The Virgin's First Night 2: T...

By BonitaBabyy

2.9M 37K 3.6K

Paano kung isang araw ay magising ka na kailangan mong pakasalan ang iyong brother-in-law? At akuin ang respo... More

TVFN : The Substitute Wife
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24

Final Chapter - 25

130K 2K 633
By BonitaBabyy

CHAPTER 25

BIANCA'S POV

Nagising ako sa isang kwarto na nababalutan ng kulay puti, nalanghap ko ang pamilyar na amoy ng hospital at dahil doon napabangon ako bigla sa kama. Nasaktan lang ako ng mahila ko ang IV tube na nakakabit sa kanan kong kamay. Agad kong kinapa ang impis kong puson at pilit na inalala lahat ng nangyari. Masyadong mabilis yung nangyari.

Una, nagulat na lang ako ng makita na magkasama si Allison at Luigi sa labas ng condo ni Sheila tapos nagtapat sila sa mga panlolokong ginawa nila samin ni Lyndon noon. I can't believe it! Pareho kaming pinagmukang tanga ni Lyndon dahil sila pa mismo ang nagmamahalan. Pinagsama-samang galit, confusion at betrayal ang naramdaman ko kanina at dumagdag pa ng makaramdam ako ng masakit na pagsuntok mula sa puson ko at naramdaman ang mainit na likido sa pagitan ng mga hita ko at pagkatapos noon ay tuluyan na kong nawalan ng malay, ang natatandaan ko na lang ay pagsigaw ko at paghingi ng tulong.

Ang anak ko na lang ang natitira sakin, kinuha na nilang lahat sakin wag naman sana ang anghel ko na pumipintig sa tyan ko. Humigpit ang pagkakahawak ko sa puson ko, hindi ko alam kung nandito pa ba sya o tuluyan na din syang nawala sakin.

Lagi na lang ba kong walang kalaban laban sa tuwing inaagawan? Hindi ko na alam kung ano ng mangyayari sakin kung sakaling mawawala ang anghel ko. Hindi ko na kakayanin.

Nawala ako sa isiping iyon ng marinig ang pagbukas ng banyo at lumabas doon si Allison na alangan pa ang pag ngiti sa akin habang may hawak ng mangkok ng mga prutas.

"Gising ka na pala. Wag ka munang kumilos, ang sabi ng doctor kailangan mo daw ng bed rest." nakalapit na sya sakin non at inilagay sa may side table ang mga prutas. Agad ko syang hinawakan ng mariin sa braso na ikinagulat nya.

"Tell me, a-ang baby ko?" mahina at nanginginig kong tanong sa kanya. Huminga sya ng malalim at hinawakan ang kamay ko.

"Don't worry maayos kayo ng baby. Kailangan mo lang ng bed rest para hindi na maulit ang pagdurugo. Kailangan din mabalik yung mga dugo na nawala sayo kaya kumain ka ng green leafy vegetables ha?" naulinigan ko sa kanya ang pag-aalala. I swallowed an imaginary lump bago nagsalita.

"T-thank you."

"Sorry Bianca. Hindi ko alam. Akala ko ako pa din ang mahal ni Lyndon pero sya na mismo ang nagsabi na ikaw ang mahal nya. Tignan mo nagbunga yung pagmamahal nya." napalingon ako sa kanya sa sinabi nya. Sinabi na Lyndon na mahal nya ko? Ngumiti sya at hinawi ang ilang hibla ng buhok ko.

"He loves you. He really do. Ganun talaga yun eh medyo may pagka torpe lalo na siguro sayo. I'm so sorry Bianca. Hindi ko man lang inisip yung nararamdaman mo pero gusto kong malaman mo na nagsisisi na ko sa lahat. Huli na nga siguro yung lahat pero gusto ko pa din humingi ng kapatawaran."

"A-ate." sumakit ang lalamunan ko sa pagpipigil na maluha. Hinawakan ko yung mukha nya at hindi makapaniwalang buhay ang mala-anghel na mukha ng kapatid ko.

"Hindi naman ako galit kasi ikaw ang mahal nila. Siguro nga hindi ako naging mabuting asawa't ina dahil nagawa ko silang iwan pero nagmahal ka din naman diba? Lahat gagawin mo para sa kanya kahit na masaktan ka pa o makapanakit ka? Ganon ka din naman kay Lyndon diba?" tumango lang ako bilang sagot. Hinawakan nya ang puson ko.

"Sana kahit magkakaroon ka na ng anak sana mahalin mo pa din ang mga anak ko na parang sa iyo. Ikaw lang ang pagkakatiwalaan kong magmamahal sa kanila."

"Ate, I'm sorry nagkaanak ako sa asawa mo." ang totoo sobrang naguguilty ako sa isipin na iyon.

"Ano ka ba? Mag-asawa man kami ni Lyndon sa papel at batas pero aanhin naman namin yun kung parehas na iba ang tinitibok ng puso namin. Siguro nga hindi kami para sa isa't-isa at malamang hindi kayo ni Luigi no." natawa ko ng pandilatan nya ko ng mabanggit ang pangalan ni Luigi. No doubt mahal na mahal nya si Luigi.

"Bakit ganyan ka magsalita ate?" hindi ko maintindihan parang nagbibilin na ewan eh.

"Ikaw ng bahala sa mag-aama ko Bianca ha? Alam ko namang mahal na mahal mo sila. Mas sobra pa nga yung pagmamahal mo sa kanila kesa sakin kaya hindi ako nararapat para sa kanila. Natanggap ko na sakin man sila pero hindi sa piling ko sila liligaya."

"Ate? Ano ka ba? Para ka namang aalis nyan eh."

"Oo. Aalis nga ako Bianca kaya pag nawala ako magsimula kayo ng bagong buhay ni Lyndon at ng mga anak nyo. Alam ko sasaya kayo. Sana mapatawad mo ko sa pagsira kung anuman ang meron kayo ngayon. I'm so sorry Bianca. Kulang pa siguro yung buhay ko para sa lahat ng nagawa ko." maagap kong hinawakan ang mga kamay ni ate, ayoko ng punto ng sinasabi nya.

"Ate! Sorry talaga kung nasabi ko man na mamatay ka or whatsoever pero nadala lang talaga ko ng galit non." ngumiti lang sya at umiling.

"No. I deserve it. Someday mawawala din naman ako. Malalayo na ko ng tuluyan. Masaya naman ako kasi ayos na tayo. Mahal na mahal ka ni Lyndon." magsasalita pa sana ko ng pumasok sa silid si Luigi at umakbay kay Allison.

"Okay ka na pala." ngumiti lang ako at tumango sa kanya.

"Sorry for everything Bianca. I know nasaktan ka namin ng hus-----" pinigil ko na syang magsalita pa at binigyan ng matamis na ngiti silang dalawa.

"Sorry kayo ng sorry. Tapos ng lahat ng 'yon ang mahalaga nito ayos na tayo."

"Mauna na muna kami Biancx. Medyo masama ang pakiramdam ng ate mo." kanina ko pa nga napapansin na medyo maputla ang mukha ni ate pati na rin ang mga kamay nito.

"Okay ka lang ate? Bakit di na din kayo magpatingin tutal nasa hospital na din naman."

"W-wag na. I'm okay. Pagod lang siguro ako. Sige na magpahinga ka na Bianca. Natawagan ko na si Sheila at Jackie." tumango lang ako pero nag-aalala pa din ako kay ate dahil parang may iniinda itong sakit.

"Goodbye little sis. I love you." hinalikan ako sa noo ni ate bago inalalayan ni Louie ito palabas ng silid.

***

Kahit naman siguro ano pa ang magawang kasalanan sayo ng kapatid mo o kung sino mang kapamilya mo ay hindi mo din matitiis at mapapatawad ito ng ganung kadali. Naalala ko pa nga noon nung umuwi ako ng madaling araw galing sa party akala ko pagagalitan ako ni mama pero sinalubong pa nya ko na nag-aalala at nagawa pa nya kong tanungin kung kumain na ba ko o hindi.

Sabi nga nila, mawala man sayo ang lahat hindi ka naman iiwan ng pamilya mo. Oo, madaming nangyari. Paulit ulit akong nasaktan, lahat naman kami dito biktima ng tadhana eh. Bakit nga ba ganon ang tadhana? Bakit kailangan pa nyang pagtagpuin ang dalawang tao pero hindi naman pala nakalaan sa isa't isa? Nagkataon nga lang bang nagkabaligtad kami ng minahal ni Allison? Mas bagay sa kanya si Lyndon pero ang minahal nya ay si Luigi samantalang ako alam kong hindi ako mapapansin ni Lyndon pero sya pa din ang tinibok ng puso ko. Hindi mo nga talaga mapipigilan ang puso pag ito na yung nagsabi kahit mali man.

Nagkatagpo nga lang siguro ang mga puso namin sa maling sitwasyon, pagkakataon at panahon.

Ano nga kayang mangyayari kung sa simula pa lang kami na Lyndon? Mararanasan ko din ba ang lahat ng naranasan ko ngayon? Mapaglaro talaga ang tadhana pero naisip ko din na minsan dumadaan talaga ang mga nanakit sa buhay mo para matuto ka.

Hindi ko nga inakala na magiging ganito ko, ang alam ko lang naman dati ay magparty pero sino bang mag-aakala sa edad na 23 ay magiging instant asawa't ina ako sa sarili ko pang bayaw. Dahil sa kanila natuto akong maging isang responsable.

Ang pagmamahal hindi lang yan nasusukat kung gaano mo sila kamahal, ang tanong ay kung hanggang saan ang kaya mong isakripisyo para sa kanila. Makakaya mo bang masaktan ng paulit-ulit para masigurado lang ang kasiyahan nila?

Ang pagmamahal walang pinipili, mapaiyo man o hindi, panandalian lang o permanente dapat mo pa ding pahalagahan kung gusto mo ding pahalagahan nila. Ingatan, para kung mawala man sayo alam mo sa sarili mo na hindi ka nagkulang.

***

Third Person POV

Lumabas sina Luigi na dala ang bigat ni Allison samantalang hindi na magawang makalakad ng huli sa iniinda nitong sakit. Nang makalabas ay agad na napaupo si Allison sa upuan at napasandal sa may dingding, pinagpapawisan sya ng malamig at hindi na din nya maipaliwanag ang sakit na nararamdaman.

"Nasan ba ang mga gamot mo Alice? Tell me what to do?" Luigi hissed.

"H-hindi na tumatalab ang pain reliever sakin Louie. Just accept the fact that I'm dying." pinilit nyang makapagsalita kahit nahihirapan na. Mas lalong hindi malaman ni Louie ang gagawin dahil sa panaka-nakang pag impit ng tili ni Allison para pigilan ang pagsigaw sa sobrang sakit na nararamdaman.

Wala ng nagawa si Luigi kundi tumabi na lang sa hirap na hirap na nobya. Hinakawan nya ang kamay nito na nanlalamig na dahil halos hindi na nadadaluyan ng dugo dahil sa sobrang pagkaputla. Kapos na din ang paghinga nito kaya naman hirap na din itong magsalita.

"God, Alice! Bakit ngayon mo lang sinabi?" hindi na nya napigilan ang mapaiyak sa nasasaksihang paghihirap ni Allison. Hinalikan nya ito sa kamay ganun na din sa noo at sa mga labi nito habang patuloy pa din ang pag-iyak. Hinaplos ng malalamig na palad ni Allison ang mukha ni Luigi at umiyak na din.

"Please. Be strong. Kayo nina Bianca." napapikit muna ito ng mariin bago nagpatuloy sa pagsasalita.

"I-hingi mo ko ng tawad kay Lyndon. I c-can't make it." mas lalo lang syang napaiyak sa mga sinasabi nito at isinubsob ang mukha nya sa leeg ng nobya.

"Ayusin mo lahat ng sinira ko p-para sa akin Louie." at sa pag-angat nya ng mukha ay sya namang unti-unting pagpikit ng mga mata ni Allison. Ang huling beses nyang makikita ang magagandang mata ng mala-anghel na mukha ni Allison. Ang babaeng minahal nya noon pa man.

***

After 4 months

Napapikit ako sa banayad na init ng araw na humahaplos sa balat ko.

Ang araw na nagbibigay init sa puso ko.

Sinong mag-aakala sa araw na iyon ang huling araw na makakausap ko ang kapatid ko. Hindi ko alam na may leukemia pala sya at huli na ng malaman ko pa ito. Hindi ako nagpunta sa burol sa halip nagmukmok lang ako sa kwarto at sarilinang nagluksa. Ayoko ng makita pa si ate na nasa apat na sulok ng kabaong at nababalutan ng puting kumot. Ayokong maalala pa lahat yung itsura nya sa ganoong ayos. Dahil minsan nabuhay syang muli at masasaktan na naman ako na isipin na wala na talaga sya. Hindi na yun isang biro o ano mang palabas, kelangan ng harapin na ang ilang bagay hindi permanente lalo na ang buhay.

8 months na ang ipinagbubuntis ko at hindi ko pa nasasabi ito kay Lyndon. Hindi ko alam kung paano ko ba sya haharapin. Tama ba na magpakita ko ngayon sa oras ng pagluluksa nya?

Magsisimula na naman ba kami tulad ng dati? Sisimulan ko na naman bang palambutin ang puso ni Lyndon? Nalaman ko na mahal nya ko pero paano ko yun mapapatunayan kung nagtatago lang ako? Ano nga bang kinakatakot ko? Sa pag-ibig dapat marunong kang lumaban dahil kung hindi paano mo masasabing nagmamahal ka? Yan ang natutunan ko sa lahat ng pinagdaanan ko.

Pinagmamasdan ko ang mag-aama ilang metro ang layo mula sa kinatatayuan ko. Tahimik silang nakaharap sa puntod ni ate. Masaya ko dahil tahimik na namatay si ate dahil napatawad na namin syang lahat.

Ilang buwan na nga din ba kong nanabik sa kanila? Ilang araw at gabi ang nagdaan na sila lang ang iniisip ko at ipinagdadasal ko na sana sila ang kasama ko sa bagong pangyayari sa buhay ko.

Para bang may nagdikta sa kanila na humarap sa kinaroroonan ko at nakita ko ang mataman na pagtitig ni Lyndon sa akin at ng napansin nya ang tyan ko ay agad syang napahakbang ng dahan dahan palapit sa akin. Gumanti ako ng ngiti at kumaway sa kanila.

"Mommy?!! Mommy!!!!!!!!!!!!!" excited na sigaw ni Ivan at Elaine.

"Come on daddy! Si mommy oh! Mom!!" masaya kong sinalubong ng mahigpit na yakap sina Elaine at Ivan.

"Mommy!! Namiss ka namin!! Wag ka na ulit aalis ha?" pinahid ko ang luha na umaagos sa mga inosente nilang mukha.

"Hindi na ulit aalis si mommy. I miss you babies."

"Were not babies anymore mommy." napatawa naman ako sa sinabi nya. At hinawakan ko ang malaki kong tyan.

"Yeah right, kasi may new baby na tayo. Kuya at ate na kayo."

"Yehey!!!!!" napatingin ako sa nasa harap ko na palang si Lyndon.

"Y-you're-----

"Yes, I'm 8 months pregnant. I'm bearing your son." I smiled sweetly. Kung kanina ay naghehesitate pa syang yakapin ako ay niyakap nya ko ng mahigpit at hinalikan ng mariin sa labi

"I miss you so much Bianca. Kung alam mo lang kung gaano ko mabaliw baliw nung wala ka."

"Hindi makatulog lagi si daddy pag gabi mommy!"

"Di pa sya maka-eat mommy!!" natawa na lang kami sa kadaldalan ng dalawa. Ginulo ni Lyndon ang buhok ni Ivan.

"Ikaw ah binibisto mo ko kay mommy mo."

"You won't leave us again diba mommy?" lambing ni Elaine. Tinugon ko na lang ng yakap ang tanong nya.

"Never sweetie."

***

Nakaupo kami ngayon ni Lyndon sa bermuda grass sa tabi ng puntod ni Allison habang pinapanood ang nagtatakbuhang mga bata. Hinawakan nya ang kamay ko at hinalikan.

"Hindi mo alam kung gaano kita namiss darling."

"Ako man. Sobra sobra." muli ay hinalikan nya ko ng mariin at hinaplos ang tiyan ko.

"You went through with it for the last 8 months. I'm so sorry kung wala ako sa tabi mo. Naging mahina ako. Kung kailan seryoso na ko sa nararamdaman ko para sayo saka ka pa nawala."

"Shhhhh. Ang mahalaga maayos na ang lahat. Babawi ka pa sakin no."

"I promise." tinignan nya ko ng buong pagmamahal bago yumuko at halikan ang tiyan ko.

"I love you so much Bianca Ronquillo."

THE END.

Continue Reading

You'll Also Like

212K 6.2K 53
Elren Vasquez is a No Boyfriend Since birth type of a girl, handa na siyang tumandang dalaga. Jasper Darwin Madrigal is a playboy at handang handa na...
120K 2K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
70.3K 181 2
Dr. Ranz Liam Acozta is the most strict person you'll ever meet when it comes to work. He doesn't want to repeat his words. Once is enough. If you ma...
1.9M 68.1K 55
Si Hunter lang ang natatanging lalaking hinangaan ni Osang buong buhay niya. Pero nang magkaroon siya ng pagkakataong makilala ito ay noon niya napag...