I'm Secretly In Love With You

By KhateYoon16

1.3K 71 10

Annyeonghaseyo By the way thank you for adding this story on your library. Lovelots po! For me,being an autho... More

Meet The Main Characters
Prologue
Chapter 1 First Day
Chapter 2-Getting Close
Chapter 3 Friends
Chapter 4-World War lll
Chapter 5-SUCCESS
Chapter 6 The Start

Chapter 7 Conjugate

129 6 0
By KhateYoon16

Sheen.

"Hoy,kanina pa kita, napapansin.Bakit parang ang lalim ng iniisip mo?" Natauhan na lang ako bigla ng sabihin yun ni Catherine.

"A-ano,w-wala.Masama lang siguro ang pakiramdam ko" sabi ko nalang sa kanya.

"Wag ako Sheen,kilala kita.Kaibigan mo 'ko kaya pwede mong sabihin sa 'kin ang lahat"

"Ano kasi eh,may nangyari sa 'kin kagabi" Nanlaki ang mata nya sa sinabi ko.

"K-kaya may pasa ka dyan sa pisngi mo!?" Medyo napalakas nya ang pagkasabi nun. " Sino sila? Nasaan sila ngayon!"Halata sa boses nya na naiinis talaga sya sa mga yun.Ang swerte ko talaga sa babaeng 'to.

"Tapos na yun tsaka may karma rin yung mga yun" sabi ko.

"Karma? Sheen! Masyado ka ng mabait!"

" Hindi naman sa ganun Cath. Pero wag kang mag-alala i'm really sure na hindi nila uulitin 'yun" Nagflashback agad sa 'kin ang lalaking nagligtas sa 'kin kagabi.

" Paano ka naman nakakasiguro?" Ininom ko muna ang coffe sa harapan ko.

"Ganito kasi 'yun bigla akong sinambunutan ng isang babae kagabi habang may tatlong babaeng nakahawak sa 'kin tapos nakatanggap ako ng malakas na sampal sa isa pang babae" simula ko.

Magsasalita sana sya pero pinigilan ko muna sya.
"Tas bigla akong binitawan ng tatlong babae,at dahil sa wala na akong lakas akala ko matutumba na ako,pero....Pero hindi pala dahil may isang lalaking sumalo sa 'kin at hinalikan nya ako" Medyo nakahinga ako ng maluwag pagkatapos kung sabihin 'yun.

Bigla na lang na lang syang napangiti.Bipolar talaga.

"As in? Gosh! Tapos??"
Hindi ko talaga sya maintindihan so masaya pa sya?

"Dahil nabigla ako sa ginawa nya napaupo na lang ako sa sahig tas p-parang lumapit sya sa mga babae tas mukhang may sinabi sya .Basta ang alam ko nagsitakbuhan na lang ang mga babaeng nang-api sa 'kin kasabay din nun bigla na syang nawala" Paliwanag ko sa kanya.

"Pasalamat ka talaga Sheen at dumating yang knight ang shining arm..este yang lalaking nagligtas sa 'yo dahil kung hindi naku,hindi natin alam kung ano pang aabutin mo sa mga babaeng 'yun!" Naiirita pa nyang sabi na may halong ngiti na hindi mo maintindihan

May point din naman sya,pero kung sino man sya salamat.
Tatanawin kong utang na loob 'yun sa kanya.

" Alam na ni Sam at sa mommy mo 'to?" Kahit na sabihin ko pa siguro sa kanila,wala rin naman silang magagawa dahil tapos na.
Buti na lang at nakalusot ako kagabi at kanina at dahil din dito sa buhok ko,hindi na nila napansin  'tong pasa  sa mukha ko, pero hindi naman sya masyadong halata.

" Hoy kanina pa 'kita tinatanong!!" Huh? Ano daw ? Mukhang masyado talaga akong apektado sa nangyari kahapon ewan ko kung hapon pa ba yun ,basta mag gagabi na yun.

"Ugh,ano nga 'yung sabi mo ?" Napabuntong hininga na lang sya.

"Ikaw na nga mismong nagsabi na wag na namin isipin 'yun,eh bakit parang masyado kang naaapektuhan "

"Sige ,sige na.Na realize ko nah,na hindi ko na dapat iniisip 'yun" palusot ko.

"Pasok na tayo,tara" aya ko na lang sa kanya.

"Mabuti pa tara na"

Pumasok na agad kami,sa kanya- kanya naming classroom.Ewan ko ba pero parang ang bigat bigat ng pakiramdam ko ngayon,ayaw ko namang isipin na dahil 'to sa nangyari kahapon.

Pumasok na ako sa second class ko.Hindi kami classmate ni Zhian sa second class,gusto ko pa naman sana na sabihin yun sa kanya pero di bale na lang.

Pagdating ko sa classroom ko sa second class naghanap agad ako ng mauupuan buti na lang at may vacant dun sa likuran.

Sakto pagka-upo ko dumating rin agad ang Prof namin.

Then nagsimula na syang mag discuss. Sa totoo lang wala talaga ako sa mood makinig ngayon,lalo na't  nag hahalo halo ang mga nararamdaman ko.

"Okay,in our lesson today you have to recall your knowledge when you were in highschool" Mga salitang naririnig ko kay Prof.

Tumingin ako sa katabi ko.Shocks! katabi ko pala, si Jaye.Mukhang kanina pa nga sya sobrang tahimik.

Tiningnan ko ang mga classmates ko halos lahat sila concentrate sa pakikinig.Feeling ko tuloy ako lang talaga ang hindi mapakali dito, hindi ko alam pero mukhang kanina pa palutang lutang sa ibang planeta 'tong isipan ko.

"Ms.Zamora,asdfghjklzxc..!" 
Para akong nakuryente ng  marinig ko ang pangalan ko.

Tumingin ako sa Professor namin.Tama nga ang hinala 'ko.Ako nga ang tinatawag nya, dahil sa tingin palang nya para na akong pinapatay.

'Y-yes Prof?A-ako po ba ang t-tinatawag nyo?" Sabay turo sa dibdib ko as a sign at lumingon sa likuran kung ako ba talaga ang tinatawag nya.

"What do you think? Their is any Zamora here?Aside from you?"
Mataray pa nyang sabi.

"Can you repeat your question Prof.?"

"Gosh! Hindi ka talaga nakikinig!
Kung saan saan na siguro lumulutang yang utak mo!" Kita kong nagpipigil ng tawa ang mga kaklase ko.

"Okay,Give one question that start with the word 'what' "

" What if i don't like? "  Napatigil si Professor sa sinabi ko,kahit ako.Ewan ko ba kung bakit yun ang lumabas sa bibig ko.

Nakita kong nagbubulungan na ang mga kaklase ko dito,may nagpipigil pa ng tawa.
Unti-unti ng na pa-process sa utak ko ang iniisip nila.
Pero sa totoo lang hindi ko naman talaga intensyon na sabihin yun.Then si Prof.naman mismo ang nagsabi na magbigay ng sentence that start with the word 'what' kung tutuusin pang elementary pa yan eh.

Umupo na lang ako dahil speechless talaga si Prof.sa sinabi ko.Basta sinunod ko lang naman ang sinabi nya anong mali dun.

After 30 minutes,natapos na rin ang class namin
Medyo okay na rin ang utak ko.Nakapagpahinga na rin sya ng konti.Ang importante ngayon kailangan kong i recall ang mga knowledge na natutunan ko nung highschool pa 'ko dahil mamaya na ang qualification exam.

Lumabas na ako sa classroom.
Naglakad na rin ako para sa next subject ko.

"Hindi mo man lang ako hinintay" Nagulat na lang ako ng biglang katabi ko na si Zhian sa paglalakad.

" A-ano kasi.."

"Wag ka ng mag explain,sino ba naman ako diba? Para hintayin mo" Bumaling sya ng tingin sa 'kin.Hindi ko mabasa kung anong iniisip nya.

"Alam mo ang O.A mo" Tumigil ako sa paglalakad at humarap ako sa kanya.This time nakatingin na sya sa 'kin.

"Na miss lang kasi kita Sheen" Sabi nya habang ngumiti sya ng parang ewan sabay pisil sa cheeks ko.

"Heh! Ewan ko sayo.Bipolar mo
talaga Zhian" sagot ko sa kanya at nauna ng naglakad.

Tumakbo sya para magkasabay kami.

"Hahay,mga babae talaga" sabi nya at tahimik na kaming nagtungo sa next subject namin.

Habang naglakad kami papunta sa next subject namin.
Nagkasalubong kami ni Samantha.Ang ganda nya ngayon i mean mas lalong gumanda

"Hi sis," Magbebeso sana sya pero umiwas ako.Ayokong makita kami ng fangirls nya dito.

"H-hello Sam" Cold kong pagkakasabi.Umiwas ako ng tingin sa kanya.

"Hello din Zhian" Sabi nya kay Zhian.

Ngumiti naman si Zhian sa kanya.

"Hi Zhian" Sabi nung isang kasamang babae ni Samantha.

"Hi Zhian,i'm Trixy!" Sabi naman nung isa.

"Zhian,ugh.I'm your no.1 fan. followoh me on twirehh" sabi naman nung isa na daig pa ang UK accent sa sobrang slang.Psh.

"Shut up! " Sabi ni Sam.Mukhang natatawa na nga kaming dalawa dahil parang mga tuta lang sila ni Sam.

"Ahm,Sheen,Zhian hindi na kami magtatagal." Sabi ni Samantha at palihim pa nyang kinurot yung tatlo sa likuran nya.

Ewan ko sa kanila.

Nagpatuloy na lang kami ni Zhian sa paglalakad.

Pumasok agad kami sa classroom sa next subject namin which is Math.

My favorite subject.But not all the time.Buti na lang ay wala pa ang Professor namin.

"Omg,si Zhian"

"What ugh,ang gwapo talaga ni Zhian" sambit naman nung isa.

"Ang kapal talaga ng mukha nyang babaeng yan" sabi naman nung isa na halos matunaw na ako sa tingin nya,i mean sila.

Hindi ko na lang sila pinansin mukhang masasanay rin naman ako sa mga ugali nila.

"Kailangan mo na talagang masanay,dahil mahirap maging gwapo" biglang sambit ni Zhian sabay tingin na nakapang-aasar nyang mata ,mukhang nababasa nya ang iniisip ko ha?.

"Heh! Ang hangin naman! tsk." Sabi ko sabay irap sa kanya.
Hindi ko alam,pero kapag nang-aasar sya napipikon talaga ako.Eh,sa kanya lang naman ako madaling mapikon eh.Maghintay ka lang Zhian,for sure ikaw na naman ang mapipikon pag ako na ang nang-aasar sayo.

Sakto rin dumating na si Professor Cortez our Prof.in Math.

"Good Morning,Professor Cortez!" Bati namin sa kanya, mukhang strikto talaga sya, sa mukha pa lang nya.

Nag sign lang sya na maupo na kami,'ta mo? ni wala man lang response.

Sumunod na lang kami sa kanya,binigyan ba naman kami ng kay hirap hirap na problem i so-solve daw namin.

"Get ready because i will just dictate the problems that you have to solve" striktong nyang pagkakasabi.

Bago pa sya nakapagsimula,napatigil na lang kami ng may biglang dumating.

"Why are you late Mr.McAldrich?" Strikto pa rin nyang sabi.Napapikit na lang ako dito sa kinauupuan ko dahil parang alam ko na,kung ano isasagot nya.

"Can you just shut up your mouth,f*cking asshole!" sabi nya at tumingin sya ng sobrang cold kay Prof.

As usual,nagpipigil na naman ng tawa ang mga mabubuti kong classmates .Hindi ba nila naisip na insulto ang ginagawa ni Jaye kahit na sila ang may-ari ng Academy na 'to,sana kahit papaano ilagay nya naman sa tamang lugar ang asal nya.

"Okay let's continue" Iyan na lang nasabi ni Prof.pero bakas parin sa mukha nya ang pag kainis wala naman syang magawa.

Nakita kung dumiretso si Jaye dito sa likuran banda dito sa kinaroroonan ko.

Binaling ko na lang ang atensyon ko sa notebook ko.

Nagulat na lang ako nang padabog syang umupo sa armchair dito sa right side ko.

Napatingin agad kaming lahat sa kanya saglit.Papansin talaga 'tong taong 'to sarap batukan eh.

"Listen,carefully!" sambit ni Professor .

Sinimulan na ni Prof.
ang pag dictate sa problems na kailangan naming i solve.Kung titingnan mo ang mga numbers sa problem masasabi mo talagang ang hirap.

'tinray kong i analyze ang problem......

Loading.....

Loading.....

Loading......

Ting !

I've got it.

Tas sinulat ko ang solutions ko.Sa scratch.

Tiningnan ko ang mga classmates ko sandali,dahil natapos ko rin naman agad sa pagsolve ang problem na yun.

Halata talagang nahihirapan rin sila.Busyng busy talaga sila .

Except dun sa Jaye na akala mo kung sino,na easy easy lang.
Palagi lang syang nakatuon sa phone nya tsk.Ganyan talaga pag  pag-aari mo ang paaralan noh.Ugh.

"Volunteer ! Write your solutions on the board" sabi ni Prof. tiningnan ko ang mga classmates ko.Pero mukhang wala talaga silang balak mag share ng solutions nila

Huminga muna ako ng malalim.
Okay,ako na ang mag vo-volunteer.Once in a blue moon ko lang naman to ginagawa eh.

Nag raise ako ng hand.
"Okay,Ms.Zamora.," Nag sign si Prof.na isulat ko ang solutions ko sa board.Wah,kinakabahan ako PROMISE! .Hindi naman sa hindi ako sure sa answer ko,natatakot kasi ako sa magiging expresyon nya.

"You can do it Sheen" Dinig kong cheer sa 'kin ni Zhian.Muntik ko ng makalimutan na magkatabi nga pala kami.

Dumiretso ako sa board.Wahh,pati pagkuha sa marker nanginginig ako.Gusto ko talagang sampalin ang sarili ko.

"Faster Ms.Zamora!" muntik ko ng mahulog ang marker sa pagkasabi nun ni Prof.

"Y-yes po Prof." sagot ko sa kanya.Then,nagsimula na 'kong magsulat sa board.

After 3 minutes,

TADAN!

Natapos rin.Para akong nabunutan ng tinik.

Tiningnan ko ang expresyon ni Prof.Hindi ko mabasa ang nasa isip nya dahil poker face lang talaga sya.

Ilang din sa mga classmates ko halos malaglag ang mga panga nila sa sahig

Tiningan ko ulit ang natapos kong solution, ngayon ko lang na realize na halos mapuno ko na pala ang board sa kasusulat ng mga equations.

" Okay ! Good job ! Ms.Zamora " Nag thumbs up sya sa 'kin.Napangiti na lang ako ,grabe buwis buhay yun ah.

" I have an another solutions". Napatigil kaming lahat nang nagsalita si Jaye.Yung iba nga parang kinikilig pa.Psh.

"Okay share it!" Sabi ni Prof.
Tiningnan ko sya.Parang nang -aasar lang yung mga mata nya eh.
Well,tingnan natin .

Lumapit sya sa 'kin.Muntik ko ng makalimutan na dala-dala ko pala ang marker.

Kinuha nya yun sa kamay ko.
"Watch and learn!" Bulong nya sa 'kin.Sinara ko na lang ang fists ko.Parang konti na lang masasapak ko na ang taong 'to eh.

Nagsimula na syang magsulat sa board habang pabalik rin ako sa upuan ko.

Bago pa ako naupo.

"That's the simplest equations that we need!" Huminto ako ng marinig kong sabihin yun ni Prof.

" Oh my God! Hindi lang pala sya gwapo matalino rin pala.Mas lalo tuloy akong naiinlove sa kanya." Sabi nung isa kong classmates.

"Hoy! Akin lang sya noh!" Sambit naman nung isa,hindi ko alam kung bulungan pa ba 'yang ginagawa nila.

Humarap ako sa board.Actually,napanganga talaga ako literally.

Halos 3 lines of equations lang ang sinulat nya but we've get the same answers.

"P-paano mo ginawa yan?" mahina 'kong sabi sa kanya.

Dumiretso sya ng tingin sa mga mata ko

"If your're intelligent you can do it!" Seryoso nyang sabi with his deep and husky voice tsk.At binalik nya ang tingin nya sa phone nya.

"Duh." Literal akong napaupo sa upuan ko.

"You're not mistaken,You did it well," I don't know kung nang aasar ba 'to si Zhian dahil sa tono ng boses nya.

Ang taas taas ng equations ko habang sya halos tatlong lines lang ng equations ang solution  nya.

" If i will going to choose on this 2 solutions,i must prefer this!" Sabi nya sabay turo sa equations ni Jaye.

"I think! We can easily follow that solution Prof." sambit naman ni Diana,ang sama sama pa ng tingin nya sa  'kin.Hala,inaano ko ba sya?.Wag ganyan bes.

"I think so Ms.Velasquez!" Mukhang nagkakaintindihan pa talaga sila ni Prof.

Hindi ko na lang sila pinansin hanggang sa natapos na ang class.Pero ewan ko,parang kumukulo pa rin talaga ang dugo ko sa nangyari kanina.

"Tara Sheen"

"Tara na Zhian, " sagot ko.

"Mabuti pa nga at umalis ka na.Dahil hindi nababagay dito ang mga bobo!" dinig kong sabi ni Diana.Kaming apat na lang pala ang naiwan dito,pati na si Jaye.

Edi sya na ang matalino.
Eh hindi nga nya kaya answeran yung problems kanina.

"Tama na Diana" sabi ni Zhian kay Diana.

Habang ako parang ewan dito.
Tiningnan ko si Jaye,pero parang wala naman syang paki sa mga nangyayari sa mundo.Kailangan ko nang masanay.

"Tara na Zhian,wag mo ng pansinin yan" hinatak ko na si Zhian palabas dito sa classroom.
Ayokong madamay pa sya.

Pagkalabas namin.Dumiretso na agad kami sa classroom kung saan gaganapin ang qualification exam namin.

" Sa susunod,matuto kang lumaban" nabigla na lang ako ng biglang sabihin yun ni Zhian.

"Hindi kasi ako mahilig lumaban Zhian lalo na sa mga hindi ko ka level " sarkastiko kong sagot sa kanya.

Huminto kami saglit sa paglalakad.

" Tama ka,wag kang lumaban sa mga hindi mo ka level.Pero kapag nasasaktan ka na.Hindi basihan ang level,kung lalaban ka ba o hindi" tiningnan ko sya.Ang layo ng paningin nya.I don't know kung sincere ba sya sa mga pinagsasabi nya o hindi.

"Bakit? Anong ibig mong sabihin?" This time tumingin na sya sa 'kin.

"Sinabi sa 'kin ni Catherine ang lahat." Hindi na ako nagtaka dahil magkapatid naman sila.So possible na sabihin yun ni Catherine sa kanya.

"Ang ano?" inosente kong tanong sa kanya.

"Ang nangyari say with the girls, and the boy who kissed you" sabi nya.

"S-sorry kung hindi ko agad nasabi sa 'yo Zhian,sasabihin ko naman dapat say.."

"No,you don't have to apologize.Ako dapat ang mag apologize dahil ako dapat ang nandun para tulungan ka" kita sa mga mata nya talagang sincere sya sa mga pinagsasabi nya.

"Tapos na yun Zhian,kaya wala ka ng dapat ipag-alala pa.For sure hindi na 'ko guguluhin ng mga 'yun." sabi ko.Hahatakin ko ulit sana sya para magpatuloy sa paglalakad pero pinigilan nya 'ko.

"Paano ka nakakasiguro?"

"Ugh,,basta" sagot ko.

"Basta mag-ingat ka dahil anytime pwede nilang gawin ulit yun,mga fangirls ba ang gumawa sayo nun?" sabi nya.

Nag-isip muna ako saglit.Hindi ko dapat pwedeng sabihin kay Zhian na mga fangirls talaga ang gumawa sa 'kin nun.

"Hindi ko alam.Dahil madilim nung time na yun"

Bago pa sya makasagot.Napatigil kami dahil nakita namin si Catherine na papunta dito sa kinaroroonan namin

" Sheen,Tara na.Tingnan natin kung pang-ilang batch tayo para sa qualification exam natin" sabi nya.

Hinihingal pa nga sya eh.Mukhang kanina pa talaga sya naghahanap sa 'kin.

"Kanina mo pa ba ako hinahanap? "sabi ko.

"YUP!" sagot nya.

" nandito ka lang pala at magkasama lang pala kayo ni kuya" dagdag pa nya.

Nagkatinginan na lang kami ni Zhian.

"Oh,sya.Kuya akin muna si Sheen ngayon ah,mauna na kami.Kita kita na lang tayo mamaya bye!" paalam nya kay Zhian habang para ng mababali ang buto ko sa kahahatak nya.

Hanggang sa nakarating na din kami dito sa bulletin board para tingnan kung pang-ilang batch kami.

"Excuse me ,excuse me!" Then,nakisiksik kami sa mga estudyante dun.

Afterwards,mukhang napansin na rin nyang napagod ako sa mga pinag gagawa nya.

"Sheen? Sorry ha?" Pero nakatingin parin sya sa board.

"Okay lang Catcat,binalian muna ako eh" sagot ko sa kanya.

"1st batch tayo Sheen !" Sigaw nya kaya napatingin ang ilang mga students sa min.

"Hoy! Hinaan mo yang boses mo!" sabi ko sa kanya.

"2 minutes na lang magsisimula na ang exam .Tara!!!" speechless na lang ako dahil agad nya akong hinila.Halos nabangga na nga namin lahat ng estudyante doon.

"C-c-c-c Cath!" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil sakto nakarating na din kami sa classroom kung saan kami mag-eexam.

"Yes,wala pa ang Prof.na magbabantay sa 'tin!" sabi nya at naupo na kami pareho.

"Ang sakit nun Cath ah!"

"Haha! Sorry! Na!" sagot nya.

Tumingin ako sa mga kasabay namin.
Nandito pala si Samantha at ang tatlo nyang alipores,pati si Zhian na badtrip yata kanina dahil kay Catcat.Nandito rin si Jaye,Diana at Trixy.

Hindi rin naman nagtagal, dumating na rin ang Professor na magbabantay sa 'min.

Binigyan kami ng Answer Sheets at booklet.

Kinakabahan tuloy ako sana pumasa ako .

Lahat ng 1st year college kailangan mag take ng exam.Kung anong grades ang makukuha namin i ba-base yun kung saang section kami ma be belong.

After ng kalahating oras natapos na rin.
Nag exchange kami ng papers by row.

Syempre may mga ilang Professor din na naka assist.
Para i check yung iba kung nagchi-cheat ba o wala.

Natapos rin naman agad.

"Oh Sheen? San ka pupunta?" tanong ni Samantha habang hindi pa kami nakakalabas dito sa classroom.

"Sa labas maghihintay ng result" sagot ko.

"Anong oras ba ang result?" tanong nya.

Tumingin ako kay Catherine dahil kanina ko pa pala syang katabi.

"Anong oras ba Cath?"

"Mga around 4 siguro" sagot nya.

Tiningnan ko ang relo ko.
12 pa.Ang boring naman kung maghihintay ako ng ganyan katagal sa labas.

"4 pa daw" sagot ko.

"Ah okay!" sagot nya at lumabas na sya.

"Alam mo Sheen,hindi ko talaga maintindihan ang asal nyang kapatid mo"sabi ni Cath ng makalabas na si Samantha kasama nung tatlo nyang kaibigan.

"Hayaan mo yun,bipolar lang talaga yun!" sagot ko at lumabas na kami.

"Saan tayo ngayon?" tanong ni Catherine ng makalabas na kami.

"Kumain na lang tayo sa labas"

"Mabuti pa siguro dahil nagugutom na 'ko" sagot nya.
At nagtungo na kami sa parking lot,para pumunta sa pinakamalapit na Restaurant.

**

Afterwards,bumalik na kami sa campus at exactly 4 pm .

"Tara ! Tingnan na natin ang result!" As usual hila hila nya na naman ako.

Hindi na ako nakapagsalita.
At sumunod na lang ako sa kanya.

"Yes!"

"Sayang naman!"

"Oh,my gosh!"

"Worth It!"

"No way!"

Iba iba ang mga hinaing na nadinig namin pagdating namin dun ,mukhang may result na nga talaga..

"Excuse! Me!" sabi ko.This time si Catherine naman ang hila hila ko

"Aray Sheen huh?' sabi nya.
Ngayon,na experience mo na din kung anong feeling ng hila hila ka

"Eto na,eto na oh!"sabi ko.

At tiningnan ko ang bulletin board.

Hinanap ko ang pangalan ko sa Section1

Bago ko pa mahagap ang sa 'kin.
Nakita ko ang pangalan ni Catherine.

28.  DEL CASTRO,CATHERINE D.

"Congrats! Catcat!" sigaw ko sa kanya.Wala na akong pake kung ang ingay na namin dito.

Nabigla pa sya sa sinabi ko
"Sure?Sasampalin talaga kita Sheen kung hindi yan totoo," sabi nya pero bakas pa rin sa mukha nya ang saya.

"Ayy,hindi Cath! Ano to??" Sabay turo sa pangalan nya.

"Wah,oo nga!!!"sigaw nya at nag tatalon talon.

Nagpatuloy ako sa paghahanap at nakita ko rin ang pangalan ni Zhian sa section1.

30.  DEL CASTRO,ZHIAN D.

Kahit papaano,masaya rin ako para sa kanya.

Nakita ko rin ang pangalan nila ni Diana at tatlong kaibigan ni Sam.Pati na si Carl Jaye,kung sabagay sya ang may ari ng campus kaya hindi na nakakapagtataka.

Hanggang sa nakarating ako sa Z.
Hinanap ko agad ang pangalan ko.

Finally, hindi ako nabigo.

36.    Zamora,Cindy Sheen A.
37.    Zamora,Samantha A.

Yes! Magkaklase kami ni Sam.

"Tara! Na Sheen!" Sabi ni Cath at hinatak na nya ako palabas dun dahil unti unti na ring dumadami ang mga tao.

Pagkalabas namin dun.

"Wahh! Sheen magkaklase tayo!" sigaw nya at nagtatalon talon sya.

"Hoy,ano ka ba ang dami daming tao oh.Mahiya ka nga mamaya ka na magta tatalon talon" Bigla syang nag pout.

Natatawa tuloy ako sa kanya.

"Congrats!" Napatingin ako sa likuran ko.

"Thank You.Congrats din Zhian.
Kahit papaano magkaklase pa rin tayo" sagot ko.

"Hoy kuya,maghanda ka na palagi dahil magkaklase na tayo whole year" banta ni Cath kay Zhian.

"Baliw!"sagot nya.

"Congratulations,to us!" Napatigil lahat kami ng biglang dumating si Samantha.

"Congrats,Sheen " Then,niyakap ko sya.Himala wala ang tatlo nyang kaibigan.

"Ang sweet nila kuya no?Gusto mo tayo rin? Yakapin mo naman ako kuya oh" Pumakawala agad ako sa pagkakayakap kay Sam.
Sabay pa kaming nagtawanan ni Sam.Dahil halata sa boses ni Catherine na inaasar nya si Zhian.

Hindi ko tuloy ma describe ang ekspresyon ng mukha ni Zhian.

"Bahala ka nga dyan" Ayun nag walk out.

"Lagot ka Cath!" sabi ni Sam.

"Haha,sanay na ako kay kuya"

"Mas mabuti pa siguro.Mag celebrate tayo sa bahay.Magpapaluto ako ng masarap na pagkain kay nanny" pagputol ko sa conversation nila.

"Tara!!"sagot naman ni Cath.

Dumiresto na din agad kami sa bahay.

Bagong simula na naman ba kaya 'to?

May magbabago kaya? Ngayo't magkaklase na kami ng kapatid ko at ng kaibigan ko?

New Update Schedule:
Wednesday & Saturday

Tuloy-tuloy na ang updates nito guys.

Continue Reading

You'll Also Like

Riptide By V

Teen Fiction

310K 7.7K 113
In which Delphi Reynolds, daughter of Ryan Reynolds, decides to start acting again. ACHEIVEMENTS: #2- Walker (1000+ stories) #1- Scobell (53 stories)...
71K 11K 72
නුඹ නිසා දැවුණි.....💙 නුඹෙන් මා නිවෙමි......💙
4M 87.1K 62
•[COMPLETED]• Book-1 of Costello series. Valentina is a free spirited bubbly girl who can sometimes be very annoyingly kind and sometimes just.. anno...
102K 628 24
spoiler "Berani main-main sama gue iya? Gimana kalau gue ajak lo main bareng diranjang, hm? " ucap kilian sambil menujukan smirk nya. Sontak hal ter...