimik ka kasi nilalamon mo na lahat ng yan” Asar sakin ni DJ.

“ASNGSHWARAUHHAPKASHYA”

“Ano?”

“Sabi ko ang sarap kaya” Sabi ko pagkalunok ko ng kinakain ko.

Tawa ng tawa si DJ sakin. “Bilisan mo, magsiswimming pa tayo. Di pa tayo tapos kanina…hehe”

O_O

Mas lalo ko tuloy tinagalan sa pagkain.

As in, isang nguya, isang daldal sa mga girls.

Bwisit mangasar si Daniel.

Nakakatakot. HAHAHA.

After naming kumain, pumayag din ako magswimming PERO I made sure, kasama lahat sa beach.

Kaso pagdating dun, nagkanya-kanya na rin.

Kahit magkakasama kami sa spot, magkakayakap naman yung magsho-syota.

Shet (>_<)

“Uy! Kabado!” Sabay splash ni DJ ng tubig sa mukha ko.

“Ano ba! Hahaha Sinong di kakabahan sayo? Ang landi landi mo kaya!”

“HAHAHA oo nga. Malandi na kung malandi pero MAMAYANG GABI NA YUN kasi mas maganda pag gabi! hahahaha! Right now, maglalaro muna tayong lahat! HOY! Mamaya na harutan!”

Napatingin silang lahat samin.

Diego: “Bwisit ka. Hahalikan ko na si babes, bigla ka namang nagsalita”

Zharm: “HAHAHAHA anong laro?”

Julia: “Oo nga?”

Albie: “Ano na namang kaartihan yan bro?”

“Girls, sampa kayo sa shoulder namin tapos tulakan! Kung sino unang bumagsak sa tubig, talo! Sino manalo, may isang lobster sakin para sa dinner natin!”

LOBSTER!

*O*

Diego: “I WANT THAT!”

Albie: “ABA! AKO RIN!”

Jake: “UY ANG SARAP NUN!”

Out of excitement, nagsi-sampahan na kmi at nung ready na kaming lahat, sobrang ha-hyper naming nagtulakan.

Sobrang naglevel up yung saya nung pati mga lalaki, nagdudugasan na.

Si Daniel, tinulak si Diego pero buti di siya na-out of balance.

Si Albie, binabasa ng tubig sa mukha si Jake.

As in, dugasan talaga!

HAHAHAHA.

Nung nakita kong nakatalikod si Bea, tinulak ko kaya nalaglag.

Tatawa-tawa siya sakin pagkabagsak niya. “I HATE YOU KATH! Hahahaha”

Tapos ang sunod na natulak ko, si Zharm.

Pano tinulak din ni Dj sa Diego kaya natuluyan na yung dalawa!

HAHAHAHA.

Ang naiwan kami nila Julia.

As in ang hirap kasi tinatalsikan kami ng tubig nila Zharm at Bea sa mukha.

PWEH!

Nung nakatsempo ako, tinulak ko si Julia pero nahawakan niya yung braso ko, kaya pati ako nalaglag.

Tawanan tuloy kaming lahat.

“WALANG NANALO KAYA WALANG LOBSTER!” Sigaw ni DJ sabay nag-HOO pa siyang sigaw.

Ng dahil sa sinabi niya, pinagtatalsikan namin siya ng tubig.

Diego: “MADUGA KANG HAYUP KA!!”

Albie: “PARE, DI KA NAMIN TATANTANAN HANGGAT BINIBIGAY MO LOBSTER NAMIN”

Jake: “MALUNOD KA!!!”

“OO NA! PWE! OO NA! HAHAHAHAHA”

Hinila pa niya ko bilang pangharang. Hayup na toh!

HAHAHAHA.

“YUN! YES!!! LOBSTER! LOBSTER!” Sigaw ko sa sobrang saya. 

Niyakap ko pa siya ng pagkahigpit higpit.

Super saya naming lahat.

Naglaro pa kami ng naglaro.

Iba’t-iba.

Meron pa nga yung umikot ikot kami ng magkakahawak ang kamay.

Masaya din yun kasi nakaladkad si Diego.

^_^

Nagpicture picture din kami ng sobrang dami.

Meron pa nga yung ako yung nakabuhat kay DJ!

BIRUIN NIYO, KINAYA KO YUNG HIGANTENG YUN! Hahaha

Water proof kasi yung camera ni Zharm.

Mehehez.

Mga 6 pm na nung nagsi-ahon kami.

Mga napagod na kami at gutom na.

Kumuha si Daniel ng towel tapos ni-wrapped sakin sabay inakbayan ako at nagsitakbuhan na kaming lahat pabalik ng hotel.

“Ang saya!” Tuwang-tuwang sabi ko pagpasok namin sa kwarto.

“Talaga! Tara, shower!” Hinila niya ko papasok ng CR.

In-on na niya yung shower tapos sabay kaming nagbanlaw.

Nagulat ako nung sinabunan niya yung tiyan ko gamit ng kamay niya.

O_____O

“Bakit?” Tanong niya.

“Hala! Lumabas ka muna! Aba!”

Oo, may mga damit pa rin kami PERO PARANG ANG PANGET NA TIGNAN NA SABAY KAMING NAGSHASHOWER!

Ngayon ko lang na-realize!

Sobrang saya ko kasi na di ko namalayan.

Tsaka…omg.

Ang hot niya na tignan!

Feeling ko, ako na yung di makakapagpigil!

Nagbanlaw na si Dj ng kamay tapos lumabas na.

“Bilisan mo, malamig!” Sigaw niya sabay tawa.

Ay oo nga pala, naka-aircon yung kwarto namin.

Nag-shampoo na rin naman agad ako tapos nag-sabon.

After nun, napatitig ako sa towel ko.

Kadiri naman kung yan ulit gagamitin ko.

Amoy dagat na yan.

I stared at the door.

Pakuhanin ko na lang kaya si DJ ng damit at towel ko?

AY WAG NA DAMIT! PATI UNDERWEAR KO, IPAPAKUHA KO PA SA KANYA? GRABE LANG!

“DJ, kuha mo kong towel!” Sigaw ko.

Hindi kasi pwedeng ako kumuha dahil tinanggal ko na damit ko.

Aba, yan ang panget na boyfriend ko kasama ko sa kwarto eh. HAHA.

“Wag na! Lumabas ka na lang dito hahahaha”

(-_-)

Umandar na naman!

“Bahala kang manigas sa lamig diyan!” Asar ko.

“Bahala kang ma-stuck diyan! hahaha”

Hay bwisit.

“Wala kang kiss sakin mamaya. Bwisit na toh!”

Bigla na lang siyang kumatok kaya napatalon ako ng di oras. “Sabi ko nga, ito na towel mo. Oh”

“HOY!  UMAYOS KA AH!” Sigaw ko muna bago ko binuksan ng onti yung pinto.

Nasa likuran ako ng pintuan tapos yung ulo ko lang yung pinansilip ko.

Ngingiti-ngiti lang sakin si DJ ng nakakaloko.

Kinuha ko agad yung towel sa kamay niya sabay lock ng pinto.

Pagka-wrapped ko nun sa katawan ko, lumabas na rin ako ng CR.

“Grabe ka” Sabi ko pagkalampas ko sa kanya.

“Hahaha ngumiti lang ako, grabe agad? haha”

I just rolled my eyes.

Nagpalit na rin agad ako ng shorts at isang t-shirt habang sure akong nasa loob pa siya ng CR.

Tapos naglotion na ko at nagpulbos.

Then humiga ako ng nakadapa then in-on ko yung iPad ko.

Ina-upload agad ni Zharm yung pics! EXCITED siya ang putek! Hahaha

Ginawa kong profile picture sa facebook yung nakaback hug si DJ sakin tapos magkatitigan kami.

Ang cute kasi talaga tignan!

Tapos pinalitan ko na rin agad yung sa twitter ko.

Yung naka-akbay naman si DJ tapos ako nakayakap ako sa bewang niya.

Pagka-upload ko nun, sabog agad mentions ko.

Within minutes, napanganga ako.

Nagtrending agad kami.

WOW.

Nagtweet din ako.

#HappiestDayOfMyLife #KathnielDay #HappilyInLove

Kasama yung picture namin ni DJ na gigil na gigil na magkangitian sa isa’t-isa.

Nagtrend agad yung mga hashtags na yun.

Sakto lumabas si Daniel sa CR.

Naka-shorts siya tapos white shirt.

Tinutuyo niya yung buhok niya gamit ng towel.

ANG GWAPO!

*O*

“Hoy! Magpalit ka nga ng shorts! Lantad na lantad na naman yang legs mo”

Tinawanan ko nga. “Nagtwo-piece na nga ako kanina eh! Hahaha Ang init mag-pants”

“Tambok na tambok yang pwet mo! HAHAHAHA wala ka bang mas mahaba diyan?” sabay higa ni DJ sa tabi ko.

Paharap yung higa niya.

Nginitian ko lang. “Atleast may pwet! Yung iba nga diyan, flat! Haha”

“Akala ko yung iba, walang pwet! HAHAHA”

“Hala, pwede ba yun! Ano yun, isang buong pandesal lang? HAHAHAHA yuck ang panget nun!”

“HAHAHAHA ano ba yang pinaguusapan natin! haha”

Para kaming abnormal na dalawa.

XD

“Ay look!” sabay pinakita ko sa kanya yung trending topics.

“Oh, bat andyan ang pogi kong pangalan?”

“Pinalitan ko kasi yung twitter icon ko tapos nagpost ako ng pic natin. Ito oh”

Tinignan niya sabay ngiti sakin.

“Ang saya ko ngayon. Sobra”

I smiled back. “Ako lalo!”

He suddenly grabbed me para pumaibabaw ako sa kanya. “Tara, tuloy na natin yung plano kanina”

Tumawa lang ako sabay umiling. “Noooo. Nagtitwitter ako” Pinatong ko yung iPad sa dibdib niya sabay binasa ko yung mga mentions.

Nagulat ako nung kinuha niya yun sabay hinalikan ako.

HAHAHA uhaw sa halik.

Lumayo ako at inagaw ulit yung iPad.

I kissed him quickly sabay hinayaan siyang halikan yung leeg ko habang naga-iPad ako.

Eh sa na-miss kong mag-twitter at facebook ih!

Haha buti nga may wifi dito sa hotel.

“DJ, tigil muna. Picture tayo”

He kissed my cheek at hinayaan akong kuhanan yun ng picture.

Tapos tinuloy niya na yung kalandiang ginagawa niya. HAHAHA.

Ayokong ma-spoil yung araw namin kaya di ko muna siya pipigilan.

Havin’ fun with the sweetest boyfriend in the world.

I love you blueberrybabe.

Yun yung caption ng picture namin ni DJ.

Ang dami agad nagcomment.

Irel Christine: Lintek, ubod ng sweetness! OMG!

Janella Flavio: Wow! Ang cute niyo talaga!

Samantha Pagtulingan: Asan kayo? Ang sweet niyo!

Rose-Gherina Agres: PAREHAS BAGONG LIGO! HAHA

Felicity Drio: OO NGA NOH! OYYY ANO YAN HAHA

Judith Mañago: SIGURO ANO! HAHA DE JOKE! SWEET NIYO PO

Charmy Palicpic: Pahinging lovelife! Uwahhh!

Nicole Sikat: Gusto ko rin ng sarili kong daniel padilla!

Jingle mojica: Grabe, ang perfect niyo!

Maris Rondina: Swerte niyo sa isa’t-isa! Wahhh!

Rinoa Linchangco: Palit tayo kath! Hehe

Ishe-share ko sana kay DJ yung mga nabasa ko pero pagharap ko sa kanya, lips ko agad pinagdiskitahan niya.

Tawa ako ng tawa kaya pumaibabaw na siya sakin. “Ang kulit mo” Angal niya.

“Hahahaha eh sa natatawa ako DJ!”

He smiled at me. “Mahal na mahal na mahal kita. Habang tumatagal, mas lalong lumalalim yung nararamdaman ko sayo”

Awww.

:’)

He’s so sweet.

Sobra talaga.

“Parehas lang tayo ng nararamdaman”

Then I gave him a kiss full of love.

“Say it. I wanna hear it. Kahit ilang libo mo pang sabihin yun, gusto ko pa rin marinig”

I smiled. “I love you too”

Tinitigan niya ko.

“Isa pa”

Ngumiti ulit ako.

Bakit ba ang saya saya ng araw na ito?

Gosh! Di na ko magko-complain!

“Mahal na mahal kita Daniel”

“Isa pa” utos niya ulit habang nakatitig ng seryoso sakin.

“I love you Daniel. Ikaw na buhay ko”

And with that, he kissed me like it was the first time he heard me say I loved him.

I could really feel he’s happy.

Ano bang meron sa kanya?

Parang melodramatic yata ang baby ko.

Diego: “HOY!”

Albie: “HULI KAYO!”

Jake: “Sinasabi na nga ba!”

Julia: “Emeghed! TUMAYO KAYO DIYAN!”

Zharm: “Yah, we’re so hungry na!”

Bea: “YUNG LOBSTER!”

Tatawa-tawang tumayo si DJ at hinila ako.

Tapos inabot niya yung suklay ko kasi di pa nga pala ako nagsusuklay.

Nagaasaran kaming lahat papunta sa restaurant.

Since kilala ni Daniel yung owner nito, special yung dinner namin ngayon.

Kasi wala naman palang binebentang lobster pero para samin, nagpakuha yung chef.

WOW!

As in, sobrang bilis lang, meron na agad.

“PRAY MUNA DIEGO!” Sigaw ni DJ sabay tapik sa kamay ni Diegs.

“Hehe sige”

“Dear lord, salamat po sa lobster, bulalo, menudo, jave rice, pork belly, at whole fried chicken. Salamat din po sa juice at sa libre ni Daniel”

Tatawa-tawa kami kay Diegs.

Dinagdagan ni Daniel yung dasal namin. “Lord God, salamat po sa araw na ito. Na binigay niyo ang pinakamasayang vacation samin. Salamat sa mga maloloko pero solid na tropa na ito at sa girlfriend kong mahal na mahal ako. Thank you din po sa mga pagkain sa harapan namin na binaggit ni Diego. Amen!”

“Amen!” Sabi namin.

Ngumiti ako kay DJ sabay linantakan na yung pagkain.

ANG SARAP!

HUMAYGHAD!

Para akong patay gutom na kain ng kain ng kain ng kain.

“Hinay hinay lang kath! Nahawahan ka na ng diego-virus!” Halos nabulunan tuloy ako nung biglang nagpatawa si DJ.

“Sira ulo! Diego-virus ka diyan!” Angal ni Diego.

“Yung pagiging patay gutom! HAHAHA”

Tumawa lang si diegs sabay subo ng pagkain.

ANG SARAP KASI TALAGA!

After namin kumain, nag-dessert pa ng ice cream!

WOW!

Napasandal ako kay DJ pagkatapos. “Busog” Sabi ko.

“Haha ako rin”

“Teka, CR lang ako”

Tumayo na ako at pumunta sa may CR.

PagkaCR ko, lalabas na sana ako sa cubicle nung may narinig ako.

“Yung plano sofia ha!”

“Yup! I’m on it! haha”

O_O

T-teka…

Sofia?

Tsaka kaboses ni sofia andres yun ah.

Yung isa rin, parang pamilyar yung boses.

Paglabas ko ng cubicle ko, saktong kakalabas lang nila ng CR.

“WAIT!” Sigaw ko.

Paglabas ko, wala na sila.

Ang bilis.

Sino kaya yun?

Ay baka hindi naman sila Sofia Andres.

Nasa America kaya sila.

Ay oo nga pala! HAHAHAHA.

So nagwash na muna ako ng hands.

Paglabas ko, napatigil ako.

O_O

“Dom?”

Napaangat ulo niya.

Nagulat din siya. “Chacha?”

Oo nga pala, sanay siyang tawagin akong chacha.

“Huy! Bat andito ka?”

“Nagbabakasyon ako. Ikaw? Sino kasama mo?”

What a coincidence.

Sa dami ng lugar na mapupuntahan, dito rin siya nagbakasyon.

“Nagouting kami ng tropa. Galing pa nga kaming tagaytay. Sila Daniel kasama ko”

“Ahhh” Biglang nagiba tono ng boses niya.

“Bakit? May problema ka ba dun?”

“Kayo pa rin pala”

Ano daw?

“Huh?”

“Ang tagal niyo na”

“Bat parang di ka masaya dun? Haha Oo, kami pa rin. Forever na kaming dalawa”

He frowned. “Chacha…wala na ba talaga akong pagasa?”

Napatitig ako sa kanya.

I blinked a couple of times.

“Dom, akala ko ba, napagusapan na natin ito. Akala ko ba titigil ka na”

“Cha, I tried to stay away pero…di ako makamove on. Ikaw pa rin talaga”

Di ko na alam ang sasabihin ko.

Ang saya saya ko para manira ng araw ng iba.

“Mahal ko si DJ” Sambit ko.

“Alam ko. Pero malay ba natin na kaya mo lang nasasabi yan ay dahil si DJ ang lagi mong kasama. Subukan mo kayang makasama ako para malaman mo pagkakaiba”

I can’t believe this.

I bumped into him and then all of a sudden, sasabihin niya lahat ng yan.

“Sinundan mo ba kami?” Pagalit kong tanong.

“What? No”

“Yung totoo Dom? Pumunta ka ba dito para sabihin saking itry na mahalin ka rin?”

He ran his hand on his hair. “Siguro nga….i’m desperate kath. Mahal kita at nasasaktan akong malaman na may iba kang kasama”

“Matagal na kami ni Daniel. Bago pa tayo magkakilala, kami na”

“Cha, baka hindi totoo yang nararamdaman mo”

Nagsisimula na kong magalit sa kanya.

“You’re unbelievable. Alam ko sa sarili kong si Daniel ang mahal ko. Please dom, stop this nonsense. Magkaibigan tayo. Ikaw na rin nagsabi na ayaw mong masira yung pagkakaibigan natin”

“Chacha, wag mo ng pigilan yang nararamdaman mo sakin. Wag mo ng itago. Mahal natin ang isa't-isa! Hiwalayan mo na si Daniel. Kakausapin ko na lang sila Tita Min. DIba nga napipilitan ka lang makasama yang si DJ dahil sa pesteng usapan ng mga magulang niyo”

Nagulat ako nung bigla niya kong hinila at hinalikan.

O__O

Yes.

He kissed me.

Agad agad ko siyang tinulak.

Hindi ako makagalaw sa gulat.

Napaluha na lang ako sa ginawa niya.

And before I could speak, may bigla na lang sumuntok sa kanya.

Si Daniel.

------------------------------------------------------

Ang ganda ganda na ng araw nila eh! May umepal pa! Team epals ang putek! Hoho.

WAG KAYO MAGALIT SA TOTOONG DOM! MABAIT YUN! SA CHARACTER LANG MAGALIT :D

Decided to add one more chapter before epilogue. Gonna post it maybe tomorrow agad. ^_^ 

No more A/Ns. Yan na ang simula ng conflict! Sorry kung sumasabay sa G2B! HAHAHAHA.

Pero aminin, pinakilig ko naman kayo sa update na ito! haha

Ano fav niyo? ako yung nagaway si diegs at kath sa hotdog XD

Continue Reading

You'll Also Like

14.9M 235K 75
PUBLISHED UNDER POP FICTION [Unlucky I'm In Love with My Best Friend sequel/book 2] BITTER CASANOVA. Kapag sinabing CASANOVA, babaero, mapaglaro sa p...
324 133 72
Olivia Dela Torre purchased a charming pocket notebook and filled its pages with heartfelt pictures and cherished memories. She carefully documented...
248K 16.7K 80
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
Opposites By aishi.

General Fiction

7K 112 53
We're opposites, but that won't stop us from falling. Date Started: June 24, 2019 Ginawa ko ito sa notes ng phone ko. Iba kasi talaga kapag tinamaan...