Signs

By krisylala

39.4K 1.7K 597

Aasa na lang ba ako sa signs? More

Signs

39.4K 1.7K 597
By krisylala

REUPLOADED AND EDITED HEHE since may mga nagtatanong pa din sa akin kung nasaan na ito.

Mga 1st year or 2nd year HS ko pa yata 'to ginawa so yeah medyo light and pure and very highschool-ish ang oneshot na ito hahaha enjoy!


-


"Kapag may naka-eye to eye ka ng ilang seconds, bound na kayong mag-meet nung taong yun. Parang lagi nyo na lang nakikita yung isa't-isa." 

-




Lunch break na at naglalakad kami ng bestfriend kong si Laine papunta sa cafeteria. Nag-uusap lang kami tungkol sa homework namin sa aming susunod na subject nang bigla siyang tumigil sa paglalakad at hinatak ang braso ko kaya naman napahinto din ako.



"Huy, bakla!" Yes, iyon talaga ang tawagan namin. "Tingnan mo yung lalaki dun. Yung naka-checkered na shirt. Ang gwapo. Bakit ngayon ko lang siya nakita?" bulong niya sa tenga ko sabay turo gamit ang nguso niya doon sa table sa dulo ng cafeteria.


Tiningnan ko naman ang tinuro niya at may mga nakaupo nga doong barkada ng lalaki. Hinanap ko yung tinutukoy ni Laine na naka-checkered.


Pagkatapos ng mga ilang segundo, nakita ko na din ung tinutukoy niya.


Pero hindi nagtagal ang tingin ko sa kanya.


Kundi, sa katabi nya.





And surprisingly, he's also looking at me.


-





"Huy, bakla. Crush ko na yata siya."


Nagtatakang tiningnan ko si Laine. Sino na naman 'tong pinagpalang lalaking ito?


"The who?" tanong ko habang sumusubo ng chips. Nakatambay kami ngayon sa garden ng school since medyo mahaba pa ang break namin.


"Yung tinuro ko sa'yo nung isang araw!!"


Ughh, pinaalala na naman niya! Sobrang ininvade kaya nung kaibigan nung crush ni Laine yung utak ko! Akala ko makakalimutan ko na talaga yun, hay.


"Naks, congrats! May bago ka na namang ii-stalk!" pagbibiro ko sa kanya.


"Gaga!" pinalo niya ako sa braso at gaganti na sana ako nang bigla siyang umupo ng ayos. "Poise, poise. Dadaan sila."


Sino daw ang dadaan? Lumingon ako at ayan na nga ang crush ni Laine.


Kasama yung kaibigan niya.


Sa hindi malamang dahilan, nakatitig lang ako sa kanila - sa kanya - habang nilalagpasan nila ang pwesto namin at sa hindi ulit malamang dahilan, nakatitig lang din siya sa akin.


"OMG BAKLA! Nakatingin sayo yung friend niya!"sigaw ni Laine pagkalagpas nila habang inaalog-alog ako.


Hindi ako naka-sagot kasi hindi pa rin siguro ako maka-move on sa titigan moment namin kaya naman nagsalita na lang ulit si Laine.


"Alam mo ba, kapag may naka-eye to eye ka ng ilang seconds, bound na kayong mag-meet nung taong yun. Parang lagi nyo na lang nakikita yung isa't-isa." 






-


Days passed and I found myself thinking about him; staring at him from afar; and wanting to know him.


Hindi pa nakakatulong dito yung lagi nga kaming nagkakasalubong or lagi ko siyang nakikita. Hay, totoo nga siguro yung sinabi ni Laine?


Yan tuloy, buong feature yata ng mukha niya, saulo ko na.


I now know he has a dimple on his left cheek. Napaka-ganda ng ngiti niya. Minsan, narinig ko na din ang tawa niya and it was beautiful.


And his eyes. His brown eyes that always seem to find its way to mine when we pass by each other.


Pero kuntento na lang ba ako sa simpleng titigan?


-


1ST SIGN





"Huy, bakla. Nakakahalata na ko dun kay "Friend" ha! Panay na ang tingin sayo!" Yes, codename namin doon sa lalaki ko (wow, ko) ay 'Friend' since friend sya nung crush niya.


"Hindi yan." pagde-deny ko. I don't know. Ayoko lang sigurong umasa din.


"Sapak gusto mo?! More than one month na kayong ganyan! Wala ba sa inyong unang kikilos? Kung hindi lang ako pakialamera, nakuuuu nagde-date na sana kayo ngayon!"


Napailing na lang ako. Parang imposible kasing may mangyari pa. Within a month, napansin kong kabilang siya at yung crush ni Laine sa mga "it" people dito sa school. You know, yung mga masyadong sikat for us people na library at garden lang ng school ang punta.


"Laine, don't get your hopes up. Walang mangyayari. Hindi natin sila ka-level."


Napa-pout naman siya sa sinabi ko saglit at nagulat ako nang bigla siyang bumulong.


"Padaan na ulit sila dito. Let's do something interesting. Kapag si Friend lumingon dito, may gusto siya sayo."


Napatawa ako ng mahina, "Really, Laine? Signs?"



Hinampas niya ng mahina ang braso ko, "Ih!! Dali na! Entertain me. Wala namang mawawala. Oh ayan na sila. Poise, poise."


Dumaan sila ng crush ni Laine sa harapan namin pero sadly, hindi siya tumingin sa direction namin kasi nakatingin siya sa kanyang cellphone.


Nang nakalagpas na sila ng ilang steps sa inuupuan namin, tumingin ako sa kanyang likod at mahinang nag-chant sa utak ko. Hindi pa naman tapos ang laban, diba?





Lumingon ka.


Lumingon ka.


Lumingon ka.





At parang slow motion ang pangyayari. Slowly, lumingon siya at tumingin sa pwesto namin.


The next thing happened unexpectedly...


He smiled. At me.


HE SMILED AT ME.





"GAGA KA!! NGINITIAN KA NYA!!! MAY GUSTO YAN SAYO SURE!!!" sigaw ni Laine habang hinahampas ako nang nakalayo na sila.


-


2ND SIGN

Nasa court kami ngayon ni Laine. Usual routine—pinapanood namin silang mag-basketball.

Ipinasa ng kanyang kaibigan ang bola sa kanya at agad namang nagsalita si Laine, "Kapag yan na-shoot nya, may gusto yan sayo."

I rolled my eyes. "Sige, game."

Sinundan ko ng tingin ang kanyan pagtakbo sa kanilang ring.

Magshoot ka.

Magshoot ka.

Magshoot ka.

"OMG AAAAAAAHHHHHHHHHH!!!!!!!" Sigaw ni Laine habang paulit-ulit ang paghahampas sa akin nang nai-shoot nga niya ang bola.

Narinig siguro sa buong court ang pagsigaw ni Laine dahil halos lahat ng tao ay tumingin sa pwesto namin.

Including him.

Natatawa siyang tumingin kay Laine bago inilipat ang tingin sa akin. He held my stare for a second longer before giving me another small smile.

"LETSE LETSE KINIKILIG AKO HAYUP!!!" Muling paghahampas sa akin ni Laine nang natapos na ang game at nakaalis na sila mula sa court.

-

3RD SIGN

Juskoooooooooo, ang init!!!!

Tulad lang ng dati, nandito kami at nakatambay sa garden ng school. At nasabi ko na bang sobrang init ngayon?!

Hindi na makatiis pa, humarap ako kay Laine para sabihing samahan niya ako bumili ng ice cream, nang naunahan niya ako sa pagsasalita.

"Shitshitshit. Papunta sila dito. OMG. POISE."

Ugh. Bakit naman ngayon pa nila naisipang dumaan dito kung kelan pawisan ako?!?!

Yumuko ako at hinintay ang paglagpas nila pero hindi ito dumating. Tumingala ako at nagtatakang tiningnan si Laine.

Pero nakatingin na sya sa akin habang suot-suot ang kanyang mapang-asar na ngiti.

"Don't look now, pero umupo sila two benches away mula sa atin. And guess what, kanina pang nakatitig si 'Friend' sayo."

Napa-upo ako ng ayos at nanatiling nakaharap kay Laine habang pinipigilan ang aking sarili na lumingon sa likod.

"Tara na. Masyado ka nang naiinitan ng araw at kung anu-ano yang mga sinasabi mo."

"Bahahaha! Great idea! Kapag umulan ngayong araw na 'to, 100% na may gusto siya sayo. Game?!"

Napaisip ako ng saglit. Imposibleng umulan ng ganito kainit. But, oh well, I've got nothing to lose naman diba?

"Okay. Game."

Dismissal na at palabas na kami sa gate ng school nang napansin kong maganda pa din ang panahon.

"Pano ba yan, bakla? Mukhang mainit pa din."

Umiling lang siya sa akin, "Hindi pa tapos ang araw, bakla!"

Konting daldalan pa at naghiwalay na kami ng daan pauwi.

Naglalakad na ako papunta sa amin nang may naramdaman akong may pumatak na basa sa aking ulo.

Tumingala ako at napangiti.

This is the first time na naging masaya ako sa pag-ulan.

-

Few more weeks have passed and I decided to give up on my feelings. Mukhang wala na eh. Ayoko namang mag-initiate kasi paano kung wala naman pala talaga? At umaasa lang ako? Hindi ako mabubuhay sa kahihiyan kapag ganun.

Goodbye, signs.

And goodbye sa kanya.

-

Nandito ako ngayon sa garden ng school. Mag-isa. Kasi naman 'tong si Laine, hindi ako sinabihan agad na aabsent pala sya! Edi sana um-absent na lang din ako.

Ipinasok ko sa tenga ko ang aking earphones, sumandal sa bench, at pumikit.

Suddenly, I have this weird feeling na parang may nakatitig sa akin.

Iminulat ko ang aking mga mata at lumingon sa kaliwa.

And two benches away from me, I saw him.

Looking at me. And wait, bakit parang mukhang nagulat siya nung nakita ko sya?

Pero agad naman syang naka-recover dahil suot-suot na ulit niya ang kanyang oh-so-dazzling smile.

MOTHER VAPOR, totoo ba 'to?! Ako ba ang nginingitian niya??

Bigla siyang tumayo at naglakad.
Papunta sa akin.

Teka, ang assuming ko naman yata?

Tumingin ako sa likod ko pero wala namang tao dun. Actually, kami lang ang tao dito ngayon.

Umh, baka naman aalis na sya or uupo lang sa ibang bench.

Sus, lalagpasan din ako niyan like always.

Yumuko na lang ako at kinuha ang aking cellphone. Kunwari nagtetext, ganern.

Pero nanigas ako nang may nakita akong dalawang sapatos sa harapan ko.

Agad na bumilis ang pagtibok ng puso ko.

Staycalmstaycalmstaycalmstaycalm.

Tumingala ako at nandito nga siya.

Nakatayo sa harapan ko.

Lord, kung panaginip man 'to, wag nyo na akong gisingin.

"Uhhh," napakamot siya sa batok niya at napansin kong namumula ang kanyang tenga, "pwedeng tumabi?"

Wala sa sarili, napatango na lang ako.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.

"Erica, right?"

Gulat akong napatingin sa kanya. HOY!!!! Alam niya ang pangalan ko?!?!?

At dahil mukhang wala pa din ako sa sarili, napatango na lang ulit ako.

"Uhhh, ehem. Uh, can I ask for your number?"

And hindi ko na napigilan. Napanganga ako.

Teka nga, nangyayari ba talaga ito ngayon??? Hinihingi niya? Ang number ko?

"H-ha?" Parang tanga kong sagot. Ako talaga ang sisira sa moment na ito eh.

"Actually... I've been looking at you for months already. Ang tagal na kitang gustong kausapin pero hindi lang ako makakuha ng tapang. Thank God I asked for a sign earlier."

Nagtataka ko siyang tiningnan, "Anong sign?"

"Na lalapitan na kita kapag lumingon ka sa akin."

***

She sees him everyday, wanting him to love her.
He sees her everyday, not knowing how to tell her.
—Anonymous

Continue Reading

You'll Also Like

242K 3K 8
If you fell in love with a gangster, can you fight for it?
24K 667 8
Marami kang pagsubok na kahaharapin. Problema, higit ka nitong dudumugin. Ikaw ba'y lulupaypay na lamang? Sa kalsada, katawa'y isasalangsang? Bumang...
68.2K 1.2K 7
Some hidden parts of Spaces to fill. Read at your own risk
157K 1.3K 6
[COMPLETE] Pano kung si Miss Computer Freak ay mag-clash sila ng landas ni Mister gangster?? ano kaya ang manaig sa kanila?? Is it War? Is it Love? E...