Magkabilang Mundo [★PUBLISHED...

By krizemman

143K 2.5K 327

|★|NO SOFTCOPY|★| |★|COMPLETED|★| Paano mo makakasama ang taong mahal mo kung magkaiba kayo ng mundong ginag... More

Prologue
ShamEul- One
ShamEul- Two
ShamEul- Three
ShamEul- Four
ShamEul- Five
ShamEul- Seven
ShamEul- Eight
ShamEul- Nine
ShamEul- Ten
ShamEul- Eleven
ShamEul- Twelve
ShamEul- Thirteen
ShamEul- Fourteen [flashback]
ShamEul- Fifteen [flashback]
ShamEul- Sixteen [flashback]
ShamEul- Seventeen [flashback]
ShamEul- Eighteen [flashback end]
ShamEul- Nineteen
ShamEul- Twenty
ShamEul- Twenty One
ShamEul- Twenty Two
ShamEul- Twenty Three [Huling Kabanata]
Epilogue

ShamEul- Six

4.8K 86 9
By krizemman

EUL CYRUS IV    AT THE RIGHT SIDE ------------->>>>>>

-----

Nakababa ako ng hagdan mula sa taas ng walang ingay. Pagkalabas ko ng bahay hindi muna ako bumaba ng hagdan na nasa harap nito. Tumingin muna ako sa malayo kung saan nakatayo ang malaking puno.

Dahil sa liwanag ng buwan, agad kong nakita na may nakatayo na babae na nakatalikod mula sa kinatatayuan ko. Alam kong siya na yun dahil sa mahaba at kulot nyang itim na itim na buhok.

Dahan dahan akong bumaba at naglakad palapit sa kanya.

Ilang hakbang na lang ang layo ko mula sa kanya ng humarap na siya sakin. Agad din siyang ngumiti ng makita ako. Nginitiian ko din siya bilang ganti.

Lalo siyang gumaganda sa paningin ko dahil sa ngiti niyang  iyon. Naramdaman kong biglang bumilis ang tibok ng puso ko. 'Nagiging abnormal na ata ang tibok nito' mahinang saad ko habang nakahawak sa dibdib ko.

Yung marahan na lakad ko, agad ko ng binilisan dahil sa ayoko siyang paghintayin.

"Hi" bungad na bati ko paglapit ko sa kanya. "Kanina kapa ba?"

"Hindi naman, kararating ko lang din" nanatili pa din yung ngiti sa mga labi nya. Hindi ko naman mapigilan ang sarili kong hindi mapatitig sa kanya 'Ang ganda nya talaga lalo sa malapitan at nakangiti'

"Tara maupo muna tayo dito" Turo niya sa mga malaking ugat. Kung saan kami nakaupo kagabi.

"S-Shamy a-ano may tatanong sana ako k-kung okey lang sa...." hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng bigla na lang siyang tumawa.

"Hahahahaha" masayang tawa nya, kaya naman pinagmasdan ko lang siyang tumawa hanggang kusang tumigil siya

"Pasensya na, hindi ko mapigilan ang hindi tumawa. Kasi naman bakit nauutal kang magsalita" usal nya habang nakatakip ang kanang kamay nya sa kanyang bibig. Nang makita niyang pinagmamasdan ko siya, bigla naman siyaang tumungo. "Nakakahiya, wag mo akong titigan"

"Ayos lang, natutuwa nga akong titigan ka habang tumatawa, lalo kang gumaganda. Ang sarap din pakinggan, parang isang anghel ang naririnig ko." Papuri ko. "At bakit ka naman nahihiya, ako lang naman ang kaharap mo." mahinang usal ko. Kanina ako ang nahihiya sa kanya ngayon siya naman. Napangiti ako sa isiping 'yun.  Nag angat na siya ng tingin.

 Dahil sa liwanag ng buwan kaya kitang kita ko na bakas sa mukha niya na nahihiya talaga siya sa mga sinabi kong mga papuri.

"Tama na nga yang papuring sinasabi mo sakin, baka maniwala na ako" mahinhin na usal nya "Tarang maupo na" Pagkasabi nya nun ay agad na din siyang naupo, sumunod naman ako at naupo sa pwestong paharap sa kanya

"Shamy pupuntahan sana ka namin kaninang umaga ng pinsan kong si Nico kaso lang hindi naman namin alam kung saan ka nakatira." Basag ko sa katahimikan. Pero pagkasabi ko nun parang biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha nya. Parang naghahanap siya ng salitang sasabihin sakin. "Bakit may nasabi ba akong hindi ko nagustuhan? Ok lang kung hindi mo sasabihin kung saan ka nakatira, hindi kita pipilitin o kukulitin." Bumalik ulit ang ngiti sa mga labi nya. 'Ayaw nya sigurong pag usapan yung personal life nya'

"Pasensiya na kung hindi ko pwedeng sabihin, kasi baka magalit yung mga magulang ko kapag nakita nilang may ibang taong napunta sa bahay at lalong ito ay lalaki, sana maintindihan mo"

"Ayos lang yun" usal ko sabay pa ng tango "pero mabuti naman pinapayagan kang lumabas ng gabi. Lalo na sa ganitong oras?." Takang tanong ko. 'Kung mahigpit ang mga magulang nya bakit siya nakakalabas  ng alanganin oras lalo na isa siyang babae?'

"Tumatakas ako, kasi gusto kitang makita." Senserong saad nya. Kaya naman naramdaman ko na naman ang pag init ulit ng aking magkabilang pisngi at bilis ng tibok ng puso ko 'Ginawa nya yun para lang makita ako? pero bakit naman kaya?' Gusto ko sanang itanong, kaso nahiya naman ako, kung ano na lang ang isipin nya.

"Paano kung mahuli kang tumatakas sa gabi, mapapagalitan ka pa" Nag aalalang usal ko "Baka lalong hindi ka makaalis ng bahay"

Ngumiti naman siya dahil sa sinabi ko. "H'wag kang magalala hindi nila ako mahuhuli, hinihintay ko muna silang matulog ng mahimbing bago ako lumabas ng bahay namin."

"Pero... kahit na paano kung may magising isa sa kanila at hindi ka nila nakita doon sa kwarto mo?" lalo akong kinabahan para sa kanya . Ayoko naman mapahamak siya sa pagtakas na ginagawa nya ng dahil lang sakin na tulad ng sinabi nya, lalo na sa gabi. Delikado sa tulad nyang babae.

"Ayaw mo ba akong makita, ayaw mo ba akong makasama kahit sa gabi lang?" Malungkot niyang tanong sakin.

Nakonsenya akong bigla sa sinabi niya. Pakiramdam ko tuloy iniisip nya ngayon na ayoko sa kanya. 'Ayoko nga ba siyang makasama?' 

"Hindi naman sa ganun, kaso lang nag aalala ako para sayo, sakaling mahuli ka at mapagalitan, lalo ka ng hindi ka makakaalis, lalong hindi tayo magkikita" Depensa ko sa mga sinabi nya.

"Wala ka naman dapat ipagalala, alam ko ang ginagawa ko" mariin nyang usal sakin. Hindi na lang din ako sumagot. "Magkikita at magkikita pa din tayo dito sa ilalim ng puno"

Hindi na ako muling nagsalita, kaya ilang saglit nanatiling tahimik lang kaming nakaupo sa mga ugat ng puno.

"Basta mag iingat kana lang, ayoko lang mapahamak ka ng dahil sa pagtakas mo" basag ko sa katahimikan.

 "Oo para sayo" nakangiti nya ng saad. Bumilis na naman tibok ng puso ko dahil sa ngiti nyang yun. 'Kailangan ko na atang magpatingin sa doctor, bigla na lang nabilis ang tibok nito' hawak ko sa kaliwang parte ng dibdib ko "Para sayo Eul Cyrus mag iingat ako, dahil gusto kitang makasama gabi gabi dito." Patuloy pa nya, habang nakatitig siya sa mga mata ko. Bigla na lang nag iba yung pakiramdam ko, lalo pang lumakas ang tibok ng puso ko at parang naririnig ko na nga dahil sa katahimikan ng gabi. "Gusto mo ba akong makasama?" tuloy  na tanong nya sa malambing na tono.

Pinakiramdaman ko ang sarili ko. 'Masaya akong kasama siya, masaya kong makita siya, basta ang alam ko masaya ako sa piling nya sa mga oras na'to.'  Pero tanging tango na lang ang naging sagot ko sa huling sinabi niya.

Totoong masaya akong makasama siya. Kahit ilang araw o gabi pa lang kami nagkakausap at nagkakasama. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganto sa isang babae na bagong kakakilala pa lang.

'Iba ata na yong nararamdaman ko sa kanya, iba na kaya to, ito na ba yung sinasabi ni Nico na si Shamy na magpapatibok ng puso ko, pero kung ganun, bakit parang ang bilis naman, kahit hindi ko pa siya kilala ng lubos may nararamdaman na ako sa kanya?'

"Eul"

Nagulat ako ng bahagya nang marinig kong tawagin nya ang pangalan ko, masyado akong naging abala sa kaiisip sa nararamdaman ko ngayon para sa kanya.

"Okey ka lang ba? Bakit parang bigla kang tumahimik, may problema ba?" Shamy

"Ha? Ah w-wala may naalala lang ako" Pagsisinungaling ko "Hindi ka ba nilalamig sa suot mo?" Pag iiba ko ng usapan, baka kasi tanungin nya pa ako ulit, mabuti na lang napansin kong manipis na telang puti lang ang suot niya. Akmang huhubarin ko na yung jacket ko ng magsalita ulit siya,

"H'wag mo ng hubarin yan, baka lamigin ka" siya

Tiningnan ko naman siyamg mabuti. 'Bakit siya? hindi ba siya nilalamig sa suot nyang damit?' pinagmasdan ko ulit siya at  mukhang hindi nga siya nilalamig, dahil parang balewala sa kanya yung ihip ng malamig na hangin na dumadampi sa katawan niya, samantalang ako kahit naka jacket na, ramdam ko pa din yung lamig ng hangin sa balat ko. Kaya inayos ko na lang ulit sa pagkakasuot nun.

 "Ilang araw na lang pala babalik na kami sa manila" usal ko ng maalala kong ilang araw na lang ang ilalagi namin dito sa probinsiya.

"Ganun ba? Kailan ulit ang balik mo?"

"Baka sa susunod na sembreak"

"Matagal pa pala ulit ang balik mo" lumungkot na naman ang tono ng pananalita nya. "Matagal ulit bago kita makita"

"Medyo matagal, pero kung gugustuhin ko naman pwede akong bumalik dito pag weekend." usal ko na kahit hindi ako sigurado kung makakabalik pa ulit ako dito pag uwi namin ng manila. Nabigla din naman ako sa sarili ko ng sinabi ko yun sa kanya. 'Pano naman ako makakabalik dito, siguradong hindi ako papayagan nila Mommy at Daddy'

"Sige, pangako yan ha, babalik ka dito" usal nya habang bakas na ulit ang ngiti sa kanyang labi. 'Gagawa ako ng paraan para makabalik ulit dito'

"Oo pangako babalikan kita dito" Pagkasabi ko nun parang biglang nagliwanag ang mga mata niya. 'Ganun ba siya kadesidido na makasama ako at halata sa kanya na maasaya siya?' Maya maya lang tumayo siya at lumapit sa haap ko, kaya naman tumayo na din ako.

Magkaharap na kaming dalawa ngayon. Iniangat nya ang mukha nya kaya nagtama ang aming mga mata. Iba ang pakiramdam ko habang nakatitig siya sa akin, hindi ko na naman maintindihan ang nararamdaman ko, ang puso ko ang lakas ng tibok, parang nagsasabing halikan ko siya. Pero bahagi naman ng isip ko nagsasabing wag kong ituloy.

Nanatili pa din kaming nakatitig sa isa't isa. Habang ang puso't isipan ko nagtatalo kung ano bang dapat  gawin. Ngunit hindi ko na kayang pigilan ang nararamdaman ng puso ko. Unti unting bumaba ang paningin ko papunta sa kanyang mga labi. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Pero sadyang mabilis ang nangyari, natagpuan ko na lang ang sarili kong mga labi na nakalapat na sa sarili nyang labi. Ang sarap sa pakiramdam, parang sabik na sabik kami sa isa't isa. Kahit ngayon lang namin ito ginawa.

"Matagal na akong nangungulila sa mga halik mo Eul, matagal kong hinintay ang oras na'to" mahinang usal nya. Nagpatuloy pa ulit kami sa aming ginagawa. Hindi ko na inalam kung anong ibig nyang sabihin sa mga binitiwan nyang salita. Ilang saglit lang habol hiningang bumitiw kami sa isa't isa.

"S-Shamy pasensya na, h-hindi ko s-sinasad..." hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng ilapat nya ang labi nya sa labi ko. Ito na naman yung kakaibang pakiramdam na dumadaloy sa buong sistema ko. Mabilis akong tumugon sa halik na yun, humigpit ang pagkakahawak ng dalawang kamay niya sa magkabilang pisngi ko, ganun din ako sa kanya. Halik na wari'y ko'y ayoko ng matapos. Halik na nakakapagpabago ng nararamdaman ko. Halik na siguradong hahanap hanapin ko. Halik na ngayon ko lang naranasan sa isang babaeng ngayon ko lang nakilala at halik na nagpabilis ng tibok ng puso ko.

Hindi ito ang unang karanasan ko na may nahalikan akong babae, marami na. Pero ito yung unang beses na bago sa pakiramdam ko.

Muling naghiwalay ang aming mga labi. "Eul hihintayin ko pag babalik mo, hihintayin kita, panghahawakan ko ang iyong pangako na babalik ka dito kapag bumalik ka na sa inyo" tumango ako bilang sagot.

"Shamy hindi ba masyadong malalim na ang gabi para magtagal pa tayo dito sa ilalim ng puno, gusto mo dun tayo sa may veranda sa baba?" pero umiling lang siya. "Gusto mo ihatid na kita sa inyo tutal gabi na wala naman na sigurong makakakita sa ating dalawa na magkasama" ilang saglit pa bago siya pumayag na ihatid ko siya sa kanila. "Salamat at pumayag kang ihatid kita sa inyo, tara na"

Inalalayan ko siyang maglakad, habang palabas kami ng bakuran. "Malayo ba yung sa inyo?"

"Hindi naman, malapit lang dito ang bahay namin"

Nagpatuloy lang kaming naglakad hanggang makarating kami sa isang bahagi ng daan na walang mga kabahayan. Huminto siya at humarap sa akin.

"Eul hanggang dito mo na lang ako, malapit na din naman ang bahay namin dito" turo nya sa gawing kaliwa namin. Tumingin ako dun pero wala akong nakitang bahay sa gawi nun. "Maraming salamat sa paghatid."

"Sigurado ka bang dyan banda ang bahay nyo?" paninigurado ko.

"Oo, sige mauna na ako" Naglakad na siya palayo. Susunod na sana ako sa kanya ng bigla siya huminto at humarap sakin. "H'wag ka ng sumunod sa akin Eul Cyrus, magkita na lang ulit tayo bukas ng gabi sa ilalim ng puno. Ganung oras ulit!" Sigaw nyang usal, pagkatpos nun, nagtuloy na ulit siya sa paglalakad. Nanatili lang muna akong nakatayo at pinagmasdan siya hanggang makalayo at mawala sa paningin ko.

Naglakad na ako pabalik sa bahay na may nakasalubong akong dalawang matandang lalaki na may dalang kawayan na may apoy sa dulo.

"Utoy saan ka galing? gabing gabi na" tanong sa akin ng isang matanda na maliit ng huminto ito sa harap ko.

"Dyan lang po" turo ko sa gawing pinaghatiran ko kay Shamy.

"Anong ginagawa mo dyan sa gantong oras ng gabi?" tanong naman ng matandang mataba.

"May hinatid lang po akong kaibigan, dyan daw po kasi banda ang bahay nila" Pagkasabi ko nun agad naman nagtinginan yung dalawang matandang lalaki at tumingin ulit sa akin na bakas sa mukha nila ang pagtataka.

"Sigurado ka bang dyan banda nakatira ang kaibigan?" paninigurado pa nya.

"Opo, bakit po may problema po ba?" Ako

"Utoy eh wala naman nakatayong kabahayan sa lugar na yun, kaya panong dun nakatira ang kaibigan mo?" Manong na maliit.

"Yun po kasi ang sinabi nya, kaya dun ko po siya hinatid"

"Ganun ba utoy, sige mag iingat ka na lang, wag kang basta basta magtitiwala sa mga bago mong kakilala, lalo na at ikaw ay dayo lang dito sa lugar namin." Matabang matanda.

'Paano nya naman nalaman na dayo lang ako dito.' Tanong sa isip ko, pero mukhang nabasa niya ito.

"Alam kong dayo ka lang dito dahil halos lahat ng nakatira sa lugar na to ay kilala ko" sagot nya sa tanong sa na nasa isip ko. Tumango tango na lang ako sa sinabi nya.

"Mauuna na po ako sa inyo" Nagpaalam na ako at nag tuloy na maglakad pauwi. 'Kung walang bahay na nakatayo dun, bakit doon siya nagpahatis sa akin' isip ko habang pauwi 'O sadyang ayaw nya lang talagang malaman ko kung saan talaga siya nakatira'.

Tumingin tingin ako sa paligid habang naglalakad. 'Masyado pa lang madilim dito, kung dun nga siya nakatira at dito siya nadaan. Hindi ba delikado talaga para sa kanyang maglakad mag isa'

 Nakarating ako ng bahay na nasa isip ko pa din si Shamy.

'Pasado alas dose na pala' Naapatingin ako sa orasan sa may sala bago ako umakyat. Napaka tahimik ng buong kabahayan. Pumasok na ako. Dahan dahan akong naglakad upang wala akong magawa na kahit anong ingay.

Dumiretso na agad ako sa banyo sa loob ng kwarto namin ni Nico. Bigla kong naalala yung nangyari kay Nikki. Pero hindi man lang ako nakaramdam ng takot. Nagtagal pa ako saglit sa loob at pinagmasdan ang kabuuan nun. Isang pang karaniwan na banyo lang naman iyon. 'Kung magpakita kaya sakin yung babaeng multo na nakita ni Nikki, matakot kaya ako? Hahaha pero sa tingin ko hindi, sana nga magpakita kung totoo man siya' Matapang na usal ko habang humarap sa salamin na nasa loob. Dahil sadyang hindi ako ganun kabilis matakot.

Lumabas na ako ng banyo at diretso sa kama. Inaalala ko ang mga nangyari kanina sa amin ni Shamy, naalala ko yung halik namin sa isa't isa. Wala sa sarili kong napahawak ako sa labi ko. 'Siya lang nakapagparamdam sakin ng kakaibang pakiramdam habang hinahakan ko siya, tingin ko mahal ko na ata siya, kahit sa napaka ikling panahon lang'

Ilang minuto na din ang lumipas na  nakahiga ako pero hindi pa din ako dalawin ng antok. Kaya tumayo ako't nagtungo sa bintana na katabi ng higaan ko. 'Dahil sa bintanang ito, dito ko siya unang nakita' mahinang usal ko habang nakatanaw sa labas at nakatingin sa puno. Ilang saglit pa lang kaming nagkakahiwalay, namimiss ko na agad siya.

Sinara ko na ulit ang bintana, bumalik ako sa kama para matulog na, kahit hindi pa ako inaantok. Pumikit pa din ako, pipilitin ko ang sarili kong makatulog na.

*****

[A/N: HAPPY NEW YEAR TO ALL OF YOU GUYS SPECIALLY TO MY FAMILY.    SA SHATOL GROUP/FAMILY I LOVE YOU ALL.... SA TAMBAYAN NG MGA ADIK SA WATTPAD LOVE YOU GUYS]

 VOTE COMMENT AND SHARE

_krizemman_

WATTPAD: http://www.wattpad.com/user/krizemman

Continue Reading

You'll Also Like

76.8K 642 51
[COMPLETED✔] Started: May 22,2017 Completed: October 14, 2017 Spread your feelings by words. Highest reached rank: #02 in Spoken Poetry [June 30, 201...
11M 28.5K 7
"It's one of those things you won't understand unless it happens to you" -Author.
188K 5.4K 30
13th Rose Copyright © 2013-2014 Chichi_Louise // Nang dahil sa isang aksidente, nasa bingit ng kamatayan si Nash, ang kasintahan ni Brigette. Ilang b...
34.4K 980 45
" Mangingibabaw man ang unang pag-ibig, matatabunan parin ito ng tunay na pagmamahal." . . Sa mundo ng pag-ibig, di akalain ni Sebastian Navarro na m...