Alexa's POV
"Nag date kayo ni Zenrick?" tanong ni insan sa akin.
"Yup" sagot ko.
"Aysuus.Kinilig ka na naman?" Sabi ni jayjay. Nakakarating lang na may dalang foods.
Nasa mini garden kasi kami dito sa school..
"Uyy~Cokefloat pumunta kang jollibee?" tanong ko sa kanya. Habang nilalagay yung straw.
Tumango lang sya at binigyan ng fries si Anastasia. Ehem ! May something.
"Ayieee.Uyyy kayo ha. May something~" sabi ko.
"Ano ka ba best ! Nagbigay lang ako ng Fries may something na agad? ikaw nga binigyan ko ng cokefloat e" sabi ni jayjay. May point din naman sya. hihi
"Malay mo diba?" sabi ko at nabaling ang mata ko kay Genniel na nakatutok sa phone nya.
"Hoy bes !!" Sabi ko.
"Ay kalabaw !" Gulat na sabi nya.
"Sa ganda kong to? Kalabaw ba?"pabiro kong sabi
"Ikaw kasi e nang gugulat ka" sabi nya at may pa hawak effect pa sa dibdib nya.
"Ehh. Sino ba tung busy jan. Teka nga ano bang meron jan sa phone mo" kukunin ko na sana pero nilayo nya sa akin. Pero Makulit ako e . haha
"Bes ! Ikaw ha ~" sabi ko ng nakuha yung phone nya at tinignan ko kung ano ang pinagkaka abalahan nya.
"Ang kulit mo talaga" sabi nya.
"Facebook bes? Seryoso?" tanong ko
"Hayy. Alam na this" sabi ni insan.
"Sino na naman yan? Si Luke?" tanong ni Jayjay
Umiling sya "Break na kami no!" sagot nya.
"Bago na naman?" tanong ko
"Eh paano ba naman minsan lang mag Online yang si Luke e" sabi nya.
Gagi din to e. Alam nyo ba na yang si Genniel halos lahat ng nagiging Boyfriend nyan ay sa Facebook lang ! Kahit ni isa sa kanila wala pa syang na meet. Ayaw nya daw kasi sa personal e. Hindi nya naman sineseryoso yung mga nagiging boyfriend nya sa Fb.
"Sabi ko naman kasi sayo e. Ang dami namang lalaki dito sa atin ang Popogi pa ! Ba't ka nag titiis jan sa fb?" sabi ko
"Atleast.Kahit mag break man kami,hindi ako masasaktan" sabi nya. Isa din yan sa mga dahilan nya.
"Ano ka ba ! Pag may love sympre hindi magpapahuli si pain .Ganun ang love Genniel" sabi ni jayjay
"Hugot best?!" sabi ko
"Base on my own experience" sabi nya
"Gag* ka best ! Haha" sabi ko sabay batok sa kanya.Napahawak sya sa ulo nya . Haha yan kasi loko loko e.
"Alam ko naman yun.Takot lang akong masaktan" sabi ni Genniel
"Lahat naman tayo takot masaktan.Pero minsan we need to take the risk" sabi ko
"Edi wow yung english" sabi jayjay. Baliw talaga
"Wag ka nga ! haha" Hayop din to e -_- Yung english pa talaga ang napansin ? Haha
"Pero bes may nangligaw na naman sa akin!" sabi ni Genniel.
"Talaga? Sa Personal ba?" Tanong ni insan
"Sa facebook" sagot nya
"-____-" nag pokerface kaming tatlo.
Facebook na naman?
"Edi wow bes" sabi ko
"Pero..."
"Pero ano?" sabi ni jayjay
"Dito sya nag aaral" sabi nya
"Di nga!!?" excited kong sabi
"Wow ha excited ka pa sakin?? Pero Yup dito sya nag aaral"
"Nagkita na ba kayo?"
Umiling sya "Hindi pa e.Pero sabi nya,ako daw nakita nya na"
"Ano bang pangalan nya?" tanong ni insan
"Bryan.."
"Heller ! Andaming kayang bryan sa mundo " sabi ko.
"Bryan Velanueva" sabi nya
"Putcha !!!" sabi ko
"Oh best. Wagas ka kung maka react ha ?" sabi ni jayjay
"Kilala mo couz?" tanong ni insan
"malamang !!! Palibhasa e minsan lang kayo manood ng basketball" sabi ko
"Anong konek nun sa kay bryan bes?" tanong ni Genniel
Nag roll eyes ako "Si bryan lang naman ay Varsity player,sya din yung Captain ng Basketball team nila !Halos lahat ng mga babaeng nakakakilala sa kanya dito pinapangarap sya.Pogi at mayaman din"
"Kilala mo talaga sya best no?" sabi ni jayjay
"Sympre !! At bes ang swerte mo,nakabingwit ka ng mamahaling isda hindi sya malangsa ha. pfft " Sabi ko
"Akala ko kay Zenrick ka lang stalker bes eh. haha"
"Baliw ! Di ako stalker ng bryan na yan no ! Loyal ako kay Zenrick!" sabi ko
"Edi ikaw na yung loyal" sabay sabay na sabi nila.
"Naman !"
"Myghaaad !!" sabi ni Genniel na ikinagulat namin.
"Oh bakit bes?" tanong ko
"N-nakita daw ako ni bryan" sabi nya
"Sabihin mo meet kayo!" sabi ko
"Okey wait" sabi nya at nagtipa na ng message para kay bryan.
"Oh~ Ano sabi?" Tanong ko
"Offline na sya e" sabi nya
"Sayang naman!" sabi ko
"Next ti-"hindi ko sya pinatapos sa sasabihin nya
"Aha ! Halika bes !" sabi ko sabay hila sa kanya
"S-saan ba tayo pupunta?" tanong nya
"Sa gym ^_^"
"WHAT!? A-ayaw ko nga!" sabi ni Genniel na pilit tinatanggal yung kamay kong nakahawak sa kamay nya.
Yung dalawa naman ayon ! Nagpa iwan.
Si Genniel muna aatupagin ko ngayon busy si Zenrick e.
"Aissh.Wag ka ngang torpe bes"
"Sh*t ! Alexa are you crazy? Babae ako !"
"Oo nga ! Babae ka at lalaki sya anong problema don?" Sabi ko na naglalakad pa rin kami.
"I mean ! Babae ako nakakahiya na ako gumawa ng first move."
"Sino ba may sabing ikaw gagawa ng first move ?" tanong ko
"I-ikaw kasi e.Diba pupunta tayo sa gym?"
"Pupunta lang ng gym first move agad? Diba pwedeng titignan lang natin sya ? haha"
"Tsss" Umirap sya "Oh~ Edi tara!" sabi nya.
"Lets go!" masaya kong sabi.
Pagkarating namin sa gym.Nakita namin yung mga player na nag pa practice. Nasa malayo lang kami at hinahanap namin si bryan.
"Ayon sya oh!" sabi ko sabay turo doon sa lalaking may hawak ng bola.
"S-si bryan ba yan?"
"Ah-huh" sabi ko at tumango ako. Nakita ko pang nag blush ang bruha.
"Ayieee~Pogi no?" sabi ko.
"Pwede na rin" sabi nya. Lokaret talaga
"Hindi mo pa sya nakita? Kahit sa picture lang?" tanong ko
"Nakita ko sa picture ,pero mas pogi pala sya sa personal"
"Sus. Edi umamin ka rin na pogi sya" sabi ko.
At umalis na kami ng gym pagkatapos nun. Wengya kasi tung si Genniel e baka makita daw kami ni bryan
Ayses. New loveteam ba ito? Nyahahaha.
Masaya ako para kay Genniel kasi feeling ko magkakalovelife na sya In person ha ! Tsaka si Jayjay at Insan may Something na rin. At kami ni Zenrick, Ano nag date kami . hihi
Assuming man pero nag improve kami kahit papaano. Haha
Sana masaya na lang palagi..
~
Si Bryan Velanueva po yung nasa taas :D
Please Vote and Share ^_^
.xoxo
-xxxLadyMadaldal