Author's note:Parang mabilis ung mga pangyayari sa plotting ko *3*
Chapter 4 - " New Friend"
Pasukan na..hay naku,gigising nanaman ng maaga..Pero palagi kung naiisip yun lalaki kong nakita nung kukuha kami ng exam.
Naka pasa kaya siya? Teka,bakit ba ko concerned?! Hindi ko nga yun kilala eh! Ano to,love at first sight?! Pssh! As if naman!
Ah, basta bihis nalang ako.
First day ngayon..kaya dapat good impression. Kaya nag pusod nalang ako. Baka pag nagheadband mag mukha pang bruha.
*beep,beep!*
Ayan na yung sundo ko!!
" 'Tay pasok na po ako!!" Sigaw ko habang bumababa ng hagdanan.
"O,sige nasa lamesa ung baon mo!" Nasa kusina kasi si Tatay. Kaya baka akalain ng mga kapitbahay maagang-maaga eh,nagsisigawan na.
"Okie!" Sabi ko habang kinukuha yung baon ko sa lamesa
-Pagkatapos ng mahabang biyahe-
"Ayy..sarap mag ina-aat!" Sigaw ko habang bumababa ng sasakyan at nag-iinat.
"Faith! Halika na!Potek! Bilis!" Yaya ni Trisa, habang naglalakad papunta ng section namin.
Nakapasa din daw siya,kahit na daw pasang awa. Kawawang bata-wait! Scratch that- kawawang kabayo.
"Ayan na kasi! Pede mag-hintay?!" Paangil kong sagot habang tumatakbo upang sunfan siya.
"Bilisan mo! Akala ko ba pusa ka?!" Panghaharot nya habang tumatakbo.
"Di hamak naman kasing mas mabilis ung kabayo kaysa sa pusa di-" naputol ako ng makita yung lalaking nakita ko nung kuhanan ng exam. Nakapasa siya. Kaklase ko pa?!
Pumasok ako sa classroom at may nakitang isang babae na mag-isang nakaupo sa tabi ng bintana,kaya't nilapitan ko siya.
"Uhmm..may nakaupo na ba dito?" Tanong ko habang tinuturo ung upuan sa tabi nya.
Maputi siya at mahaba ang buhok.
Tumango lang siya at tumingin sa labas.
Naka pangalum-baba at yung isang kamay ay nakapatong sa table nya. Napansin ko na may parang magalas ung kabila nyang braso.
"Ano nangyari sa braso mo?" Tanong ko sa kanya. Mukha siyang nagulat ng naitannong ko yun.
"M-may allergy k-kasi ako sa isda.." sinabi nya. Para bang nahihiya siya at tinago yung kamay nya para hondi ko makita ung rashes.
"Okay lang yan. Ayoko din naman ng isda eh..nga pala ano pangalan mo?" parang biglang lumiwanag ung mukha nya at ngumiti sya.
"Salamat ha, kasi maraming nandidiri sakin.Ako si Liane Cabaliera" Sabi nya. Sobra yata ang pagdudusa nya.
"Bakit naman?" Bakit parang pakiramdam ko eh,I'm crossing the line?
"Ahh..eh wala.." mahina nyang sagot.
Nakaraan na ang year nayon at third year na ko ngayon. Best friend ko na si Liane, pero si Aname ayaw sa kanya pero nakumbinsi ko naman siya. Naging crush ko na rin si Kevin Mercado. At oo, siya yung nakita nung mag-eexam kami. Pero fate hates me, crush din sya ni Aname.
Alam ni Liane na crush ko si Kevin pero su Aname, hindi, kasi ayokong masira yung pagkakaibigan namin dahil lang sa crush ko rin ang crush nya.
Pero palagi nalang nya ko kinukwentuhan ng kilig moments nila ni Kevin kaya't nagseselos ako pero hindi ko pinapahalata.
Masakit man pero. Palagi kong nilalapitan si Kevin. Buti pa nga si Aname eh, alam yung facebook nya.
Naging crush din sya ng halos buong campus.
Papasok na 'ko ngayon sa bago naming room. Pasukan nanaman -.-" haaay...
Tumabi ako kay Liane at pinaupo naman nya ko.
Nung makaupo ako,napansinko na may card sa table ko.
"Ay, Faith oo nga pala may nagpapabigay sayo nyan." Sabi ni Liane habang sinisiko ako.
Kanino kaya galing? Hmm.