Almost is Never Enough

By chagocx

185K 5.2K 1.2K

Bakit nga ba ang mga tao, hindi marunong makuntento? Umamin ka man o hindi, alam mong sa kaibuturan ng iyong... More

Prologue
Crush
Wrong turn
S.O.S
Dinner Date
The moves
Jealous
Tulips
French kiss
Mistery name
Visitor
Status
Mistaken Identity
Face-off
Talent
Babyfats
Perfect match
Nevermind
One Punch
Sweety
Send Help
Nurse AJ
A Love Untold
2 in 1
Moodswings
Ate Barbie
Hopia
Closer
Mokong Wins
Cheers
Music on; World off
My Happy Pill
Ruined
Killer Text
Sana
Fast Forward
Summer Vacation Pt.1
Summer Vacation Pt.2
Sweet Chaos
Mokong Strikes
Mokong Strikes Again
Thousand Years
Hi Rosella
Night of Pain
Bad News
No More Lies
Hunger Strikes
True Color
Winners
Lucky AJ
Hello Baguio
Baguio Pt.1
Baguio Pt. 2
1 4 3
One Down
Broken Hearted Girl
First Move
I'm Yours
Move On
Bodyguard
Bodyguard No More
Bluer than Blue
Two Down
Safe and Sound
Key to my Heart
Notes

Doomed

1.9K 64 27
By chagocx


After ng ilang araw na pag-gagala sa Japan ay hinanda ko na yung sarili ko para sa pagbalik sa Pinas at pagpasok uli sa school. Third year na kami kaya for sure mas mabigat na yung mga gawain. Konting push nalang din at ggraduate na kami. Though it will be a little different this year, wala na kasi si Chris sa school dahil graduate na siya. Kaya first day palang, kitang kita ko na yung lungkot sa mukha ni Nina.

Hindi naman kami nawala sa tabi niya para icomfort siya.. Yun nga lang, hindi palagi dahil hindi kami magkakaklase this year. Tatlo yung section ng Third year and unfortunately, nahati kaming tatlo dun.

Isa lang naman ang nagpasaya sakin.. Kasama ko nanaman uli si mokong.. Bigla ko tuloy naisip na, baka meant to be talaga kaming dalawa.. :">

Siya yung nagsundo sakin sa bahay dahil sinabi niyang miss na miss na niya ako and umaga palang ay gusto na niya akong makasama. Sabay kaming pumasok na agad namang nakita nila Rick kaya agad hindi naging maganda yung mood ni Rick.. Hindi naman yun bago dahil yun naman lagi yung nangyayari kapag nakikita niyang magkasama kami ni mokong eh..

Isa pa palang good news, hindi ko na rin kklase si Rosella.. I'm free from her kaartehan.. Salamat naman.. Yun nga lang, si sir Jay nanaman yung adviser ng section na napuntahan ko. Ugh. -.-

Naging tahimik at mapayapa ang mga unang araw ko sa school. Ang masasabi ko lang ay mas tumindi yung tensyon sa pagitan ni Rick at mokong. Mas naging maeffort din si Rick, simula nung second day lagi na niya akong binibigyan ng isang pirasong rose..walang mintis, as in araw-araw talaga.. Pero napansin kong laging sumasama sa kanya si Rosella kapag malayo siya sakin.. Ayoko sanang isipin pero sana naman walang ginagawang masama si Rosella.. Iba kasi talaga yung pagtingin niya sakin saka kay Rick sa tuwing nagkikita-kita kami kapag break time eh.. Mas naging madikit din siya maski kila Shane kaya binura ko nalang yung kutob ko, siguro gusto niya lang talaga makipag-friend sa kanila.

Isang araw habang pauwi kami ay nakita ni Rick na hawak hawak ni mokong yung rose na binigay niya sakin. Pinahawak ko lang naman yun sa kanya dahil may kukunin ako sa bag ko eh.. Pero agad nag-init yung ulo ni Rick at sinugod si mokong. Mabuti nalang at nandun sila Brix para pigilan siya. Nainis nanaman ako sa kanilang dalawa, kahit si Rick yung laging naguumpisa ay nadadamay na si mokong sa inis ko, baka kasi dahil sa ginagawa nila ay mapagalitan pa kaming tatlo at masuspend. Bawal na bawal sa school ang makipagsuntukan lalo na sa loob pa mismo ng school. Umalis ako at nagtaxi nalang pauwi para makapag palamig ng ulo.

Walang text si mokong sakin kinagabihan. Tanging si Rick lang at humihingi siya ng tawad. Gustong gusto ko nang itext or tawagan si mokong pero inatake ako ng pride ko at hindi yun ginawa. Sa kakaantay ng text niya ay nakatulog nalang ako.

Kinabukasan naman, wala pa rin siyang maski isang text sakin.. Tapos hindi niya rin ako sinundo sa bahay.. 5 minutes nalang ay malalate na ako kaya hindi ko na pinagpatuloy yung pag abang sa kanya sa may kanto ng street namin at pumara nalang ako ng taxi.

Isa ako sa mga naglead ng flag ceremony kaya huli akong nakabalik sa room. Asa may pintuan pa lang ako pero upuan na agad ni mokong yung hinanap ko. Nandun na siya!! Ngumiti ako pero nagiwas ako ng tingin. Nagtatampo pa rin ako noh! Hindi na nga siya nagtext, hindi pa siya nagsundo!

Umupo ako sa upuan ko at saka tumingin sa labas. Ilang saglit pa ay naramdaman ko yung paglapit niya at ang pag-upo niya sa tabi ko.

"Baby girl.. Sorry kung hindi kita nasundo.." Malambing niyang sinabi sakin.

Dahan dahan ko siyang nilingon para pagalitan pero laking gulat ko nang makita ko yung mukha niya. May bandage siya sa may bandang cheeks, may pasa malapit sa mata, may sugat sa may bandang lips.. Muka siyang bugbog sarado..

"A-anong nangyari sayo??" Nag-aalala kong tanong habang dahan dahang hinahawakan yung mukha niya.

"Never mind me baby girl.. I'm okay.." Ngiti niya.

"Okay?! Sa lagay na yan?! Are you kidding me?! Sabihin mo kung sinong may gawa niyan!" Nakakunot na yung noo ko, halos gusto ko nang maiyak dahil sa awa sa kanya..

"Okay lang ako.." Sinubukan niyang punasan yung namumuong luha sa gilid ng mata ko.

Nag-igting yung mga panga ko.

"Kakausapin ko sila Rick.. Hindi na tama yung ginagawa nila!" Mariin kong sinabi sa kanya.

"Aj.. Please don't.." Hinawakan niya nang mahigpit yung braso ko para hindi ako makatayo.

"Just let them do whatever they want.. Wag ka lang niyang saktan.. Alam kong malaki yung naging kasalanan ko sa kaibigan ko nung araw na minahal kita.. Kaya tatanggapin ko lahat.." Seryosong sabi niya sakin.

Umiling-iling ako.

"You don't have to.. Kahit kailan, hindi naging kasalanan ang magmahal.." Paliwanag ko sa kanya.

"Just.." Huminga siya ng malalim.. "don't worry about me baby girl.. Remember that my love for you is stronger than anything else.." Ngumiti siya saka bumalik sa upuan niya na nasa may bandang dulo ng row ng upuan namin.

Ayoko pa sana siyang umalis sa tabi ko kaso hindi pwede dahil dumating na si sir Jay. At kahit nagsimula na yung klase namin ay hindi pa rin nawawala yung pag-aalala ko sa kanya. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit at alagaan pero sa tuwing magkakatagpo yung mga mata namin ay ngingiti pa rin siya sakin na parang wala siyang iniindang sakit.

Nang dumating ang break time ay hindi ko parin napagiisipan kung dapat ko bang kausapin si Rick o hindi. Kung ako lang gusto ko talaga siyang pag-sabihan pero ayoko naman tapakan yung pride ni mokong. Huminga ako ng malalim saka yumuko. Nakaalis na yung prof namin at nagsilabasan na yung iba kong kklase pero ako, nakaupo pa rin sa pwesto ko.

"Still worried about me baby girl?" Umupo si mokong sa harap ko at pinagtapat yung mukha naming dalawa.

Dahan dahan ko siyang tiningnan. Nakita ko nanaman yung mga pasa at sugat niya sa mukha, ganun din ang ngiti niya.

"Hindi nga ako nasaktan eh, parang kagat lang ng langgam." Biro niya sakin.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Eh kung ako kaya kumagat sayo!?" Sabi ko habang tinusok ko yung isa niyang pasa sa mukha gamit yung hintuturo ko.

Napainda siya sa sakit pero nakangiti pa rin.

"Mas gusto ko ata yun.. You biting me?" Nagsmirk siya kaya agad ko siyang hinampas.

Napainda nanaman siya sa sakit maski pala sa braso niya ay may pasa siya.

"Please.. Wag mo nang uulitin to.. Hanggat maaari, umiwas ka nalang.." Seryoso kong sinabi.

Ngumiti siya at tumango.

"Bro!" Tinawag ni Brix si mokong.

"I'll be back.." Ngiti niya saka siya tuluyang lumabas. Pumasok naman sa room sila pangs para yayain ako kaya agad akong tumayo para hilahin sila palabas ng room, gusto kong malaman kung saan pupunta si mokong ko. Sa pagmamadali ko ay naiwan ko sila pangs, hinayaan ko nalang muna sila basta tumakbo ako papunta kung saan ko huling nakita sila mokong. Pero imbis na si mokong yung makita ko ay si Shane lang kasama si Paul. Hinarang nila ako at hinarap.

"Aj.. Nakita mo itsura ni Eron?" Nakasmirk na sabi ni Shane.

Agad akong nakaramdam ng kaba.

"Hindi naman sa tinatakot kita pero may mas malala pa dun.." Sabi niya pa.

"A-anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kanya.

"Kung papipiliin naman ako, syempre si Rick yung kakampihan ko kasi mas matagal ko na siyang kaibigan eh tsaka nauna naman talaga siya.. Kaso nakita ko mukang nahihirapan na yung kaibigan ko eh kaya bibigyan namin siya ng, kaunting tulong lang naman.." Naglalakad lakad pa si Shane paikot sakin habang sinasabi yan.

Napalunok ako ng konting laway.

"Shane.. Hindi naman ata tama na-" pinutol niya yung sasabihin ko.

"Aj, alam mong hindi kami nadadaan sa ganyan.. Kaya ngayon mamili ka.. Lalayo ka sa kanya o hahayaan mong makita ng malapitan ang paunti unti naming pagbura sa mukha niya? Mabait pa naman yun, hindi lumalaban.." Napahawak ako sa bibig ko nang marinig yun..

Bakit sila ganyan? Paano nila nakakayanang gawin yan sa kaibigan nila?? Parang sobra sobra naman..:'(

"It's your choice Aj.." Ngiti niya, "basta tandaan mo, may mga mata kami sa paligid niyo.. Malalaman ko kung nilalayuan mo ba siya o hindi.." Ngiti niya pa.

Bigla namang dumating sila pangs kaya tinapik tapik ni Shane yung balikat ko saka sila umalis ni Paul.

"What? Wala na sila pangs?! Grabe ang bilis naman.. Ano bang papakinggan mo dapat?" Hingal na sinabi ni Cathy.

"W-wala pangs.. Wala.." Sabi ko habang inaalis yung pag-aalala sa mukha ko.

"Anong wala? Eh bakit ka nagtatatakbo kanina tapos ngayon parang natulala ka na jan?" Sabi naman ni Nina.

"Wala talaga pangs.. Promise.." Sabi ko saka nagsimulang maglakad pabalik sa room sumunod naman agad sila sakin.

"Pangs, hindi ka kakain?" Sabi ni Cathy nang papasok na sana ako sa room. Didiretcho na kasi kami dapat sa canteen.

Iiling sana ako dahil wala akong gana kumain pero nakita ko si mokong sa may upuan ko banda at may dalang pagkain doon. Nakita kong titingin na siya sa pwesto ko kaya agad akong humarap kila Nina.

"Kakain pangs.. Tara na.." Hinila ko sila papunta sa Canteen.

Doon ko naman nakita sila Rick.. Magkakasama na sila nila Shane..si Shane na hanggang ngayon ay nakangiti pa rin sakin.. Evil smile to be exact.

Lumapit sa table namin si Rick at umupo sa tabi ko.

"Wala ka atang kasamang asungot ngayon prinsesa ko.." Nakangiti niyang sinabi sakin.

"Oo nga noh? Asan si Eron? Balita sa room namin nakipagsapakan daw siya sa mga estudyante from ibang school." Sabi ni Cathy habang kumakain.

"Yup, ganun din sa room namin. Totoo ba yun pangs?" Hinarap ako ni Nina.

Nagiwas ako ng tingin kay Rick.

"H-hindi ko alam pangs.. Hindi naman niya nakwento.." Pagsisinungaling ko.

"Ang masasabi ko lang, magiingat ka princess ayokong lumalapit ka sa mga basag-ulo." Seryosong sinabi ni Rick. Sa mga sinabi niya aakalain mong hindi siya nagsisimula ng suntukan.

"Pero ako, hindi ako naniniwala dun.. Iba pagkakakilala ko kay Eron eh.. Alam kong hindi siya ganun.." Nakangiting sabi ni Cathy.

Tumango tango naman si Nina.

"Malamang, may naninira lang kay Eron.." Tumingin sakin si Cathy saka kumindat.

Dun palang, alam ko nang pinaparinggan niya si Rick. At mukang effective naman dahil nagiigting na yung mga panga ni Rick.

"Kung tutuusin nga ang bait bait nun ni Eron.. I think, never siyang magsisimula ng gulo. Kaya nga siya yung gusto-" naputol yung sinasabi ni Cathy dahil sa biglaang pagtayo ni Rick.

"Mauna na muna ako princess ha.. May nakalimutan lang akong gawin.." Ngiti ni Rick saka siya tuluyang umalis.

Nagkatinginan naman kami nila pangs at tumawa nang makaalis na siya.

"Galing mo pangs.." Ngiti ko kay Cathy.

"Pshh, mainitin ulo niyan ni Rick pangs.. Madaling asarin.. Nagawa na ni Nina yung part niya diba?" Napatingin si Nina kay Cathy.

"What?" Namumula yung pisngi ni Nina dahil nagngiting aso kami sa kanya. Pare-pareho kaming si Chris ang iniisip.

"Kaya ako ipagpapatuloy ko naman yung part ko." Ngumiti kaming tatlo.

-

Sobrang kinakabahan ako nang makabalik ako sa room. Parang nakaramdam ako ng kirot nang makita ko si mokong na nakahiga yung ulo sa desk ng upuan ko at mukang hindi siya umalis dun mula nung kumain kami nila pangs.. Hindi niya rin ginalaw yung mga pagkaing nakahanda sa desk nung inuupuan niya.

Huminga ako ng malalim.

Dahan dahan akong lumapit sa kanya. Nang maramdaman niya yun ay agad niyang inangat yung ulo niya at tiningnan ako.

"Sabi ko babalik ako diba?" Nagpout siya.

"Ah..um.. Niyaya kasi ako nila pangs.." Pagsisinungaling ko.

"It's okay, kain ka nalang uli para tumaba ka.. Wala pa naman yung susunod na prof.." Ngiti niya sakin.

Gusto ko sanang ngumiti pero ang bigat ng pakiramdam ko, feeling ko may mga matang nanunuod samin. Umaalingawngaw din sa utak ko yung pinag-usapan namin ni Shane, lalo na sa tuwing napagmamasdan ko yung mukha niya..

"Hindi na. Bumalik kana sa upuan mo.. Busog na ako.." Tamad kong sinabi.

"Are you sure? Baka nahihiya ka lang baby girl.. Sige hindi ko na babanggitin yung word na mataba.." Biro niya. Gusto ko sana siyang sapakin at tawanan pero.. Hayy..:(

"Hindi.. Busog na kasi talaga ako.. Sige na, bumalik kana dun.." Sabi ko saka umupo sa upuan ko at nagkunwaring kumuha ng libro at nag-basa. Pinakiramdaman ko nalang yung pag-kilos niya at pag-alis niya sa tabi ko.

Huminga ako ng malalim. Ang hirap...

-

Mag-uuwian na, at hindi pa rin ako nakakahanap ng paraan kung pano ko iiwasan si mokong. Siya lang naman kasi yung kasabay ko lagi papasok at pauwi. Kahit na mahirap mag-adjust dahil nasanay na ako na siya yung kasabay ko ay kailangan kong gawin dahil ayokong mapahamak siya. Ayokong masaktan nanaman siya. Kilala ko sila Shane.. Elementary palang kami, sila na talaga yung siga at kinatatakutan sa school at alam kong kaya nilang gawin ang kahit ano wag lang sila maagrabyado.

Nag-ayos ako ng gamit, minadali ko nalang para maunahan ko si mokong sa pag-labas ng room. Pero wala eh, nagawa niya parin akong unahan. Naglakad ako papunta sa may pinto at hindi pinansin yung pagtawag niya sakin.

"Aj!" Biglang may humarang sakin na kklase ko.

"Bakit?" Hinarap ko siya. At dahil sa kanya naabutan ako ni mokong. -.-

"Pinapatawag ka ni sir Jay sa office niya." Sabi sakin nung kklase ko.

Wtf, pinapatawag nanaman ako? Ano nanaman bang ginawa ko? Ugh!!!

Hmmm.. Pero magandang way na rin yun para matakasan ko si mokong.

"Sige pupunta nako.." Sabi ko sa kklase ko. Humarap naman ako kay mokong para magpaalam sa kanya.

"Um.. Mauna ka na.." Nahihiya kong sabi sa kanya.

"Aantayin kita.." Mariin niyang sagot.

"Wag na.. Magtataxi nalang ako.." Sabi ko naman.

"Give me 10 valid reasons first." Utos niya sakin.

Hindi ko napigilang mapakamot sa ulo.

"Sige na, sige na. Pupunta na muna ako kay sir Jay.." Napangiti si mokong sa sagot ko. Alam niyang hindi ko siya matatakasan.

Bahala na, tatakasan ko nalang siya mamaya.. O kung hindi man.. Aantayin kong umuwi sila Shane bago ako sumama sa kanya.. >)

Binagalan ko yung lakad ko papunta sa office ni sir Jay. Ano nanaman kayang iuutos niya sakin at kailangan nanaman niya ako? Naiinis nako, hindi na matapos-tapos yung pagpaparusa niya sakin! Masama ba yung naging first impression ko sa kanya kaya lagi siyang parang galit sakin? Kasi nga diba, first impression lasts? Pero kahit na.. Nakakainis pa din..

Kumatok ako sa office niya at pumasok.

"Pinapatawag niyo daw po ako sir?" Sabi ko.

Pagdating ko palang ay nakasmirk na siya. Ibang-iba yung ngiti niya talaga.

"Yes. Maupo ka." Ngiti niya sakin.

Umupo ako sa upuan sa tapat ng table niya.

"May ipapagawa lang naman ako sayo.. Pero mamaya na natin yun pag-usapan.." Ngiti niya.

Bigla ko nalang naramdaman na may humahaplos sa may paa ko paakyat sa legs. Agad akong napaurong nang mapagtantong paa niya pala yun.

Maya maya pa ay kinuha naman niya yung kamay ko na nakapatong sa ibabaw ng table niya.

"I missed you.." Bulong niya.

Agad kong inagaw sa kanya yung kamay ko at tumayo.

"Sir, ano po bang ipapagawa niyo?! Gusto ko na pong umuwi!" Mariin kong sinabi.

Tumayo siya at naglakad papunta sa likuran ko.

"Easy..easy.." Nakangiti niyang sinabi. Hinawakan niya yung magkabilang balikat ko.

"May ipapacheck lang akong mga test papers.." Sabi niya saka niya hinaplos ng marahan yung mga balikat ko pababa sa braso. Nagsitaasan yung mga balahibo ko sa ginawa niya. Ganun din ang init ng ulo ko.

Nagulat nalang ako nang bigla niyang ilapit yung mukha niya sa leeg ko. Agad ko siyang tinulak palayo sakin. Nakakunot na yung noo ko at nagtitimpi na ako sa galit. Punong puno nako ngayong araw na to kaya hindi ko na alam kung mapipigilan ko pa yung sarili kong sagutin siya kahit teacher pa siya!!

"Sir Jay bakit niyo ba ako ginaganito?! Ano bang ginawa ko sayo??! Dahil pa rin ba sa nahulihan mo akong nagdala ng phone??! Sir dalawang taon na po yung nakalipas! Ano pa bang kasalanan ko?!!" Naibuhos ko yung galit na naipon na sa dibdib ko.

Pero parang walang epekto kay sir Jay.. Nakangiti parin siya sakin..ngiting nakakatakot..

Tumawa siya.

"Thank God Aj, nagtanong ka rin sa wakas!" Mariin niya yang sinabi. Nagsmirk siya, kulang nalang pumalakpak siya dahil sa nagtanong ako.

Hindi ko alam kung anong iisipin ko sa sinabi niya sakin. Bakit? Anong ibig niyang sabihin? Matagal na niya akong inaantay na manlaban?

Naglakad siya papunta sa cabinet niya saka kay kinuhang mga papeles.

"Read." Nakangiti niyang sinabi.

Nanginginig pa yung kamay ko nang kunin ko yung mga papel mula sa kanya. Isang kontrata..Binasa ko ito at nanlaki yung mga mata ko sa nakita ko.

"Your Father, owe us 264 million pesos Aj.. That's right.." Ngiti niya. "At kailan niya yan dapat bayaran? Three years ago pa dapat.." Dagdag niya.

"Before my father met your father, sobrang ganda ng buhay namin. I was busy studying business management dahil ako yung magmamana ng business ng ni papa. But then your stupid father made an agreement with my father, agreement na hindi niya sinunod. Dumating yung panahon na malulugi na yung kumpanya ng dad ko dahil sa laki ng pera na kinuha ng tatay mo.. Pero ni minsan hindi niya pinansin yung calls ko, hindi niya kami tinulungan.. My father died Aj.. Namatay siya dahil sa sama ng loob!!! At lahat ng yan ay kasalanan ng tatay mo!!" Gulat na gulat ako sa lahat ng narinig ko. Kitang kita ko rin ang namumuong luha sa mga mata ni sir Jay.

"Galit na galit ako sa tatay mo Aj.. Galit nalang ang bumubuhay sakin dahil wala nang natira sakin.. I promised myself na gaganti ako.. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula.. Then I saw you, the daughter of the man who killed my father. Buhay ang kinuha niya.. Kaya buhay din ang kapalit.." Ngumiti siya saka naglakad palapit sakin.

"Sa tingin mo? Bakit ako magsasayang ng panahon being a teacher in this stupid school?! Maswerte lang talaga ako dahil kaibigan ng dad ko si Catigim at kinuha niya ako bilang CL teacher dahil wala silang makuha na iba. I did my best para hindi mawala sakin yung trabaho na to, you know why? Dahil nandito ka." Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

"Nung una kitang nakita, all I wanted was to hurt you so bad. Pero naghintay ako dahil nakita ko kung gano ka kaganda.. And it was fun playing teacher and student with you.. I waited 2 years para mas lalo pang makita yung.." Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Damn.. You are way too hot for your age.. Ibang iba ka sa lahat ng mga babaeng nakikita ko.. Jackpot kung baga.." Hinawakan niya yung balikat ko.

"Alam mo naman siguro yung ibig kong sabihin diba? Ikaw.. Aj.. Ikaw ang bayad sa lahat ng kagaguhan ng tatay mo.." Sinabit niya sa tenga ko yung mga takas kong buhok.

"I mean, 264 million is not a joke.. Tapos yung ineterests? hindi ko alam kung magkano na.." Nagkibit balikat siya.

Hinawakan niya yung baba ko at inangat ito para magkatapat yung mga mata naming dalawa.

"Now.. You decide.. Gagawin mo lahat ng gusto ko or magsusumbong ka at aabangan nalang yung mga pulis na sunduin yung tatay mo sa bahay niyo.." Nagsmirk siya.

Nanginginig yung buong katawan ko sa mga sinasabi niya. Sinusubukan kong labanan yung pagtitig niya pero wala akong masagot sa kanya.

"I'll wait for your decision tomorrow Aj.. After class.. Punta ka uli dito.." Ngumiti nanaman siya.

Bumalik siya sa upuan niya at iniwan akong nakatayo. Nakayuko lang ako, hindi ako makatingin sa kanya. Nanginginig yung tuhod ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Nahihilo rin ako at parang gusto ko nang isuka yung laman loob ko. Sobrang bigat ng pakiramdam ko, bigat na ngayon ko lang naranasan.

"You may leave now." Sabi niya nang makaupo siya.

"Alam ko namang hindi mo ikkwento sa iba yung kahihiyan ng tatay mo diba?" Ngiti niya pa. Tumingin lang ako sa kanya saglit saka nagsimulang maglakad palabas ng office niya.

Wala pa rin ako sa sarili ko hanggang sa makababa ako sa waiting area sa may bandang gate ng school. Dun ako sinalubong ng nakangiting si mokong. Nadagdagan ang sakit na nararamdaman ko nang makita ko siya.. Ayokong madamay siya sa gulo ng buhay ko.. Mas lalong ayoko na siya yung magdala ng mga problema ko.. Pakiramdam ko nadagdagan pa yung dahilan kung bakit ako dapat lumayo sa kanya.. Simula nang umamin siya na mahal niya ako, wala na siyang ibang ginawa kundi ang iparamdam ito sakin.. Ayoko naman na puro pasakit lang ang isukli ko sa kanya..

Sa likod niya ay naroon si Rick, naglalakad din palapit sakin.. Mukang inantay niya rin ako..

Naglakad ako nang mabilis at nilampasan si mokong na agad niyang kinagulat.

"Kay Rick ako sasabay.." Sabi ko lang habang nakatingin sa kawalan.

"Pano ba yan bro. Sa kanya na nanggaling ah?" Mayabang na sabi ni Rick saka niya ako inalalayan palabas ng school papunta sa kotse niya.

Tahimik lang ako buong byahe. Wala ako sa mood magsalita.. Sarado din ang tenga ko para sa mga sasabihin ni Rick.. Lutang, yun ata yung perfect term para sakin ngayon..

"Thanks Rick.." Pinilit kong ngumiti ng kaunti at saka lumabas sa kotse niya. Hindi ko na inantay pa yung isasagot niya at dumiretcho nako papasok sa bahay.

Agad akong binati ni ate Amy pagdating ko. Pero ni hindi ko siya nangitian. Naglakad pa ako paakyat pero natigilan ako nang makita ko si dad sa sala.. Masaya siyang nanunuod habang umiinom ng wine. Napansin niyang nakatingin ako sa kanya kaya nag-iwas agad ako ng tingin.

"Baby girl, how's your day? Halika dito nood tayo ng boxing.." Ang saya saya niya.. Sigurado akong dahil yun sa nakapag-close nanaman siya ng isang deal sa isa sa mga clients niya.

"Not now dad." Tamad kong sagot saka ako nagkulong sa kwarto.

Bumuhos ang matinding luha saking mga mata. Hindi ko alam kung paano ko kakayanin yung ganitong kalaking problema. Naaawa ako kay sir Jay dahil sa mga nangyari sa kanya at sa tatay niya.. Pero mas naaawa ako kay Dad, alam kong hindi siya ganung klaseng tao..kilala ko ang tatay ko..sigurado akong hindi niya ginusto ang lahat..

Napalingon ako at nakita ang family picture namin, mas lalo akong naiyak.. Hindi ko kayang masira yung pamilya namin.. Hindi ko kayang makulong si dad.. Dahil sigurado akong hindi lang kaming mga anak niya yung maaapektuhan kundi mas lalo na si mommy pati na rin yung business nila na buong buhay nilang pinaghirapan..

264 million pesos, plus yung mga interests sa loob ng tatlong taon..

Nanlumo nanaman ako.. Nagsisimula palang naman gumanda ang takbo ng business ngayon nila dad at hindi kami ganun kayaman para agad makakakuha ng ganyang kalaking halaga..

Binaon ko ang sarili ko sa kama. Mababaliw na ata ako. Hindi ko na alam yung gagawin ko...



-------------------------------------------------


🍂 read • cømment • vöte 🍂

Continue Reading

You'll Also Like

6.1K 187 49
Zoe Avery Addison, is a carefree and spoiled brat girl who thought she could have everything she wanted. She was an 'I-get-what-I-want' type of girl...
20K 1.1K 29
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
1.9M 38.8K 44
Cassidy dela Vega was left waiting in front of the now-empty church. Time passed and her hope became despair, her despair turned into rage as she acc...
156K 2.8K 33
Will you still lay all your cards even though you knew from the very start that all he can do is, destroying you? Christen Charlotte Cojuangco would...