If we fall in-luv

Autorstwa SirIncredible

26K 61 1

"The most important subject that you need to learn in life is to learn how to love" - Pope Francis Więcej

Introduction
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59

CHAPTER 54

645 1 0
Autorstwa SirIncredible

"Hooh! Excited na ako Tol! Akalain mong madadagdagan na naman ang edad mo?", sambit ng driver ng van habang pabalik na ng LVC Branch. Katabi niya sa front seat ang isang lalaking tinanggal na ang polo dahil sa init at sasabat ng mga katagang... "Kaya nga eh!"




Habang mapapadpad sa isang intersection at nakapulang stoplight, hihinto ang dalawang magkaibigan at magpapatuloy sa usapan.

"So... saan tayo bukas? ano? kuha kita ng bagong chick sa bar sa Malate pagkatapos mag-gym? O yayain naman natin yung mga ka-brad natin sa basketball dun sa bakery malapit sa inyo? Ako na ang bahala sa pulutan! Basta sagot mo yung isang case...", sambit ni Trumpet habang hawak ang manibela at patingin-tingin sa stoplight na may countdown digits

"Kaya nga eh!", ulit na wika ni Lawrence sa tabi

"Ano! Wala ka pa bang pera? Gusto mo pautangin muna kita! Ikaw naman kasi eh... pinadukot mo pa sa mga snatcher yung pera sa pitaka mo! Kung hindi ka naman kasi tanga eh! Ano?", pilit na sambit ng kaibigan

"Kaya nga eh!", mas malungkot na wika ni Lawrence

"Anong kaya nga eh? Ano bang ikinalulungkot mo eh dati naman kapag birthday mo... lagi tayong masaya di ba? Ikaw pa nga ang nagyayaya ng inuman! Mabuti't eksakto ang petsa ngayon... inaalala mo pa ba si Sydney?",sambit ni Trumpet at paaandarin ang sasakyan

"Hindi naman si Syd ang ikinalulungkot ko!", wika ni Lawrence at titingin sa harapan

"Kung hindi si Syd, eh Sino?!", marahang sambit ni Trumpet at mag-iisip, "Ang journalist na yun!"

"Alam mo Tol... isa sa pinakahihiling ko sa Diyos ngayong taong ito ay ang magkaroon na ako nung isang taong totoo kong mamahalin at yung aalagaan ng buong-buo na hindi ko pa nararamdaman sa tanang buhay ko"

"Tol... marami namang umaaligid sa'yo... sa atin! Hindi ka pa ba kuntento na marami ang nagmamahal sa'yo?"

"Pero siyempre... mas masarap kung may isang tao kang pinagbubuhusan ng iyong panahon na magpapaligaya sa iyo at sa magiging pamilya niyo!"

"Ah... ang sinasabi mo pala ay isang asawa. Ang magdadala ng lahi mo... ang mag-aalaga sa iyo habang buhay... Tol, nasagi na rin yan sa isip ko eh dahil tumatanda na nga rin ako kaya lang magulo pa ang buhay ko eh at may trauma pa sa mga dati kong nakarelasyon. Siguro sa takdang panahon... mahahanap ko rin ang tunay na magpapatibok ng aking puso", sambit ni Trumpet na patuloy na nagmamaneho

"Tol... ganun pala ang umibig nuh! Kapag nasaktan ka... para kang nababaliw sa kaiiisip! Para kang pinagsukluban ng langit at lupa... tinamaan lang kasi talaga ako eh!"

"Ganito na lang... bakit... uhm... Bakit hindi natin siya imbitahin bukas?!"

"Anooooh?!!!", malakas na wika ni Lawrence na ikabibigla ng drayber at mabilis na magpepreno. May muntikan na silang makabanggang kotse sa unahan na biglang huminto dahil sa red na stoplight

"Ay! Sorry po Sir!", sambit ni Trumpet sa labas ng bintana habang nakasimangot ang unahang drayber. Lilingon siya sa kaibigan, "Bakit hindi? Tol! Chance mo na ito para sabihin sa kanyang totoo ang damdamin mo para sa kanya! Na gusto mo siyang mapangasawa"

"Eh... halos isumpa nga ako nun sa sobrang galit niya eh!"

"Dati yun kasi nga nagpanggap kang ibang tao ka! Eh paano kung makilala na niya yung totoong ikaw? Yung Lawrence Guanzon na umiibig sa kanya!"

"Kung sa bagay...", wika ni Lawrence at paaandarin na naman ng kaibigan ang sasakyan, "Alam ng Diyos kung gaano ko siya kamahal... Sana ay kalugdan nawa rin ako ng Maykapal..."

Pagkatapos mag-overtake mula sa gilid ng harapang sasakyan nila ay biglang pepreno si Trumpet at muntikan nang mabangga ang isa pang sasakyang nakahinto sa kanilang harapan. Magagalit si Trumpet... bababa ng van at kakausapin ang drayber ng harapang sasakyan.

"Ampota! Ano ka ba naman! Bakit dito niyo kasi iyan ipinaparada? Hah?!", sabi ni Trumpet at titingin sa driver's seat ngunit wala rito ang drayber hanggang sa may isang lalaki na tumawag sa nakataas na unahang bahagi ng tila mamahaling sasakyan

"Ay! Sir... pasensiya na kasi biglang umusok yung bandang radiator nito eh kaya chineck ko na muna", banggit ng lalaking nakapolong pang-opisina

"Ganun ba? Eh sana nagpa-assist muna kayo sa mga rumorondang MMDA rito para hindi kayo makaabala sa daan... Muntikan ko na po tuloy kayo mabangga", sabi ni Trumpet na susundan ni Lawrence mula sa nakatigil na van

"Pasensiya na ulit! Nagmamadali kasi ako kanina nang biglang hindi na mag-start yung makina", dagdag ng lalaki na patuloy sa paghahanap ng problema

"Na-check niyo na po ba yung carburetor?", nakatayong sabi ni Trumpet

"Ba... bakit? Ano bang problema?", tanong ni Lawrence sa dalawa

"Umusok daw kasi, baka overheat...", bulong ni Trumpet sa kasama na lilingunin naman ng lalaking may grasa na sa mga kamay

"Patingin nga!", wika ni Lawrence at agad layo ng lalaki sa compartment

"Naku... naabala ko pa tuloy kayo mga Sir...", banggit ng lalaki

"Ayos lang po! Pauwi na rin naman po kami eh tsaka marunong yang kabarkada ko sa mga pagmemekaniko...", nakangising sabi ni Trumpet sa kausap

"Ah... Ganun ba?!", banggit ng lalaki at titingin sa ginagawa ni Lawrence

Mangangati ang ilong ni Lawrence na papahirin naman niya ng maduming kamay at titindig mula sa pagkakatuwad, "Sige Sir... start niyo nga po!"

"Okay...", banggit ng lalaki at pupunta sa kanyang upuan upang kalabitin ang nakasuksok na susi at ini-start ang sasakyan. Magiging ayos na ulit ang lahat.

"Ayun pala eh! Natumbok mo Tol!", sabi ni Trumpet sa kaibigan

"Wow... Pasensiya na po ulit sa abala... Mabuti at nakuha niyo ang problema...", masayang banggit ng lalaki at kukuha ng bilog na basahan sa loob upang ibigay sa Lawrence

"Wala pong anuman...", wika ni Lawrence na isasaayos na ang compartment at tutunguhin ang van sa likod. Nagpupunas na rin siya ng mga dumi sa katawan.

"Ahm... siya nga pala! Tanggapin niyo ito...", dagdag ng lalaki at magbibigay ng ampaw kay Lawrence


"Naku sir... huwag na ho! kinabit ko lang naman yung natanggal na wire"

"Sige na...",pilit ng lalaki na makikita naman ni Trumpet mula sa likod at bigla itong kukunin

"Okay... salamat po Sir! Salamat...", sabi ni Trumpet at biglang tulak papunta sa van kay Lawrence. Magtataka si Lawrence at bubulong dito..."Oh...pambirthday mo rin ito!"

Kakaway ang lalaki sa dalawa at paaandarin ang sasakyan, ngingiti at magpapaalam.

"Muwah!",halik sa ampaw na sambit ni Trumpet at tatabi sa manibela, "Ayan...wala na tayong problema sa pang-serbesa!"

"Eto... hindi ko na nga tinanggap eh"

"Haha! Hayaan mo na Tol... blessings din ito nuh! Tsaka ang gara ng Volkswagen ni Sir dun eh... Oh!", sabi ni Trumpet na paaandarin naman ang van at ibibigay ang ampaw sa katabing kaibigan. Pagkaalis nila sa pinangyarihan ay bubuksan ni Lawrence ang ampaw at matatawa.

"Oh... bakit ka naman napapangiti diyan?", lingon na sabi ni Trumpet habang hawak ang manibela. Ibibigay ng kaibigan ang nakuha at titingin sa harapan. Walang ibang laman ang ampaw kundi isang note na ang nakalagay ay: THANK YOU

"Hahaha...sabi ko sa'yo dapat hindi mo na lang tinanggap eh...", ani Lawrence

"Anak ng...",pagtataka ni Trumpet na itinapon ang note at nagmaneho na lamang






Ilang minuto na lamang at magsasara na rin ang LVC PADALA BRANCH. Ang pinakahuling customer ng tanggapan ay isang makisig na lalaki at may bagong lagay napabango. Nakasuot ito ng itim na pantalon, makinis na sapatos at pulang polo na terno sa kulay ng kanyang sasakyang Volkswagen sa labasan. May bitbit itong kahon na nakabalot ng makinang na papel at ilalatag sa mesa ng pinaka-kahera.

"Yes... Sir Guwapito...", naglalaway na banggit ni Madam NJ

"Ah... Can I get your...", sambit ng lalaki

"Number? Zero nine one six four...", mabilis na banggit ng matanda

"Marker! Nawala po kasi yung marker ko sa kotse kanina...", dagdag ng lalaki

"Ay! Ganun po ba?Pasensiya na po!", kalmadong banggit ng Madam at kukunin ang pentel pen. Ibibigay sa lalaki at isusulat sa regalo, "Eto na rin Sir yung form..."

"Thanks!",nakangiting sambit ng lalaki at kukunin na rin ang ballpen na ibinigay ng matanda. Ilang saglit pa ay siya namang dating nina Lawrence at Trumpet.

"So... Sir Julius Yap?", tanong ng Madam pagkakita sa form. Tatango ang lalaki at makakatunog naman ang dalawang assistant, "Wala po kayong local address? Hindi po kasi namin maipa-file na Chinese package ito kung hindi dumaan sa Foreign Customs"

"Ah... Ganun ba? Susurpresahin ko kasi sana yung mapapangasawa ko sa gift kong ito!",sambit ng lalaki na diretso lang ang tingin sa babaeng kausap

"Well... kung ganun po ang intention niyo, kahit anong return address na lang po for reference if hindi matatanggap ng mapapangasawa niyo yung package..."

"Ah... okay!",magiliw na sambit ng lalaki na magsusulat sa form habang nakatigil sa isang tabi sina Trumpet at Lawrence

"Sige Sir and your package is in good hands!", kukunin ni Madam ang kahon at ang bayad ng lalaking may kasamang limampisong tip, "Thank you sir!"

"I expect before 8 in the morning ay matanggap na niya kasi..."

Biglang kukunin niMadam NJ ang kamay ng lalaki, "Don't worry handsome... we will!"

"Okay!",nakangiting sambit ng lalaki at biglang iaalis ang kamay sa matanda. Lalabas ng mabilis si Julius at paaandarin ang kaninang nasiraang sasakyan.

"Oh! Si Julius Yap na pala yung lalaking kaninang tinulungan natin?!", sabi ni Trumpet sa kaibigang napatulala

"Trumpet! Lawrence... kilos na! Alis na tayo agad kasi may urgent package pa kayo bukas ng umaga... narinig niyo naman hindi ba?", banggit ni Madam NJ sa kanyang silya

"Eh... Madam,kanino raw po niya ipinapabigay yan?", usisa ni Lawrence na lumapit sa matanda. Kukunin ni Madam NJ ang form at babasahin ang receiver...












"Kay... kay ano! Kay... Janice Behosano!"


Czytaj Dalej

To Też Polubisz

40.8M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...