FANGIRL'S DIARY

By 91binibini

5K 120 25

have you been a fan of KPOP? well if not, this story is the best for you. a story of a "no usual fan girl" wh... More

Welcome!
1st Blog- Embracing New Year
2nd Blog- A Gift of Forever
3rd Blog- The Meet-up
4th Blog- Cross & Change
5th Blog- A No Usual Fangirl
6th Blog- Thank You 2010!
7th Blog - New Beginning
8th Blog- Uncovered Secrets
9th Blog- Discovering New Culture
10th Blog- Hello New Year! Hello New Life!
11th Blog - One Big Fight
12th Blog- Coping Up
13th Blog- Lie About Us
14th Blog- The Green-eyed Monster
15th Blog- Meet the Lees
16th Blog- A Thing That Will Change Everything
17th Blog- My Night and Shining, Shimmering Armor
18th Blog- The Veracity
19th Blog- Fathom Out
Ta-ta!

20th Blog- Truly, Madly, Severely In Love with You

75 3 0
By 91binibini

LAST NA TO! SANA MAGUSTUHAN NIYO :)

This is dedicated to Lee Hong Ki :) a happy ending for you :*  #GetWellSoonHongKi

kung nagustuhan niyo po... kindly comment #GetWellSoonHongKi after niyong mabasa :) salamat!

_____________

Hi again for the very last time! 

How I wish, this is not my last blog but every story has its own beginning and ending. Anyway, marami nang nangyari at sa lahat ng yun… ayoko ng umasa.

Isang buwan na din ang lumipas pagkatapos ng come back concert nila dito sa Pilipinas. Parang kailan lang… hindi ko pa din siya nakakalimutan. Mahal na mahal ko pa din siya at hindi na ata magbabago yun.

Bumalik ako sa Manila for good. Nagsawa na din ako sa factory namin and besides, namiss ko ang magshopping! Magpapasko na din naman eh kaya shopping is not a big deal. I used to go shopping before, though.

Anyway, hindi ko muna pinaalam kay mommy na dadating ako. Gusto ko kasi silang surpresahin ni Rain and while strolling at the mall, someone just bumped on my way.

“Wait...” napalingon ako sa nagsalita. “Oh my god! Sky Hernandez?!” he interrobanged.

I smiled and he really looks so surprised.

“Anton? Hi! It’s been a long time.” I said.

“It is! Oh come on. I was so surprised. Kamusta ka na?” tanong niya. Wow? Nagbago ihip ng hangin?

“I’m good. Uhmm you want to have a drink?” alok ko.

“Sure. Coffee?”

“Yeah, anything. So?”

“Let’s go. I have a lot to ask about you.” Sabi niya then pumunta kami sa J.Co to have some coffee. “Well, you’ve changed a lot, Sky. Imagine, you asked me for a drink na! Eh dati kahit ata matinong sagot hindi mo ko mabigyan. ” Simula niya. Nakakatuwa magkwento tong si Anton.

“Anton, people do change.” Sabi ko naman.

“I see. Anyway, can I have an ambush interview with you?”

“Wait… ikaw nalang ata ang hindi pa nagbabago ah?”

“Ikaw talaga! Syempre, once in a bluemoon lang mangyari to at baka magbago pa bigla ang isip mo noh! Mahirap na. I know you too well! Sige na, please? I’ll promise to write a good article about you.” He insisted.

“Okay, it seems that I don’t have any choice.”

“Ayun! Thanks. Anyway, how are you na after so many years? I mean, after you came back from Korea… what have you been doing?”

“Uhmm… after I left Korea three years ago, I stayed in our bread factory in Laguna. I managed it since I was the only one left to do so. You know, ang dami ngang business na nakaline saken and hindi ko na alam kung pano ko sila imamanage ng sabay sabay. Ang hirap pala maging mayaman… nakakastress.”

“Wow! So you’re very busy pala talaga lately?”

“Not really… konti lang naman. I hired the best people naman to help me in our businesses. Bale nasa factory lang ako for three years. Sa dami ng nangyari, mas pinili ko nalang magkulong doon.”

“Yeah, was that because of you and…” intriga niya.

“Well, I was just so unfortunate and you were right… gusto ko na siya. Actually, mahal na mahal ko pa din siya.” I stated.

“Eh di ba nagcomeback concert sila dito last month? I’ve heard pa nga na you were with them during their Boracay trip. Is that true?”

“Yeah. Doon kasi kami sa resort namin nagstay. And yes nagkasama kami pero wala pa din siyang maalala at hindi na ako umaasang maaalala pa niya ko.”

“So anong pinaplano mo sa inyo?” he continued.

“Wala. Ang gusto ko lang ngayon ay sumaya siya. Ayoko na makigulo sa buhay niya. Saka baka sundan mo na naman ako noh! Ikaw pa! gustong gusto mong nakikitang nasasaktan ako.” I kid.

“Grabe ah! Hindi kaya! Nagbago na ako noh?! Natutuwa nga ako ngayon kasi binigyan mo ko ng chance na makilala ka pa and I want to take this opportunity to apologize for everything I’ve done to you before. Hindi ko sasayangin yung chance na binigay mo ngayon.” He sincerely said the I smiled.

“I, too would also want apologize for being so rude and mean to you.” I apologized.

“That’s so natural. Sanay na ko sayo pero sana lang wag mo na ibalik yun, ha? Uhm… so? Can we be friends?”

“Of course. Why not?” I cheerfully said.

“Awww. Thank you!” sigaw niya then bigla niya kong niyakap.

After naming kumaen, nag-ikot kami saglit but as we’re on our way… may nakasalubong kaming isang pamilyar na tao sa akin. I wasn’t that surprised coz I know… she’s looking after me.

“Nakakatuwa ka pala kasama noh? Sana pala dati pa kita kinaibigan.” Sabi ni Anton habang ako nakatingin sa babae.

“Ikr. Ikaw lang naman yung maraming iniisip saken eh.” I said then napansin ata ni Anton na may tinitignan ako kaya napatingin siya dito. Umiwas naman ako ng tingin.

“Uhm… Sky, kilala mo ba yung babaeng yun?” tanong niya. Napatingin ako sa tinuro niya. Napansin niya nga ito. “Kanina pa kasi siya nakatingin sayo eh.”

Ano na naman bang kailangan nito saken? Lumapit siya samen.

“Sky, can we talk?” sabi ni Yujin. Tumingin ako kay Anton.

“Excuse me, Anton… can you wait for me?” paalam ko.

“Okay… basta senyas ka lang kapag kailangan mo ng backup ah.” Biro ni Anton. Siguro nararamdaman niya yung tensyon sa pagitan naming dalawa.

“Sira ka. Basta saglit lang.” sabi ko then nagnod siya tas lumapit na ko kay Yujin.

“Ano na namang kailangan mo saken?” tanong ko then she gave me a one hard…

*slap*

Ouch. Napatingin ako kay Anton at mukhang gusto niyang sumugod pero sumenyas ako na wag na. Humarap ulit ako kay Yujin ng taas noo.

“I really hate you. Mabuti nalang at nakalimutan ka na niya but still… I hate you. Hindi ako papayag na mawala pa siya saken ng dahil sayo. Hindi ka na niya mahal kaya wag ka ng umasa.”  She said then it’s pay back time so I did the same thing to her…

*slap*

Napahawak siya bigla sa mukha niya at binigyan niya ko ng isang masamang tingin.

“I really hate you too. I really do. Kung wala ka ng sasabihing maganda… aalis na ko.” Sabi ko tas bigla niyang hinila yung kamay ko pero…

*slap*

I gave her another hard slap kaya mas lalo siyang nagulat.

“Don’t you dare touch me.” Habol ko tas nilapitan ko na ulit si Anton at umalis na kami.

“Oh.My.Gad. Oh my gad! Ikaw ba talaga yan? Grabe! Ikaw nga talaga! In fairness ah, may mabuti pala talagang nagagawa ang yang pagiging maldita mo!” proud na proud na sabi ni Anton.

“Actually, kinabahan nga ako eh. Hindi naman talaga ako nananakit pero sinimulan niya ko eh kaya binigyan ko siya. Eh di nakatikim siya saken ngayon.”

“Eh sino ba kasi yung girlet na yun at kailangang sampal ang isasalubong niya sayo?” he curiously asked.

“Ex yun ni Hongki.” Sagot ko tas gulat na gulat siya.

“Really?”

“At hindi daw siya papayag na mawala pa ulit si Hongki sa kanya ng dahil sa akin.”

“What? Papayag ka ba ng ganun ganun nalang?!”

“Kung doon ba sasaya si Hongki eh, why not?”

“Nako… wag kang pumayag! For sure, ikaw pa din ang mahal nun!”

“Ayoko ng umasa, Anton. Tara na.”

Nagkwentuhan pa kami then we parted ways na din. I just bought something for my mom and for Rain tas pinuntahan ko na sila sa office. Sa totoo lang, nasaktan ako sa sinabi ni Yujin pero wala naman akong karapatan eh. Well, may karapatan naman ako pero hindi ko lang pwedeng ipaglaban. Hindi pa ko naaalala ni Hongki at ang alam pa niya… ako ang sumira sa buhay niya.

Anyhow, pag dating ko nga pala sa office nila mommy, they were so surprised and so happy to see me back. I told them that I’m going to open a clothing shop near QC on the 22nd of December and they said, they will support me all the way.

Another week had passed, I saw Anton’s article about me. It received good reviews and I’m thankful to be friends with him saka good thing hindi niya sinabi yung tungkol samen ni Hongki.

I also opened the shop a week after. Matagal ko na din namang pinatayo to since nung dumating ako from Korea pero ngayon ko lang pinabuksan. During the opening, maraming celebrities and bloggers ang pumunta. I was still blessed kasi maraming sumuporta sa akin.

“Anak, I’m so proud of you.” Greet ni mommy.

“Thanks mom. Kung hindi din dahil sayo, hindi din ako magiging successful.”

“Nako! Nagbolahan pa ang mag-ina. Tita, kanino pa po ba siya magmamana?” singit ni Rain.

“Twin! Ikaw talaga!”

“But she has a point. This has been the best Christmas gift God has given you, anak.” Mom said.

“Tama!” sigaw ni Rain tas may tumunog na cellphone “Kanino yung tumutunog na cellphone?” Dagdag niya tas napatingin ako sa cellphone ko.

“Uhm… saken po yung call. Excuse me for a while.”

“Okay.” Sabay nilang sagot then lumayo muna ko para masagot yung call.

Unregistered yung number kaya di ko sure kung sino to.

“Hello, this is Sky Hernandez.” Sabi ko then I heard a man speaking… “What? Saang ospital? Sige… I’m coming.” Binaba ko yung phone call at bumalik kina mommy. “Mom, Twin… kayo po muna ang bahala dito.”

“Bakit, anak? Where are you going?”

“Oo nga, Twin… anong nangyari?”

“I really have to go. May emergency lang po kasi. Babalik din ako.”

“Oh siya mag-ingat ka.” Sabi ni mommy tas umalis na ko.

Hindi na ko nakapagbeso sa kanila dahil kailangan kong pumunta sa ospital. I really need to know kung anong nangyari sa kanya. After a few minutes, I already arrived at the hospital. I was so surprised seeing her in that situation. Kahit gusto kong magalit sa likod ng mga ginawa niya saken at sa pamilya ko especially sa daddy ko, hindi ko pa din magawa dahil kahit papano naman… naging mabuti siyang asawa kay daddy.

“Sky?” salubong niya. “How did you know I was here?” tanong niya then lumapit ako sa kanya.

“It doesn’t matter, Tita Angel.” Sabi ko.

“Bakit ka pa pumunta? After all I’ve done to you and your family… pumunta ka pa din dito.”

“Of course. I will come. Papalampasin ko ba yung panahong to na ikaw na ang naghihirap?” I said gruffly.

“You really are tough enough. I’m so sorry.”

“Pero hindi ko kakayaning mawala ka ng hindi ako nakakapagsorry sayo.” Nagulat siya sa sinabi ko at naiyak na talaga ako. I can’t afford to lose her, too.

“Hindi mo naman kailangang magsorry eh.”

“Basta po, sorry.”

“Nagbago ka na nga at napakaswerte mo dahil mas nanaig pa din sayo yung ugali ng mommy mo. Sorry talaga. I didn’t mean to ruin your family. Kung itong sakit ko ang solusyon para mapatawad mo ako… handa akong mamatay.”

“Tita, don’t say that. You were once a part of our family… of MY family and despite of your wickedness before, hindi pa din kita matitiis. You were my mom when mommy was not there for me, though hindi ko naramdaman yun but still, hindi mo pinaramdam kay daddy na iniwan mo siya.”

“I feel so sorry for your dad. Ito na siguro yung karma ko.”

“No, please. Don’t say that. Everybody deserves a second chance and I am willing to give you that chance to be my second mom.”

“But it’s too late, iha. The doctor said that I only have a week or less to stay in this world pero bago mangyari yun… sana patawarin mo ako sa lahat. I also want to see your mom and say my personal apology to her. Can you do that for me?”

“Yes, of course. I will.”

That night was so dramatic. I exerted much tears because of that incident. After that talk, I went back home and told mom about Tita Angel. As expected, mom rushed to go over the hospital to see her twin sister. It was also a dramatic encounter. I know it’s too hard for Tita to keep herself strong even though at the back of her mind… she cannot be strong anymore. Hindi namin siya iniwan ni mommy and as the day passed… Tita Angel left us.

Mom was sad but also happy dahil bago mawala ang kambal niya, nagkaayos muna sila. Ang hirap talaga mawalan ng minamahal. Kahit gano pa kasama o kalaki yung nagawa niya sayo… hindi mo pa din siya matitiis dahil mahal mo siya at wala kang ibang choice kundi ang magpatawad.

Truly that life is so short to be sad and get angry with someone. Kaya dapat, matuto tayong magpatawad at magmahal.

December 25

I flew to Japan after Tita Angel’s burial to do some business there. I’ll be staying in Japan for months kaya malalayo na naman ako kina mommy. I have to work on it because it’s a very BIG DEAL.

 How I missed Japan as much as I missed daddy.

It’s Winter. The mood is lying torpid. Everything is lethargic but I have to keep myself strong.

After a short talk with Masato’s father sa airport, dumaan ako sa Osaka Castle Park.

Cherry blossom trees are empty and cold.

I was here again sa gitna ng mga puno, naglalakad while the snow is falling on me. It is not usual to me cause the last time I went here, it’s very different but then, I unconsciously smiled because memories keep on coming.

Kamusta na kaya siya?

Miss na miss ko na siya.

Siya pa din hanggang ngayon pero… hindi na pwede.

While walking out of nowhere, napahinto ako bigla dahil may nagbato saken ng snowball. Napalingon tuloy ako at nagulat sa nakita ko…

“Hoonie!” I shouted then lumapit siya saken.

“Sky!” sagot niya tas niyakap niya ko saglit then pinat niya yung ulo ko. “How are you? Ang tagal na nating hindi nagkikita ah?”

“Oo nga eh but I’m good. Anong ginagawa mo dito? May project ba kayo dito?”

“Uhmm… wala naman. May inaasikaso lang akong business na hindi related sa banda.”

“Oh? Nagtayo ka ng business dito?”

“Hindi ah. Tara lakad tayo.” Yaya niya tas naglakad na kami.

“Ikaw lang ba nandito?” I asked intriguingly.

“Hmm…” tipid niyang sagot.

“I see. Isama mo naman ako sa business mo para makita ko kung anong pinagkakaabalahan mo ngayon.”

“Don’t worry, dun nga kita dadalhin ngayon eh.” Nagulat ako sa sinabi niya.

“Wait? Alam mong pupunta ako dito?”

NP> Madly by FT Island

“It’s a very long story but to make it short, I just want you to know na kapag kailangan mo ako… I’m always here for you. I will always be your knight and shining armor. Saka, kung ano man yung mga bagay na maririnig mo ngayon saken… yun lang ang paniniwalaan mo.” Ano daw?

“Okay?” sagot ko kahit hindi ko magets yung mga pinagsasabi niya

“I just want you to put in mind na… hangga’t hindi si Hongki ang nagsasabi sayo na hindi ka na niya mahal… wag kang maniniwala, okay?” huh? Ano bang sinasabi nito?

“Ano bang pinagsasasabi mo?” tanong ko.

“Gusto kong kalimutan mo na ang lahat  ng nangyari noon.” Sabi pa niya tas bigla siyang huminto. “We’re here na. Una na ko.” paalam niya tas bigla siyang umalis kaya napatingin ako sa paligid kasi wala pa atang isang minuto yung nilakad namin tas andito na agad kami?

Then pag-ikot ng mga mata ko…

A… anong ginagawa niya dito?

Ngumiti siya… lumakad papunta saken at…

“Neomu Neomu Bogoshipda.” He said while hugging me. Bigla akong naluha.

[A/N: I really really missed you]

*Hongki’s POV*

Hindi ko na mapigilan ang sarili ko… pagkakita ko sa kanya, niyakap ko na agad siya.

“Neomu Neomu Bogoshipda.” Sabi ko.

Hindi ko na pinansin yung lamig ng panahon basta ang mahalaga sa akin, nayakap ko na ulit siya. Sobra ko siyang namiss and we were like that for almost a minute then I looked at her…

“Cheosonghamnida.” I continued.

[A/N: I’m sorry]

“I hope you can forgive me. Hindi ko inamin na naaalala na kita dahil gusto kong masigurado kung ano talaga yung totoo. Tiniis kitang hindi makita pero na-amnesia man ako o hindi… hindi pa rin nagbago yung nararamdaman ko para sayo. Oo, nagalit ako pero ikaw pa din talaga yung hinahanap nito eh.” I continued while pointing at my right chest. “Miss na miss na kita. Halos mabaliw na ko kakaisip kung pano kita makikita ulit.”

Hindi siya nagsasalita pero tuloy tuloy parin yung pag-iyak niya. Hinawakan ko yung kamay niya at hinalikan ito.

“Mahal na mahal pa din kita, Sky.” Sabi ko pero umiiyak pa din siya.

Hindi siya sumagot pero I don’t care then I looked at her again and kissed her.

*Jonghoon’s POV*

I saw them kissed.

Masakit, oo but I have to accept the fact that she’s not for me and I’m not for her.

She really loves Hongki and Hongki loves her too. I can see it with my own eyes. I don’t want to ruin the mood just because I was hurt so naglakad na ako palayo. As long as they’re happy, I, too will be happy for them.

Siguro napaisip siya kanina kung anong business ang pinagkakaabalahan ko. Well, it so happened na gumawa talaga ako ng paraan para magkaayos sila. Nilakad namin ni Minhwan ang case ng daddy ni Sky sa Japan and hinanap namin yung stepmom niya na nagpahirap sa kanya. Fortunately, we met her at Japan a week before our come back concert sa Philippines.

She talked to us and told us na handa niyang harapin ang kaso na isasampa ni Sky. Good thing, hindi na nagsampa ng kaso si Sky before and ibinalik na din ng stepmom niya ang lahat ng business na meron ang mga Hernandez sa Japan. Gustong gusto na niyang humingi ng tawad kay Sky pero huli na ata ang lahat. That very same day, isinugod namin siya sa ospital and to our surprise, she was diagnosed with Leukemia and it is already in perilous stage.

The doctor said that she needs to stay in the hospital for good. Nang magising siya after ng ilang oras, sabi niya dalhin ko daw si Sky kay Hongki para magkaayos na yung dalawa. Pagnamatay daw siya, gusto niyang papuntahin ko yung dalawa dito sa Japan. Kahit it’s too risky for me to do this, ginawa ko pa din.

Ako ang tumawag kay Sky para malaman niya kung nasaan ang Tita niya at mabuti nalang ay hindi niya ako nabosesan. Bumalik kasi si Ms. Angel sa Pilipinas para kung mamawala man daw siya, gusto niya nandoon siya sa sarili niyang bansa. Pumayag na din ang doctor niya since marami din namang best doctors Philippines. Hindi ko pinaalam sa kanya na ako ang nagpapunta kay Sky doon and mabuti nalang at pinuntahan pa din niya ang Tita niya. Nagkaayos sila bago ito mawala.

Anyway, habang nasa hindi kalayuan, narinig kong nagsalita si Sky kaya napalingon ako at sobra akong nagulat sa sinabi niya…

“I’m sorry, Lee Hong Ki. Hindi kita mahal.” –sky

“What? What do you mean hindi mo ako mahal? Naaalala ko na ang lahat, Sky. Alam kong mahal mo ako. Sinabi mo yun saken dati at alam kong hanggang ngayon, mahal mo pa din ako, di ba?” Hongki insists.

“I’m sorry. I can’t love you now. I’m really sorry”

Ano kayang nangyari? bakit kaya niya nasabi yun? And why not now?

*Back to my POV*

“I’m sorry. I can’t love you now. I’m really sorry” sabi ko while crying.

I’m sorry. I really can’t love you now, Hongki.

“Bakit ka ba nagkakaganyan Sky? Bakit binabalik mo yung dating ikaw? Di ba mahal mo naman ako? Ano bang nangyayari sayo?”

“Hindi mo maiintindihan eh… I’m sorry. And besides, nandyan naman si Yujin para sayo.” Sabi ko

“I don’t love her at kaya ko siyang iwan para sayo.” Pilit niya.

“Pano?” tanong ko tas natahimik siya. “Alam mo, kung hindi mo kayang ipaglaban yung nararamdaman mo… itigil mo na to.” Sabi ko then nagpumilit akong umalis.

Iniwan ko siya sa park tas nakipagmeet ulit ako kay Mr. Shinozawa.

Alam kong hindi maiintindihan ni Hongki pero kailangan kong gawin to para sa mga plano ko. Mga plano ko para sa sarili ko. Para sa kanya. Para sa amin.

Pag dating ko sa opisina ng mga Shinozawa, agad akong sinalubong ni Masato.

“Bakit nandito ka? Wag mong sabihing itutuloy mo?” salubong saken ni Masato.

“Masato… kailangan kong gawin to.” Sagot ko tas naglakad na kami papasok sa office.

“Pero hindi mo na kailangang magpakasal saken para lang sa mga plano mo.” He insisted.

“Masato… kailangan. Kailangan ko to.” I also insisted.

“Will you come in?” sabi samen ng daddy niya dahil nasa tapat lang kami ng pinto tas pumasok na kami at umupo."Dakara, subete wa kono kaigi no nochi ni settei sa remasu. Tsugi no hi made ni, anata to Masato wa kekkon shimasu. " sabi ng daddy niya straightforwardly.

[A/N: So, everything will be set after this meeting. By the following days, you and Masato will get married.]

Shikashi, otōsan!” sigaw ni Masato. “Watashi wa Park Yujin to kekkon shimasu to omotta?”

[A/N: But, dad! I thought i will be marrying Park Yujin?]

“Kare no chichi wa, kono teian o kyohi shimasu. Anata wa Sky to kekkon suru shika nai!” his dad insists then he left us alone in the office.

[A/N: His father rejects the proposal. You have no choice but to marry Sky!]

“Sky, don’t let this happen.”

“We need to do this. I need to do this.”

“Pano na si Hongki? Ano nalang iisipin niya?”

“Hayaan mo siya but don’t worry… everything is under control.”

“Haist! Bahala ka!”

Sabay kaming lumabas ng office. Kahit si Masato hindi naiintindihan ang lahat pero wala akong choice. I need to do this to save someone from her misery.

Kumalat na ang balita na magpapakasal ako kay Masato. Kinontact ako agad ni mommy dahil hindi pa ako bumabalik sa Pilipinas nang i-release ang balita. Nakarating na din daw kay Hongki ang balita at sobra itong nasaktan.

I’m sorry. Time will tell kung kailan magiging maaayos ang lahat.

Kinasal kami ni Masato before the year ends kahit ayaw pumayag ni mommy. I stayed in Japan for good.

For what good reason? No one even knows and I don’t even want to tell.

Three years after… February.

Winter is passing. Spring is nearly approaching. Malapit na ulit akong mag birthday.

I was walking again here at Osaka Castle Park. I know it’s been too long and too risky but I also know that it’s been very rewarding. Not because I was married to Masato but because our marriage will finally have its own justice and end.

While walking, I saw a familiar face. I smiled and she smiled back. We sat on a bench and talked…

“Thank you for saving me. For saving my family business. For saving my mom up to her last breath.” She started.

“It’s okay. You’ve been a good friend to me, too at alam ko kung gano kasakit mawalan ng magulang kaya hindi na ako nagdalawang isip na tulungan ka.” I said.

“Sky, I’m really sorry for making your life miserable. I’m sorry for causing your heart to break.” She cried.

“Yujin, it’s been years and I fully understand why things happen.” I said then I comforted her.

“You were really blessed. Hindi na ako magtataka kung bakit mahal na mahal ka ni Hongki.”

“I hope everything is still the same.” I hopefully said.

“I know he still loves you. Ikaw lang yung babaeng gusto niyang mahalin at makasama kaya I’m giving him back to you.”

“And I’m going to take him back from you.”

We hugged and I’m very thankful that it’s finally ending.

I know you won’t understand but this is how things were.

Before I went to Japan three years ago, nakipagkita ulit saken si Yujin. Kung nung una, galit na galit siya saken dahil pilit ko daw na inaagaw si Hongki sa kanya… after ilang days lang… nagbago ata ang ihip ng hangin sa utak niya.

She went to see me begging for something.

*

“Ano na namang kailangan mo?” simula ko tas lumuhod siya sa harapan ko. Teka? Anong ginagawa nito? “What are you doing? Tumayo ka nga dyan.” Dagdag ko habang tinutulungan ko siyang tumayo.

“Sky… I’m begging you. Please help me. Save me. Save my daddy’s business. Save my mom.”

“Wait… I don’t understand.”

“Mr. Shinozawa refuses to continue his son’s marriage to me.” She said. “Babagsak na kasi ang business ni daddy and the only ticket para hindi ito mawala samen ay yung pagpapakasal ko kay Masato pero nalaman ng daddy niya na bankrupt na kami kaya inuring niya ang kasal. Kapag hindi tinulungan ng mga Shinozawa ang kompanya namin… tuluyan na kaming maghihirap. Hindi na namin mapapagamot yung mommy kong may cancer kapag nawala ang business namin. Wala na akong ibang malapitan kundi ikaw.” She explained.

“Why me? Ano namang matutulong ko sayo?” I asked.

“Ang sabi ni Mr. Shinozawa… kapag napapayag kitang magpakasal sa anak niya for three years at maging major shareholder ka ng business nila… tutulungan niya ang kompanya namin.”

“What? So I have to marry Masato para lang ma-save ko ang kompanya niyo?”

“Yes that’s why I came here begging. Ayokong mawala yung mommy ko. Hindi ko kakayanin.” She cried.

Hindi madaling mawalan ng magulang. Nawala si daddy saken ng hindi ko man lang siya nakasama hanggang sa huli niyang hininga. Tita Angel died with cancer, too kaya alam ko yung bigat ng gastusin.

Kahit alam kong mahirap. Kahit ayoko siyang tulungan… ginawa ko pa din ang nararapat dahil alam kong yun ang makakabuti para sa lahat. Besides, three years is not that long.

I flew to Japan to do some business with Masato’s father.

I have made the biggest decision in my life. A decision that will benefit not just me but also other people. A decision that will hurt not just me but also Hongki.

Kaya nung dinala ako ni Jonghoon kay Hongki… hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

Masaya ako dahil naaalala na niya ako at ramdam kong nagbalik na yung lalaking minahal ko pero kailangan ko ulit siyang masaktan dahil sa isang desisyon na yun.

*

Napatagal ang pagrereminisce ko kaya hindi ko na napansin na napapangiti na ako mag-isa.

“Mahal na mahal mo siya noh?”

“Sobra, Yujin. Sobrang mahal ko si Hongki at hindi pa din nagbabago yung nararamdaman ko para sa kanya.” I said.

“At hindi pa din nagbabago yung nararamdaman ko para sayo.” Nagulat ako sa nagsalita kaya napatingin ako sa tabi ko kung saan nakaupo si Yujin.

OH.MY.GAHD.

Anong ginagawa niya dito? Nasan si Yujin?

Lumingon ako sa paligid para hanapin si Yujin pero wala na siya. Sinampal sampal ko pa yung sarili ko kasi baka nananaginip lang ako pero bigla niyang hinawakan yung kamay ko at hinarap niya ko sa kanya.

“Hindi ka nananaginip. Mahal na mahal pa din kita. Naintindihan ko na kung bakit mo sinabi noong ‘you can’t love me NOW’ at alam ko na din ang dahilan ng lahat. Inamin na saken ni Yujin three years ago pa kaya nga hinintay ko yung araw na to eh. Sky, hindi na ko papayag na mawala ka saken. Mahal na mahal kita.” Sabi niya tas hindi ko na naman mapigilang umiyak. “Mahal mo pa rin naman ako di ba? Narinig ko kanina eh… nilinaw mo pa kaya alam kong mahal mo pa din ako.” Dagdag niya.

I smiled kahit umiiyak pa din ako.

“I’m sorry…” Sabi ko.

“Sorry? Sorry ulit?” sabi niya ng patanong at tila gulong gulo. Pinalo ko siya sa braso. “Aray! Bakit namamalo ka.”

“Hindi pa kasi ako tapos eh!” I said tas lalo ata siyang naguluhan.

“Ano ba kasi?”

“I’m sorry kasi hindi kita pinaglaban noon. Sorry kung naduduwag ako na aminin sayo ang totoo. Sorry kung palagi kitang nasasaktan. Sorry kung nagsisinungaling ako. Sorry—“ hindi na niya pinatapos yung sasabihin ko dahil hinalikan na niya ako then he hugged me tightly.

“It doesn’t matter. What matters the most is you.” He looked at me while holding my face “Basta hindi mo na ako iiwan, huh?” sabi niya tas nagnod ako. “Tandaan mo… mahal na mahal kita. Mas kakayanin kong mawala yung kasikatan na meron ako wag ka lang mawala saken, Sky. Kaya wag ka ng matakot, okay? Nandito ako para sayo. Sasamahan kita sa lahat ng problema mo. Sa lungkot man o sa saya. Sa hirap man o sa ginhawa. Hanggang sa huling hininga ko… magsasama tayong dalawa. Tayo at yung mga magiging anak natin.” He said while in tears.

“Mahal na mahal din kita. Hindi na ko papayag na mawala ka pa saken.” I said then we hugged again.

Two months na kaming divorced ni Masato kaya sumama na ako kay Hongki papuntang Korea. Sinabi na namin sa pamilya niya ang plano naming pagpapakasal at bumalik kami sa Pilipinas para naman sabihin kay mommy ang lahat.

Sa Pilipinas namin balak magpakasal dahil dito… walang divorce at wala na kaming balak pang maghiwalay.

I don’t want to go into details basta naging masaya at successful ang wedding namin. Inimbita ko lahat ng mga taong importante sa akin at talagang sinuportahan naman nila kaming dalawa ni Hongki.

Sa Korea kami nagstay ni Hongki dahil nandun ang trabaho niya bilang artist. Lalo pa siyang sumikat at kinilala worldwide.

Hindi din nagtagal, lumabas na ang panganay namin… si Isaiah Lee. Pinangalan namin siya kay daddy kasi yun ang gusto ni Hongki. Para lagi ko daw maaalala si daddy sa anak namin. Syempre ninong niya yung apat na makukulit at matatakaw na member ng FT Island. Ninong din si Anton at hindi mawawala sa listahan si Rain at si Yujin. Marami ding celebrity ninong at ninang ang anak namin.

Hindi ko inakalang magiging ganito kami kasaya. Siguro kung noon pa to nangyari… baka nakarami na kami! Hahaha! Kidding aside pero siguro nga… ito yung right time for us.

There’s a time for everything and a season for every purpose under the heaven.

This will be all for my final blog!

*OFF*

Continue Reading

You'll Also Like

2.4K 75 13
TOP - SUGA BT - JIMIN ----- Disclaimer!! ONLY STORY LINE BELONGS TO ME. -This is a Fan fic Story. -None of this happened in real life. -It has nothi...
846 27 5
TOP - SUGA BT - JM MPREG --- Disclaimer!! ONLY STORY LINE BELONGS TO ME. -This is a Fan fic Story. -None of this happened in real life. -It has noth...
3.8K 69 36
She accidently bumped onto someone. And the next thing they knew, their lips were already locked with each other. ENHYPEN SERIES ONE LEE HEESEUNG TAG...
1.7K 90 21
Disclaimer!! ONLY STORY LINE BELONGS TO ME. -This is a Fan fic Story. -None of this happened in real life. -It has nothing to do with IDOLS (People...
Wattpad App - Unlock exclusive features