CREWD ACADEMY: Malediction of...

By fevriyehiver

7.9M 250K 27.5K

PUBLISHED UNDER PSICOM Wattys 2016 Winner: Writer's Debut 🀦 Book 1 of CREWD ACADEMY 🀦 Welcome to CREWD ACAD... More

PLEASE READ BEFORE PROCEEDING
PUBLISHED UNDER PSICOM
Disclaimer
CAST
Malediction of Prophecy
Chapter 1: Spell
Chapter 2: Intruder
Chapter 3: She's In Danger
Chapter 4: Death Shadow
Chapter 5: Suspicious
Chapter 6: Investigation
Chapter 7: Confused
Chapter 8: Aureum Fairy
Chapter 9: Dragon Bellator
Chapter 10: Saviour
Chapter 11: Trouble
Chapter 12: Weird Dream
Chapter 13: Information
Chapter 14: Revelation
Chapter 15: The Fight
Chapter 16: Find Her
Chapter 17: Serria Land
Chapter 18: CREWD ACADEMY
Chapter 19: Idiot
Chapter 20: Connection
Chapter 21: CREWD Emporium
Chapter 22: FIVE CLASSES
Chapter 23: Red Flame vs. Blue Flame
Chapter 24: Avrelle
Chapter 25: Show Your Ability [1]
Chapter 26: Show Your Ability [2]
Chapter 27: Show Ability 3
Chapter 28: Guidebook of Crewd
Chapter 29: Accidental Mission
Chapter 30: Tenebris Orc
Chapter 31: Snow Monstrous
Chapter 32: Lavender
Chapter 33: Mortis Forest
Chapter 34: Invisibility Flower
Chapter 35: Magustic Town
Chapter 36: Praegrandis Daemon
Chapter 37: The Tres Marias
Chapter 38: Healing Potion
Chapter 39: Heart's Day
Chapter 40: Meet The Royalties
Chapter 41: Forbidden Ortus
Chapter 42: Guardian
Chapter 43: Memories Back
Chapter 44: Ara of the Maiores
Chapter 45: Dragon Sacred Tears
Chapter 46: Training Part 1
Chapter 48: Training Part 3
Chapter 49: Luminae Battle
Chapter 50: L Tournament Part 1
Chapter 51: L Tournament Part 2
Chapter 52: L Tournament Part 3
Chapter 53: L Tournament Part 4
Chapter 54: Accused
Chapter 55: Bait
Chapter 56: Preparation
Chapter 57: Bloody War Part 1
Chapter 58: Bloody War Part 2
Chapter 59: Bloody War Part 3
Chapter 60: Downfall
Last Chapter: Fallen
sensitivelysweet (fevriyehiver)
BOOK COVERS
Q AND A
Crewd Academy: Reign of Darkness

Chapter 47: Training Part 2

83K 3.1K 437
By fevriyehiver

□◇◇♡◇◇□

TRAINING PART 2

□◇◇♡◇◇□

SOMEONE'S POV

"Gusto kong makausap ang Nox Emperor.." sambit ko nang harangin ako ng mga kawal gamit ang mga hawak nilang trident. Alam kong mapanganib 'tong gagawin ko. But I have no choice! Desperada na 'ko!

"Papasukin niyo siya!" rinig kong sigaw ng Nox Emperor.

Sumunod naman ang mga alagad niya at pinadaan ako.

Pagkalapit ko ay nadatnan ko siyang nakaupo sa trono niya habang umiinom ng wine.

"Bakit ka narito? Akala ko ba ay hahayaan mo ang kapatid mong maging alipin dito?" sarkastikong tanong niya at bahagyang natawa. Nakakainis lang kung bakit hindi ko mabasa ang iniisip niya.

"Sasabihin ko ang nalalaman ko.."
Napaayos siya ng upo at parang naging interesado sa kung ano'ng sasabihin ko.

"Ngunit kapalit iyon ay papalayain niyo ang kapatid ko!"

Tumawa ito na parang nababaliw na ako.

Tahimik lang naman kaming namumuhay sa Magustic Town noon ng kapatid ko. Ang kapatid ko ang kusang pumunta rito sa pag-aakalang mas gagaling pa siya. Tutol ako sa kaniya ngunit wala akong nagawa! Nalaman ko na alipin lang siya rito!

Kaya naglakas loob akong nag-aral sa Crewd Academy para matuto at umisip ng paraan kung paano ko maiaalis ang kuya ko rito. Ipinangako ko 'yon sa sarili ko! Alam kong mali 'tong ginagawa ko pero wala na akong ibang paraan pa!

"Ano ang nalalaman mo?"

Napalunok muna ako. "Kilala ko ang Luminus Princess."

Tumalim naman ang mga tingin niya sa akin. Nagitla ako nang marinig ang nabasag na baso galing sa kamay niya. Dumaloy ang dugo roon at nahalo sa wine na pumapatak ngayon sa sahig.

"Sino ang Luminus Princess?!" Maririnig sa boses niya ang galit at pangigigil.

"Pakawalan niyo muna ang kapatid ko."

Tumayo ito sa mula sa trono niya. Biglang nangatog ang mga binti ko.

"Sino ang Luminus Princess?!" tanong ulit nito habang papalapit sa akin. Pumapatak sa sahig ang dugo niya na galing sa kamay niya.

Hindi ako nagpatinag. "Pakawalan niyo muna ang kapatid ko! Sasabihin ko kung sino—"

Nagulat ako nang maglaho siya at biglang nasa harap ko na. Hawak-hawak niya nang mahigpit ngayon ang leeg ko gamit ang kamay niyang may dugo. Nahihirapan na rin akong huminga! Hindi ko inaasahan na mangyayari ito!

"Sasabihin mo kung sino ang Luminus Princess kung gusto mong makaalis dito ng buhay!" madiing sambit nito sa mukha ko.
Gusto kong maiyak. Hindi ako nag-iisip! Bakit ako gumawa ng hakbang na hindi planado?! Takot na takot na ako!

"Nag-aaral siya sa Crewd Academy.. Iyon lang ang alam ko—"

Mas diniinan niya ang pagkakahawak sa leeg ko at hindi ko na napigilan ang mga luha ko na pumatak at mapapikit na lang. Anumang sandali ay pwede akong mamatay!

"Se-selendria! I-Iyon ang pangalan niya!"

Pabagsak niya akong binitawan kaya napadapa ako sa sahig at hindi ko napigilan na mapahagulgol. Patawarin mo 'ko...

"What's happening here?!"

May narinig akong pamilyar na boses. Lilingunin ko na sana ito ko nang mawalan ako ng malay.

ANTHONETTE'S POV


Nandito kami ngayon sa training ground. It's so boring here! Nandito lang naman ako para panoorin sila. Tss. Kung pwede lang lumayas dito ay kanina ko pa ginawa. Bakit ba kailangang maging guide kami?! I am the Princess of Glacias Kingdom for pete sake! Gosh! I hate this! At saka isa pa, need din namin magtraining dahil kasali din naman kami, ah?! So stupid!

"Oh, baka kumulot 'yang bangs mo!" pang-aasar ni Trina. I rolled my eyes at her.

I remembered something. "Hindi ba kayo nagtataka? Bakit laging wala si Ivory? Pabida.." Hindi naman sila laging absent, pero nawawala na lang sila na parang bula. I know there's something wrong.

Napatingin sa akin si Trina. "Napansin ko rin 'yan. Sila ni Avrelle at Chantal. Baka may secret agenda. Hmm.."

Napangisi ako. Kung ano man 'yan ay dapat kong malaman! Bwiset na bwiset ako sa impaktang 'yon! Hindi ako naniniwala na sila pa rin ni Charlie! Ni hindi ko man sila nakitang magkasamang dalawa! Psh! Mas kinaiinisan ko pa 'yang Selendria na 'yan! Bakit kasi hindi pa siya nalason! I want her to die!

"Hoy, Lei! Did you ask Airyn already?"

She sighed before answering me. "Wala rin daw siyang alam. Ni hindi niya nakakausap si Charlie tungkol sa bagay na 'yon."

Gosh! Naikuyom ko ang mga kamay ko. Matagal nang kalat ang balita na may relasyon si Ivory at Charlie. Ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam if it's true!

Lumingon-lingon ako sa paligid at napangisi. Kung sinuswerte ka nga naman.

"Queen, huwag kang gagawa ng gulo!" Hinigit nito ang braso ko nang akmang maglalakad na ako. Palibhasa, kampi ito kina Airyn! Tss! Mas maganda naman ako kay Airyn, ah?! Psh!

"Tss! Bitiwan mo nga ako! Huwag kang pakialamera!" singhal ko sa mukha ni Lei.

"Oo nga, Lei! Hayaan mo si Queen Thony!" natatawang sambit ni Trina. Mukhang may kutob siya sa gagawin ko.

Marahas kong binawi ang braso ko kay Lei. "Mabuti pa, Trina, pakinggan mo ang pinag-uusapan nila," sambit ko habang pinagmamasdan ang mga magkakaibigan na masayang nagkukwentuhan. Mga panget naman. Tss.

Ngumisi si Trina. "Sure!" Naglakad si Trina papalapit kina Selendria. Mukhang hindi naman siya napapansin dahil nagkunwaring tinuturuan ni Trina ang mga nasa Inceptor Section na malapit kina Selendria. Mana talaga sa 'kin! Matalino!

"Bakit ba ang laki ng galit mo kay Selendria?" tanong Lei. Tss. Ano ba'ng pakialam nito kina Selendria?

"Wala ka na r'on," sagot ko habang nakatingin pa rin kay Trina. Sana lang ay naririnig niya ang mga pinag-uusapan nila.

Nagulat ako nang umalis si Selendria at iniwan ang mga kaibigan niya. Where the hell is she going?! Kakalbuhin ko pa siya!

Umalis na si Trina r'on at naglakad na pabalik dito.

"Oh? Ano'ng nasagap mo? At bakit umalis ang impaktang 'yon?" nakataas na kilay na tanong ko.

Ngumisi ito. "Ang narinig ko ay may pinapagawa raw si Principal Grey sa kaniya kaya kailangan niyang pumunta sa Serria's Garden."

Kumunot ang noo ko. "What?! Serria's Garden? Bakit naman siya pupunta r'on? Matagal nang sarado 'yon, right? At ang Royalties lang ang nakakapasok d'on?!"

Bwiset din sa buhay ko ang Luminus Princess, eh! Ako lang ang hindi pa nakakapasok sa Serria's Garden niya na bulok naman! Never ko siyang kinaibigan noong bata kami dahil puro siya ang napapansin ni Charlie! Tss! Mabuti na lang at wala na siya! Sana nga ay patay na talaga siya dahil kung hindi, baka magkaroon na naman ako ng kaagaw!

"Iyon na nga ang ipinagtataka ko. Hindi ba ay siya lang ang wala kahapon sa ground field? I smell something fishy.." May kahulugan ang tingin ni Trina sa akin. Alam kong may kakaiba kay Selendria. Hindi siya mapapansin ni Charlie kung wala.

Naglakad na ako paalis sa training ground. Kailangan ko siyang sundan!

"Thony, saan ka pupunta?!"

"Pwede ba, Lei? Manahimik ka muna at sumunod na lang tayo kay Queen Thony?"

Napangisi ako nang maabutan ko pa siya kaya hinigit ko ang braso nito. Mukhang nagulat pa siya.

"Where are you going?!"


SELENDRIA'S POV


"Hoy! I said where are you going?! Why are you not answering me?!"

Ano na namang problema niya?! Binawi ko ang braso ko sa kaniya na ikinagulat niya.

"Princess Thony, huwag mo naman sanang sigawan si Sendy.." mahinahon na sambit ni Faye.

Napangisi na lang si Thony.  Maging si Trina ay nakangisi sa akin. Ano na naman ba nagawa ko sa kanila?! Sa pagkakaalala ko ay wala!

"Tara na," sambit ni Infires Men sa isip ko. "Umalis ka na. She wants fight," dugtong pa niya.

"Lubayan niyo na ako," sambit ko na lang at iniwan na sila.

Naglakad ako nang mabilis dahil kinakabahan ako. Base sa mga kilos nila ay may binabalak sila! Sinulyapan ko pa sila, hindi naman sila sumunod sa akin. Nanatili lang sila sa kinatatayuan nila habang nakangisi pa rin. Mamatay sana kayo sa kakangisi niyo diyan! Pero ano 'yong nakikita ko sa mga mata ni Lei? Parang nababahala siya. Sana lang ay walang masamang balak si Thony!

Nang makapasok na kami sa Serria's Garden ay hindi pa rin matanggal sa isip ko ang mga itsura nila na nakangisi. Feeling ko talaga ay may binabalak sila!

"Sendy, huwag mo na silang isipin!"

Mukhang napansin yata ni Faye na lutang ako.

Nagpakita na si Infires Men. Nasisira talaga ang araw ko kapag nakikita—

"Psh! Bilisan mo na!" inis na sigaw niya. Ano na namang problema nito sa mundo?

"Oo na po!"

"Kailangan mong mapalabas ang four elements," seryosong sambit niya.

"Huh? Anong four elements?"

"Ang four elements ay ang fire, wind, earth and water. Ang Luminus Magic na hawak mo ay ang pinagsama-samang four elements."

Nanlaki ang mga mata ko sa nalaman. "Ibig sabihin ay hawak ko lahat ang four elements?!"

Tumango naman ito. Mukhang seryoso na siya ngayon, kesa sa kahapon. Mukhang hindi madali ang gagawin ko ngayon. Pero nakakagulat na ang Luminus Magic pala ay ang pinagsama-samang four elements!

"Kakaiba ang hawak mo. Hindi kagaya sa Royalties. At dahil pinagsama-sama sila ay kailangan mong mapalabas sila isa-isa nang sa gayon ay hindi ka mahirapan sa paggamit ng Luminus Magic. Masiyadong malakas ang Luminus Magic kaya hindi mo agad mapapalabas ito nang basta-basta lang."

"Ang gulo naman! Pero paano ko ba magagawa 'yon?!"

Tinitigan lang ako ni Infires Men na parang ako ang pinakatangang babae sa mundo.

"Sendy, magagawa mo 'yon kapag nagfocus ka," paliwanag ni Faye. I heavily sighed.

"Okay, fine! Susubukan ko!"

Umupo ako sa buhangin at nag-indian sit. Psh! Wala man lang upuan! Talagang pinapanood lang nila ako!

Ipinikit ko na lang ang mga mata ko bago pa ako mainis. Huminga ako nang malalim.

After one year ay wala pa rin nangyayari kaya binuksan ko ang isa kong mata at sinilip si Infires Men, ngunit sinara ko ulit ito dahil ang sama ng tingin niya sa 'kin!

"Paano ba dapat ang gagawin ko?! Ang hirap naman kasi! Wala akong idea kung ano ang gagawin ko!" reklamo ko habang nakapikit. Kahit hindi ko nakikita ang mukha ni Infires Men ay alam kong nakabusangot ito.

"Stupid! Magfocus ka!" Wala na ngang galang sa amo, sinisigawan pa. Psh!

"Kaya mo 'yan, Sendy! Woo!!" Buti pa si Faye!

Inayos ko ang upo ko at nagfocus ulit. Pinakalma ko ang sarili ko at ang isip. Wala akong ibang naririnig kung hindi ang tibok ng puso ko.

Bigla akong napunta sa isang gubat na hindi pamilyar sa akin. Bakit ako nandito?! Nasaan sila?! Walang kahit na anong hayop o ibon ang makikita rito. Puro puno lang at bulaklak ang nakikita ko. Nananaginip ba ako? Illusion ba 'to?!

Naglakad-lakad ako. Medyo kinakabahan ako dahil baka may bumulaga na lang bigla sa akin.

Napatigil ako nang may bigla akong narinig na alulong na parang isang malaking monster. Kumabog ang dibdib ko. Ito na nga ba'ng sinasabi ko!

Unti-unti akong lumingon sa likod at nakita ang dambuhalang monster na mukhang nanggaling sa mga itim na ugat. Maiitim na ugat na parang nabuo at naging dambuhalang monster! Kulay green ang mga mata nito!

Umalulong ito at nagsimula itong tumakbo papunta sa direksyon ko. Shit! Nasaan na ang mga guardian ko?! Nakakatakot siya! At parang dumadagundong pa kapag tumatakbo siya!

"Faye?! Infires Men?! Nasaan kayo?!" sigaw ko at nagsimula na rin tumakbo. Kamuntikan pa akong madapa sa nakausli na ugat!

"Sendy! Focus! Don't let your fear overcome you! Use the earth element!"

Napatigil ako nang marinig ko sa isip ko si Infires Men. Ibig sabihin ay ito na 'yon?! Kailangan ko nang palabasin ang isa sa elements?!

Tama siya! Focus, Sendy! Humarap ako sa papalapit na monster at tiningnan ang dalawang palad ko. Paano ko ba mapapalabas?!

"Focus, Sendy!" muli na namang dinig ko sa isip ko.

Pumikit ako at huminga nang malalim. Pinakiramdaman ko ang nasa paligid ko. Inipon ko ang enerhiya na nanggagaling sa paligid ko.

Nakaramdam ako ng enerhiya na parang gustong kumawala sa kamay ko. Binuksan ko ang mga mata ko at unti-unti ko itong napalabas sa mga palad ko! Parang kidlat ang lumalabas sa palad ko at kulay green ito.

Narinig ko na naman ang alulong at nanlaki ang mga mata ko nang malapit na pala siya kaya naitutok ko ang mga kamay ko sa kaniya at napapikit dahil sa takot ko. Narinig ko na lang ang malakas na daing ng monster.

Bigla naman akong nahilo at naimulat ang mga mata. Napahawak ako bigla sa leeg ng agila dahil nalula ako. Ano'ng ginagawa ko rito sa taas ng langit at bakit nakasakay ako sa ibabaw ng malaking agila?!

Ang sarap ng simoy ng hangin dito sa taas! Nakakalula nga lang kaya hindi ako makatingin sa baba! Nakasakay at nakakapit pa rin ako sa leeg ng malaking agila. Hindi ko alam kung bakit nandito ako!

Hanggang sa nanlaki ang mga mata ko nang may papasalubong sa amin. Nagkukumpulang itim na kakaibang nilalang. Parang mukha silang paniki.

"Iwasan mo!" sigaw ko sa malaking agila ngunit hindi niya ako sinusunod.

Napaisip ako. Baka kailangang kong mapalabas ang air element! Huminga muna ako nang malalim at sinubukan tumayo sa itaas ng agila. Binalanse ko ang katawan ko dahil muntik pa akong mahulog.

Ramdam ko ang hangin na humahampas sa mukha ko. Pumikit ako at kagaya nang ginawa ko kanina ay dinama ko ang enerhiya sa paligid ko.

Naramdaman ko na naman ang enerhiya na gustong kumawala sa mga palad ko. Nang imulat ko ang mga mata ko ay may kidlat na kulay abo akong nakita sa mga palad ko. Pinagtitira ko ang mga kumpol ng itim na kakaibang nilalang at unti-unti silang nahuhulog sa baba.

Bigla akong nahilo at napaupo. Naimulat ko agad ang mga mata ko nang matigas na bagay ang naupuan ko.

"Ano'ng ginagawa ko sa gitna ng dagat?" Nakasakay pa ako sa maliit na bangka!

Ngunit nagulat ako nang makita na paparating na dambuhalang alon! Omaygash! Siguradong matatangay ako at malulunod!

"Infires Men! Ano'ng gagawin ko?!"

Naghihintay ako ng sagot ngunit wala akong narinig. Naloko na!

"Isip! Isip! Sendy!" kinakabahang sambit ko.

Hindi ko pwedeng palabasin ang fire element! Talo ako! Kung water element ang dapat kong palabasin, water din ang kalaban ko? At kung may panlaban? May pansangga rin?

Nanlaki ang mga mata ko nang sasalubong na sa akin ang dambuhalang alon kaya wala akong nagawa kung hindi ang isangga ang dalawa kong kamay at naramdaman ko na parang may kumawala na enerhiya sa mga kamay ko.

Minulat ko ang mga mata ko at nakita ang transparent water barrier na nakapalibot hanggang sa bangka. Nagawa ko!

Napapikit ako nang mahilo na naman ako. Napamulat ako nang makaramdam ako ng init sa katawan.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang paligid. Madilim at puro apoy. Ang tinatapakan ko ay may mga maliliit na bitak at parang may lava sa ilalim nito.

Nagulat ako nang makita ko ang sarili ko. "Sino ka?!" gulat na tanong ko.

Ngumisi lang ito sa akin at nagpalabas ng kidlat na kulay pula sa kamay. Mukhang fire element 'yon. Nagulat ako nang itira niya ito sa akin kaya mabilis kong inilagan ito.

Kalaban ko ang sarili ko?!

Pinilit kong huwag damhin ang init sa paligid. Muli na naman siyang tumira kaya dumapa ako.

Napalabas ko na ang enerhiya sa isang palad ko. Kamukha ito ng sa kaniya! Tinira ko agad ito sa katawan niya at hindi man lang siya umilag kaya natamaan siya sa tiyan at tumilapon.

Nagulat naman ako nang tumilapon din ako kagaya niya. Muntik pa akong mahulog sa malaking bitak. Muli akong tumayo at nakita rin siyang tumayo. Ang sakit ng tiyan ko!

Bakit parang tinamaan din ako nang tinira ko siya?!

"Luminus Magic."

May narinig ako sa isip ko. Si Infires Men!

Napaisip ako.. Hindi ko siya matatalo kung fire element ang gagamitin ko! Kung napalabas ko na ang lahat ng element, may chance na mapalabas ko na ang Luminus Magic!

Ngunit naalala ko nang may lumabas na kidlat na kulay puti sa mga diliri ko. Nanghina ako pagkatapos n'on at nang subukan ko ulit gawin ay hindi ko na nagawa. Baka 'yon ang Luminus Magic?!

Napatingin ako sa kalaban ko na nakangisi. Ganiyan pala itsura ko kung ngingisi rin ako?!

Pumikit ako at pinakalma ang sarili. Naramdaman ko ang kakaibang enerhiya na gustong kumawala sa dalawang palad ko. Kakaiba ito kumpara kanina. Magibat at parang malakas.

Nang imulat ko ang mga mata ko ay may nakita ako sa mga palad ko na kidlat at kulay puti na ito. Mas malaki na ito kumpara sa una ko itong napalabas sa mga diliri.

Tumingin ako sa kamukha ko at nagulat nang may kidlat na puti rin sa mga palad niya. Ngunit bago pa ito tumira ay inunahan ko na ito. Kasabay nang pagtalsik niya ay tumalsik din ako.

Bigla akong napamulat at nakita sina Infires Men at Faye sa harap ko. Ang bilis din ng tibok ng puso ko na parang galing ako sa marathon.

"Magaling! I didn't expect na magagawa mo," nakangiting sambit nito habang pumapalakpak.

"Wahh! Galing talaga ng Sendy ko!"

Tumayo na ako. "Paano ko ba napalabas lahat? Parang sa isip ko lang napalabas?" naguguluhan kong tanong.

"Habang sumasabak ka sa mga pagsubok na nasa isip mo, may lumalabas din sa mga palad mo at nakita namin 'yon ni bulinggit. "

"Bilib na bilis ako, Sendy! Napalabas mo ang Luminus Magic!" tuwang-tuwa na sambit ni Faye at nagtatalon pa habang lumilipad.

Napangiti naman ako at napatingin kay Infires Men. "May sinabi ka ba kanina sa isip ko habang nasa pagsubok ako?" Mukhang nagulat naman siya.

"Narinig mo?" takang tanong niya. Mabilis naman akong tumango.

Ngumiti ito. "Magaling! Dahil siguro sa pagpractice mo ng five senses kaya narinig mo ako kahit na wala ka sa sarili mo."

"Magpahinga ka muna. May training pa bukas—"

Napatingin kami sa may malaking puno nang may narinig kaming parang may nabasag na kung ano. Bigla akong nakaramdam ng kaba. May nanonood ba sa amin?

🔱🔱🔱

New stories na publish na pero itutuloy ko kapag tapos na ang Crewd Academy!

Chase by Death
The Atonement

StaySafe and Pray Always!
GOD BLESSED!

Nagbabasa ako ng comments, kaya magcomment na kayo! Don't be a silent reader! xoxo

May story ako na irerecommend sa inyo. Panigurado magugustuhan niyo.

Seventh: Tales of the Fallen
written by crovistello

Continue Reading

You'll Also Like

10.9M 491K 74
â—¤ SEMIDEUS SAGA #03 â—¢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...
920K 32.6K 55
Haily Constello is an orphan who lives alone and who loves to make a mess. But an unexpected accident happened that changed her life. She got reincar...
2M 71.6K 116
Terrensia Academy. Isang paaralan para sa mga estudyanteng may angking kakayahan at kapangyarihan. Isang akademiya na siyang nakatirik sa mundo ng sa...
62.1M 1.7M 40
She is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng ka...