The Coolest Guy (ON GOING)

By DianaAranda

36.4K 798 138

Hindi naman ganun ang pagkamuhi ni Cream sa love. Simple lang ang pinaglalaban nya. She will believe in it wh... More

The Coolest Guy
Prelude
Chapter One :)
Chapter Two :)
Chapter Three:)
Chapter Four :)
Chapter Five :)
Chapter Six :)
Chapter Seven :)
Chapter Eight :)
Chapter Nine :)
Chapter Eleven :)
Chapter Twelve :)
Chapter Thirteen :)
Chapter Fourteen :)
Chapter Fifteen :)
Chapter Sixteen :)
Chapter Seventeen :)
Chapter Eighteen :)
Chapter Nineteen :)
Chapter Twenty :)
Chapter Twenty One :)
Chapter Twenty Two :)
Chapter Twenty Three :)
Chapter Twenty Four :)
Chapter Twenty Five :)
Chapter Twenty Six :)
Chapter Twenty Seven :)
Chapter Twenty Eight :)
Chapter Twenty Nine :)
Chapter Thirty :)
Chapter Thirty One :)
Chapter Thirty Two :)
Chapter Thirty Three :)
Chapter Thirty Four :)
Chapter Thirty Five :)
Chapter Thirty Six :)
Chapter Thirty Seven :)
Chapter Thirty Eight :)
Chapter Thirty Nine :)
Chapter Forty :)
Chapter Forty One :)
Chapter Forty Two :)

Chapter Ten :)

1.1K 23 3
By DianaAranda

Copyright © Diana Aranda

I don't share what's mine

Ice and I have been usually together the past few days. Whether it may be inside or outside the school premises. Basically, it is because we usually practice our talent at their music room and because of our responsibilities as first year representatives of the College of Business.

Madalas man kaming magkasama, bibihira lang kaming mag usap. Like, we act civilly together. Kapag magkasama kami, madalas eh naglalaro lang kami parehas ng Just Got 10 sa phone namin at nagpapaunahang makakuha ng 11 since parehas na naming nakuha ang 10. Maraming beses na nga kung tutuusin.

But this day was different. Mag isa lang ako ngayon. I wonder where Ice is. Absent din si Adam kaya wala akong mapagtanungan. Tatanungin ko sana si Trisha kanina pero mukhang nagmamadali naman sya papunta sa kung saan. Kasunod pa nya si Ivan na mukhang hingal na hingal na din kakasunod kay Trisha. Where is everyone?

I tried to call them pero malas talaga ako kasi dead bat na ang phone ko. Wala akong mahiraman ng charger kasi nasa klase pa ang iba kong kakilala. Where to borrow one?

"There you are! Nakita din kita!" nakangiting bati sakin ni Catherine. She still looks refreshing katulad pa din ng kung paano sya araw araw pag nakikita ko sya.

"Hey." tamad kong sagot sa kanya. Napansin ko ang biglaang pagtangkad nya kaya agad akong napatingin sa kanyang mga paa. Nakasuot pala sya ng killer heels kaya naman feeling ko eh ang liit ko today.

"Kanina pa kitang tinatawagan pero out of coverage." umihip ang hangin dahilan para mapapunta ang ilang hibla ng buhok nya sa mukha nya. Good thing naka bun ang buhok ko. Nasanay na din akong dapat palaging itali ang buhok dahil palaging mahangin sa labas. Naiirita lang ako kapag sumasabog ang buhok ko sa hangin.

"Sorry. My phone run out of juice. Nakalimutan ko battery ko. Meron ka ba?" nakangiwi kong ipinakita ang phone ko na talagang wala nang buhay. Natawa naman sya sa sitwasyon ko kaya nangako syang pahihiramin ako ng charger nya sa isang kondisyon.

"Okay. So, ipapractice natin ngayon ang lakad mo. Dapat, natural lang. Wag kang mapressure. Know that you are beautiful." paliwanag nya sakin. Nakatayo sya ngayon sa may stage habang nakalagay ang dalawang kamay sa waist nya at pang Miss Universe ang dating. Saglit kong sinilip ang phone ko na nakacharge sa may gilid.

"So, ikaw naman." pumunta sya sa gilid at bumaba. Alanganin naman akong tumayo sa suot kong mataas na sapatos. She insisted that I should start familiarizing myself with this kind of shoes. Dapat daw ay magsuot na din ako nito sa mga susunod na araw para masanay na ang paa ko at di ako mahirapan sa mismong araw ng pageant.

Kinapa ko muna ang sarili ko sa sapatos na dala ni Catherine. Ilang buwan na rin ng huli akong magsuot ng ganito kataas na sapatos. Medyo di na rin ako sanay dahil masyado akong nawili sa pagsusuot ng sneakers nitong mga nakaraang buwan. Tama nga si Catherine. I really need to bring back my love for high heels.

Dahan dahan akong naglakad paakyat ng stage habang nahawak sa kung ano man ang maaari kong kapitan. Baka mamaya, mahulog pa ako or something. Nang marating ko ang stage ay agad syang nagpatugtog ng isang nakaka enganyong sayaw. Para daw mas ganahan akong maglakad.

"Straight body Cream. Chin up! Boobs out, stomach in. Butt out." paulit ulit nyang paalala sakin. Tumingin ako sa sapatos na suot ko. You can do this Cream. Sanay ka dito diba? Ngumiti ako at nilagay ang dalawang kamay sa waist ko sabay alis din nito saka naglakad mula kaliwa papuntang kanan papuntang gitna para magpakilala at pabalik ulit sa kaliwa.

"Nice one Cream!" palakpak ni Catherine. Pinaulit ulit pa nya sakin ang routine hanggang sa makita nyang kaya ko naman palang gawin ang pinapagawa nya sakin.

"It looks like alam na alam mo ang ginagawa mo ah?" nakangiting salubong nya sakin pagkababa ko. Pinagbukas nya ako ng mineral water at agad na ininom iyon. Medyo napagod din naman ako sa pinag gagagawa ko kanina.

"I joined Miss Teen USA just months ago." kaswal kong sagot sa kanya.

"What?" kitang kita ko ang paglaki ng mga mata nya. Natawa naman ako ng bahagya. Minsan ko lang makita na ganito ang reaksyon ni Catherine. Dapat pala, nakuhanan ko ng picture.

"Sabi ko, ——" nabigla ako ng pinigilan nya akong magsalita pa ulit.

"No. I get it. Nahirapan lang ako iprocess." dinampot nya ang sarili nyang bottled water at uminom doon. "Wow. Kaya pala you walked like a model." komento pa nya pagkalabas naman ng Cultural Building.

"Not really. Nakasanayan lang siguro." sinilip ko ang phone ko na wala man lang natanggap na kahit na anong mensahe o missed call. Nasaan na ba ang mga yun?

"Hey, napansin mo ba sila Adam? Or Ice?" natanong ko bigla kay Catherine na mukhang busy na ngayon sa pagtingin sa phone nya.

"Adam is on rehearsals. Ice? Di ko alam." nilagay nya ang phone nya sa tenga at mukhang may tinatawagan.

"I need to go Cream. Bye!"

"Pero ——" hindi na ako nakaimik dahil sinagot na nung tinatawagan nya ang tawag nya. Now, saan naman kaya ako tatambay? Still got three hours bago magsimula ang susunod kong klase. Mag ditch na lang kaya ako?

Dahil bored na ako at ayaw kong maghintay ng tatlo pang oras ay umuwi na ako para matulog. Bandang alas singko na ng magising ako sa katok sa may pintuan ko.

"Pasok." tamad kong sabi sabay bangon na din. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Niluwa ng pinto si Mommy. Agad akong nagtaka sa ayos nya. Wala syang suot na bonggang outfit o mga butterflies sa pilik mata nya. Nakasimpleng Blue Green na dress lang sya at nakabun din ang buhok kahit na may kaunting alpas ang mga iyon na inipit lang nya sa likod ng kanyang tenga. Minimal lang din ang make up nya ngayon at di katulad ng nakasanayan kong over the top na ayos nya.

"Cream, good thing you're awake! Remember the event Ive been telling you last week?"

"Alin Mom? Yung Auction?" lumapit sya sakin at pinindot ang pisngi ko.

"You're getting fat. You should visit your fitness trainer soon." tumaba ako? I didnt even notice it! "Anyway, about the auction. Mamayang 8PM yun sa BnV Hotel. Napahanda ko na ang susuotin mo and Raymart is on his way to do your make up. Better take your shower now." Dinampot nya yung isang pabango ko at inispray iyon sa wrist nya sabay amoy. Nagkibit balikat sya saka ako muling pinaalalahanan. Something is wrong with my mother.

Papasok na sana ako sa bathroom ng magring ang phone ko. I dont usually get calls ng ganitong mga oras. At mas nabigla pa ako ng makita ang pangalan ni Catherine sa caller ID.

"Cream! I have a favor to ask." medyo maingay sa background nya kaya medyo nilalakasan nya ang boses nya.

"Sure! As long as kaya kong gawin." 

"May event kasi ngayon dito sa may BnV Hotel. And part ng event ang isang fashion show. One of our models, Carmela got sick at hindi nya kami na notify agad kaya wala kaming mahanap na replacement. Hindi naman kami pwedeng kumuha na lang ng basta basta kasi main gown ang susuotin nya. So, I was thinking, pede ka?" Did I heard her right? Ako? Magmomodel ng gown?

"Ako? Hindi ako qualify." sagot ko sa kanya.

"I know but alam ko din naman na you can pull this off eh. I saw you walk. You do that better than me. Please?" I can sense some urgency sa boses nya. Since kahit papaano ay naging kaibigan ko din naman si Catherine, um-oo na ako sa alok nya.

Nalaman ko na ang event na pupuntahan ko ay kaparehas lang din pala nung sinabi sakin ni Catherine. Buti na lang at pinayagan ako ni Mommy. Ipapadala na lang daw nya ang damit ko.

Mabilis akong nakarating sa usapan namin ni Catherine. At ngiting ngiti sya ng i-welcome ako. May mga rolls na nakalagay sa buhok nya at may kaunting make up na rin na nailagay sa mukha nya.

"Come, tuturuan muna kita." hinigit nya ako papunta sa runway at muli ay pinagsuot ng mataas na sapatos. Matapos ang ilang minuto ay pinapunta na rin nya ako sa dressing room para masimulan na ang pag ayos sa akin.

Im not really comfortable with this. First time kong rarampa na ang suot ay gown. Sana lang ay hindi ako madapa or something. Marami din naman palang model dito. All of them have the same blend. Matangkad, mapayat at walang boobs. I guess, mahirap talaga mag model pag may kalakihan ang boobs mo. Mahihirapan ka sa outfit mo at sa pagdadala ng sarili mo.

Apat ang finale gown at pinasuot sakin ni Ms. Ai Zalderiaga ang kulay itim na gown. Sabi nya, bagay daw iyon sa kaputian ko.

"Okay girls! Ready na ha?" announcement nung isang lalaki na may suot na headset sa ulo nya.

Pangatlo ako sa lalabas. Nararamdaman ko na ang pressure sa buong katawan ko. "You're so pretty Cream!" bati sakin ni Catherine ng muli kaming magkita. Sya ang pangalawang lalabas.

Sinilip ko ang nasa unahan nya at nakita ko si Blue na nakasuot ng kulay asul na gown. She's really pretty. Hindi maitatanggi iyon. Kahit naman na sino ay sasabihin iyon.

"Blue! Isnt Cream gorgeous?" hinigit ni Catherine si Blue para paharapin sakin. Mukhang nabigla pa sya ng makita ako.

"What is she doing here?" iritado ang boses nya at medyo nainis din ako sa inasta nya.

"Got her as Carmela's replacement." kaswal na sagot naman nung isa.

"OMG. Ate Cream?" napatingin ako sa gilid ko at nakita ko si Rain na nakasuot ng kulay puting gown. Ang ganda talaga ni Rain. Kung maganda si Blue, mas maganda si Rain. Natural na natural ang kinis ng kutis nya. Tipong kahit walang make up at di ayusan, alam mong maganda.

"Ikaw nga! OMG. Rarampa ka din?" excited nyang tanong. Nahalata kong nagpipigil lang sya sa pagyakap sakin dahil baka magusot ang suot naming mga damit.

"Oo eh. Hinila ako ni Catherine dito." ngiwi ko sa kanya. Bahagya syang natawa sa sagot ko. Look at those pair of eyes. Kaparehas na kaparehas ng kay Ice.

"Rain, you look good!" comment naman ni Blue na biglang sumingit sa usapan namin. Nawala ang ngiti sa labi ni Rain at walang interes na hinarap si Blue.

"I always look good Ate Blue." maarte nyang sagot at mukha namang napahiya si Blue doon kaya pilit na lang sya na ngumiti saka tumalikod sa amin.

"Kung kausapin ako, parang close kami ah?" inis na tumayo sa likod ko si Rain. "It's so itchy!" dinig kong reklamo nya.

"1 minute girls!" sigaw ulit ng lalaki. Sunod sunod naman ang pagpasok ng male models sa loob.

"Nuxx. Taray ah, kelan ka pa naging model?" tanong sakin ng naka all white na tux na si Adam. I have to say, he looks damn hot with that outfit.

"Kanina lang." kaswal kong sagot pampatanggal kaba.

"Mamaya na kita aasarin sa party." bulong nya sakin sabay halik na din sa pisngi ng kapatid nya na nakatayo sa likod.

Unang labas pa lang ni Blue ay palakpakan na agad ang mga tao. Tiningnan ko ang itim na gown. Ang ganda ng pagkakagawa. Halatang pinagtuunan ng pansin ang bawat detalye nito. Simple but elegant.

Sunod namang lumabas si Catherine. Malakas na palakpakan din ang narinig ko. Mas lalo tuloy akong kinabahan.

Huminga ako ng malalim at pumikit. 'Just walk and dont ever fall down' paulit ulit na mantra ko sa sarili. Come on Cream! Ilabas mo ang kapal ng mukha mo.

"Wag kang kabahan. You look amazing tonight." napamulat agad ako ng mata at napatingin sa nagsalita. There he stood with perfection. Kung si Adam, naka all white, si Ice naka all black. He's not wearing any tie at all. Nakabukas ang unang dalawang butones ng itim na long sleeves nya. He looks like a model.

Nginitian ko sya. Hindi ko na magawang purihin pa through words ang itsura nya ngayon. "Cream! You're up!" huminga ulit ako ng malalim.

"Damn Beautiful." dinig kong sabi nya saka ako naglakad papunta sa gitna ng stage. Sabi ni Catherine, keep a seductive face. Wag kang ngingiti. Make them think of who you are thinking. Make them curious.

Buong confidence akong naglakad sa stage. At katulad din ng palakpakan kina Blue at Catherine, malakas din ang sa akin.

Nakita ko sa audience ang pamilya nila Ice. They were with the other members of the super rich community. Napansin ko din ang isang lalaki na titig na titig sa akin. Bakit nya ako tinititigan?

Naglakad na muli ako pabalik sa likod at si Rain naman ang sumunod na lumabas. Ofcourse, mas malakas ang palakpakan sa kanya. Isa syang sikat na teen idol. Magaling, mayaman at maganda. Everyone knows her. Everyone wants to be her.

Pagkatapos ni Rain ay sunod sunod ulit kaming lumabas at tumayo sa kanya kanyang posisyon. Kaming dalawa ni Rain ang nasa gitna at si Catherine at Blue ang nasa gilid namin. Kasunod noon ay ang paglabas ni Miss Ai at ang pag flash ng logo nya na AZ.Napag-alaman ko din na kasal na pala ang sikat na designer na ito at may anak na kasing edad nila Rain. Hindi halata! Hindi lang daw talaga nya ginagamit ang apelyidong Soriano pagdating sa mga ganitong fashion event.

Pagkatapos ng fashion show ay maraming kumuha ng pictures at nag interview pa. Mabuti at mabilis akong nakawala sa sa media at nakabalik sa back stage. Nandun na pala sila Raymart at ang glam team ni Mommy para ayusan ako.

Inalis nila lahat ng make up na nakalagay sa mukha ko at pinaltan iyon ng bago. Inayos din nila ang buhok ko. Dress pala ang dapat na suot mamaya sa auction na sinasabi ni Mommy. Kulay pink na may kakaibang tela ang suot kong dress. Maganda at talaga namang agaw pansin sa pinaka simpleng paraan.

"Bakit ang ganda mo?" preskong umupo si Ice sa katabi kong upuan. Tinaasan ko sya ng kilay.

"Bakit ang presko mo?" tumayo ako at tiningnan ang sarili ko sa full length mirror.

"Kasi gwapo ako." mayabang nyang sagot sa akin. Tiningnan ko sya. Saan kaya namana ng isang to ang pagka asshole nya? Walang araw na hindi ginawa ang Diyos na hindi ako pagtitripan ng isang to eh.

"Tapos?" wala akong interes sa pangungulit nya ngayon.

"Wala akong date. Ikaw na lang ang date ko." kaswal nyang sabi sabay tayo at nilapitan ako. Tumayo sya sa likod ko at sinuotan ako ng kwintas. Naramdaman ko na lang ang malamig na metal na iyon sa balat ko.

"I saw that yesterday. Tapos naalala kita." tiningnan at hinawakan ko yung kwintas. Nay pendant ito na ice cream. Maliit lang pero kapansin pansin.

"Thank you." mahina kong sagot. Ngumiti lang sya sakin.

"So, is that a yes?"

"Saan?"

"Sabi ko, wala akong date. Ikaw na lang."

"Nandyan si Blue ah. Sya na lang." pang aasar ko sa kanya. Umiling lang sya at hinawakan ang kamay ko.

"I cant go with you." kita ko ang pagkunot ng noo nya.

"And why?" nanghahamon nya na tanong.

"Kasali ako sa auction." matipid kong sagot sabay pakita sa kanya nung isang papel nagpapatunay na kasali ako sa auction mamaya.

"Then I'll gladly buy you." nakangisi nyang sabi saka ako iniwan sa loob. Syang paglabas nya ay ang pagpasok naman ni Mommy. Nakasuot na sya ngayon ng pulang dress na hanggang tuhod nya. Katulad kanina, minimal lang din ang make up nya.

"Gorgeous." comment ni Mommy. Alanganin akong ngumiti sa kanya at nag thank you. May pinagsasasabi pa sya pero masyado akong engrossed sa I'll buy you chorva ni Ice kaya di ko masyadong naintindihan.

Ang auction na ito ay isang fund raising activity kung saan ang malilikom na pera ay itutulong nila sa mga batang may malalalang sakit like cancer. Simple lang naman ang iau-auction. Kaming mga girls. Ofcourse, yung highest bidder namin ang magkakaroon ng pagkakataon na makasayaw at makadinner kami mamaya. I did it for the kids. Sana lang, sa mabuting tao ako mapunta.

Catherine raised 750k at ang pinakamataas nyang bidder ay isang gwapong lalaki na mukhang interisado sa kanya. Naiinis na tinaggap ni Catherine ang kamay nung lalaki. Maybe, they are not in good terms.

Marami pang babae ang nauna sakin. Di ako pamilyar sa kanila. Iilang buwan pa lang naman ako sa Pilipinas kaya kakaunti pa lang ang kakilala ko bukod sa mga kaklase ko sa school.

"Next, Miss Cream Jersey Sandoval." naglakad ako papunta sa unahan sa tabi nung announcer. Tiningnan ko ang buong audience na may kanya kanyang hawak na baso ng wine. Lahat sila, kakikitaan mo ng kayamanan. Tiningnan ko si Mommy na nag raise ng glass nya sakin. Ngumiti ako saka tiningnan muli ang announcer.

"Oh! Malaki ang presyo ni Miss Sandoval. The price starts at 100k." agad na may nag raise ng card nya at nag bid ng 100k. Hindi ko iyon kilala pero mukhang mabait na tao naman.

"Mr. Silva bids 100k. Am I hearing 150k?" excited na sabi nung announcer. May isang lalaki na nagtaas ng card nya at nagsabi ng 150k. Iba pang lalaki ulit yun. Hindi ko pa rin sya kilala.

"Wow. Mr. Villarama bids 150k! Am I hearing 180?" tiningnan ako ng nakangiting announcer.

"500 thousand." malakas na sabi nung isang lalaki. Tiningnan ko sya. Sya yung lalaki na nakatingin sakin kanina sa may runway. Di ko sya kilala. Why would he bet 500k? Mas kilala nila si Catherine pero Catherine only managed to raised 750k. Magkano kaya ang akin?

"Wow! 500 thousand for Mr. Dominguez. Any bid? Am I hearing a million now?" tinitigan ko yung Mr. Dominguez. Feeling ko, tumanda lang sakin to ng dalawang taon.

"600 thousand." sabi nung unang nag bid.

"800 thousand." tapat ni Mr. Dominguez. He's determine to get me. Agad na hinanap ng mata ko si Ice. Akala ko ba, bibilhin ako ng isang tao. Nandun lang sya. Cool na nakatayo habang hawak ang baso ng wine. Nakangisi sa akin.

"1 million." imik ni Adam. Nabigla ako sa bid nya. Hindi ko ine-expect na magbibid si Adam para sakin.

"Oh! One million? Any other bid? This is really exciting! Mukhang marami ang may gusto kay Miss Sandoval!" tuwang tuwang sabi ng announcer.

"Five million." bid ulit ni Mr. Dominguez. Nagbubulungan na ang mga tao. Nakangisi na si Mr. Domiguez kasi akala nya, sya na ang mananalo.

"Eight million." sabi nung isa pang bidder. Bago lang sya. Hindi ko sya masyadong napapansin.

"15 million." muling bid ni Mr. Dominguez. Napapailing na lang yung iba. Wow! Yung laki ng pera na handa nyang gastusin, makasama lang ako sa isang dinner, di biro. Tiningnan ko si Mommy na kausap na ngayon si Tita Alex."

"15 million by Mr. Dominguez! Any bid?" naghintay sya ng ilang segundo. Nakita ko ang pag high five ni Mr. Dominguez at nung isa nyang katabi.

"Ms Sandoval for 15 million. Going once, going twice..."

"25 million pesos." preskong imik ni Ice. Lahat ay napatingin sa kanya. Maging ang announcer ay nabigla sa sinabi nya. Akala ko talaga, wala ng gagawin ang isang to.

Tiningnan ko yung Mr. Dominguez. Umiling na lang sya. What? Di na nya kayang tapatan ang bid ni Ice?

"Ms. Sandoval raised an astounding 25 million for the charity!" nagpalakpakan silang lahat. Inabot ni Ice kay Adam ang baso nya at agad na naglakad papunta sa akin. Tinaasan ko sya ng kilay.

"Told you. Ako ang magiging date mo ngayong gabi." hinawakan nya ang kamay ko at ngumiti sa audience. Nagpalakpakan silang lahat. Nakita ko agad ang masungit na mukha ni Blue at ang nakangiting mukha ni Rain. Naka thumbs up naman sakin sila Adam at Catherine.

Pagkatapos ng auction nagsimula ang dinner na sa labas lang ng room na ito magaganap. Palabas na kami ng sumalubong samin si Mr. Dominguez.

"Dude! You're willing to spend 25 million para kay Ms. Sandoval? Nasaan ang talino mo sa pera?" mayabang na sabi ni Mr. Dominguez. For a moment, masaya ako na hindi sya ang nanalo sa bid. Ayaw ko atang makasama ang isang ito.

"Im willing to spend every cent in my account just to get Cream. And I don't share what's mine."

Continue Reading

You'll Also Like

2.4M 69K 56
Hindi si Eunice ang klase ng babaeng naniniwala sa forever kahit pa taken siya. At kahit pa apat na taon na siyang may boyfriend, sobrang bitter pa r...
155K 7.2K 42
Batid ni Czarina na sukdulan hanggang langit ang galit sa kanya ni Rorik, kahit hindi man nito ipakita. Naiintindihan niya iyon. Sino ba naman ang ma...
786K 28.5K 40
Heartbreakers Series #3: Alaric Reuben Frontera Aquila "Aki" Esqueda is one of Alaric Reuben "Abe" Frontera's friends since Grade 11. Nasa iisang bar...
1.6M 78.3K 18
(Yours Series # 3) Kelsey Fuentes thought that after her failed experience in marriage, she would never dare try again. She was contented with her wo...