Ang Mutya Ng Section E

By eatmore2behappy

134M 5.3M 3.3M

Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung... More

eatmore2behappy
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Not an update!
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter 108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 123
Chapter 124
Chapter 125
Chapter 125.02
Chapter 125.03
PART TWO
Part Two

Chapter 102

904K 37.7K 31.2K
By eatmore2behappy

Round 2

Jay-jay's POV

Akala ko dun na mamatay si Yuri. Akala ko hindi na sya tatayo. Akala ko mawawala na sya sakin----samin.

"Wag kana umiyak... Sorry kung tinakot kita." Sabi ni Yuri habang pinupunasan yung luha ko.

Kahit kasi tapos na yung laban umiiyak pa rin ako. Hindi ko mapigilan eh.

Nilalagyan ko ng gamot yung sugat nya. Hindi ko pinapansin yung mga sinasabi nya.

"I heared you. Yung sigaw mo, yung pakiki-usap mo at pagtawag mo sa pangalan ko." Sabi nya at nagpilit ng ngiti.

Sandali ko syang tinignan at bumalik sa ginagawa ko. Halos mamaos ako sa kakasigaw at sumakit na rin yung palad ko kakampas sa kung saan para lang mapansin nya ko.

Buti nalang at nagawa nyang maiwasan yung huling sipa nung kalaban nya. Nakabawi sya at agad gumanti. Pinuntirya nya yung sugat at agad na pinagsusuntok.

Kusa nalang sumuko yung isa. Ang laki pa naman ng katawan nya tapos hindi na kayanan yung mga ginawa ni Yuri.

"Jay... Galit kaba sakin?" Tanung nya.

Hindi ko sya pinansin. Naiinis ako, andun pa rin yung takot ko. Hindi ako makapaniwala na ganun yung ginagawa ni Yuri dati.

"Yuri... Tinatawagan na ko ni Keifer. Mukang hinahanap na tayo." Sabi ni Drew.

Ramdam ko yun takot at pag-aalala nya. Malilintikan kasi sya kay Keifer kapag nalaman tong ginagawa nya.

"Tapos na ko..." Sabi ko at niligpit na yung first aid kit na pinahiram ni Tiger.

Hinawakan ni Yuri yung kamay ko dahilan para matigilan ako sa pagtayo.

"S-sorry..." Sabi nya.

Binawi ko yung kamay ko at naglakad papunta sa table para ibaba dun yung first aid kit.

Napatingin ako kay Drew na nakaharap sa phone nya. Nakaramdam ako ng matinding inis at kusa nalang tumaas ang kamay ko para kutusan sya.

"Aray! Para saan yun?!" Sabi nya habang nakahawak sa ulo nya.

"Sa susunod na magsugal ka, kakalbuhin kita!" Banta ko sa kanya.

"Sorry... Hindi ko matiis, nakaka-adik kaya." Katwiran nya.

Lalu akong naimbyerna sa sinagot nya kaya naman panibagong kutos ang binigay ko sa kanya.

"Aray! Bakit na naman?!" Reklamo nya.

"Naiinis ako!" Sagot ko at akmang kukutusan ulit sya pero may kamay na humawak sakin.

Pagtingin ko, hindi ko alam kung lalu ba kong maiinis o maaawa. Nakiki-usap na naman kasi yung tingin ni Yuri sakin.

"Alam kong galit ka sakin." Sabi nya.

Buti alam mo!

Nagulat ako ng bigla nalang nya kong yakapin. Nasubsob ako sa dibdib nya. Nanigas na naman yung katawan ko.

"Y-yuri..."

"Sorry na... I promise hindi ko na uulitin to. Hindi na ko babalik sa lugar na to kung hindi kailangan." Bulong nya sakin.

Kusang gumalaw yung kamay ko para yakapin din sya. Aaminin ko, hindi pa rin nawawala yung takot ko sa nangyaring laban pero nawala na yung inis at galit ko.

Hangang sa meron akong na-realize.

"Y-yuri... B-baka pwede kanang bumitaw." Sabi ko na agad naman nyang ginawa.

Wala kasi syang pang-itaas na damit. Nakasubsob pa ko sa kanya.

"May something naba kayo?" Biglang tanung ni Drew dahilan para mamula si Yuri at tignan ko sya ng masama.

Lumakad si Yuri para kuhanin yung damit nya at magbihis.

"May utang pa nga pala akong paliwanag sayo." Sabi nya.

Yun pa nga pala pero naiintindihan ko na. Hihingin ko paba yung paliwanag nya? Hindi nalang ako nagsalita para hayaan sya.

Lumabas si Drew sandali at nagpaalam na magc-Cr. Andito ulit kami sa office ni Tiger. Kami lang ang andito dahil meron syang kinakausap.

"I don't know where to start..." Sabi ni Yuri at huminga ng malalim. "...Maybe when Ella didn't choose me."

Nagpilit sya ng ngiti sakin. Ginantihan ko yun para maging komportable sya.

"Halos sabay kaming umamin ni Keifer kay Ella. Una pa lang ramdam ko na special yung tingin nya kay Keifer pero trinato nya kong higit sa kaibigan. Umasa ako na dapat pala hindi ko ginawa..."

"...Selfish si Keifer pagdating sa babae. Binakuran nya si Ella at siniguradong magiging kanya. Hindi ako sumuko, nagbaka sakali na baka pwede ako nalang. Pero si Keifer ang pinili nya..."

"...Tinanggap ko nalang. Masakit pero ganun talaga. Then i found myself wasted. Lahat yata ng nasalubong ko hinamon ko ng away..." He laugh bitterly. "...I don't know how pero kusa nalang akong dinala ng paa ko sa lugar na to. Napa-away at nakita ako nila Tiger sa labas..."

"...They keep asking question that---honestly---i don't know the answer. Naki-usap ako na sasabak ako laban. Ayaw nila syempre, bata pa daw ako pero yun ang gusto ko. Kaya nilabanan ko yung isa sa underdog ni Tiger. Nanalo naman ako kaya pumayag na sya."

"Kaya ka naging tambay sa lugar na yon?" Tanung ko.

Nag-nod naman sya bilang pagkumpirma. "The more fight i encountered, the more i become addicted to it. Yung sakit ng pisikal na laban yung naging pantakip ko sa sakit nito..." Sabay turo sa puso nya. "...no one can stop me. Lahat ng klase ng laban pinasok ko. Pero yung pinaka-paborito ko yung sa kutsilyo. Mamali lang ako ng galaw, patay ako at lahat ng sakit mawawala na."

Sabi nya, wala na daw yung sa kanila ni Ella but somehow nararamdaman ko pa rin na nasasaktan sya.

At ayokong maramdaman yun.

"P-panu ka tumigil?"

Huminga sya ng malalim at napayuko. "Si Keifer... Pinuntahan nya ko dito."

"Kinausap ka nya?"

Umiling sya. "Nilabanan nya ko... Suntukan lang yun at wala pang dalawang minuto napabagsak nya ko."

Natahimik ako. Kakaiba din kasi yung paraan nitong si Keifer. Galawang ulupong.

"...Wala syang sinabi pero kusa akong huminto pagkatapos nun. Pumasok ulit ako sa school at pilit inayos yung lahat."

"Panu kayo naging okay ni Keifer?"

Hindi na dapat ako nagtatanung. Para kasing ginagatungan ko lang yung sakit na nararamdaman nya.

"Kusa nalang... Ganun naman kaming mga lalaki. Wala ng usap basta yun na yon." Sabi nya at ngumiti.

Napangiti nalang din ako. Ganun talaga sa kanila, mas mahalaga yung pagkakaibigan nila kesa sa mga naging away nila.

"So, yung mga peklat mo sa katawan dito pala galing?" Tanung ko.

"Oo... Mababaw lang naman lahat ng yan, hindi nila ko kayang puruhan." Pagyayabang nya.

Bigla nalang bumukas yung pinto. Akala namin si Drew pero si Tiger pala. Salubong ang kilay nya at halatang iritable.

"Hindi ako natutuwa!" Sabi nya habang nagpapa-ikot-ikot sa harap namin.

Dumating si Drew at halatang naguguluhan sa nangyayari. Tinignan nya kami na parang nagtatanung ng 'Anung meron?'. Nagkibit balikat lang ako.

"Isang laban pa..." Sabi nya at tumingin kay Yuri. "...Isang laban nalang at papaalisin ko na kayo."

Hinawakan ko agad ang braso ni Yuri. Ayoko na syang lumaban, tama na yung kanina.

"A-ayoko na... Isa lang ang usapan natin." Sagot ni Yuri.

"Hindi... Hindi... Hindi... Gusto ko ng isa pang laban. Ang gusto ko lumaban ka ulit..." Sandali syang nag-isip. "...Tama! Labanan mo si Keifer! Ituloy nyo yung laban nyo dati!"

Nababaliw na sya!

"Tiger... Hindi naman ganun kadali yun!" Inis na sagot ni Yuri.

"Edi si Keifer nalang ang ilaban natin!"

Wala na ata talaga sa pag-iisip si Tiger. Kung anu-anu nalang ang sinasabi nya.

"Madali na yun! Papuntahin nyo si Keifer dito! Ngayon na! Kasi kung hindi!" Inis na sabi nya at bigla nalang naglabas ng baril.

Nanigas ang buong katawan ko. Mamatay na ko, hindi pa man din nakakalabit yung gatilyo pakiramdam ko mamatay na ko. Ganun ata talaga kapag nakatutok sa ulo mo yung baril.

"Si Keifer! Ngayon na!" Sigaw nya.

Hindi ako makahinga. Nanginginig ang kamay ko habang nakataas, na para bang sumusuko ako. Sumusuko naman talaga ako, wala akong laban sa baril!

"H-hindi sumasagot!" Sabi ni Drew.

Dama ko din ang takot nya. Bakit ngayon pa sya hindi sumagot? Wala talagang saysay tong Hari ng mga ulupong.

"Edi puntahan nyo!" Sigaw na naman ni Tiger at lalung dinutdot ang baril sa ulo ko.

Ayoko pang mamatay!

"P-pupuntahan na namin! Wag mo lang sasaktan si Jay-jay!" Paki-usap ni Yuri.

Wag nyo kong iwan dito!

Hindi ako makasigaw o makapagreklamo. Lumabas na sila Drew at Yuri kaya binaba na ni Tiger ang baril.

Nakahinga ako kahit konti. Naging tahimik ako. Takot? Siguro. Nakakanginig kaya ng laman ang matutukan ng baril.

"Gusto mo ng pizza?"

+++++++++++++++++++++++++++++

Keifer's POV

"You son of a b*tch!" Sigaw ko at agad na sinikmuraan si Drew.

"Keifer! Tama na!" Awat nila sakin pero hindi ako tumigil.

Binuhat ko si Drew at sinuntok sya sa muka. Wala akong pake kahit dumudugo na ang labi nya.

"Keifer!" Tawag sakin ni Yuri.

Sobra yung galit na nararamdaman ko. I turn to Yuri and immediately punch him.

"You! You know that it's a very dangerous place for Jay-jay yet you bring her there!" I said.

"Tama na Keifer! Puntahan nalang natin sya!" Sigaw sakin ni Ci-N.

Nasabunutan ko nalang ang sarili ko. Natakasan ako ng lintik na babae na yun, what worse hindi pa mahanap ni Edrix ang signal ng phone nya. Kasi nga nasa Kingsground sya.

Fvck!

Tinignan ko si Drew at Yuri. "Kapag may nangyaring masama kay Jay-jay... Lulumpuhin ko kayong dalawa! Tandaan nyo yan!"

Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sakanyang masama.


++Don't forget to Vote, Comment, and Share. 😉 ++

Continue Reading

You'll Also Like

11.4M 469K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...
31.7M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
106K 5.4K 40
You don't have all the time in the world. Iyon ang totoo. Blessed to have survived her fatal illness and learning more to live with it, Polka tries t...
46M 1.4M 55
Blake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb...