Crewd Academy: Malediction of...

By fevriyehiver

7.8M 249K 27.4K

ʚ PUBLISHED UNDER PSICOM ɞ ʚ Wattys 2016 Winner: Writer's Debut ɞ Crewd Academy, a mystifying school where Se... More

PLEASE READ BEFORE PROCEEDING
PUBLISHED UNDER PSICOM
Malediction of Prophecy
CAST
Introduction
Chapter 1: Spell
Chapter 2: Intruder
Chapter 3: She's In Danger
Chapter 4: Death Magic
Chapter 5: Suspicious
Chapter 6: Investigation
Chapter 7: Confused
Chapter 8: Aureus Fairy
Chapter 9: Dragon Bellator
Chapter 10: Saviour
Chapter 11: Trouble
Chapter 12: Weird Dreams
Chapter 13: Information
Chapter 14: Revelation
Chapter 15: The Fight
Chapter 16: Find Her
Chapter 17: Serria Land
Chapter 18: Crewd Academy
Chapter 19: Idiot
Chapter 20: Connection
Chapter 21: Lux Witch
Chapter 22: Red Flames Vs. Blue Flames
Chapter 23: Avrelle
Chapter 24: Almost Caught
Chapter 25: Show Ability 1
Chapter 26: Show Ability 2
Chapter 27: Show Ability 3
Chapter 28: Guidebook of Crewd
Chapter 29: Accidental Mission
Chapter 30: Tenebris Orc
Chapter 31: Snow Monstrous
Chapter 32: Lavender
Chapter 33: Mortis Forest
Chapter 34: Invisibility Flower
Chapter 35: Magustic Town
Chapter 36: Praegrandis Daemon
Chapter 37: The Tres Marias
Chapter 38: Healing Potion
Chapter 39: Heart's Day
Chapter 40: Meet The Royalties
Chapter 41: Forbidden Ortus
Chapter 42: Guardian
Chapter 43: Memories Back
Chapter 44: Ara of the Maiores
Chapter 45: Dragon Sacred Tears
Chapter 46: Training Part 1
Chapter 47: Training Part 2
Chapter 48: Training Part 3
Chapter 50: L Tournament Part 1
Chapter 51: L Tournament Part 2
Chapter 52: L Tournament Part 3
Chapter 53: L Tournament Part 4
Chapter 54: Accused
Chapter 55: Bait
Chapter 56: Preparation
Chapter 57: Bloody War Part 1
Chapter 58: Bloody War Part 2
Chapter 59: Bloody War Part 3
Chapter 60: Downfall
Last Chapter: Fallen
sensitivelysweet (fevriyehiver)
BOOK COVERS
Q AND A
Crewd Academy: Reign of Darkness

Chapter 49: Luminae Battle

83.9K 3K 179
By fevriyehiver

□◇◇♡◇◇□

LUMINAE BATTLE

□◇◇♡◇◇□

This is it. Ito na ang pinakahihintay ng lahat. Ang Luminae Battle. Kung sila ay excited na at hindi makapaghintay, kami naman ay kinakabahan dahil first time namin ito. Nakakalungkot lang dahil wala si Faye. Nasa mission kasi sila ng mga iba pang fairy. Hay... Pero nangako siya na hahabol siya para mapanood kami.

"Why kaya ang tagal dumating ng mga Royalties?" tanong ni Zyrelle kay Jhane at ngumuso.

Nandito kami ngayon sa Luminus Battleground na kung saan nandito ang lahat ng students sa iba't-ibang section. Oval ang style nito kaya naka-paikot kami. Bale ang sa gitna ay walang laman kung hindi mga damo lang. Doon sa gitna ba maglalaban? Habang mayroon namang parang malaking green na screen sa itaas.

Medyo nakakatakot din ang iba dahil kita mo pa lang sa mukha nila kung gaano sila kalakas at kagaling. Lalo na ang mga Imperious at Secrania section. Kahit na alam ko sa sarili kong ako ang Luminus Princess ay hindi pa rin ako kampante.

"Jhane? Are you listening? I am asking you but you're not answering me!" Nagulat kami dahil sa bulyaw ni Zyrelle kay Jhane.

Hindi ko alam kung ako lang ba pero pansin ko na parang wala sa sarili si Jhane. May sakit ba siya?

"Ma-malay ko. Hindi ko alam.." nauutal na sagot ni Jhane. Hindi na lang namin siya pinansin.

"Kinakabahan din ba kayo?" sambit ni Dara na halata sa boses niya ang kaba. Tumango naman kami ni Val. Habang si Winzé ay parang nayayamot na.

"Sobra! Kahit na nagtraining tayo, feeling ko hindi ko pa rin kayang makipaglaban!" nababahalang sambit ni Val.

Nang matapos ang training ay malaman namin na may special ability pala si Val at Dara. Si Dara ay kayang makaamoy kahit na nasa malayo ka pa habang si Val ay kayang gayahin ang mga tunog ng hayop.

"Guys, una na kami, ah? Good luck! See yah later!" nakangiting sambit ni Zyrelle at inanyayahan na si Jhane na tahimik pa rin magsimula kanina. Nakakapanibago na.

"Sige! Good luck din sa inyo!" nakangiting sambit ko.

Sama-sama kasi ang bawat section kaya hindi sila pwedeng makisama sa amin. Nasa kabila rin ang mga boys.

Wala pa sina Airyn dahil darating sila kasama ang mga magulang nila. Sila na nga lang ang hinihintay para mag-umpisa na ang Luminus Battle. Mukhang nayayamot na rin ang emcee.

Ang sabi pa ni Airyn kaninang umaga ay darating din daw ang King at Queen ng Luminus Nieves Kingdom na siyang nakapagpakaba sa akin. Ibig sabihin ay makikita ko na sila! Ibig sabihin ay makikita ko na ang totoong pamilya ko! Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot dahil sa nangyaring nakaraan.

"Oy, Sendy! Hindi mo pa pala nakukwento ang nangyari kahapon sa training niyo ni Charlie?!" Napatingin ako kay Dara na nakataas ang isang kilay. Naalala ko naman ang nangyari kahapon.

"Alam mo bang may nararamdaman na ako para sa'yo?!"

Napatigil siya nang marinig ang mga katagang 'yan. I saw his fist clenched. Mukhang nagpipigil siya. Humarap siya sa akin at talagang nalaglag ang panga ko at nagulat.

"Ba-bakit ka umiiyak?" I asked stuttering. Si Charlie, umiiyak? Bakit? Naguguluhan ako dahil para siyang batang inagawan ng candy!

"Do you know how much I held back from falling for you?"

Parang kumabog 'yong puso ko sa narinig ko. Kita ko sa mga mata niya 'yong lungkot, saya at pangamba. Totoo ba ang narinig ko?!

"I'm pushing you away because I don't wanna hurt you! I don't wanna see you hurt because of me! And I don't wanna see you cry because of me..."

Parang nanlalambot ang mga tuhod ko sa mga sinabi niya. Hindi ko na napigilan ang mapaiyak din dahil sa mga sinasabi niya! Bakit ganito siya?! Ano bang nangyayari sa kaniya?! Hindi naman siya ganito, ah?!

Naramdaman ko na lang ang mainit na yakap na galing sa kaniya.

"Bakit mo sinasabi ang mga 'yan?" tanong ko. Nakasubsob lang ang mukha ko sa dibdib niya.

"Bumalik ang alaala ko magsimula nang iligtas kita sa bangin. I heard your voice asking for my help. Nang makita na kita sa bangin ay wala kang malay. It was raining that time. Ngunit bigla na lang may umaligid ng mga itim na kaluluwa kaya kinailangan kong kalabanin sila. Marami sila kaya nahirapan ako. But someone helped me."

Napatingin ako sa kaniya. Tumingin siya sa mga mata ko.

"It was a Dragon who helped me to fight those assholes. At first I was shocked because that Dragon is so familiar to me and I remembered Serria's tattoo. Natamaan ako ng Dragon Bellator nang hindi sinasadya kaya tumilapon ako at tumama ang ulo ko sa puno. Doon ako nagkaroon ng alaala."

Hindi ako makapaniwala. Akala ko ay wala pa siyang naaalala. Eh, ano 'yong mga sinabi niya kanina?!

"Alam mo bang ikaw ang una kong naalala?" he said and smiled mischievously.

Hindi ko napigilan ang mapangiti. Parang umakyat ang lahat ng dugo ko sa pisngi. Oo na! Kinikilig ako pwede ba!

"Ano'ng naalala mo sa akin?"

"Iyong tumutulo laway mo habang tulog— Aw!" Hinampas ko ang braso niya. Kabanas naman ang lalaking 'to! Panira!

"Just kidding! Naalala ko 'yong naglalaban tayo ng espada noong mga bata pa tayo sa lupain niyo malapit sa Luminus Nieves Kingdom."

Kumunot ang noo ko. "Talaga?! Iyon din ang una kong naalala!" hindi makapaniwalang sambit ko.

Sumeryoso naman ang mukha niya. He sighed heavily. Tumingin siya sa mga mata ko.

"Bakit ba hindi mo na lang ako hinayaan na talikuran ka?" Napapikit siya at niyakap ako ulit. "Binigyan mo ako ng rason para hindi ka na layuan..."

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko. Basta ang alam ko ay patuloy sa pag-agos ang mga luha ko dahil sa saya.

"Welcome back, Serria... My Princess."

"Hoy! Tulala ka diyan? Ano? Kwento ka!" singhal ni Dara sa mukha ko. Kahit kailan ang epal talaga niya!

"Maayos naman," maikling sagot ko. As much as possible, ayaw kong may mabanggit na kahit ano tungkol sa kung sino ako. Natatakot ako.. at hindi pa handa..

"Nagpapatawa ka ba, Sendy?" sarkastikong tanong ni Val.

"Huwag niyo siyang kulitin. Kung gusto niyang magkwento, magkukwento siya." Ngumiti naman ako kay Winzé. Buti na lang.

"SA WAKAS AY DUMATING NA ANG MGA HARI, REYNA, PRINSIPE AT PRINSESA NG IBA'T-IBANG KINGDOM. TUMAYO KAYO AT MAGBIGAY GALANG SA KANILA!"

Kumabog ang puso ko nang marinig kong nagsalita ang lalaking Emcee. Tumayo kaming lahat at mula sa itaas na veranda ay kita ang mga royal chair na para sa mga Queens, Kings, Princesses and Princes.

Napalunok ako.. Parang nanlambot ang mga tuhod ko at napako ang tingin sa Queen at King ng Luminus Nieves Kingdom.. Parang nakaramdam ako ng lukso ng dugo.. I want to tell them that I am their child! I am the lost princess! But.. this is not the right time..

Sabay-sabay kaming yumuko bilang pagbibigay galang. Nakita na namin sila sa wakas. Nakakalaglag ng panga talaga ang gandang taglay ni Airyn lalo na kapag suot niya ang royal gown niya. Maganda rin naman si Thony. Ang mga prinsipe naman ay sobrang gwapo ngayon. Napatingin ako kay Charlie at muntik pa akong magulat dahil nakatingin pala siya sa akin. Kahit na malayo siya ay kitang-kita ko siya.

Naalala ko noong tinanong ko siya kahapon kung naging sila ba ni Ivory.

"No. That will never happen. Just trust me."

Iyan ang sagot niya. Naniniwala naman ako sa kaniya. Pero bakit may chismis na gan'on?

Napalingon naman ako sa kabilang section at napaigtad. Nanlilisik ang mga mata ni Ivory sa akin. Nakaramdam ako ng kaba dahil masasabi kong intimidating ang mga tingin niya. Parang papatayin ako. Iniwas ko na lang ang tingin ko.

"Good luck, students! Always trust yourself. Don't let your guard down," nakangiting sambit ni King Daryll.

Pumalakpak kaming lahat.

"ARE YOU ALL READY?"

Naghiyawan ang lahat. Mukhang hindi na sila makapaghintay.

"Ito na talaga! Wala nang back-out!" naiiyak na sambit ni Dara. Natawa naman kami sa kaniya.

"Magkakaroon kayo ng Life Watch na kung saan makikita niyo kung ilang percent ang life niyo. 100 % 'yan at kapag naging 0 ay automatic na matatalo ka na. Kailangan mong panatilihin ang Life mo hanggang sa maubos ang isang oras para manalo ka. Ngunit hindi mo magagamit ang magic mo. Hindi mo rin magagamit ang kakayahan mo bilang isang vampire at dragon. May mga heart boxes kayong makikita sa loob ng gubat. Isang heart box para sa isang tao. Maaaring nakatago ito o pwede itong magpakita. Sa loob nito ay may lamang weapon o magic na pwede niyong gamitin sa pakikipaglaban. Ang makakalaban niyo lang ay ang mga kaparehas niyong section."

Napatango-tango kami habang nakatingin sa itaas kung saan ang malaking green na screen. Ipinakita roon kung ano ang itsura ng Life Watch at heart box. Gan'on pala ang magiging laban! Mabuti na lang para hindi ko na ipalabas ang magic ko! At mabuti na lang ay mga kaparehas na section ang maglalaban. Ibig sabihin ay Inceptor ang makakalaban namin.

Ngumiti ang Emcee. "LET THE LUMINAE BATTLE'S BEGIN!"

Pagkasabi niya n'on ay parang nawala ako sa sarili ko at napapikit. Parang naramdaman kong umalis ako sa puwesto ko.

"Nandito na tayo!" sambit ni Val kaya napamulat ako.

Oo nga! Nandito na kami sa loob ng gubat! Napatingin ako sa wrist ko at may suot na akong Life Watch. 100% ang nakalagay. Kinabahan tuloy ako!

"Pwede namang magtulungan tayo, 'di ba? Wala namang sa rule na bawal 'yong gan'on?" tanong ko. Dahil hindi ko kakayanin na kalabanin sila.

Tumango si Dara. "Pwede 'yan! Wala namang sinabing bawal, eh!"

"Guys! Look! There's a heart box there!" Napatingin kami sa tinuturo ni Winzé at nanlaki ang mga mata namin. Meron nga sa tabi ng puno! Dali-dali kaming lumapit doon.

"Wait! Sino ang kukuha niyan?" Napaisip kami sa tanong ni Val.

"Ikaw na, Dara!" sambit ko. Nagulat naman siya sa tinuran ko.

"Ba't ako? Ikaw!" sigaw niya at tinulak-tulak pa ako para mapalapit sa heart box. Hala!

"Ako na, tabi!" inis na singhal ni Winzé at dali-daling kinuha ang heart box. Kusa itong bumukas at may liwanag na lumabas mula rito. Sinilip naman ni Winzé ang loob ng box.

"Ano ang laman?" tanong ni Val habang nakatitig sa heart box.

Pinakita ni Winzé ang loob ng heart box at nakita namin ang blue crystal ball. Parang may kuryente pa ito sa loob nito.

"Guys! Ayon sila!"

Napatingin kami sa sumigaw. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang tatlo babaeng maldita na kaklase namin na tumatakbo papalapit sa amin. Masasabi kong magagaling din sila at baka sa susunod na school year ay nasa Trezle or Secrania section na sila.

"Hala! Ano'ng gagawin natin?! May mga hawak silang sibat at espada!" Natataranta na si Dara.

"Gamitin mo 'yan, Winzé!" sigaw ni Val na natataranta rin dahil papalapit na sila. Maging ako ay kinabahan na dahil baka matalo kami agad!

"But how?! I don't know how to use this blue crystal ball! Shit! What are we gonna do?!" Napatingin siya sa akin at inabot ang box.

Naguguluhang kinuha ko naman ito. "Ano'ng gagawin ko rito?!"

"Aba malamang Sendy, kunin mo ang laman at gamitin laban sa kanila!" singhal ni Dara.

Ba't ako?! Hayy!! Nakakaimbyerna!

Dali-dali kong kinuha ang blue crystal ball sa loob ng heart box. Nagitla pa ako nang maglaho ang heart box. Mabilis kong tinago ang blue crystal ball sa likod ko nang makarating na sila sa kinaroroonan namin.

"Hahaha! Buti at 'di pa kayo tumakas?" nakangising tanong ni Yara. Ang pinakamaldita sa kanilang tatlo. May hawak pa itong espada na nakapatong sa balikat niya.

Tumawa naman si Raven nang nakakaloko. "Mukhang wala pa silang nakukuhang heart box. Paano ba 'yan?"

Ngumisi ako. Iyon ang akala mo.

Tumingin naman si Yara kay Iya at sinenyasan ito na parang sila lang ang nakakaalam. Ngumisi si Iya at tumingin sa amin. Alam ko na ang balak niya.

"Guys... takbo na tayo.." bulong ni Dara.

Nang akmang maglalakad na si Iya papalapit ay hinagis ko ang blue crystal ball sa kanilang puwesto at nagulat kami nang tumalipon silang tatlo. 

Nagulat ako dahil hindi ko naman alam kung paano gamitin 'yon at 'yon lang ang naisip kong paraan.

"Bakit naglaho na agad sila?!" gulat na tanong ni Val. Pati rin ako ay nagulat dahil nang tumilapon sila at bumagsak ay naglaho agad silang tatlo.

"Oh! I forgot! May nabasa pala akong 100% Life Taker Bomb sa heart box nang buksan ko ito!" sambit ni Winzé. Kaya pala ang lakas ng impact at talagang matatalo ka na dahil 100% ang kukunin nito sa Life mo.

"Wahhh! Ang galing! Panalo na ba tayo?!" masayang sambit ni Dara.

Napatingin ako sa Life Watch ko.. May kalahating oras pa at 100% pa rin ang Life ko. Bakit ang bili ng oras?

"May kalahating oras pa—" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang may marinig kaming pagsabog. Napatingin kami kung saan iyon nanggagaling.

"May apat pa roon! Kailangan natin silang talunin!" Iyan ang narinig namin sa isang babae na nangunguna sa pagtakbo. Mukhang kami ang tinutukoy niya! Apat sila, dalawang babae at dalawang lalaki! Hindi rin namin sila kilala pero Inceptor ang section nila base sa kulay ng uniform na suot nila.

"Hala! Sino sila?!" takang tanong ni Dara.

"Wala na tayong panahon diyan! Run!" sigaw ni Winzé kaya naman nagsimula na kaming tumakbo.

Bakit kasi wala na kaming heart box! Nasaan na ba ang mga 'yon! Palinga-linga ako, nagbabakasakaling may makitang heart box. Ang iilap!

"Ahhhhhhh!"

Napahinto kami nang marinig naming sumigaw si Dara.

"Dara!" sabay-sabay na sigaw namin nang makita naming may nakapulupot na mahabang tali sa paa niya kaya napahiga siya at tinatangay siya nito. Shit! Siguradong mababawasan ang Life niya dahil nagagalusan siya! At paniguradong nasasaktan siya!

Sinundan ko ng tingin kung saan nanggagaling ang mahabang taling 'yon at hindi ako nagkakamali. Galing ito sa babaeng sumigaw kanina. Nakangisi pa 'to at tuwang-tuwa ang mga kasama niya.

"Kailangan nating tulungan si Dara!" nanginginig na sigaw ni Val. Maging ako ay kinabahan na dahil may weapons sila at kami ay wala!

"Bahala na!" sambit ni Winzé.

Nagulat kami ni Val nang tumakbo siya at sinalubong niya ang isang babae na tumatakbo papalapit sa amin at may hawak na arnis sa magkabilang kamay. Nang akmang ipapalo ng babae ang isang arnis sa braso ni Winzé ay nahablot niya agad ito at inagaw sa kaniya.

"Tapang talaga!" hindi makapaniwalang sambit ni Val. Pati rin ako ay nabibilib.

Paparating pa ang dalawang lalaki sa kinaroroonan namin ni Val.

"Sendy! Maghanap ka ng heart box! Bilis!"

"H-huh?!" hindi makapaniwalang tanong ko. Natuhan naman din ako kaagad nang makita si Val na pinulot ang malaking sanga sa lupa. Omaygash! Mukhang mabigat 'yon at mahaba pa! Lagot sila!

"Sendy! May heart box!"

Narinig ko naman si Infires Men sa isip ko. Nagpalinga-linga ako at may nakita akong heart box na nakadikit sa katawang ng puno. Hindi na ako nagsayang pa ng oras at nagmadaling tumakbo papalapit sa punong 'yon!

Nang malapit na ako ay bigla naman akong nadapa dahil may humablot sa kanang paa ko. Nang lingunin ko kung sino 'yon ay nagulat ako dahil isa siya sa dalawang lalaki kanina. Mukhang sinundan niya ako!

Napatingin naman ako sa Life Watch ko dahil nabawasan ito ng 20%! Ang lakas kasi ng impact ko sa lupa! Masakit! Baka nagkapasa pa ako!

"Bitawan mo ang paa ko!" sigaw ko sa kaniya at sinipa siya sa mukha. Nabitawan niya ang paa ko dahil mukhang nasaktan siya. Napahawak pa siya sa mukha niya at napasigaw. Nakita kong nabawasan ang Life Watch niya. 38% na lang ngayon na kanina ay 45%.

Mabilis akong tumayo at kinuha ang heart box.

"Ibigay mo sa akin 'yan!" Nagulat ako nang may sumabunot sa akin kaya malakas kong hinampas ang heart box sa mukha niya.

Sumemplang naman siya at sakto pa sa puno. Double kill.

"Kasalanan mo 'yan kapag dumugo ilong mo!" sigaw ko sa kaniya.

Napatingin siya sa Life Watch niya at nanlaki ang mga mata.

"No!!" naiiyak na sigaw niya at biglang naglaho.

Napalunok ako. Tama ba ang ginawa ko? Nakaramdam ako ng guilt. Mukhang desedido siyang manalo nang makita ko ang lungkot sa mga mata niya.

Lahat naman gustong manalo. Ngunit hindi lahat nabibigyan ng pagkakataon.

"Sendy! Watch out!"

Napalingon ako sa likod nang marinig ko ang boses ni Winzé. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang lalaki na tumatakbo papalapit sa akin. May hawak pa itong espada!

Mabilis kong binuksan ang heart box at kinuha ang laman nito.

"Ano 'to?!" tanong ko sa sarili ko. Parang magnet siya.

"Sendy!!"

Nataranta ako nang marinig ko ang sigaw ni Val. Tinutok ko ang magnet sa lalaking akmang iwawasiwas na ang espada sa akin.

Nagulat ako nang may lumabas na kuryente sa magnet at sakto sa kaniya. Nakita ko ang Life niya. 57% na bumaba hanggang sa 0% kaya naglaho na siya.

Nang makita ko sila na inaalalayan si Dara na makaupo sa nakausling sanga sa lupa ay tumakbo ako papalapit sa kanila.

"Mabuti na lang, ligtas ka rin," nakangiting sambit ni Dara. Nakita ko ang Life niya. 2% na lang. Mabuti na lang! Ngunit marami naman siyang natamong galos at sugat!

Mabuti at natalo nila 'yong tatlo!

"May 47% pa ako," sambit ni Val habang nakatingin sa Life Watch niya.

"I still have 78%," sambit naman ni Winzé at napatingin sa akin.

Tumingin naman ako sa Life Watch ko. "May 80% pa ako."



"THE LUMINUS BATLLE IS NOW OVER."

Nang marinig namin 'yan ay napanatag na kami. We won!









🔱🔱🔱

I would love to read your thoughts about this story!

StaySafe and Pray Always!
GOD BLESSED!

Nagbabasa ako ng comments, kaya magcomment na kayo! Don't be a silent reader! xoxo

🌸🌸🌸

GUYS! I WILL RECOMMEND THIS STORY TO YOU!

Blind and Bereft written by scmimi
Just visit her profile! Her story is the best!😍 She's a graphic designer too!

Continue Reading

You'll Also Like

61.8M 1.7M 40
She is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng ka...
1.9M 182K 206
Online Game# 2: MILAN X DION
1.6M 64.9K 79
Previous title: SIGNUS ACADEMY Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, she decided...
7.3M 436K 114
Isa ang Merton Academy sa mga kilalang paaralan sa buong Pilipinas. Karamihan sa mga nag-aaral dito ay mga kabataang may talento pagdating sa akademi...