Killer-killer

By charamelwrites

65K 481 67

Diane Perez would occasionally find murders in her school. She has to find out who's the killer before everyt... More

Killer-killer
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
2021 update

Chapter 5

2.2K 70 23
By charamelwrites

Chapter 5

Diane's POV

Kinakabahang nakangiti ako habang hawak-hawak ang braso ni Danielle. Tumigil kami sa harap ng isang table kung saan nakaupo sina Tiara, Renz, Ara, Rizia at Robert.

"Guys, simula ngayon.. kaibigan ko na siya. Kaya't gusto ko, kaibigan niyo rin siya"

Nanlaki ang mga mata nila sa sinabi ko.

"Nababaliw ka na ba Diane?" gulat na tanong ni Tiara.

"Hindi ka ba natatakot na mapaalis sa eskwelahang to??" tanong naman ni Rizia.

"Wag kang magtiwala sa kung sino-sino lang, Diane" seryoso namang sabi nI Robert.

"Ano ba naman kayo! Ang ha-harsh niyo naman! Okay lang ako bilang kaibigan mo, Danielle" mahihin na sabi naman ni Renz.

Parehas na lumiwanag ang mukha namin sa sinabi niya. Nakuu! Kay bait na bata naman pala neto eh.

"Kahit sino, kaibigan ko!" nakangiting sabi naman ni Ara. Hay salamat! Nakakagaan pala ng loob tong ginagawa ko!

Mahabang katahimikan ang namanlagi bago nagsalita si Tiara. "Ganon ba? Edi okay lang rin sakin na maging kaibigan ka! Basta libre mo kong pagkain ha??" nakangiting saad ni Tiara.

Nginitian ko naman siya. Nakatingin na ako ngayon kay Rizia.

"Hay! Sige na nga! Wala naman atang masama sa pakikipag-kaibigan eh"

Kay Robert na kaming lahat nakatingin. "Bahala kayo" simpleng sabi niya.

Tuwang-tuwa ko namang tinignan si Danielle. "Tanggap ka nila! Welcome to the group, Danielle" nakangiti kong sabi.

Maya-maya ay tumulo na naman ang mga luha niya. "Salamat. Salamat talaga Diane. Patawad sa mga nagawa kong kasalanan sa iyo"

Pabirong binangga ko siya. "Sus! Past is past na noh! Tara! Kain na tayo!"

Papunta na sana kami sa counter nang marinig namin ang malalakas na sigawan ng mga estudyante.

"Anong nangyayare?!" natatakot na sabi ko. Fudge. Parang may ganito ng nangyari ha?

Kumunot ang noo ni Renz. "Halika, lapitan natin" sabi niya at hinila ako. And guess what? HAWAK-HAWAK NIYA ANG KAMAY KO.

Pagkarating namin doon, may naamoy akong pamilyar na amoy.

Amoy patay

Itong amoy na ito ang naamoy ko noong natagpuan kong patay si Hans.

Dahil doon ay nagsitayuan ang mga balahibo ko. Sana mali nasa isip ko..

Kumpulan ang mga estudyante sa counter kaya't kailangan pa naming makisiksik. Nakaabot na kami sa pinaka-unahan at pinagtanungan ko ang pinakamalapit na estudyante.

"Ano pong nangyare?"

Tumingin sa akin ang estudyante. "M-may.. natagpuang putol-putol na katawan daw sa loob ng ref"

Nanlaki ang mata ko sa narinig. Putol-putol? Ang brutal naman nun!

"As in?" natatakot na tanong ko. Tumango naman siya na parang natatakot rin.

"Kilala niyo po ba kung kaninong katawan iyon?" Malungkot na umiling naman siya bilang sagot.

Nagsidatingan na naman ang mga pulis kaya't pinalabas kaming lahat ng mga guro at mga officers ng eskwelahan.

Nakarating na kaming lahat sa sari-sarili naming classroom at kinakabahan pa rin ako.

"Wow. 2 dead people in 4 days. How lucky are we?" sarkastikong sabi ni Pres.

"Natatakot na ako~" madrama namang sabi ni Jeravem, isa sa mga tauhan ni Pres.

Napaupo ako sa upuan ko at malalim ang inisip. Bakit ganito? Anong nangyayari sa eskwelahan namin?

Sino ba ang pumapatay? Bakit hindi siya mahuli-huli ng pulis?

Sana, hindi kaklase namin ang namatay. Hindi ko na kaya yon. Isa pa nga lang ang nawawala ay sobrang takot na takot na ako.

Putakte. Andami kong tanong ngunit kahit isa ay hindi ko masagot.

Tumabi sa akin si Tiara. Doon siya umupo sa upuan ni Karl dahil absent ata si Karl ngayon.

"Grabe Diane. Parang hindi ko na kaya. Andaming natatagpuang patay ngayon. Mamaya, ako na pala ang susunod" naiiyak na sabi niya. Nginitian ko naman siya.

"Sus! Ikaw? Hangga't di pa ako namamatay, hinding-hindi ka nila mahahawakan noh! Ako pa, tagapagtanggol mo kaya to" nakangiti kong saad.

Pinunasan niya ang luha niya at nginitian rin ako. "Salamat Diane"

Maya-maya ay pumasok na ang adviser namin sa classroom. Malungkot siya at namumula ang mata na para bang kagagaling lang sa pag-iyak.

"C-class.. I have bad news. Yung natagpuang patay sa canteen.. at ang kaklase niyong si Karl Dominguez"

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Yung taong akala ko absent lang ngayon, patay na pala?

Di ko maiwasang mapaluha. Ang sakit na ng ulo ko grabe. Hindi ko kaya ang ganito.

Bigla akong natakot. Ayaw kong sumunod. Please. Ayoko pang mamamatay. Sana wala ng kaklase naming susunod dito. Ayoko na. Tama na..

 Karl's POV <Point-of-view ni Karl habang pinapatay siya. Hindi siya yung unknown na character sa last chapter dahil..

Clue: Babae po ang pumatay. >

Nanginginig ako habang tinitignan siya.

Hindi ko na siya kilala... parang.. nag-iba siya. B-binago ko siya.. Ako ang nagsira sa pag-iisip niya. Isa na siyang baliw sa harapan ko. Isang mamamatay-tao..

Pagod na pagod ako ngayon. Puno ng bubog ang katawan ko at hindi na maigalaw ito maging ang kanan kong mata dahil nabahiran din ito ng bubog.

Sobrang hapdi. Kailanman ay hindi ko ninais na makaranas ng ganito.

Tumawa siya na para bang nasisiyahan na kinatatakutan ko siya ngayon.

Napaiyak na ako habang pinapanood siya na magbalak ng masama sa akin ngayon.

Sana pala.. hindi ko na lang siya ginalit. Sana hindi ko siya ginawan ng masama.. pati na rin ang kapatid niya. Dahil ito ang kapalit.

Tumawa ako ng mapait. Karma nga naman. Naging makasalanan at makasarili ako. Kailangan ko itong pagbayaran.

May gusto akong aminin sa kanya.

Na sa kabila ng paghihirap ko sa kanya, minahal ko siya. Kaya ko nga siya pinahihirapan eh! Dahil minahal ko siya!

At ang naisip ko na solusyon para maalis ang mga nararamdaman ko para sa kanya, ay tratuhin sya ng ganito. Pero.. wala na. Wala na ang lahat.

Lumingon siya sa paligid na para bang may hinahanap.

Nahagip ng kanyang mata ang isang kuminang na bagay sa kanan niya. Nilapitan niya ito at bahagyang napangiti nang nakita niya kung ano ito. Itinaas niya ito at nakaramdam ako ng takot pagkakita ko sa bagay na iyon. Isang chainsaw.

F-ck.  Malapit nga lang kami sa gubat. Malamang may mga taong nagi-illegal logging dito.

Pinaandar niya ito at tumawa siya ng mapagalamang gumana ito.

Lumapit siya sa akin at itinapat ito sa leeg ko.

"Paalam.."huli niyang sabi habang nakangiti.

Someone's POV < Identity of this person would be revealed later on in the story =))>

Pinapanood ko siyang patayin ang sarili niyang kaklase. At ang taong minahal niya.

Mas natuwa ako habang dahan-dahan niyang pinuputol ang ulo ng minamahal niyang kaklase.

Nang tuluyan na siyang nakaalis ay binuhat ko na ang putol-putol na katawan at inilagay sa isang sako. Tsaka ako naglakad papuntang school habang sumisipol. 

 

~So what we get drunk?

So what we smoke weeds?

We're just having fun..

We don't care who sees..~

 

Itinago ko ang sako sa loob ng ref ng canteen at tsaka na umalis sa lugar na iyon.

 

Bumalik ako sa hideout namin at nakita ko si dos na nagsusulat sa isang papel. 

 

"Hoy. Anong ginagawa mo?" tanong ko sa kanya. Hindi niya ako pinansin at patuloy pa rin siya sa pagsulat ng kung ano man ang isinusulat niya. 

 

Lumapit na lang ako at sinilip ang papel. Rule. 

 

"Tss... rule? Rule saan? Sa laro? Siguraduhin mong matino yang rule na yan."

 

"Eto. Tignan mo nga kung ok na to." nakangiti niyang saad.

 

Rule:

PARAMIHAN NG MAPAPATAY.

 

"Oy, gusto ko to. Tamang-tama lang" nakangiti kong sabi.

 

Biglang pumasok sa pintuan si uno. "San ka galing?" tanong sa kanya ni dos.

 

"Malapit na yung camping" nakangiting sabi ni uno. Oo nga noh. Magsisimula na talaga ang laro. Maghintay kayo 10-Neon. Wag masyadong atat.

Diane's POV

Tahimik ang klase dahil nagdadasal kami ng taimtim para sa mga kaklase naming sumakabilang-buhay. 

 

"Amen..." 

Lumabas na ang adviser namin at muling nag-ingay ang klase. Parang normal lang ang lahat. Tulad ng dati ay may mga nambubully. May mga nag-aaral. May mga nang-aasar. May mga nagP-PBB teens. May mga nangungulangot. At iba pang eksena na makikita mo sa isang normal na classroom. 

Umaakto sila na para bang walang nagyari. Na para bang walang nabawasan sa klase.

Tumunog na ang bell.

Uwian na namin at paalis na sana kami ng pumasok sa loob ng classroom ang adviser namin. "Class.. congrats! Kayo ang napiling klase na mag-camping for three days dito sa school. Alam niyo namang walang pasok next week because malapit na ang halloween, right? So sino sa inyo ang hindi sasama sa camping?"

Walang nagtaas ng kamay. "Okay. It's settled. Sasama kayong lahat bukas" sabi niya sabay alis. 

 

"Wooh! Camping bukas! Free from schoolworks!" nakangiting sabi ni Tiara. 

Lumapit na sa akin ang barkada. Nagusap-usap kami tungkol sa camping na magaganap bukas.

Camping? Bukas? 

Pakiramdam ko.... may hindi magandang mangyayari. 

 

"Hoy mga etsusera! Bakit niyo kasama ang mamamatay-tao na yan?" tanong sa amin ni Raniel. Napayuko na lang si Danielle dahil sa narinig. 

 

"Masama ba? Wala kayong pruweba na siya ang pumatay kay Hans at wala din kayong karapatan para pagbintangan siya ng ganyan. Malay mo nga, ikaw ang mamamatay tao dito at ipinapasa mo lang kay Danielle ang kasalanan mo."

"Makakaganti ako sayo, Perez. Maghintay ka lang" galit na sabi sakin ni Raniel at umalis na.

 

"Meow.."

Continue Reading

You'll Also Like

3.2K 337 20
Halos mag da-dalawang taon ng namamalagi si Scarlet dito sa Earth, nagbabakasaling mahahanap niya ang taong makakatulong sakanya na makabalik sa bitu...
24.8M 1.1M 123
The third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1...
60.6K 757 108
All written here are from the famous page named SPOOKIFY✔ Art by Charlene B. Payawal FB: LJVKnight
7.4M 30.4K 5
Do you believe in magic? In Wizards, powers, dragons, fairies, and princesses? If your answer is YES, then read this story. Highest Rank in Fantasy #...