She Was Bitten

By fbbryant

1.3M 48.4K 5.1K

Nang dahil sa isang hindi inaasahang pangyayari ay napilitang lumipat ang pamilya nina Savannah sa Hellville... More

Disclaimer
...
1: Savannah
2: The Strange City
3: Glass Window
4: Party, T and Dream
5: Matteo Brigham
6: The Founding Families of Hellville
7: Town Council Meeting
8: Upstate Party
9: First Day of School
10: A Simmons Witch's Role
11: Simmons Mansion
12: Rights
13: A Puzzle
14: Coffeeshop
15: She Should Not Care
16: Council Meeting with Outsiders
17: O 💜 G
18: Upside Down World
19: Pleas and Intruder
20: Forgotten Secret
21: Truth and Awkward Dinner
22: Blood Moon
23: Side Effect and Gratitude
24: A Visitor
25: A Long Lost Friend
26: Mysterious Yaddie
27: Channeling
28: Vampire-Witch
29: Fitzgerald Vampires
30: Gratitude and Loyalty
31: A Bite In the Back
32: ISOP
33: ISOP President
34: Attack of the Turned
35: Amongst Them
36: The Hunt
37: Truce
38: Grand Plan
39: Lost Lives
40: Goodbye
41: Ghost From the Past
42: Sisters
43: Family Trouble
44: Moved On
45: Pain and Regret
46: Vacation
47: Love Wins
49: For the Ultimate Power
50: Reinforcements
51: The Battle
52: Ultimate Power
53- Death and New Beginnings
Epilogue
Special Chapter
Note
Announcement

48: Bloody Town

22.9K 736 33
By fbbryant

Tahimik lang akong nakaupo sa tabi ni Titus habang sakay kami ng van. Nasa likuran namin sina Nadine at Matteo na kanina pa nagbubulungan.

Pumayag si Orpheus na sumama ako pabalik ng Hellville dahil alam naman niyang babalik ako ng Graviville. Nandoon ang mga kapatid ko na parehong nag-iyakan nang nagpaalam ako. Gustong sumama nina Yadira at Noura para tumulong pero hindi hawak ng ISOP ang Hellville kaya hindi sila obligadong tumulong sa problema ng bayan ngayon.

Iyun ang downside ng pagiging separated mula sa ISOP. Kapag may problema ang Hellville, tanging ang mga taga-Hellville lang ang dapat lumutas n'on.

As for the Atwoods, I was able to convince them to stay with my siblings. Hindi sila ligtas kung uuwi sila. Medyo nagalit pa nga si Lorenzo pero nakatanggap siya ng direct order mula kay Titus to stay kaya wala na siyang nagawa. Ang leader pa rin ang nasunod.

Alam kong nag-aalala si Lorenzo kay Dola kahit ayaw niyang sabihin. I would keep her safe. Pangako ko 'yun sa sarili ko. Ngayon pa lang ay nagpapasalamat na ako sa kanya for making Lorenzo happy.

Kaya heto kami ngayon. Limang oras na kami sa daan. The vampire who brought us the news was the one driving for us now. Rocco, that was his name.

"You okay?" napatingin ako sa katabi ko nang hawakan niya ang kamay ko. I couldn't help but give him a small smile.

Malinaw na sa akin ang lahat. He was my life. I wouldn't be whole again without him by my side. Wala na akong pakialam sa sasabihin ng iba o sa mga batas against sa aming dalawa. Ipaglalaban ko s'ya.

"Yes. You?" I touched his smooth cheek.

"I'm better than okay now that you're with me again," mahina niyang sabi saka dahan-dahang bumaba ang mukha niya sa akin.

I closed my eyes in anticipation. I longed for his kisses everday. I would never get tired of him.

"Ehem. Ehem."

Gulat akong napamulat and I chuckled when I saw Titus's sudden annoyance. He gave Matteo a death glare pero hindi naman natinag ang huli.

"What?" painosente pa nitong tanong nang lingunin namin sila.

Si Nadine naman ay nakangisi lang.

"Isturbo ka," ani Titus.

"Eh kelan ba kasi kayo nagkabalikan? Hindi kasi kami informed," agad namang nakatanggap ng siko sa tagiliran si Matteo mula kay Nadine.

"Not that we want to be informed," salo ni Nadine na pinandilatan pa ng mga mata ang katabi.

"Why does it matter? Ang importante we're together again," ani Titus saka ako mabilis na kinintalan ng halik sa labi.

Namilipit naman si Nadine na tila s'ya pa ang mas kinilig kesa sa akin.

"Ikaw na talaga, T. Bilib ako sa gayumang ginamit mo kay Savannah," ani Matteo.

At bago pa man ako maka-react ay nauntog na ang lalaki sa bubong ng sasakyan.

"Aray! Langya ka, T. Bakit mo ako inuntog?" reklamo niya.

"Ang ingay mo kasi. Bakit ba maingay ka? Hindi naman ganyan ang mga magulang mo," balewalang sabi ni Titus kaya sinapak ko s'ya sa braso.

Tama ba namang gamitan n'ya ng kapangyarihan n'ya ang kaibigan?

Masamang tingin ang ipinukol ni Titus sa akin. Kung noon n'ya ako tiningnan ng ganito siguro ay tumalon na ako out of this car. Dahil sa takot.

Pero ngayon, kinikilig ako sa nakakatakot niyang tingin.

"Kung hindi lang kita mahal eh," deretso niyang sabi sa akin kaya agad na nag-init ang mukha ko.

Narinig ko ang tawanan ng dalawa sa likod kaya pinandilatan ko ng mga mata si Titus. Nakakahiya.

Ngumisi siya sa akin. "Why are you mad? Aren't you happy that I'm so proud that I love you?"

Mas lumakas ang tawanan ng dalawa sa likuran at naghampasan pa nang sobrang lakas kaya inirapan ko sila.

"So, ano ang plano natin pagdating ng Hellville?"pag-iiba ko na lang ng usapan.

"Nothing. I love you," tipid na sagot ni Titus saka muling sumandal sa upuan n'ya.

"Oo na! Teka nga. Ano bang wala? Paano sina Lucinda at Florence?" nagpa-panic kong tanong.

Pwede ba naman 'yun?

"The city is still ours. Unless Lucinda brainwashed our men there or something. Hopefully not," nakasimangot niyang sagot. "Rocco, you said the Purebloods were fighting back?"

"Oo, T. Marami sa kanila ang nagpunta sa Upstate para magtago sa mga mansyon ninyo. Meron ding mga tumakas. Sa ngayon ay ang bayan ang gusto nina Lucinda," sagot ni Rocco mula sa driver's seat. Isa siya sa mga tauhan nina Matteo.

"Ito 'yung plano niyang gawing witch city ang Hellville," sabi ko.

"She can try," ani Titus.

"Nag-try na nga 'di ba?" sabi naman ni Matteo.

"Hindi papayag ang mga Purebloods na mangyari 'yun," ani Nadine.

"Kung si Lucinda lang, hindi talaga siya magtatagumpay," sa wakas ay nagseryoso na si Titus. Alam kong malaki ang tiwala niya sa mga Purebloods na naiwan sa bayan kaya hindi siya masyadong nababahala. "I've been thinking about it. Hindi lang halata dahil nadi-distract ako ni Nichola."

At sinisi pa talaga ako.

"Pero kung kakampi na niya ang ibang witches," pagpapatuloy niya. "ibig sabihin, mas magiging madali sa kanya ang ginagawa niyang coup."

"So, ano'ng plano? Kanina ko pa 'yan tinatanong," taas-kilay kong tanong.

"We are four Purebloods. You are one vampire-witch. You think we can do that much difference?"

Hindi. Ang konti namin. We couldn't even be considered reinforcement.

"At kapag nandoon na tayo, paano kung hulihin nila tayo at ikulong?" hindi pa rin ako mapanatag.

"You think they can just capture us that easily?" aniyang sumulyap sa akin nang nakakunut-noo.

"Savannah, don't worry. Isa pa, nandoon naman ang parents namin. I'm sure hindi sila hawak nina Lucinda," ani Nadine kaya napatango ako.

Sana naman.

"But we still need to have a plan. We have eight hours before we arrive. So, what's your suggestion?" ani Titus.

"Go for the heart of it all," ani Nadine at sumang-ayon kami.

Kailangan naming unahin ang pinakaugat ng kaguluhang ito. Si Lucinda!

Naging tahimik ang aming biyahe pagkatapos naming gumawa ng iilang plano. One plan was not enough. Things might go awry.

Nadaanan namin ang ilan pang maliliit na bayan ng mga mortal. Iyung mga normal na tao na wala man lang kaalam-alam sa panganib na dala ng mga vampires at witches.

They were so carefree and happy. They didn't have any worries at all except for the needs they had to gather in order to live. Everyone did that- look for food, shelter and other necessities. But not everyone had to face war almost everyday.

And war was not one I signed up for when I moved to Hellville with my siblings. But it looked like it was going to be a big part of lives all the time.

I wish I didn't know about vampires and witches. I wish I wasn't one of them.

Pero napatingin ako sa lalaking nasa tabi ko na nakapikit lang habang kampanteng nakasandal sa upuan. Hawak-hawak n'ya ang aking kamay na para bang takot siyang makawala ako.

Napailing ako. No, masaya ako na nakilala ko sila.

I shouldn't mind living in fear as long as he's beside me. I looked at the two behind me. Pareho silang tulog habang nakasandal si Nadine sa balikat ni Matteo.

I smiled. Bagay talaga ang dalawang 'to. I wonder though kung nagkaaminan na sila noong malayo ako sa kanila.

Hindi ko namalayang nakatulog na rin pala ako. Nagising lang ako nang marinig ang ingay nina Nadine at Matteo. Nagbabangayan nanaman sila.

"Oh, you're awake. We're almost home," anang katabi kong nakahawak pa rin sa kamay ko. Pinagpapawisan na 'yun sa totoo lang pero hindi ako nagreklamo. Gusto ko rin namang hawakan n'ya ako.

Napatingin ako sa labas. Mukhang pamilyar na nga ang paligid. Nakikita ko na sa malayo ang Hellville. Nasa mas mataas na bahagi kasi ang buong bayan.

Napansin kong masyadong green ang mga puno at damo na nadadaanan namin pero sa loob mismo ng Hellville ay naghihingalo ang mga halaman at puno doon.

"Titus..." I nudged him kaya naman kunut-noo niya akong binalingan.

"Hmm?"

"Why is there a poor vegetation in Hellville?"

"Ah that? Has been like that for centuries. When the four founding fathers and Otillie died, the vegetation started to decline. Rumor has it that the tragic end of Otillie's and Gregory's love story caused it. Part of the spell she made, I guess. But that's just a rumor. Or an urban legend. Whatever you want to call it."

"Wow. Pati ba naman 'yan apektado sa tragic love story nila?"

He shrugged his shoulders. "That's why it's called a rumor."

"But the Atwoods are doing a great job in restoring it though."

Tumangu-tango s'ya. "They really are. But it's not enough. We need more resources. Kailangang bumalik sa normal ang vegetation ng bayan."

"Paano naman mangyayari 'yun?"

I saw a glint of excitement in his eyes as he looked at me intently. "If we really are the reincarnated Otillie and Gregory, then vegetation will be back to normal."

"Huh? How?"

"Ano pa? Eh 'di kailangan n'yong mag-honeymoon," sabad ni Matteo kaya bigla akong napaubo.

Natawa si Titus at mabilis silang nag-high five ng loko-loko niyang kaibigan.

Pinandilatan ko s'ya pero tinawanan lang ako. "Bastos."

"Hey, I'm not. Kaya nga after honeymoon 'di ba? Meaning, mag-asawa na tayo n'on," he said grinning.

Mag-asawa.

I couldn't help myself but feel warm. He wanted to marry me? He wanted me to be his wife?

"Malamang, Savannah."

Gulat akong napalingon kay Matteo na ngayon ay nakangisi.

"Did you read my mind?" nanlaki ang mga mata ko sa naisip. "How could you?"

He laughed kaya mas nairita pa ako.

"No reading of our minds, you jerk!" ani Titus kasabay ng pagkauntog nanaman ni Matteo sa bubong.

"Damn, T. You keep using your power on me but I can't use mine on you or Savannah? That's so unfair!" palatak pa nito.

"You gotta accept it, man," ani Titus saka humilig sa balikat ko.

Napangiti na lang kami ni Nadine nang nagkatinginan kami. The men of our lives were just so adorable and crazy at the same time.

"But I saw the engagement ring on Noelle's finger," mahina kong sabi at naramdaman kong nanigas si Titus. Natahimik naman sina Nadine at Matteo.

"I told you, stay and maybe you'll find out," aniya.

That was not the answer I wanted.

"T didn't give her that. She was wearing that when we met her," bigla akong may narinig na boses na isip ko kaya gulat akong napalingon kay Matteo.

Ngumiti siya.

"Don't tell T I told you," dagdag n'ya pa na sa isip ko pa rin nagsasalita.

"Malapit na po tayo," untag sa amin ni Rocco kaya muli akong napasilip sa bintana.

Papasok na kami sa arko. The same one that brought creeps all over my body when we first arrived here. I felt a little bit nostalgic. Hindi ko pa alam ang sekretong nakatago sa bayan na 'to nang panahong 'yun.

Napakapit ako sa braso ni Titus habang palapit kami sa mga kabahayan.

Parang may nagbago. The houses seemed new and modern. The business establishments seemed renovated. Gone were the flickering signs of the shops. They were replaced with new ones.

"We had the whole town renovated when you left. Di ba 'yun ang gusto mo? Mabigyan ng magandang buhay ang mga witches like the vampires?"

Speechless akong napatango sa sinabi ni Titus.

"I figured you were right. Witches are not living as abundantly as the vampires. You gave them the chance to start businesses. You gave them a head-start. Then, a nice house is next. It's not free but they will pay our government slowly. Like a mortgage. More jobs and opportunities will follow, for sure. 'Yung hindi na nila kinailangang kumuha ng loans."

Sa tuwa ko ay nahalikan ko s'ya nang wala sa oras. He was shocked but he smiled afterwards.

"Akala ko ba wala kang ginawa sa mga requests ko."

"I didn't do it for you, babe. The witches deserved more."

Natawa ako sa sinabi n'ya. Whatever.

"We have to eliminate Lucinda first then we'll talk about Hellville's improvements later," sabi ko sa kanya at agad naman siyang tumango nang nakangiti.

Geez. Ang gwapo talaga ng mokong. Iniiwas ko na lang ang tingin ko sa kanya. Mahirap na.

Pansin kong walang pakalat-kalat na tao sa buong bayan. Napakatahimik. Sure, the houses were nicer but the whole city seemed deserted.

"Lucinda might have scared everyone. Kahit kapwa n'ya witches ay takot at nagtatago," komento ni Nadine na nakasilip din sa labas ng bintana.

Isang bahay ang nadaanan namin. May puting kurtina iyun sa may bintana and I swore, I saw it moved. Mukhang nakasilip lang din ang mga mamamayan at nakatingin sa amin.

"Let's go to the Upstate, Rocco," matigas na sabi ni Titus.

"Opo."

Hindi nagtagal at narating namin ang Bloodworth mansion and to our horror, it was deserted as well.

Nanuot sa ilong ko ang amoy ng natuyong dugo na nakakalat sa marmol na sahig dito sa bulwagan, sa dingding, sa mga mwebles.

"They're here," malakas na sigaw ni Matteo mula sa living room kaya patakbo kaming nagpunta doon.

"Oh my god," I gasped in utter terror when I saw the bodies of five maids lying on their stomach, drenched in their own blood.

There were many Purebloods too. I cried when I saw children.

"Some are in the kitchen," mahinang sabi ni Nadine na kakalapit lang sa amin.

"Nasaan ang mama mo, Titus?" nanginginig ang boses na tanong ko.

"You stay here. I will check the upper floors," sabi niya sa akin.

"I'll go with you," ani Matteo at sabay na nga silang umalis.

Naiwan kami ni Nadine kasama ang mga bangkay ng mga tauhan nina Titus.

"They're still in the early stage of decomposition. Maybe they were killed early today or late last night," ani Rocco na naka-squat sa tabi ng mga bangkay.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Gusto kong masuka dahil tila hinalukay ang bituka ko sa lahat ng nangyayari ngayon.

And the smell of blood was starting to overcome me.

"You okay?" tinapik ni Nadine ang balikat ko. "You can stay outside if you want. Your eyes are starting to turn red."

"T-Talaga? Sige. Sa labas lang ako," sagot ko ngunit bago pa man ako makahakbang ay s'ya namang pagbalik nina Titus at Matteo.

Both of them looked angry.

"My mother is not here. Let's go check your families now," ani Titus sa mga kaibigan n'ya.

Hindi nga kami nag-aksaya ng panahon. Una naming pinuntahan ang Brigham mansion. Tulad sa mga Bloodworth, tila dinaanan din iyun ng delubyo. May mga bangkay din ng mga katulong at Purebloods na nakakakalat sa kung saan-saan.

And Matteo's parents were nowhere to be found either.

Huli naming pinuntahan ang sa mga Horton. Walang ipinagkaiba sa mga nauna ang sitwasyon maliban na lang sa bangkay ng lalaking nakabitin patiwarik sa may hagdanan papuntang second floor.

"Fredrick," gimbal na sambit ni Nadine na tila papel na sa pamumutla. Muntik pa siyang mabuwal. Buti na lang mabilis na nakaalalay si Matteo sa kanya.

"Her parents and Brooke are not here," ani Titus na s'yang nagpunta sa taas upang mag-check.

Si Rocco naman ang nagbaba ng katawan ni Fredrick at inilapag ito sa sahig.

"Where could they be?" mahina kong tanong.

"It's either nakatakas sila or Lucinda has them," sagot ni Titus na napatiim-bagang.

"Paano kung pinatay na rin sila?" konti na lang and Nadine would lose it. She was starting to panic kaya naman agad siyang niyakap ni Matteo.

"They're alive," Titus said matter of factly. "If they were dead, their bodies would have been here too. Lucinda would have done the same thing," aniyang nakatingin sa kawawang katawan ni Fredrick.

I didn't even get the chance to know the guy. Just when he and Ambrosia looked happy.

"Rocco, was it like this when you left?" tanong ko sa lalaking tahimik lang na nakamasid sa paligid.

Mariin siyang umiling. "Not this bad. Maraming Turned vampires na dumating and many witches took Lucinda's side when you left for Graviville, T," baling niya kay Titus.

"So, where are they?" frustrated na tanong ni Matteo.

Walang nakasagot sa amin.

I looked at the bloody place once again. I assessed the situation before squatting beside a shoe mark on the floor. The mark was made of blood.

A man, most probably dahil sa laki ng sapatos.

"What is it?" tumabi si Titus sa akin.

Hindi ko siya sinagot. I touched the shoe mark and closed my eyes.

The familiar feeling of electricity crept from the floor to my fingers.

Iyak at sigawan. Iyun ang una kong narinig. Napakunot ang noo ko nang dahan-dahang nag-form sa paningin ko ang nangyari rito.

A Turned with cracked face stepped on my fingers that were touching the bloody floor. But there was no pain because I was seeing the past.

"Tama na," sigaw ni Fredrick na nakayakap kay Ambrosia. She could barely move. Ang laki ng tiyan na at mukhang manganganak na siya any moment.

"Sino kayo para maghari-harian?" sabi ng Turned na siyang may-ari ng shoe mark na hinahawakan ko. I was tethered to the past through him. It was obvious that he was leading this attack.

Nasaan sina Lucinda at Florence?

"Patayin ang mga 'yan!"

The next scene was heartbreaking. Mostly mga kabataan ang nandito sa mansyon ng mga Horton. Dito sila nag-evacuate. Mukhang kagagaling lang din nila sa eskwelahan dahil suot pa nila ang uniform na katulad ng kina Raye at Max dati.

And all of them were murdered.

Pilit nakipaglaban sina Levi Horton at asawa niyang si Clementine, but they were outnumbered. Hanggang sa nagtagumpay ang mga Turned na gapusin sila.

Fredrick fought in front of Ambrosia. He tried to protect his family, but he, too, was overpowered.

Ambrosia cried and screamed when her husband was hung upside down and stabbed multiple times with knives laced with Foxglove.

Napabuga ako ng hangin nang tumayo ako. Tila hinihingal pa ako.

"Hey, hey. You're okay. You're here with us," hinila ako ni Titus at saka ko lang namalayan na basa na ang mukha ko ng luha.

"Savannah, what did you see?" ani Nadine.

***

Continue Reading

You'll Also Like

8.4M 466K 53
Jewellana Leticia is an outcast. She has been a victim of mockery as she couldn't keep up with the other goddesses her age when it comes to power an...
255K 2.9K 8
Somewhere, in the abyss of a forest, there are creatures we think that they're never existed. But the truth is, they are real and you are bound to me...
38.2K 1.4K 34
Vaughn Series 2 CREED VAUGHN |COMPLETE| Half Vampire half werewolf, met the pure human. Creed Vaughn. Kilala bilang isang strikto at seryosong Bamp...
10.3K 367 20
|Complete | Till death do as part i love you. TIBO SERIES 2 Book 1: Kahit na ko'y Titibo Tibo Book 2: Tibo-Tibok