Biglang liko #83 COMPLETED

By augustshier

4.5K 81 21

vicerylle, vhoice, vhonganne,vhongrylle magulong love triangle SA LOOB NG REIKING UNIVERSITY... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8

Chapter 4

442 10 3
By augustshier

 Chapter 4

Tanging si Jose Marie lang ang nasa loob nang basketball gym. Kakatapos lang kasi nang praktis, kasapi kasi siya sa basketball team nang Reikings.

Si Jose Marie ay isa sa pinakamahilig mangbully sa mga kapwa estudyante , kapag alam nilang mahina madalas nilang pagtripan, kahit mabunggo lang ay inaaway na nila . Madalas ang grupo sa opisina ni Kim pero dahil Family friend ang Family niya kaya hindi pa siya natatanggal.

Nagbabasketball siya mag isa, nililibang niya ang sarili dahil naguguluhan siya sa mga nangyayari. Alam niyang may bumukas nang pinto at pumasok pero hindi niya ito binigyang pansin pinagpatuloy niya lang paglalaro.

"pwede ba tayong mag usap?" tanong nito.

Hindi niya nilingon pero alam na niya kung sino , si Karylle na naman.

"please Jose"

"wala tayong pag uusapan " nagdidribol pa siya nang bola.

Humakbang si Karylle palapit pero

"Hanggang diyan ka lang"

"sorry na please , gusto talaga kita ee!"

"hindi kita gusto"

Nasaktan si karylle sa sinabi nito 

"si Anne ba ang dahilan?"

"wala akong dapat sabihin sayo, umalis ka na"

Muling naglakad si Karylle , pumuwesto siya sa ilalim nang ring. Si Jose Marie naman ay nakatayo sa Free throw line.

"anong ginagawa mo?'

"pagnagshoot ka, siguradong masasaktan ako. Sige ishoot mo"

"hinahamon mo ako?''

"alam kong galit ka sa akin , baka kahit konti mabawasan yan!"

"bahala ka"

Nagshoot siya. Mukang nasaktan si Karylle dahil napatumba ito.

"Karylle!!" tawag niya , hindi parin gumagalaw ito.

"Karylle hindi kaya ako nakikipagbiruan sayo. Iiwan kita dito " ulit niya. Hindi parin ito gumagalaw.

Lumapit na siya dito.

"K ano ba " umupo siya. Inalog alog niya si Karylle "Gumising ka na Hoy!!''

Inilapit niya ang tainga niya sa dibdib nito naririnig pa naman niya ang heartbeat nito. Pati pulso nito tama rin ang tibok.

"Niloloko ba ako nang babaeng ito. Hindi naman masakit ang ginawa ko . K aalis na ako bahala ka na"

Tumayo na siya , kinuha ang bag niya at lumabas . Iniwan niyang mag isa ang kaibigan.

HIndi pa man siya nakakalayo , kakasara pa lang nang pinto inuusig na siya nang konsensiya niya. Para naman siyang gago kung iiwan niya lang ang kaibigang matagal na niyang kilala.

Simula pa noong bata magkakilala na silang tatlo nila Anne, Halos sabay sabay silang lumaki. Noong second year high school siya nang maging sila ni Anne. Hindi naman ganoon kasweet si Anne at hindi rin ito nagpapakita nang pagmamahal, siguro nagagamit niya si Anne bilang pampataas nang pagiging lalake niya. Kahit sinong lalake kakainggitan ang magkaroon nang girlfriend na kasing ganda ni Anne.

Si Karylle naman masasabi niyang perfect na kaibigan halos lahat nang kailangan niya naibibigay nito. Kung kailangan niya nang perang pang inom o pangsugal isang text niya lang dito magbibigay agad ito dahil hindi siya kayang bigyan nang mga magulang niya kung yun lang ang gagastusan . Hindi niya akalaing may feelings  pala si Karylle sa kanya, siguro kung magiging girlfriend niya ito napakaperfect girlfriend nito kumpara kay Anne na masyadong soclal.

KAKATAPOS LANG NANG PRAKTIS NANG BASKETBALL TEAM NI JOSE MARIE . MAS NAUNANG LUMABAS ANG MGA KATEAMMATE KAYSA SA KANYA. NAIWAN SIYNAG MAG-ISA DAHIL INAAYOS NIYA PA ANG GAMIT NIYA, NABIGLA SIYA SA PAGSULPOT NI KARYLLE SA HARAP NIYA MUKANG INANTAY SIYA NITO

"K ANONG GINAGAWA MO DITO?"

"GUSTO KO IHATID MO AKO SA HOUSE"

"ANO? HINDI AKO ANG DRIVER NIYO , SI ANNE KASI ANG IHAHATID KO"

"LAGI NA LANG SI ANNE , PAANO AKO?"

"IHAHATID NA LANG KITA SA SAKAYAN, TARA"

"AYOKO"

"BAKIT BA ANG ARTE MO NGAYON , HINDI NAMAN TALAGA KITA HINAHATID"

"KAYA NGA GUSTO KO IHATID MO AKO"

"BUKAS NA NATIN PAG USAPAN YAN , GUMAGABI NA MAGAGALIT NA NAMAN SA AKIN SI ANNE PAG HINDI PA AKO LUMABAS"

"MAGAGALIT DIN AKO PAG HINDI MO AKO INIHATID"

"K, NAKAINOM KA BA?"

"HINDI AKO UMIINOM"

"PASENSIYA NA TALAGA PERO AALIS NA AKO"

TUMAKBO PALAPIT SI KARYLLE KAY JOSE AT SINUNGGABAN NANG HALIK NAGULAT NA LANG SI JOSE SA GINAWA  NITO. MAHIGPIT ANG YAPOS NITO SA LLEG NIYA KAYA HINDI SIYA MAKAWALA.

KALABOG NANG PINTO ANG NAGBIGAY NANG PWERSA KAY JOSE UPANG IPAGPATULAKAN PALAYO SI KARYLLE PALAYO SA KANYA. ALAM NIYANG SI ANNE ANG LUMABAS NANG PINTO KAYA NAGMADALI SIYANG LUMABAS UPANG HABULIN ANG NOBYA PARA IPALIWANAG ANG NANGYARI.

NAGMAMADALI ITONG NAGLALAKAD. HINILA NIYA ANG BRASO NITO UPANG HUMARAP SA KANYA.

"ANNE SANDALI!!"

"BAKIT BA HINABOL MO PA AKO" KUMALAS SA PAGKAKAHAWAK NI JOSE

''DAHIL MALI ANG INIISIP MO TUNGKOL SA AMIN NI K"

"ANO BA DAPAT ISIPIN KO, NA FRIENDLY KISS LANG IYON"

"SIYA ANG HUMALIK SA AKIN"

"KAYA WALA KANG KASALANAN? SANA NGA HINDI NA LANG AKO DUMATING PARA TUMAGAL PA KAYO"

"WALA NGA AKONG KINALAMAN DOON, MAKINIG KA KASI PURO KA SALITA"

"AKO PA NGAYON ANG MASAMA"

"WALA AKONG SINABI"

"MAGSAMA KAYONG DALAWA"

"GALIT KA? BAKIT HINDI KO ALAM KUNG NAGSESELOS KA PARANG HINDI MO  NAMAN NARARAMDAMAN ANG GANUN"

"BAKIT AKO ANG NAGING ISSUE NGAYON"

"EWAN KO PARANG HINDI MO NAMAN AKO MINAHAL"

"MASYADO KANG MARAMING SINASABI , GUSTO MO LANG PAGTAKPAN YANG KASALANAN MO , NA HINDI KO ALAM KELAN PA NAGSIMULA''

"WALA NGA KAMING RELASYON"

"SINUNGALING , WAG MO KONG SUSUNDAN " INIWAN NIYA MAG ISA SI JOSE.

SIMULA NOON HINDI NA NIYA NAKAUSAP SI ANNE PANAY KASI ANG IWAS NITO AT HANGGANG NGAYON HINDI PA RIN HUMUHUPA ANG GALIT NITO.

 Muli siyang pumasok , kung paano niya iniwan si Karylle ganun pa rin ang ayos nito. Lumapit siya dito , nagdesisyon siyang buhatin na lang ito para dalhin sa clinic ngunit nahinto ang balak niya nang mapukaw ang tingin niya sa labi nang kaibigan.

Nakakahiya mang aminin sa lahat  maging sa katropa niya, Firstkiss niya kasi si Karylle. Kahit na matagal na sila ni Anne wala pang kiss na nangyayari sa kanila. Hindi niya alam kung relasyon ang tawag sa meron sila ni Anne.

Unti unti na niya pa lang inilalapit ang labi niya sa labi nito. Napaatras siya nang magmulat ito.

"K ano ba!"

"bumalik ka" umupo ito sa pagkakahiga

"kanina mo pa ako niloloko?"

"hindi naman kita niloko, nawalan talaga ako nang malay"

"paano mo nasabing bumalik ako, edi alam mong umalis ako"

"dahil alam kong iiwan mo ako kung sakaling mahimatay ako"

"kanina ka pa gising!"

"ngayon lang, medyo nahihilo pa nga ako nakahawak pa siya sa ulo

"hindi naman masakit yun "

"seryoso ako"

Tumayo na si Jose at dinampot ang bag 

"iiwan mo ako"

"ayoko nang makipaglokohan sayo"

"sandali!!" tumayo rin siya at hinabol si Jose.

"maghanap ka nang kakausapin mo!"

"ano okay na ba tayo?"

"siguro paghindi mo na ako kinulit pag iisipan ko"

"Jose naman , patawarin mo na ako"

"ayoko"

Sumunod si Karylle sa kanya hanggang makalabas nang gate

"ano ba K, wala akong kotse kaya tumigil ka na sa kakasunod"

"hindi naman ako sasakay , kaya kahit maglakad ka susunod ako"

"ang kulit naman talaga nang babaeng ito"

Nagsimula siyang naglakad hindi naman niya talaga planong maglakad dapat ay sasakay siya nang taxi kaso pagnag antay pa siya maririndi lang siya sa kakasorry nang babaeng ito.

Kahit pa malayo layo na ang nalalakad nila mula sa unibersidad ay hindi pa rin tumitigil sa pagsunod si Karylle, alam niyang pagod na ito kasi wala na siyang naririnig dito. Tanging ilaw lang nang poste sa daan ang nagbibigay liwanag sa daraanan nila.

"Karylle hindi ka ba napapagod?" tanong niya, pero nanatiling diretso ang tingin at hindi nilingon si Karylle.

Wala siyang narinig na sagot kaya nilingon na niya ito. Wala na si Karylle . Luminga linga siya sa paligid pero wala siyang Karylle na nakita baka kanina pa ito umalis , muka pala siyang gagong ipinagpapatuloy ang paglalakad. May narinig siyang boses, tiyak niyang boses iyon ni Karylle, Sinundan niya ang boses nito. At natagpuan niya sa loob nang bukas na kanal. Lubog ito sa maitim at mabahong tubig na hanggang dibdib nito.

"tulungan mo ako"

"yan napapala mo kakasunod "

"Jose please tulungan mo ako"

"pagtinulungan kita siguradong kukulitin mo lang ako"

"Jose please ang baho na dito"

"Oo na eto na tutulungan na kita"

Medyo nahirapan siya bago tuluyang naiahon ito

"paano na ako ang baho baho at ang dumi dumi ko"

"edi umuwi ka na"

"magagalit si Papa sa akin"

"dagdag problema ka pa"

"sorry talaga. Kahit kailan pabigat ako sayo" mangiyak ngiyak pa nitong sabi

"sorry na iiyakan mo na naman ako ee!" 

Agad niyang pinara ang taxi

"saan po kayo" tanong nang driver

"sa malapit na hotel dito"

Bumaling nang tingin ang driver sa basang si K

"anong nangyari sa kanya?''

"basta ho!" sabi ni Jose

"mukang _"

"manong teka nga isasakay niyo kami o magkukwentuhan tayo?"

"mga kabataan nga naman . Sige sakay na po"

"ang dami pang sinasabi "

"ano ka ba Jose"saway ni Karylle

Hinatid sila nang taxi sa hotel na malapit doon hindi rin nakaiwas sa tingin nang mga tao doon dahil sa itsura ni karylle.

Agad na pumasok si karylle sa loob nang banyo upang maligo. Naiwan si Jose mag isa

"ano kayang ipapalit niya sa damit niya" bulong na sabi ni Jose

"Jose!!!" tawag ni karylle na nasa loob nang banyo

"ano??"

"wala akong idadamit?"

"bakit ba kailangan nalang lahat nang problema mo kailangan kasali ako"

"paano na ako?''

"kahit ano nalang dyan"

"anong kahit ano?"

"sandali"

Kinuha niya ang kumot nang kama

"ito nalang " abot niya sa konting siwang sa pinto nang banyo

"salamat" muling isinara ito

Lumabas nang nakatapis si Karylle nang Kumot nakaupo naman sa sofa si Jose

"ok lang ba?"

"wag kang mahiya , lalake ako babae ka, sisiguraduhin kong walang magaganap"

"wala naman akong iniisip na ganun" sa paghakbang niya hindi niya namalayang pati ang kumot ay kanyang naapakan kaya natanggal ang kumot , mismo sa harap pa ni Jose

"karylle naman"

Agad dinampot ni Karylle ang kumot at muling itinakip sa katawan , pumuwesto siya malayo kay Jose sa sobrang hiya, Sa may kama siya umupo

"Karylle naman masyado mong pinahahalatang gusto mo ako"

"grabe ka naman"

"wag kang mag alala , wala lang yon sa akin, para namang noong bata tayo sabay sabay tayong naliligo"

"bata pa tayo noon"

"may mga nagbago lang siguro pero ganun pa din"

"wag na natin pagusapan please"

Tumayo si Jose sa kinauupuan 

"lalabas lang ako sandali"

"saan ka pupunta ? baka iiwan mo na ako"

"hindi kita iiwan basta babalik ako"

Nag aalala na si Karylle dahil hanggang ngayon wala parin si Jose . Nang bumukas ang pinto nawala na ang pag aalala niya

"saan ka ba nagpunta"

"binili kita nang damit" iniabot ang paper bag  na dala niya

"salamat " inabot ang paper bag at tinignan ang laman nito

"yung bra at panty hindi ko sigurado kung kasya  ,yan lang kasi ang tantiya ko"

"Jose naman"

"joke lang"

Agad ibinihis ni Karylle Ang tshirt at short na binili nang kaibigan. Wala kasing balak magpalipas nang gabi si Jose sa lugar na iyon. Pagkatapos magbihis umalis na din sila. Sabay silang nag antay nang masasakyan

"salamat ha! kahit na ang laki nang kasalanan  ko sayo"

"wag na natin yan pag usapan"

May nakatabi rin silang dalawang lalaking mukang nagaantay din nang taxi panay ang tingin kay Karylle dahil siguro nakashort lang siya

"pare anong problema?'' Tanong ni Jose

"wala naman , ang ganda kasi nang kasama mo"

"maganda kasi ako pumili" sagot niya

Hinawakan ni jose ang kamay ni Karylle na ikinagulat nang dalaga

"pare wag nang tumingin,nababastusan itong girlfriend ko"

Natuwa si karylle s anarinig kasabay pa ang mahigpit na hawak ni Jose sa kamay niya

"sorry pare" umalis na ang dalawa

Pero ang hawak ni JOse sa kamay niya ay nanatili. Na lubos na ikinasisiya niya. Huminto ang isang taxi . Sumakay si karylle sumakay din si Jose na ipinagtaka ni K

"ihahatid muna kita , wala rin akong tiwala dito sa driver"

"grabe naman po hindi naman po ako ganun" tanggol pa sa sarili nang driver

"Jose naman , manong pasensya na po"

"manong binibiro lang kita" bawi ni Jose

"buti naman po kasi po mahirap nang mapagbintangan" pinaandar ang taxi

"binabastos kasi siya kanina"

"bagay na bagay kayo sir"

"Tao ho kami"

"ang ibig kong sabihin perfect match kayo"

"magkaibigan lang po  kami " sabi ni K

"talaga ho" sagot ni Jose

Napatingin sa kanya si karylle

"oo naman po"

"kahit hindi ako ganun kagwapo, mahal na mahal ako nang gf kong ito"

"gwapo ka naman"

"maniniwala na po sana ako kaso may naman"

Tawanan ang dalawa si Karylle ay talagang masaya sa mga naririnig.

Hindi na bumaba nang taxi si Jose nang maihatid siya. Hindi niya alam kung magkabati na ba sila pero masasabi niyang napakasaya niya ngayon..kasama si Jose.

Continue Reading

You'll Also Like

171M 5.6M 132
Muling tangkilikin ang pinakabagong bersyon ng Ang Mutya ng Section E! Ipapalabas na ito bilang series sa Jan 3, 2025 exclusively sa Viva One app. Se...
2.7K 75 22
Caprice Mendez was the girl behind the university's most successful publication, the shy yet strategic editor in chief who preferred to stay out of t...
42M 829K 66
(COMPLETED) Montenegro Series #1 Highest Rank: #1 in Romance Category I'm Akira Sapphire Santos-Montenegro, nineteen years old, currently taking Busi...
25.6M 1M 41
Napansin agad ni Laura Arden ang mga kakaibang bagay sa bayan ng Van Zanth sa unang araw niya pa lamang dito. Lalo na noong nalaman niyang sa isang l...
Wattpad App - Unlock exclusive features