Miyu: The Queen of Ace

By MiyuChii

4M 12.5K 586

Miyu Fujiwara was supposedly going to Boston for a vacation. With her was her personal butler named Cube. The... More

Prologue
Chapter 1- Am I Really There?
Chapter 2 - Sometimes Sweet Face May Harm You
Chapter 3 - Meet My Childhood Friend
Chapter 4 - What's That Over There?
Chapter 5 - The Mini Racing Tournament
Chapter 7 - What The Heck Is Going On?!
Chapter 8 - Creepy

Chapter 6 - Eh? Seriously?

82.6K 1.1K 45
By MiyuChii

A/N: Hello sa'yo, salamat sa patuloy na pagbabasa at pagsubaybay ng storyang ito. :) I highly appreaciated it. ♥

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Miyu's POV

"Miyu?"

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata. Maliwanag na paligid ang unang bumungad sa akin.

"Bakit dito ka natulog sa sala?" narinig kong tanong ni Ami.

Kahit medyo mahapdi pa ang mga mata ay pinilit kong bumangon mula sa pagkakahiga sa sofa. Madaling araw na rin kasi ako nakabalik sa bahay eh. Paano ba naman kasi, nakalimutan kong itanong kay Ami 'yung address dito. Ayun pala ang nakalimutan kong itanong sa kanya kahapon psh!

"Ami-chii, ohayo!" tumingin ako sa kinaroroonan niya at ngumiti.

Nakatayo siya sa harapan ko and as usual, nakasuot na siya ng school uniform niya.

"Eh? Papasok ka na ba?" tanong ko sa kanya.

Sumimangot naman siya at umupo sa tabi ko.

"Di mo naman sinasagot ang tanong ko eh! Saka bakit ganyan ang suot mo?"

Napatingin ako sa aking sarili at napangisi nalang nang maalala ang nangyari kagabi.

Imbes na sagutin ko ang tanong niya ay dinukot ko mula sa bulsa ng suot kong jacket-na-nakalimutan-kong-ibalik-kay-Karl at kinuha mula doon ang isang puting sobre. Mabilis ko itong iniabot kay Ami.

"Ano 'to?" takang tanong niya pero kinuha parin ang sobre.

Ngumisi lang ako sa kanya. At dahil wala na naman siyang nakuhang sagot mula sa akin ay binuksan niya ang sobre at tinignan ang laman nito.

"Kyaaah! Miyu-Chii! Saan galing to?" nanlalaki ang mga matang tumingin siya sa akin.

Ito naman si bessy, umagang-umaga ang dami-daming tanong.

"Hihihi! Alam mo Ami-chan, may sinalihan kasi ako kagabi. Nanalo ako at 'yan ang premyo ko," sabay kindat ko sa kanya.

Kumunot naman ang noo niya habang nakatingin sa akin, "Ano naman 'yang sinalihan mo at ganito kalaki ang premyo mo?"

Ngumiti lang ako sa kanya.

"Hihihi!"

"Miyu - chii!!" sigaw niya at kinurot ang hita ko.

"Ami-chan!" napadaing ako sa sakit, "Ang sakit!"

Ang sakit mangurot nito huhu!

"Ano? Magsasabi ka ba ng totoo o..." akma niya ulit akong kukurotin pero agad kong pinigilan ang kamay niya, "Ano'ng sinalihan mo at ganito kalaki ang premyo mo?"

"Oo na! Oo na! Magsasabi na po!"

Nanatiling nasa ere ang kamay niya na nakaporma pang mangungurot. Tinignan niya lang ako habang halos magkadikit na yata ang mga kilay niya haha!

"Racing tournament. Racing tournament yung sinalihan ko kagabi, Ami-chan!"

"Racing tournament?"

"Alam mo ba 'yun? 'Yung magkakarera kayo gamit ang motor."

"Gaga! Alam ko yun," kinurot niya ulit ang hita ko.

"Waahh! Ami-chan!" napahawak ako sa aking hita.

Nagsasabi na nga ako ng totoo pero kinurot parin ako huhu!

"Teka nga! Ibig bang sabihin nito...Miyu-chii, natuloy ka sa Royalty gang noon?"

Natigilan ako sa tanong ni Ami at napatingin sa kanya.

Ami's POV

Woah! I can't believe it. Hindi ako makapaniwala na kaya palang makipag-race ni Miyu.

"Sshhh! Baka may makarinig!" sabi niya.

"Gaga! Tayong dalawa lang naman dito sa balay," kinurot ko ulit ang hita niya

Napadaing na naman ulit siya sa sakit. Haha! Ang cute talaga ng bestfriend ko kapag nasasaktan.

Hala! Ang sadista ko na hihihi!

"Edi ibig sabihin totoo? Natuloy ka nga bessy? Member ka na ba talaga ng Royalty gang?"

Ang huling alam ko kasi sa kanya dati, balak niyang sumali sa Royalty gang sa Japan. That was 4 years ago. Pero di na ako updated sa kanya after nun kasi lumipat na kami ni mama dito sa Pinas.

Sikat ang Royalty gang sa Japan. Halos kasi malalakas ang mga miyembro nito. Lagi silang number 1 pagdating sa mga gang war. Bali-balita rin na galing sa Royalty gang ang legendary gangster na si 'Black Rabbit' . She's known as the wicked gangster kasi wala siyang sinasanto kahit na isa sa kanyang mga kalaban. Kung hindi man namamatay ang mga ito ay malamang nasa hospital at critical ang mga lagay. 'Yun nga lang, it is still unknown until now ang identity ni Black Rabbit. Pati ang mga miyembro ng Royalty gang ay walang nakakaalam. Minsan nga iniisip ng iba na that gang didn't exist at gawa-gawa lang ang mga storya nito.

Well, paano ko nalaman lahat ng 'yan? Syempre updated yata ako sa gangster world dito. Usap-usapan din kaya ang Royalty gang dito sa Pinas. Parang itong gang na ito ang dahilan kung bakit parami ng parami ang mga gang dito sa Pinas. Gusto kasi nilang makalaban kahit isa sa mga myembro ng Royalty gang.

And to tell you a secret, I have a crush na gangster din. And he's my schoolmate, hihi!

"Basta! 'Yun na yun!" she pouted.

Ang cute cute talaga ni bessy. Napapangiti na lang ako habang tinitignan siya.

"Ang importante may pera na tayo ngayon, Ami-chan. Pangdagdag sa gastos dito sa bahay. "

"Huh? Anong tayo? Pera mo 'to, Miyu-chii. Di ko tatanggapin 'to. At isa pa, wag kang mag-alala sa gastusin dito sa bahay kasi may pera naman ako dito."

Kinuha ko ang kamay niya at inilagay doon ang sobre.

"Hmm... Bakit di nalang tayo mag shopping ngayon? Tama! Para may gamit ka na Miyu-chii."

"Eh? Pano ang klase mo?"

"Aabsent ako ngayon. Sasamahan kitang mag-shopping at... hmmm, kailangan mo na rin atang magpa-parlor," hinawakan ko ang buhok niya.

Sobrang taas na rin kasi ng buhok niya. Kailangan nang gupitan.

"Nani?!"

Miyu's POV

Napahawak ako sa aking buhok. Ilang taon ko rin kayang pinapahaba 'to.

"I like it when it's long. "

Napakurap ako nang biglang marinig sa isip ko ang pamilyar na boses lalaki. Bigla tuloy uminit ang pisngi ko.

"Iie.. Iie.." (No... No..)

Siya ang dahilan kung bakit pinapahaba ko ang buhok ko. Alam ko kasing magugustuhan niya ito.

"I won't take your 'no' Miyu-chii," tumayo si Ami mula sa pagkakaupo, "Magpapalit lang ako ng damit. Mag-ayos ka na rin! Sa labas na tayo kumain."

Kumindat muna siya sa akin bago tumalikod at naglakad papuntang hagdanan at umakyat.

Aangal sana ako pero napakunot ang noo ko nang mapansing marumi ang suot na uniform ni Ami.

"Eh?"

* * *

At 'yun nga. Buong araw kaming nag-shopping ni Ami. Kung ano-anong mall ang pinasok namin. Marami rin siyang pinili na damit para sa akin. Bumili rin kami ng bag, sapatos at sandals. Syempre, binilhan ko rin siya ng sa kanya.

The next day ay salon naman ang pinuntahan namin. Kahit ayokong ipagupit ang buhok ko ay wala na akong magagawa. Saka gusto pa niyang ipapakulot ang buhok ko eh di naman ako makapalag. Katakot kaya magalit ni Ami. Kaya habang ginagawa ang buhok ko ay nagpapa-manicure & pedicure naman siya.

"Miyu-chii, anata wa kawaii ne!" narinig ko pang sabi ni Ami nang matapos ng gawin ang buhok ko. (Miyu, you're cute!)

Ngumiti ako sa kanya, "Arigato Ami-chan!" (Thank you Ami!)

Pagabi na nang matapos kami sa salon. Dumiretso na kami sa isang restaurant para doon na maghapunan.

"Ne, Miyu-chii, don't you find it odd na until now, hindi ka parin hinahanap ng pamilya mo? You know... They must be worried sa pagkawala mo."

"Di ko alam," sumipsip ako ng juice at napaisip.

Actually I find it really odd kung bakit hanggang ngayon ay di parin ako hinahanap ni Cube. He's not just a butler. At alam kong madali lang sa kanya na hanapin ako dito. Pero bakit ganun? Ilang araw na rin ako dito sa Pinas ah!

"Ami-chan, two days ka ng absent ah. Okay lang ba talaga sa'yo 'yun? Pwede naman sana tayong mag shopping sa weekend para di ka makapag-absent sa klase mo."

"Haha! Don't worry about it Miyu-chii," pero kapansin-pansin naman ang biglang paghigpit ng hawak niya sa tinidor habang sinusubo ang beef sa bibig.

Hmm..

Di na ako nagsalita.

Maya-maya lang ay nag-aya na siyang umuwi. Dumaan muna kami sa isang cosmetic shop at may biniling mga beauty products bago dumiretso sa bahay.

"Oyasumi, Miyu-chii!" biglang sabi ni Ami at pumanhik na sa taas.

"Eh?"

Napatingin ako sa wall clock na nasa sala.

Mag 8 palang ah? Bakit ang aga matulog ni Ami?

Pinagkibit-balikat ko nalang 'yun. Umakyat na rin ako sa taas at dumiretso sa kwarto ko.

Nagkalat pa sa sulok ang ilang binili naming mga gamit kahapon. Di ko na agad naayos 'to kagabi kasi napagod na ako sa kaka-shopping namin.

Nilapitan ko ang mga ito at isa-isang kinuha ang mga gamit mula sa plastic bag. Kadalasan mga dress ang binili ko kasi dun ako comfortable.

"Eh?"

Isang pares ng denim jeans ang nakuha ko sa isang plastic bag. Kay Ami 'to ah?

Tinignan ko ang mga natitirang plastic bags, pero lahat ng 'yun ay mga dress at shoes ang laman. Tinignan ko ulit ang denim jeans at iniangat ito. High waist ripped jeans ito. Hmm, never pa ako nakapagsuot ng ripped jeans. Walang duda, kay Ami nga ito.

Ibinalik ko ito sa plastic bag at nagpasyang puntahan si Ami sa kanyang kwarto. Di pa naman siguro siya tulog ngayon diba?

"Ami-chan?"

Nasa harap na ako ng kwarto niya. Nakasarado ang pinto nito kaya ay itinapat ko muna ang teynga sa pinto at pinakinggan kung may ingay ba sa loob. Baka kasi tulog na nga si bessy at maistorbo ko pa siya.

Ilang segundo rin akong nakiramdam pero tahimik nga sa loob ng kwarto niya. Bukas ko nalang nga ibigay 'to sa kanya.

"Ha? Anong ibig mong sabihin mama?"

Napatigil ako sa paghakbang nang biglang marinig ang boses niya sa loob. Gising pa pala si Ami!

"Anong sabi mo na wala ka ng trabaho? Nagbibiro ka ba?"

Eh? May kausap ba siya?

Itinapat ko ulit ang teynga sa pinto ng kwarto niya.

"Aish! Eh naubos ko na nga ang allowance ko dito!... Eh pa'no 'to?... Bakit hindi ka nalang manghingi kay papa?... Aish! Eh bakit naman kasi ngayon pa na-bankrupt 'yang kompanyang pinagtrabahuan mo. Kung 'di mo lang iniwan si papa... Tsk!... Eh ano bang naitulong ng lalaking 'yan sa'yo , diba wala?!... Ngayong wala ka nang pera, pa'no na ako dito? Pa'no pag-aaral ko dito?..."

Mabilis akong lumayo sa pinto. Dahan-dahan akong naglakad pabalik ng aking kwarto at napaupo na lang sa kama.

Wala na palang pera si Ami. At tingin ko ay mama niya ang kausap niya kanina. Ibig sabihin wala ng magbibigay ng allowance sa kanya kasi nawalan ito ng trabaho.

At heto pa ako.

Dinukot ko sa bulsa ang natitirang pera ko.

Nakagat ko nalang ang ibabang labi nang makitang di na pala ito aabot pa ng isang araw.

Argh! Ang tanga mo naman Miyu! Bakit mo kasi inubos lahat ng pera sa pag-shoshopping!

* * *

Kinabukasan ay Sabado. Napagpasyahan kong umalis muna ng bahay at maghanap ng pwedeng pagkakitaan nang sa ganun naman ay makakatulong ako kay Ami, kahit kunti. Bago ako umalis ay nag-iwan ako ng note sa kusina.


Pero ano naman kayang trabaho ang pwede kong applyan? Wala kasi akong alam eh! Marami kasi kaming katulong sa mansion and not once na pinagtrabaho nila ako doon. Psh!


Nagpatuloy ako sa paglalakad. Mga naglalakihang establishments ang nadadaanan ko. Sinubukan kong mag-apply sa mga ito pero nirereject lang nila ako kasi nga wala akong experience. Kung ipapasarado ko kaya ang mga ito kay papa? Tsk!


Mataas na ang sikat ng araw. Nauuhaw na rin ako sa kakalakad. Siya namang pagkakita ko ng isang cafe sa kabilang kalsada. Bigla nalang akong naakit sa mga poster ng milkshake nila dun.


Dinukot ko ang pera ko sa bulsa at binilang ito. Tapos ay tinignan ulit yung mga poster. Nakatatak naman kasi dun sa poster yung price ng mga milkshake.


Kakasya pa naman siguro to no? Isang strawberry milkshake lang naman ang bibilhin ko, hihihi!


Tumawid na ako ng kalsada at nilapitan ang naturang cafe. May nakapaskil na 'Wanted Part-timers' sa pinto nito. Saka ko lang napagtanto na ito pala yung cafe kung saan nakapaskil yung tungkol sa racing tournament nung mga nakaraang araw. Hala! Baka nasa loob sina Karl at Glenn! Baka matulungan nila akong makapasok dito.

Bigla akong nakaramdam ng excitement. Mabilis akong pumasok sa loob at hinanap ang mga ito.


"Ha? Sorry ma'am pero wala pong ganyang pangalan na nagtatrabaho dito," sabi ng babaeng crew na siyang pinagtanungan ko.

"Eh?"


Paano nangyari yun eh kamakailan lang ay inaya nila akong mag apply as part timer dito?

Tinignan ko ng matulin ang babaeng crew. Nakangiti lang naman itong nakatingin din sa akin. At mukha namang hindi siya nagsisinungaling.


Aish! Pano ba 'to?


Napakamot ako sa ulo. Pero naagaw ng pansin ko ang mga cake na nakahilera sa salamin. Nilapitan ko ito't isa-isang tinignan.


"Uwaah! Red velvet!"


Napahawak ako sa salamin nang makita may red velvet cake sa display. Feeling ko ay parang tumulo ang laway ko nang makita ito. Uwaah! Natatakam ako bigla.

Pero 'yung pera ko huhu!


"That's our best selling cake ma'am made from our premium ingredients! You will never regret the taste of this cake for only 650 pesos!" sabi nung babaeng crew.

Napanganga ako sa huling sinabi nito. Tinignan ko ulit yung cake. Isang slice lang yun ahh tapos 650 pesos?

" Of course, with coffee na po yun ma'am, " nakangiting sabi ulit ng babaeng crew na parang nababasa nito ang nasa isip ko.

Alangan akong ngumiti dito.

"I'll go with Strawberry milkshake miss."


Tumango ito sa akin, "Dito tayo sa counter ma'am."

Sumunod ako dito at lumapit sa counter.

"HOLDUP 'TO! WALANG KIKILOS!"

Napatigil kami sa ginagawa at sabay na napatingin sa pinto.

"Amina ang mga pera niyo!"

Eh? Nani?

- - - - - - - o 0 o - - - - - - - -

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 53.6K 67
Arrow Sanchez has only one goal in life, to enjoy her peaceful life and to know exactly what happened in the past before she lost her memories. Every...
272K 17.1K 38
SPG 18 "There were times I wish I could unloved you so I could save what's left of my sanity. It's a never-ending torture to love someone who can't l...
1.8M 56.9K 72
Her name is Akira Jade Alford. Hindi siya Gangster, hindi siya kabilang sa kahit na anong Mafia o Yakuza at mas lalo namang hindi siya Assassin. She'...
1.3M 47.7K 66
Silhouette Montevero stepped down from her position as a secret agent to achieve a normal life. She's already living a peaceful life when a powerful...