Project: Yngrid

By Alesana_Marie

3.4M 133K 23.3K

What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed] More

Copyright
Project: Yngrid
Chapter One
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Epilogue

Chapter Two

184K 6.7K 873
By Alesana_Marie

Chapter Two


Nag-start ang party nang 6pm. I am feeling giddy and anxious because Noah will be here any minute now. Nasa kitchen area ako, nagtatago mula sa mga nagsasayaw na seniors sa livingroom. My God, this place was huge. Meron din silang infinity pool sa labas na nakakonekta sa beach.

Kumuha ako ng pulang plastic cup na may laman na orange juice habang ang iba naman ay puro alcohol ang iniinom. I've risked enough, hindi ko na dapat ilagay pa sa 'danger zone' ang buhay ko just by drinking poison. At ang isa pa, ayokong isipin ng parents ko na alcoholic ang kanilang unica hija.

"Yn!" tawag sa'kin ni Sab. "You're missing out on all the fun! Bakit ka nandito sa kitchen?" Namumula ang pisngi nya, kumikinang ang mga mata.

"Why? Have you seen Noah? Is he here?" Tumingin ako sa direksyon kung saan maraming tao. No sign of him.

"My God Yn, si Noah parin ba ang hinahanap mo? What's wrong with you?" Kinuha nya ang plastic cup na hawak ko at uminom doon. "Ew! Orange juice?" Kaagad nyang ibinalik sa akin ang cup.

Pinanood ko si Sab na kumuha ng beer sa ref. Muli akong uminom sa plastic cup na hawak ko. What's wrong with juice?

"Hey girls." Dumating si Chloe na hawak hawak ang cellphone. "Have you guys seen Anton?"

"Nope," sagot ko at uminom sa cup.

"Gah! I hate him!" Kinuha ni Chloe ang cup ko at uminom. "What the-!" Ibinalik nya sa akin ang cup. "Is that orange juice?"

"What? What's wrong with juice?" tanong ko.

"Here Chlo!" Inabutan ni Sab si Chloe ng beer na galing sa ref.

Tinignan lang nila akong dalawa.

"This is a party Yn, loosen up," sabi ni Sab.

I rolled my eyes. We're not supposed to drink alcohol, we're not eighteen yet. But... I am almost eighteen. God! Sa sobrang busy ko sa studies at pag-stalk kay Noah nakalimutan ko na malapit na ang birthday ko!

"Hey baby." Dumating si Anton at niyakap mula sa likod si Chloe. "What's up?"

Anton Sebastiano. Anak ng mayor. Typical jock. Typical A-hole. Hindi ko alam kung ano ang nakita ni Chloe sa kanya. Ininom ko ulit ang orange juice ko at tahimik na hinintay ang pagdating ni Noah. Bakit ang tagal nya?

"Anton! What the hell is the meaning of this?!"

Napatingin ako kay Chloe. She's glaring at her boyfriend, her boyfriend's neck to be exact. Tinignan ko iyon nang mabuti at napansin ang pulang lipstick. Isang kiss mark. And based on Chloe's pink lips, it's definitely not from her.

"What?" Hinawakan ni Anton ang leeg nya. At base sa expression ng mukha nya, may nangyari nga. Mukhang nakalimutan nya na alisin ang evidence ng pambababae nya.

Isang malakas na sampal ang isinagot sa kanya ni Chloe. "You know what? Screw you! You're not a good kisser anyway!" saka sya nagmamadaling umalis.

Nagkatinginan muna kami ni Sabrina bago namin sya sinundan. And that jerk Anton didn't even bother following her to explain.

Pumasok si Chloe sa bathroom. Ni-lock nya ang pinto. Kinatok namin at pilit namin syang pinalalabas pero ayaw nya. Naririnig lang namin ang iyak nya.

"That jerk!" hissed Sab. "Dapat ba natin balikan ang lalaking 'yon at bigyan ng mag-asawang sampal? Or maybe... maybe kailangan natin syang tadyakan sa 'alam mo na'?"

I crossed my arms. "Don't forget na anak sya ng Mayor, Sab. Baka kung ano pa ang mangyari sa iyo sa school kapag ginawa mo 'yan – natin – yang plano mo."

"Tsk! I heard it's small anyway. Baka last line na sya." Huminga sya nang malalim. "Chloe!" Kumatok ulit sya sa pinto. "Open this door Chlo!"

"Chloe?" tawag ko.

"I'm... I'm okay!" narinig namin na sagot nya mula sa kabilang side ng pinto. "I just need to... to freshen up."

Makalipas ang limang minuto lumabas na rin si Chloe nang mugto ang mga mata.

"Chloe!" Niyakap namin sya ni Sab.

"Forget about him, he doesn't deserve you! That animal!" said Sab.

"Yes and sabi nga ni Sab maraming isda sa dagat ngayon," ngumiti ako. "Maybe it's time na ipakita mo kay Anton na maswerte sya dahil pinatulan mo pa sya."

"You're right." Pilit syang ngumiti. "Screw that bastard! We're here to have fun! How dare he ruin our night!"

"Sooo... what are we waiting for?" tanong ni Sab at tinignan kami with a raised eyebrow

Tumatawa kaming pumunta sa living room at nakiisa sa mga taong sumasayaw doon.

***

Dumating si Noah ten minutes before seven. Pumunta lang sya sa kitchen, kumuha ng beer at lumabas papunta sa infinity pool. Mag-isa syang dumating. Hindi ko rin nakita sa paligid ang mga kaibigan nya.

"Excuse me," paalam ko sa lalaking kumakausap sa akin. Nasa kabilang side ng living room sina Sab at Chloe, may mga kausap silang varsity players. Hindi ko na sila sinabihan pa, sinundan ko nalang si Noah.

As usual, he's wearing all black. Black hooded jacket, black shirt with red print na pangalan ng banda na hindi nag-eexist sa ipod ko, black jeans and black chucks. May black leather bracelet din sya at silver rings sa magkabilang kamay.

Huminga ako nang malalim. Okay. This is it! I should talk to him, this is my chance. This is a party and it's normal na mag-usap ang mga hindi magkakakilala. Don't freak out. Act normal. God, he's so Noah! Ano'ng sasabihin ko? Should I say Hi first? And then what? Itanong ko kaya ang tungkol sa exam nya sa Math? My God, this is a party! Nandito kaming lahat para kalimutan ang school stuffs! What should I do?

Dammit! Nilapitan ko sya at ipinakita ang pinaka-awkward na ngiti sa labi ko. Shit.

"Hi!" Lumunok ako. Ngayon lang ako kinabahan nang sobra sa buong buhay ko.

Lumingon sya sa akin. Tinignan lang nya ako nang matagal. Okay. This is okay.

"I'm Yn!" pakilala ko. God, did I sound so retarded?

Mukhang hindi nya ako papansinin. Mukha syang hindi interesado. Matagal bago sya sumagot.

"Noah." Tumingin sya sa dagat at uminom ng beer.

Huminga ako nang maluwag. "So Noah, are you enjoying the party?" GAH! Stupid! What did I just ask him? Enjoying the party?! Gusto kong lumublob sa pool.

Unexpectedly, tumaas nang kaunti ang gilid ng labi nya.

"It's not the worst."

Huminga ulit ako nang maluwag. Well, atleast nag-uusap na kami. Nag-isip ako nang mga sasabihin pa sa kanya pero bigla akong na-mental block. This is Noah. I'm standing here with Noah. I am with Noah Alonzo. I am so happy!

"You're laughing," narinig ko nalang na sabi nya. Nakatingin sya sa akin, "Why?"

"N-Nothing. Masaya lang ako."

"You are—" Naputol ang sasabihin nya nang may marinig kaming mga tumatawa.

Lumabas ang ilang seniors at dumami ang tao sa paligid ng pool. Nag-umpisa na silang maghubad para lumangoy. Nawala si Noah sa tabi ko. Naglalakad na sya pababa ng hagdan papunta sa beach. Susundan ko ba sya? Napako ako sa kinatatayuan ko. Bigla akong nilamig. A minute later, narealize ko nalang na bumababa na ako ng hagdan para sundan si Noah.

You are what, Noah? I am what? Kailangan kong malaman kung ano ang kasunod ng sasabihin mo. Hindi ako makakatulog sa gabi kung hindi ko iyon malalaman!

Nilapitan ko sya nang makita ko sya sa dalampasigan. Sampung hakbang lang ang layo ko sa kanya. Umupo sya sa buhangin. Uupo ba ako sa tabi nya? Tinignan ko ang cup ko, dapat siguro beer ang ininom ko para lumakas ang loob ko.

Humakbang na ako palapit pero kaagad din akong napatigil. May dalawang lalaking naka-itim ang lumapit sa kanya. Mga kaibigan nya. Tumayo si Noah at magkakasama silang naglakad palayo.

I sighed heavily. I lost my chance.

Umupo ako sa kaninang pwesto ni Noah at nakita na naiwan nya ang beer nya. May laman pa ito. Indirect kiss agad ang naisip ko. God, I'm becoming worse. I pretended that it was Noah. It's better than none at all. Atleast nainuman ni Noah ang beer bottle. Atleast may part si Noah sa beer. I'm definitely keeping this one. Siguro itatago ko sa closet ko matapos kong itapon ang laman. Para ano?

This is stalking and I'm being creepy.

"Well, looks like it's just you and me now, buddy. Cheers!" sabi ko sa katabi kong bote.

"Yn?"

Oh shit! Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. It's Anton. Tumayo ako at di kinalimutan na kunin ang beer ni Noah.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya. Mukha syang nakainom. Tumingin sya sa paligid. "Wala rito si Chlo."

"I know." Lumapit sya sa akin. "That's why I'm here." Hinablot nya mula sa kamay ko ang beer ni Noah.

"No! Don't—" Too late. Ininom nya ang beer. "Drink that."

I hate him. I swear I hate him. Ugh!

"Nasabi ko na ba sa'yo kung gaano ka kaganda Yn?" tanong nya.

"You're drunk," disgusted, I turned away from him ang started walking away.

"Hey!" Hinablot nya ang braso ko. "Stop being such a tease Yn. We both know that you are interested."

Nalaglag ang panga ko. Hindi ako makapaniwala sa lalaking ito. "Oh my God Anton, hindi ko alam na delusional ka pala!" Itinulak ko sya palayo at nabitawan nya ako.

"You see Yn, it's obvious that you're jealous with Chloe," habol nya.

"I am not!" tanggi ko.

Tumawa sya. "Palagi mo kaming tinitignan nang masama, palagi kang umaalis kapag lumalapit ako sa kaibigan mo. Admit it!"

Huminga ako nang malalim. "Kung ginawa ko man yon it's because I hate seeing my friend with you NOT because I like you but because I hate you. You're a typical jerk! And I think Chloe's just waiting her precious time with you, you asshat! You're nothing but a boy with too much steroids and not enough brain! So excuse me if I'm not interested and would rather eat dirt than be with you!"

I walked away. My God.

"Then that's a shame!" sigaw nya.

Naramdaman kong papalapit sya kaya napatingin ako. Kakaiba ang mga mata nya. Nakaramdam ako ng takot sa mga tingin nya.

"Because I intend to have my way with you."

"A-Ano?" kinakabahan na sambit ko. "Hwag kang magbiro nang ganyan Anton."

"Babe, seryoso ako," ngumiti sya na nakapagpatindig ng balahibo ko.

Tumakbo ako palayo mula sa kanya. Sinasabi ng instict ko na delikado, humingi ako ng tulong. Kailangan kong makalayo sa kanya. Nilulunod ako ng takot ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

"HEEELP!!" malakas na sigaw ko. Pero hindi ako naririnig ng mga nasa party dahil sa lakas ng musika sa loob.

Naharangan nya ang daan papunta sa beach house. "Hahaha!" tawa nya na parang nakikipaglaro lang sa akin. Lasing sya, pero higit pa sa lasing. Drugs? "Don't run, Yn."

Tumakbo ako sa kabilang direksyon. God help me!

"You can't run away from me, Yn! Hahahaha!"

Mas binilisan ko pa ang takbo. Nahihirapan akong makalayo sa kanya dahil lumulubog ang mga paa ko sa buhangin. God, somebody please save me!

"HEEELLP!! TULONG—AAHH!!" Bumagsak ako sa buhangin, may matigas na bagay na tumama sa tuhod ko. Napaatras ako nang makita ko na napakalapit nya sa akin. "Anton! Lumayo ka sa'kin!" Tumayo ako at muling tumakbo pero itinulak lang nya ako pahiga sa buhangin.

"Stop fighting me, Yn!" pumaibabaw sya sa akin. Hinawakan nya ang dalawang braso ko. "You will enjoy this I promise you, pretty face. Hahaha!"

Hindi ako makahinga. Amoy na amoy ko ang matapang na alak sa kanya.

"Don't do this Anton! You're drunk!"

"Aww, but I want to f*ck you so badly," bulong nya at biglang nagbago ang tingin nya sa akin. "Don't pretend that you don't want this, little bitch."

"Lumayo ka sa'kin!!" Nagpupumiglas ako pero ang lakas nya.

"Shut up!!" Nakaramdam ako ng malakas na sampal sa mukha ko. Panandaliang nakaramdam ako ng pagkahilo. Tuluyan na syang pumaibabaw sa akin. Hawak nya sa iisang kamay ang mga kamay ko. Ibinababa na niya ang neckline ng damit ko. Naramdaman ko ang mukha nya sa leeg ko na parang inaamoy ako.

Hindi ko na napigilan ang ilang butil ng luha sa mata ko. Hindi ako makahinga sa sobrang takot. Hindi ako makalaban. Nanghihina ako.

"AAAAAAAAAAAHHHH!!!!!!!!" sigaw ko nang umpisahan nya akong halikan sa leeg.

Ang isang kamay nya ay itinataas ang laylayan ng aking damit. Dumapo ang kanyang kamay sa balat na natatakpan non.

"STOP IT, ANTON!!!" sigaw ko sa kanya.

Sa isang iglap nawala sya sa ibabaw ko. Mabilis akong umupo at umatras. Nakita ko ang bulto ng isang lalaki na nakatalikod sa akin. Noah. Si Noah.

"N-Noah?" hindi makapaniwalang bulong ko. Niligtas nya ako.

Humarap sya sa'kin nang marinig nya ako. Tinignan ko kung nasaan si Anton. I saw him clutching his stomach. Nakaluhod sya sa buhangin.

Inalalayan ako ni Noah para makatayo. Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pag-iyak.

"Thank you..." mahinang sambit ko habang umiiyak.

Niligtas nya ako.

"Alonzo, you freak!" galit na sigaw ni Anton saka nya sinugod ng suntok si Noah.

Wala akong nagawa kundi ang panoorin silang mag-suntukan. Mas malaki ang katawan ni Anton kaysa kay Noah. Pero mas mabilis kumilos si Noah. Napako ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung ano'ng gagawin. Wala akong mahingian ng tulong. Napakalayo namin mula sa party.

Ilang suntok ang tinamo ni Noah, ganoon din si Anton. Dala ng kanyang kalasingan, nagkaroon ng pagkakataon na tapusin ni Noah ang laban . Tumumba si Anton sa buhangin matapos syang suntukin ni Noah sa panga. Nakatayo si Noah pero halata na habol nya ang hininga nya.

Nilapitan ko si Noah at tinignan kung gaano sya nasaktan. "Noah, you're bleeding!" May dugo sa bandang mata ni Noah, pati na rin sa bibig nya.


"Wala lang 'to. Ayos ka lang ba?"

"I'm okay, thanks to you."

"Let's get out of here."


Sinabit ko ang braso nya sa balikat ko para matulungan syang maglakad. Kaunti nalang ay babagsak na sya katulad ni Anton. Naglakad kami palayo.

"At saan kayo pupunta?!" sigaw ni Anton na unti-unting tumatayo. May kinuha sya mula sa likod nya. Pareho kaming napaatras ni Noah nang itutok nya sa amin ang baril. "Hahaha! One of the perks of being the son of a politician. I want you to meet my pal."

"Nababaliw ka na Anton! Papatayin mo kami?!" galit na sigaw ko sa kanya. Hindi ko inakala na ganito sya kalala. Pero kanina ko pa alam na may mali sa kanya, hindi lang sya lasing. He's high. Halata sa mga mata nya.

"No Yn, babe, I'm not going to kill you. Chill," nakangiting sabi nya na parang ang lahat ng ito ay isang malaking joke lang. Tinutok nya ang baril kay Noah. "You on the other hand..." sandali syang nag-isip. "I'm not sure."

Napatakip ako ng tenga nang pumutok ang baril. Rinig na rinig ko ang tibok ng puso ko.

"WHOOHOOO!!" sigaw ni Anton. Pinaputok nya ang baril sa langit.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Natatakot ako. May ibinulong si Noah sa akin pero hindi ko naintidihan. Tumingin ako sa kanya, nakatingin sya kay Anton. "Yngrid. Run." Sinugod nya si Anton at nakipag-agawan sa baril.


Continue Reading

You'll Also Like

57.1K 1.8K 55
Tracy Hasniah Evans the girl known as The MAN'S HEART CAPTURER and The EVAN'S PRINCESS. Siya ang babaeng kinahahangaan ng lahat sa Evans Academy ang...
1.2M 26.5K 68
This is a special release for the fantasy story Wizard's Tale. Wag niyo pong babasahin ito hangga't hindi pa nababasa ang kwento dahil maraming spoil...
391K 26.1K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...
144K 4.9K 33
Nagbabalik na ang mga kwentong susubukan na pabaligtarin ang iyong sikmura! [EAT] Tasty, savory and... bloody! [BLACK] Handa ka bang gawin ang lahat...