He's the Brother of My Kuya's...

By Iamjaelopez

773K 27.6K 6.5K

Book 2 of My Kuya's Bestfriend [COMPLETED] Buong akala ni Trey, crush lang ang nararamdaman niya para sa mata... More

He's the Brother of my Kuya's Bestfriend
Chapter 1: Sensitive
Chapter 2: Secret
Chapter 3: Essence
Chapter 4: Right
Chapter 5: Comfortable
Chapter 7: It's a no!
Chapter 8: Fate
Chapter 9: Selfless
Chapter 10: Tired
Chapter 11: He's back
Chapter 12: Unknown feeling
Chapter 13: Goodbye
Chapter 14: Destroy
Chapter 15: One thing
Chapter 16: Just this one
Chapter 17: It turns out
Chapter 18: What if
Chapter 19: Feel this moment
Chapter 20: Beginning
Chapter 21: Something different...
Chapter 22: At last
Chapter 23: Worth it
Chapter 24: Right to be
Chapter 25: Bring it on
Chapter 26: Unexpected
Chapter 27: Doesn't mean
Chapter 28: The past
Chapter 29: Nothing has changed
Chapter 30: Knowing them
Chapter 31: Contributions and efforts
Chapter 32: Ups and downs
Chapter 33: Involvement
Chapter 34: Second time
Chapter 35: Letting go
Chapter 36: Time can heal
Chapter 37: Until now
Chapter 38: Familiar
Chapter 39: Even before
Chapter 40: Forget and Forgive
Final Chapter: Part I
Final Chapter Part II: Begin Again
Special Chapter: The Vacation Part 1
Special Chapter: The Vacation Part 2
Smoke Ash Montecillo's Story

Chapter 6: Jealous

17.1K 649 87
By Iamjaelopez

Trey's POV

"Hoy Trey. Trey, hoy!"

"Ha?" Natauhan ako nang may pumitik sa harap ng mukha ko. Si Andrei, isa sa mga kasamahan ko sa cheerleading at siya rin ang parating kasama ko sa mga partner stunts.

"Anyare sayo? Lutang na lutang ka ah. Nagsasalita si coach. Baka makaisa ka na naman dahil parang wala ka sa sarili mo. May problema ba?"

"Ah eh wala. Wala akong problema. S-Sorry." Nauutal na sagot ko. Nagbibigay pala ng instruction si coach para sa bagong stunt na gagawin. Hindi ko tuloy nakuha ang mga sinabi niya. Gosh! Mapapagalitan na naman ako nito mamaya.

Nakaisa na kasi ako ngayong araw. Malapit na nga akong masuspend dahil muntikan ng mabalian ang isang flyer namin dahil sa katangahan ko. No'ng ididismount na kasi namin ay hindi ko nagawa ng maayos kaya na-out of balance ang flyer. Kung hindi lang nasalo ni Andrei, malamang sa nabalian na ito.

Simula nang sabihin ni Summer na may gusto siya sa transferee na si Danica ay parang nawala ako sa tamang pag-iisip.

Ay! Oa naman nun. Parang nablangko lang siguro ako. Yeah, parang gano'n na nga. Kasabay din nito ang kakaibang nararamdaman ko na hindi ko matukoy kung ano.

"Kung ano mang 'yang problema mo, set aside mo muna. Naaapektuhan kasi ang training natin. Kung gusto mo, sabihin ko kay coach na magpahinga ka muna." Concern na sabi ni Andrei. Mabuti na lang at si Andrei itong kapartner ko parati, pareho kasi kami pero bisexual nga lang siya. Wala pang nakakaalam ng gender niya sa team maliban sa akin. Pero sabi niya, napapansin na rin ito ng ibang kasamahan namin and if ever na malaman ito ng ibang tao, handa rin naman daw siyang harapin iyon.

Before, okay pa siya sa akin pero simula nang magpakita siya ng kakaiba, medyo nailang na ako sa kanya. Good looking naman si Andrei, matangkad at mestiso at higit sa lahat, mabait.

Dahil hindi malandi ang lola niyo, umakto pa rin ako ng normal. Wala rin naman akong gusto sa kanya. Iniiwasan ko na lang siya pero dahil magkateam kami at magkapartner pa, no choice ako. Hindi na lang ako magpapakita ng motibo para tumigil na siya. And besides, nawiweirduhan ako sa kanya. Dati-rati naman hindi niya ako binibigyan ng pansin pero ngayon may gusto na siya sa akin.

Okay, he admitted that he likes me last week. Sobra akong nagulat doon kaya wala akong nasagot at tumakbo lang ako. Sa locker room kami that time.

I give him an assurance smile. "O-Okay lang ako. May iniisip lang. Pasensya na." Paliwanag ko.

"Sure ka?" Naniniguradong tanong niya. Tinanguan ko lang siya bilang tugon.

Pagkatapos ng instruction ay pinagawa na sa amin ang stunt. Nagpaturo ako kay Andrei saglit kahit naiilang ako para hindi ako tatanga-tanga at baka mabalian na ng tuluyan ang flyer namin. Pero okay lang sa akin na mabalian siya, isa kasi siya sa mga umaaway sa akin dito eh. Hahaha. Biro lang.

Lagpas twenty minutes bago namin naperfect ang bagong stunts. Pinagbreak muna kami sandali para makapag-gain ng energy.

Pero paano ako makakaipon ng energy kung pakiramdam ko, wala na akong lakas. Sinisisi ko ang sarili ko dahil sa kahibangan ko. Sa pinakadulo nga ako pumwesto para hindi makita at marinig ng mga kasamahan ko na pinapagalitan ko ang sarili ko.

I shouldn't feel this way. Bakit ba hindi ko na kayang pigilan ang sarili ko? Heto na naman kasi ako eh.

Gosh Trey! Maghunos-dili ka. Matalik mo siyang kaibigan at dapat hindi ka magkagusto sa kanya.

Paulit-ulit ko na lang tinatanong ang sarili ko kung paano. Paano ko mapipigilan itong damdamin ko?

Let's clear things out, Trey. Kailangan maliwanagan ka sa mga kahibangan mo.

Matalik mo siyang kaibigan. Yes, his your bestfriend. At ang bestfriend ay dapat magkapatid lang ang turingan sa isa't-isa. Hindi dapat umusbong ang kakaibang damdamin na maari mong maramdaman sa kanya. Huwag mong bigyan ng iba or malalim na meaning ang mga ginagawa niya sayo whether seryoso man ito o hindi.

Diba nga sinabi pa niya sayo na komportable lang siya sayo. At sayo napapakita niya ang totoong Summer kaya nagiging ganoon siya sayo.

Lahat ng 'yon lang dapat ang pakakatandaan mo Trey. Magbesfriend lang kayo. Wala ng hihigit pa. Hanggang doon lang 'yon. At mahiya ka nga! Magkapatid pa talaga ang papatusin mo.

Masaktan ka na kung masaktan sa mga sinasabi mo. Don't be fool! Kapag pinagpatuloy mo pa ito, sa huli ikaw lang din ang masasaktan. Pagsisihan mo lang lahat. Tama na nagpakatanga ka ng isang beses lang.

"Konti na lang, iisipin ko na may sakit ka sa pag-iisip." Halos mapatalon ako sa gulat nang may nagsalita sa likuran ko. Paglingon ko, si Andrei. Nakangiti siya na hindi ko matukoy kung nang-iinsulto ba siya o hindi. Pero parang hindi. "Kinakausap mo kasi ang sarili mo at sinasampal mo pa ang mukha mo."

Mapakla akong ngumiti sa kanya. "S-Sorry."

"Palagi ka na lang humihingi ng sorry. You don't have to, okay."

Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Naiilang kasi talaga ako eh. Hindi naman ako ganito dati, hindi ako madaling mailang sa ibang tao. Nagsimula lang ito nang makaramdam ako ng ilang kay Summer. And besides, rason din na may something siya sa akin.

Naramdaman ko na umupo siya sa tabi ko. "Namumula ka. May sakit ka ba?" Napasinghap ako nang bigla niyang idinampi ang palad niya sa noo ko. "Hindi ka naman mainit." Agad niya namang tinanggal ang kamay niya.

"Wala kasi akong sakit." Mahinang wika ko. Gusto kong umalis na ngayon si Andrei, iniistorbo niya kasi ako at dumadagdag pa siya sa mga iniisip ko.

"Is there something bothering you? Kanina pa talaga kasi kitang napapansin eh. Pagpasok mo pa lang rito, mukhang ang lalim na agad ng iniisip mo. Masyado ka yatang na-occupy dahil hindi mo ako pinansin kanina. Tinatawag kaya kita." Natatawang sabi niya.

Sasagot na sana ako kay Andrei nang biglang may sumulpot sa harapan namin at nagsalita. Si Alyana. "Kakausapin ko muna si Trey, Andrei. Okay lang ba?"

"Oh sure captain. Sige Trey." Tumayo na si Andrei at umalis. Humarap ako kay Alyana na ngayon ay nakabusangot ang mukha.

Utang na loob, huwag muna ngayon. Isa pa itong dadagdag sa iisipin ko eh.

"Who's that girl huh? Ano 'tong nababalitaan kong may transferee raw at nagugustuhan ito ni Summer. Is that true?" Diretsong tanong niya.

Grabe talaga ang babaeng 'to, wala na bang bukambibig ito kundi si Summer. Sana minsan kausapin niya naman ako tungkol sa cheerleading. Anong klaseng team leader 'to? Inuuna pa ang kalandian.

"I don't know captain, wala akong alam. Wala namang sinasabi sa akin si Summer." Sinungaling! Ayaw mo lang sabihin dahil nagseselos ka.

Wait! What did I say? Nagseselos?

Am I really jealous? Nagseselos ba ako? Tinagalog ko lang.

Well, kung ganoon nga ang nararamdaman ko, nagseselos talaga ako. Of course, hindi ko na kailangang ideny pa. May gusto ako sa kanya eh. Hindi ko pa matukoy no'ng una, so nagseselos pala ako.

Waaaah! I can't believe myself! My goodness! I didn't expect na magugustuhan ko ang bestfriend ko.

Stop it Trey! Kinastigo mo na ang sarili mo. Pinagalitan mo na ang sarili mo. Tumigil ka na sa kahibangan mo. Tumigil ka na.

"Hindi ako naniniwala." Sabi ni Alyana sabay halukipkip.

"It's your choice if you don't believe me captain. Nagsasabi lang ako ng totoo." Nakita ko ang mas lalong pagbusangot ng kanyang mukha at padabog pa niyang binaba ang kanyang mga braso. Napapadyak pa siya.

"Fine! Kung totoo nga 'yon, makakatikim talaga sa akin ang babaeng 'yan!" Mariing wika niya atsaka umalis. Napataas ako ng kilay.

Thats it? 'Yon lang? 'Yon lang pala ang sasabihin niya?

Pssh. Ano pa bang aasahan ko eh patay na patay 'yan kay Summer?

Pero teka, san ba niya nakuha ang impormasyong iyon? Ang galing ng source niya ah.

Sa tingin ko, hindi naman kasi ipagkakalat ni Summer na nagkakagusto siya sa isang babae. And besides, sabi niya, sa akin pa lang niya sinasabing may gusto siya kay Danica.

Baka napapansin lang ng ibang tao kung paano tingnan ni Summer si Danica kaya naisip ng mga ito na may gusto nga siya rito. Siguro ganoon lang. Mga tao nga naman. Konting kilos lang, binibigyan agad ng maraming kahulugan.

Pero totoo naman talaga ang sinasabi nila. Napatunayan ko na iyon, dahil sa tuwing nagkaklase kami ay panay ang sulyap ni Summer kay Danica at masasabi mo talagang may gusto ang mokong dito. Minsan di na nga nakakapagconcentrate. Pero sino ba naman ako para sumbatan siya eh matalino naman siya.

This is crazy. Or magulo na talaga ang buhay ko lalo na ang puso ko. Bakit ba kasi ang landi nito? Noong nakaraang buwan lang pulos sakit ang nararamdaman nito tapos nang magsimulang maghilom, masasaktan naman uli.

Pero pwede ko pa 'tong maagapan. Mababaw pa lang ito. Maari pang mapigilan bago pa lumalim.

"Anderson! Practice na ulit!" Napatigil muli ako sa pag-iisip nang may tumawag sa akin. Simula na raw ulit ng training namin. Inayos ko muna ang sarili ko bago tumayo bago pumunta sa practice area.

***

Naglalakad ako papalabas ng school nang may biglang tumawag sa akin.

"Misis!" Kung kanina'y naiinis ako nang tawagin niya ako ng ganoon, ngayon naman, kinakabahan ako at sobrang bilis pa ng tibok ng puso ko. I stop but I didn't turn my back. Halos mapasinghap ako ng bigla niya akong akbayan. "Hehe. Pasensya ka na Trey. Nasanay lang talaga akong tawagin kang misis eh."

Hindi ako nagsalita.

"Uwi ka na?" Tanong niya. I took a glance with his handsome face. Nahihiya akong tingnan siya ng matagal sa mata ngayon di gaya ng dati.

"Ah eh oo." Nauutal na wika ko.

Sandali, diba dapat nakauwi na siya ngayon? Tapos na silang magpractice eh. Bakit nandito pa siya sa school?

Naramdaman ko na inilapit niya ang mukha niya sa leeg ko. It sends shivers down to my spine. Halos mawalan ako ng balanse dahil sa biglaang panlalambot ng tuhod ko.

Ginagawa niya ito sayo parati Trey. Dapat sanay ka na sa pagiging ganyan niya.

"Bakit ang bango mo pa rin?" Tanong niya. Bigla akong naconcious. Galing kaya ako sa practice at pawisan ako kanina. Hindi ako naligo dahil nakakapasma iyon. Nagpunas lang ako at nagpalit ng damit.

"Sum, mabigat 'yong kamay mo." Sabi ko. Mas mabuti na lang na ganito ang gawin ko para safe.

"Parang hindi naman ah. Hindi ko binibigyan ng bigat." Actually, hindi naman talaga mabigat ang kamay niya.

"Diba sabi ko sayo, bawal ang akbay kapag nasa school tayo." Pagpapaalalang wika ko.

"Wala namang tao." I heard him sigh. "O sige na nga." Nag-umpisa siyang maglakad at sumunod naman ako. Hindi na siya nagsalita pero hindi naman siya mukhang nagtatampo.

"Bakit ka pala nandito? Diba dapat nakauwi ka na?" Tanong ko maya-maya. Humarap siya sa akin at ngumiti. Ugh! That smile.

Pero natutuwa ako na nakikita kong bumalik na ang pagiging masiyahin niya. Mukhang unti-unti na niyang tinatanggap si Tito Fred bilang ama. Noong isang araw nagkwento siya na kinausap niya na ito ng hindi siya galit.

"Nagpaturo kasi sa akin si Danica, Trey kaya nandito pa ako. Okay lang kahit gabihin ako basta siya ang dahilan."

I don't know where to look at. Sinisi ko rin ang sarili ko kung bakit tinanong ko iyon. Pero malay ko naman na iyon pala ang sagot niya.

"Akala ko crush ko lang siya dahil nagagandahan ako sa kanya. Pero ng makilala ko siya, doon na ako nagkagusto sa kanya. Mabait naman pala talaga siya." Pagpapatuloy niya. Gusto kong takpan ang tenga ko para hindi ko marinig ang mga sinasabi niya.

When I look at him kita ko ang kislap sa mga mata niya. He do really like Danica. Unang beses kong nakitang ganyan ang mukha niya.

Hindi naman kasi mahirap magustuhan si Danica. Maganda na at mabait pa. She's approachable too at higit sa lahat, isang babae. Hindi lang siya napapansin ni Summer dati sapagkat may pinagdadaanan pa siya. Dahil mukhang humupa na ang galit niya sa ama mukhang napansin na niya ito.

Magiging makasarili ba ako kapag hiniling ko na sana nagagalit pa siya sa ama. No! Hindi ko dapat isipin 'yon. Bestfriend niya ako at kapakanan niya dapat ang iniisip ko. Nangako ako sa kanya na susuportahan ko siya all the way. Kahit pa... Kahit pa nagkakagusto na siya sa isang babae.

Summer is very important to me at ayaw kong masira kung anong meron kami. Kaya napagdesisyunan ko, ngayon din mismo, tutulungan ko siyang maging masaya kahit pa ako ang mahirapan. Tutal kaya ko pang kontrolin ang sarili ko.

Marahil kapag naging sila na ni Danica, mawawala na rin kung ano man itong nararamdaman ko sa kanya.

Napabuntong-hininga muna ako bago nagsalita. Baka mawalan ako ng boses. "Y-You should court her. Kung gusto mo siya, dapat ligawan mo na baka maunahan ka pa ng iba." It takes me a lot of strength para sabihin ang mga salitang 'yan.

Napahinto siya at humarap sa akin. "Parang ang bilis naman ata niyan Trey. Bago pa lang kami naging magkaibigan."

"So? You like her! Balita ko maraming nanliligaw diyan kay Danica pero mukhang wala siyang pinapansin sa mga ito."

"Nahihiya ako Trey. At ikaw na rin ang nagsabi na wala siyang pinapansin sa mga manliligaw niya. Kapag niligawan ko siya, baka hindi na rin niya ako pansinin."

Gosh! Ang hirap nito. Sobrang hirap.

"Huwag kang mahiya Summer. Wala kang mapapala kung magiging ganyan ka lang. Malay mo, ikaw lang pala ang hinihintay niya na manligaw diba."

Sige pa Trey. Kaya mo 'yan.

"Huwag na lang siguro muna. Okay na ako na magkaibigan kami. At isa pa, kailangan ko munang magfocus sa pag-aaral."

Hindi ko alam kung narelieve ako sa sagot niya kasi kita ko na hindi siya sigurado sa sagot niya. Mukhang tinamaan nga kay Danica.

"Ikaw bahala." Nasabi ko na lang. Alangan namang sabihin kong natutuwa ako na hindi muna siya manliligaw? Pero kahit hindi pa niya gawin, it doesn't deny the fact na gusto niya ang babae.

"Okay na ako sa ganito. Mahirap kaya ang manligaw. Magastos din. Hahaha." Napatawa siya. Napangiti lang ako. "Atsaka andyan ka naman, ikaw na muna ang girlfriend ko ay hindi! Misis pala haha." Sasawayin ko na dapat siya nang may tumawag sa akin. Si Andrei.

"Hatid na kita Trey." Sabi nito nang makalapit sa kinaroroonan namin. Tumingin siya kay Summer at tinanguan ito, "Pre!" Tumango lang din ang isa.

"Huwag na, magtataxi na lang ako." Sagot ko. Magtataxi muna ako ngayon kasi nagtext ang kuya ko na hindi niya raw muna ako masusundo ngayong gabi.

"Edi pipilitin kita na ihatid kasi magtataxi ka lang. Gabi na rin oh." Nakangiting saad niya. Bakit ba siya namimilit?

"Okay lang talaga Drei. Kilala ko naman ang taxi driver na itetext ko."

"Just this once, please. Gusto lang kitang ihatid. Don't worry, I'll drive you home safe." Pamimilit pa rin niya. Hays! Hindi ba niya napapansin na umiiwas ako sa kanya?

Ganito pala talaga. Kapag 'yong taong kaibigan mo o malapit sayo, sabihin na gusto ka niya, tapos ayaw mo na gusto ka niya, iiwas ka. Kaya nga, ngayon pa lang pinipigilan ko na itong feelings ko kay Summer. Hindi ko man sabihin pero kapag nalaman niya eh baka iwasan niya ako. Hindi ko ata kakayanin 'yon.

"Ako na ang maghahatid sa kanya Pre!" Kunot-noong nilingon ko si Summer. Kung kanina masaya pa siya, ngayon, seryoso na.

"Anong ikaw! Umuwi ka na, malayo pa kaya ang bahay niyo sa amin. Atsaka gagastos ka ng malaki dahil sa pamasahe."

"Hindi. Kaya ko 'yon. Basta! Ihahatid kita." Aba! Daming pera lang eh no. Abnormal na lalaking 'to, ihahatid pa talaga niya ako. Kaya ko naman umuwing mag-isa.

"Ano ako, bata? Tumigil ka nga diyan, gabi na Summer. Baka mag-alala sina Tita Flor sayo. Kaya kong umuwi. Hindi mo na ako kailangan pang ihatid."

Magsasalita pa sana si Summer nang tumikhim si Andrei. "Hey, I'm here." Nahihiyang usal niya.

"Sorry." Sabi ko na lang.

"Hilig mo talagang magsabi ng sorry. By the way, kung gusto niyo, ihatid ko na kayong dalawa. Bago pa naman ang kotse ko kay---" Pinutol ni Summer ang pagsasalita nito.

"Hindi na pre! Kaya ko ng umuwi mag-isa." Tumingin siya sa akin. "Hoy Trey! Magpahatid ka na lang diyan sa kasama mo. Tama siya at gabi na. Ayaw mo ring magpahatid sa akin eh. Tutal naman may kotse siya kaya sa kanya ka na sumakay," pagkatapos ay muling ibinalik ang tingin dito. "Ihatid mo ng maayos 'yang kaibigan ko kung ayaw mong bangasan ko 'yang pagmumukha mo. Ge alis na ako." Tumalikod na siya at umalis. Pero hindi pa nakakalayo ay muli siyang lumingon.

"Binabalaan kita, alagaan mo 'yang kaibigan ko." Banta niya ulit kay Andrei at muling tumalikod pero muli na naman siyang humarap. Ginawa niya ang gestures na mata sa mata rito tapos tumingin siya sa akin.

"Text mo ako o tawagan mo ako kapag nakauwi ka na ah." Huling sabi niya at tuluyan ng umalis.

Nagkatinginan kami ni Andrei. Nagkibit-balikat lang siya.

Hindi ko maintindihan ang mokong na 'yon. Ang oa lang. At ang harsh pa niya ah.

"So lets go." Aya na ni Andrei. Tumango lang ako bilang tugon at sumunod na sa kanya nang maglakad siya.

Nang makarating kami sa parking lot biglang nagring ang cellphone ko. Nang tingnan ko kung sino ang caller, automatic na kumunot ang noo ko.

"Ba---"

"Hello. Ngayon lang ako nagpaload. Hoy Trey, dapat mga 8:00 nasa bahay ka na ah. Kapag wala kapa do'n ng lagpas sa oras na 'yan, malilintikan sa akin 'yang Andrei na 'yan. Tatawagan ko si Ate Ganda mamaya. Sige ingat ka."

Magsasalita pa lang sana ako nang patayin na ni Summer ang tawag. Walangyang lalaking 'yon ah.

"Let me guess who was that. It's him right?" Tanong ni Andrei. I nodded.

"Pasensya ka na pala kanina ah. Ewan ko nga kung bakit naging ganoon ang isang 'yon." Napangiti siya at parang binuhusan ako ng nagyeyelong tubig sa naging tugon niya.

"It's okay. Gano'n lang siguro magselos ang kaibigan mo."

***

Continue Reading

You'll Also Like

4.4K 319 17
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
52.7M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
1.4M 53.8K 71
UNEDITED Only Girl Series #2 Isang Babae ang papasok sa isang magulo, basag ulo, maingay ngunit mga guwapong nilalang. Sa kaniyangg pamamalagi sa Se...
93.8M 1.1M 88
Language: Filipino Started in July 2011 | Finished in December 2011 Published in English for paperback (Pop Fiction, 2013) Adapted in Indonesian for...