60 SEC II : I WON'T GIVE UP [...

By inhalestories

9.3K 320 49

Matupad kaya nila ang pangako sa isat' isa? More

60 SEC II : I WON'T GIVE UP
01 : REASONS
02 : THOUGHTS
03 : NEW STUDENTS
04 : SEATMATES
05 : KASINTAHAN?
06 : FAMILIAR
07 : Not your ORDINARY COLLEGE LIFE
08 : UNLUCKY
09 : OUTING
10 : REALITY
11 : GETTING CLOSER?
12 : MISSIONS AND FLASHBACK
13 : THE HOPELESS ROMANTICS
15 : REVEALING THE TRUTH
16 : BEFORE THE DAWN
17 : LOVE IS IN THE AIR

14 : MUSIC MAKES THE PAIN FADE

300 14 2
By inhalestories

Kinacareer ko na ang aking pag u-ud, dahil sa Jan 5 tamadin na naman ako. (_ _) At sana magka net na ulit kami kasi ngayon nakikisagap lang ako saaking pinaka mamahal na Tita ng WiFi oh diba? at sana mabilhan na din ako nila Daddy ng charger para saaking laptop kasi ang hirap talaga mag type gamit cellphone eh. T^T Ang sakit sa daliri at pasensya na din sa past 2 updates ko hindi masyadong pasok sa banga HAHAHA. Pero sana nagustuhan niyo at naintindihan niyo kahit papaano. Hihi. Thank you! ^___^V

Merry Christmas! >:D<

***

RALPH'S POV

Matagal tagal na din since nag perform kami sa crowd.

Nandito ako ngayon sa backstage pinupunasan ang gagamitin kong gitara para sa Gig. Wala pa ang mga ka member ko, saan kaya nag susuot ang mga yon?

Oo nga pala, open for public itong Gig namin kahit sino pwedeng pumunta.

"Nakakamiss din yung dati sana pwede ibalik ang nakaraan." bigla nalang nasa tabi ko si Jam.

"Kung pwede..." nakangiti kong sabi pero inside kumikirot ng todo ang puso ko.

Inakbayan ako ni Jam at ngumiti siya.

"Wala eh sabi nga ni Bang Yongguk sa One Shot. You only have ONE CHANCE you know." at pinat niya ako.

He's right kahit hindi ko kilala yun, he's damn right.

Umalis agad si Jam dahil may emergency siya sa kanilang bahay.

Habang pinupunasan ko ang guitar ko, may narinig akong mga yapak.

"Ang bilis mo ata ah? may naiwan ka ba Jam?" tanong ko habang pinupunusan ang gitara ko.

Walang sumagot. Am I talking to myself?

"Stay away from her." may sumagot pero hindi ito boses ni Jam.

Tinignan ko yung taong nag salita.

"What are you talking about Noah?" tinignan ko siya ng masama and he did the same.

"I'm talking about Briana." pinasok ko ang dalawang kamay ko sa aking magka bilang bulsa.

"You can have her." I smirk, mukha siyang nagulat.

"Papa Brian! may ikukwento ako sayo! oh..oops." napatigil si Alex nang makita niya si Noah.

Andiyan na si Alex, that means dumating na din ang mga kasamahan ko.

"Mauna ka na Alex, susunod nadin ako." sabi ko at tumango naman siya at agad din umalis.

Nakatingin pa din siya saakin, at wala na akong time makipag staring contest sakanya.

Kinuha ko ang gitara ko at nag lakad patungo sa pintuan, at huminto ako sa gilid niya.

"Pero ingatan mo siya." sabi ko sakanya at lumabas.

BRIANNA'S POV

Nandito kami ni Cassie sa mall, ang boring pa din T^T

"Alam mo Iana, nakakapanibago yung mga ikinikilos ni Noah ngayon? nahalata mo ba?" tanong ni Cassie habang umiinom ng Zagu.

Tumango ako. "Tapos puro si Papa Ralph yung buka ng bibig niya? Hindi kaya bakla si Noah?" napatawa ako sa sinabi niya.

"Loka loka ka talaga." natatawa kong sabi.

"HAHAHA totoo naman eh, katulad kanina nag talo pa kayo dahil kay Papa Ralph ay nako may kaagaw ka sakanya. Beware Iana haha"

Naalala ko na naman ang mga sinabi ni Noah kanina.

"May pagtingin ka na ba kay Ralph?"

"Akin ka lang Iana, tandaan mo yan."

Sa lahat nang sinabi kanina, ayan lang ang natatandaan ko.

"Iana, may tanong ako sayo." naka ngiti niyang sabi yung nakakaloko ba?

"Cass, stop that. Kilabutan ka nga." sabi ko.

Tumawa kaming dalawa.

"Mahal mo na ba si Ralph?" mukhang seryoso ang tanong niya dahil kung nag bibiro siya dapat may Papa Ralph.

Napaisip ako.

"H-hindi." ayan din ang naisagot ko kay Noah.

Napa cross arms siya and raised her brow.

"Bakit nauutal ka? hay nako Brianna, you have to know baka malalaman mo na may iba na siya. *hinawakan niya ang kanan kong kamay at inilagay ito sa dibdib ko* maybe it'll be too late, sige ka pag sisihan mo yan."

May feelings na ba ako sakanya? anong masasabi niyo readers?

It's been 7 months, since pumasok ako sa university na ito. Ang bilis din no?

*riiing* *riiing*

"Hello?" Cassie

"Oh Alex! napatawag ka?"

"Ah...Sige Sige...as in ngayon na? okay we're on our way." binaba ni Cassie yung phone niya ng nakangiti.

Hay nako pag dating talaga kay Alex nako.

"Bakit daw?" tanong ko.

"May Gig daw sila sa underground. Punta daw tayo."

"Underground? saan yun? kailangan bang hukayin yan?" tanong ko

Binatukan niya ako. "Ano ka ba! lugar yun parang may hagdanan papuntang underground kung saan may nag tutugtog na banda every night, sikat kaya yun."

"Oooh, saan lupalop ba ako nag punta at hindi ko alam yun? Hindi naman ako siguro nagka amnesia no?" tanong ko.

"Aba ewan ko sayo, Tara na nga baka dumami pa yung crowd." at hinila niya ako palabas ng mall.

Nakasakay na kami sa taxi.

"Ikaw ba? may pag tingin ka kay Alex?" tanong ko.

Ngumiti siya. "To be honest, di ako sure at kung meron man hindi pwedeng maging kami kasi alam mo naman yung rason diba?" biglang nawala ang mga ngiti niya.

Tumango nalang ako.

Napaisip ako, Edi kung nandoon si Alex and that means nandoon din si Ralph? okay Brianna this is it alamin mo na kung ano ang nararamdaman mo sakanya.

SPENCER'S POV

Padami ng padami ang mga tao dito sa Underground, and now we're getting ready.

"5 minutes.." sabi ni Kuya Efren, siya yung namamahalaga nitong Underground.

Nandito kami sa gilid ng stage, kakarating lang din ni Jam.

Saan nga pala nag punta 'to?

"Ralph, anong ginagawa ni Noah dito kanina?" tanong ni Alex habang nag aayos ng kung ano ano.

"Nandito si Noah?" tanong ko.

Tumango si Ralph na ngayon nakaupo siya sa hagdanan ng stage.

"Ano sabi?" Red

Huminga siya ng malalim. "He said that I should stay away from Ianna." sabi niya habang nakayuko.

"Anong sabi mo?" Jam

"Sabi ko na Okay, wala naman kasi akong karapatan diba?" tumawa siya.

At napansin ko na naka bandage yung kanan niyang kamay.

"Sure ka na kaya mo tumugtog?" tanong ko at tinuro ko yung kamay niya.

Tumango siya.

"Anong nangyari diyan Ralph?" tanong ni Jam.

Hindi na sumagot si Ralph dahil nag salita si Red na umakyat na kami ng stage.

Si Red pala ang parang magiging manager ng banda yung may ear phone sa tenga tapos siya ang mag sasabi kung aakyat kami sa stage at basta ayun na yun. -_____-

Umakyat na kaming apat sa stage.

Si Alex ang Drummer, si Jam naman ay Bass Guitar, si Ralph ay Electric Guitar at ako naman ang magiging Main Vocalist ngayong gabi.

"Good Evening Everyone, ang kakantahin ko ngayong gabi ay 60 Seconds na ako ang nag sulat" Napangiti ako. "Sana magustuhan niyo." tinignan ko sila Alex at binigyan ako ng senyas na mag tutugtog na sila.

(Red's note : Paki play nalang ng video sa gilid para mafeel niyo ^_____^)

(a/n: IEnglish lyrics ko nalang po.)

I kept walking when I stopped and looked around.

then I met eyes with you

I quickly turned my head and stared at my feet – then I slowly looked up

Habang kumakanta ako nakita ko si Ianna na pumasok pati din si Cassie.

My eyes widen, my lips slowly part

My heart is ringing in my ears

Bago ko kantahin yung chorus tinignan ko si Ralph na gulat din at parang hindi mapakali.

60 seconds is enough for this story

You have entered my heart.

Hinarap ko yung crowd.

I don’t doubt that you have taken me in this not-so-short time

That’s the kind of person you are, a story that’s enough for me

I don’t need a reason

You made my heart flutter and you made me find you – that first time

Nakita ko yung ekspresyon ng mga tao kanina tuwang tuwa sila pero right now parang hindi maipinta ang kanilang mukha.

Tinignan ko si Ralph at nakita ko na nag dudugo na ang kanyang sugat dahil sa pag sstrum.

Napatigil ako at ganun din sila Jam, nag aalala na din sila.

"Ralph...tama na.." sabi ko pero hindi siya tumigil nag patuloy padin siya sa pag sstrum lalo tuloy umaagos na ang dugo niya.

"RALPH ITIGIL MO NA YAN!" sigaw ko, nilapitan ko siya at niyakap.

Naramdaman ko ang kanyang pag hagulgol, hinagod ko ang likod niya.

Napatayo na din si Alex sa pag kakaupo.

"You're strong Ralph Dela Cruz." bulong ko.

IANNA'S POV

Habang nakikita kong nag pplay sila, parang may pumapasok sa utak ko na parang narinig ko na silang nag play before.

Parang nakikita ko yung past? dahil pumasok sa isip ko yung mukha ni Ralph na nag pplay siya ng Bass Guitar at nakataas ang buhok niya.

?____? I'm confused, why am I seeing things?

At nandoon din sila Spencer, Jam at Alex sa stage at ako naman nasa pinaka harapan ng stage at kasama si....Elle?

Kumikirot ang ulo ko, ang sakit.

"Ayos ba baby boo?" sabi ni Ralph at binigay sakin yung isang malaking bouquet.

A-anong nangyayari saakin?

"RALPH ITIGIL MO NA YAN!!" bumalik ang diwa ko dahil sa sigaw ni Spencer, nag away ba sila? Hindi eh niyakap ni Spencer si Ralph.

After mga ilang minuto, bumaba silang apat sa stage, walang ginawang ingay ang mga tao.

"Anong nangyari?" tanong ko.

Tinignan ako ni Cassie. "Di mo nakita yung sugat ni Ralph?! you should get your eyes check."

H-ha?

Hindi ko alam kung bakit pero gusto ko siyang puntahan.

"Puntahan mo na siya Brianna, para malaman mo na.." at tinulak ako ni Cassie.

Tama ba itong gagawin ko?

RALPH'S POV

Nang makita ko si Ianna na nandito sa underground, those beautiful eyes she really reminds me of her.

Kung gaano ko katagal siyang tinitignan bumabalik yung mga alalala ko, all the good and bad, kaya hindi ko naramdaman na nag dudugo na pala ang mga daliri ko.

Kasi sabi nga nila MUSIC MAKES THE PAIN FADE pero wala pa din.

Bumalik nalang ang sarili ko na maramdaman ko na niyayakap na pala ako ni Spencer.

Nandito na kami sa backstage.

"Sorry guys." sabi ko

Umiling sila at pinat ako ni Red sa balikat ko. Si Alex naman tumango lamang.

Nag sorry na din kami kay Kuya Efren at buti marunong siyang umintindi.

Pinasok ko na sa cover yung gitara ko at nilagay ito sa likod ko.

"Mauna na ako.." lalabas na sana ako ng backstage nang makita ko si Ianna papunta dito.

Napatingin siya sa kamay ko. "O-okay ka lang?" naluluha niyang tanong.

Napatiklom ako ang kamao ko, Ralph pigilan mo ang emosyon mo.

"Anong pakialam mo? at bakit ka ba nandito?" cold kong sabi.

Umagos na ang luha niya.

"M-may nagawa ba akong kasalanan sayo?"

"OO! KASI PAG SA TUWING NAKIKITA KITA NAAALALA KO SIYA! MASAKIT BRIANNA, SOBRA..KAYA WAG KA NA MAG PAKITA SAAKIN!" hindi ko na napigilang maluha at nabangga ko muna siya bago makalabas ng backstage.

Paglabas ko nakita ko si Jason na nakahiga sa lansangan at puro pasa ang mukha niya.

"Sinong may gawa nito sayo?"

Dahan dahan niyang minulat ang mata niya.

"Ralph, umalis ka na...UMALIS KA NA DITO!!!!"

*booogsh*

All I knew was, I was lying on the ground too and every thing went black.

to be continue...

Continue Reading

You'll Also Like

19.1K 1.2K 16
[ Iskwala Series #1 ] Intrigued by the unknown and driven by curiosity, Damian Villados was a man of exploration, always eager to dive headfirst into...
2.3M 151K 52
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
128K 3.2K 93
COMPLETE | UNEDITED ______________ What was done to me, I will do to others more severely―Simula nang masaktan at makaranas na maloko si Anne, naging...
1.9M 40.4K 78
The world is unfair for Graycie Santos Nalaman niya na ang kanyang long-term boyfriend at younger sister had an affair. Nabuntis pa ang kapatid niya...