Ang Mutya Ng Section E

By eatmore2behappy

134M 5.3M 3.3M

Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung... More

eatmore2behappy
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Not an update!
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter 108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 123
Chapter 124
Chapter 125
Chapter 125.02
Chapter 125.03
PART TWO
Part Two

Chapter 90

1M 37.8K 32.6K
By eatmore2behappy

Brothers

Jay-jay's POV

Nagugutom na ko! Gusto ko sanang humingi ng pagkain pero kanino? Umuwi na kaya ako, kayalang hindi ko alam kung ganu kalayo tong bahay nila Keifer sa bahay namin.

"Ikaw naman Jay-jay..." Sabi sakin ni Ci-N at pilit inaabot yung tako.

Ipukpok ko kaya sa kanya to?

"Ayoko! Kayo nalang maglaro!" Sabi ko at naglakad palayo.

Kanina nya pa ko tinuturuan mag-billiard pero hindi naman ako nakikinig. Nagugutom na kasi talaga ako.

Lumapit ako kay Felix para kamustahin sya. Sabi kasi nila Eren, wag ko daw hahayaan na makatulog sya. Hindi naman nila sinabi kung bakit.

"Felix..." Tawag ko sa kanya.

Pinilit nyang idilat yung isang mata nya. Nagsara na kasi yung isa dahil sa pamamaga.

"Jay..." Tawag nya sakin. "...S-sorry ah?"

"Bakit ka nags-sorry? Ako nga dapat eh."

"A-ako dapat... I-inaya kasi kita. D-dapat nung u-una pa lang, n-naisip ko na yun."

"Wag mong isipin yun. Dumating naman sila Keifer para tulungan tayo."

Nagpilit sya ng ngiti at nilipat ng pwesto yung ice bag sa muka nya. Tinulungan ko syang ilipat yun at bahagyang diniinan.

Biglang bumukas yung pinto kaya napalingon ako. Si Keigan.

"Kuya... Breakfast is ready and I would like to invite your friends to eat with us." Formal na sabi ni Keigan.

Tumingin ako kay Keifer para alamin yung sasabihin nya pero nagulat ako ng mapansing dumudugo yung palad nya.

"Keifer yung palad mo!" Sabi ko sa kanya pero hindi nya ko pinansin.

Naglakad sya palabas ng pinto at nilagpasan lang si Keigan. Tinignan ko si Yuri na naiwang nakatayo sa pwesto nila.

"I'll take that as a yes. Please follow me..." Sabi ni Keigan at akmang aalis na.

"Keigan!" Tawag ko sa kanya at huminto sya. "...Si Felix kasi, hindi sya makakasama samin."

Tinignan naman nya si Felix at ngumiti. "I'll send the doctor and my butler here to help him."

Lumakad na sya ulit at sumunod naman sila Ci-N at Eren sa kanya. Hindi muna ko umalis para may kasama si Felix pero pati pala si Yuri nagpaiwan muna.

"Sumunod kana sa kanila." Utos ko kay Yuri.

"No. I'll stay here with you."

Hinayaan ko nalang sya dahil alam kong hindi sya papa-awat. Yuri pa, eh parang Keifer din yan.

"Anu nga palang nangyari kay Keifer?" Tanung ko sa kanya at lumapit sa bar kung saan sila nakapwesto kanina.

Basag na baso at dugo ang nakita ko. Hindi ako sigurado sa nangyari. Wala naman kasi akong narinig na nabasag.

"May nasabi kasi akong hindi maganda at pinang-gigilan nya yung baso." Sagot nya sakin at napakamot sa ulo.

Hala! Yung secret namin!

Baka sinabi na nya yung secret namin kaya nagkaganun sya. Baka hindi sya natuwa or ayaw nya.

"A-anung sinabi mo?"

"It's nothing. Don't worry about it." Mabilis nyang sagot sakin.

May pumasok na lalaking naka-white polo. Nagpakilala syang butler ni Keigan kaya naman iniwan na namin si Felix at sumunod na kila Ci-N.

Nakasunod lang ako kay Yuri. Muka kasing alam nya yung pupuntahan.

"Ilang taon na si Keigan?" Biglang tanung ko kay Yuri.

Ang awkward kasi ng atmosphere. Wala kumikibo samin kaya bumabalik sa ala-ala ko yung ginawa nya.

"14." Mabilis nyang sagot.

14? Same age lang kay Ci-N pero halos malagpasan na nya.

"Ang bata pa pala nya."

"Don't trust him." Biglang sabi ni Yuri nagpatigil sakin.

"Why?"

"He's a pshychopath."

Hala! Delikado si Keigan?

"Ibig sabihin.. baliw----"

"Not literary psycho... We just call him like that because he acts like one. To make it easy on you, he is the worse version of Keifer." Paliwanag nya.

So my worse version pala si Keifer. Kala ko sya na yung worst sa lahat. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa labas kung saan may pool.

Kala ko ba breakfast?

Nilibot ko yung tingin ko at nakita ko sila sa Gazibo. Kumakaway kasi sakin si Ci-N habang may subong tinapay.

"Dito talaga sila nag-aalmusal?" Tanung ko kay Yuri at naglakad kami palapit sa kanila.

"Hindi... Pero dito gusto ni Keigan." Sagot sakin ni Yuri.

Paglapit namin sa kanila, agad na tumayo si Keigan at binatak yung upuan sa tabi nya. Pina-upo nya ko at inasikaso. Ang gentleman ng dating nya.

Parang hindi naman worse... Muka nga syang good boy version ni Keifer.

Wala si Keifer at busy naman sa paglamon ang mga luko. Binigyan ako ng pagkain ni Keigan sa plato.

"Enjoy your breakfast..." Sabi nya at ngumiti.

Napatingin ako kay Yuri na nakatingin din pala sakin. Umiinom sya ng kape at parang pinakikiramdam si Keigan.

Habang kumakain hindi ko maiwan na hindi magtanung.

"A-asan pala si Keifer?"

"Behind you..." Mabilis na sagot ni Keigan sakin.

Tumingin naman ako sa likod at naglalakad palapit ang bagong ligo na Keifer. Naka-short lang sya at tshirt, pero meron syang kasunod.

Mas pinabatang version ni Keifer at Keigan. Yun nga lang mas masungit nga lang ang itsura nya.

"Ang aga mo nagising Keiren." Pang-aasar ni Keigan dun sa bata.

Keiren pala ang pangalan nya. Pupusta rin ako kapatid ni Keifer to, mga bente singco centimo.

"Shut up!" Mabilis na sagot nung Keiren kay Keigan.

Ay ang sungit!

Naupo si Keifer sa katapat kong bangko. May benda na yung kamay nya. Pinagmasdan ko sya pero hindi man lang nya ko tinignan kahit sandali.

Napatigil ako ng mapansin ko yung Keiren na nakatingin sakin. Titig na titig sya at halos tunawin na nya ko.

"So hindi pala bakla si Kuya Keifer..." Sabi nya dahilan para mabuga ni Keifer yung kapeng iniinom nya.

Bahagya namang natawa sila Yuri na pilit nilang tinago.

"...he keeps bringing boys instead of girls. So I thought he was gay." Paliwanag pa nito.

Gusto ko rin sanang matawa kundi lang nakakamatay yung tingin ni Keifer.

"That's come from the boy who can't even look Yoichi's eye." Sagot ni Yuri dahilan para matigilan sya at mapangiti si Keifer.

Yoichi?

Yung feeling ng hindi ako maka-relate sa sinasabi nila. Kahit kasi sila Eren nakikitawa rin sa pinag-usasapan nila.

"Speaking of Yoichi... She called me Yesterday, uuwi na raw sya dito because she's missing you." Dagdag pa ni Yuri.

Bigla nalang namula si Keiren at parang nawalan na ng ganang kumain.

"S-sino yung Yoichi?" Tanung ko kay Keigan na syang pinaka-malapit sakin.

"Yuri's younger sister and Keiren's crush." Mabilis na sagot nya sakin.

"Shut up! She's not my crush!" Galit na sigaw ni Keiren dahilan para magtawanan pa sila.

Oo nga pala. May kapatid nga pala si Yuri na nasa Japan. Hindi ko kasi alam pangalan nun.

Nagpatuloy pa sila pag-aasaran. Nakikitawa lang si Keifer pero hindi sya nagsasalita. Kahit sandali hindi man lang nya ko tapunan ng tingin.

Nakaramdam ako ng lungkot. Kahit nakakatuwa makipag-asaran kila Keigan at Keiren hindi ko maiwasan.

Natapos ang almusal at puro kwentuhan nalang ang ginagawa namin. Nakakalibang at nawala sa isip ko yung oras.

"Keigan... Anong oras na?" Tanung ko.

Tinignan ni Keigan yung wrist watch nya. "It's 9:58am."

"Thank you."

"May lakad kaba?" Tanung ni Yuri sakin.

"Wala naman... Iniisip ko lang kasi si Kuya. Hindi ako umuwi samin, baka hinahanap na nya ko." Paliwanag ko.

"Angelo knows that you're here." Sabi ni Keifer.

Alam ni Kuya?

"Tinawagan namin sya kagabi. We already explain what happen so you don't need to worry about him." Dagdag ni Yuri.

Okay... Nawala naman yung pangamba ko kahit sandali. Pero iniisip ko din si Aries. Hindi kasi ako nagpaalam sa kanila.

"So you have an older brother?" Tanung sakin ni Keigan.

"No. He's not my brother but an older cousin and as a respect we call him Kuya." I explain.

"Really? What is his name?"

"Michael Angelo Fernandez."

"Ow.. Pinsan mo si Boss?" Medyo gulat na tanung ni Keigan.

Boss?

"Boss? Bakit Boss ang tawag mo kay Kuya?"

"Yun ang tawag sa kanya nila Yuri at Kuya Keifer."

Napatingin ako kila Keifer at Yuri pero agad silang umiwas ng tingin sakin.

"You don't know about it? Lagi silang magkakasama dati----"

"Keigan." Keifer cut him.

Makahulugan ang tingin na ibinigay ni Keifer sa kanya. Sandali silang nagtitigan at muling humarap sakin si Keigan.

Ngumiti sya sakin. "Sorry if i keep asking question."

"O-okay lang..."

Ibig sabihin dating magkakasama sila Kuya. Kaya pala kilala nya si Yuri at Keifer. Pero magkagalit si Aries at Keifer kaya panu sila nagkasama?

Tsaka nung huling pagkikita nila halatang hindi masaya si Keifer. Anu kayang nangyari sa kanila?

Bigla nalang tumayo si Eren at Ci-N.

"Kailangan ko ng umuwi. Nag-text na sakin si Mama ko." Sabi ni Ci-N at lumapit sakin. "...Sasabay kaba Jay?"

Bubuka pa lang sana ang bibig ko para sumagot pero inunahan ako ni Yuri.

"Ako ng maghahatid sa kanya."

"S-sige... Bye Jay!" Sabi ni Ci-N at naglakad na paalis.

"Sasabay na ko sa kanya. Ingat Jay! Bye!" Paalam ni Eren at sumunod na kay Ci-N.

"Bye! Ingat kayo!" Paalam ko sa kanila.

Hindi ko inalis yung tingin ko kila Ci-N at Eren hangang sa tuluyan na silang makaalis.

Sandaling tumahimik ang lahat hangang sa tumayo na rin si Keiren.

"I'll get back inside. Boring na dito." Sabi nya at naglakad na rin palayo.

Parang nakikita ko na yung future ni Keiren. Keifer na Keifer kasi yung dating nya. Sana nga lang hindi sya maging Kumag or Ulupong kagaya ng Kuya nya.

Pag-kalayo ni Keiren naglabas ng isang kaha si Keifer. Kumuha sya ng stick at inabot yun kay Yuri. Naunang syang nagsindi bago iabot yun lighter.

Naninigarilyo pala sila?

Napataas ng isang kilay si Keifer ng mapansin nyang titig na titig ako sa kanila.

"You can ask if you want... No need to stare like that." Sabi nya.

Umiling ako. "Minsan na kong nag-try nyan at hindi na ko uulit."

Napatigil si Yuri at parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"You do?"

"Oo.."

"Why did you stop?" Tanung ni Keigan.

"Pinaso kasi ako ng boyfriend ko nun nung nahuli nya ko kaya hindi na ko umulit." Dire-diretso kong sagot na may halong inis.

Ay teka! Tama bang sabihin ko pa sa kanila yun?

"He did what?!" Inis na tanung ni Keifer.

Dapat yata hindi ko na sinabi. Nag-iba kasi bigla yung mga itsura nila Yuri.

"N-nag-sorry naman sya agad. Dala lang ng galit." Palusot ko.

"You're talking about this Cyrus guy?" Tanung ni Yuri.

Tipid na tango lang ang sinagot ko sa kanya. Maling mali talaga na sinabi ko pa.

Yung itsura nila Keifer at Yuri parang papatay na ng tao.

Lagot!





Author's Note: Rory Abejar...


++Don't forget to Vote, Comment, and Share. 😉 ++

Continue Reading

You'll Also Like

4.9M 99.9K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...
46M 1.4M 55
Blake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb...
24.1M 707K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
1.9M 48.9K 164
Frankie (Epistolary with narration)