WANTED PERFECT BOYFRIEND for...

By VixenneAnne

32.4M 828K 96.2K

She's cruel. She's cold. She's Beautiful. She's Powerful. And she badly needs a boyfriend! Sabrina Vee Suarez... More

Author's Note
1. She's the Boss
2. No Suitor? No Boyfriend?Why....?
3. The BF Pressure
4. Her Black Encounter
AUTHOR'S NOTE
5. Pressure!Pressure!
6. Black Encounter Strike 2
7. Black Back Again
8. Black Part of Him
9. The Proposition
10. The Reunion
11. After Shock
12. The Girl for Black
A/N
13. BLACKmail
14. The Demetri's
A/N
15. Missing BLACK
16. Teasing Black
17. Morning Break
18. Spell SELOS
19. Love Game
19. Love Game(2)
20. Beware: Mga lalaking pa-fall
21. Boyfriend on Duty
22. Black all day
23. A rose for an angry lady
24.Moments with Black
25.Diamond Vs Darkness
26.The Fallen Angel
27.Black Tricks
28.Black Intruder
29.The Revelation
30.Lady Veronica's Warning
31.Black Identity
32.Pride and Prejudice
33.When the Devil Returns
34.Chasing Black
A/N Facebook ni Black
A/N Promoting Drico Antonio Divanne
35.The Elusive Black
36.The Plan
37.Black Motives
A/N A Poem from a Reader
38.Black Cares
AUTHOR'S NOTE: FACEBOOK UPDATE
39.Prince Vs. Prince
41.Teenage Dream
42.The Fall
43.The Heartbreak
44.Black Thoughts
45.Wildflower
46.b-LIE-vee
A/N: Recently in Facebook
47.It's a beautiful day..
48.Two-Faced Devil
49. Black Karma
50. The Dream
A/N Facebook Fun
51.The Conflict
52.Beautiful life.
EPILOGUE
Published under Psicom
SMX Mall of Asia
Shopee

40.The Devil's Proposition

476K 13.4K 1.7K
By VixenneAnne


She was able to contact Rebecca Victoria. She said Drico DiVanne will be in Italy for a business meeting, pero limited lang ang time na pwede niya itong kausapin. Siningit siya ni Rebecca sa pang 7pm nitong schedule. Ang masama kailangan niyang gawin at pagpuyatan ang mga bagay na ilalatag niya dito para makumbinsi niyang tulungan siyang ibangon ang kompanya niya.

She was in a classy restaurant courtesy of Jeth, ito ang nagprepare ng venue kung saan pwede niyang kausapin si Drico. Maganda ang restaurant, first class iyon sa Italy at halatang mamahalin ang lahat ng nasa paligid. Limitado lang din sa mayayamang tao ang pwedeng pumunta sa lugar. Kailangan ng reservation, hindi pwede ang basta-basta na lang papasok, nililimitahan nila ang crowd dahil ang sabi pa ni Jethro madalas sa mga parokyano ng lugar ay maseselan.

She was 15 minutes early. She prepared a classy business suit that night, sinigurado niyang presentable siyang haharap sa Prince of Hell number two. Alam niyang hindi ito basta-bastang business man na kakaharapin niya, isa ito sa pinakamalalaking isda ng business world. At kapag pumalpak pa siya dito, she was doomed, hinding-hindi na siya makakabangon.

Ilang sandali pa napansin niyang nagsitayuan lahat ng crew ng restaurant at luminya sa may entrance. Tapos ay namataan niya ang pagpasok ng isang pares ng bagong customer doon. Hindi magkandaugaga ang manager ng restaurant sa pagbati sa mga ito. Mga espesyal na tao? Tapos ay kumaway sa kanya ang babaeng bagong pasok.

Teka, siya ang kinawayan? Si Rebecca ba yun? Kilala niya si Rebecca, she saw her in pictures pero hindi niya maaninag ang itsura nito dahil sa distansya. Wala siyang eyeglasses at wala din siyang contacts, kasalanan ng mga mata niyang palyado! Pihadong si Drico Antonio DiVanne na ang kasama nito.

Tumayo siya. Nanginig ang tuhod niya, pakiramdam niya kailangan niya ng tungkod! Mas lalo pang lumakas ang kabog ng dibdib niya nang igiya ng manager ng restaurant sa table niya ang dalawang bagong pasok.

Nang maglakad si Drico DiVanne palapit sa distansyang kayang aninagin ng blurred niyang paningin, mas lalong tumibok ng mabilis ang puso niya.

Drico DiVanne! The Greek Magnate, and one of the famous members of Princes of Hell.

Napalunok siya. He was a Greek God! Nyeta, literal! Greek God nga!

He was tall, lean and had a very athletic built. Ipupusta niya ang KOH-I-NOOR na pag-aari niya, punong-puno ng abs 'to sa tiyan! Nang tuluyan niyang masilayan ang mukha nito sa malapitan, halos malaglag ang panga niya. His face was a perfect creation of God. Ngayon sigurado na siyang may pagkaunfair si Lord ng slight. Bakit may mga tao Itong nilikha na angat sa lahat, kagaya ng mga Princes of Hell na to?? Kung illegal ang pagkakaroon ng over-over na kagwapuhan, at kamachohan nakakulong na ang lahat ng membro nito, at reclusion perpetua pa ang hatol!

DiVanne was, in his own way, very godly. Just like Christian. Hindi niya masabi kung sino sa dalawa ang mas gwapo dahil magka-iba sila ng physical features in so many ways. Siguro dahil Italyano si Christian at Griyego naman ang isang to.

"Good evening Mr. DiVanne, I'm Sabrina Vee Suarez! Nice meeting you, Sir." malawak ang ngiting pinakawalan niya nang magkaharap sila. Napapitlag siya ng abutin nito ang nakalahad niyang kamay at pisilin iyon ng bahagya bago bitiwan.

"Sabrina Vee Suarez..?" ulit nito sa pangalan niya, tapos ay kumunot ang noo, inaalala siya, para bang nakita na siya nito na hindi maalala kung saan.

Tapos ay binulungan ito ni Rebecca, siguro ay pinaalala ng babae kung sino siya. Kinabahan siya. Anong malay niya, baka close friends pala ang mga Princes of Hell, nalintikan na. Napatingin siya kay Rebecca, saka niya lang napansin ang Filipina features nito sa malapitan. Hindi na kasi halata sa sobrang ganda ng pagkaka-blonde ng buhok nito. Ganito ba talaga ang mga assistant ng Princes of Hell? Isa ba sa qualifications nila ang pagiging Dyosa??

Naalala niya si Paola Yabes, asisstant ni Christian,aba'y sobrang ganda nun ah! Tapos ito pang Rebecca. And then there's Maggie, yung Australian na assistant ni Phoenix DiZeriu, she saw her in pictures as well, beauty queen pa nga yun eh. Patunay lang siguro iyon na sobrang tataas ng standards ng mga Princes of Hell sa lahat ng bagay.

Nak ng pating, mas lalo siyang kinabahan.

"Ah yeah, I remember you now, Sabrina Vee Suarez, well nice meeting you."

Hindi niya alam kung saan niya hinugot pero may feel siyang kasing yabang lang din ito ni Christian. Sinikap niyang wag paangatin ang kilay, sa halip pinilit niya ang isang matamis na ngiti para dito.

Nang maka-upo sila, sinenyasan nito si Rebecca na iwanan sila. Ngumiti muna sa kanya ang babae at nagpaalam. She mouthed her a 'thank you'.

"So what can I do for you Ms. Suarez?"

"Thank you for accepting my invitation, I know you have a very tight schedule, I'm so glad Rebecca was able to squeeze me in." Nanginig ang boses niya. Hindi siya mapakali dahil sa mga mata nitong nakatitig lang sa kanya. Ganun ba talaga silang mga Princes of Hell? Kakaiba kung makatingin na tipong nakakalusaw na nakakabaliw na nakakakaba na nakakatakot? It was making her uneasy... and scared. "I came here for a proposition.."

"Really? I heard so much about you Ms. Suarez-- not so good things about you-- to be honest. I admire your courage to talk to me though, I know what kind of problems you're facing right now. Aren't you Christian Demetri's latest victim?"

Medyo naasar siya dun. "I'm not."

"That's not what the news are saying."

"I'm not one of his victims, Mr. DiVanne, those are just part of his creative facade to break me. He wanted me to lose my company and to suffer.."

"Just like what he did to all his women..bad habit dies hard indeed.." Gumuhit ang isang makahulugang ngisi sa mga labi nito. "What makes you think I'm going to associate my company with you when all the others are running away? You have just admitted that Christian Demetri is after you, and he's aiming for your downfall.."

"Because you are his level, because you are not afraid of him. All I want is for you to consider my proposition, here's a detailed overview of the things that I can do to your local real state company in the Philippines, I can bring in more clients for you, just like what we did in the last five years of business. I'm an achiever Mr, DiVanne, I'm a goal setter, you can check all my records in the past, I have never failed a single client before..."

Tiningnan lang nito ang folder na inabot niya. Hindi niya mabasa ang iniisip nito, masyadong malalim.

"You may be an achiever in the past, but you're ruined now, do you realized that? They said you're suicidal, you're here in Italy because you're running after him--"

"That's a lie!" She cutted him off. Medyo umangat ang tinig niya. "I'm not suicidal! I'm here because I wanted him to tell the people the real score between us, and he's not playing fair!" Naasar na siya. Gusto na niyang magalit at sumigaw. "He's using the media to scare all my clients away. And this is one of the reasons why I'm talking to you right now, because he can't scare you away, If you agreed to my proposition, I promise you, SmartView will be very productive, my company will be your biggest asset in the future.."

"With your current status in the business world, that's quite a big talk, don't you think?"

Umikot ang eyeballs niya. "Nakakaasar na, ang yaaabaaannngggg!!" bulong niya sa sarili. Alam niyang narinig nito, eh ano, hindi naman siya nito naiintindihan. "I'll make it happen, just give me a chance Mr. DiVanne..."

Inabot nito ang folder na nasa harapan. Pinagpuyatan niya iyon ng matindi at hindi siya makakapayag na mabale-wala iyon. Kinabahan siya nang pasadahan nito ng tingin ang mga nakasulat doon.

"Impressive." dinig niyang sabi nito na nakatingin pa rin sa papel.

Saglit lang nitong binasa? Aba magaling, mukhang mabilis ang pick-up ng isang ito.

"I'll make my people in the Philippines decide for you." sabi nito.

Naalarma siya. Hindi pwede! Hindi siya pagbibigyan ng mga iyon dahil sa reputasyon niya, sigurado siya. " But Mr. DiVanne, that's not necessary, you can just give them your orders, can't you? I mean--"

"I thought you're confident with your proposal.."singit nito.

"But they won't consider me, believe me, all they need to do is to look at my name in the proposal to discard it!"

Kumunot ang noo nito sa kanya. Tapos ay tumingin sa relo. Bumuntong hininga ito sa kanya. "I'm sorry, but that's all I can do for you, Rebecca will endorse your papers for review. I have to go, thank you for the dinner."

Laglag ang balikat niya nang tumayo na ito at umalis. Ngayon ay wala na talaga siyang pag-asa. Kailangan na lang siguro niyang tanggapin ang pagkatalo niya kay Christian. Kailangan na niyang tanggapin ang katotohanang isa na siya sa mga biktima nito. Nakakaasar, ba't ba kasi siya umasa na isang Prince of Hell ang tutulong sa kanya? Kauri ito ni Christian, magkasing sama lang sila ng ugali, ang tanga niya para isiping tutulong ito sa kanya.



"By the way, naintindihan ko ang 'nakakaasar' at 'mayabang', just so you know. Ikaw pa lang ang nagsabi nun sa harap ko, at nakakainis yun."

Napaangat siya ng mukha. Si DiVanne ba ang nagsalita? Bumalik ito? At nagtagalog ?

Patay! Tss! Nasapo niya ang mukha.

Muli itong naupo sa harap niya. Inayos ng bahagya ang kurbata saka nagsalita. " I admire your guts lady, so I have a proposition for you."

"What is it?" nawala ang pamumutla niya.

"Alam kong ako na lang ang pag asa mo. Pag tinanggihan kita, sigurado na ang pagbagsak mo, kaya naisip kong bigyan ka naman ng matinong laban. Tutulungan kita--"

"Talaga?"

"Don't be so excited, hindi ako tumutulong ng walang kapalit. Hindi ko rin sigurado ang magiging reaction ni Demetri dito, pero susugal ako, at kailangang may mapala ako."

"What do you mean?"

He studied her intently. " I will set a goal for you. Bibigyan kita ng quota sa loob ng isang buwan. Kapag hindi mo naabot, sakin na ang SmartView."

"Anong sinabi mo???"

"Palugi ka na, Ms. Suarez, whether you go though with this or not, alam mong wala ka nang pag-asa. KUng ako sayo susugal na ako, at least meron kang isang buwan para bumawi, ibibigay ko sayo lahat ng suportang kailangan mo. Susubukan nating ibalik ang credibility mo, the rest ikaw na ang bahala. Ngayon kapag pumalpak ka, alam mo na ang mangyayari...."

"Panu naman ako makakasigurong, tutupad ka sa usapan na tutulungan ako at hindi ibabaon para makuha mo ang kompanya ko?"

"I'm a very fair person, Ms. Suarez, kung ano ang sinabi ko, tinutupad ko. Besides, this is a win-win situation for me. Come to think of it, kapag muli kang naka-angat, ako din ang makikinabang dahil marami kang mabebentang property para sakin, at kapag natalo ka naman, akin na ang kompanya mo. Wala akong lugi dito, kaya sinisigurado kong gagawin ko ang part ko sa deal na to."

Sandali siyang nag-isip. Tama naman lahat ng sinabi nito, wala siyang choice kundi ang sumang-ayon sa deal na gusto nito. Dahil kapag hindi siya pumayag, game over na siya. At least binibigyan siya nito ng isang buwang pag-asa. Sigurado siyang gaganda kahit papanu ang pangalan niya kapag si Drico DiVanne ang nag-endorse sa kanya.




She did it!! She had a deal with Drico DiVanne, isang buwan, yun ang lang kailangan niya para maitawid ang kompanyang pinaghirapan niya. Malaki ang real state company na pag-aari ni DiVanne sa Pilipinas, sigurado siyang marami ng buyers ang kusang lalapit sa kanila upang kumuha ng serbisyo. At dahil kilala sa industry ang kompanya nito, hindi mahirap humanap ng mga buyers ng mga units nito. Kaya niya to, kakayanin niya!

Sa sobrang excitement, kaagad niyang pinuntahan si Jeth para personal itong pasalamatan. Pinuntahan niya ito sa Demetri Building. Pagkababa niya ng taxi, namataan niyang eksaktong palabas ito ng gusali. Patakbo niya itong sinalubong at yumakap dito ng mahigpit. She felt so grateful for all his help.

"Jeth!! I did it! I had a deal with Drico DiVanne!" halos tili niya.

"Really?? That fantastic!! Sabi sayo eh, kayang-kaya mo yun!" MUli pa siyang niyakap nito, halata ang excitement sa mga mata ni Jeth para sa kanya. "I'm so happy for you! We should celebrate!!"

"Sure!" pagkasabi niya saka lang niya napansin ang lalaking kasunod ni Jeth palabas ng building. Si Christian. At sa tingin niya ay kanina pa ito nakatayo doon, nakamasid sa kanila. As usual, madilim na naman ang anyo nito. Nawala ang mga ngiti sa labi niya, lakas loob na lumapit dito.

"Hello Christian, mukhang ginagabi ka ng uwi ah?"

Hindi siya nito sinagot, tiningnan lang siya ng masama tapos at nilagpasan siya. Naasar siya kaya hinabol niya ito.

"Hindi sa lahat ng oras kaya mo akong tapakan Demetri!"Sigaw niya. Huminto ito sa paglalakad dahil doon, humarap sa kanya.

"Talaga? Anong kaya mong gawin para pigilan ako ha? Bagsak ka na hindi ba?"

"HIndi pa. Sa awa ng Diyos, mukhang hindi ka uubra sa kin."

Tumawa ito ng mapakla. Tapos ay pairap na tumalikod. Tila hindi nito sineryoso ang sinabi niya. Masyado itong bilib sa kakayahan nitong magpabagsak ng tao.

"You just wait and see!" sigaw niya. Sa pagkakataong iyon hindi na ito muling huminto. Tuloy-tuloy lang itong lumayo sa kanila.

Pakiramdam niya umakyat lahat ng dugo niya sa ulo sa pagkaasar dito. Kung balewalain siya nito, ganun ganun na lang.Hindi niya ito maintindihan, may mga pagkakataong pakiramdam niya may halaga siya dito. Kagaya nung doon sa jet, tapos may pagkakataong ganito na para siyang estrangherong hindi nito kilala!

At masakit. Sa totoo lang masakit ang mabalewala. Hindi lang kompanya niya ang dinudurog nito, pati puso niya kasama. Sa kompanya siguro may magagawa pa siya, pero panu naman yung puso niya? Panu niya ilalaban ang puso niyang nangungulila pa rin talaga dito.

"Vee..? Ok ka lang...?"

"Hindi.." gusto niyang sabihing oo, pero hindi niya magawa. Hindi talaga siya ok. Asar niyang pinahid ang mga luhang naglandas sa pisngi niya. Kahit pilit niyang labanan, patayin at ikubli ang pagmamahal niya sa lalaking sumisira ng buhay niya, hindi niya magawa. Ang hirap maging tanga sa pag-ibig! Ang hirap!

"Hindi ako ok... Anak ng ipis ka Demetri!!May araw ka rin sakin!! AAAHHHH!!" impit niyang tili sa sobrang asar at lungkot na nararamdaman.

Gusto niyang magwala at sumigaw pa doon ng malakas pero pinigilan siya ni Jeth.

"Vee..vee..tama na, baka may makakita sayo dito."

"Ano gagawin na naman nilang isyu? Ganyan naman sila eh!" ngatal nyang asik dito.

"Let's go. We need to get out of here." Sinikap siya nitong kalmahin para makaalis na sila.

"Nakakaasar siya! Nakakaasaaaaarrr!!" impit pa niyang palatak. "Uminom tayo Jeth.."

"Ano?"

"Iinom tayo ngayon, magsi-celebrate tayo, narinig mo? Let's go!"

Hindi siya nagpa-awat. Gusto niyang malasing. Gusto niyang magwala!

Pero mas gusto niyang habulin si Christian at yumakap dito ng mahigpit. Gusto niyang magmaka-awa nalang na magpanggap ito ulit na interesado at may pakialam sa kanya.

Miss na miss na niya ito....

Ang tanga-tanga niya dahil namimiss niya talaga ito...

Q�!Rq~9�ZX(�

Continue Reading

You'll Also Like

72.4K 2.2K 23
CROSSROADS SERIES #2 Based on psychologic study, a crush only lasts for a maximum of 4 months. If it exceeds, then you are already in love. All...
10.1K 311 39
❝I'm now your FANGIRL in love.❞ [COMPLETED]
15.3M 259K 39
Would you rather chase what you want or follow a future that's already arranged for you? Samantha was just sixteen nang malaman niyang ipapakasal siy...
156K 3.7K 54
What will you do if you end up in someone else body?