I'm Secretly In Love With You

KhateYoon16 द्वारा

1.3K 71 10

Annyeonghaseyo By the way thank you for adding this story on your library. Lovelots po! For me,being an autho... अधिक

Meet The Main Characters
Prologue
Chapter 1 First Day
Chapter 2-Getting Close
Chapter 3 Friends
Chapter 4-World War lll
Chapter 5-SUCCESS
Chapter 7 Conjugate

Chapter 6 The Start

76 5 3
KhateYoon16 द्वारा

Sheen.

"Arf!!Arf!!Arff!!" Halos mapatalon ako sa gulat dito sa hinihigaan ko ng marinig ko ang tahol na yun,then i've notice that my face was so sticky.I opened my eyes then nakita ko ang tuta sa harapan ko.
Hindi ko alam kung maiinis ba ako o hindi.
"What are you doing here cute little puppy?" Malambing kong tanong sa kanya halata pa rin sa boses ko na bagong gising.
Lumapit sya sa 'kin at humiga malapit sa hita ko.What a cute.

Nagulat na lang ako ng biglang bumukas ang pinto. "Nakita mo ba si Coco?" Saglit akong napaisip.sino si Coco? Agad akong napatingin sa tuta malapit sa hita ko. Bago pa ako makapagsalita lumapit si Sam sa 'kin "C'mon Coco what are you doing here?Kagabi pa kita hinahanap ah" Tumahol si Coco sa harap nya.

Umalis na si Sam sa kwarto.Naiwan akong nakatunganga dito.
Ano nga palang meron ngayon?

Patay!!

Agad akong tumayo at pumunta sa banyo hindi ko na tinignan ang oras baka mas mabilis pa ako kay Superman kung titingnan ko pa kung anong oras na.Ano ba naman yan hindi ko man lang agad naisip na may pasok pala ngayon.Si Samantha naman hindi man lang ako sinabihan tsk.Alam ko naman sa sarili ko na kahit bata pa 'ko masyado na akong ulyanin,joke!

Pagkatapos kong maligo agad akong bumaba.Agad na bumungad sa 'kin si mommy.
"Akala ko wala kang balak pumasok ngayon," Sabi ni mom habang naghahanda ng pagkain. "Hello mom,first day ko 'to sa college life ko noh" Sagot ko nalang sa kanya. "Kumain ka na,yung kapatid mo nag paalam sa 'kin mauna daw muna sya,nagmamadali pa kanina eh," Ano ba naman 'yan,pati ba naman sa college life namin.Gusto ko pa naman ng kasama. "Sge mom,mauna na ako" Lumapit ako kay mommy para mag beso. "Nagluto pa naman ako ng breakfast para sa inyo" Kita sa boses ni mom ang pagkadismaya. "Ibabaon ko na lang 'yan" Nilagay ko sa baunan ang niluto ni mommy at nagpaalam na para umalis.

Naglakad na lang ako papunta sa sa Academy. Malapit lang naman ang 'McAldrich Academy' dito sa subdivision na tinitirhan namin.

Si Samantha? Gaya nga ng sabi ni mommy,maagang umalis, kung sabagay sanay naman ako.

Ilang minuto rin naman sa paglalakad nakarating rin ako sa 'McAldrich Academy' muntik ko ng makalimutan na sa kabilang building na pala ako.Nasanay lang siguro ako nung high school pa 'ko.

Agad akong nagtungo dun,
"Grabe mas lalong gumanda si Samantha ngayon," Dinig kong sabi ng isang babae.
"Oo nga,unlike dun sa kapatid nya!" First day ko pa lang 'to,kaya kailangan ko ng masanay.Totoo naman eh,pero wag naman sana nilang ipaglandakan yun.

Binilisan ko na lang ang paglalakad.Hahanapin ko pa ang room ko.Ano na bang oras ngayon?

Lagot! 15 minutes na 'kong late.

Tumingin ako sa bulletin board kung saang section ako na belong pero temporary lang naman ang section namin ngayon because we need to take an exam kung saang section kami ma belong.

Nakita ko rin naman agad ang name ko.Section 1 ako nag base kasi sila sa  previous grades namin.

Tumakbo na 'lang ako dun sa classroom ko.Tiningnan ko ulit ang relo ko 20 minutes na 'kong late.

Sa di kalayuan nakita ko ang room ko binilisan ko pa ng takbo hindi naman ako runner,dahil sa sobrang bilis ng takbo ko, yung parang nawalan ako ng break.Dire-diretso akong pumasok sa loob ng classroom.

←_←→_→

-_-

Nagulat na 'lang ako ng bumungad sa 'kin ang Prof.namin at mga classmates ko.

Lagot! Sa totoo lang hindi alam kong anong gagawin ko.NAKAKAHIYA!

Ano ba naman kasing nakain ko.Nakakahiya talaga promise! Parang natutunaw na tuloy ako sa mga titig nila.

Patay ! Kung nagkataon nga naman oh,babae pa ang Prof.namin mukhang masungit talaga sya,yung kilay pa lang.Mommy tulong.!!

"You're in Section 1,so everyone's here don't deserve to be late! Are you sure that you belong here!?" Mataray na sabi ni Prof.Kita kong nagpipigil ng tawa ang mga classmates ko dito .Inaamin ko na po Prof. na late ako pero wag nyo naman pong ipagsigawan yun."S-sorry p-po Prof." Yun na lang ang mga salitang lumabas sa bibig ko.
Kita kung tumingin sya sa Class Record nya.
"You're Cindy Sheen Zamora?" Mataray nya pa ring sabi."O-po Prof." Ano ba kasi 'tong kahihiyang ginawa 'ko.Lord!Help me.Nakakahiya na talaga.
"Don't you know that all section 1 here in Academy have rules? May punishment pag may nilabag kang rules dito!" Alam ko po Prof. dahil dito ako nag-aaral dati.Wala naman akong magagawa eh kundi tanggapin kung ano man 'yan. "Oka....." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang may pumasok dito sa room.
"Let that girl to take her seat,or else ipapatanggal kita dito," Halos di ako makapaniwala sa narinig ko mula sa likuran ko.His voice was so very familiar.
"You may now take your seat Ms.Zamora" Paglingon ko hindi na ako nagtaka pa kung sino ang nagsalita nun,sila talaga ang may-ari ng school na 'to kaya wala na dapat akong ipagtaka pa pero sana ilagay nya naman sa tama ang asal nya,Prof.ang sinabihan nya nun kaya kung tutuusin nawawalan na sya ng respeto sa mga pinagagawa nya.

Nagtungo agad ako sa likuran,nagulat na lang ako ng nakita ko dun si Zhian.
"Di mo man lang sinabi sa 'kin na dito ka pala," Bulong ko sa kanya.
"Hindi ko nga rin alam na dito rin ang section mo eh"Tumabi ako sa kanya. "Sa susunod wag ka ng ma la-late ah?" Sambit nya at tumingin lang ako sa mga mata nya. "Okay po,Mr.Del Castro" Sagot ko.Nakita kong palihim pa syang tumawa.

Nakinig na ako sa Prof.namin.
Hindi ko man lang namalayan na magkatabi pala kami ni Jaye.
Kung titingnan mo sya parang wala syang paki alam sa mundo,dahil habang may Prof.sa harapan namin busy lang sya sa phone nya.Daig pa nya ang walang ka muwang muwang na bata eh.

Ilang oras natapos na rin ang class."Sheen,sabay na tayong umuwi,pwede?" Sabi ni Zhian. "Sige maglalakad lang kasi ako eh" sagot ko. "Pupunta muna ako sa mga locker,maghahanap ako ng vacant dun" Paalam ko sa kanya.
Pumayag din naman sya.

Hinanap ko agad kung saan ang mga locker.Buti na lang at agad ko rin itong nakita.
"Wala talaga syang hiya no?" Sabi nung isang girl.
"Yeah!Ang kapal! ng mukha" girl#2
"Siguro sinadya nya talaga yun para iligtas sya ni Jaye sa Prof.natin kanina" girl#3

"Nagtataka nga ako eh,kung kapatid ba talaga 'yan ni Samantha!" girl#1

Sinara ko ang kamay ko sa mga narinig ko.I'm sure classmates ko ang mga 'yan.Hindi ko na lang sila pinansin,nag-aaksaya lang ako ng oras kung papansinin ko pa sila.

Pagdating ko sa may locker,agad din naman akong nakakita ng vacant buti na lang at may dala akong kandado .

Bamalik agad ako sa classroom,nakalimutan ko kasi yung isang libro ko.Pagbalik ko dun.Shocks! Si Carl Jaye na lang naiwan mag-isa.Hindi pa pala ako nakakapag thank you sa kanya.
"Carl Jaye??A-ano t-hank you kanina ah" Nilakasan ko nalang talaga ang loob ko,pagsabi nun.
Tumingin lang sya sa 'kin.

Wala naman sigurong balak mag response tong taong 'to.Basta nakapag thank you na 'ko sa kanya.Palabas na sana ako ng classroom, "Wait," Napahinto ako sa narinig ko. "Bakit?" Lumingon ako sa kanya.  "Hindi ako papayag na sorry lang ang aabutin ko sayo!" Sabi nya pero nakatitig parin sya sa phone nya.
Anong ibig nyang sabihin. "Anong ibig mong sabihin?" Seryoso kong tanong sa kanya.
"I'll give you a condition!" Ngayon humarap na sya sa 'kin. "Wait? Sino bang nagsabi sa 'yo na iligtas mo 'ko kanina sa Prof.natin?" Sa totoo lang hindi ko naman sinabi sa 'kanya na iligtas nya 'ko kanina. "Alam mo ba kung anong punishment nun? Lalo na't nandito ka sa section1?" Bigla akong na curious sa sinabi nya."Ano?" Nagtataka na talaga ako sa mga pinagsasabi nya. Ewan ko,kung mininiwala ba ako o hindi. "Pwede kang ilipat sa section5 at whole year ka na dun!" Bigla akong napaisip sa sinabi nya."Eh ,hindi naman ganyan ang patakaran nung 4th year pa 'tayo ah!" Sambit ko. "Iba ang highschool sa college kaya masanay ka na" Palapit ng palapit pa sya sa 'kin.Nagmumukha tuloy syang manyak sa mga pinagagawa nya.
"Okay! Kung ano man yang condition mo,i store mo muna 'yan kailangan ko ng umalis!" Pagkatapos kung sabihin yun,tumakbo na ako paalis.

Agad akong nagtungo sa parking lot,kung saan naghihintay sa 'kin si Zhian. "Bakit natagalan ka?" Tanong nya. "Ah,ano wala.Tara na " Sagot ko na lang sa kanya.
Tumango din naman sya at sumakay na 'ko sa kotse nya.

Habang papunta pa 'kami sa bahay ang awkward ng paligid.Kanina pa ako nabibingi dito. "Zhian?" Hindi ko alam kung bakit 'yan ang lumabas sa bibig ko. "Oh? Bakit?" Lumingon sya sandali sa 'kin.
Ano nga bang sasabihin ko? "Tungkol kanina," sambit ko. "Anong tungkol kanina?" sagot nya. "Yung nalate ako,ano ba talagang punishment dapat nun?" sabi ko. "Ililipat ka sa section5 whole year" Napalunok na lang ako,so tama pala talaga ang sabi ni Jaye.

Hindi na rin ako nagtanong pa.Nakarating din agad kami sa bahay malapit lang naman ang bahay namin dito sa Academy eh.Kung pwede lang ako mag lakad araw-araw kakayanin ko,'yan na lang siguro ang gagawin ko.

"Thank you." Hindi ko alam kung bakit yun lang ang nasabi ko kay Zhian.Hindi ko na hinintay pa ang sagot nya bumaba na agad ako sa kotse.

Akala ko baba rin sya pero nagpapaharurot na sya ng sasakyan nya.Pumasok na rin ako sa loob ng bahay.
" Buti na paaga ka" Halos ma paatras ako ng marinig ko ang boses ni Samantha.
" Ikaw kanina ka pa ba umuwi?" Sabi ko.
" Kadadating ko pa lang"
" Ah sige mauna na ako sa kwarto ko" Umakyat na 'ko bago pa sya nagsalita.

Pumasok agad ako sa kwarto.
Tiningnan ko ang phone ko parang may mali ngayong araw.May mali talaga.

/Phone rings..../

Catherine...

Tama si Catherine nga may kasalanan ako sa kanya,wala man lang akong update sa kanya ngayong araw.
"Hello Cath?Sorry ha,sorry talaga!" Sabi ko. " Ano ka ba ,bakit ka nag so sorry? Ako dapat ang mag sorry hindi man lang kita pinuntahan kanina " Sabi nya sa kabilang linya. " Wait? San ka bang section?" Tanong ko. " Sa section2 " sagot nya. " Sorry talaga ha,alam kong sa section1 ka,may problema lang kasi ako eh" Bigla akong nagtaka sa sinabi nya. "B-bakit anong problema?" tanong ko. " Catcat!!!!Matulog ka na" dinig kong may tumawag sa kanya sa kabilang linya familiar ang boses nya. Hindi ako nagkakamali at si Zhian yun."Bukas ko na lang sasabihin sa 'yo,magkita na lang tayo bukas ng umaga sa bench malapit sa soccer field.Bye" mabilis nyang pagkakasabi hindi na ako nakasagot dahil pinatay nya agad ang phone.

**

Kinaumagahan naghanda ako agad para hindi na naman ako malate ulit.

Pagbaba ko agad na bumungad sa 'kin si Nanny,mukhang busy na naman siguro si mommy ngayon.
"oh,mabuti't maaga ka ng nagising ngayon anak" Sabi ni nanny.
" Natatakot po kasi ako na baka ma late na naman ako,nakakahiya po talaga nanny eh" Sagot ko at kumuha ng egg bread na ginawa nya.
" Si Sam po? Gising na po ba?"
"Napadaan ako sa kwarto nya kanina tulog pa ata " Sabi nya at busy pa rin sa pagluluto.Tiningnan ko ang relo ko kung ano na bang oras.Maaga pa naman.
" Mauna na po ako nanny ha?"
" Magpahatid ka na lang sa driver " sabi nya. " wag na lang po siguro,mabuti na ring naglalakad ako patungo sa school exercise na din yun,then malapit lang naman po eh " paliwanag ko sa kanya. " oh,sya.Ikaw bahala.Basta mag ingat ka" nag-aalangan pa nyang sabi.

Nagpaalam na rin ako sa kanya at naglakad na patungo sa school.

Nakarating din naman agad ako.
Hindi muna ako dumiretso sa classroom,pumunta muna ako sa bench malapit sa soccer field,hihintayin ko na muna dito si Catherine.

"Syangapala yung kapatid ni Samantha,medyo nagbago rin ng konti compare nung highschool pa sya na sobrang baduy!" Maaga pa lang dinig ko na ang chismis ng mga babaeng 'to.

" Tama,siguro gusto nyang gayahin ang kasikatan ni Samantha.Feelingera"

Alam kung ako ang pinaparinggan nila dahil sa tutok pa lang nila parang pinapatay na nila ako sa isip nila.

"Ah,ganun?Tapos? Ano pa?
Kung feelingera si Sheen,eh anong tawag sa inyo? Assumerang,paki-alamera na mukhang mga kabayo! Eh pag untugin ko kayo dyan eh!" Buti na lang at laging nandyan si Catherine dahil nagiging pipi talaga ako pagdating sa mga ganito.

"Kanina ka pa ba friendship?,sorry ha hindi ko talaga napigilan ang sarili ko sa mga babaeng 'yun" umupo sya sa tabi ko at inayos nya ang buhok nya.
"Kadadating ko pa lang naman.Wag mo ng pansin ang mga 'yan nag-aakasaya lang yan ng oras" sabi ko.

Napahinto sya sa sinabi ko.
"So,gusto mong manahimik na lang,pambihira ikaw kasi ang sobra mong bait eh,halos ipaglandakan na nila sa 'yo ang pang baback-stab nila !" Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi nya.

"Paano pag nalaman 'to ni Samantha? Na ganyan ang pakikitungo nila sa 'yo sa tingin mo magiging masaya sya?" Tumahimik na lang ako dito dahil parang walang mga salitang lalabas sa bibig ko.

"Oh diba may problema ka?" Pag-iiba ko ng usapan.
Natahimik sya bigla.
" A-ano kasi eh,ang problema ko? Ano,natatakot ako na baka hindi ako pumasa para sa qualifying exam para sa permanent section natin whole year, paano kung hindi tayo maging classmate?" Naiintindihan ko ang pag-aalala ng mga mata nya.

" I trust you cath,alam kong makakayanan mo 'yan,ikaw pa.Kahit na maging classmate man tayo o hindi nandito lang ako para sa 'yo" pinalakas ko ang loob nya dahil kita sa mga mata nya ang pag-alala.

" Tara pasok na tayo" Pag-aaya ko sa kanya,matalino naman sya eh alam kong makakayan nya ang lahat.

" Sge kailangan na natin maghiwalay sa unahan pa ang ang classroom ko eh" Sabi ko sa kanya at tumango din naman sya kaya agad akong nagtungo sa classroom mabuti at wala pa ang prof.namin.

Agad akong umupo sa likuran.
" Alam mo ba Trix,na magkaibigan na daw ulit sina Zhian,Carl Jaye at Renz.Gosh ang gu-gwapo talaga nila noh?" Sabi nung isa kong classmate.
" Pero si Carl Jaye talaga ang pinaka gwapo sa kanilang tatlo,mabuti na lang at dito ako sa section 1 nakapasok" Kinikilig namang sabi nung isa.

Bago pa maka sagot yung isang babae biglang natahimik ang paligid.

"Gosh! Nandyan na silang tatlo.Gosh si Renz!!" Bulong nung isa.

Nakita kung papunta silang tatlo dito sa likuran,so sikat pala talaga sila i mean mas sikat pa sila ngayong college compare nung highschool .

Hindi ko na sila pinansin at tumingin na lang ako sa libro ko.

" By the way she's Sheen" Napatigil ako nang nadinig kong pinakilala ako ni Zhian kay Renz.
"Is she your girlfriend,dude?" Nagkatinginan na lang kami ni Zhian.Mukhang sa mga mata pa lang nya nangangasar na.Subukan mo talagang gumawa ng kwento.

Bago pa sya makasagot biglang nagsalita si Jaye.
" Si Zhian? Magkakagirlfriend asa pa," Natigilan si Zhian sa sinabi ni Jaye,mukhang nainis pa si Zhian ng konti.Pero hindi ko mabasa kung anong iniisip nya.
"I guess,hindi pa nag ka girlfriend si Zhian simula nung highschool pa tayo" Pang-aasar ni Renz kay Zhian.
Tumawa si Jaye na parang may meaning,basta ewan.
May binulong si Zhian kay Renz.
" Patunayan mo sa 'kin Zhian" Dinig kong sagot ni Renz.Tumingin na lang ako dito sa libro.Nag-aaksaya lang ako ng oras sa mga taong 'to.

" Pssh! Nadinig ko yun dude.Sige patunayan mo!" Sabi naman ni Jaye.Hindi ko maiwasan ang hindi makinig sa usapan nila.

Dumating din ang Prof.namin.
Mabilis din naman ang oras kaya natapos rin naman ang class.

Pinuntahan ko agad si Catherine.Sakto rin namang lumabas sya sa classroom nila.

"Bukas na pala ang semi-exam friendship!" Sabi nya.Habang naglalakad kami palabas dito sa building.

"Ah oo.Sabi rin ng Prof.namin kanina." sagot ko.
"San tayo ngayon?" tanong ko,habang di parin namin alam kung saan kami patungo ngayon.
"Alam ko na,manood na lang tayo ng dance practice nila ni kuya Zhian" hindi na ako nakasagot dahil hinila na nya ako agad kung saan.

Napadpad agad kami sa isang parang room dito sa school.
Pero mukhang close eh.
"Sure ka Cath? Na dance room 'yan?" Sabay turo sa sinasabi nyang dance room

"Basta sumunod ka na lang sa 'kin" Sumunod na lang ako sa kanya.Nang nasa harap na kami ng door.

Nagulat na lang ako ng nag swipe sya ng parang glass dun sa door."It's me Catherine Del Castro" Sabi nya tas bigla na lang bumukas ang door.Na pa 'wow' na lang ako dun.

Pagpasok namin sa loob bumungad sa 'min sina Jaye,Renz at Zhian.Grabe ang ganda dito sa loob.Super elegant para syang condo na black and white ang theme tas may dance room.Akala ko na ordinaryong room lang 'to dito.

Nakitang kong nag pa-practice silang tatlo sa pagsasayaw napahinto sila ng makita nila kami.
"Anong gingawa mo dito Catherine?" tanong ni Zhian sa kapatid nya.Kinuha nya ang mineral bottle at uminom.

"Wala lang.Ayoko pa kasing umuwi eh" Chill lang nyang pagkakasabi kinakabahan tuloy ako kung anong magiging reaksyon nila na sumama pa ako dito,pwera na lang kay Zhian hindi naman siguro sya magagalit.Ewan ko sa dalawang nilalang este taong kasama nya.
" Hi Sheen,buti sumama ka" Gumaan rin ang pakiramdam ko sinabi ni Zhian.

"S-si Catherine,pinasama nya ako" sagot ko. so parang masaya pa sya na sumama ako tsk.

Hindi na sya sumagot.Tahimik lang rin sin Jaye at Renz.Nagpatuloy rin naman sila sa pagsasayaw nila

Ilang minuto medyo naiilang na ako mukhang kailangan ko na ring umuwi.
"Cath,mauna na ako ha? Kailangan ko na kasing umuwi " sabi ko kay Catherine.

"Sure ka? Baka gusto mo samahan na kita" sabi nya.

"Wag na,kaya ko naman sarili ko eh " tiningnan ko na lang sya sa mata as a sign na kaya ko na ang sarili ko .

"Sge mag ingat ka ha" sabi nya.
"Ikaw na lang ang magbukas ng door di ko kasi alam eh" bulong ko sa kanya,sa totoo lang di ko talaga alam kong paano buksan ang pintuan nila dami kasing mga ano,basta .

"Ah,sige sige" tumayo na kami pareho pero bago pa mabuksan ni Cath,ang pintuan

"Ako na lang maghahatid sa 'yo Sheen" volunteer ni Zhian.Nakitang kong nag walk out si Jaye baka magbibihis lang 'yun,mukhang napagod na rin siguro.

"Wag na lang Zhian.Salamat na lang.Kaya ko naman sarili ko eh tas may pupuntahan pa 'ko " paliwanag ko na lang sa kanya.Sa totoo lang wala naman talaga akong pupuntahan nag-aakasaya lang sya ng oras na ihatid ako mukhang pagod na rin sya.

"S-sge ikaw bahala,mag-ingat ka" minsan nagtataka ako kung bakit napaka concern sa 'kin nitong si Zhian simulang nung nasa Seoul pa kami.

Bumaling na ako ng tingin sa kanya.
Nakita kong may inapakan si Cath,malapit sa baba ng door tas nag swipe sya ng glass na nakadikit sa door then bumukas din sya.Nakaka amaze talaga sa totoo lang sa mga palabas na SPY ko lang nakikita ang nga ganito eh.

Sinamahan muna ako ni Catherine pagkalabas ko ng room.
" Salamat ha,sinamahan mo ako dito" sabi nya.
" Ano ka ba,maliit na bagay lang 'yan noh" sagot ko.
" Sige na.Umuwi ka na,pero mag-ingat ka sa mga fangirls nilang tatlo ah" bigla akong nagtaka sa sinabi nya.

"Bakit?"
"Walang kasing ibang nakakapasok dito silang lang tatlo ang pwedeng pumasok dito except sa 'kin at ang ex....este nagtaka nga ako kanina eh kung bakit hindi sila nagalit na sumama ka," sabi nya.

" Ano naman ngayon? Ah naiintindihan ko na.So,ma iinsecure ang fangirls nila sa 'kin dahil pumasok ako dyan" sagot ko.
" Parang ganun na nga."
" Sge mauna na ako" paalam ko sa kanya.
"Mag-ingat ka ha!"

Bumili muna ako ng pagkain sandali sa canteen,naubos ko rin naman agad mukhang nagutom yata talaga ako ngayon.

Hindi ko alam kung bakit dinala ako ng mga paa ko dito sa hallway.
Naupo muna ako para magbasa ng libro,wala pa ako sa mood umuwi.

Halos hindi ako makagalaw ng makita kung may limang babaeng papunta dito sa kinaroroonan ko.Bigla akong kinabahan kung anong gagawin nila sa 'kin.

"Ikaw !Ang malanding babae na sobrang papansin"  sabi nung isang babae at hindi sya nag dalawang isip na hilain ang buhok ko.Nasasaktan na talaga ako.

" Oo nga,mang-aagaw!" sabi naman nung isa at nakatanggap ako ng malakas na sampal galing sa kanya.Gusto ko na talagang umiyak dahil ang sakit sakit na ng pagkakahawak ng babae sa buhok ko,mukhang namumula na rin ang pisngi ko dahil sa sampal ng isang babae kanina.

Hindi ako makagalaw dahil grabe ang pagkakahawak ng tatlong babae sa 'kin.Eto na siguro ang tinutukoy ni Catherine,bakit ba kasi hindi pa ako umuwi,tas ano bang kasalanan ko sa kanila.

"Ano ba! Nasasaktan na ako!" Hindi ko na namalayan ang pagtulo ng mga luha ko.

"Ah,nasasaktan ka na!!" sabi nung isang babae at inangat nya ang mukha ko.

"Tama na please!" pagmamakaawa ko sa kanya.Tumingin tingin ako sa paligid kung meron bang tao pero mukhang kami lang talaga ang tao dito.Nasan ka ba Catherine?

Kailangan ko ang tulong mo wala akong kalaban-laban sa kanila.
Hindi ko namalayan na muntik na 'kong matumba sa sahig dahil bigla na lang akong binitawan ng mga babae.Hanggang sa may naramdaman akong labi na lumapat sa labi ko hindi ako makahinga sa halik nya,para rin akong na kuryente ang buong katawan ko sa halik na yun.

Hanggang sa hindi ko napansing nagsitakbuhan na ang mga babaeng pinagtulungan ako kanina.Ang huli ko na lang nakita ay parang may sinabi ang lalaki sa kanila, kasabay din nilang nawala ang lalaking humalik sa 'kin kanina.




Agad akong umuwi at buti walang tao sa bahay hindi ko alam kung na 'san ang mga tao dito sa bahay ngayon.Dali dali akong nagtungo sa kwarto at ginamot kong mag-isa ang pasang inabot ko sa mga babae kanina.

Hindi ko parin mawala sa isip ko ang lalaking humalik sa 'kin kung tutuusin first kiss ko 'yun.

Ah basta,hindi ko na lang iisipin yun.Ang kailangan kung isipin ngayon na sana gumaling na 'tong mga pasa ko,baka makita pa 'to nila Sam at Nanny mamaya.


Hindi ko talaga maintindihan kung bakit hinalikan nya 'ko? Ganun ba ang paraan ng pagligtas ? Pero bakit biglang nawala ang mga babaeng nangapi sa 'kin.?
Siguro kailangan ko lang hintayin ang tamang panahon para sa mga kasagutan  na kailangan ko.

Update WEDNESDAY AND SATURDAY.

ABANGAN NYO PO ANG TULOY TULOY NA UPDATES.

STARTING NOVEMBER 23,2016 WEDNESDAY

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

Walker Scobell imagines Hehehe.Scobell द्वारा

किशोर उपन्यास

132K 1.7K 52
Well i mean its just imagines of walker sooooo Also request are open so if you want one just let me know!
Their Little Princess | ✔️ daisy द्वारा

किशोर उपन्यास

1M 32.6K 70
HIGHEST RANKINGS: #1 in teenagegirl #1 in overprotective #3 in anxiety Maddie Rossi is only 13, and has known nothing but pain and heartbreak her ent...
real freaky shii द्वारा

किशोर उपन्यास

38.1K 117 15
just know it's gonna make you hella wet🤭
689K 61.3K 36
𝙏𝙪𝙣𝙚 𝙠𝙮𝙖 𝙠𝙖𝙧 𝙙𝙖𝙡𝙖 , 𝙈𝙖𝙧 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞 𝙢𝙞𝙩 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞 𝙃𝙤 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞...... ♡ 𝙏𝙀𝙍𝙄 𝘿𝙀𝙀𝙒𝘼𝙉𝙄 ♡ Shashwat Rajva...