The Coolest Guy (ON GOING)

By DianaAranda

36.4K 798 138

Hindi naman ganun ang pagkamuhi ni Cream sa love. Simple lang ang pinaglalaban nya. She will believe in it wh... More

The Coolest Guy
Prelude
Chapter One :)
Chapter Two :)
Chapter Three:)
Chapter Four :)
Chapter Five :)
Chapter Six :)
Chapter Seven :)
Chapter Nine :)
Chapter Ten :)
Chapter Eleven :)
Chapter Twelve :)
Chapter Thirteen :)
Chapter Fourteen :)
Chapter Fifteen :)
Chapter Sixteen :)
Chapter Seventeen :)
Chapter Eighteen :)
Chapter Nineteen :)
Chapter Twenty :)
Chapter Twenty One :)
Chapter Twenty Two :)
Chapter Twenty Three :)
Chapter Twenty Four :)
Chapter Twenty Five :)
Chapter Twenty Six :)
Chapter Twenty Seven :)
Chapter Twenty Eight :)
Chapter Twenty Nine :)
Chapter Thirty :)
Chapter Thirty One :)
Chapter Thirty Two :)
Chapter Thirty Three :)
Chapter Thirty Four :)
Chapter Thirty Five :)
Chapter Thirty Six :)
Chapter Thirty Seven :)
Chapter Thirty Eight :)
Chapter Thirty Nine :)
Chapter Forty :)
Chapter Forty One :)
Chapter Forty Two :)

Chapter Eight :)

1.1K 24 6
By DianaAranda

Copyright © Diana Aranda


Someone's got a Crush

"Aray!" reklamo ni Adam. Katabi ko sya ngayon sa sofa. Wala na si Rain dahil magsasaulo pa daw sya ng mga lines nya. Kanina ko lang nalaman na artista pala ang isang iyon at yung Gray, na kapatid pala ni Blue ay ka love team nya. What a small world right?

"Bakit ka ba nambabatok ha?" inis na sabi ni Adam sakin. He looks cute pag galit sya o kaya ay asar. Asarin ko kaya lagi ang isang to?

"That's what you get for not telling me about Ice being your brother." sagot ko sa kanya. Inirapan nya ako habang hinihimas ang batok nya.

"Sinabi ko kaya sayo." sagot nya.

"No you didnt." pagmamatigas ko. He never even told me about it. Kahit once lang hindi. Wala akong naaalala na sinabi nya. Wala talaga!

"Yes I did. Duh? Diba nga, sinabi ko sayo nung sumakay ka sa kotse ko na kapatid ko yung nagdadrive ng pulang sasakyan?" paliwanag nya. Tinitigan ko sya. Nung sumakay ako sa sasakyan nya?

"Geez! Oo nga pala! Kaines! Bakit nakalimutan ko? Kala ko, magpinsan lang kayo or something. Im so dumb."

"Sinabi mo pa. Wag din kasing mambabatok agad." mahinahon nyang sabi. Napansin ko, mas cute si Adam kay Ice. Si Ice kasi medyo mysterious eh. Sometimes he's tolerable but most of the times, he's not.

"Sorry." I mumbled.

"It's okay." kibit balikat nya.

Now, how did I ended up with Adam? After Tita Alex, who happens to be their mom hugged me, kinwentuhan nya ako about sa panaginip ni Ice. Although wala akong masyadong naintindihan kasi most of the time eh tawa lang sya ng tawa. We spent the next hours talking about a lot of stuff. Natunaw na ang dala nyang ice cream eh di pa din kami tapos sa kwentuhan. Nakaalis na si Ivan dahil may gagawin pa daw syang assignment at sila Rain ay patuloy pa rin sa pagkukwento si Tita Alex. She was born to talk, I guess. Umalis lang ngayon saglit si Tita dahil maghahanda daw sya ng dinner. She insisted na dito na ako kumain. Hindi na ako tumanggi. Magiinarte pa ba ako?

So ayun na nga. Kaya naiwan kaming dalawa ni Adam dito. Honestly, Im starting to get bored. Its been hours since umalis si Ice at di pa sya nabalik. Anong nangyari sa isang yun?

"Ano na bang nangyari sa yelong yun? Ba't ang tagal nya?" tanong ko kay Adam na ngayon ay nangangalikot ng phone nya. May nakita akong picture ng isang babae.

"Uy! Girlfriend mo?" tanong ko sa kanya habang nakangisi. Agad nyang nilock ang phone nya at dali daling binalik iyon sa bulsa nya.

"Di no! Chicks ko yun!" sagot nya sakin. Medyo ilang ang ngiti nya kaya hindi ko maintindihan kung nagsasabi ba ito ng totoo o hindi.

"Sus! Chicks pero may picture sa gallery mo? Tsk." umiling iling ako. Yan ang hindi ko maintindihan sa ibang tao. Bakit ba kailangan pa nilang magsinungaling sa isang obvious na bagay diba? Like Adam. Obviously, gusto nya yung girl. He wont be bothering downloading the girl's picture kung di nya yun gusto diba.

"Wag mo nga akong intrigahin. Bakit mo ba hinahanap si Ice? Uy! Nagke care sya!" pang aasar nung isa. Napakagaling din naman nitong mag shift ng attention eh no? Mula sa kanya, napapunta na sakin.

"Che! Kanina pa kaya nawawala ang yelong yun! Paano ako uuwi nyan?"

"Tss. Natutulog lang yun. Pag nahinginan kasi, tulog agad. Hanga nga ako dun eh. Parehas sila ni Cloud. Pero mas malala si Cloud. Yun ang palaging tulog. Siguro laging tulog si Mommy nung pinagbubuntis nya ang triplets." natatawang sabi ni Adam. Have I also mentioned na maganda din ang mga panga nya?

"How does it feel to have a kapatid?" I asked in a serious tone.

"Masaya! Palagi kang may kaaway, kalaban, kasama, kaasaran, kabugbugan at kung ano ano pa. Wait, wala kang kapatid?" tiningnan ko sya at tumungo.

"That's sad. Masaya talaga pag may kapatid ka. Nakakawala ng stress." dagdag pa nya.

Magsasalita na sana ako ng biglang may nagsabi kay Adam na nandun na daw ang daddy nila. Nandito na ang tatay nila Ice? I wonder how he looks like. Ice and Adam are both completely handsome.

"Dad!" tumayo si Adam at nilapitan ang tatay nya. Wow. He's a hot guy too. No wonder hot din ang mga anak nya.

"Girlfriend mo?" turo sakin nung daddy nya pagkatapos magmano ni Adam. Wow. That's an old culture but still, in-exercise pa din nila? Wierd but cool!

"Hindi po. Kay Ice po yan." pagtanggi ni Adam. Anong kay Ice ka dyan? Kelan pa ko naging kay Ice?

Tumayo ako at lumapit sa kanya. "Hi po. Cream Sandoval." nag bow ako sa kanya. Nginitian nya ako.

"You're pretty. Ice has a good taste. Prettier than Blue. Right Adam?" nag high five ang mag ama. Niyaya ako ni Tito Kevin sa may kusina. Saktong kahahain lang ni Tita Alex ng huling pagkain na niluto nya.

"Hi Baby." hinalikan ni Tito Kevin si Tita Alex sa labi. Is it really possible? That two people can fall inlove? Yung tipong, makokontento na sila sa isa hanggang umabot sa point na mag settle sila? I never knew it could happen. Hindi kasi yun ang scenario sa parents ko eh.

"Oh! Umupo ka na Cream iha." tinapik nya yung isang upuan at umupo ako doon. Nabigla naman ako ng biglang may parang bell na tumunog sa loob ng bahay. Naupo si Tita Alex sa tabi ko. Yung upuan sa may gilid. Alam nyo naman ang mga upuan sa mayayaman diba? Syempre, si Tito Alex ang head of the family kaya dun sya nakaupo.

I was shocked ng sunod sunod na pumasok ang magkakapatid. First time kong makita si Sky at Cloud. They really look a lot like each other. Mas matangkad lang ng kaunti si Sky tapos si Cloud naman ay may mapupungay na mga mata. Kasunod nila si Storm na nakapoker face lang at si Rain na kasama si Gray. At ang kahuli hulihan? Si Ice. Magulo ang ayos ng buhok nya pero hindi naman nya alintana iyon. Feeling ko, kahit lumabas sya na ganyan ang buhok nya, pagkakaguluhan pa din sya ng mga fangirls nya.

Umupo si Ice sa kabilang side. Sa tapat ni Tita Alex. Si Sky naman ang umupo sa tapat ko. Sa tabi nya ay si Cloud. Si Adam ay katabi ko na sya din namang katabi ni Rain. Ang Gray was there too.

"Gray. Nandito ka pala." imik ni Tito Kevin. He looks cool but nakakatakot din. Its  mixture. Halata mo na he's the authority inside the house. Parang si Ice, mysterious din.

"Hi Tito. I was practicing some lines with Rain." sagot nung lalaking nakaupo sa tabi ni Rain. Hindi sila magkamukha ng ate nya. Magkaibang magkaiba sila ng features. Nabanggit sakin ni Adam kanina na ang kamukha daw si Gray ay ang mommy nya. Ang kamukha naman ni Blue, ang daddy nya. Medyo sa mata lang sila nagkahawig ng ate nya.

"Oh. May shooting kayo bukas?" dinampot ni Tito ang table napkin at nilagay iyon sa hita nya.

"Yes Dad. But before we talk about that, lets eat first. Im starving!" bahagyang natawa si Tito sa ekspresyon ng anak nya.

"Alright my princess. So, who's assign sa prayer?" tumingin sya sa mga anak nya. Lahat sila, nakatingin kay Ice. Ice will pray! Wow! This is news to me. Haha.

Natapos ang dasal at nagsimula kaming kumain. Akala ko, formal kumain ang mga ito. Like how I and dad used to eat. Kumpleto ang kubyertos at kung ano ano but no. Nakita kong nagkamay si Adam. Mas masarap daw ang inihaw na bangus pag kinakamay.

Tinitigan ko ang mga nakahaing ulam. Nakain naman ako ng lahat ng to. Kaya lang, mostly seafoods. Hindi pa naman ako marunog maghimay. Like the isda, and the crabs. Napalunok ako.

"Kumain ka na Cream." sabi ni Tita sakin habang nagkakamay na rin. Hawak nya ngayon ang isang sipit nung crabs. Ngumiti ako sa kanya.

Tiningnan ko si Ice na ngayon ay nakatingin din sakin habang naiiling. Napatingin silang lahat ng tumayo si Ice. Inangat nya ang pinggan nya at kinuha ang akin na wala pang laman. "Tsk. Bakit ba naman kasi di marunong maghimay?" pinagpalit nya ang pinggan namin. Puno na ngayon ng himay na isda at crabs ang pinggan ko. Napalunok ako dahil natakam naman talaga ako.

"Thanks." sabi ko sa kanya. Umupo na ulit sya at naghimay ng kanya. Napatigil sila sa pagkain nila.

"Thats so sweet kuya." kinikilig na sabi ni Rain. Sumangayon silang lahat dun. Napuno ng asaran ang buong pagkain namin. Hindi ko na lang pinansin ang pang aasar nila. Natatakam na talaga ako sa pagkain sa harapan ko.

"So, paano mo nalaman na hindi ako marunong maghimay?" tanong ko kay Ice. Nasa loob na kami ngayon ng sasakyan nya at ihahatid na nya ako sa bahay namin.

"Nabasa ko sa account mo sa feelstrip." matipid nyang sagot. Tiningnan ko sya. Mas gwapo si Adam pero mas may edge si Ice. Kasi nga mysterious sya. Bibihira ngumiti. Minsan, nag eenglish na akala mo sa ibang bansa lumaki. Dinaig pa ako sa pagenglish eh ako tong ten years sa states.

"So, you're stalking me." mapang asar ang tono ko. Nakita ko ang pag galaw ng panga nya. Ano? Naiinis ko na naman ba si Villarasa?

"Hindi ah! Si Adam kasi, tiningnan ang profile mo. Tas sinabi nya sakin kaya tiningnan ko na din." sagot nya. Sus! Makadepensa naman ang isang to!

"Someone's got a crush on me." pinaling ko ang ulo ko sa side nya at ngumisi sa kanya.

"Di no! Asa ka pa." mayabang nyang sabi. Tinitigan ko si Ice habang nagdadrive. I can't help but smile. I dont know why. Basta, napapangiti ako.

"Stop staring!" saway nya sakin. Pinaling nya ang mukha ko sa unahan gamit ang kanang kamay nya. Tinawanan ko sya.

"I'm not staring!" pagtanggi ko sa kanya.

"At anong tawag sa ginawa mo?" tinaasan nya ako ng kilay. He's adorable!

Nilabas ko ang phone ko at binuksan ang camera noon sabay switch sa video. Tinapat ko iyon sa kanya na sya namang ipinagtaka nya. Kitang kita ko ang pagkunot ng noo nya. He has no idea what's happening.

"Fangirling." ngumisi ako sa kanya. Kitang kita ko ang bahagya nyang pamumula. I got Ice blush on me!

"OMG! Kinilig ka! Wahaha! I knew it! You have a crush on me!!" sinundot ko pa ang tagiliran nya habang nirerecord ang reaksyon.

"Oh shut up Cream." naiiling nyang saway. Have I told you he was smilling?

"Ice got a crush on me~~" kanta ko habang nakatutok pa din ang camera kay Ice.

"Wala nga sabi." natatawa nyang sabi.

Paulit ulit ko pang kinanta ang bagong music na nalikha ko with matching konting sayaw gamit ang mga kamay ko.

Binagsak ko ang pintuan ng sasakyan nya. "Thanks for the lift!" kaway ko sa kanya sabay harurot nya. Agad kong nakita na automatically connected na ang phone ko sa wifi kaya napagdesisyunan kong i-upload ang video na iyon sa facebook account ko. Bebenta to ng magaling!

Nawala ang feel good momemntum ko ng madatnan ko ang Mommy ko with her new flavor of the day. Seriously Mom? Ngumiti sya sakin pero inirapan ko na lang sya at dere-deretso sa pag akyat ng hagdan.

"Cream! Kumain ka muna." tawag nya sakin.

"Im full Mom. Kumain na ko kila Ice. Ikaw na lang magpakabusog tutal, nag eenjoy ka naman diba?" sagot ko sa kanya nung saglit akong tumigil sa hagdan at nilingon sya sa baba.

Binagsak ko ang katawan ko sa kama. I feel sooo tired. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ko. Ni hindi na ako nakapagshower o kung ano man.

I woke up 11 am in the morning. Good thing wala akong klase ngayon. Agad akong napaisip kung saan ako pupunta. I dont wanna be stuck here sa bahay. Mamamatay ako sa boredom. But, saan naman ako pupunta?

Hinawakan ko ang phone ko. Dead bat? Ugh. I immediately searched my charger and put it on plug. Maliligo na muna ako at kakain sa baba. Saka ko pag iisipan kung saan ba dapat ako pumunta.

I spent the next two hours sa bathroom. Ang dami kong iniisip. Napangiti ako ng maalala kong another day has gone by at ilang araw na lang ay magbabakasyon na dito si Daddy. I just hope my Mom would not bring any of her boyfriends kapag nandito si Daddy dahil hindi na talaga ako magtitimpi. Ayaw kong umabot sa point na makapagsalita ako ng masama kay Mommy. After all, she's my Mom right?

Nang maayos ko na ang sarili ko ay bumaba ako at kumain ng late lunch. Wala daw si Mommy. Inaasikaso yung company. I wonder kung anong outfit nun ngayon.

Totoo nga ang sabi ni Ice, mas masarap kumain ng may kasama. Mas nakakaenganyo at mas ramdam na ramdam mo ang intimacy sa pagkain. Kasi ngayon, I really feel so alone.

Wait, did I just thought of Ice? Napailing ako. No freakin' way!

Dinampot ko ang phone ko at binunot iyon mula sa pagkakaplug. Nakapansin ako ng icon ng facebook. I opened it at nakita ko ang 1k+ likes sa post ko na video. What video was that?

Agad ko iyon ni-play at natawa sa sarili ko ng maalala ko ang nangyari kagabi. Ice looks so adorable in that video! Kitang kita ko ang pagblush nya. Habang ako naman ay parang sirang plaka na paulit ulit sa pagkanya ng bagong music na naisip kong pang asar sa kanya.

Maraming nag comment. Maraming nag like. Maramimg nag share. Hindi na ako nag abala sa pagbabasa ng mga comment. Mga fangirls lang naman ni Ice yan kaya di ko na papansinin. Naisipan ko na lang na i-tag si Ice at sila Adam. Bumebenta ang vid ko! Palagi ko kayang videohan si Ice?

Napadpad ako sa isang Ice Cream shop. Literal na 'The Ice Cream Shop' ang title nya. Wala man nyang naisip na creative name ang may ari. But the aura is soo pleasant kaya pumasok na din ako.

Mula sa kinatatayuan ko ay nakita ko si Ice na nakatayo habang nakapamaywang na nakikipag usap sa isang staff. May itinuturo sya dun sa papel na nakalapag sa may counter. What is he doing here?

I decided to surprise him.

"Hey!" halata ang pagkagulat sa mukha nya but he didnt want be to notice it kaya bigla nyang kinunot ang noo nya.

"Sinusundan mo ba ko?" agad nyang tanong.

"Nope. Malay ko bang nandito ka. You should be happy Im here. Libre tingin sa mukha ng crush mo." nginisian ko sya. Nakita ko ang pagsingkit ng mga mata nya.

Tinapik ko ang balikat nya. "Come on Ice. Di ako magagalit. You got a crush on me."

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 87.1K 25
(Yours Series # 4) Marian Eliana Nicolas just wanted to be left alone. She knew that she's not exactly the kindest person-definitely not the first pe...
1.9M 70.6K 34
(Trope Series # 1) Cerise's younger sister is getting married and she's expected to attend. The logical thing to do was to attend (duh, it's her sis...
25.6M 471K 39
[WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED.] She's the bride who arrived at the right time but in the wrong place. #TheBachelorsB...
4.5M 103K 34
[WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED.] 'Love is sweeter the second time around,' sabi ng iba pero sa isang ex-couple na bit...