In-LABabo With Mr. GAY Manage...

Galing kay JustALittleGirl07

23.5K 756 57

I'm Ylissa Ellaine Yu and I'm In-LABabo with Mr. GAY Manager. *Ylissa Ellaine Yu*Franco Ruiz Lorenzo* Higit pa

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4

Epilogue

4.3K 153 27
Galing kay JustALittleGirl07

Ylissa Ellaine Yu's P.O.V

Nakauwi na kami ni Franco sa unit namin. Wala pa rin sila Daddy. Hinawakan niya ulit ang kamay ko at magkasabay na pumasok sa Condo. Naguusap pa rin kami hanggang sa matapat na ako sa Condo Unit ko.

"Bukas, Ylissa. Sasabuhin ko sayo ang mapaguusapan namin ni Josh later." Sabi niya sakin. Ngumiti lang ako tapos pinisil ko ang kamay niya.

"Kung ano man ang desisyon mo, I hope that will make you happy." Sabi ko sa kanya. Tumango siya.

"Of course, Thank you girl for being there for me." Sabi niya sakin. Pininch ko ang pisngi niya.

"Wala yun, Bakla!" Sabi ko sa kanya. Babawiin mo na sana yung kamay ko ng maramdaman kong humigpit ang kapit niya sakin.

"Basta, bukas Ylissa ahh." Sabi niya. Tumango ako.

"Opo." Sabi ko sa kanya. Ngumiti din siya. Nagulat na lang ako ng bigla niya akong hilahin papunta sa kanya at niyakap niya ako ng mahigpit. Napakurap ako ng sunod-sunod.

"I want you to know my decision." Sabi niya sakin at hinalikan niya ako sa ulo ko. Biglang sumikip ang dibdib ko. Nakakainis! Naiiyak na naman ako. Naramdaman kong tumulo ang luha ko. Pinakawalan niya ako mula sa yakap niya kaya agad akong napayuko. "Are you okay, Ylissa?" Tanong niya. Tumango ako at pasimpleng nagpahid ng luha tapos tsaka ako tumingin sa kanya.

"Yes! Oo naman! Magpaganda ka para kapag nagusap kayo ni Josh ay maganda ka." Sabi ko sa kanya. Masayang ngumiti sa kanya. Niyakap ko siya. This time humigpit ang yakap ko sa kaniya. "I'm happy that I got to know you Franco, sana may second chance pang mayakap kita ng ganito." Bulong ko.

"Ylissa, may sinasabi ka?" Tanong niya. Mahinang tumawa naman ako at tumingin sa kanya.

"Wala. Sabi ko, galingan mong i-seduce si Josh." Sabi ko sa kanya. Pinisil naman niya ang ilong ko habang nakangiti.

"Ayy! Ikaw talaga ateng!" Sabi niya. Napangiti lang ako. Mamimiss ko talaga ang baklang 'to. Hinalikan ko siya sa pisngi na ikinagulat niya. Napahawak rin siya dun pisnging hinalika ko. Natawa naman ako.

"Para kang tinuka ng ahas. Ikaw talaga. Sige na bakla! Puntahan mo na si Josh mo!" Sabi ko at itinulak siya papunta sa unit ni Josh. Pero parang tuod na ewan si Franco. "Earth to Franco?" Tawag pansin ko. Tumingin siya sakin na tulala pa rin.

"Bakit mo ako hinalikan?" Tanong niya. ngumiti ako.

"Sort of... Thanks." Sabi ko sa kanya. And good bye na rin. Tumango siya. Pero imbis na sa Unit ni Josh siya magpunta ay nagpunta siya sa unit niya. Tulala pa rin ang bakla. Anong nangyari dun?

"Sige, later na lang. Kita kits Ylissa." Sabi niya na parang robot. Nakahawak pa rin siya sa pisngi na hinalikan ko. Pagkasara ng pinto ng Unit ni Franco ay nakangiting napailing ako sa kanya. Weird na bakla.

Pumasok na rin ako sa unit ko at nagimpake na. Onti lang naman ang gamit na dala ko. So madali na lang 'to. Huminga ako ng malalim pagkatapos mag-impake ng gamit ko. Dinala ko ang gamit ko sa sala at napaikot ang ang tingin ko sa condo unit na 'to. Dito ko nakakulitan si Franco, dito ko nakilala ng maiigi si Franco, nakatawanan, nakaiyakan at dito ko rin lalong minahal si Franco. Napaluha ako. Hinding hindi ko makakalimutan si Franco. May kinuha akong Box mula sa mga gamit ko at inilabas ang laman nun. Its a simple chain necklace. Ibibigay ko 'to dapat kay Franco. Binili ko 'to ng makuha ko yung First Salary ko. Bagay sa kanya ehh. Napangiti ako. Makikiusap na lanh siguro ako kay Carlie para ibigay 'tong necklace na 'to sa kanya.

*tok*tok*

Napatingin ako sa pinto, sila Mommy na ata 'to. Lumapit ako at binuksan ang pintuan. Nakita ko si Daddy at Mommy at ilang bodyguards nila.

"Miss!" Masayang bati sakin nung body guards ni Daddy. Ngumiti ako sa kanila.

"Its good to see you too, Guys." Sabi ko. Tumingin naman ako kay Daddy. "Daddy..." sabi ko at niyakap siya. Niyakap niya rin ako ng mahigpit.

"I miss you, princess." Sabi ni Daddy. Nakita ko naman si Mommy na naiiyak.

"I'm so happy to see you, anak. Patawarin mo ako." Sabi ni Mommy. Ngumiti lang ako at humiwalay kay Mommy para siya naman ang yakapin ko.

"Its okay, Mommy." Sabi ko. Niyakap naman din niya ako ng mahigpit.

"No, anak. I'm really sorry. Kasalanan ni Mommy ang lahat, anak ko. Tama nga ang sabi ng Daddy mo. You should choose what you will marry, Ylissa. Because your Dad knew that you're looking for a man who will love you and cherish your forever just like what he did before." Sabi ni Mommy. Napangiti naman ako. At least, alam na ni Mommy ang side ko. Lumapit si Daddy samin.

"So don't be afraid to choose someone you'll love, Ylissa. Who ever you choose, We will support you." Sabi ni Daddy at niyakap niya kami ni Mommy. Napangiti naman ako. This is the best thing happened to me. Tumingin naman ako sa kanila.

"Let's go home na." Sabi ko sa kanila. Tumango naman sila Mommy and Daddy. Pinakuha nila ang gamit ko at bumaba na kami. Sinulyapan ko muna ang pinto ng unit ni Franco bago ako tuluyang umalis.

I love you, Franco. And I will always love you.

Franco Ruiz Lorenzo's P.O.V

Pagkapasok ko sa unit ko. Lara akong lumulutang sa alapaap. Shemay! I'm in cloud 9. Pero bigla akong nanghinayang, sana sa lips na lang. Biglang nag-init ang pisngi ko. Bigla akong kinikilig. Ano ba 'tong nararamdaman ko. Mas sobra pa 'to sa naramdaman ko kay Josh.

"Well, may first kiss rin naman kami ehh." Bulong ko. Ahh!!! Naman! Napaupo ako sa sofa at ibinaon ko ang mukha ko sa Throw pillow. I want to scream!

Wahhh!!! Kinikilig talaga ako. Di kaya!

Oh! Em! Gee!

Di kaya nagkakagusto na ako sa Merlat na yon? Wait! Matawagan nga si Chelsea. Siya magaling dito ehh. Kinuha ko yung cellphone ko at tinawagan ang merlat na si Chelsea.

"Sir? May problema ba?" Bungad na tanong sakin mo Chelsea.

"Chelsea, may tanong ako. Sagutin mo tanong ko ahh?" Sabi ko sa kanya. Narinig ko naman siyang natawa.

"Sure, sir. Ano po ba yun?" Tanong niya ulit. Napahinga ako ng malalim.

"Pag hinalikan ka ng lalaki sa pisngi, anong mararamdaman mo?" Tanong ko sa kanya.

"Hmm... Well, depende kung sino siya sakin." Sagot niya. Napatango naman ako.

"What if, hinalikan ka ng crush mo! Anong mararamdaman mo?" Tanong ko ulit. Narinig kong natawa siya. Nakakatawa ba ang tanong ko.

"Syempre sir, kikiligin tapos parang nasa cloud 9 ang feeling. Tapos biglang bumibilis ang tibok ng puso kapag nakikita mo siya in his best. I mean, you see what you like in him. Yung parang nakatingin siya sa kawalan tapos nakangiti." Sabi niya in her dreamy voice. Maybe imagining her Crush na si Dingdong. Not Dingdong Dantes ahh. Dingdong na Guard namin. Gwapo rin yun. Dati ko siyang type pero not anymore.

Pero pinagisipan kong maayos yung sinabi ni Chelsea. Biglang tumitibok ang puso kapag nakikita mo siya in his best?

Her hair swayed when the wind blows. In her eyes, I can see the reflection of the sea waters. It sparkled like it was meant to be like that. Like a goddess who looks down on you, with love and happiness.

*dug*dug*dug*

Oh my goodness! Check. ✔

Hinalikan niya ako sa pisngi kanina at parang nasa cloud 9 ang feeling ko.

Check ✔

Check na check na yung dalawa. So crush ko si Ylissa? Pero mahal ko si Josh. Pero... Mahal ko pa rin ba siya? Para kasi... Para kasing wala ng sparks. Iba na rin ang sinasabi ng puso ko. Iba na talaga... parang sinasabi niyang...

"Mahal ko si Ylissa." Sabi ko. Nakarinig ako ng ngise.

"I know, sir." Sagot ni Chelsea. Napakurap naman ako. Sh*t?! Nakalimutan kong kausap ko si Chelsea.

"Ahh? May nasabi ba ako?" Tanong ko sa kanya. Nakarinig na naman ako ng tawa.

"Sir, inamin nyo lang naman na mahal nyo si Ylissa. Nakikita naman din po namin ehh." Sabi ni Chelsea. Napakunot naman aki. Anong ibig niyabg sabihin?

"what do you mean, girl?" Naguguluhang tanong ko.

"Sir, we all knew na mahal niyo si Ylissa. Kapag wala po si Ylissa, siya at siya ang bukambibig nyo. Si Ylissa, ganto... Si Ylissa, ganyan... Yun at yun ang naririnig namin sa inyo. Masaya po kayo kapag siya ang kinukwento niya, kakaiba ang kislap ng mga mata nyo kapag siya ang topic natin. We are all happy, Sir. Sabi na! Mag pag-asa pa po kayong magbalik loob sa pagiging lalaki." Sabi ni Chelsea na nakapagpanganga sakin and at the same time, nakapagpa init ng pisngi ko. I'm blushing. Ganun ba talaga ako ka vocal? And I'm unconciously loving her?

Loving her? It doesn't sound wrong to me. More like, it was really meant to be.

Pag may umalis, may darating. Kung siya ay better, may darating na best para sayo.

You're right, Ylissa. Kung si Josh ay better, ikaw naman ang best. Not only my Bestfriend but also be a best partner I want to have forever.

I've made up my mind. Hindi ako babalik kay Josh. She made me special. She's always there for me, and I want to be there for her too.

"Salamat Chelsea." Sabi ko sa kanya. Alam kong napangiti siya.

"Wala yun, sir. I hope na naliwanagan ka." Sabi niya. Dun na natapos ang tawag. Kailagan kong kausapin si Josh at sabihin ang tunay kong nararamdaman para kay Ylissa.

But first! I need to wash myself up and find the right words when I confess to Ylissa tomorrow. I'm sooooooo excited. This is the first time I fell in-love with a girl. Sana maging maayos lang tomorrow.

~The Next Day~

Nakatulog ako at nagising sa tawag ni Madame Avon.

"Franco, nagresign na si Ylissa sa trabaho. Umuwi na si Ylissa sa kanila kahapon." Sabi ni Ma'am Avon. Napabagon ako ng wala sa oras.

"Ha? Nakauwi na po si Ylissa sa kanila kahapon?" Pagkukumpirma ko.

"Yes. Nakiusap kasi ang pamangkin ko na ipasok ang kaibigan niya dahil kailangan nito ng trabaho. Mukhang nagkaayos na sila ng Family niya at umuwi na siya kahapon. Sige, Franco. I need to go. Take care of the Hotel for me okay?" sabi ni Ma'am Avon.

"Y-yes, Ma-Ma'am." Nauutal na sagot ko. Napatayo ako at lumabas ng unit para katukin yung unit ni Ylissa. Kumatok ako ng kumatok.

"Ylissa?! Ylissa! Buksan mo yung pinto!" Sabi ko. Pero kahit ano atang pagkatok ko ay wala na talagang magbubukas kasi umalis na talaga si Ylissa. Napatulo ang luha ko. Bakit? Bait siya umalis? Wala man lang siyang sinabi sakin. Hindi man lang siya nagpa-alam! Bakit? Bakit? Ang sakit. Mas masakit pa 'to ng di hamak ng makipag-break sakin si Franco. Bumalik ako ng unit ko at naupo sa sofa. Nanghihinang napahilamos ako ng mukha ko. This can't be. There must be a reason why!

*tok*tok*tok*

Agad kong binuksan sa pag-aakalang bumalik si Ylissa pero laking pagkadismaya ko ng makita si Josh lang pala.

"Franco? Are you okay?" Tanong niya sakin. Malungkot ko lang siyang tinignan at tumango.

"I'm fine, Josh. Pero ayoko muna ng kausap." Sabi ko. Isasara ko na sana yung pinto ng pinumigilan 'to ni Josh.

"Is its because umalis na si Ylissa?" Tanong ni Josh. Binuksan ko ulit yung pintuan. Alam niyang umalis si Ylissa?

"Alam mong umalis na siya?" Tanong ko sa kanya. Tumango siya.

"Nakita kong may sumundo sa kanya kahapon. It must be her parents." Sabi ni Josh. Napayuko na lang ako. Bakit di siya nagpaalam sakin? Bakit wala siyang sinabi na nagkaayos na sila ng parents niya. Siguro yung kausap niya nung nasa restaurant kami ay yung parents niya. Nanghihinang bumalik ako sa sofa at hi ayaang nakabukas ang pinto. I buried my face on my palm and sighed deeply. But I can't repress my emotion. It hurts me so deeply and I can't stop my teas falling from my eyes. Naramdaman kong umupo sa tabi ko si Josh

"Franco, What's wrong?" Tanong ni Josh at hinawakan ako sa balikat. I sighed and sniffed before I looked at him

"She's gone, Josh. Yung unang babaeng minahal ko, iniwan ako ng hindi man lang nagpaalam." Sabi ko. I saw shock in his face at napalitan 'to ng lungkot.

"That's why you can't say yes t me yesterday?" Tanonong niya. Umiwas ako ng tingin at tumango.

"I'm sorry." Sabi ko. Binawi nito ang kamay niya na nasa balikat ko. Narinig kong napangise siya.

"All the while I thought babalik ka sakin pero hindi pala. May mahal ka ng iba. At sa babae pa. Mas masakit pala." Sabi ni Josh. Iniiwasan ko siyang tignan. I don't want to hurt Josh pero mahal ko talaga si Ylissa. Siya na ang mahal ko at wala ng iba.

"Sorry talaga, Josh." Sabi ko sa kanya. Nararamdaman ko ang mabibigat na paghinga ni Josh.

"Kasalanan ko rin siguro kung bakit nangyari 'to." Sabi niya at huminga ng malalim. "Alam mo bang si Ylissa ang nagkahanap ng ebidensya para magkaroon ako ng dahilan para hindi matuloy ang kasal namin ni Nicole?" Sabi ni Josh. Napatingin ako sa kanya. Talaga? "And she even told me na she did it for you and I to be together again, Franco. Alam niyang mahal mo pa ako kaya niya ginawa yun. She told me last last night." Dagdag pa niya. She did it for me? Bakit? "Ginawa niya yun, dahil mahal ka niya Franco. Mahal ka rin ng taong mahal mo. Ngayon, alam ko na yung nararamdaman niya nung i-let go ka niya para sakin." Sabi ni Josh. Nanlaki naman ang mga mata ko.

Mahal niya rin ako?

"Mahal niya ako, Josh?" Pagkukumpira ko sa kanya. Tumango siya.

"Yeah, that's why she did those for us to be together pero minahal mo na din siya." Sabi ni Josh. Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko. Napangiti ako. I'm happy. I'm happy na mahal niya rin ako.

"Salamat." Sabi ko kay Josh. Napangise lang siya.

"Yeah. I'm happy for you kahit masakit. Makakamove-on din ako sayo." Sabi niya. Tipid akong napangiti.

"Don't worry, may darating na best para sayo." Sabi ko. Mahal din ako ni Ylissa? Napangiti ako dun pero nalungkot rin, iniwan niya ako. Gusto ko siyang puntahan pero hindi ko alam kung saan siya nakatira.

Nagulat na lang ako ng may kumatok ng sunod sunod at parang gustong gibain ang pinto ko. Binuksan ko naman at may isang babae at lalaki ang tumambad sakin. Familiar ako dun sa lalaki. Eto yung Jerrald na sinasabi ni Ylissa.

"You're Franco diba? Yung Gay Friend ni bes?" Tanong nung babae. Bes? Eto kaya yung sinasabi niyang bestfriend niyang si Carlie.

"You're Carlie, Right? Ylissa's bestfriend?" Tanong ko. Tumango siya. Malungkot na ngumiti ito.

"May ipinabibigay nga pala si Issa sayo. Heto!" Sabi niya at may binigay na pahabang box na maliit sakin. Napatingin naman ako sa kanila.

"Ylissa wants us to give it to you. Its the symbol of her love towards you." Sabi nung Jerrald. Napatingin ulit ako dun sa binigay nila. "Don't tell Ylissa I said that." Dagdag pa nito. Napangiti ako.

"Pasok kayo." Sabi ko. Pumasok naman sila sa Unit ko. Sa Sala kami umupo. Binuksan ko yung regalo ni Ylissa sakin at nakita ko ang isang chain necklace. Ang ganda naman nito.

"Sabi nga ni loves, its symbolize her love for you. Pero alam kong walang konek ang chain sa love nyo. But Ylissa love you soo much that's why she helped you to get together with your boyfriend. Hindi ko akalain na main-love si Ylissa sa isang bakla." Sabi nung Carlie. Napangiti naman ako. So alam nilang mahal din ako ni Ylissa. Hindi nagsisinungaling si Josh.

"Pero nasasaktan kami para sa kanya, minsan na lang nagmahal nasakntan pa siya." Sabi nung Jerrald. Siniko naman siya ni Carlie. Nag-pout lang yung Jerrald. Napangiti naman ako. Cute nilang tignan.

"Our feelings is mutual." Sabi ko. Gulat naman ang rumihistro sa mukha nilang Dalawa.

"TALAGA?!" sabay nilang react. Tumango ako. Naexcite yung Carlie.

"Edi kung ganun! Sundan na natin si Bes! Pigilan mo siyang mag-pakasal kay Gordiano." Sabi ni Carlie. Ngumiti ako. Mapupuntahan ko na siya pero kailangan ko munang gawin 'to bago ko siya harapin.

"Bago ko siya pupuntahan, may gagawin muna ako." Sabi ko. Nagkatinginan sila bago tumingin sakin ng nakakunot.

"Bilisan mo, baka maunahan ka ni Gordiano. Naku! G*g* pa naman yun." Sabi ni Jerrald.

Just wait for me, Ylissa.

Ylissa Ellaine Yu's P.O.V

Its been 2 weeks since nung umuwi ako sa bahay namin. Ngayon eto inaasikaso namin ni Gordiano ang kasal namin. Manyak pa rin ang loko at walang pagbabago sa kanya. At ako naman, eto... Mahal pa rin si Franco. Nagpalit na rin ako ng number kaya wala na akong balita kay Franco. Naibigay kaya ni Carlie yung pinabibigay ko kay Franco?

*tok*tok*tok*

"Its me anak." I heard Daddy's voice. Napangiti ako.

"Pasok ka Daddy." Sabi ko sa kanya. Pumasok naman siya at nakita kong nakangiti si Daddy.

"Hey, Princess." Bati ni Daddy at lumapi sakin. Umupo siya sa higaan ko. Lumapit naman ako sa kanya at yumakap at hinalikan siya sa pisngi.

"Napadalaw ka po sa kwarto ko, Daddy." Sabi ko sa kanya. Sinuklay naman niya ang buhok ko gamit ang kamay niya.

"Namiss lang kita princess." Sabi ni Daddy habang nakangiti siya sakin. Napa-pout naman ako.

"Daddy, kakakita lang natin kanina." Sabi ko sa kanya. Totoo naman kasi sabay-sabay kami nag-agahan kanina. Natawa naman si Daddy.

"Haha nagiisa ka lang naming anak, Princess so palagi kitang namimiss." Sabi niya. Napangiti naman ako at nahiga ako sa lap niya. Always kong ginagawa yun kapag naglalambing ako kay Daddy. Sinusuklay pa rin niya ang buhok ko gamit ang kamay niya.

"Are you sure Daddy na yan ang reason mo?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti lang siya.

"Ikaw ba sure ka na rin ba?" pabalik na tanong ni Daddy. Napatingin ako sa kanya tapos napakunot noo.

"What do you mean, Daddy?" Tanong ko sa kanya. Hinaplos niya ang pisngi ko.

"Are you sure you want to marry Gordiano, anak?" Paglilinaw ni Daddy. Napatahimik naman ako at umiwas ng tingin. Sure ba ako? Ang alam ko lang, mahal ko si Franco.

"Hindi ko rin alam, Daddy." Sagot ko. Narinig kong napabuntong hininga si Daddy.

"Anak, did you fell in love with someone nung nasa Subic ka pa?" Tanong ni Daddy. Nagisip muna ako bago ako sumagot. Wala namang masama kung sasabihin ko ang totoo diba?

"Opo, Daddy." Sagot ko. Iniharap niya ang mukha ko sa mukha niya. Seryoso itong nakatingin sakin.

"Ayun naman pala, anak. May mahal ka na palang iba pero bakit mo papakasalan si Gordiano na hindi mo naman mahal." Sabi ni Daddy. Malungkot na napangiti ako.

"Its okay, Daddy. May mahal siyang iba. At isa pa, hindi siya papatol sa kagaya ko. Lalaki rin kasi ang hanap niya." Sabi ko kay Daddy. Napakurap siya at napanganga. I expect that reaction from him kaya napatawa ako.

"Are you kidding me?" Tanong ni Daddy. Umiling ako.

"Nope Daddy. Its true na nagmahal ako ng isang bakla. Wala naman pong masama. Masaya po siyang kasama, kausap at nakakatuwa po siya. Alam mo po bang natatakot siya sa talangka? Takot po siyang masipit. May first boyfriend siya na mahal niya na. May Fiancèe po siya tapos ako ang iniharap niya sa Fiancèe niya. Nasampal at nasabunutan pa ako ng Fiancèe niya pero siya ang gumamot sakin pagkatapos. Naging magbestfriend din po kami." Sabi ko kay Daddy at masayang nagkwento sa kanya. Napatingin ako kay Daddy na nakangiti sakin.

"Mahal na mahal mo talaga siya noh?" Tanong ni Daddy. Tumango ako.

"Yes Daddy. Kahit na ganun siya, minahal ko siya. Tapos alam mo po bang tinulungan ko ang Ex-boyfriend niya na magkabalikan sila. Kaya alam kong masaya na siya, Daddy." Sabi ko sa kanya. Tumango naman si Daddy.

"Okay. Mukhang masaya naman ang parang bakasyon mo dun. Pero anak, kung hindi mo talaga gusto si Gordiano ay sabihin mo lang anak. Ayoko siya para sayo." Sabi ni Daddy. Napatungo lang ako.

"Sana daddy pero excited si Mommy na makasal kami ni Gordiano." Sabi ko. Hinaplos naman niya ako sa ulo ko.

"Akong bahala sa kanya, Okay? Basta sabihin mo lang anak ko, si daddy na ang bahala." Sabi ni Daddy at hinalikan niya ako sa noo ko. Tumango ako. Umupo na ako at nagpaalam na si Daddy na aalis na. Pagkaalis ni Daddy ay nahiga lang ako sa higaan. Natandaan ko na naman si Franco and I found myself crying over him... Hay emotional state ko na naman.

*tok*tok*tok* tok*tok*

"Anak! May naghahanap sayo! Ang gwapo!" Narinig kong sigaw ni Mommy mula sa pinto ko. Napakunot noo naman ako.

"Ha? May naghahanap sakin? Sino daw?" Tanong ko kay Mommy.

"Babain mo na lang anak. Naku jusmiyo!" Natatarantang react ni Mommy. Natawa na lang ako. Kanina nagdadrama ako pero dahil sa reaction ni Mommy nawala siya. Pinunadan ko ang mga luhang tumulo mula sa nga mata ko. Lumabas aki ng kwarto ko at nabigla ako ng hinawakan ako ni Mommy sa magkabilang balikat at niyugyog ako.

"Ang gwapo niya anak. Kaano-ano mo ba siya? Gusto ka daw niyang makausap!" Sabi ni Mommy. Napakunot noo ako. Hindi niya alam kung sino tapos nagpapasok siya kasi gwapo? Paano na lang kapag magnanakaw yun? Si Mommy talaga.

"Hay Nako Mommy! Baka magnanakaw yun! Ng dahil lang sa pogi siya ay pinapasok nyo na. Kayo talaga." Sabi ko. At piniglan ko si Mommy sa pagyugyog niya sakin at bumaba na. Nakita ko si Daddy na kausap ang sinasabi ni Mommy na bisita ko pero muntik na akong madulas ng makita ko siya na nakangiti ng makita ako.

"Its been a week since we saw each other, Ylissa." Sabi niya. Napanganga ako. Ibang iba siya sa dating Franco na nakilala ko. Mas lalo ata siyang kumisig at gumwapo. Makalaglag panty. Wala ng bakas ng pagkabakla nito. Anyare?

"Fr-Franco?" Di makapaniwalang sabi ko. Ngumiti siya.

"Yes. How are you?" Tanong niya sakin. Tulalang lumapit siya ako sa kanila ni Daddy.

"Siya ba yun, Princess? Akala ko bakla siya?" Tanong ni Daddy. Nakatingin pa rin ako sa kanya.

"Akala ko rin Daddy, pero hindi pala." Sabi ko. Natawa naman sila Daddy at Franco.

"Is it okay if I take your Daughter to a Date? I need to catch up with her?" Tanong ni Franco lay Daddy. Tumango naman si Daddy.

"Sure. I know my Princess wants that." Sabi ni Daddy. Lumapit si Franco sakin at hinawakan ang kamay ko.

"Let's go?" Tanong niya. Hindi ako nakasagot kaya nagpatianod na lang ako. Pinagbuksan niya ako ng pinto sa shot gun seat at umupo ako doon tapos sinarado naman muna niya yung pinto bago siya pumunta sa driver seat. Hindi pa rin ako nagsasalita ng makaalis na kami.

"Napipe ka ata, Ylissa. Ang gwapo ko ba?" Tanong niya at tumingin sakin ng may ngiti. Namula naman ako. Ibang iba na talaga siya.

"Na-nasan na yung baklang kilala ko? Na-nasaan na si-si Franco?" Nauutal na tanong ko. Narinig kong tumawa siya.

"Nandito pa rin ang baklang kilala mo, pero mas ginusto kong magpaka-lalaki para sa taong mahal ko." Sabi niya. Bigla akong nalungkot. So natuloy silang dalawa ni Josh? Pero magpaka-lalaki? Hindi ko gets.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti lang siya habang nakatingin sa kalsada.

"You'll know later." Sabi niya. Nanahimik na lang ako at hinayaan siya sa gusto niya. Tumingin ako sa labas ng bintana at pinagmasdan ang kapaligiran. Maya maya ay naramdaman kong nakatulog na ako.

♡♢♡♢♡♢♡♢♡♢♡

"Babe... gising na...."

Naramdaman ko ang kakaibang halik sa pisngi ko. Gumalaw ako ng onti at unti unting nagmulat ng mga mata and I was surprised to see myself laying in a carpet with a gorgeous man looking at me. I suddenly felt my heart race rapidly and a sudden hotness on my cheeks.

"F-franco..." nauutal na sabi ko. Ngumiti lang siya at hinalikan ako sa sintido ko. I was surprised to his actions.

"We're here." Sabi niya at umalis siya sa harap ko. Nagulat ako ng mapagtantong nasa Subic kami. Nasa beach kami kung saan niya ako dinala noon. Lumapit ako kay Franco.

*dug*dug*dug*

Nagtatatalon si Heart. Natuwa ang puso ko. Ano kaya ang ibig sabihin nito at ang pag halik niya sa akin sa noo at ang pag-tawag niya sakin ng babe?

"Bakit tayo nandito?" Tanong ko sa kanya. Tumingin si Franco sakin bago umupo dun sa may sapin.

"Well, this place holds dear to me. Dito ko unang dinala ang unang minahal ko ng sobra." Sabi niya. Bigla naman ako nalungkot. So tinawag niya akong babe para gisingin lang ako? Ano pa nga bang aasahan ko. Tipid namab akong ngumiti.

"Ohh, ganun ba? Kamusta na pala kayo ni Josh?" Tanong ko at umupo rin sa may sapin. Nabigla ako ng humiga si Franco at inunan ang binti ko. Napakurap naman ako at bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Ano bang ginagawa ng lalaking 'to?

"Ako ayos lang, si Josh? Di ko alam. Wala na akong balita sa kanya." Sagot ni Franco habang nakapikit na nakaunan sa hita ko. Napakunit noo ako.

"Hindi ba kayo nagkabalikan?" Tanong ko. Tumango siya.

"Yep. Hindi." Sagot niya at dumilat siya tapos ngumiti. Oh! Em! Gee! Yung puso ko ata tumalon ng super taas. "Kasi, I'm in-love with somebody else. And I am happy that I'm with her now." Dagdag pa nito. I froze on my spot. In-love siya sa iba at kasama niya ngayon? Pwede bang mag-assume na ako?

"Anong ibig mong sabihin, hindi ko maintindihan." Sabi ko. Ahhmm! Please sana totoo ang hinala ko. Umupo siya at hinarap ako.

"Hindi mo ba talaga gets? I'm with my loved one. I'm in love with you, Ylissa. Mahal kita." Sabi niya. Nagulat na lang ako ng halikan niya ako sa labi. Wahh!! So totoo! Ako ang mahal niya? Seryoso?! Humiwalay ako. And I saw disbelief on his face. Opo, kahit ako nabitin pero gusto ko malaman.

"Paano mo ako mahal kung gusto mong makipag-balikan kay Josh nung lumabas tayo?" Tanong ko sa kanya. Napataas siya ng kilay.

"You said yourself na sundin ko ang puso ko and that's what I did. I followed my heart and it leads me to you. I was confused before, akala ko may sakit lang ako sa puso pero yun pala kinikilig ako sa bawat pag-galaw mo. Paghaplos mo sa mukha ko at ang first kiss nating dalawa." Sabi niya. Napakunot ako. First kiss?

"First kiss? Anong first kiss?" Tanong ko. Dahan dahan siyang napayuko at napahaplos ng batok niya.

"Well, Lasing ka nun ehh. Nung dinala kita sa Condo unit ko nung uminom ka? Yung mukha ko kasi malapit sayo habang pinagmamasdan ka, gumalaw ka kaya nagtama ang labi natin. Ano ba yan! This is so embarrasing." Sabi niya. Napatakip ako ng mukha. Di nga? Oh my gosh! Hinampas ko siya.

"Nakakainis ka! Gusto ko sana na memorable ang first kiss ko ehh! Panira ka talagang bakla ka!" Sabi ko. Natawa naman siya.

"Sorry na babe, bakit di na lang natin ulitin ang first kiss natin. Dito mismo. Kung saan kita unti unting minamahal." Sabi niya sakin ng hapitin niya ang bewang ko at inIlapit niya sa kanya. Napangiti ako at yumakap ako sa leeg niya.

"Sure why not. Pero pwede mo bang uliting sabihin na, mahal mo ako?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti siya.

"Of course. I love you, Ylissa. Ang unang babaeng minahal ko. I love you soo much! And I want you to marry me." Sabi niya sakin. Tsaka ko lang natandaan na ikakasal nga pala ako kay Gordiano. Napasapo ako ng mukha.

"Ikakasal nga pala ako kay Gordiano!" Yun ang nasabi ko. Narinig ko ang pag-ngisi niya.

"He backed out." Sabi ni Franco. Napatingin ako sa nakangising mukha niya. At napakunot noo.

"Why?" Tanong ko. Nagkibit balikat siya.

"Scare him will do the work." Sabi ni Franco. Napangiti na napailing naman ako.

"Bad!" Sabi ko sabay hampas sa kanya. Napangise naman siya.

"I will do anything for you, Babe." He said and kissed me on my lips passionately. I kissed him back with the same intensity.

Halos mapugto ang hininga namin ng maghiwalay kami at pinagdikit niya ang mga noo namin.

"I can't believe that I'm In-Lababo With My Gay Manager." Sabi ko sa kanya. Sabay kaming nagkatawanan.

Saksi ang dagat at araw sa pagkakaunawaan naming dalawa.

At least, nagkaroon ako ng kakaibang love story...

Kayo kaya? Magkakaroon din?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
A/n: Sa wakas natapos ko na rin... hahaha ang pagtutuunan ko na lang ng pansin ay ang story ni Rhea at Keefer. Hehehe.

Salamat sa mga nagbasa nito... hehehe I hope you like it... :3

Ms. EllieWanderer! Eto na po... hahaha I hope you like it... :)

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

42.8K 423 18
um guys thise is alamat like alamat ng isda and maramung pang iba..
57.9K 1.9K 57
He's my gay friend who wants to marry me to grant his father's wish before he dies. Would he change to a real man? This cover is not mine. Credits t...
4.2M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
2.7K 360 16
Basahin mo nalang nang hindi ka ma-kyuryos kung bakit nga ba ako nainlove sa beki kong bestfriend! Started: 01/28/22 Date Finished: (STILL ON-GOING)