He's the Brother of My Kuya's...

由 Iamjaelopez

773K 27.6K 6.5K

Book 2 of My Kuya's Bestfriend [COMPLETED] Buong akala ni Trey, crush lang ang nararamdaman niya para sa mata... 更多

He's the Brother of my Kuya's Bestfriend
Chapter 1: Sensitive
Chapter 2: Secret
Chapter 3: Essence
Chapter 4: Right
Chapter 6: Jealous
Chapter 7: It's a no!
Chapter 8: Fate
Chapter 9: Selfless
Chapter 10: Tired
Chapter 11: He's back
Chapter 12: Unknown feeling
Chapter 13: Goodbye
Chapter 14: Destroy
Chapter 15: One thing
Chapter 16: Just this one
Chapter 17: It turns out
Chapter 18: What if
Chapter 19: Feel this moment
Chapter 20: Beginning
Chapter 21: Something different...
Chapter 22: At last
Chapter 23: Worth it
Chapter 24: Right to be
Chapter 25: Bring it on
Chapter 26: Unexpected
Chapter 27: Doesn't mean
Chapter 28: The past
Chapter 29: Nothing has changed
Chapter 30: Knowing them
Chapter 31: Contributions and efforts
Chapter 32: Ups and downs
Chapter 33: Involvement
Chapter 34: Second time
Chapter 35: Letting go
Chapter 36: Time can heal
Chapter 37: Until now
Chapter 38: Familiar
Chapter 39: Even before
Chapter 40: Forget and Forgive
Final Chapter: Part I
Final Chapter Part II: Begin Again
Special Chapter: The Vacation Part 1
Special Chapter: The Vacation Part 2
Smoke Ash Montecillo's Story

Chapter 5: Comfortable

16.6K 637 210
由 Iamjaelopez

    

Trey's POV
         
     
"Misis ko!" Inis akong lumingon kay Summer. Kanina pa niya kasi ako niloloko simula nang magkita kami rito sa school. Actually, no'ng nasa EK pa nang umpisahan kaming tawagin ni Winter na Mommy at Daddy.

Saan bang lupalop 'yon ni Winter nakuha? Okay na ako sa kuya Trey eh. Pero, Mommy? Seriously? Hindi pa ako handang maging ina. Marami pa akong pangarap sa buhay. I'm only just seventeen. Chos.

Ayaw ko sanang pumayag kaso ang mokong at sa tulong na rin ng kapatid niya, napapayag ako. As if I have a choice.

Nakakainis talaga ang lalaking 'to. Palagi na lang akong niloloko at kapag nagagalit na ako, lalambingin niya lang ako tapos okay na ulit kami. Ang mas ikinaiinis ko, hindi ko maresist ang charms niya. Konting pagpapakyut niya lang nadadala na agad ako.

Pero ano bang ikinapuputok ng butchi ko? Eh no'ng Sabado nga tuwang-tuwa rin ako nang humiling si Winter eh and besides pumayag din ako.

Ang weird mo talaga Trey.

Speaking of last Saturaday, well, nag-enjoy ako ng sobra lalo na kay Winter. Parang nakainom ata ng isang drum ng energy drink dahil sa sobrang hyper at kulit nito. Sana magkaroon din ako ng kapatid na gaya niya. Pero hindi na pwedeng magbuntis si Mommy eh. Menopause na siya. Hihintayin ko na lang na magkaroon ako ng pamangkin kay kuya Terrence.

"Tigilan mo na nga 'yan Summer. Makakatikim ka talaga sa akin." Bulyaw ko sa kanya. Mabuti na lang at walang masyadong tao ngayon sa hallway dahil mostly ay may klase. Vacant kasi namin ngayon.

"Eh sa gusto kong tawagin kita ng gano'n eh, may magagawa ka ba?" Napasinghap ako nang ilapit niya ang mukha niya sa akin. As in napakalapit. "Misis ko," dugtong pa niya.

Titig na titig siya sa mga mata ko. Nakasilay sa kanyang mukha ang isang nakakalokong ngiti at pagkuway kinagat niya ang kanyang labi. Gosh! Ang sexy ng mokong.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at halos maubusan ako ng hangin sa katawan dahil sa hindi na ako makahinga. Alam kong niloloko lang ako ni Summer kaya bago pa niya ako pagtawanan ay uunahan ko na siya. I need to compose myself at kailangan ko ring pairalin ang utak ko.

Wala siyang kaalam-alam kung ano ang nagiging epekto ng mga ginagawa niya sa akin. Ang alam niya lang ay biro lang itong ginagawa niya na biro lang naman talaga.

Sinakop ko ng palad ang mukha niya at itinulak ito. "Sabi ng tumigil ka na eh." Pinilit kong pasungitin ang boses ko kahit na natataranta ako at kasalanan niya iyon. "Hindi mo ako misis and don't you dare call me with that endearment or else..."

Napatigil ako. Ano bang ipapanakot ko sa kanya? Wala akong maisip. Goodluck Trey, ang galing-galing mo. Pssh!

Patuloy lang na nakangisi ang loko. Parang hindi man lang siya natakot sa akin. Paano naman siya matatakot kung mas mukhang takot pa ako sa kanya.

"Hindi pa kita nababati ngayong araw Misis ko. Good morning Misis ko!"

Ugh! Ilang beses ba dapat niyang ulitin?

Galit akong tumili at malakas siyang hinampas sa braso. Sumusobra na talaga siya. Okay lang naman na lokohin niya ako ng ganyan basta hindi lang dito sa school.

Pa'no na lang kung may makarinig diba? Mas binibigyan lang namin ang ibang estudyante na pag-usapan at pag-isipan kami ng kung ano.

Walang pakialam si Summer, oo, kahit naman ako, kasi wala kaming ginagawang masama and besides I'm used to it pero pagod na kasi akong mainsulto at naapektuhan na rin ako.

Patuloy lang ako sa paghampas sa kanya at siya naman, sinasalag ang mga ito. "Oo na, titigil na ako Misis k--- oo na po. Oo na po."

Tumigil na ako sa paghampas sa kanya at tiningnan siya ng seryoso. Nang makita niya akong ganoon ay tumigil na rin siya sa pagtawa at inayos ang sarili. Napansin niya na seryoso na talaga ako at dapat na siyang tumigil. Kahit palagi niya akong niloloko may time na alam niya kung hanggang saan lang niya dapat akong lolokohin.

Tumikhim siya nang matagal bago ko nagsalita.

"Mister." Napakunot ang noo niya nang sabihin ko iyon. Maski nga ako nagulat pero nasabi ko na eh. Bakit, siya lang ba ang marunong manloko?

Hindi niya alam kung ngingiti ba siya o hindi kasi sobrang seryoso pa rin ako.

"Ano bang sabi ko kapag nandito tayo sa school? Napag-usapan na natin 'to diba?"

Napakamot siya ng batok. "Pasensya ka na Trey. Natutuwa lang kasi ako."

"Pwes ako, hindi." Asik ko.

I sighed. "Summer, okay lang naman sa akin lahat. Nasasanay na rin ako sa kapilyuhan at kalokohan mo. Pero may tamang oras at lugar para do'n. Sayo wala kang pakialam pero paano naman ako? Hindi mo naman kasi nararamdaman kung anong nararamdaman ko sa tuwing gumaganyan ka. Sana makuha mo ang sinasabi ko."

Sana hindi lang talaga niya maintindihan dahil baka magulat siya at pagkatapos ay hindi na niya ako tatanggapin bilang kaibigan niya. Mas mabuti na lang na tumigil siya.

"Pasensya na Misis ko."

"Summer!" Umulit pa talaga eh!

"Ay, sorry ulit Trey. Hindi na po mauulit. Bati na tayo ah!"

"Bakit naman tayo magbabati eh hindi naman tayo nag-aaway?"

"Ikaw naman kasi eh. Hehe." Aakbay sana siya pero pinigilan ko. Napag-usapan na rin namin 'to kanina. Bawal na ang akbay at kung ano-ano pa na pwedeng mapag-usapan tungkol sa amin. Pumayag naman siya at ikinatuwa ko 'yon kaso may exception, ayaw niya raw na hindi ko siya pagbibigyan kapag nagpapapunas siya ng pawis sa akin. Ewan ko kung bakit gustong-gusto niya na ako ang magpunas ng pawis niya. Pumayag na lang din ako dahil mapilit eh. Isa lang naman.

Tungkol doon sa napag-usapan namin. Ginawa ko ang bagay na iyon for two reason. Una ang tumigil na ang mga taong walang tigil sa pang-iinsulto at pag-iisip ng masama sa 'kin o sa amin at ang ikalawang rason ay para maprevent ang kung ano mang umuusbong na damdamin ko para kay kanya.

Hindi naman ako manhid sa nararamdaman ko. Naramdaman ko na ito noon kay Ash. Ginugulo na rin kasi ni Summer ang utak ko. Although mahal ko pa ang kapatid niya pero may something na ako kay Summer at hindi ko gustong umusbong iyon. For pete's sake, bestfriend ko siya.

Dapat ngayon pa lang ay matigil na ito. Ayaw ko ng mailang sa tuwing nakakasama ko siya kasi ang hirap. Pakiramdam ko nagte-take-advantage ako. Come to think of it, crush ko siya at kaibigan ko pa kaya gano'n ang nararamdaman ko.

"Cool ba tayo do'n Summer?" Tanong ko sa kanya. Para lang kaming mga bata.

"Kahit ayaw ko, pero dahil sa kaibigan kita at ayaw kong mawala ka sa tabi ko, papayag na po ako."

His words. Ugh!

"Good. So, halika na hahanapin pa natin si Mikael." Pag-aya ko na sa kanya.

Napangiti ako at gano'n na rin siya at nag-umpisa na kaming maglakad para hanapin ang isa pa naming kaibigan na hindi na namin masyadong nakakasama at mahagilap dahil sa malanding Izzy na 'yon lalo na't nagseselos ang mokong.

Edi si Mikael na ang maganda. Baklang 'yon, lakas ng alindog.

***

Two weeks had passed and I can see that Summer had followed our agreement. Hindi na siya masyadong maloko at itinigil na rin niya ang pagtawag sa akin ng endearment na 'yon pero dito lang sa school. Kapag wala kami rito at magkasama sa labas, ipinagpapatuloy niya iyon. Hinayaan ko na lang kasi alam kung sa tamang oras at lugar naman iyon.

Pero sana itigil na niya talaga kasi naguguluhan na talaga ako sa nararamdaman ko para sa kanya. Hindi pa rin kasi nawawala ang pagiging sweet at caring niya lalo na sa mga salita niya. Iyon ang hinahanap ko noon sa kapatid niya.

Pero hindi dapat 'to pwede! Matalik kaming magkaibigan. Dapat hindi ko ito nararamdaman.

Argh! Nakakainis naman eh.

Ayaw ko ng ganitong pakiramdam. Ayaw ko muna.

Pero pa'no? Pa'no ko mapipigilan?

Dati-rati naman walang meaning ang malilit na bagay na ginagawa niya sa akin. But for me, ang laki-laki na ng appreciation ko. This is bad! This is really bad.

Mahal ko pa rin ang kapatid niya pero gusto ko na siya.

Grabe lang! Magkapatid pa talaga Trey. Ikaw na ang pinakamalandi sa lahat.

Pero masisisi ko ba ang sarili ko. Tao lang din ako at isa pa bakla. Hindi lahat ng tulad ko nakakaranas ng ganito sa isang lalaki na walang meaning para rito ang ginagawa niya. Na tinatrato lang talaga ako ng isang matalik na kaibigan.

Hindi ko iniexpect na darating ang oras na madedevelop pala ako kay Summer. Kung hindi lang naman kasi sa kinikilos niya at ipinapakita niya sa akin hindi niya magugulo ang puso ko.

"Ang lalim ng iniisip natin ah!" Napasinghap ako nang bigla akong gulatin ng isang tao. Speaking of.

Umupo siya tabi ko dito sa tambayan namin bitbit ang binili niyang pagakin. Inabot niya sa akin ang isang biscuit at isang bottled water.

Nakangiti na naman siya. This is I really hate about my feelings lalo na kapag naapektuhan ako ng ngiti niyang iyan.

"Palagi ka ng nakangiti ngayon. In love ka na ba?" I don't know why I asked that. It just came out of my mouth. 'Yong unang sentence lang naman sana dapat ang sasabihin ko.

Napaatras ang mukha niya sabay kunot ng noo. Nakatingin siya ng seryoso pero pagkuway ngumiti siya... ng nakakaloko.

"Oo Trey, in love ako. In love ako sayo, Misis ko. Hahahahaha!" Kasasabi ko lang na tumigil na siya, diba? Bakit umuulit na naman siya!

"Ihahampas ko sayo ang tubig na 'to!" Medyo galit na wika ko. Mukhang nakuha niya akong lokohin dahil sa tanong ko. May halong pang-aalaska kasi nang tanungin ko iyon.

"Sorry na. Ikaw naman kasi eh. Wala pa kasi sa plano kong magkagirlfriend ulit. Hindi ako makakapagfocus sa pag-aaral eh."

Halata naman sa kanya. Parang wala nga 'yang gustong babae rito sa school. Pero malay natin, may gusto na siya pero hindi niya lang sinasabi. Hindi nga siya nagkukwento sa naging past niya eh. Ang alam ko lang nagkagirlfriend na siya. Sinabi sa akin ng kambal. Tulad ko, palagi rin daw sa bahay nila noon ang dating nobya ni Summer.

Nahihiya rin akong magtanong kay Summer dahil napakapribado na nito. Hihintayin ko na lang na siya ang mag-open no'n sa akin.

"Atsaka bakit pa ako maghahanap ng girlfriend eh may Misis na ako. Ikaw lang sapat na."

I told you, his words.

"Paliliguan kita ng tubig kapag hindi ka nagtigil. Nakakainis ka na talaga!" At kinurot ko siya ng mariin sa tagiliran. Bahagya siyang napasigaw dahil sa sakit.

"Tama na! Tama na! Ang sakit! Titigil na talaga ako. Promise. Promise."

Tumigil na ako sa pagkakakurot sa kanya at umupo ng maayos. "Bakit ba laging ganyan ka ha! Hindi ka naman ganyan dati ah!"

Umayos na rin siya ng upo pero kita kong hinihimashimas niya ang tagiliran kung saan ko siya kinurot. Medyo nakokosensya na ako sa tuwing ginagawa ko iyon, baka namamaga na 'yang tagiliran niya. Pero hindi naman siya nagrereklamo. Hinahayaan niya lang akong kurutin siya.

"Siguro komportable lang ako sayo Trey. Sa ibang tao kasi hindi ko naipapakita ang tunay na ako. Nahihiya akong masabihan ng kung ano o baka hindi nila magustuhan ang ugali ko pero ano namang pakialam ko sa kanila. Sayo lang talaga ako komportable. Kasi sayo naipapakita ko kung sino ako at nakikilala ko ang sarili ko. Ganito ang totoong Summer Trey, kaya sana huwag mo naman ako pigilan minsan. Mahalaga ka sa akin at ayaw ko rin na may masabi ang ibang tao sayo ng dahil sa akin pero hayaan mo na lang sila baka naiinggit lang sila sayo atsaka palagi naman kitang ipagtatanggol sa kanila eh."

Lord, paano ko po hindi magugustuhan ang lalaking 'to kung ganyan siya.

Somehow, nagiguilty na rin ako. Masama ba akong kaibigan? Pinipigilan ko lang naman siyang gawin yun, para di ako tuluyan mahulog sa kanya. Natatakot ako. Natatakot ako na baka hindi niya ako saluhin.

"Masaya ako at maswerte na naging kaibigan kita at sana gano'n ka rin. Mas lugi nga lang ako dahil palagi mo akong tsinatsansingan." Dagdag pa niya.

Ito nga ang totoong Summer, maninira ng seryosong usapan.

"Hindi naman sa gano'n Summer eh."

"Kung hindi gano'n? Eh ano."

"Naalala mo ba ang secret ko, iyon 'yon." Kumunot ang noo niya.

"Malalaman ko rin 'yang sekreto mo. Sabihin mo na kaya. Ang akin nga parang nasabi ko na."

Sa tingin ko, isa si Summer sa mga liga ng mga manhid. Pero hindi naman ako nagpapahalata kasi ayaw ko rin. Pinipigilan ko nga diba.

Okay na rin iyon atleast, hindi masisira ang pagiging magkaibigan namin. Okay na ganito kami dahil pareho naman kaming masaya kapag magkasama kami.

Balang araw mawawala din 'to at masasanay ako. Ang isipin ko na lang ay kung anong meron kami. Matalik kaming magkaibigan. We're bestfriends. Iyon kami. Iyon dapat kami.

Nagkibit-balikat na lang ako sa sinabi niya at kinain na 'yong biscuit. Maya-maya ay sumabay na rin siya sa akin at kinain 'yong biscuit niya.

"Pero Trey kung magkagirlfriend ako, okay lang ba sayo?" Maya-maya'y bigla siyang nagtanong. I don't know kung anong naramdaman ko basta parang ayaw ko siyang magkanobya dahil baka hindi na niya ako pansinin masyado. Pero sino naman ako para pigilin ang kaligayahan niya diba?

"Oo naman. Sino ba naman ako para pigilan ka. Diba sabi ko sayo palagi lang ako sa tabi mo kahit ano man ang desisyon mo."

Nangako ako sa kanya but not that totally na susuportahan ko siya. Depende pa rin sa kung anong desisyon niya.

Nagkibit-balikat lang siya at nagpatuloy na sa pagkain. Napalingon ako sa ibang direksyon at napabuga ng hangin.

Sobra na akong naiinis sa sarili ko. Parang ako yata ang sisira sa relasyon naming dalawa bilang matalik na magkaibigan.

Kakagatin ko na sana ang isang parte ng biscuit ko nang muling magsalita si Summer. Ikinatigil ko ito at parang may konting kirot akong naramdaman.

"Gusto ko si Danica, Trey. Ilang araw pa lang natin siyang kaklase pero nagkagusto na ako sa kanya..." May mga sinabi pa siya pero hindi ko na masyadong narinig ng maayos dahil parang nabibingi ako.

***

繼續閱讀

You'll Also Like

19.5M 535K 62
A good girl who will break all her rules for the bad boy who will break all his rules for her, too. Teen Fiction ❤️
35.1M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...
70.3K 4.5K 13
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
636K 14K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...