Finally Got Him

By xxxLadyMadaldal

3.8K 251 46

ARTISTA at FANGIRL. Possible bang Maging sila ?? What if yung dating pagpapantasya lang na ginagawa dati ni A... More

Prologue
Chapter 1- Idol
Chapter 2- cokefloat
Chapter 3-Partners
Chapter 4-phone Number
Chapter 5-tadhana
Chapter 7:How to be you po?
Chapter 8: Sorry
Chapter 9: Arrange Marriage
Chapter 10: Feelings
Chapter 11: Girlfriend
Chapter 12: War
Chapter 13: Date
Chapter 14:Love team
Chapter 15: Transferee
Chapter 16: Away na naman
Chapter 17: Baby ko
Chapter 18: Sick
Chapter 19: Can you be My Girl
Chapter 20: Tomboy-palaboy
Chapter 21:Kailan siya magiging akin?
Chapter 22: Deal
Chapter 23:I'm yours And your mine
Chapter 24:Lucky
Chapter 25:My amnesia Girl
Chapter 26:Busy boyfriend
Chapter 27: Memories
Chapter 28:Foundation day
Chapter 29: Wala sa Sarili
Chapter 30: Guilty
Chapter 31: Driver :P
Chapter 32:Outing na !
Chapter 33: May epal
Chapter 34: Bawal
Chapter 35: Nawawala
Chapter 36:Tamang Panahon
Chapter 37: Beautiful in White

Chapter 6: Perez

122 10 0
By xxxLadyMadaldal

Alexa's POV

Ilang araw na din ang lumipas at natapos na yung presentation namin. Success naman siya.

Di ko makakalimutan yung mga nangyari habang nag papractice kami ni zenrick.Minsan naaabotan ko syang nakatitig sakin habang kumakanta ako,hindi naman ako assumera yun lang talaga napansin ko haha,di ko tuloy maiwasan makafeel ng awkward kasi eh bakit ba ang gwapo nya *_* may araw din na tinuruan nya akong mag gitara grabe ! Nung di sadyang nahawakan nya yung kamay ko,grabe sobrang lambot nung kamay nya.

Nakasave pa rin yung number ni zenrick sa phone ko.Minsan kasi nag tetext kaming dalawa,kahit sobrang bitin ng mga convo naming dalawa okey lang.Nakakahiya nga minsan  kasi ako yung unang nag tetext sa kanya. haha kapal ko diba ?

Akala ko nga pagkatapos ng presentation balik na kami sa dati ni zenrick .Yung hanggang tingin na lang ulit ako sa kanya ? Minsan kasi pagnagkikita kami ngumingiti na sya sakin. Pero minsan Poker face.Bipolar ata si Zenrick,haha.

Sunday ngayon,nasa sala lang ako na nonood ng Tv.
Nang nakita ko si kuyang pababa galing sa kwarto nya.

"Alexa,aalis tayo mamaya"sabi ni kuya

"Oh.Saan naman tayo pupunta kuya?" tanong ko sa kanya

"Sis,May party sa kanila erine mamaya. Tumawag sya sakin" sabi ni kuya

"Waaaaaa. Di nga ? Invited ako?" sa wakas makakapunta na din ako sa bahay nila ate.

Tumango lang si kuya tsaka naglakad papunta sa taas.

"Kuya makakapunta na ako sa bahay nya !!!" Masayang sabi ko, tumingin si kuya sa akin.

"Sa hotel naman gaganapin yung party ,hindi naman sa bahay nila.Haha" Natatawang sabi ni kuya at pumunta na sa kwarto nya.

Ayy. Saklap naman .
-
Naligo ako ulit. Anong oras yung party? Para makapag ready naman ako haha. Di naman halatang excited e no? pffft

Pinuntahan ko si kuya sa kwarto nya at 6:00 Pm daw aalis na kami. Wala sila mommy nasa singapore para sa negosyo nila.

Naghanap na ako ng dress simple pero maganda.Sabi kasi ni kuya mag dress na lang ako.Light pink ang color nang dress at sinuot ko din yung Cute na pink doll shoes na binigay sakin na pasalubong ni ate Erine.Naglagay lang ako ng Light make up,tas nilugay ko yung buhok ko na may ka unting kulot sa baba.

"Sis,let's go?" Sabi ni kuya na kakapasok lang sa kwarto ko. Pagtingin ko sa oras saktong 6:00 Pm na.

"Okey,tara" Bumaba na si kuya. At kinuha ko muna yung Phone ko tsaka bumaba na rin.

-
Pagkadating namin sa Venue namangha na ako sa labas palang ng hotel.Pag pasok namin sa loob ng hotel ay nakita ko ka agad kung gaano ka ganda yung mga decoration,at kung gaano ka daming pagkain haha. grabe halatang pang mayaman,marami ring inimbitahang bisita si ate. Oy hindi naman to bago sakin no ! Sadyang namangha lang ako.

Invited din si Insan kaso may family dinner daw sila ,kaya pass daw muna sya.

Nakita ko rin sa malayo pa lang si Ate Erine. Ang ganda nya talaga *_* nang nakita nya kami ni kuya. Ngumiti sya at nag excuse sa mga bisita na kausap nya.

"Hi Alex Glad you came.^_^" sabay beso sakin.At tumingin naman sya kay kuya

"Hi hon." Sabi ni kuya sabay kiss ng mabilis sa lips.Tas nag holding hands na sila. Suuss Walang foreber.

"Thank you sa invite ate" sabi ko

"No prob.  Invited nga yung mga di ko masyadong close,ikaw pa na sister-in-law ko .hahaha" sabi ni ate.

Ansabe ng sister-in-law? Haha

Umupo na muna kami nila kuya. Magkatabi si ate at kuya.At ang sweet nila. Kainggit.

"So Alexa.How's your school?"tanong ni ate

"Ahh.Okey naman po ate,ikaw po? Wala na po ba kayong pasok?"

"Actually meron pa.haha" sabi niya.

"Huh? E bakit ka pala umuwi ate?" sympre paano yung school nya.Curious lang ako.

"I'm staying here sa philippines.For good Sister-in-law ^_^"

"For good?!!?"  Gulat na sabi ni kuya.

"Yup.Haha surprise hon !!" masayang sabi ni ate.

Natuwa naman si kuya at ayon naglambingan na naman yung dalawa.Masaya ako na dito na titira at mag aaral si ate. Mahirap din kaya pag LDR no.

Pagkatapos naming kumain.Nag kwentuhan muna kami nila ate. Nabanggit pa nya na andami daw na gwapong koreano sa Korea. Haha ito namang si kuya todo selos.

"Ate salamat pala sa pasalubong mo ha" Pagpapasalamat ko sa kanya don sa mga ibinigay nya.

"Your Always welcome dear"sabi ni ate

Ang bait nya talaga.

-

"Welcome back ate" may nagsalita galing sa likod ko.

Familiar yung boses nya. Bago ako lumingon nakita ko yung gulat sa itsura ni ate at kuya,parang nakakita sila ng multo. Haha

Ano bang meron?

"Anong nangyari sa inyo? Sino ba ya-" Hindi ko na tapos yung sasabihin ko kasi.Paglingun ko na shock din ako O_O

"Zenrick??!!!" Na gulat din si Zenrick. Pansin ko lang pare-pareho kaming na gugulat ngayon?!!

"A-Alexa?" Sabi ni Zenrick

"Wait..." Siya ba yung nagsabi ng Welcome back ate ? Ano daw ? ATE ????

So It means...

"Wait ? Magkapatid kayo?!!" Gulat kong sabi.

"Ahhh" Parang di rin makapag salita si Ate Erine.

"Sis,ganito kasi yon.Let me Explain"sabi ni kuya

"It's okey kuya. Powder room lang ako" sabi ko.At umalis muna. Hinayaan naman nila ako.

Nagulat lang talaga ako.Magkapatid pala sila ? Akala ko talaga Magka apelyido lang sila!!

Erine PEREZ at Zenrick PEREZ ! May hawig din sila. Ba't ngayon ko lang napansin?. I mean napansin ko naman yung same surname nila.Pero ang buong akala ko magka apelyido lang sila.At wala namang sinasabi sa akin si kuya .

Nainis lang ako ng konti kasi hindi man lang sinabi sa akin ni kuya.Alam niya naman siguro kong gaano ko ka idol si Zenrick diba ?

Napahawak ako sa Ulo kasi sumakit bigla.Ang sakit !!
Sa halip na pumunta sa powder room,umupo muna ako sa pinakadulo na part dito sa hotel kasi may nakita akong upuan,para naman maibsan yung sakit ng ulo ko. It hurts you know !? Habang sumasakit ang ulo ko may lumalabas naman na mga hindi familiar na alaala sa aking utak.

Ganito lagi .Pag sumasakit ang ulo ko,may lumalabas na alaala pero malabo naman yung mga lumalabas na itsura.Hindi ko tuloy matukoy kung sino ba sila sa buhay ko.

Ouch ! Nakahawak pa din ako sa ulo ko. Nang nahilo ako at di ko na kinaya. Bago ako mawalan ng malay ay nakita ko si Zenrick na nagmamadali para masalo ako.

Then Everything Went black.
-
-
"Ouch" Sabi ko ng pagtayo ko sumakit bigla ang ulo ko.

"Okey ka lang ba?" Sabi ni Zenrick na nakatayo sa tabi ng kama na hinihigaan ko.

"Wait.Teka ba't ako  nandito,nasaan tayo?" tanong ko kasi nakahiga ako sa kama na hindi ko alam kong saang lupalup ako.

"Nasa hotel pa rin tayo.Nawalan ka ng malay kanina.Okey ka na ba?"

"yeah,salamat zenrick" naalala ko na naman yung tungkol sa kanila ni ate Erine.

Tinitigan ko si Zenrick.Tas Umupo ako sa pagkakahiga ko at mas tinitigan pa si Zenrick.

"What...are you doing?" Ilang na sabi ni Zenrick.

"Hawig talaga kayo no?" sabi ko tas hahawakan ko sana yung mukha nya ngunit umilag sya. Ngayon lang din ako natauhan sa gagawin ko. Sh*t Ano ginagawa ko? Nakakahiya >//<

"Ay.Sorry shock lang talaga hehe"  sabi ko at nag peace sign kay zenrick.

Inirapan nya ako "Tss..Whatever mag-ayos ka na dyan,sinabihan ko na yung kuya mo sa nangyari at papunta na sila"

Kita mo to ! Nagsusungit na naman :3 Bipolar talaga.

Pagbukas nung pinto ay bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni kuya.

"Sis ! Are you okey??" tanong ni kuya

"Gossh. Sister-In-law,Okey ka na ba?" sabi ni ate Erine na kakapasok lang.

"Oo naman okey na ako no.Ate at kuya ^_^"

"So Your Not Angry?" tanong ni Ate

"Ha. Hindi ate no! Nagulat lang ako,na magkapatid pala kayo.Si kuya kasi di sinabi sakin haha"

"Sorry sis." sabi ni kuya

"Hoy ! kuya wag kang mag drama.Okey lang no ! haha"

"Weeee di nga sure?" Baliw din tung si kuya e.

"Sure nga,sayang kasi kung maaga ko lang nalaman na magkapatid pala kayo ate.Nag pa picture na ako kay Zenrick noon pa lang at hindi na nakipagsisikan sa maraming tao" Pabiro kong sabi

"Tsss.." Nagsungit na naman sya :3

"Zenrick !" saway ni ate

"Whatever!" tas lumabas sya ng kwarto.Sungit

Sinigurado pa ni kuya na okey na ba talaga ako.

At nang na satisfied na si kuya Mark ay umuwi na kami. Hanep kasi ayaw pang maniwala na okey na ako.

Pero grabe.Magkapatid pala sila no? Mas lalo lang lumiit yung mundo namin ni Zenrick.

Sadyang kay liit ng mundo.

Tadhana...Ano bang plano mo?
-

Si Mark and Erine yung nasa taas guys ^_^ Okey ba?

xoxo
-xxxLadyMadaldal

Continue Reading

You'll Also Like

165K 12.4K 14
Her şey bana gelen mektupla başlamıştı. Ufacık bir not kağıdında yazan şeyler büyük olaylara ve hayatımın değişmesine yol açmıştı. Ben kendimden emin...
47.4K 3.1K 26
|ongoing| Ivana grew up alone. She was alone since the day she was born and she was sure she would also die alone. Without anyone by her side she str...
752K 2.8K 67
lesbian oneshots !! includes smut and fluff, chapters near the beginning are AWFUL. enjoy!
1M 91.6K 39
𝙏𝙪𝙣𝙚 𝙠𝙮𝙖 𝙠𝙖𝙧 𝙙𝙖𝙡𝙖 , 𝙈𝙖𝙧 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞 𝙢𝙞𝙩 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞 𝙃𝙤 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞...... ♡ 𝙏𝙀𝙍𝙄 𝘿𝙀𝙀𝙒𝘼𝙉𝙄 ♡ Shashwat Rajva...