I Will Never Leave You [On-Ho...

By conceitted

21.9K 1K 333

Hindi lahat ng bagay ay madaling kunin. May mahirap at may imposibleng kunin. Ang mahirap kunin na bagay ay a... More

Pagtatatuwa
Prologo
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 6
Kabanata 6.5
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17

Kabanata 5

678 48 13
By conceitted

Pagkadating ko sa classroom, walang tao. Napaupo ako sa sarili kong upuan. Iniisip ko pa din kung ano yung sasabihin ni Alisa kay Stephen. Hindi ko alam kung bakit nagkakaroon ako ng kaba sa dibdib ko. Kutob ko ba ‘to o masyado lang talaga akong maarte?

Hanggang sa pumasok ang mga kaklase ko, hindi ko pa din nakakain ang pagkain ko kaya binigay ko nalang ito sa isa sa mga kaklase ko. Pagkadating ni Stephen sa loob ng classroom, pumunta kaagad siya sakin. Habang palakad siya papunta sakin, kitang-kita ko sa mga mata niya na ang saya-saya niya. Di ba dapat kapag nakikita mong masaya ang bestfriend mo, dapat maging masaya ka din. Pero baliktad yung sakin, takot at kaba yung nararamdaman ko.

Umupo siya sa tabi ko sabay sabi sakin “May sasabihin ako sa’yo mamaya. Magiging masaya ka talaga nito!” At agad siyang bumalik sa kanyang upuan. Habang nagdidiscuss ang guro namin sa harapan, hindi ako nakikinig. Yung sasabihin kasi ni Stephen ang tumatakbo saking isipan. Pagkatapos ng klase namin, oras na para umuwi kaming lahat. Dali-daling lumapit sakin si Stephen para sabihin ang magandang balita niya.

“Nica!  May sasabihin ako sa’yo”

“Oh ano naman yun?”

“Alam mo ba…. SINAGOT NA KO NI ALISA! OO! SINAGOT NIYA NA KO!” Oo lang ako ng oo sakanya. Hindi man lang ako nakapagsalita.

“Hoy! Ano ba? Hindi ka ba masaya para sakin?”

“Masaya. Masaya ako para sainyo”

“Grabe talaga kanina! Ito talaga yung pinakadabest na araw na nangyari sa buhay ko!” Ngiti lang ako ng ngiti sa harap niya. Nakiking lang ako kung gaano siya kasaya ngayon.

“Oh sige, aalis muna ako. Hahatid ko lang si Alisa sakanilang bahay. Kanina pa kasi niya ‘ko hinihintay dun eh” Agad siyang tumakbong paalis sakin. Masaya ako. Masaya ako kasi sa pangalawang pagkakataon, naramdaman kong seryoso siya sa isang babae. Pero hindi maalis sa isipan kong tanungin ang sarili ko na: “Bakit napakadali?” Bakit parang napakakonting panahon lang ang ibinigay ni Alisa kay Stephen? Bakit ganun kadali ang pagsagot niya? Hindi kaya huli lang akong malaman na nililigawan na pala ni Stephen si Alisa? Pero hindi eh.. Sa lahat ng mga babae ni Stephen… ako lahat ang nakakaalam kapag nililigawan o may gusto siya sa babae. Pinapaalam niya talaga lahat sakin. Pero kung naging huli man akong malaman yun… parang hindi naman ata kapani-paniwala yun.

Kinaumagahan, hindi ako pumasok sa umaga at ganun din sa hapon. Nawawalan ako ng ganang pumasok. Sa tingin ko, kailangan ko ngayong magpahinga muna. Nagadvance study na lang ako para hindi ako mahuli sa mga lessons na tatalakayin namin. Habang nasa kalagitnaan ako sa pagbabasa ng isang artikulo sa libro namin, merong nagdoorbell sa labas ng gate namin. Agad naman akong umalis sa kinauupuan ko at pumunta sa gate para tignan kung sino ang nagdoorbell.

Napaisip ako kung sino ang nagdoorbell, hindi naman pwedeng si Mama at Papa kasi busy sila ngayon sa trabaho nila at mamayang gabi pa sila uuwi at hindi din naman pwedeng mga kamag-anak ko kasi ang layo ng bahay nila sa bahay namin at tsaka bakit naman sila pupunta dito.

Bago ko buksan ang gate, huminga muna ako ng malalim. Natatakot kasi ako baka kung sino ang taong nasa labas; baka kidnapper o di kaya magnanakaw na papasukin ang bahay namin. Pagkabukas ko, nagulat ako nang nasa harapan ko si Stephen, nakasuot ng isang itim na t-shirt, nakashorts, at nakashades. At meron pa siyang  dalang pagkain, napakadaming pagkain.

“Oh bakit ka napunta dito?” Tanong ko naman sakanya

“Bakit ayaw mo bang pumunta ako dito?”

“Hindi naman sa ganun.. pero hindi ka ba pumasok ngayon?”

“Hindi. Ayoko kasi pumasok ngayon. Tsaka  absent ka din di ba? Besides, absent din naman si Alisa kaya wala akong makakasamang iba dun” Agad siyang pumasok sa bahay ng hindi man lang nagpaalam. Sumunod ako sakanya sa pagpasok sa bahay.

Pagkapasok ko sa kinauupuan ko kanina, andun na siya, nakapatong ang kanyang paa sa mesa namin. Feel at home din kasi si Stephen tuwing pumupunta sa bahay. Umupo ako sa tabi niya.

“Bakit? Yung ibang barkada? Hindi mo ba kayang sumabay sakanila?”

“Nakakasabay din pero gusto ko lang talagang mag-absent ngayon. Tsaka teka lang, bakit ka ba nagabsent?" Natagalan ako ng ilang segundo bago nakapagsagot. Hindi ko kasi alam kung ano yung isasagot ko. Ayoko naman kasing sabihin sakanya na nagabsent ako kdahil trip-trip ko lang. Parang hindi naman justifiable yun.

"Uhmm.. Medyo sumama kasi yung pakiramdam ko kaya hindi ako nakapasok. Tsaka sabi ko, bukas nalang ako papasok kasi magpapahinga pa 'ko ngayong hapon. Pero dahil dumating ka, naistorbo mo yung pagpapahinga ko kaya... Maraming salamat"

"Grabe naman 'to kung makapagsalita. Edi aalis nalang ako." Akma sana siyang aalis kaso pinigilan ko siya. Natawa nalang ako sakanya

"Eto naman, parang hindi mabiro. Pero teka, bakit ako yung pinuntahan mo? Pano si Alisa? Di ba absent din siya?" 

"Pupuntahan ko sana siya kaso nga lang, hindi ko macontact kaya ikaw nalang yung pinuntahan ko." At nangilay pa siya sakin

"Edi sana pinuntahan mo nalang sa bahay nila. Eto naman!"

"Eh hindi ko naman alam kung san bahay nila. Bakit ba gustong-gusto mo kong pumunta kay Alisa? Pinagtatabuyan mo na ba 'ko? Hindi mo na ba 'ko mahal?" Tila yatang nagmamakaawa pa ang mukha niya.

"Hay naku. Huwag kang magdrama sa harapan ko."

"Bakit? may-iba ka na bang mahal? Sino? May boyfriend ka na ba? Ay! Nakalimutan ko, wala ka pa palang boyfriend kaya ako pa din ang mahal mo." At nagpacute pa sa harapan ko.

"Grabe. Ang feeler mo ha. Tsaka hindi kagaya mo, hindi ko naman priority ang pagboboyfriend. Studies ang priority ko ngayon. Wala nang iba. Tsaka ikaw kasi paiba-iba ka ng babae araw-araw. Kung san maganda dun ka. Kung san may magadang katawan ay naku siguradong dun na dun ka talaga. Nauna pa ang mukha kesa pagkilala sa tao. Itigil mo nga yan."

"Uy! Uy! Hindi ako ganyan 'no! Bitter ka lang kasi walang nagkakaroon ng lakas na ligawan ka. Hahahaha"

"Eh wala naman kasi akong pakialam kahit walang nanliligaw sakin. At kung meron man, siguradong basted agad."

"Grabe napakaarte mo talaga pagdating sa lalake."

"Siyempre, kailangan talaga maging maarte ako sa pagpili ng lalake. Baka yun na kasi ang makakasama ko sa buhay. Kung agad-agad kong sasagutin ang isang lalaki na hindi ko pa lubusang nakilala, bawat araw sa relasyon namin , dun nalang lalabas ang totoong siya na hindi ko pa nakilala habang nanliligaw siya sakin. Mas mabuting pahirapan ko muna ang isang lalake para malaman ko kung saan ang kaya niya!"

Natahimik lang siya sakin at agad nagpalakpak sa harapan ko. "Grabe, Ang galing! Pwede na nating pangalan yan na, "Nica's word of wisdom" Nagroll nalang ako ng eyes at agad namang tumawa sakanya.

Wala kaming masyadong ginawa sa bahay. Kumain lang kami ng dala niyang pagkain. Madami yung dinala niang pagkain kaya natagalan kaming ubusin. Naglaro din kami ng video games, talo lang kami ng talo habang naglalaro. Nakakatawa at napakasaya talaga ng araw nito.

Kinaumagahan, pumasok na ako kasi panay text ng text ‘tong si Aubrey na kailangan ko na daw pumasok kasi may sasabihin daw yung barkada. Pagkadating ko sa classroom, sinalubong nila ako. Akala ko kung ano yung sasabihin nila, tungkol pala si Christmas Party namin. Napag-usapan daw ng barkada habang wala ako na nitong linggo na namin ididiriwang yung party.

Pero may karagdagang sasabihin pa daw ‘tong si Aubrey sakin. Sabi niya, badtrip daw siya kahapon habang wala ako kasi gustong isama ni Stephen si Alisa. Hindi din kasi feel ni Aubrey si Alisa. Nalaman niya daw na sumama ang pakiramdam ko kahapon kaya akala niya hindi na 'ko makakasama. At sana magdedesisyon din siya na hindi din siya sasama. Ayaw niya daw pagtiisan ang buong araw na si Alisa ang kaharap. Ako naman tawa lang ng tawa sakanya.

“Alam mo kasi Aubrey, magkaibigan tayong lahat dito. Di ba sabi niyo nga lahat ng mga girlfriend at boyfriend ng barkada, eh barkada na din natin? Tsaka kahit hindi natin feel si Alisa, o sabihin nalang natin na, hindi pa siya natin lubos nakilala, hindi pa din natin pwedeng pigilan si Stephen. Hindi lang naman atin ang party  na to eh, sa buong barakada 'to. Kaya, wala na tayong magagawa dun.”

“Walang magagawa? Oh ayaw mo lang makialam sakanila dahil kaibigan ka lang? Alam mo Nics, napansin ko lang ha. Ikaw lang siguro yung nag-iisang kaibigan sa buong mundo na may limitasyon ang pagkontra mo sa kanyang kaibigan. Kung alam meron kang hindi sinasang-ayunan na bagay, sabihin mo din sakanya hindi yung siya nalang palagi. Kulang nalang gawin ka niyang yaya at bodyguard sa tabi niya eh!" Medyo natigilan ako sa sinabi ni Aubrey. Kung sa bagay, may point naman siya eh. Pero basta, ayoko munang mag-isip ng mga kung ano-ano. Baka kasi kung san pa humantong ito.

"Oh bakit ka natahimik diyan?"

"Uhmm. wala-wala.."

"Sige ganito nalang, sa darating na Christmas Party, huwag kang umalis sa tabi ko ha! Dapat palagi tayong magkasama! Tsaka kung gusto mo, hawakan mo din yung mga kamay ko para hindi ko masaktan yang Alisa!" Tumawa nalang sakanya.

Pagkatapos ng klase, maaga kaming umuwi lahat (yung barkada lang) kasi may party pa kami bukas. Pansamantala muna namin sinakripisyo ang mga gawain para makapaghanda. Pero aalis na sana kami pero biglang nagpatawag pa si Kael.

Speaking of Kael, medyo naging okay na yung pagsasama namin. Hindi kagaya noon, na minsan lang kami magusap. At kung mag-usap man kami, banatan lang yung ginagawa naming dalawa. Napagtanto ko na, masaya pala siyang kasama at napakamaalaga.

“Guys, sorry ha. Alam kung gusto niyo ng umuwi kasi maghahanda pa kayo pero tanong ko lang kung gusto niyo bang magovernight bukas? Tutal Saturday naman bukas at pagkanext day, Sunday. Tsaka inannounce naman kanina na walang pasok sa Monday di ba?”

Yung ibang barkada, atat na atat na kasi gustong-gusto daw nila. Siyempre napapayag na din ako. Kesa naman hindi ako pumayag at baka umuwi ako ng bugbog-sarado sa mga buwelta ng mga kaibigan kong 'to.

"Huwag na kayong mag-alala kasi I talked to my tita kanina. Sabi niya, dun nalang tayo sa resort nila. meron din namang rooms dun. At wala na tayong sasagutin sa bayad sa resort at transportaion except for the foods at mga kung anong gagastuhin natin. Tomorrow kailangan, 5AM andun na lahat sa bahay. Andun din kasi yung mga sasakyan na maghahatid satin."

Salamat at wala na kaming poproblemahin kasi okay an yung transportation namin, which is sagot na ni Kael.

Magkasama na kaming umuwi lahat maliban kay Stephen. Dinala niya kasi ang sasakyan para mahatid-sundo niya si Alisa.

“Alam mo Nics, okay na sana yung overnight eh! Pero makakasama pa natin yang Alisa na yan sa iisang room? No way!”

“Ang arte-arte mo talaga. Parang kung aanuhin ka naman ni Alisa. Tsaka, huwag na huwag kang mag-alala kasi sigurado namang magkakatabi tayo sa iisang kama."

“Tatandaan ko yan ha! Tabi tayo!”

“Oo naman tsaka sino pa ba yung itatabi ko? Ikaw lang naman.”

Nung nakarating na ‘ko sa bahay namin, nagsimula na akong magimpake. Yung problema ko nalang sa ngayon, kung pano ako magpapaalam kay Mama at Papa na magkakaroon ng overnight. Natatakot kasi ako. Alam ko kasing hindi nila ako papayagan.

Habang nagiimpake ako, yung laman ng utak ko, kung pano ako papayagan ni Mama at Papa. Hanggang sa pumasok sa isipan ko si Stephen. Tutal alam ko naman na kung kay Stephen, sigurado na papayagan ako ni Mama at Papa.

Tinawagan ko si Stephen na kung pwedi, kausapin niya muna si Mama at Papa tungkol sa overnight.

“Ano ba yung sasabihin ko kay Tita tsaka Tito?”

“Basta sabihin mo nalang na kung pwedi akong magovernight tsaka andiyan ka naman para bantayan ako. Sabihin mo din na safe din yung resort na pupuntahan natin. Kilala kasi ng isa nating barkada. Please Steph kahit ngayon lang, sana pagbigyan mo 'ko”

"Oh sure" Agad niyang binaba ang phone niya.

Di katagalan, tumawag sakin si Stephen na okay na. Pumayag na si Mama at Papa na magoovernight ako. Hindi ko alam kung ano nanamang pakulo o diskarte ang kanyang ginawa at napapayag niya si Mama at Papa sa ganung kadali. Masaya ako kasi pinayagan ako ni Mama at Papa.

Pagkatapos kong magimpake, masaya akong bumaba para kausapin si Mama at Papa. Nasa kusina silang dalawa. Si Mama naghahanda ng mga plato at baso na ilalagay sa mesa. Si Papa naman nagluluto ng ulam namin para sa hapunan.

"Mama Papa thank you talaga ha!" 

Napatigil naman silang dalawa sa sigaw ko. “Basta huwag kang gumawa ng kung ano-ano dun ha. Ay naku! Hindi namin alam ng Papa mo kung ano ang gagawin namin kapag may masamang mangyayari sa'yo dun”

"At talagang ginamit mo pa si Stephen para payagan ka ha. Pwede mo naman kasi kaming kaupsan ng Mama mo. Hindi yung iniistorbo mo pa yung kaibigan mo." Sabi naman ni Papa sakin 

"Ehhh.. Mama Papa naman eh. Natatakot kasi ako. Akala ko hindi niyo kasi ako papayagan kaya sinabihan ko nalang si Stephen na siya nalang mag-usap sainyo." Masamyo ko namang sinabi sakanila.

"Pinapasabi din anak ni Stephen, na maaga ka niyang susunduin bukas.Halika na, maupo ka na dito, kakain na tayo. Malapit nalang maluto ang niluluto ni Papa mo" Umupo na 'ko sa upuan. Agad hinanda ni Papa ang ulam namin. Pocherong baboy. Kahit kailan talaga, napakasarap magluto ni Papa. Pagkatapos kong kumain, natulog kaagad ako. Oo, maaga akong matutulog ngayon. Sabi kasi ni Mama na maaga ako susunduin bukas ni Stephen. Kapag sinabing maaga, maaga talaga akong susunduin ni Stephen niyan. Ewan ko pero tuwing may pasok, palagi nalang late pero kung may mga ganitong selebrasyon, napakaaga at excited.

Pagkahiga ko sa kama napaisip ako na exciting talaga ang mangyayari bukas. Lord sana po walang mangyaring masama samin bukas, sana enjoy-enjoy lang. Thank You Po! 

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.2K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...