The Coldhearted Beast 💯

By Dream_Secretly

243K 4.8K 89

LAXAMANA SERIES 1 of 7 Angkan ng mayayaman. Pamilya ng katanyagan. His ARK GABRIEL LAXAMANA. Hinahangaan ng... More

The Coldhearted Beast
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
Chapter 11
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
EPILOGUE

CHAPTER 12

5.6K 129 3
By Dream_Secretly

KUMUNOT ANG noo ko nang mapansin ko ang pagtataka sa mga titig ni patty sa 'kin.

"Kanina ka pa ganyan patty. May gusto ka bang sabihin?" Nagtatakang tanong ko.

"Di ba uuwi ka sa probinsya ninyo?" Takang tanong nya.

Sabi ko na nga ba't magtatanong sya. Mabuti nalang at may naka-handa akong palusot para dyan. "Tumawag kasi si mama. Wag daw muna akong tumuloy." Naka-labing sabi ko.

Hindi ko naman kasi pwedeng sabihin ang kalagayan namin ni sandra ngayon. Tama na 'yung alam nya kung saang pamilya ako nabibilang. Ayoko nang madamay pa sya. Sila.

"Ganun ba?" Tumatangong sabi nya.

Tumango lang rin ako saka nag iwas ng tingin. Nandito kami ngayon sa canteen para kumain. Nagutom kasi kami sa panonood ng graduation practice nang anim. Oo, Ga-Graduate na sila. Mabuti pa nga sila eh, magtatapos na samantalang kami ni patty....isang taon pa.

"Sandy sila mika oh," Sinundan ko ng tingin ang naka-duro nyang kamay.

Napangiti ako nang kumaway si mika sa 'kin. Napa-ayos naman ako nang upo nang maglakad ang dalawa palapit sa pwesto namin.

"Sana lang hindi sila makita ni ark rito," Bulong ni patty.

Tiningnan ko sya ng masama "Wag kang maingay." Bawal ko sa kanya.

"Watever." Pairap na sabi nya saka ngumiti na rin kela mika at michael nang makalapit na ang mga ito sa pwesto namin "Hi guys!" Masiglang bati nya sa kambal.

Ngumiti naman sa kanya ang dalawa "Hi ate patty." Bati ni mika sa kanya.

"Bat kayo nandito? Di ba't sinabihan ko na kayo na wag kayong pupunta rito?" Sabi ko. Baka kasi makita na naman sila ni ark. Ayokong masaktan na naman ang mga kapatid ko dahil sa taong mahal ko.

"Ito kasing si mika ate mapilit." Sumbong ni michael.

Inirapan lang ito ni mika saka nakangiting humarap sa 'kin "Ate next week na kasi ang uwi ni kuya zandro, punta ka ha?"

Napangiti na rin ako "Oo naman," Saka nangako ako kay kuya na pupunta ako sa birthday party nya kapag nakauwi na sya.

"Nga pala ate...." Kumunot ang noo ko nang makita ko ang pag aalinlangan sa mga mata ni mika.

Sinulyapan ko muna si michael bago ko pinagtuunan ng pansin si mika. Sa kanilang dalawa, Itong si mika ang palasalita. Samantalang, Si michael naman ang pinaka-tahimik at malihim.

"Anu ba 'yon mika?" Kunot noong tanong ko.

"A-Ah kasi...." Napa-kagat labi ito saka yumuko.

Napabuntong hininga nalang ako saka muling bumaling kay michael nang mahuli kong siniko ito ni mika. "Anu ba 'yong sinasabi ni mika michael?" Lipat tanong ko rito.

Matagal itong naka-sagot. Tila nagdadalawang isip din kung magsasalita pa ba ito O hindi. Kinabahan ako. Mukhang hindi lang simpleng bagay ang gustong sabihin ng mga kapatid ko.

"Sabihin nyo na sa 'kin." Mahinang wika ko.

Narinig ko ang pagbuntong hininga ng dalawa saka sila nagkatinginan.

"May gusto sana kaming hilingin sa 'yo ate." Si michael na ang sumagot.

Kumunot lalo ang noo ko "Anu 'yon?"

"Pwede mo bang isama sa party si......" Tumigil muna sya saglit saka huminga ng malalim "....Ate sandra?" Pagpapatuloy nya.

Napatigil ako sa sinabi ni michael. "Ex 'yon ng kuya niyo diba?" Rinig kong tanong ni patty.

"Oo ate patty," Si mika na ang sumagot "But we still hoping na sana magkabalikan din sila ni kuya." Malungkot na wika nito.

Lihim na nakagat ko na lamang ang ibabang labi ko. 'Yun din naman ang gusto ko, kaya lang ay alam kong hindi na papayag si Sandra. Kilala ko sya Mahal na mahal niya si kuya Zandro pero alam kong mas pipiliin niya pa rin ang kaligtasan nito kesa ang makipag balikan kay kuya.

"Sandy?" Tawag pansin sa 'kin ni patty.

"Huh?" Wala sa sariling tanong ko.

Kumunot ang noo nito saka umiling "Namamasyal na naman iyang utak mo. Kanina pa ako nagtatanong rito, hindi mo naman ako pinapansin."

"Sorry patty," Hinging paumanhin ko "Anu ba 'yong tinatanong mo?" Tanong ko saka sinulyapan sila mika at michael na nakikinig na lang sa 'min.

"Tinatanong ko kung iyong sandra bang tinutukoy nilang ex nang kuya mo ay ang sandra na madalas mong ikinukwento sa 'kin?"

Wala sa sariling napatango ako. Hindi ko pa nga pala napapakilala sa kanila si sandra nang personal. Ayaw kasi ni sandra.

Bumaling naman ako sa kambal nang hindi na ulit nagsalita si patty "Di ba may klase pa kayo?" Tanong ko sa kanila. Masyado na silang nagtatagal dito, paniguradong maya maya lang ay pupunta na rito si gabriel.

"Ay! Oo nga pala ate." Natatarantang sagot ni mika.

Napangiti nalang ako sa reaksiyon niya. Naiiling na hinila nalang ito ni michael patayo. "Aalis na kami ate. Ang kulit kasi nito ni mika eh, alam naman niyang bawal kami dito nagpupumulit pa." Ani ni michael saka tinapunan nang masamang tingin ang kakambal.

"Gusto ko lang naman makausap si ate ngayon eh!" Nakangusong sagot naman ni mika.

Mabuti nalang at nasa medyo tago kaming pwesto. Pero, hindi pa rin ako pwedeng makampante. I know gabriel will be mad, kapag nakita niya sila mika at michael rito.

"Wag na kayong magtalo." Ngumiti ako. Kahit papano ay natuwa pa rin ako dahil talagang pinuntahan pa nila ako dito. "Sige na, Umalis na kayo." Sabi ko "Magkita nalang tayo sa party." Pupunta ako. Kahit anong mangyare.

"Sige ate." Tumango si michael saka na nito hinila si mika palayo.

"Bye ate! See you at the party." Magiliw na sabi ni mika sa 'kin bago tuluyang nagpahila kay michael.

"Nakakatuwa talaga ang mga kapatid mo. Ang babait." Rinig kong sabi ni patty.

Nakangiting bumaling ang tingin ko sa kanya. Nasabi ko na bang ang swerte ko sa kanya? Ang swerte ko dahil naging kaibigan ko ang mga laxamana sa kabila nang nalalaman nila sa buong pagkatao ko.

"Salamat sa pagiging mabuti sa kanila patty." Sabi ko rito.

Ngumiti lang din ito "Wala 'yun sandy." Alam kong may galit din siya sa pamilya ko at 'yun ang aalisin ko. Lilinisin ko ang pangalan nila daddy at ibabalik ko sa dating ayos  ang lahat.

"Oh my ghad!"

"Shit!"

"Kawawa naman 'yung mga bata!"

"Diba sila din 'yung pinagtripan niya dati?"

"Oo nga. Bat ba kasi pumunta pa ang mga 'yan rito."

"Kasalanan nila 'yan!"

"Gosh! Kawawa naman 'yung lalaki walang ka-laban laban!"

"Diba mga Delos santos ang mga 'yan?

"Kaya pala ang laki nang galit ni ark sa kanila eh." Unti unting nabura ang ngiti sa labi. Ang kaninang tuwa sa dibdib ko ay napalitan nang kaba, lalo na nang makita ko ang pag aalala sa mga mata ni patty.

Dahan dahan kong tiningnan ang mga ka-batch kong nagbubulungan. At dun ko lang napagtantong ang dami na palang studyante ang nagkukumpulan sa gitna nang canteen.

Lalo akong kinabahan nang marinig ko ang boses ni mika na sumigaw. Saglit akong napatingin kay patty, Magsasalita pa sana ito nang kaagad akong tumayo at tinakbo ang kinaroroonan ng mga kapatid ko.

"Sandy!" Rinig kong sigaw ni patty na hindi ko na pinansin. Kailangan ako nang mga kapatid ko. Hindi dapat sila nasasaktan, wala silang kasalanan.

Pinagtutulak ko ang mga taong nakaharang sa dinadaanan ko, wala akong pake kahit nagrereklamo na sila basta mapuntahan ko lang ang mga kapatid ko.

"Gabriel!" Sigaw ko rito nang makita kong lalapitan nitong muli sila mika.

Napatingin ito sa 'kin at napatigil saglit. Blanko ang expression nito pero kitang kita mo pa rin doon ang galit, na maski ako natatakot.

Agad kong nilapitan sila mika at michael. Nakahandusay na si michael sa sahig, putok ang kaliwang labi. Samantalang, pilit naman siyang tinatayo ni mika. Nahabag ako sa nakikita kong kalagayan nila. Hindi niya dapat ito ginawa sa mga kapatid ko!

"Ate...." Mahinang usal ni mika nang nakayuko at pilit pa ring tinutulungan si michael na makatayo. Alam kong umiiyak na siya.

"Ayos lang ba kayo?" Nag aalalang tanong ko sa kanila saka ko rin tinulungan si michael na tumayo.

"Ate.....nasaktan si michael," Narinig ko ang paghikbi ni mika habang nakayuko pa rin. Naitayo na namin si michael, na tahimik lang na niyakap si mika at pinapatahan.

"Tahan na mika...." Naluluhang bulong ko rito habang hinahaplos ang likod niya. Sunod ko namang binalingan ng tingin si michael. "Ayos ka lang ba?" Nag aalalang tanong ko kahit alam ko namang hindi. Nasaktan siya, for god's sake!

"Opo ate," Tipid itong ngumiti sa 'kin saka muling pinatahan si mika na mas lalo atang lumakas ang paghikbi.

"I'm sorry." Di ko na napigilan ang mga luha ko. "Sorry, wala na naman akong nagawa."

"It's okay ate." Ani ni michael "Wala kang kasalanan." Ngumiti ulit ito na parang walang natamong sugat sa labi "Wag munang sisihin ang sarili mo ate. Tama na. Hindi lahat nang bagay kasalanan mo." Seryosong sabi nito.

No. Kasalanan ko lahat. Ako ang may kasalanan nang lahat.


"Sandy....."

*****
SEE YOU NEXT CHAPTER KUNG MAY NAGBABASA MAN NITO.

Vote and Comment.

Continue Reading

You'll Also Like

74.3K 1.6K 46
He initially disliked her, treating her as desperate and unworthy woman. However, when her cousin entered the scene and posed as her new lover, he be...
33K 763 42
Ako si Isabella Fernandez, isang simpleng mamamayan sa bayan ng Asturias. Simple at tahimik lang ang buhay ko, hindi man kami mayaman pero masaya kam...
230K 3.3K 27
Is it possible to fall in love to someone you can't have
111K 2.8K 39
"Are you kidding me, woman? After asking me such a question, you're going to break up with me. Are you kidding me? No way, f*ck*ng way, lady!You're m...