Chocoberry. ♥ (Finishing and...

By marilyn-hepburn

17.9K 59 18

A stereotypical highschool love story filled with the most clichés of the clichés. Throw in one of the most... More

Prologue

Chapter 1: The Start

1K 19 4
By marilyn-hepburn

"Rell! Dali ka dito, may papakilala ako sayo!" Grabe ang lakas naman ng sigaw ni Gian, nasa may canteen lang ako aba baka rinig yun hanggang Manduluyong.

Dali-dali ako tumakbo papunta doon. Tapos nakita ko siyang may kasamang babae. Ang ganda nung girl, parang pag lumapit ako sa kanya kasalanan na maging katabi nya, ang puti nya at ang tangos ng ilong niya.  

Samantala ako mahaba nga ang buhok tomboyin naman kumilos. Sabi nila maganda daw ako, Asa. Baka maganda pag naka talikod! 

Tawag nila saakin Rell pero ang buo kong pangalan ay Asarella Anderson, Half-American at Half-Filipino ako. For short Fil-Am ako.  Kaya siguro grey ang mata ko tapos brown ang buhok ko. 

Masasabi nila na medyo blessed kami. Kasi may sariling kompanya si Daddy, at masasabing isa akong heiress sa mga hotel chains. So usually labeled kami as "Millionaires" 

Psh, pero malayo ako sa typical na spoiled rich brat. Sabi ko nga diba? Medyo tomboyin ako?

Hindi ako mahilig sa make up at usually ang suot ko ay mga band shirts, skinny jeans, at skate shoes.

Going back to the main topic. Parang pag mag kasama si Gian at ung girl. Mukhang portrait. Gwapo at maganda, ano ba yan? Baka pag tumabi ako sa kanila kamuka ko lang si Inday, ikinkahiya ko na ang mukha ko. Nung umulan ata ng kagandahan nakapayon ako. Tsk.

Sumagot ako ng patawa "Oh anong problema mo Pangit?"

Tumingin siya saakin ng isang madalian at lumingon duon sa babae sabay imik 

"Rell, si Angie Cabriga nga pala. Family friend namin ang mga Cabriga, at simula ngayon kaibigan mo na din sya"

"Wow, kaibigan kaagad? Excited? Di man lang ako ininform? Pero di, joke lang" sabi ko sa pabirong tono at nag patuloy "Ako nga pala si Rell kababata nitong mokong na ito" tapos napangiti si angie, nag blush naman si Gian. Grabe, ang cute niya. Pwede na ako matibo ah. 

Halatang totoo yung ngiti niya, dahil hindi gaya ito ng mga ibang babae na may kilala kay Gian na kung makatingin parang pinatay ko ang pamilya nila. 

Sabay halakhak ako ng malakas. Diba? Parang lalaki. 

Yung mokong na yun ang, sadly, taong gusto ko. Si Gian Jacobo, childhood friend ko simula grade 1 pa lang kami pero ngayon 4th year highschool na kami! At secretly idol ko, pero hinding hindi ko yun sasabihin sa kanya. Hangin na nga, baka mamaya lumulutang na. Matalino, gwapo, medyo mayabang pero kahit papaano cute naman kaya pwede pa namang mapatawad. 

Sabay ring ang bell, Letche flan naman oh time kaagad first subject pa man din ay Physics. Kay Ma'am Reyes na naman. Tss. 

Buti na lang katabi ko si Gian. The subject is worth taking just for him.  Ay malande. Pasensya na, minsan lang mag mahal eh, well actually first love ko siya, so hindi minsan. 

Tapos nahuli nya akong nakatingin sa kanya, sabay lingon naman ako sa chalk board pinipilit ang sarili na pakinggan si ma'am . Pero wala talaga eh. Feeling ko nakatingin sya sakin. Feeler na kung feeler. Sorry not sorry na lang. 

Nung nag tingin ako sa kanya nag ngiti sya sakin parang biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Pag kalipas ng ilang minuto ng pag tuturo ni ma'am, napansin ko na nag punit sya ng maliit na papel at nag sulat

Rell

Ano sa tingin mo? Maganda si Angie ano? 

Pag kabasa ko, tingin ako sa kanya at pumilit ngumiti tapos nag reply. 

Rell

Ano sa tingin mo? Maganda si Angie ano? 

Gian,

Syempre maganda, baka siguro kung hindi lang ako babae crush ko na sya! :))

Napangiti siya nun, at in return napangiti din ako. Medyo proud sa sarili dahil ako ang nag pangiti sa kanya. Siguro mukha akong baliw dito, nakangiti ng sobra habang natawa. Pag katapos ng klase, Labas kami roon at nanduon si Angie sa may labas nag hihintay. Pati baga pag nag hihintay maganda pa rin? 

Ano kaya sasabihin nito?

Saglit na natameme si  Gian, batukan ko nga ba ng isa tapos binulungan ko "Ui, Gian yung prinsesa mo nag hihintay" Natawa ako sa reaction niya, dahil parang nagising siya sa pag daday dream niya. 

Pumunta na kami kay Angie, sabay nag ngiti siya. Mas maliit man siya sakin, pero hindi naman siya intimidated. Which makes things a lot whole easier, with being friends and whatnot. Pag tingin ko kay Gian, nakatunganga din.

Tapos nung malapit na kami, "Hey Angie. Bakit ka yata napapunta dito?" Nginitian ko ng malaki sabay sagot siya sa nahihiyang paraan dahil namumula ang mukha niya "Eh kasi..umm..wala pa akong gaano kakilala"

Aber. Feel ko magiging close friends kami nito. Tapos ningitian ko siya then I patted her hair, which was incredibly silky and soft. Napahawak ako sa buhok ko, yan tuloy na conscious ako. 

Gian's POV

Napatigil ako dahil sa ngiti ni Angie. Matagal ko na siyang kilala pero ngayon ko lang siya natingnan ng mabuti.

Para siyang anghel. 

Ang saya tignan ni Angie at Rell parang ang tagal na nilang best friends. Napatawa ako ng kaunti, parang polar opposites yata itong 2 ito.

Kung si Angie ay mabait, tahimik at parang anghel, si Rell para namang demonyo laging may planong panloloko. Kaya ka tropa ko to eh. 

Lalo akong natawa, at napatingin sakin yong dalawa. 

"Oh, napapa ano ka Gian? May nakain ka bang masama? Balikan nga natin ung canteen at pakulong natin yung mga tao doon!" Tawa ng malakas si Rell. 

Namula ako sa sinabi niya pero sumagot ako s pabirong paraan "Ano ba naman Rell? Hindi naman siguro. Balita ko ang mga gwapo hindi daw na lalason

Napangiti si Angie, kaya't napangiti din ako at si Rell naman tumingin saakin na parang baliw

"Gian? Gwapo? Nasaan di ko makita!" Tapos nag palingon lingon pa kung saan.

Napatawa ako sa sinabi niya, siya lang ang bukod tangi kong kakikalala na kayang patawanin kahit anong sitwasyon. And I'm thankful for having a bestfriend like her.

Rell's POV

Promise ang gwapo ni Gian pag nakangiti. Nakakainis, kasi lalo lang akong na-attract, sapakin ko nga ng isa baka sakaling pumangit. Kaya nag lingon na lang ako, baka mamaya mahalikan ko pa tong mokong na ito.

"Tara, alis na tayo baka kasi ma-late pa tayo. Kaklase ka ba namin Angie? Natanong mo ba?" Tanong ko sa kanya habang tinitingnan yung phone ko kung may messages, pag katapos nung nilagay ko sa may bulsa ko at nag sagot si Angie

"Class 4-A daw ako. Hindi ko pa alam eh" Niyakap ko siya at ngiti ulit parang mag kaka cramps ako sa pisngi dahil sakakangiti eh. "Yehey! Classmates tayo! Oh diba Gian? Ganyan talaga mag katadhana yata kaming maging mag bestfriends!"

Kung todo man ang ngiti ko mas todo yung kanya. Napatigil ako at parang bumigat ang pakiramdam ko. Call it women's intuition pero parang may gusto ata si... ughh.. Paranoid lang ako, siguro excited lang din siya na kaklase namin si Angie.

"Let's go" Napansin kong wala saakin bag ko "Ui, mauna muna kayo kuwain ko lang bag ko" Tapos nag lakad na sila paalis. Bumalik muna ako sa room at kinuwa ang bag ko. Tapos sumunod ako sa kanila.

Nung nakaabot na ako sa kanila. Parang napatingin ako nag sandali sa kanila. Ang saya nilang mag kasama. Todo ang pag tawa nila. Parang bigat na naman ng nararamdaman ko,sumunod na lang ako at nasa likod nila ako. "Hoy, nakuwa ko na bag ko. Leggo, bruh, oh parang tawang tawa ata kayo?" patawa kong sinabi.

Nag ngiti si Angie habang natatawa pa ng konti "Eh kasi naman tong si Gian. kinukwento saakin nung unang beses kayo nag kakakilala" napangiti ako sa sinabi niya at tumugon

"Oo nga, Isang malaking pasalamat ko diyan. Kung hindi siya dumating baka dog food na ako ngayon" natawa ako at naalala ko na naman

*Flashback*

Nag lalakad lang ako sa may kalye, ng biglaan may asong humara sa daan ko. Bigla na lang nag babatok ito. syempre, natakot ako, kaya tumahimik muna ako nangingig na ang binti ko at ng tuluyan na akong natakot.

Tumakbo ako ng mablis na parang walang bukas, ng muntikan ng makaabot saakin ang aso. Ang lakas ng sigaw ko. Ano ba naman ito 6 years old pa lang ako, babawiin kaagad ang buhay ko.

Nag dasal ako sa isip ko "Lord, sana naman hindi pa itong katapusan ko. hu-hu" Biglaan may batang lalaki na pumigil sa aso at binato ito ng bato.

Napa luhod ako at tuloy nag iiyak , tapos may nag tapik sa balikat ko. "Okay ka lang ba?" Pinahid niya ang mga luha ako at nag tingin ako sa kanya "Mukha ba akong okay?" Nag ngiti lang siya at lalo akong napaiyak . Siya ang hero ko. And then I was inlove with him ever since  I can remember. 

*End of Flashback* 

*Napangiti ako sa ala alang iyon. Nakadating na kami sa room at nag lesson.  Ang boring eh.

 Tumingin na lang ako sa clouds sa may labas ang peaceful eh ang sarap tumambay. Nag ring na ule ang bell. YES! Lunch na din. Makakain na ako. 

Mag kasama uli si Angie at Gian. Parang nakakatamad lumapit. Pero nag pursigi parin ako. 

Naki sama na lang Ako sa usapan at ng nakadating na kami sa canteen, feel ko ang daming nakatingin.

Nung nag lingon ako narinig ko agad ang isa umimik

"Wow, parang model yung 3 pag mag kakasama, ang sarap titigan. Sino ba yung bagong girl?"

"Ay kiber! Hindi mo kilala si Angie sya. Angie Cabriga"

"Dude, ang ganda parin ni Rell eh

"Syempre naman, yan pa. Anghel yata yan sa buhay ko."  

"SHET!!! Ang gwapo ni Gian. Tingin ka naman dito oh!"

"Fafa Gian! KYAHHH!! Nakaka adik ang ngiti"

Ano ba ito? Parang maka pag imik artista kami. Tapos nung papunta na kami sa may bilihan para bumili. Nag hawi ang lahat! Ganon? Talagang hahawi?

Natawa ako. Kahit ganto na araw araw hindi pa rin ako nasasanay. Ng bibili na ako bigla akong natalapid dahil may paang naka harang. How dare him? Nadulas ang isang dyosa! Napatigil ako at agad agad hinarap ang gago na nag dapa sakin.

"Aray, ano ba? Sino ba ang taong hahara sa daan? Kuya, nag lolokohan tayo?"

Napatignin ako dun sa tao na tumulong sakin para tumindig.

Napatameme ako, at parang agad agad na nilumod ang mga salit ko. Una kong napansin ay ang katangkaran niya, siguro 6 ft something siya. He had almond eyes, auburn hair, strawberry red lips, and pale skin. Para siyang Calvin Klein na model. 

"Are you okay?" Ay ang ganda ng boses tapos english pa. Anak ng teteng naman o. Pero hindi! Kay Gian lang ako, pero ang gwapo talaga niya. Nakatitig pa rin ako sakanya, iniisip kung sino siya, but it doesn't ring a bell.

Naramdaman ko na namumula ang mukha ko, Sino kaya ito?

Continue Reading

You'll Also Like

3.6M 98.1K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
67.4K 3.2K 24
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...
335K 9.4K 39
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
4.9M 320K 73
He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are comp...