Blood Sucker (GL) [Completed...

By InsaneSoldier

751K 24.8K 1.5K

[This is a GL story] Date started: April, 2016 Date completed: November, 2016 Editing: March 26, 2022 - On-ho... More

Blood 0
Blood 1
Blood 2
Blood 3
Blood 4
Blood 5
Blood 6
Blood 7
Blood 8
Blood 9
Blood 10
Blood 11
Blood 12
Blood 13
Blood 14
Blood 15
Blood 16
Blood 17
Blood 18
Blood 19
Blood 20
Blood 21
Blood 22
Blood 23 - unedited
Blood 24 - unedited
Blood 25 - unedited
Blood 26 - unedited
Blood 27 - unedited
Blood 28 - unedited
Blood 29 - unedited
Blood 30 - unedited
Blood 31 - unedited
Blood 32 - unedited
Blood 33 - unedited
Blood 34 - unedited
Blood 35 - unedited
Blood 36 - unedited
Blood 37 - unedited
Blood 38 - unedited
Blood 39 - unedited
Blood 40 - unedited
Blood 41 - unedited
Blood 42 - unedited
Blood 43 - unedited
Blood 44 - unedited
Epilogue - unedited
Side Series

Blood 45 - unedited

9.4K 335 12
By InsaneSoldier

S...six months? Ganoon siya katagal na comatose?

Napatitig siya sa mga kasama para alamin kung biro iyon o hindi pero base sa ekspresyon ng mga kasama, alam niyang totoo ang narinig. Halos matulala siya sa nalaman.

"What...what did I miss?" Elisse asked with her hands on her eyes.

"Ah, eh," Napatingin siya sa kambal. Napangiti si Len at dumako ang paningin niya sa magkahawak nitong mga kamay. "Uhm, legal na kami ni Rin...as lovers."

Nanlaki ang mata niya. Tumango-tango naman sila at sabay na humagikhik. "Totoo! Nag-out muna kami sa parents namin and gladly, they accepted us."

Napanganga siya sa dalawa. "Do...do you mean, uh..."

"Incest relationships are normal for vampires. So, yep!" Rin smiled and kissed her twin. "We're in a relationship!"

Napangiti siya. They're cute!

"I'm happy for the both of you!" wika niya. Hindi siya makapaniwala sa narinig at nalaman niya, pero nakakagulat man ay aminado siyang masaya sa narinig. Imagine, sila na pala. At bagay sila, cute. Napalingon siya kay Asha. "How about you? Ano nang balita sa nag-iisa kong best friend?"

Napangiti ito sa narinig at animo'y kinikilig na hindi niya malaman. Wala pa itong sinasabi pero kinikilig na agad.

"We're getting married again." Si Diamond na ang nagsalita. Lumapit na ito sa kanila at medyo nanibago siya nang ngumiti ito. She snaked her arms around her wife and Asha hugged her in return.

"Sweet!" Len said.

"Ayiee! Flower girl ako, ah!" Segunda naman ni Rin.

Natawa siya at napailing. Makulit pa rin talaga ang mga ito, walang pinagbago. Nilingon niya si Adrienne at inabot ang kamay niya rito, mabilis naman nitong inabot iyon at hinawakan ng mahigpit. Napangiti siya, hindi na nila kailangang magsalita para lang maramdaman ang isa't isa. Makita niya pa lang ito, lalo na't ang mahawakan ay napakalaki na ng impact sa kanya.

Pero sa totoo lang, ang malaman na ikakasal ulit si Diamond at Asha ay talagang nagpasaya sa kanya. Hindi niya man alam kung anong totoong rason kung bakit naging magkakilala ang dalawa, at kung bakit naging katulad nila si Asha, tingin niya'y hindi na kailangang malaman niya pa 'yon dahil sapat nang makita kung gaano kasaya ang mag-asawa.

"Si Sam, nasaan?" Tanong niya nang mapansing may kulang. Wala siyang nakikitang babaeng naka-eyeglass at may hawak na libro.

Napaiwas ng tingin ang kambal. Si Asha naman ay nakatingin lang sa kanya ngunit mukhang walang balak na sumagot, ganoon rin si Diamond. Tiningnan niya si Adrienne dahil ito lang ang mukhang sasagot sa kanya. "Adrienne?"

"She's..." She leaned in and kissed her forehead. "She's in a place where she can learn to move on."

"Oh..." Napayuko siya. Nakaramdam siya ng lungkot. Bakit naman kung kailan akala niya ay okay na ang lahat ay saka naman ito mawawala? "Kailan pa?"

"Six months ago." Adrienne answered, "Umuwi siya sa family niya at nag-decide na manatili muna roon."

Hindi na siya sumagot. Hindi man lang siya nabigyan ng pagkakataon na makausap ito. Pero kahit papaano ay nakahinga na rin siya ng maluwag dahil alam niya na safe ito sa kinalalagyan nito ngayon.

Ang tanging hiling na lang ni Elisse para kay Sam ay sana...sana mawala na ang sakit na ibinigay niya rito. Sana mahanap na nito ang taong sunod na mamahalin. At sana, mahalin din siya nito pabalik.

Maybe Sam's decision to distance herself was the right thing to do for someone who was shattered. Maybe, time will heal her pain, even if she started ugly. She knew, soon, she'll become fine as new and all those hardships she had will become her lessons in life. It'll make her wiser, and stronger. It'll make her a better person, even if they notice it or not.

"Elisse?"

Napangiti siya nang makita niya ang ina. Ang ganda ng ngiti nito at kitang-kita ni Elisse ang saya sa mga mata nito. Lumapit si Rain sa kanya at lumayo naman ang kambal at sina Asha para bigyan sila ng oras na makapag-usap. She caressed her cheeks and kissed her forehead. "Kumusta nang pakiramdam mo?"

"Okay na po, Mama," Sagot niya bago mapanguso. "Kailan ba ako makakalabas dito?"

"Malapit na," Ngumiti ito. "Baka mamaya ay ilabas ka na rito. Ilang araw ka na ring nagpapahinga."

She nodded. Excited na siyang umuwi! Hindi katulad ng ordinaryong tao, mabilis ang naging recovery ni Elisse. Kinailangan niya lang talaga ng pahinga at pagkain sa tamang oras. Mabuti naman at makakalabas na siya. Gusto niya na talagang makapasok ulit sa kwarto nila ni Adrienne dahil aminado siyang na-miss niya ang partikular na lugar na iyon.

At sa mga nakalipas na araw na iyon, ang Mama niya ang isa sa mga nag-alaga sa kanya. Muli niyang naramdaman kung paano kumalinga ang isang ina. Parang gusto niyang maiyak pero pinipigilan niya lang. Pakiramdam ni Elisse ay wala na siyang maihihiling pa.

If having this fulfilling life is the result of all the hardships we had, then I'd gladly repeat it over and over again.

Noong magising siya ay dinalaw siya ng Dean at sa kanya niya nalaman na...wala na si Haru. He was executed as a punishment. He's dead. Kahit hindi niya gusto, aaminin niyang nalungkot siya. Alam niya hindi ito naging mabuting ama but...he was still her father. Maybe at the deepest level of her heart, her love for him lies beneath. Ayaw niya nang isipin kung minahal ba siya nito. Pero sana ay oo, kahit kaunti.

Rei, Adrienne's mother, was buried inside the university's forest. Hindi dapat papayag ang Dean na sa loob ng school ito ilibing ngunit si Rico na mismo ang nakiusap na sa loob ihimlay ang kabiyak kung saan palagi nila itong madadalaw ni Adrienne.

Alam niyang nagdadalamhati pa rin hanggang ngayon ang kasintahan sa pagkamatay ng ina kahit hindi nito sabihin. Wala naman sigurong may gustong mawalan ng taong minamahal. Ang mahalaga na lang siguro ay alam nilang nasa mabuting kalagayan na si Rei kung nasaan man ito.

Pumunta rin ang Hari at Reyna para dalawin siya. She felt big when they thanked her and they were so happy that she's alive.

She literally changed her destiny.

Ewan niya ba, pakiramdam niya ang dami ng ginawa niya kahit na hindi naman. May ilan ding students na dumalaw sa kanya. Ang iba sa kanila ay nakakuwentuhan niya na.

Marahil isa sila sa mga dahilan kung bakit mabilis na naging mabuti ang kalagayan niya.

--

Adrienne happily watched Elisse and Rain. Masaya siya dahil nandito ang mga ito. But then, she knew, it will be better if Sam's here. But she knew better. Kahit na wala ito, alam niya kung gaano kahalaga rito ang babaeng mahal niya.

She peeked at the door at nakita si Sam. She's talking to Elisse kahit na tulog pa ito. Kitang-kita niya ang pagngiti ng dalaga despite of the tears on her eyes.

"I need to do this, for my own." She whispered before gently kissing Elisse's forehead.

Nang gawin nito iyon ay saka lang siya nagpakita. Napatingin ito sa kanya at ngumiti. "Adrienne."

"Sam."

Tumingin ulit ito kay Elisse at hinaplos ang buhok nito. Hinayaan niya lang si Sam. She knew that she's possessive when it comes to her pero, pakiramdam niya ay kailangan ni Sam na gawin iyon. Dahil pakiramdam niya ay anumang oras ay bibigay na ito sa sariling emosyon.

"I don't need to tell you to take care of her because I know you will." sabi nito, "Aalis na ako ngayon para puntahan ang mga magulang ko. And I'm planning to stay there for a while."

"How long?"

"I don't know."

Adrienne didn't answer.

"I need this for myself. I'm giving up, Adrienne."

Iyon na ang naging huling pag-uusap nila. Binigyan niya ang kaibigan ng saglit na yakap nang mga oras na iyon. Alam niya na bukal sa loob nito ang naging desisyon kaya alam niya, kakayanin ni Sam ang lahat.

"Oh, paano, maiwan ko muna kayo." paalam ni Rain, "I think it's time for you and Adrienne to have some quality time."

Sinenyasan nito ang mga kaibigan nila na sumunod dito. Nakatanggap tuloy sila ni Elisse ng nakakalokong ngiti mula sa mga ito.

"Hinay-hinay lang, ah."

"At saka soundproof naman itong kwarto."

Adrienne glared at them kaya nagtawanan lang sila. Ilang segundo lang din ay sila na lang ni Elisse ang naiwan.

Hinawakan niya ang kamay nito at hinalikan. She smiled at her, like the usualy smile she always show. Pakiramdam niya ay malulunod siya sa mga mata nito. Ang mga pulang mata nito.

"Adrienne..."

"Hm?" She hummed and kissed her forehead.

"I love you."

Adrienne kissed her lips gently and smiled. "You know I love you, too."

God, this is perfect.

"Wala nang mangyayaring masama, 'di ba?"

"Wala." She intertwined their hands. "At kung mayro'n man, I'm gonna make sure na hindi ka na mawawala sa tabi ko. Kahit itali pa kita."

Elisse pouted her lips. "G-grabe ka naman."

"Biro lang." She smirked. "But..."

"Adrienne."

"Hm?" Adrienne started to kiss her neck. She heard Elisse gasped, maging ang paghawak nito sa kamay niya ay humigpit.

"Y...You're not going to tie me on the bed, aren't you?"

"Not here though." She chuckled darkly as she bit the soft flesh on her neck.

"A...Adrienne." Elisse groaned. "I love you."

I will always love you more.

_____

Continue Reading

You'll Also Like

124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
1.9M 68.4K 51
A school where different kinds of vampires such as pure bloods, noble vampires and hybrids study and train to be a true vampire. It all started with...
13.3M 640K 49
"She's my best friend, and she's the thirteenth victim." Nangako si Althea Denise Limerick at ang best friend nitong si Elyse na hindi sila magiging...