Chapter10: when she got angry...
Keisha POV:
Back to normal na ulit kaming dalawa ni summer, at pagsinabi kong normal ay ibig sabihin ay balik na naman sya sa walang sawang pang aasar at pang iinis nya sa akin. Ang paminsan minsang pagka sweet at pag susungit nya. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa or what kasi minsan nakaka badtrip na din=_= pero siguro okay na din to, kasi mas parang hindi ko kaya na hindi nya ako pinapansin.
"Ano friend? nakatulala ka na naman dyan." Pambabasag saakin ni bridjie Martin. Ang pinaka maarte kong kaibigan=_=
"Haha. Paano e malamang iniisip na naman nya ang one and true love girlfriend nya." At syempre eextra ang mapang asar kong kaibigan na si yumiko jung. Ang half korean, 1/4 alien at 1/4 ususyerang froglet na best friend ko^^v
"Tsk! Basta friend once na pinaiyak o niloko ka nyang girlfriend mo sabihin mo lang saakin huh? Ako nang bahala." Nakakatakot na sabi ni Christina demonise. Bagay na bagay talaga ang surname nya sa kanya kasi may lahi yata itong demonyo=_= pano ba naman ay mayat maya ang pagka sangkot sa mga kaguluhan! isama pa ang walang sawang pang tri trip at pang pa prank nya. Pero pasalamat na din kami sa kanya kasi wala manlang naglalakas na pagtripan kami.. nako takot Lang nila sa warfreak kong kaibigan^^
"Guys tama na yan, minsan na nga lang natin maka sama si kei ganyan pa kayo." Syempre kung may maarte, mapang asar at warfreak akong kaibigan syempre hindi mawawala ang peacemaker namin! Nako pasalamat nalang talaga kami na merong cloe sanjose na naligaw sa group namin dahil kung hindi..malamang mas malalalang problema ang meron kinakasangkutan namin palagi.
"Eh pano kasi eto, di nag uusap!" Pagsusungit ulit ni bridjie.
Sinamaan ko naman sya ng tingin>,> "sige nga, pano ako mag sasalita kung walang tigil ang pagsasalita mo?!" pagsusungit ko dito.
"Haha, supalpal ka pala kay miss sungit e!!" Tatawa tawang sabi ni yumiko kaya naman sinamaan agad sya ng tingin ni bridjie.
"Tse! Isa kapa , tumigil ka dyan kung ayaw nyong paalisin ko kayo dito." tumigil naman ito at pero hindi pa din nag papiit at bumulong bulong kahit rinig din naman namin=_=
"Sabihin mo na kasi ang gusto nilang malaman kei para makaalis na din kami at alam kong busy kapa dito sa taping nyo." Malumanay na sabi ni cloe. Napabuntong hininga naman ako at wala ng nagawa kung hindi mag kwento tungkol sa mga nakaraang araw na nakalipas.
Kwinento ko lahat sa kanila ang about sa lahat lahat ng nangyari. Kahit ang asaran , kulitan, at kung ano ano pa. pati na din yung hindi pag pansin sa akin ni summer dahil kay angela.
confident naman ako na hindi nila ako ilalaglag dahil sa tagal ba naman ng pinagsamahan namin e. Simula daycare ay kami na ang magkakasama, same age lang kasi kami , same school lang din ng pinapasukan at nakatira pa sa iisang subdivision kaya napatropa kami sa isat isa. Mag kakasama na kami sa lahat ng kalokohan at problema sa buhay kaya kahit minsan ay nakaka badtrip na sila ay mahal na mahal ko pa din yang mga yan.
"Gosh!! Nagseselos sya kay angela?! Haha, nako tinamaan na sayo friend ang asian badgirl!" Parang kinikilig na sabi ni bridjie.
"HaHa~~ kaya nga friend!! Nako, kinikilig ako." Sabi naman ni Christina.
"Basta friend, balitaan mo nalang kami sa kung kelan ang kasal!!" Sabi naman ni cloe.
"Uyyy~~ kinikilig sya." Extra naman ni yumiko.
Namula naman ako dahil sa pang aasar nila. kahit anong pilit kong pagpapaliwanag na mali ang iniisip nila ay hindi nila ako pakinggan. Tsk tsk tsk=_=
Lumipas pa ang ilang sandali ay natapos na din ang 'torture nila saakin.' Kaya hinatid ko na sila at habang pabalik na ako ay napaisip ako. 'Totoo kaya na nagseselos sya? Pero hindi naman yata posible yon dahil alam naman namin pareho na 'pagpapanggap' lang ito. Pati imposible naman na magselos ang isang summer haze diba?! Duh~~ ni hindi nga yun bisexual e=_='
Huli na ng mapansin kong may nabangga na pala ako at dahil sa lakas ng impact ay naout balance ako. Pinikit ko na ang mata ko at hinintay na saluhin ako ng matigas na flooring pero isang malambot na braso ang sumalo saakin.
Unti unti kong iminulat ang mata ko at isang pares ng magagandang mata ang nakita ko. "Ang clumsy mo naman." Tatawa tawang sabi nito.
"Sorry, may iniisip lang ako." At doon ko lang napansin kung gaano kami kalapit sa isat isa.
Dahil nga nahulog ako at sinalo nya ako ay nakapulupot ang isang braso nya sa bewang ko. medyo naka lean in din sya saakin. Aalis na sana ako sa awkward position namin ng maramdaman kong may humila sa akin at kinaladkad ako palayo kay angela.
Medyo mahigpit din ang hawak nya sa braso ko at mabilis ang paglalakad nya. "Ano ba summer, nasasaktan ako. Bitawan mo nga ako."
Pero hindi ito nakinig saakin at dinala lang ako sa isang kwartong walang katao tao.
Kinabahan naman ako lalo ng ilock nya ang pinto at tiningnan ako ng masama. "A-ano na naman ba to summer?" Kinakabahang tanong ko pero hindi sya sumagot at imbis ay lumakad lang ito papunta sa pwesto ko.
"Di ba sinabi ko sayong ayokong nakikipag usap ka sa kanya." Seryoso at may diing sabi nya sa akin.
Kinabahan naman lalo ako ng unti unti na itong lumalapit sa pwesto ko. Kaya naman ang ginawa ko ay umatras din ako palayo sa kanya dahil sobrang nakakatakot talaga ang itsura at aura nya ngayon.
"O-oo per---" kinakabahang sabi ko pero hindi na nya ako hinayaang makapagpaliwanag.
"Alam mo namang ayokong sinusuway ako diba?" Nadun pa din yung nakakatakot na aura nya kahit sa mahinang pagsasalita nito.
"Alam ko p----" sa ikalawang pagkakataon ay hindi nya ako pinatapos at nag patuloy na agad Ito.
Mas lalo naman akong kinabahan lalo na ng dumikit na ang likod ko sa pader at wala na akong maatrasan.
"Alam mo naman na girlfriend kita diba? At anong gusto mong isipin ng mga tao kapag nakita nila kayo sa ganong pwesto?!" Medyo tumaas na ang boses nito at ngayon nga ay tuluyan na syang nakalapit saakin. Natakot naman ako ng makita kong itinaas nito ang kamay nya , napapikit ako lalo dahil akala ko ay sasaktan na nya ako pero lumipas ang ilang sandali pero wala pa din akong naramdaman.
Napalunok muna ako bago kinakabahang nagmulat ng mata. Gusto ko na sanang pumikit ulit nang makita kong nanlilisik ang mga mata nito sa galit. Napansin ko naman na ang isang kamay nya ay nakalagay sa gilid ng mukha ko na parang ikinukulong nya ako.
"Summer... nagkakamali ka, mali talaga ang iniisip mo.." halos hindi na ako makahinga sa sobrang kaba dahil first time ko syang nakitang ganito.
"Anong mali?! Wag mo akong gawing tanga keisha! Alam ko ang nakita ko! " sigaw nito.
"Please believe me summer, mal-----" Hindi na nya ulit ako hinayaang magpaliwanag nang maramdaman ko nalang ang marahas na paghalik nito saakin..
Sa halik na yon naramdaman ko ang galit nya, hindi ko na rin sya nagawang pigilan. tinanggap ko ang bawat halik nya kahit sobrang nasasaktan ako.
Napapikit nalang ako at hinayaang dumaloy ang luha ko.
Maya maya pa ay tumigil na ito kaya nag mulat na ako. Nakita kong parang naging soft na ang mukha nya. Maging ang nakakatakot na aura nito ay naglaho nadin.
Magsasalita na sana ako ng yumuko Ito bago nagmamadaling tumakbo. Gusto ko man syang pigilan at magpaliwanag pero nanghihina na ako kaya naman hinayaan ko nalang ang sarili kong mapaupo sa flooring..
"Summer..." mahinang bulong ko habang tahimik na umaagos ang luha ko.
................
Maagang natapos ang taping namin dahil bigla na lang nawala si summer kanina. kaya naman na kanina pa ako nakakulong sa loob ng kwarto ko.
*ding dong* narinig kong tunog ng doorbell namin. Napatingin naman ako sa orasan ko. 'Gosh?! Sino ba namang matinong tao ang bibisita saamin ng alas dose ng gabi , idagdag pa ang malakas na ulan?!
badtrip na tumayo ako bago lumabas ng kwarto ko. Sinilip ko muna sa peep hole ng main door namin bago buksan ang pinto. At halos manlaki ang mata ko ng mapagsino ang taong nasa tapat ng pinto namin ngayon.
Agad ko namang binuksan ang pinto lalo na ng makita kong nanginginig na ito sa lamig dahil basang basa ito. "S-summer?" sabi ko.
Nakita kong nag angat ito ng tingin bago alanganing ngumiti saakin..
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko pero nabigla nalang ako ng maramdaman ang yakap nya.
"Sorry..." mahinang sabi nya. At mas lalo pang humigpit ang yakap nya saakin.
Wala na din akong paki kung nababasa na din ako, basta niyakap ko nalang din sya. "Sorry, im really sorry." Sabi nya at naramdaman ko nalang ang mahinang pag alog ng balikat nya kasabay ng mahinang hikbi nya.
'umiiyak sya?' Niyakap ko nalang ulit sya at sinabing okay lang pero sya ay paulit ulit lang humihingi ng tawad dahil daw sa ginawa nya.
Hindi ko alam kung gaano na kami katagal sa ganung pwesto pero ang alam ko lang ay hindi ako nagagalit sa kanya. Lalo pa ngayon at nalaman ko kung gaano sya nag sisisi sa kanyang nagawa..
............
:Jhaydee<3