Happy Ever After Still Exist

By bebebooooo

1.6K 24 0

Anong gagawin mo kung mainlove ka sa isang torpe? Handa ka bang gumawa ng first move? o hihintayin mo na lan... More

Happy Ever After Still Exist
Chapter I - Meet Margaret del Carlo
Chapter II
Chapter III - Friday is hart hart :)
Chapter IV - Throwback
Chapter V - Hide and Seek
Chapter VII - Pa-fall?
Chapter VIII - Chloe's Plan
Chapter IX - Truth or Dare?
Chapter X - Bestfriend Zoned.
Chapter XI - In his arms
Chapter XII - Bitterness
Chapter XII - Start of something new
Chapter XIII - Mcdo
Chapter XIV - Close To You
Chapter XV: My slave or His girlfriend?
Chapter XVI: Paano?!
Chapter XVII: Meet the family
Chapter XVIII: 4r4y k0h bh3 XD
Chapter XIX: Diary ng torpe
Chapter XX: Hu u?
Chapter XXI: Da moves ng torpe
♬ Chapter XXII: Happiness ♬

Chapter VI - Jeepney <3

94 1 0
By bebebooooo

Sa loob ng Jeep

Margaret's POV

Medyo matagal na din kameng andito sa jeep, nakaupo kame sa dulo ng jeep magkatapatan kame.

.

Ang Akward ng feeling wala man lang nagsasalita saming dalawa, si Calvin nakasandal lang hindi ko makita masyado yung mukha nya kase medyo madilim at hindi kame masyadong abot ng ilaw ng poste.

.

Hindi ko na kaya tong katahimikan na to! kaya naisip ko sayang naman siguro yung pagkakataon kung wala akong gagawin.

.

" Calvin " medyo pabulong kong tawag sakanya

.

" Hmmm.. ?? " - Calvin

.

" Wala naman, akala ko kasi tulog kana " - Ako

.

" Bakit Marga natatakot ka ba? " Humarap sakin si Calvin at kita kong nakangiti sya sakin, sheeeemay nagwawala nanaman ang puso ko! hay nako Marga kalma!

.

" Ah.. eh di naman! bakit naman ako matatakot? " pinipilit kong sumagot ng klaro

.

" Iniisip mo siguro yung nababalitaang white lady na gumagala dito no? " medyo natatawa nyang sabi, loko to tatakutin pa ako!

.

" H-hindi noh! sabi sabi lang naman yun, di naman totoo yun eh! " sagot ko sakanya nang hindi ako nakatingin sa kanya

.

" Ah bute naman hindi ka takot! balita ko kase totoo yun, sabi sakin ni Warren nakita nya daw yun at sabi ng iba umiikot daw talaga yun dito sa lugar natin " Medyo seryosong sabi ni Calvin. hindi ko makita sa mukha nya yung pagloloko, Gooosh!! ano ba yun totoo sinasabi nya?

.

Hindi ako nagsalita, pagkatapos ng sinabi nya parehas kameng natahimik. Bigla na lang...

.

" Awooooooh wooooh " may umalulung aso! Shoooocks! parang yung mga sound effects sa horror films! Medyo natatakot ako lalo na parang si Calvin natutulog na, God gusto ko na umuwi!!!! T.T

.

Nagulat naman ako sa ginawa ni Calvin O.O

.

Bigla syang lumipat sa side ko at tumabi sakin! O.O

.

Totoo ba toh? Tumabi sya sakin? o_O

.

" Kunware ka pang hindi takot.. tingnan mo mukha mo namumutla kana oh! haha! " tumatawang sabi ni Calvin habang naharap sya sakin

.

" Pwede mo kong yakapin kung gusto mo " nakatingin lang sya sakin at nakangiti. OMGGGGGG! Calvin inaakit mo ba ko? waaaaah ang gwapo mo baka ano magawa ko sau sa paglapit mo sakin! hahaha nababaliw na ko >/////<

.

" sira ka! hehe pero thank you! loko ka kase tinatakot mo ko! " sagot ko sakanya ng di nakatingin

.

" tssk.. hindi naman kita pababayaan " sabi ni Calvin with his angelic face.

.

Biglang bumilis tibok ng puso ko. Calvin magpapaka prince charming ka ba sakin? kyaaaah! Sasagot pa sana ako nang bigla syang nagsalita

.

" Mapapatay ako ng kuya mo pag nalaman nyang tinakot kita! hahaha bugbug sarado nanaman ako dun! " tumatawa nyang sabi.

.

Ay ganun? akala ko pa naman nag aalala talaga sya sakin! Takot lang pala kay kuya!

.

teka!?

.

ano yung sinasabi nyang binugbug sya ni kuya?

.

" Binugbug ka ni kuya? Bakit? " nagaalala kong tanong sakanya

.

" A-ah wala lang! pang-aasaran lang yung pagsuntok nya sakin! " kalmado nyang sabi sakin

.

" Nye? ano namang klaseng asaran yun? suntukan talaga ang peg? " sabi ko

.

" ganun talaga kameng mga lalaki pag nagbibiruan! don't worry wala lang yun! " nakangiti nyang sagot

.

tiningnan ko naman ang cp ko at nakita kong 1:20 am na! :O

.

Hala! Patay na baka hinahanap na ako ni kuya! Lagot ako dun! T.T

.

" Calvin hindi pa ba tayo babalik? 1:20 na hindi pa ba tayo uuwi baka hinahanap na ko! " medyo nagpapanic na ko, strikto kase sakin ang kuya ko, paano pa pag nalaman nya lalaki pa kasama ko! Gosh! may pagka Jose Rizal pa naman yun! ( i mean pagka old fashion )

.

" Hala oo nga no! Tara na Margaret sorry hindi ko namalayan ang oras, ako na bahala magpaliwanag sa kuya mo. " sabi ni Calvin

.

Medyo napakalma naman ako sa sinabi nya. Waaaah! Calvin bakit ganito ang epekto mo sakin? sobra mo kong pinapakaba pag nakikita kita pero isang salita mo lang sakin kumakalma ako. Hays inlove na ba ako sa lalaking to?

.

Naglalakad kame nang magkasabay. Hays next time sana HHWW na kame! kyaaaaaah! >/////< landi ko! hakhak!

.

Bigla kameng nagkatinginan ni Calvin nun nakita namin ang buong tropa na nakaupo lang sa tapat ng bahay namin habang nagkwekwentuhan!

.

" Mga ulol! bakit hindi nyo kame hinanap! " sabi ni Calvin

.

Narinig namin silang nagtawanan

.

" Akala namin nag honeymoon na kayo eh! kaya pinabayaan na namin kayo hahaha! " sabi ni Von. tssk talaga to sinadya yata nila

.

" Sinadya nyo no? " nagmamataray kong tanong

.

" Bakit hindi ka ba natuwa? " sabi ni Von at nagtawanan sila.

.

" Tssk siraulo ka Von ikaw nanaman may trip nito no? " sabay sapak ng malakas ni Calvin kay Von hahaha kakamot kamot lang si Von di sya makapalag kay Calvin medyo mas matangkad kase sya kesa kay Von

.

" Bestfriend naman! ginawa ko lang yung para sa ikaliligaya nyong dalawa! " umaacting na sabi ni Von, loko talaga toh tsssk!

.

" ulol! kung pagttripan mo ko dapat yung ako lang! hindi yung dinadamay nyo pa si Margaret! " medyo inis na sagot ni Calvin

.

Gooosh am I deaf?? araw araw naman ako naglilinis ng tenga?

.

Pero tama ba talaga tong naririnig ko? Ayaw nyang pinagtritripan ako? >//////< kyaaaah Calvin!!!

.

" Woooooh tol! Chill! Hinanap naman namin kayo.. kaso hindi talaga namin kayo makita.. san ba kase kayo nagtago? " dipensang sagot ni Gerald

.

" tssk wala na kayo dun! " medyo maangas na sagot ni Calvin

.

" Sus Kuya kunware ka pa alam ko naman tinagalan nyo talaga yung pag stay sa tinaguan nyo! para magkasama kayo!! yieeee! " nang aasar na sabi ni Warren

.

" May nadevelop na ba teh? " nakakalokang tanong ni Clarisse.. sabay sigawan pa sila ni Chloe mga abnormal talaga tong mga kababata ko!

.

Magsasalita pa sana ako nang biglang nagsalita si Calvin

.

" Mga sira talaga kayo! tara na umuwi mag 2 am na baka maabutan pa ni Gab tong si Marga dito sa labas "medyo bossy na sabi ni Calvin

.

" Ayieee concern! " pang aasar nila

.

" Palibhasa mabubugbug kana naman nun! hahaha! " tumatawang sabi ni Warren. Bigla syang tiningnan nang masama ni Calvin

.

Kanina yun din sabi ni Calvin, bakit kaya? Mag kaaway ba sila ng kuya ko? Medyo kase maangas yun kapatid kong un. Yung barkada nila yun kinakatalutan dito sa lugar namin

.

" tssk! tara na bukas na lang ulit! " sabi ni Calvin sabay tingin sakin.. bigla naman akong nagiwas ng tingin

.

Grabe ka Calvin, masyado nang nagwawala ang katawang lupa ko sa mga ginawa mo ngaunaghapon. Pwede araw arawin mo yan? hahaha baliw na ko.

.

" Geh tara na! Medyo late na din baka umakyat nanaman kame ni Clarisse sa bakod! " natatawang sabi ni Von

.

" Good night sainyo! Bukas ulit! " sabi ko sakanila at ni beso ko sina Chloe at Clarisse

.

Nakita ko naman si Calvin na nakatingin sakin. Nun nakita nyang nakatingin ako saknya medyo nagulat sya! haha ang cute nya. Nag wave naman ako sa kanya with matching smile.. ngumiti naman sya <3

.

Hindi ko maiwasang mapangiti.. feeling ko kase parang medyo napalapit ako kay Calvin dahil sa mga nangyare ngayong maghapon.. kyaaaaaa! Parang hindi pa ako makapaniwala hahaha.. Grabe Calvin.. ikaw lang nakakagawa sakin nito!

***

Von's POV

Pauwi na kame ng bahay, natatawa ako sa naging reaction ni Calvin kanina! ngayon ko lang yun nakitang napikon at para hindi mapakali

.

May gusto kaya yun kay Margaret? Ang bading kase nang expression nya kanina habang tumatakbo sila ni Marga.

.

Flashback

Mabilis kameng tumakbo ni Chloe para maghanap nang pagtataguan, walanjo tong babaeng to pwedeng maging snatcher sa bilis tumakbo! hahaha

.

Dun lang kame nagtago sa may lumang tindahan.. Sumisilip kame ni Chloe sa may butas para makita kong nasundan na ba kame nina Warren..

.

Nakita naman naming tumatakbong magkaholding hands itong sina Marga at Calvin.

.

Aba I smell something fishy! hmmmm! Nagkatinginan kame ni Chloe at kita ko ang malaki nyang ngiti.

 

Paano ba naman si Calvin habang hinihila si Marga wagas ang pag ngiti, para lang silang magtatanang dalawa!

.

" Kunware pa yong si Calvin! halata namang may gusto kay bestfriend! " sabi ni Chloe

.

" Tara sundan natin! " sabi ko.. natawa naman ako ng nag nod na parang bata tong si Chloe.. baliw din tong isang to!

.

Wala na kameng pakealam kung mahuli kame nina Warren.. ang mahalaga maasar ko mamaya yung dalawa!

.

Nakita naming pumasok yung dalawa sa jeep ni Mang Oscar

.

Walangya talaga tong si Calvin kung dumamoves wagas! sabi na eh sa dilim dadalhin si Marga hahaha!

.

" Mukhang tama yung sinabi mo kanina ah! walangya tong si Calvin sa jeep nya pa talaga binabalak gawin yun kay bessy! " umiiling na sabi ni Chloe. haha parehas kame ng iniisip

.

Babalik na sana kame sa lumang tindahan nang bigla naming nakasalubong si Paul

.

" Oh huli kayo! kayo ang taya! hahaha " - Paul

.

Mas una palang nahuli sina Clarisse at Gerald kesa samin! Ang gago kase aa may likod lang daw ng puno nagtago? hahaha

.

Hahanapin pa sana nila sina Calvin kaso pinigilan ko sila.

.

Para naman makapag solo yung dalawa! haha itutuloy ko tong pang aasar namin sakanila hanggang sa may umamin!

.

Kinausap ko nanaman si Chloe at sabi nya hindi daw nya sasabihin kay Marga yung plano namin. Walangyang bestfriend to! :)))))).

 

--

Natigil yung pag iisip ko nang bigla akong sinigawan ni Clarisse

" Kuya sarado na gate! tulungan mo ko umakyat! " parang batang nagdadabog si Clarisse

Binuhat ko naman sya at tinapon para makaliban ng gate! haha JOKE!

Patay sakin bukas yang sina Calvin at Marga! >:D

***

itutuloy...

hope you liked it :-*

Continue Reading

You'll Also Like

10.9K 150 67
tORPE? walang lakas ng loob na sabihin sa mahal mo na Mahal na Mahal mo siya? What if malaman monalang isang araw na mahal ka din pala niya? Next lev...
1.6K 73 31
Hindi lahat ng Story may happy ending Hindi lahat ng buhay may wakas Hindi natin alam kung saan tayo patungo dahil wala tayong alam sa mangyayari sa...
1K 26 18
"Aminin mo man at hindi, lalabas at lalabas pa rin ang katotohanan lalo na kung LOVE ang pinapag-uusapan" Paano kaya kung mahal mo siya at mahal ka n...
3.4K 110 1
"Puwede mo ba akong mahalin? Puwede mo bang iparamdam sa'kin kung paanong magmahal ang isang Samhira Villego?"
Wattpad App - Unlock exclusive features