AYRHA
HINDI maganda ang mood ko kinabukasan. Kahit sinong makasalubong ko wala akong pakialam. Basta wag lang sila haharang sa daraanan ko.
Nakita ko si Nīte nasa may labas siya ng pintuan ng classroom namin kausap niya sina Mico at Alex, nagbibiruan sila kasi dinig ko ang tawa nila. Deretso lang ako sa paglakad ko.
"Talaga may work ka na pare? Treat mo kami pagsweldo ha?", biro ni Alex dito, at pabirong sinuntok nito si Nīte sa may tiyan.
"Trainee palang ako!"
"Yun narin yun pare, basta libre ha?", loko din ni Mico dito.
"Isa ka pa!", na ngingiting sabi ni Nīte.
"O si Ayrha na pala ito! Good morning Ayrha!", bati ni Alex sakin. Tumingin lang ako sa kanya.
"Kanina ka pa hinihintay ni Nite. Maaga yang pumasok!", sabi naman ni Mico.
Ngumiti sakin si Nīte pero inirapan ko lang siya at dumeretso na ako sa may pinto. Hinawakan niya ang kamay ko.
"May problema ba Ayrha?", tiningnan niya ako sa mata. Tiningnan ko siya ng matalim at hinila ko ang kamay ko sa kanya. Dumeretso na ako sa loob.
"Mukang may LQ ah!"
Hindi ko siya pinansin hanggang sa magsimula ang klase namin.
"Ayrha anong LQ yan ha?", pabirong tanong ni Maui sakin, nasa cafeteria na kami.
"Wala! Nainis lang ako sa kanya kagabi. Basta ayoko siyang kausap."
"Dito na tayo maupo kina Ayrha!", sabi ni Alex kina Mico at Nīte. Naupo naman mga ito at sa mismong tapat ko pa naupo si Nīte. Sumimangot lang ako.
"Baka tumanda ka agad niyan!"
Alam kong ako ang sinasabihan ni Nite. Tiningnan ko siya nang masama.
"Bakit ka ba dito naupo?", asar na tanong ko sa kanya.
"Bawal ba? Wala namang sign dito ah!", pang aasar niya sakin.
"Grrr! Lumipat ka nga dun sa kabila!", pagtataboy ko sa kanya.
"Bakit ba? Ano bang problema mo?", sabi niya. Yung tatlo nakikinig at nakikiramdam lang saming dalawa.
"Baka kasi dahil magkasama tayo dito, e sabihan mo pa ako na ginuguwardyahan kita!", inis na sabi ko sa kanya. Tumitig siya sakin tapos tumawa nang nakakaloko.
"Yun ba dahilan kaya ka ganyan? Haha!", tumawa ulit siya. Dahil dun nainis ako lalo sa kanya at nag walkout ako.
"Saan ka pupunta? Ayrha sandali lang!", hinabol niya ako pero deretso lang ako sa paglakad kaya inakbayan niya ako.
"Ano ba alisin mo nga yan! Baka masabihan tayo ng PDA!", pilit kong inaalis ang braso niya pero mas hinigpitan pa niya ang hawak niya sa balikat ko.
"Ayoko nga! Aalisin ko lang ito kung ok na tayo.", tanong niya sakin.
"Ewan ko sayo! Wag ka nga dumikit sakin baka sabihin mo pa gwardiyado kita!", inis na sabi ko.
"Hahaha! Yun pala ikinaiinis mo kaya ganyan ka!", pinahinto niya ako sa paglalakad nasa may harap ko siya at naka hawak sa magkabila kong balikat. "Trust me, ok?"
Seryoso ang mga mata niya. Nag buntong hininga ako at tumango ako sa kanya at ngumiti.
"Ok na tayo?" Ulit niya.
"Oo sabi! By the way, hindi ako sasabay sayo mamayang uwian!", sabi ko sa kanya habang naglalakad kami patungo sa classroom namin.
"Akala ko ba ok na tayo?", nagtatakang tanong niya sakin.
"Oo nga, i need to go home early kasi hihintayin ako ni Tita mamaya.", paliwanag ko sa kanya.
"Ok!"
MAUI
"Bakit wala ka yata kasama?", tanong ko kay Bryle. Nakita ko siyang nakaupo sa may damuhan sa may likod ng building.
"Anong ginagawa mo dito? Gusto kong mapagisa!" Sagot niya ng hindi man lang ako nilingon.
"Well, dito lang naman po ako tumatambay kapag galit ako sa kanila."
"Ganun ba!" Tumayo siya. "Sige ako na lang aalis!", pinigilan ko sa kamay si Bryle, napatingin siya sakin.
"Wag ka na umalis. Alam ko kelangan mo ng kausap at saka hindi naman ako ang may - ari ng lugar na ito. Kung gusto mo pumunta dito, ok lang!", ngumiti ako sa kanya. Tumitig siya sakin bago ulit naupo.Sandaling katahimikan ang namagitan samin pero ako ang bumasag nun.
"Matagal na ba kayo magkaibigan ni Ayrha?", simula ko.
Bumuntong hininga muna siya. "Oo, since grades school at isa pa family friend namin sila."
"Talaga! Swerte naman ni Ayrha kilala ka na pala niya since noon pa."
"Ha?"
"Ah, wala! Sabi ko swerte ni Ayrha may friend siyang tulad mo!" Kumunot ang noo niya pero ngumiti lang ako.
"Pero ako, hindi ako swerte, hanggang friend lang yata kaya niya ibigay sakin." Lumungkot ang boses niya. Halatang may dinaramdam.
"Hindi ka dapat malungkot at least hindi man maging kayo andyan parin naman siya,e. Ako nga hindi man lang ako makalapit sa taong gusto ko!", makahulugang kong wika at tumingin ako sa gawi niya.
"Ganun yata talaga, kung sino gusto mo ayaw naman sayo."
Napatingin ako sa sinabi ni Bryle. Tama siya. Sa tingin ko hindi ako gusto ng taong gusto ko dahil wala siyang ibang nakikita kundi ang taong mahal niya kahit hindi naman siya ang mahal nito.
"Bakit?" Kunot noong tanong niya. Medyo nakaramdam ako ng hiya dahil para akong natulala.
"Ha? Ahh, e, Iba na lang pag usapan natin masyado malungkot ang topic!", suggest ko. Mabuti na lang nakisama siya. Marami siyang kwento at tawa naman ako ng tawa. Kwela rin pala siya di lang halata. Minsan kasi parang ang seryoso at mukhang suplado pero mali pala lahat yon.
"Sige, thanks sa masayang kwentuhan!", paalam niya.
"Welcome anytime!", sagot ko naman.
"Nextime?"
Nagulat ako sa sinabi niya pero nagawa ko parin sumagot. "Yeah sure!, why not."
"Sige, bye!", paalam niya ulit bago tuluyang umalis.
Naka ngiti ako habang tinatanaw ko ang pag alis niya. Hindi ko akalain na mangyayari ang paguusap namin kanina.
"Ano yun ha?"
Nagulat ako sa biglang pag sulpot ni Ayrha.
"Ayrha! Kanina ka ba pa dyan?"
Umiling siya. "Hindi naman. Hmm, anong meron sa inyo ni Bryle, ha?"
May himig panunukso ang tanong ni Ayrha bigla tuloy akong nahiya.
"Ha? Ano wala Ayrha, nagkwentuhan lang kami yun lang---"
"Relax Maui, ano ka ba?"
"Hindi ka ba galit sakin?"
"Galit? Of course not! Why should i?"
"Kasi ano..."
"Kasi gusto mo si Bryle? Tama ba ako?"
Hindi ako naka sagot. Natameme ako. Mas lalo tuloy akong nahiya sa kanya.
"Hahaha! Kahit hindi ka sumagot alam ko na and im happy for you. Besides friend ko si Bryle!" Wala akong nakitang kaplastikan sa sagot ni Ayrha kaya naman ngumiti na ako sa kanya.
"Thanks Ayrha, pero i think ikaw parin ang gusto ni Bryle at isa pa ang layo ng itsura natin para magustuhan niya ako." I know dinadown ko na naman ang sarili ko.
"Maui you don't need to be me para lang magustuhan ni Bryle. Just be yourself. Nakuha mo na nga atensiyon niya kanina, diba?" Napaisip ako sa sinabi ng naka ngiting si Ayrha and tama siya.
"Well, you're right Ayrha. I just need to be me!"
"That's my girl! Let's go! Balik na tayo dun!",
"Sige!"
Magka hawak kamay kaming umalis ni Ayrha. Parehas may mga ngiti sa labi. Habang naglalakad kami ay nakarinig kami ng ingay ng mga estudyante na para bang may kung anong nangyayari.
"Ano kaya yun?"
Nagkibit balikat lang si Ayrha.
"Ewan, tara tingnan natin?"
Nilapitan namin ang pinanggagalingan ng ingay. Hindi pa namin nakikita ang nangyari kasi ang daming estudyante na nakaharang dito.
"Anong nangyayari?", tanong ko sa isang estudyante na galing dun.
"Sina Amber may binubully na naman!"
Nagmamadali kaming lumapit ni Ayrha Naawa ako dun sa itsura nung girl na binubully nila, mukang tinapunan nilang tubig tapos harina naman yung sunod na tinapon sa kanya.
"Tama na yan!"
Malakas yung sigaw kaya naman nagsipag tinginan silang lahat samin. Automatic naman na tumigil sila sa ginagawa nila.
"Ikaw pala! Wanna join, Ayrha?"
Nakangiti pa itong sina Amber habang sinasabi yun.
Napa ngisi si Ayrha bago nagsalita sa kanila. "Ano ba yang ginagawa nyo! Alam nyo naman na bawal ang bullying dito. Bakit ginagawa nyo parin!"
"Well, kasalanan ba namin kung duwag siya at mahina!", sabi ni Charie.
"Kung hindi siya lampa di sana hindi nangyari sa kanya yan!", sabi ni Katie at nagtawanan pa sila.
"Nagagawa nyo pang tumawa sa kabila ng mga ginagawa nyo?"
"Alam mo Ayrha, wag ka ng magmalinis dyan! Akala mo ba hindi ko alam kung ano ka sa dati mong school!"
"Hindi ko alam kung ano sinasabi mo Amber! Kahit kailan hindi ako nambully tulad ng ginagawa mo ngayon!"
"Hindi ka nga nangbubully, pero wala ka namang pakialam sa mga biktima ng mga friends mo kapag ginagawa nila ang ganito!"
Natigilan si Ayrha sa mga sinabi ni Amber. Wala akong alam sa mga sinasabi nila tungkol sa kanya pero ang nakaraan ay dapat kalimutan na lalo na at gustong magbago ng tao tulad niya.
"Bakit hindi ba pwede magbago ang tao? Kaya dapat kayong tatlo mag bago na!"
"At ikaw nerdy girl, wag kang makialam dito. Kung may dapat magbago dito, ikaw yun! Baguhin mo yang mukha mo!", sabi pa ni Amber at nagtawanan ulit sila. "Let's go girls!"
Pagka alis nila Amber nag sipag alisan narin yung mga useserong estudyante dito. Nilapitan namin ni Ayrha ang binully nila at tinulungang makatayo. Sinamahan rin namin ito sa clinic.
"Maui, salamat kanina."
"Salamat saan?" Kunot noo kong tanong sa kanya habang palabas kami ng clinic.
"Kanina nang ipagtanggol mo ako kina Amber."
"Wala naman akong ginawa."
"Basta, thank you. Best of friend?"
Naka ngiti akong sumagot kasabay ng sunod sunod na pagtango.
"Best of friend!"
*****
tbc