Teenage Greek gods: The Dark...

invadersim द्वारा

15.2K 474 112

[THE FINAL BOOK OF THE SAGA] Nakabalik na si Amber, Zeus at Poseidon, pero hindi pa tapos ang lahat. Ang espi... अधिक

Teenage Greek gods: The Dark Spirit
Chapter 2: A Gloomy Dinner
Chapter 3: The Riddle
Chapter 4: Icarus
Chapter 5 : Prophecy 2.0
Chapter 6 : Take the Reins
Chapter 7 : Puppet
Chapter 8 : Rest in Peace
A NEW BEGINNING
Chapter 9: The Funeral
Chapter 10: Letters
Chapter 11: The Lone Poseidon
Chapter 12: The Prisoner
Chapter 13: Under
Chapter 14: Mentors and Helpers

Chapter 1 : White Page

2K 70 2
invadersim द्वारा

Chapter 1 - White Page


Tila isang awitin ang huning binubuo ng mga alon, at madamdamin ko itong pinakinggan. Nilanghap ko rin ang masamyong hangin, na naglakbay sa mga puno at sa maaliwalas na palayan patungo sa akin.

White Page. Kami'y nasa isla ng White Page. At tulad ng pangalan nito ay tila puti at puro ang lahat.

"Heto na ang tsaa, milady."

Lumingon ako at nakita si Kat Embers, kung noong nakaraang dalawang linggo ay berde ang kanyang buhok ngayon ay kulay kahel na. Nakasuot siya ng simpleng blouse at trousers, habang ako'y naka tank top, jeans at paborito kong white sneakers. Binaba ni Kat ang teapot sa mesa at umupo. Lumayo ako mula sa bintana, inalis ang view ng kanyang simpleng garden sa aking mga mata at umupo na rin.

"Napakaganda dito. Puro halaman at puno. Nakapatahimik pa at simple ng mga mamamayan.", giit ko.

"Kaya dito ko napiling mamalagi.", sabi niya habang nagbubuhos ng tsaa sa aking teacup.

"Gaano ka na katagal dito?"

Natapos na siyang maglagay ng tsaa sa aking teacup at sinimulan namang lagyan ang sa kanya. "Limang taon na."

Tumingin ako sa paligid. Tama lang ang laki ng kanyang bahay para sa isang tao. May porma ito na parang isang cabin, gawa sa kahoy. Nakadikit sa kanyang pader ang hindi mabilang na mga libro, mga mapa, parchment at mga paintings na may nautical themes. Sa kanyang desk ay may telescope at globo. Bukas nang kaunti ang pinto ng kanyang kuwarto at nakita ko ang single bed at isang surf board. Mukhang napaka-peaceful ng buhay niya dito.

Nagpatuloy ako, "Kung ganito ba naman ang aking titirhan, siguradong hindi ko mamamalayan ang limang taon."

Humigop siya ng kanyang tsaa. "Sa loob ng limang taon ay hindi ako umalis sa White Page. Kinulong ko ang sarili ko sa mga libro, sa pagsasaliksik."

"Pero lumabas ka noong giyera kay Hera."

"Tama, milady. Nasa panganib ang aking mundo at kailangan kong sumagot sa tawag nito.", tumayo siya at hinawakan ang isang hanging mobile na gawa sa seashells. "Limang taon, bago ako dumating dito sa White Page ay namatay ako. At alam mo ba, milady?"

Tumingin ito sa akin at ako'y umiling.

"Tuwing mabubuhay muli ako ay pinipili kong mabuhay ng iba sa buhay ko bago ako mamatay. Ngayon lang ang pagkakataon na namatay ako pero pinili ko pa rin maging si Kat Embers na ganito."

"Ngunit bakit?"

"Dahil ako'y nabuhayan sa iyo. Nakikita ko ang sarili ko sa iyo. Ikaw ay nawala ngunit nahanap mo muli ang iyong pamilya. Gusto kong mahanap ang aking pamilya."

"May ibang mga phoenixes?", sabi ko, naiilarawan na sa utak ang isang dosenang phoenix na lumilipad sa ere.

"Meron, milady. Iyon ang dahilan ng aking pagsasaliksik."

"Hindi ko maintindihan."

Ngumiti na lang siya, marahil ayaw ito pagusapan. Napalunok ako at nagpatuloy na humigop sa lemon flavored tea na kanyang hinanda.

"Tayo'y lumabas, milady. Ipapakita ko pa sa iyo ang kagandahan ng White Page."

"Sige ba!"

Tumayo ako at sinuot ang aking jacket at sinundan si Kat palabas.

***

Tinahak namin ang medyo makipot na daan. Ang aming kanan at kaliwa ay gubat. Mahinhin ang mga huni ng mga ibon at ang araw ay tama lang ang init, hindi masakit sa balat. Maaliwalas. Presko.

Hindi kami nagusap, patuloy ko lang nilasap ang sarap ng simoy ng hangin at ganda ng kalikasan. Nakasalubong namin ang isang matandang babaeng may dala-dalang mga palay sa kanyang likuran na animo'y backpack niya ito. Napakalaki ng ngiti niya, na para bang ito na ang sumasakop sa kulubot niyang mukha. Nginitian din namin siya ni Kat pabalik.

"Tahimik at simple lang ang buhay ng mga tao dito, milady. Pagsasaka lang at pangingisda ang tangi nilang hanap buhay."

"Hindi ko maipaliwanag.", sabi ko. "Napakasaya ko na may lugar pang ganito. Dapat natin protektahan ito. Isa itong sanktwaryo."

"Halika, milady! May ipapakita ako sa iyo."

Dumating na kami sa isang lambak at napakalakas ng hangin dito, rinig na rinig at amoy na amoy ko na rin ang dagat sa ibaba. Tumakbo kami nang may ngiti, napapalibutan ng mga bulaklak at mga nagaalpasang mga paru-paro at gamu-gamo. Hanggang sa dumating kami sa dulo ng lambak at naaninag ko ang asul na dagat, sumalubong din sa akin ang simoy na mula rito. Nakita ko ang ilang maliliit na bangka, mga mangingisda.

Nakatingin lang ako dito ng ilang minuto. Muntik malimutan na mayroon pala akong kasama hanggang sa nagsalita siya —

"Sa totoo lang, milady. Hindi ko akalaing makakamit ko ito. Na makakakita pa ako ng lugar na ganito. Na makakakilala pa ako ng mga taong tulad ninyo."

Tumingin ako sa kanya, "Bakit mo naman nasabi?"

"Napakarahas ng aking buhay. Namulat ako sa mundong ito na akala ang lahat ng bagay ay maganda, na walang masama. Magkakasama ang mga phoenixes noon sa isang sanktwaryo, parang ang islang ito. Napakatagal na noon. Ilang eons na ang nakalipas, pero tanda ko pa rin ang masasayang tawanan ng mga batang phoenix at awitan ng aming mga magulang. Nabuhay kami ng payapa. Hangga't sa isang araw —", napapikit ito, tila ayaw balikan ang kung ano mang memorya ito.

Hinawakan ko siya sa balikat, "Ayos lang kahit hindi mo ikuwento, Kat."

"Pero kailangan mong malaman. Isang araw, may umatake sa amin. Isa lamang akong maliit na phoenix noon at hindi ko alam at naiintindihan ang nangyayari. Galit na apoy at mga patay na phoenix. Lumaban ang aking ama habang itinakas ako ng aking ina. Hanggang sa nalaman kong sugatan din siya. Pinilit niya akong paliparin ngunit mahina pa akong phoenix. At naabutan na nga kami. Lumipad ako nang lumipad sa lahat ng aking makakaya, hindi ako lumingon habang naririnig ko ang iyak ng aking ina at ng aking buong angkan..."

Napahawak ako sa aking bibig.

"Nang lumakas ako ay hinanap ko sila. Pero hindi ko na sila nakita."

"Pero, imortal kayo. Kaya niyong mabuhay muli kaya sigurado akong nagtatago lang sila."

"Genocide iyon, milady. Ang hangad ng mga sumugod sa amin ay patayin kaming lahat. Hindi ko alam kung paano pero nanatiling patay ang mga phoenixes noong araw na iyon."

Kakaiba. Napakaganda ng tanawin. Ngunit sakit at kamatayan ang aking nakikita. Napaubo si Kat.

"Pasensya na, milady. Kung nasira ko ang araw mo."

"Naku, naku! Hindi! Bigla lang akong napaisip kung bakit may gagawa noon sa mga phoenix."

"Hindi ko rin alam pero aalamin ko.", sa oras na iyon ay ngumiti siya sa akin, "Anong gusto mong tanghalian?"

Umikot kami para bumalik sa kanyang bahay habang ako nama'y nagsimula nang magisip nang sa aming dadaanan ay may isang batang babae. Nagulat kami pareho ni Kat.

Nakatayo lang ang batang babae sa harap namin, marahil mga 10 years old. Mahaba ang buhok nito at napakalaki ng mga mata na nakatitig sa amin. Ang kanyang damit ay parang isang kulay kahoy na sako.

"Hello? Kumusta ka?", pagbati ko ngunit hindi ito sumagot.

"Ngayon ko lang nakita ang batang ito.", sabi ni Kat.

Napatingin ako kay Kat at tumango, lumakad ako papalapit sa bata. Bumulong naman si Kat ng "milady..."

Pero nagpatuloy pa rin ako sa paglapit sa bata na nanlilisik pa rin ang mga mata sa amin.

"Bata? Anong kailangan mo sa amin?", tanong ko.

Mabilis itong kumilos, may hinablot mula sa likuran. Napatalon ako at napasigaw naman si Kat. Tumigil ang oras. Katahimikan. Tumitig ako sa bata at nakita kong may hawak siyang isang maliit na karton at tila inaalok niya ito sa akin.

"Ano iyan?"

Nagsalita ito, ang boses niya ay matinis. "Isang regalo."

"Regalo? Mula kanino?"

Tumayo ang balahibo ko dahil ngumiti ang bata, isang ngiting abot sa pareho niyang tenga. Hindi na ako nagatubuli pa at kinuha ang karton mula sa kanya.

"Magiingat ka, milady!"

"Ayos lang ako.", sabi ko at sinimulan nang buksan ang karton.

Tinapon ko ang takip nito at sinilip ang nasa loob. Nanlaki ang aking mga mata dahil mata ang nasa loob nito! Isa itong mata ng tao, basa ito at kita mo ang mga dumadaloy na ugat. Parang...parang kakatanggal lang nito sa may-ari.

"Anong?", inahon ko ang ulo ko para tignan ang bata pero tumatakbo na ito papalayo sa amin. Agad kong hinagis ang karton sa lapag at hinabol ito. "Kat!"

Mabilis akong lumingon at nakita si Kat na tumatakbo na rin. Tinalunan ko ang isang nakabagsak na punong kahoy at tumapak din sa maliliit na lusak ng putik. Kinapa ko ang sarili ko, wala akong dalang armas. Kung magagawa ko lang sana ang pagtakbo ng mabilis katulad ng nagawa ko noong Hera-Olympian War pero tulad ng dati ay hit and miss pa rin ako sa kapangyarihan ko.

Nakaabot na sa akin si Kat nang kami'y huminto. Dumating kami sa loob ng gubat at hindi namin maaninag ang bata. Tinignan ni Kat ang lupa at napansin niya ang hiwa-hiwalay na mga damo, may kakadaan lang dito. "Milady, dito!", sabi niya.

Sinundan namin ito at mula sa likod ng isang puno ay nakita namin ang batang nakatingin at tumatawa sa amin. Tinuro ko siya. "Ayun siya!" Hindi na sumagot si Kat bagkus ay bumulusok siya papunta dito, hindi naman ako nahuhuli.

Ngunit pagdating namin sa likod ng puno ay wala ito. Iginala namin ang aming paningin, inaasahang makita ang kahit dulo lang ng kanyang sakong damit nang sa isang clearing — sa isang lugar kung saan damo lang at puno ay may isang tumpok-tumpok ng bato. Nang maaninag ko pa ito nang matagal ay naging malinaw na hindi lang ito basta mga bato, isa itong ruins. Isang dating establisyementong ngayon ay wala na.

Marahan kaming naglakad patungo doon ni Kat. Wala rin siyang armas pero ang kanyang stance ay handang lumaban. Ganoon din ako. Mukhang lumang bahay ito dahil kita mo pa kung saan ang pinto at ilang bintana, pati na rin ang banyo. Binabalot na ito ng mga baging at halaman.

"Lumabas ka!", giit ni Kat.

Nauna si Kat papasok sa isang parte ng ruins habang ako'y napahinto dahil sa isang pader. Nawala ang aking stance at ako'y tumayo ng diretso. "Kat...", sabi ko. Mabilis namang lumapit sa akin si Kat at tinignan namin ang nasa pader na nasa aming harapan.

Nakasulat dito, sa pulang tinta, hindi ko alam kung dugo, ang mga katagang THE FATES ARE WATCHING.

TO BE CONTINUED


AUTHOR'S CHEESINESS:

Alright, alright, alright! Here's the first chapter! I hope you enjoyed that. Hmm? The Fates are watching? Ano kaya ang ibig sabihin nito?

First off, gusto ko mag-sorry kung medyo maiksi ang chapter na ito. I like the way it is. Don't worry though, next chapters will be a lot longer like the usual! ;) Hades will also appear next week!

I'll be doing my best to do weekly updates as it makes the story tighter. Still aiming for a 12 or more chapter story! Thank you sa patuloy na pagsuporta! Til next week!

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

21M 767K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
11.3M 507K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
4.6M 113K 46
Wild, untamed and fierce- that's Tatiana Faith Follosco. Para sa kanya, chill lang ang buhay. She loves to party with her friends and make crazy dare...
38.1K 1.6K 37
| COMPLETED | | UNEDITED | Ally Cole, an ordinary person, was engrossed in reading an online novel while walking down the street when she was suddenl...