Crewd Academy: Malediction of...

By fevriyehiver

7.8M 249K 27.4K

ʚ PUBLISHED UNDER PSICOM ɞ ʚ Wattys 2016 Winner: Writer's Debut ɞ Crewd Academy, a mystifying school where Se... More

PLEASE READ BEFORE PROCEEDING
PUBLISHED UNDER PSICOM
Malediction of Prophecy
CAST
Introduction
Chapter 1: Spell
Chapter 2: Intruder
Chapter 3: She's In Danger
Chapter 4: Death Magic
Chapter 5: Suspicious
Chapter 6: Investigation
Chapter 7: Confused
Chapter 8: Aureus Fairy
Chapter 9: Dragon Bellator
Chapter 10: Saviour
Chapter 11: Trouble
Chapter 12: Weird Dreams
Chapter 13: Information
Chapter 14: Revelation
Chapter 15: The Fight
Chapter 16: Find Her
Chapter 17: Serria Land
Chapter 18: Crewd Academy
Chapter 19: Idiot
Chapter 20: Connection
Chapter 21: Lux Witch
Chapter 22: Red Flames Vs. Blue Flames
Chapter 23: Avrelle
Chapter 24: Almost Caught
Chapter 25: Show Ability 1
Chapter 26: Show Ability 2
Chapter 27: Show Ability 3
Chapter 28: Guidebook of Crewd
Chapter 29: Accidental Mission
Chapter 30: Tenebris Orc
Chapter 31: Snow Monstrous
Chapter 32: Lavender
Chapter 33: Mortis Forest
Chapter 34: Invisibility Flower
Chapter 35: Magustic Town
Chapter 36: Praegrandis Daemon
Chapter 37: The Tres Marias
Chapter 38: Healing Potion
Chapter 39: Heart's Day
Chapter 40: Meet The Royalties
Chapter 42: Guardian
Chapter 43: Memories Back
Chapter 44: Ara of the Maiores
Chapter 45: Dragon Sacred Tears
Chapter 46: Training Part 1
Chapter 47: Training Part 2
Chapter 48: Training Part 3
Chapter 49: Luminae Battle
Chapter 50: L Tournament Part 1
Chapter 51: L Tournament Part 2
Chapter 52: L Tournament Part 3
Chapter 53: L Tournament Part 4
Chapter 54: Accused
Chapter 55: Bait
Chapter 56: Preparation
Chapter 57: Bloody War Part 1
Chapter 58: Bloody War Part 2
Chapter 59: Bloody War Part 3
Chapter 60: Downfall
Last Chapter: Fallen
sensitivelysweet (fevriyehiver)
BOOK COVERS
Q AND A
Crewd Academy: Reign of Darkness

Chapter 41: Forbidden Ortus

84.3K 3.2K 551
By fevriyehiver

□◇◇♡◇◇□

FORBIDDEN ORTUS

□◇◇♡◇◇□


"Sino ang nakakaalam sa mga guardians?" tanong ni Prof. Hawkins habang palakad-lakad sa gitna na parang sinusuri lahat kami.

Naisip ko lang, ano kaya pakiramdam na maging prinsesa? Masarap kaya sa pakiramdam nang makasuot ng gan'ong kagandang gown? Na may korona sa ulo? Nandoon pa kaya sila sa Royal Hall?

May nagtaas naman ng kamay. "Ang alam ko po ay nasa Forbidden Ortus sila."

"You're right, Miss Jeonghan! Nasa Forbidden Ortus sila. Kaya ko nabanggit ang guardians ay dahil kailangan niyong magkaroon nito para sa nalalapit na Luminae Tournament."

Napa-woah ang mga kaklase ko na parang gulat sa narinig. Bakit kaya? Parang tuwang-tuwa sila, eh.

"Hala! So kailangan may magulang tayo sa Luminae Battle?" kunot-noo na tanong ni Dara sa amin. Natawa kami nang mahina ni Val.

"Stupid," walang emotion na sambit ni Winzé. Pfft..

"Makinig na lang tayo," sambit ko.

May nagtaas ng kamay. Tumango naman si Prof. Hawkins na hudyat na pwede itong magtanong.

Tumayo naman 'yong lalaki. "Prof, 'di ba hindi na pwedeng makapasok sa Forbidden Ortus kase sinarado na ng Royal Empress of Dragon? Paano kami makakapasok doon?"

Kumunot ang noo ko at naguluhan sa tanong ni Mingyu. Masasabi ko na siya ang pinakagwapo sa klase at sobrang talino rin. Pero sino ang Royal Empress of Dragon? At bakit sinarado?

Nang makarating na si Prof. Hawkins sa mesa na nasa harap ay umupo siya doon at napabuntong hininga.

"Yeah, mukhang nakikinig ka sa History subject, Mr. Mingyu. Tama ka sa sinabi mo at iyon na nga ang problema. Sinarado lang ito ng Royal Empress Dragon magsimula nang mawala ang Luminus Princess. Pero umaasa pa rin kami na mabubuksan iyon sa tulong ng Royalties."

Hindi kaya sina Airyn ang tinutukoy niyang Royalties? Pero sino ang Luminus Princess? Ang daming tanong sa utak ko!

"Ang hirap kapag transferee! Dami nating hindi alam!" bulong sa amin ni Val. Tama siya! Hay! Ang gulo tuloy!

Natahimik naman ang lahat at mukhang nalungkot sa sinabi ni Prof. Kinuha naman niya ang libro na nakapatong sa mesa niya at may binasa roon.

"Hindi pa rin siya nahahanap! Sana buhay pa rin ang Luminus Princess.."

"Oo nga, girl! Ano kaya ang magic niya?"

"Ang alam ko lang ay magaling siya sa pakikipaglaban pagdating sa espada.."

"Yes! Hindi natin alam dahil hindi ipinaalam ang magic niya!"

Rinig na rinig namin ang mga bulungan ng nasa likod. Nawawala ang Luminus Princess? I wonder kung ano ang itsura niya. Sigurado sobrang ganda n'on! 

"Kung hindi sana nawala ang Luminus Princess, baka hindi naging girlfriend ni Prince Charlie si Ivory."

Tila nagpantig ang tainga ko sa narinig. Napatingin ako sa likod ngunit hindi ko alam kung sino ang nagsabi n'on. Muli ko na lang binalik ang tingin sa harap. Parang may bumara sa lalamunan ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Girlfriend ni Charlie si Ivory?! Bakit ngayon ko lang nalaman?!

"Ayos ka lang, Sendy?"

Gulat akong napatingin kay Dara. Tumango ako. Ayos naman ako. Ayos na ayos.

"Parang mukha ka kasing natatae?" Ngumiti na lang ako sa kaniya.

Nalipat ang atensiyon namin kay Prof. Hawkins nang magsalita siya.

"Anyway, ipapaliwanag ko na lang sa inyo kung hindi niyo pa alam ang tungkol sa mga guardians na naroon."

Tahimik ang lahat habang nakatutok ang pansin kay Prof. Hawkins. Inalis ko na lang sa utak ko ang narinig. Mamaya ko itatanong kay Airyn kung totoo ba.

"Guardians, sila ang pumoprotekta sa mapipili nilang master. Kapag nagkaroon ka ng guardians ay automatic na konektado ang buhay niyo. Kapag namatay ka ay gan'on din ang mangyayari sa guardian mo. They are the most loyal pero kapag may hindi sila nagustuhan sa'yo ay iiwan ka nila."

"Aww! Pati ba naman sila nang-iiwan!" bulong ni Dara.

Tinapik naman siya sa braso ni Winzé para tumahimik siya. Natikom na lang ni Dara ang bibig niya.

"May level type ang mga guardians. Type Ace, Elite at Royal. Ang type Ace, sila ang mga guardians na hindi mapili at maamo. Animal figures sila, kadalasan ay makikita sila sa bungad at dulo ng Forbidden Ortus kaya hindi sila mahirap hagilapin. Ang mga ability nila ay extraordinary. Kagaya ng mind reading, levitation at iba pa. But don't underestimate them. Masikreto sila pagdating sa ability nila."

"Prof, sila po ba mismo ang lalapit sa iyo?"

Ngumiti si Prof. "Yes, Mr. Jae! Kaya hindi ka mahihirapan sa kanila."

Nang wala nang balak magtanong ay nagpatuloy si Prof.

"Type Elite, sila ay pihikan padating sa pipiliin nilang master. Maarte sila at hindi basta-basta. Nasa gitnang bahagi sila ng Forbidden Ortus. Animal figures din sila but unlike sa type Ace, sila ay may ability na mag-anyong tao. They are very dangerous dahil mostly sa kanila ay elementals. It means, ang mga ability nila ay elements. Matagal muna bago mo mapaamo ang isang kagaya nila. Goodluck kung makahanap kayo ng kagaya nila."

"Siguro po ay pinipili lang nila ay 'yong mga nasa Inceptor section!"

Umiling naman si Prof. Hawkins sa tinuran ng kaklase kong babae at ngumiti. "Diyan ka nagkakamali. Wala silang alam pagdating sa mga section niyo. Ang alam ko, they can sense what's your ability. Kaya maswerte ka kapag nagustuhan nila ang ability mo at may chance na piliin ka nila."

"Prof?" Napunta naman ang atensiyon ni Prof. sa nagtaas ng kamay. "Paano mo malalaman kung anong level type niya?"

Ngumiti naman si Prof. "Good question, Miss Erika! May gagamitin kayo para malaman niyo kung nasaan sila at kung ano ang level type nila. Hologram Tablet ang tawag sa gagamitin niyo."

"Ano naman po 'yong type Royal?"

"Muntik ko nang makalimutan, Mr. Hendery! Ang type Royal na guardian ay nag-iisa lang at kakaiba sa lahat. Dahil nanggaling ito sa Royal Empress Dragon. Nakalaan lang ang guardian na ito para sa Luminus Princess. Hindi pa tukoy kung ano ang ability dahil wala pang nakakakita nito."

Narinig namin ang malakas na pagtunog ng bell. Nagulat ako dahil focus na focus ako kay Prof. Hawkins! Nakakacurious kase ang mga sinasabi niya! Saka sino kaya ang Luminus Princess? Nasaan na siya?

Napatingin si Prof. sa relo niya. "Hmm.. hindi pa naman tapos ang oras ko. Mukhang pupunta na kayo sa Forbidden Ortus."

Napatingin naman kami sa pinto nang biglang bumukas ito at may dalawang lalaki na mukhang Inceptor ang section na may bitbit na malaking box.

"Ipapamigay na po namin ang Hologran Tablet."

Tumango naman si Prof. Hawkins kaya pumasok na ang dalawa at isa-isang pinamigay ang Hologram Tablet na galing sa loob ng box.

Namangha kaming lahat nang makita na namin ang itsura ng Hologram Tablet. Hindi naman ito gaanong malaki, sakto lang sa kamay. Parang may circuit na gumagalaw sa green na screen.

"You will just press the button in the middle para mabuksan ito. Ang red dot ay ang symbol para sa Ace. Ang black dot ay para sa Elite," paliwanag n'ong isang lalaki. Walang Royal? Ay oo nga pala! Para sa Luminus Princess lang 'yon.

"Wow! Ang cool nito!" manghang sambit ni Dara.

"Pwede na kayong pumunta sa Forbidden Ortus," sambit ng lalaki pagkatapos nila kaming mabigyan lahat ng Hologram Tablet.

Tumayo na ang lahat at excited na lumabas sa classroom.

"Nakaka-excite naman!" nakangiting sambit ni Val habang naglalakad kami sa corridor.

"Oo nga! Hihi!" sambit naman ni Dara.

Alam ko namang walang pipili sa akin na guardian.

Narinig naman namin na mukhang nagtatalo ang dalawa naming kaklase na lalaki.

"Alam kong type Elite 'yong mapupunta sa akin!"

"Ugok! Asa ka pa!!"

Natawa kami r'on sa huli naming narinig na kaklase. Libre naman mangarap. Haha!

"Sana may pumili sa atin na guardian no?" may bahid na pag-aalangan sa boses ko.

Tinapik ni Dara ang balikat ko. "Meron 'yan, Sendy! Tiwala lang!"

Nang makarating na kami sa sinasabi nilang Forbidden Ortus ay nagulat ako sa dami ng mga nandito. Malawak ang lugar at may mataas na pader na puno ng mga ligaw na damo. Ito na ba ang Forbidden Ortus? Saan pwedeng pumasok? Wala namang daanan papasok?!

Nakita namin si Jhane kaya pumunta kami kung nasaan sila. "Mabuti na lang at nandito na kayo! Ang ganda kaseng kausap ni Zyrelle!" sarkastikong sambit niya.

Nakita na rin namin sina Drage na papunta sa direksyon namin.

"Where's the Forbidden Ortus?" takang tanong ni Winzé.

Tinuro ni Jhane ang makapal na pader na puno ng ligaw na damo. "Ayan ang daanan kaso sarado."

"Tss. Never na mabubuksan 'yan!" sabat ni Zyrelle.

"Wazzup, Dara!" nakangiting bati ni Drage nang makalapit na sila.

"Wazzup mo mukha mo!" pambabara ni Dara sa kaniya. Natatawa kami ni Val at Jhane sa kanilang dalawa.

"Easy ka lang! Haha!"

"Huwag mo kasing inaasar!" natatawang sambit ni Vendell.

"Nasaan sina Airyn?" tanong ko.

Ngumuso naman si Jhane kaya sinundan namin ng tingin kung saan at nakita namin si Airyn, Thony, Kairo, Jater, Neithan at Charlie na papalapit dito. May kasama sila na mukhang Professor.

"Ayan na sila! Royalties!" rinig kong sambit ng iba.

"Sila pala ang Royalties!" manghang sambit ni Dara.

"Yes! Sila rin ang susubok na buksan ang lagusan ng Forbidden Ortus," sagot naman ni Jhane.

Ngumiti naman sa amin si Airyn nang makita kami ngunit tuloy-tuloy lang silang naglakad papalapit sa sinasabi ni Jhane na lagusan daw. Nginitian din kami nina Kairo, Jater at Neithan. Ni hindi man napatingin si Charlie sa gawin namin. Ha-ha! Hayaan mo na, Sendy.

Natahimik ang lahat nang magpwesto sila nang pabilog at naghawak-hawak ng kamay. Nakita ko pang tinitingnan ni Thony si Charlie. Hayaan mo na siya, Sendy! Simula ngayon, hayaan mo na si Charlie!

Mukha namang gina-guide sila n'ong Professor sa kung ano ang gagawin nila.

"Ano'ng gagawin nila?" kunot-noo na tanong ko.

"Pagsasamahin nila ang mga elements para mabuksan ang lagusan," sagot naman ni Drage.

"But hindi pa sigurado kung mabubuksan nga," sabat naman ni Jhane na may bahid kalungkutan sa boses.

"Magtiwala lang kayo, mabubuksan 'yan!" sambit ni Vendell.

Nagsimula na silang magsalita ng mga lenggwahe na hindi namin maintindihan. Pero sa palagay ko ay mga latin or spells ito. Basta hindi ko maintindihan!

Nagliliwanag na ang mga magkakahawak nilang kamay base sa elements nila. Nagulat kami nang magliwanag ang pader kung saan ang lagusan nito.

"Ayan na!!!"

"Sabi ko sayo mabubuksan 'yan!!"

"Maghintay ka! Umiilaw pa lang! Ganiyan din dati 'yan!"

Hinintay namin ang susunod na mangyayari ngunit bigla na lang nawala ang liwanag sa lagusan kaya napatigil sila at napabitaw ng kamay.

"Ay sayang!!"

"Malas ka kase! Ano ba 'yan!"

"Excited na ako sana ako magkaroon mg guardian, eh!"

"Wala, sabi sayo eh! Tch! Nagsasayang lang ng oras!"

Malungkot ang lahat at puro reklamo.

"Bakit gan'on?" naguguluhang tanong ni Dara.

Pilit na ngumiti si Jhane. "Ilang beses na nilang sinubukan pero mukhang wala talaga."

Bigla naman akong may narinig na boses sa isip ko.

"Maari ka bang pumunta sa harap ng lagusan?"

Napatingin ako sa mga kasama ko pero mukhang hindi naman sila 'yong naririnig kong nagsasalita. Gosh! Nababaliw na ba ako?!

"Selendria, magpunta ka sa harap ng lagusan.."

Napahawak ako sa ulo ko. Nababaliw na yata talaga ako!!

Nagulat na lang ako nang kusang naglakad ang mga paa ko papunta sa harap ng lagusan.

"Uy, Sendy?!"

"Saan ka pupunta?!"

"Sendy? Naririnig mo ba kami?!"

Hindi ko sila pinakinggan. Hindi ko alam pero parang may sariling utak ang mga paa ko! Parang may kumokontrol sa akin!

Alam kong napapatingin ang lahat sa akin.

"Sendy?" naguguluhang sambit ni Airyn nang makalapit ako sa kanila ngunit hindi ko rin siya pinansin.

Nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating sa harap ng lagusan. Ano ba'ng ginagawa ko rito?!

Napapikit ako nang may kakaibang scenario ang nabubuo sa utak ko. Hindi ko alam pero parang nasa loob ako ng isang gubat. Ang ganda rito! Ang gaganda ng mga bulaklak at mga lumilipad na paru-paro!

"Selendria.."

Napalingon ako sa likod nang may tumawag sa pangalan ko. Ang ganda ng tinig niya! Parang dyosa!

Hindi nga ako nagkamali! Isang dyosa ang nasa harap ko ngayon! Puti ang suot niyang dress at may bulaklak na korona sa ulo. Pero bakit nagtataka ako... Parang kahawig ko siya.. Nakangiti siya ngayon sa akin.

"Buksan mo na ang lagusan para sa kanila.."

Iyan ang huling sinabi niya bago maglaho sa paningin.

"Buksan ang lagusan?" takang tanong ko.

Bakit gan'on? Bakit parang alam ko sa sarili ko nasa loob ako ng Forbidden Ortus?

Nakita ko naman ang lagusan na pinto kaya lumapit ako rito. Hinawakan ko ang pinto at nabitawan din nang kusa itong bumukas.

Bigla akong napamulat at nagulat sa nakita...



🔱🔱🔱

You can tweet me sweeties!
@sensitivlysweet is my username.

#CrewdAcademy

I would love to read your thoughts about this story!

StaySafe and Pray Always!
GOD BLESSED!










Continue Reading

You'll Also Like

11.7K 1.2K 66
Sa mundo ng Galendray. Isang napakahalagang bagay sa bawat miyembro ng angkan ang magkaroon ng mahusay na cultivator upang ipadala sa White Temple In...
10M 498K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...
21.4M 791K 78
She's not a gangster nor a mafia. Neither a lost princess nor a goddess. She's not a wizard or a guardian or other magical beings that exist in fanta...
11.3M 506K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...