Twenty-Four: BBQ at Fuentabella's.
~Shelle's POV
"Makakalabas ka naaaaa!!" Tumatalon-talong kong anunsyo.
Sobrang excited na ako na makalabas siya! Araw-araw ko rin siyang binibisita para di siya nalulungkot. Nakakabagot kaya yung di ka pwedeng lumabas ng ospital.
Natawa siya at ginulo yung buhok ko. "Oo nga eh! Makakatambay na rin tayo ng sama-sama sa bahay mo! Miss ko na amoy ng kwarto mo eh." Sabay kindat niya sa akin kaya agad siyang kinwelyuhan ni Kuya at Joshua na ikinatawa namin. Talaga nga namang protective si Kuya at best friend!
~x~x~x~
"God, I miss this place." Natawa ako sa reaksyon ni Rain pagkapasok na pagkapasok namin sa bahay ko.
"Diyan na muna kayo sa sala ha? Magpapalit lang ako." Umakyat ako ng hagdan at dire-diretso akong pumunta sa kwarto ko. Isasara ko na sana 'to nang--"Aray!" Napalingon ako sa gulat at bumungad sa akin ang mga pagmumukha nung dalawang babaita.
"Oh? Ba't kayo nandito? Sabi ko magbibihis ako eh." Di nila ako pinansin at dire-diretsong pumasok ng kwarto ko. Wow. Inyo, inyo?
Umupo si Mavi sa kama ko at si Charm sa couch ko. Kinuha agad ni Cha yung laptop ko nang walang paa-paalam at ganun din kay Mavi except remote control yung kinuha niya at mukhang kinakalikot yung channels sa TV ko.
Napailing na lang ako. Feel at home talaga yung dalawa oh. Hinayaan ko na lang sila at saka ako dumiretso sa walk-in closet ko. Kung hindi lang talaga ako mabait, kanina ko pa sila pinalayas.
Matapos kong magbihis, kinaladkad ko na yung dalawa pababa. Ayaw pa kasi eh. Feel na feel masyado yung kwarto ko. Akala mo kanila. Palibhasa matagal din silang hindi nakapunta kaya di ko sila masisisi. Tambayan kasi ng barkada yung bahay ko eh. Wala naman kaming angal kasi wala naman kaming ginagawang masama.
"Guuuys! Naghahanda si Drake ng BBQ sa labas! Impromptu BBQ party daw tayo! TARAAA! Di pwede ang KJ!" Sigaw ni Ate Star mula sa back garden.
Nagkatinginan kaming magkakaibigan at agad na napatakbo palabas. Nakitakbo nga rin si ulan eh kahit kakalabas pa lang ng ospital. Amoy na amoy yung BBQ na niluluto ni Kuya. Ang sarap nga eh. Nakakagana, nakakatulo ng laway!
"Tara, swimming!" Pag-aya ko. Tutal BBQ party na siya, edi dagdagan na ng pool para mas masaya. Weekend naman bukas eh kaya go na go naman sila.
Malapit na exams kaya kailangan chill muna. Kailangan no stress muna. Ang bilis kasi ng panahon eh. Masyadong natagalan si Rain sa ospital. Biro lang, parang tatlong araw lang eh.
Nginitian niya lang ako with matching tango pa. Palibhasa busy sa pagluluto eh. Kinalabit ako ni Mavi. "Paano ba 'yan? Wala kaming pamalit. Dumiretso kasi agad kami dito eh. Kung alam lang sana namin na magkakaroon pala ng party dito sana dumaan muna kami sa bahay." Malungkot na sabi ni Mavi. Sabagay. Biglaan din naman kasi yung pagpunta nila dito. Ginusto ni Rain eh.
Di naman kami pare-parehas ng sizes kaya di ko sila pwedeng pahiramin. "Uuwi na muna kami para kumuha ng pamalit t'as si tita na lang mag-aayos ng damit ni Rain." Tumango-tango ako sa sinuhestyon ni Cha.
"Sige, tawagan ko na lang si Ma para ipadala sa inyo." At saka dinial ni ulan yung numero ni Tita. Umalis na sila Cha at Mavi. Tiningnan ko yung wristwatch ko. 11:30 AM. Ang aga pa pala.
"Oh? Ba't ka nakatulala diyan?" Napatalon ako at saka ko siya nahampas ng mahina. "'Wag ka ngang nanggugulat!" Natawa lang siya. "Sorry na, Shell my labs! Hindi ko na uulitin. Pramis!" Ay nako. Kung hindi lang siya gwapo eh. Hmph!
Tumunog yung doorbell kaya pinapunta namin si Rain sa pintuan kasi lahat kami busy. Wala kasi siyang masyadong ginagawa kasi hindi siya pwedeng gumalaw masyado kasi kakalabas niya lang sa ospital. Di pa raw kasi siya gaano kalakas. Naiintindihan naman namin kaya di na namin siya pinipilit.
"Pwet ng palaka!" Ani ko nang may biglang yumakap sa akin mula sa likod. Nilingon ko 'to at nakita si Joshua na nakangiti sa akin. Akala ko naman kung sino na.
Napansin ko agad yung ngiti sa akin ni Ate Starelle. "Nagbabalik yung JoShelle love team oh!" Sigaw ni Ate Star kaya agad na napalingon si Kuya Drake sa amin.
Natawa ako kasi ayan na naman yung mala-laser na mga mata ni Kuya habang nakatitig kay Joshua. Ang overprotective talaga ni Kuya. "Stare all you want, babe. Walang epekto 'yan sa kapatid mo. Tinatawanan ka nga lang oh." Sabay turo sa akin ni Ate Star kaya natawa ako lalo.
"I can help, Shelle. What do you want me to do? You're looking like you need more man power. You know, since Rain just got out of the hospital." Tanong ni Josh.
I still find it weird na ang close close ni Joshua at Rain sa isa't isa kahit kakakilala pa lang nila. Baka noon pa sila magkakilala? Pero kung ganun, edi sana may sinabi sila sa akin or nagpahalata man lang sila. It's so weird.
"Ano na naman 'yang iniisip mo? Wala ka na naman sa sarili mo, beh." Sabay pitik sa akin ni Ate Star sa noo kaya agad akong napahawak dito. "Aray ko! Bakulaw!" Hinampas ko siya ng mahina sa braso niya.
Tinawanan lang kami nung tatlong lalaki. Aba't nagawa pa nila kaming tawanan ha? Sila kaya mapitik ng ganun sa noo. Hmph!
"Tigil na sa pagtawa, guys. Umaasim na naman mukha ng isang 'to." Sabay turo sa akin ni Rain. Aba't talaga namang namumuro na sa akin 'tong mga 'to ha.
"Ayyyyy! Bad terp na siya!" Inirapan ko lang si Rain habang natatawa. Ginaya pa talaga ako.
"TARA'T MAGSWIMMING NAAAAAA!!" Nagulat kaming lima sa biglaang pagsigaw ni Mavi. Ang creepy naman nun. Hindi man lang namin sila narinig na pumasok. Pwedeng maging magnanakaw 'tong mga 'to ah?
"Sa susunod, matutong kumatok o magdoorbell ha?" Pabalang na sabi ni Ate Star at may kasama pang pekeng ngiti kaya agad namang namula yung dalawa sa hiya. Ayan kasi. Hahahaha!
"SWIMMING NAAAAA!!" Sigaw ko para maka-move on na sila sa nangyari.
Nagtanggal na ako ng damit at saka ako umupo sa dulo ng pool. Ako pa nagyaya lumangoy pero ako 'tong wala sa mood magswimming. Nagsitalunan yung apat sa pool at talaga namang nabasa pa ako. Keep it up, guys. Keep it up. Mga ulol. Huhu.
"Pwede naman kasing doon tumalon, diba?! Bakit kasi dito pa?! Ayan tuloy! Nabasa ako imbes na ayaw ko pang mabasa eh!" Pagsita ko sa kanila pero tinawanan lang nila ako.
Aba'y tama bang gawain 'yan? Mainit na nga yung ulo ko, tatawanan pa nila ako. Ang sarap talagang maging kaibigan 'tong mga 'to.
Tumayo ako sa inis pero--"AAAAAAHHHH!!!" OH MY GOD.
"SHELLE!" Hindi ako makahinga. Hindi pa ako pwedeng mamatay! MAGKAKASYOTA MUNA AKO BAGO AKO PUMAYAG NA MAMATAY! PUTANG JUICE NAMAN OH! HINDI PA PWEDE, LORD!
"SHELLE! OKAY KA LANG BA?!" Nakaramdam ako ng mga kamay na sumusuporta sa akin mula sa likod at binti... may sumalo ba sa akin?
Umubo ako nang umubo. Ang sakit mehn. Hindi ako makahinga sa dami ng tubig na pumasok sa bunganga ko! Kung ba't ba naman kasi nadulas ako at nahulog pa sa pool ng patalikod eh!
"JOSHUA!" Napaubo ako ng malakas. Fudge... may nangyari ba kay Joshua?
"Shelle! Dahan-dahan lang! Baka kung mapaano ka!" Inalalayan ako ni Kuya Drake patayo.
Nilibot ko agad yung tingin ko to look for signs of Joshua's body. Natagpuan ko siyang buhay na buhay na umaahon sa pool kaya agad akong nakahinga ng maluwag. Pero agad ko ring napansin yung pagkakahawak niya sa braso niya habang umuupo siya ng maayos sa tabi ko.
"A-Anong nangyari sa 'yo?" Kabado kong tanong.
Siya ba yung sumalo sa akin kaya siya nasaktan sa braso? Sandali nga... medyo nakakainsulto 'yon ah. Para naman kasing sinabi na rin niya na sobrang taba ko at di kinaya ng kamay niya. Pero seryoso, ako ba yung nakasakit sa kanya? Kasi di ako makakatulog sa gabi hanggang malaman kong okay yung braso niya.
"I'm fine. Don't worry about me." Nginitian niya ako at saka niya pinilit na tumayo pero na-outbalance siya pero buti na lang at nasalo siya agad ni Kuya Drake.
"Dahan-dahan nga, gago! Anong fine ka diyan?! Babe, paayos nga muna 'tong isang 'to." Tinanguan lang siya ni Ate Star at saka niya inalalayan si Joshua papasok sa loob ng bahay.
"Okay ka lang ba, Shelle?" Inalalayan ako ni Mavi at Charm patayo at saka ako dinala sa picnic bench. Inabutan din nila ako ng tuwalya na binalot na rin nila sa katawan ko.
Tinanguan ko lang sila habang nakangiti para hindi na sila mag-alala pa kasi iba rin mag-alala 'tong dalawang 'to.
Nakatanggap ako ng isang malakas na batok kay Mavi. "Hindi ka kasi nag-iingat eh!" Ta'mo. Iba talaga mag-alala eh.
"Nasaktan na nga yung tao, sinaktan mo pa ulit. Sadista talaga." Nilayo siya ni Rain sa akin at siya naman yung pumalit sa tabi ko. Napansin ko naman yung pagpout ni Mavi. Ang cute lang eh.
"Ikaw naman kasi, Shelle, tama ba yung bigla ka na lang tatayo eh alam mo namang nasa may pool ka." Si Rain naman ngayon ang nabatukan ni Charm at saka niya 'to nilayo sa akin at siya naman yung tumabi. Napapout din 'tong si Rain. Ano ba 'yan. Natatawa lang ako sa kanila eh.
"You have to be more careful next time, okay? Be observant, do you understand?" Tumango-tango lang ako. Siya lang talaga yung matinong magbigay ng sermon eh. Talagang pumapasok sa utak ko.
"At kayong dalawa..." sabay tayo ni Charm at harap doon sa dalawa. "...act your own age!" Napayuko yung dalawa sa sita sa kanila ni Charm. Pati ako nagulat sa pagtataas niya ng tono eh. Minsan lang kasi siyang ganyan, like once in a blue moon pag todong emosyon yung nararmdaman niya.
*You're my cuppy cake...* Agad namang sinagot ni Charm yung phone niya at saka tumakbo papasok sa loob.
Natawa ako. Hypocrite! "Act your own age daw tapos yung ringtone niya... cuppy cake pala eh! Talaga naman!" Sabay na napailing yung dalawa.
Nang maka-recover na ako sa nangyari sa akin--which didn't really take long--bumalik na ako sa pagtulong kay Kuya Drake at Ate Star sa pag-ayos ng makakain namin. Yung tatlo naman--Charm, Mavi, at Rain--bumalik sa pool at nagkatuwaan doon.
Pinagpapahinga pa si Joshua sa guest room para mamaya eh maayos na niyang magalaw yung kamay niya. Pinatawag nga yung family doctor namin para icheck yung kamay niya. Buti at naabutan naming hindi busy.
~x~x~x~
"Beh! Tawagin mo na si Joshua sa taas at kakain na!" Utos sa akin ni Ate Star kaya malugod akong sumunod. Good girl ata 'to.
Tumakbo ako papunta sa kwarto niya at saka ako kumatok ng tatlong beses pero walang sumagot kaya naisipan kong pumasok na lang. "Joshua? Nandiyan ka ba?" Mahina kong tanong kasi baka tulog siya o kaya'y may private business na ginagawa, wholesome po ako.
"Don't you fucking dare come here." May kausap siya?
"She doesn't want to see or talk to you so give her some space." Sino yung kausap niya? Sinong she? I've been taught that eavesdropping is bad pero may feeling kasi ako na ako yung pinag-uusapan nila and I just have to know something, kahit bits and pieces of the truth lang.
"Forgiveness? That's just fucked up. Give her some fucking space!" Sino ba 'yang kausap niya? Ang taas ng tono ng boses niya, yung tipong galit.
"You're so selfish! You're just thinking of yourself, you're not even considering her feelings! With your attitude right now, you're really asking me to punch you right now!" Sino ba kasi 'yan? Just give me a name. Come on.
"Stop with the bullshit of wanting to talk to her! After what you've done to Rain? She might never even be able to forgive you for what you did to her best friend. That's just fucked up, Jeno!" Nanlaki yung mga mata ko sa narinig ko.
Si Jeno yung kausap niya all this time?
=====
Author's Note: Rain Elino. >>>