End This War (Alegria Boys #3...

By jonaxx

91.6M 2.2M 1.1M

Alam mong kalaban pero nagawa mo paring mahalin. Alam mong hindi pwede pero mas lalo ka paring nagpupumilit... More

End This War
Ang Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Ang Katapusan
Notes

Kabanata 39

1.1M 27.5K 25.6K
By jonaxx

SPG: Lengwahe

-------------------------------------

Kabanata 39

Experience

Nayanig ang buong sistema ko sa linya ni Craig.

"Clark?" Bulong ko.

Napalingon si Aling Nena sa akin pero ipinagkibit balikat niya lang iyon.

Mas lalo pa akong lumayo. Halos lumabas na ako ng bahay ni Aling Nena para kausapin ang kapatid ko. Kinakabahan ako.

"Oo. He's here, right now. Kinakausap siya nina mama at tiya."

"Bakit? I-I mean... ano? ANO?"

Ginulo ko ang buhok ko. Hindi ako makapaniwalang nandito ang ex ko sa Alegria.

"Hinahanap ka niya."

Parang tumigil ako sa pag hinga sa sinabi ni Craig.

Bumalik sa alaala ko ang mga nangyari noon. Ang nadatnan ko kay Clark nang nagpunta ako sa Maynila. Nakapatong siya kay Janine habang umuungol ng husto si Janine. Fuck! I was so devastated. Hanggang ngayon dala ko parin ang pandidiri at pagkainis sa kanilang dalawa. Pero kung gusto nila iyong ipagpatuloy, wala na akong pakealam. I'm happy with Hector.

Alam kong masyadong maaga. Limang buwan pa lang ako dito sa Alegria at napalitan ko na agad si Clark. Worst... may nangyari na samin ng dalawang beses ni Hector. Noon ay wala pa iyon sa isipan ko dahil hindi naman ako minamadali ni Clark. Pero ngayon? Ultimo pag tanggal ni Hector sa kanya pag nandyan na ay naiisip ko na! Uminit ang pisngi ko sa naiisip ko. Pinilig ko ang ulo ko para makalimutan iyon.

"Ateng, andyan ka pa ba?" Humalakhak si Craig. "Are yoy confused?"

"WHAT? I'm not!" Sabi ko nang nag snap out sa aking mga iniisip.

"Gusto niyang makipag kita sayo. Ano? Dito ba sa bahay?" Tanong ni Craig.

"Bakit pa siya makikipagkita? Ayaw ko ng makipagkita sa kanya, Craig. I don't love him anymore."

"Edi sabihin mo sa kanya. I mean, ate, pag di ka nagpakita, ibig sabihin bitter ka parin sa nangyari. Kailangan niyo ng closure na dalawa-"

"May closure na kami noon pa bago ako umalis ng Maynila-"

"Ikaw may closure pero siya ata wala kasi humagulhol iyon dito kanina sa harap ni tiya."

"WHAT?" Kinagat ko ang labi ko.

"So? Ano? Itataboy ko na lang ba ito?"

After almost six months ay ngayon pa siya magbabalak na hanapin ako para magkaroon kami ng closure? No! I doubt it... Something is up! If he's asking me back, bakit hindi noong June? Bakit ngayong Oktubre pa, diba? Nagsawa na ba siya sa kakasakay niya kay Janine at ngayon ay nagpasyang sakin na ulit? Fuck you, Clark. I'm sorry but I'm in love with someone else right now. Your turn is done and you failed me!

"Just tell him I don't wanna see him." Sabi ko.

"Really? Kahit na ikaw na lang mismo ang magsabing wala na talaga kayong babalikan?"

"Hi!" Napatalon ako sa biglaang bati ni Hector.

Agad kong pinutol ang tawag ni Craig. Pakiramdam ko naubos ang dugo sa mukha ko dahil sa biglaan niyang pagsulpot. Para akong guilty sa isang kasalanan kahit alam kong wala naman talaga akong kasalanan.

"Sinong kausap mo?" Tanong niya at binaba ang tingin sa cellphone ko.

"Si... Cla-Craig..." Halos higitin ko ang dila ko sa inis ng pagkakadulas.

"Oh, bakit daw?"

"Kailangan ko ng umuwi." Sabi ko habang tinitingnan ang gwapo niyang mukha habang nagpupunas ng basang buhok.

"Umuulan pa. Mamaya na lang."

"Eh... Uhm... Kailangan. Si Lola Siling kasi nag wa-wild na naman yata." Pagsisinungaling ko.

Sigurado akong ihahatid ako ni Hector. At paano kung nakaabang si Clark sa tapat ng bahay habang hinahatid ako nitong hari ng buhay ko? I should do something about it.

"Hmmm. O sige. Text tayo ah, tsaka bukas ulit? Tatawagan ko lang si Mang Elias." Aniya at kinuha sa loob ang cellphone niya.

Pumasok na rin ako sa loob ng bahay. Habang tinatawagan niya si Mang Elias ay nag titext naman ako kay Craig.

Panay ang isip ko ng lugar ng tagpuan namin ni Clark. Kung sa sentro ay baka may makakita samin. Kung sa Kampo Juan ay baka may makakitang kaibigan ko. Kung sa Alps o sa Tinago, paniguradong may makikita parin. Alam ng lahat na ako ay kay Hector. Sa sobrang pang aangkin ba naman ng lalaking ito, sino pa ba ang hindi makakaalam?

Ako:

Pakihatid siya sa gazebo. Yung malapit sa ilog papuntang ACC.

Doon ko naisip dahil alam kong walang tao dun. Pinapalibutan iyon ng gubat at wala ni isang tao ang madalas dumaan doon. Siguro ay iyon ang naging pugad ni Hector at alam iyon ng lahat kaya walang nangangahas na pumunta doon.

Craig:

Alright.

Nilingon ko si Hector at nakita kong nililigpit niya na ang gamit ko. Nilingon niya rin ako. Namutla na naman ako sa titig niya.

"Oh, bakit?" Kumunot ang noo niya.

"W-Wala." Tumawa ako at kinuha ang bag.

"Nandyan na si Mang Elias sa labas. Ihahatid ka namin sa bahay niyo."

Tumango ako at pumanhik na kasama siya. "Alis na po ako." Sabi ko kay Aling Nena.

Tinitigan lang ako ng matanda hanggang sa nakaalis na ako sa bahay niya.

Ngiting ngiti si Hector nang nasa sasakyan na kami. Dikit pa siya ng dikit sakin.

"Oh? Anong problema mo?" Tanong ko.

Nilingon niya ako at kinindatan. "Nagawa na naman natin." Humalakhak siya.

Uminit ang pisngi ko at agad nilingon si Mang Elias na walang kamuwang muwang sa binubulong sa akin ni Hector.

"Next time sa loob-"

"HEP!" Agad kong tinakpan ang bibig niya.

Bakas parin doon ang ngisi niya kahit na tinakpan ko na iyon.

"Wa'g na wa'g mong susubukan yan, Hector."

Tumawa na lang siya nang tumawa habang ako ay iiling iling hanggang sa nakarating na kami ng bahay.

Umaambon parin at halatang uulan pa maya maya. Nakita ko si Craig na nakasilong sa puno namin habang tinitingnan ang cellphone niya. Agad akong ginapangan ng kaba. Nandyan pa kaya si Clark? Nakaalis na ba siya?

Nanlamig ako at nanuyo ang lalamunan ko. Kung hindi lang ako hinapit ni Hector at hinalikan ang noo ay hindi ako kakalma.

Kumunot ang noo niya nang nakita ang pagkabigla ko sa ginawa, "Oh? May problema ka ba?"

"Wala. N-Nag aalala lang ako kay Lola." Untag ko.

Tumango siya at hinaplos ng marahan ang braso ko. "Pasok muna ako sa bahay niyo?"

"Ha? Wa'g na! Umuwi ka na. Itetext lang kita pagkatapos." Sabi ko sabay labas ng sasakyan nang sa ganun ay hindi niya na maisipan iyon.

"O-Okay. I love you." Binaba niya ang salamin ng Jeep para makausap pa ako.

"I love you too." Ngumisi ako at agad agad din siyang tinalikuran para buksan ang gate at makapasok sa loob ng bakuran namin.

Una kong nilapitan si Craig. Hinintay ko munang umalis ang sasakyan ni Hector bago ako nagsalita.

"Asan siya?"

"Nandun na." Si Craig.

"Anong ginagawa niya dito kanina?"

"Hindi ko alam. Naiinis ako sa pag mumukha niya, eh. Hindi ako nakinig sa usapan nila." Utas ng kapatid ko.

Tumango ako.

"Ni drop siya ni Teddy kanina sa may daan patungong gazebo na sinasabi mo. Kaya lang, pumunta si Ted sa Camino para bumili ng manok. Di ko na nga sinamahan kasi naiirita ako kay Clark."

Ngumuso ako at nakita ang nakakunot na noo ng nakababatang kapatid ko. "Thanks, Craig."

Hindi na ako nag abalang kumuha ng payong nang umalis ako sa bahay at tumulak papuntang gazebo. Naglakad lang ako papunta doon. Naglakad ako para maka formulate ako ng mga ideya kung anong sasabihin ko sa ex ko mamaya pag nagkausap na kami.

Nang lumiko na ako sa talahiban papuntang gazebo ay nagsitindigan na ang balahibo ko. Hindi iyon dahil sa lamig dala ng ambon, kundi dahil sa lamig na naramdaman ko sa sikmura ko. I have no feelings toward him anymore.

Naaninag ko ang tulalang si Clark habang nakahawak ang dalawang kamay at nakahilig ang katawan sa haligi ng gazebo. Dinudungaw niya ang ilog at hindi siya gumagalaw.

Nang narinig niya ang mga yapak ko ay saka siya lumingon sa akin. Agad bumungad sa akin ang mapupungay niyang mga mata at naiiyak niyang ekspresyon.

"Oh God, Chesca! I missed you!" Niyakap niya ako.

Bumalot sa akin ang mainit niyang yakap. Hindi ko siya niyakap pabalik. Hinayaan ko siyang yakapin ako kahit na nairita agad ako. Ito na siguro ang huling beses na magiging ganito kami kalapit ni Clark.

Hinawakan niya ang magkabilang braso ko at yumuko para mas lalong makita ang mukha ko.

"I... I still love you..." Nababasag ang kanyang boses nang sinabi niya iyon sa akin.

Wala akong ginawa kundi ang titigan siya ng walang ekspresyon. Tulad ng feelings ko sa kanya na wala na rin.

"I'm so, so, sorry. N-Natempt lang ako!" Paliwanag niya.

"Alam ko, Clark." Sabi ko.

Bumuhos ang kanyang luha.

Mas lalong gumulo ang buhok niya at mas lalong na define ang kanyang mahahabang eye lashes. Umihip ang malakas na hangin at wala akong maramdaman kundi ang pagiging manhid.

"I'm sorry... Hindi kami ni Janine. Kahit kailan di ko siya minahal! Ikaw lang ang minahal ko, Chesca."

Kung sana ay hindi ko naiisip na sinasakyan niya si Janine nang nadatnan ko silang dalawa sa Maynila ay madali akong mahahabag ngayon. Kung sana ay nag away lang kami ng simple at hindi siya nagtaksil ay sana madaling umo-o ulit. Pero hindi... Mahirap na mahirap na. Ngayon pang may mahal na akong iba?

"Chesca, believe me! Nung nadatnan mo kami! Nakainom kami nun-"

Nanliit ang mga mata ko.

Hindi ko kayang hindi magtanong.

"Bakit?Bakit after 6 months, Clark. Ngayon lang?" Tanong ko. "Ngayon mo lang naisipang sundan ako dito?"

"B-Because I know... I know... you are still mad at me! Kaya pinahupa ko muna ang galit mo. I know you still love me, Chesca. I know!" Aniya.

Mariin kong tinikom ang bibig ko habang humahagulhol siya sa pag iyak.

"Sinabi ng tiya mo na mahal mo parin ako!" Giit niya.

"WHAT?"

Napaatras ako sa sinabi niya.

"Yes... Chesca... I know everything now, honey. Shhh..." Aniya at agad akong binalot sa yakap niya. Hindi ko na siya kayang pagbigyan. Pumiglas ako ngunit dahil mahigpit ang pagkakayakap niya ay saka na ako nakawala nang bitiwan niya ako at kinulong niya sa kanyang mga palad ang mga pisngi ko at mariing siniil ng pamilyar ngunit nakakadiring halik.

"Clark!" Sigaw ko sabay tulak sa kanya ngunit di siya natinag.

Pinagpatuloy niya ang paghalik. Dumaloy ang luha sa mga mata ko. Hindi iyon luha dahil mahal ko pa siya... luha iyon para sa inis sa kanya... Inis sa ginagawa niya ngayon at sa mga nagawa niya ngayon. Hindi ako kailanman manghihinayang sa break up namin. Ang hindi ko lang matanggap ay isa siya sa mga itinuring kong taong pinagkakatiwalaan ko, maging si Janine ay tinuring kong ganun, pero paano nila nagawang pagtaksilan ako?

Wala na ba talagang mapagkakatiwalaan sa panahong ito?

Si Craig?

Si Hector? Sila na lang ba ang mapagkakatiwalaan ko? Dahil nauubos na ang mga loyal at mabubuting kaibigan. Ubusan na sa panahong ito. Scarce ang mga taong tunay na magmamahal sayo at kaya mong pagkatiwalaan.

Tumigil siya sa paghalik at hinarap ako. Kahit kailan ay hindi ko binuksan ang bibig ko para iwelcome ang halik niya. Itinulak ko lang siya pero hindi ko alam kung paano niya nasabi ang mga susunod niyang sinabi...

"You still love me..." Giit niya.

Umiling ako. "Hindi, Clark."

"No... You still love me. Bakit ka umiiyak kung ganun?" Tanong niya.

Ayaw kong sabihin sa kanya na hindi ko na siya mahal dahil nandyan na si Hector. Hindi ko na siya mahal dahil namatay na ang pagmamahal ko kasama sa pagkamatay ng tiwala ko sa kanya... Minahal ko si Hector sa panibagong kabanata ng buhay ko. Maaring mali dahil diretso ang pagkahulog ko pero iyon ang totoo.

"Si Hector ba?" Tanong niyang ikinabigla ko.

"HUH?"

"Hindi ako naniniwala." Gumuhit ang ngiting histerya sa kanyang mukha. "Gusto mo lang magpahard to get, eh. Akala mo tatalab iyan sakin? Alam ko, Chesca! Alam ko ang usapan ninyo ng tiya at mama mo! Paibigin si Hector para sa lupa ninyo? DAMN IT! Magkano ba ang utang niyo sa kanya at nang mabayaran ko putangina akin ka!" Galit niyang sinabi sakin.

Napapikit ako sa inasta niya.

"Ha? Ano, Chesca! Alam ko diba? Iyon ang totoo diba!? Damn it! Isang taon! Isang taon tayong mag on! Ilang taon kitang niligawan! For God's sake pinaghirapan kita ng husto!"

"Shut up, Clark! Nagkakamali-"

"No, you listen, alright!? Alam ko ang tumatakbo sa utak mo. Ilang taon na tayong magkakilala. Kabisadong kabisado na kita. You are doing this for your damn revenge at si Hector? Si Hector ay damay lang! Sugatan lang sa giyera natin!"

Aapila na sana ako nang may malamig akong boses na narinig sa likod ko.

Isang boses na magpapabago sa buong sistema ko.

"So... Totoo pala yun?"

Mabilis kong nilingon at nakita ang nakakuyom na panga ni Hector. Nakita kong nag flex ang muscles niya sa braso dahil sa pagkukuyom ng kamao niya. Para bang readyng ready siya manuntok.

"Sino ka?" Agad tanong ni Clark.

"Hector!" Sigaw ko sabay hakbang patungo sa kanya pero nilingon niya ako gamit ang galit niyang mga mata.

"Diyan ka lang at hindi ko kailangan ang babaeng tulad mo!"

Nanlaki ang mga mata ko. Umiling iling agad ako habang nanunoot sa kalamnan ko ang mga sinabi niy. "Oh my God! Wa'g kang maniwala sa kanya! Ikaw ang mahal ko-"

"SHUT UP, FRANCESCA!" Sigaw niyang galit na galit. "Kung mahal mo ako, ba't ka naglihim, ha?" Mariin niyang sinabi "Kung mahal mo ako, ba't nandito ka ngayon at nakikipagkita sa kanya? HA?"

"Simple lang, dude, mahal niya ako. Ako yung tunay dito. Ako ang nauna."

Bumaling ang nag aalab na mga mata ni Hector sa kanya. Tumawa siya at tinaas ang kanyang kilay. "Talagang ikaw ang nauna? Sigurado ka ba diyan? Mas mahal nito ang lupa nila kesa sayo, eh." Umiling si Hector. "Mas mahal niya ang pera kesa sayo kasi ako yung inuna niya, diba? Iniwan ka ba?"

"Hector, please... please... pwedeng makinig-"

"Tumahimik ka, Chesca! Hindi ko kailangan ang paliwanag mo dahil dinig na dinig ko ang lahat! Tangina mo, sana di na lang kita nakilala! Sana di ka na lang pumuntang Alegria!" Mahinahon niyang sinabi pero mariin.

"Wa'g mong ma sabihan ng ganyan ang girlfriend ko! Akin siya!" Sabi ni Clark.

"Edi sayo na!" Galit na sinabi ni Hector nang bumaling kay Clark.

Hindi ko namalayan na bumuhos na ang luha ko sa mga mata ko. Sa nag aalab pa lang na titig ni Hector ay nanghihina na ako. But I'm not gonna give up here without putting a good fight!

"Hector! Ikaw ang mahal ko! Alam mo yun! Alam mo yun! These past few months kahit na-"

"TAHIMIK!" Utos niyang umalingawngaw sa gubat.

Namilog ang mga mata ko sa sigaw niya at natigil ako.

"You are nothing but a whore, Alde." Nag igting ang bagang niya at tinalikuran kaming dalawa.

Parang pinpiga ang puso ko sa tinawag niya sakin. Pinilig ko ang ulo ko at tinanggal iyon sa sistema ko.

Hinarap siya ni Clark at agad sinuntok. "You don't do that to my girl!" Sigaw niya.

Natamaan si Hector sa pisngi. Nakita kong dumugo ang labi niya. Sinuntok din ni Hector si Clark at tumilapon siya sa sahig ng gazebo.

"HECTOR!" Sigaw ko.

"Don't you dare call my name again!" Sabi niya sabay alis.

Nilingon ko si Clark. Nakita kong iniinda pa niya ang sakit ng pagkakasuntok ni Hector. Nilingon ko rin si Hector at walang pag aalinlangang sinundan ko siya. Hinigit ko ang braso niya para humarap siya sakin.

"Hector, please... m-makinig ka." Basag na basag ang boses ko.

"Ano pa ang dapat kong pakinggan? Lahat ng kasinungalingan mo?" Hinawi niya ang kamay ko sa braso niya. "Wa'g mo kong hawakan. Nandidiri ako sayo."

Natigilan ako. Tumunganga ako at mas lalong bumuhos ang luha ko. Pero hindi ko parin siya tinigilan. Hinabol ko siya at hinigit ulit.

"HECTOR!" Sigaw ko.

"TANGINA MO! BUMALIK KA SA KANYA AT MAGHALIKAN KAYO DUN! TANGINA KA!" Sigaw niyang nagpabigla sakin.

Nagpatuloy siya sa paglalakad at hinigit ko na naman siya. "HECTOR IKAW ANG MAHAL KO! AT WALA AKONG PAKEALAM KUNG ANONG SABIHIN MO! GUSTO KO MAINTINDIHAN MO YUN! BELIEVE ME! Diba yun ang sabi mo?"

Mabilis niyang hinawi ang kamay ko sa braso niya. Nag igting ang kanyang bagang. Nilingon niya ako at kitang kita ko ang pamumula ng mata niya. "Ano pa? Sige pa! Ubusin mo pa yung kasinungalingan mo, Chesca. Alam ko eh... Alam ko nung una pero nag bulagbulagan ako dahil nagustuhan kita! Pero ngayon?" Tumawa siya. "You are just my first. Hindi ikaw ang magiging last ko. Let's just say... 'experience' ka lang..."

Nalaglag ang panga ko. Hindi ko na napigilan ang kamay ko sa pagdapo sa kanyang pisngi. Umalingawngaw ang malutong kong sampal. Nakita kong mas lalong sumiklab ang galit niya sa ginawa ko. 

Ngumisi siya. Nakakapanindig na balahibong ngisi.

"Mas lalong bumaba ang tingin ko sayo." At tinalikuran ako.

Durog na durog ang puso ko. Hindi ko alam kung maayos ko pa ito. At hindi ko rin alam kung aayusin ko pa ba ito.

Continue Reading

You'll Also Like

111M 2.3M 65
It was wrong to be near her. No. He shouldn't be near her. Nilalabanan ni Brandon ang kanyang sarili dahil useless ang attraction na nararamdaman niy...
42.9M 1.4M 43
Charlotta Yvonna del Real is the queen of Altagracia. Anak ng may-ari ng malaking Azucarera, she has it all - friends, popularity, riches, boys. But...
11.6M 295K 33
Breaking the Bad Boy prequel/sequel Written by blue_maiden Start: September 15, 2016 End:
589K 21.9K 70
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.