WILD RUSH (Wild Series #2 : L...

By Soulful_Eyes

313K 6.4K 512

" when love and hate collide" More

NOTE's
TEASER
The Beginning
W.R - 1 (Selos)
W.R - 3 (Basilica)
W.R - 4 (Pakialamero)
W.R -5 ( Elevator)
W.R -6 ( Flight)
W.R -7 ( Hunting Girls)
W.R -8 (Home)
W.R - 9 (Fight)
W.R -10 ( Pasado)
W.R - 11 (Feelings)
W.R -12 ( Beside you )
W.R -13 (The Call)
W.R -14 ( Confrontion)
W.R - 15 (Hey Carlos)
W.R -16 ( Picture )
W.R - 17 ( First )
W.R - 18 ( Burn )
W.R -19 ( Action )
W.R -20 ( Halik)
W.R -21 ( Photoshoot )
Note
W.R -22 (Steal)
W.R - 23 ( Tears )
W.R - 24 ( Rush )
W.R 25 - ( The Exe's )
W.R - 26 (Song & Roses)
W.R - 27 (Antidote)
W.R -28 ( The Family)
W.R - 29 (Pregnancy)
W.R - 30 ( Don't want to lose you )
Epilogue

W.R -2 ( The Kiss)

10.6K 217 3
By Soulful_Eyes

Chapter 2





para akong natulos sa aking kinatatayuan pagkatapos ng pasaring na iyon ni Carlos Gabriel.




natapos ang aming photoshoot na matiwasay ang lahat. pero ako hindi ko alam, kung bakit sobrang lakas ng hataw ng puso ko sa tuwing nakikita kong nahuhuli kong nakatingin sa akin si Carlos Gabriel.




kaya naman nagpa-kabusy ako sa loob ng cottage namin nina Ria, para lang iwasan si Carlos. hindi na din ako sumama sa kanilang lahat para mag-dinner at i-enjoy ang view sa labas.




kuntodo ako sa pag-edit ng mga pictures kahit naman tapos na iyon. maiwasan ko lang mga kulit sa akin nina Mavz para lumabas ako.




nagpabili na lamang ako ng pagkain kay Mavz. kaya dito na din ako sa cottage kumain, ng makita ko medyo okay na lahat at tapos ko na gawin. nagpasya akong lumabas.




naglakad lakad ako, pero hindi ko nakita ang aking mga kasama. baka nag-eenjoy iyon, nakikita ko ang ibang mga turista ng island na iyon na nag-eenjoy. meron pa sa kanila na nagsasayawan sa may buhangin.





tila walang pakialam ang mga ito, namulsa ako sa aking sout na hoodie jacket. naka-spaghetti straps lang ako sa aking panloob, masyado malamig ang gabi kaya nagsout ako ng jacket.



napadpad ako sa medyo hindi ma-tao. meron dalawang puno ng niyog doon na medyo mababa, at may duyan ito nakakabit.




napangiti tuloy ako, umupo ako doon paharap sa dagat. tiningnan ko ang tahimik na paghampas ng dagat sa paanan ng buhangin. inugoy-ugoy ko ang duyan na aking inuupuan.





nilipad ng mabining hangin sa gabi ang aking buhok. naamoy ko ang samyo ng dagat habang tumitingin sa mga taong sa di-kalayuan at ini-enjoy ang ganda ng islang ito.





nasa ganoong ako sitwasyon ng marinig ko ang isang pamilyar na baritonong boses. ang nasundan niya ako dito ay hindi ko alam, mukha yata kahit saan ako magpunta maramdaman ko siya palagi.




" why do you chose to be alone here..?"




lumingon ako dito at inismiran siya. kahit alam kong hindi naman niya nakikita ang ginawa ko. tanging liwanag lang ng isang poste sa may di kalayuan ang nagsisilbing liwanag ng pwesto namin.





" bakit ba parang kabute ka na lang na bigla lumalabas diyan?..sinisira mo ang katahimikan ko.."





sagot ko dito at nag-iwas ng tingin. naramdaman ko ang kanyang yabag papalapit pa sa akin, hanggang sa umikot ito sa aking harapan.




" bakit ba parati mainit ang ulo mo sa akin..ha?..that's bad pretty lady..the more you hate, the more you love.."




dinig kong sabi nito kasabay ng pahapyaw na pagtawa nito. agad nag-init ang dugo ko dahil sa sinabi nito, lakas lang ng apog!.




" wow! ang kapal mo din noh?!..not because you are the well known Carlos Gabriel Montevallo, hindi ibig sabihin nun' lahat ng babae magkandarapa sayo!..kilabutan ka nga.."





i hissed at him..i saw him entrust his one hand into his pocket, habang ang isang kamay nito nasa kanyang batok na tila minamasahe ito. tiningnan niya ako ng pailalim.





ang liwanag ng ilaw sa may di kalayuan, sapat na para makita ko ang pagsupil ng isang ngiti na nagpabilis sa paghataw ng aking puso.



tangina! puso..pumirmi ka nga!




" i just want to be close with you..to be friends..bakit ka ba umiiwas..?"




" ayoko lang sa aroganteng katulad mo.."



"don't be so judgemental miss pretty lady.."




sagot nito sa akin, pagak pa akong tumawa. tumayo ako sa may duyan para umalis na doon. ayoko ng makipag-usap sa pesteng lalake na ito.




" hindi ako judgemental..sinasabi ko lang kung ano nakikita ko sayo..diyan ka na nga!".




pagkatapos kong sabihin iyon agad ko siyang tinalikuran. dahil sa aking pagmamadali bigla na lamang ako natapilok. muntik na akong matumba, kung hindi ko pa naramdaman ang isang mainit na bisig na sumuporta sa aking likuran.





ang kamay nito nakahawak sa aking likod, at ang isa ay sa aking braso. nabaling ang aking tingin kay Carlos na ngayon nakahawak sa akin. fuck! Lianna..tanga lang!




agad akong umayos ng tayo at pinalis ang ang kanyang kamay. masyadong malapit ang kanyang katawan sa akin. halos dinig ko ang pagtambol ng aking puso.




" ingat ka..baka next time wala ako sa tabi mo para saluhin ka.."





aniya sa malamyos na boses. hinawi ko ang aking buhok, hindi ko maiwasan hindi mapatitig sa mata nito. unti-unti nitong binaba ang kanyang kamay patungo sa aking beywang.





naramdaman ko na lang ang kanyang paghapit sa akin, patungo sa kanyang katawan. he caressed my face gamit ang likod ng kanyang kamay.




tila ako nahipotismo ng mapadako ang aking mga mata sa kanyang natural na mapulang labi. he slowly close his eyes ng bumaba ng dahan-dahan ang kanyang mukha palapit sa akin.



next thing i know, i felt his warm lips on mine. he kissed me slowly, na parang tinutudyo niya lang ang aking labi. isang marahan na mumunting halik na nagpapawala sa aking ulirat.




hindi ko alam kung bakit parang may sariling isip ang aking mga kamay para ikawit ito sa kanyang batok. he deepen the kissed, with more slow at tinutugon ko na din ang kanyang mga halik.




he was my first kiss..para akong nabuhusan ng tubig ng maalala ko kung sino ang lalakeng humahalik sa akin ngayon. ramdam ko ang pamumula ng aking mukha.




agad ako kumalas dito at tinulak siya sa dibdib. ng makawala ako sa kanyang yapos, tumakbo ako patungong direksyon ng aming cottage. hindi na ako lumingon sa kanya, kahit dinig ko pa ang pagtawag nito sa aking pangalan.




ang gaga ko!. sa isang ganoon lang pumayag ako magpahalik sa damuho na iyon. humahangos akong nakarating sa cottage namin.




gulat pa si Mavey dahil sa hitsura ko.



" oh? bakit humahangos ka?..meron bang humahabol sayo?."




kunot - noong tanong nito sa akin. huminga muna ako bago pilit siyang nginitian, habang may inaayos sa kanyang phone.




" n-nag jogging kasi ako...oo! nag-jogging ako..tinunaw ko kasi ang pagkain sa tiyan ko.."




ngumingisi na sabi ko, tiningnan ako ni Mavey na mula ulo hanggang paa. na tila sinusuri kung nagsasabi ako ng totoo. nginisihan ko siya pabalik, pinahid ko ang aking pawis.



hinubad ko ang aking hoodie. nilagay ko ito sa aking higaan, iniwas ko ang aking paningin kay Mavey.



" saan si Ria, Mavz?.."




pagiiba ko dito ng usapan. tumikhim ito, at muling binalik ang kanyang atensyon sa binabasa nito.



" nasa labas iyon, kausap sa phone ang kanyang boyfriend.."



" ah okay..." tipid kong sagot dito.



narinig ko bigla ang pagtawag ni Ria mula sa labas. agad na binuksan ni Mavey ang pintuan.



" kanina pa namin kayo hinahanap. lets have some fun may bonfire doon ginawa nila tara!."




kayag sa amin Ria, tumango naman si Mavey at ngumisi. saglit akong pumasok sa bathroom na maliit para magpalit ng damit nabas ang pawis ang suot ko kanina.





pagkatapos nun' lumabas na kaming tatlo para tunguhin ang sinasabi ni Ria. naabutan naming nagsasayaw doon ang mga kasamahan namin.




nakita ko pang nag-dirty dance si Joana, habang nasa likuran nito si Carlos Gabriel. she grind her hips, habang hawak ni Carlos ang beywang nito.



fuck! that sight..ang landi mo bes!




ipinilig ko ang aking ulo, umupo ako sa may tabi ni Mavey. malayo sa mga kasamahan namin na naghaharutan ngayon paikot sa bonfire. kumuha ako ng san mig light na inabit sa akin ni Ian.




agad ko itong tinungga, san mig lang naman ito. hindi ito masyadong nakakalasing. napabaling muli ang aking paningin ng sumigaw ang mga kasamahan namin.




nakita kong nakayakap si Rachelle kay Frondie at kinukulit ng iba namin kasamahan. ngumisi ako sa nakitang hitsura ng dalawa.



" lets have a game guys..body shot, sino may gusto?".




agad naman binatukan ni Ria si Mavey sa sinabi nito.



" gaga! body shot ka dyan, ano San mig ibuhos sa katawan ganern?."




napakamot na lamang sa kanyang ulo si Mavz ng mapagtanto hindi pala pwede ito. wala naman kasi tequila tsaka lemon, pangit kasi mag-body shot tapos san mig light lang ang gagamitin. walang thrill ika nga' ni Ria.



" spinning bottle na nga lang, truth or dare.."




" ay boring iyan.." sabat ng isang kasama namin.




hinayaan ko lamang sila na mag-diskusyon sa gagawin. hanggang sa sumama na lamang ang ito sumayaw sa mga nandoon. nakita kong nagpaalam saglit si Carlos kay Joana.




halos sasabog ang puso ko sa paghataw nito, nang magtama ang aming mga paningin. iniwas ko kaagad ang aking tingin, muli kong tinungga ang aking hawak na inumin na nangangalahati na ngayon.





narinig ko ang pagtikhim nito ng umupo sa aking gilid. hinawi ko ang aking buhok na nilipad ng mahinhing hangin sa gabi.




" why are you here?..ayaw mo sumali sa kanila?."




biglang sabi nito, hindi ako tumingin dito kinuha ko ang patpat na maliit sa isang tabi ang pinagdiskitahan na lamang ito pansulat sa buhangin.


" i'm okay here..kayo na lang doon."


" i will not say sorry because of the kiss awhile ago. damn! how i wish i could kissed you again, i got addicted on it.."




halos ilubog ko na aking mukha para lamang hindi makita nito ang pamumula. buti na lamang at gabi hindi niya ito makikita.




" can we go somewhere?..i want us to be alone.."




muli nitong sabi, nag-angat ako ng tingin para tingnan ang aming mga kasama na nagkakasiyahan. ayokong mapag-isa kaming dalawa. masyado akong nagiging mahina kapag dalawa lamang kami.




" bakit hindi mo yayain si Joana, tutal mas okay kayong dalawa eh."




hindi ko maitago ang tabang ng aking boses ng sabihin ko iyon.




" nagseselos ka..."




hindi iyon tanong bagkus isang pangungusap na alam niyang nagseselos ako.




" in your dreams Mr. Montevallo.."




pagkatapos nun' tumayo ako para pumunta kina Mavz. kung bakit kasi abnormal ang aking puso kapag nasa harap ni Carlos.



kinaumagahan, pagkatapos namin kumain lahat agad na din namin tinapos ang lahat ng gawain namin. naging seryoso na ang lahat ng mag-umpisa kami sa photoshoot.




ng matapos agad na din kami bumalik lahat para makauwi na. dahil bukas pahinga muna bago mag-start ang event. prepare pa pala ako para sa aking exam, dahil next week flight ko for New York.




halos buong byahe patungo sa kung saan namin iniwan ang mga sasakyan namin, tahimik lamang ako. iniiwasan kong mapadako ang aking paningin kay Carlos.




humahagikgik sina Joana at Rachelle sa kwentuhan nila sa gilid namin. habang sina Mavey at Ria, panay ang usapan dahil sa nalalapit na event. nakikinig lamang ako sa kanila.




narating namin muli ang syudad ng Tinapa Island. pumunta na kami sa aming kanya-kanyang sasakyan. dahil sa dala ni Carlos ang kanyang land rover doon na sumakay sina Joana at Rachelle para magpahatid dito.




pumasok na ako sa aking sasakyan, habang ang ibang kasama namin kay Ria na sumakay. doon na sa akin si Mavey ng makitang ako lang mag-isa sa sasakyan ko.




hindi na ako muling tumingin pa kay Carlos ng magsimula na silang umalis. narinig ko ang pagtunog ng aking phone sa aking bulsa. agad ko itong kinuha para tingnan baka sina mommy ang nagtext.




isang unknown number ang nakita ko.




unknown number:

take care pretty lady..see you around.




kunot noo akong napatingin sa screen ng aking phone. nagdadalawang isip ako kung reply ba ako o hindi.




" oh? naiwanan na tayo..hindi pa ba tayo aalis?..ano ba meron dyan sa phone mo?".



ng makita ko ang pagdukwang ni Mavey sa gilid ko. agad kong nilagay sa dashboard na malapit sa manibela ang aking phone. paano nagkaroon ng aking number si Carlos?.




napabuga ako ng hangin habang ini-start ang engine ng sasakyan ko. saglit pang nabaling sa akin si Mavey.



" alam mo ikaw Lianna, since nasa calaguas island pa tayo ganyan ka na...may problema ka ba?."



" don't mind me Mavz...wala ito. kinakabahan lang kasi ako sa exam for photography. luluwas na ako papuntang new york sa next week."





pagsisinungaling ko dito. mukhang nagulat pa ito sa sinabi ko.




" next week na alis mo?."





" yep!" ngumiti ako sa kanya  ng iliko ko ang sasakyan namin at makita ang ibang kasamahan namin.





" alam na ba ni Ria ito?. kasi kung next week ka aalis dapat mai-shoot muna ang last pictorial ng mga models..kailan balik mo dito sa Pilipinas?".




" i will tell Ria pagkauwi natin. hindi ko pa alam kung kailan ako makakabalik dito. this is my dream Mavz and i want to pursue it."




pagkatapos ng isang mahabang biyahe nakauwi din kami sa wakas. hinatid ko lamang si Mavey sa kanila bago ako umuwi sa amin.





narating ko ang bahay namin na medyo pagod. hindi ko pa din makalimutan ang mukha at labi ni Carlos na humalik sa akin. nakagat ko pa ang labi ko at napapikit ng mata.




nakita ko binuksan ng katulong namin ang bakal na gate namin. dahan-dahan kong pinasok ang aking sasakyan. nang naiparada ko na ito ng maayos agad ako bumaba.




nakita ko sa gilid ang kotse ni kuya. napangisi ako ng mapagtanto na nakauwi na pala ito galing Milan. pumunta ito last week para sa isang business proposal. agad kong tinakbo ang papunta sa loob ng bahay namin.




alas-diyes na pala ng gabi, pero gising pa sina mommy.




" Kuya!"




binitiwan ko lang ang dala kong duffle bag, tinakbo ko ang distansya namin ni Kuya at niyakap ito. tawang-tawa si Kuya habang niyayakap ako.




" how's my lil' sis?..amoy dagat ka ah. saan ka nagpunta?."



" kagagaling lang namin sa photoshoot Kuya. sa Calaguas island, the place is so amazing! sobrang ganda. we should visit there kapag may oras ka. tayo nina mommy".




sabi ko dito pagkatapos ko siyang yakapin at tumabi sa sofa na inupuan niya. iling-iling lang si mommy sa amin.




" nasaan na pasalubong mo sa akin.?"



i pouted habang ginugulo nito buhok ko.




" nasa kwarto mo na po. tingnan mo na lang mamaya, well anyway i have to go."




" hindi ka matutulog dito Kuya?."



kunot noo kung sabi sa kanya. tumayo ito at yumakap kay mommy and daddy.




" sa bahay niya yan matutulog, alam mo naman Kuya mo. may sariling mundo iyan, hinintay ka lang niya talaga bago umalis."




ngumisi si Kuya sa akin. kainis naman! akala ko dito siya matutulog. marami pa naman ako kwento sa kanya, well my kuya parang bestfriend ko na din iyan.




" sasama na lang ako sayo Kuya. namiss kasi kita ka-kwentuhan eh."




" hindi pwede Li'. tumawag kasi si Carlos sa akin nagyaya mag-bar tsaka syempre with our girls."




namilog mga mata ko tumingin sa kuya ko dahil sa binanggit nito. he knows that's monster?!.




" Kuya Liam..you mean Carlos Gabriel Montevallo?.."




nabaling sa akin lahat ang atensyon nila. tumaas ang kilay ng kuya ko na para bang nahihiwagaan sa aking pagtatanong.



" you know him?."



maikling tanong nito sa akin.




" yah' pinakilala sa amin ni R-Ria kahapon. isa siya sa mga model ni Ria para sa event..matagal mo na siyang kilala Kuya?."




" iha? Lianna...bakit yata parang interesado ka masyado sa Montevallo na iyan?."





biglang sali sa amin ni daddy. napatingin ako dito na prenteng nakaupo lamang sa sofa habang akbay si mommy. nakangisi si mommy sa akin, i rolled my eyes on her.



" oh' come on! mom..i know that look..i am not interested about him dad..nagtanong lang ako, what's the big deal with that?."




" and why are you so defensive little sis?."




tudyo naman sa akin ni kuya. like duh? one against three. pagtulungan daw ba ako?. mga taong ito talaga.




" argh! nevermind people!. akyat na ako, sige kuya goodnight..ingat sa pagda-drive ah."





humalik ako sa pisngi nito pati na din sa parents ko. umakyat na ako sa taas ng aking kwarto dala ang aking duffle bag na maliit. kahit na naririnig ko pa boses ni mommy nangungulit pinabayaan ko na lang.




pagkapasok ko sa kwarto agad akong naghubad ng aking damit. kinuha ko ang aking tuwalya at pumasok sa aking banyo. hinanda ko ang bathtub para marelax ko ang aking sarili.




ang  aroma ng lavender nagparelax sa katawan ko ng ilubog ko ang aking katawan sa bathtub na hinanda ko. pinikit ko ang aking mata, halos batukan ko ang aking sarili na sa aking balintataw ay lumalabas ang mukha ni Carlos Gabriel.





ang mga mata nitong tahimik na nakatitig sa akin, nanunuot sa bawat himaymay ng aking pagkatao. i bit my lower lips ng maalala kung muli ang kanyang halik.




" ang shunga mo talaga Lianna!..why did you fall for his trap?!."





bulyaw ko sa aking sarili. marahas akong tumayo sa bathtub at nagtungo sa shower. mabilis akong nagbanlaw ng aking katawan. ng matapos lumabas na ako sa aking kwarto.




ng makapagbihis agad akong humiga sa kama ko. pilit ako pumipikit para makatulog, ngunit kahit gaano pa ako kaantok ang mukha ng pesteng lalakeng iyon ang bumabalik sa utak ko.





kinabukasan halos tinanghali na ako ng gising. buti na lamang at linggo ngayon, kaya hindi ako medyo nagmadali sa pagbangon. mamaya na ako pupunta ng studio para edit ang iba pang pictures doon.





naisipan kong maligo na muna bago bumaba para fresh na ako.  magsisimba muna ako bago pumunta ng studio. pagkatapos kong maligo nagsout lang ako muna ng short at shirt para makababa kumain.





" anak tinanghali ka yata ng gising?."





si mommy as usual nasa kusina na naman siya at nakikialam sa pagluluto ng aming cook. ganyan talaga si mommy hindi makapalagay sa isang pwesto gusto palagi may ginagawa.





" pasensya na mom napagod yata ako byahe kaya tinanghali".




humalik ako sa pisngi nito habang tinitingnan ang paggawa ng isang putahe. kumunot noo ko sa ginagawa ni mommy sa isang buong manok..





" mom? what are you doing?. bakit pinupuno mo yata ng gulay at sangkap iyang manok?."





ngumiti ito sa akin ng pagkatamis-tamis habang patuloy ang paggawa niya sa manok. nilagyan niya ito ng stick para pang-ipit sa dibdib ng manok na hiniwa niya kanina.





" magluluto ako ng brazo de mercedez. dahil sabi ng kuya mo dito daw siya manananghalian ngayon, at may ipapakilala daw siya sa atin."





i rolled my eyes ng sabihin iyon ni mommy. sa totoo lang kung ang mini-mention ni mommy ay magdadala ng babae sa bahay si Kuya i don't think magugustuhan ko iyon. ayoko pa kasi mag-settle down si kuya eh. hindi ko na siya malalambing if ever may ipabili ako dito.






ngumuso ako at hindi sinagot ang sinabi ni mommy.




" oh? busangot iyang mukha mo?. naku! Li' umayos ka sa bisita ng kuya mo mamaya ah."



" fine! mommy.."




pumunta ako sa fridge para kumuha ng inumin. nakita ko may slice of cake dun' kinuha ko ito at nilatantakan. mamaya na lang ako kakain, paguwi ko galing simbahan.




" mom?. saan nga pala si daddy?.."




" nasa mga amigo niya..naglaro ng golf."




" ah okay..magsisimba lang po ako mommy. saglit lang naman babalik din ako mamaya para mananghalian dito."




" okay anak..basta uwi ka dito ah, pagkatapos."




" yes mom!".




humalik ako sa pisngi nito bago pumanhik sa kwarto ko ulit para mag-ayos.

Continue Reading

You'll Also Like

73.4K 1.3K 33
WARNING: Matured content. 17 below is not suitable for this story. "I'm p-pregnant..." nauutal na wika ko sa harap ni Terizla, my boyfriend. Agad si...
14.4K 411 42
Lumaki sa isang mahirap na pamilya si Luna. Sa murang edad, inabandona sila ng kanyang Hapon na ama kaya maaga siyang natutong magbanat ng buto para...
383K 13.4K 36
Matured content Registered under the National Library of Australia ISBN 978-0-6451142-5-6 Published under PaperInk Publishing House Completed ✅ Drake...
260K 5K 27
[WARNING: RATED SPG!] MORRISON SERIES #1 Matthew Gregory Morrison and Andreana Alonzo DATE STARTED: JULY 21, 2020 DATE FINISHED:JULY 29, 2020