My Naughty Bratinella (Comple...

By twinklingberyl

151K 2.5K 151

KONTRABIDA? Okay Fine at least may bida pa rin. GORGEOUS? Oh well, hindi naman maikakaila, right? MAYAMAN? i... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue
For Special Chapter
Special Chapter
Author's Note

Chapter 37

3.5K 70 11
By twinklingberyl



Amethyst's POV

"Hey, Amethyst girl, nabalitaan mo na ba?" bungad ni Trish sa akin pagkapasok pa lang niya ng room.

Bored naman akong tumingin sa kanya, "What?" I asked arching an eyebrow.

"May solo performance ka na naman para sa upcoming Annual Grandball ng Lambert."

"Tss. Buti pa kayo alam niyo na agad. Ni hindi man lang nila ako in-inform."

"Ang dami daw kasing nag-request sayo. Kasalanan mo 'yan, in demand ka e. Anyway, love song daw ang kakantahin mo this time."

"Aish. Fine fine, as if I have a choice." I said rolling my eyes. Kasalanan ko bang maging maganda at in demand, "Pero bakit love song? Ang corny. Pwede namang mga party songs ah?"

"Sus, bitter ka lang e." she teased. Inirapan ko lang siya at muli akong yumuko sa table ko to continue my sleep. Alam na po ni Trish ang lahat ng tungkol sa nararamdaman ko para sa unggoy na Cloud na yun at dahil bestfriend ko siya...ayun, hindi pa rin daw niya bubuwagin ang ClouMethyst no matter what happens. Leche diba? And speaking of that monkey, iniiwasan ko na siya dahil kagaya ng sabi nila...'the best prevention is early detection.' Malalim na 'tong nararamdaman ko para sa kanya at ayoko na sanang mas lalong lumalim pa. Naiinis ako sa sarili ko kung bakit ako nagkakaganito. For pete's sake, ako si Amethyst Tuazon—hindi dapat ako natatalo ng ganun ganun lang. I can get whatever I wanted pero kasi...anong gagawin ko kung bago pa man siya dumating sa buhay ko e talo na talaga ako?

Ayan, ayan. Umiiyak na naman ako. This is really unbelievable! This past few days nagiging iyakin ako, huhu. Bakit kasi ako nasasaktan sa unggoy na yun? Kainis, buti na lang at nakayuko ako ngayon sa table ko.

"Amethyst will ruin that night for sure. Pft. Boses palaka naman yan e." I heard Cloud uttered behind my back while laughing.

"Che! Di mo pa nga ako naririnig kumanta e!" I shouted crying kaya lahat sila ay gulat na napatingin sa akin. The fuck. Did I say it while crying, really? Ugh. Stupid me.

"I-I'm sorry...I'm just kidding." he mumbled and he looked so worried because it's written all over his face. Shock expression naman ang bumalot kila Carl at Cullen.

Saglit ko muna silang tinapunan ng tingin bago ako tumakbo palabas ng room. I can't blame them, this is the first time that they saw me crying. Good thing at iisipin nilang yung pang-aasar ni Cloud ang dahilan ng pag-iyak ko. I know, napaka-shallow reason nun pero alangan naman kasing sabihin kong broken hearted ako sa unggoy na yun diba? Tss.

Dumireso akong comfort room at nag-lock ako sa isa sa mga cubicle doon. I hate myself for this damn feelings. Napaka-unexpected pala talaga ng mga happenings kapag a-inlove ka. Love really comes when you least expect it.

"Amethyst? Are you okay?" it's Trish who asked while knocking. Well, expected ko ng susundan niya 'ko.

"Y-yeah. I'm okay." I answered.

"Stop it, dummy. I know you're not okay."

"Alam mo naman pala, ba't nagtatanong ka pa?"

"Eh sa gusto ko magtanong e, bakit ba?"

Napairap na lang ako sa kawalan kahit na hindi naman niya 'ko nakikita. Damn, bestfriend. I heaved a deep sigh and fixed myself before I decided to open the door. Sakto namang nag-ring ang cellphone ko and it's Jace who's calling. Absent silang dalawa ni Aileen ngayon dahil may panibago na naman silang endorsement shoot. Ang tibay talaga ng mga fans nila, mas matindi pa sa akin umasa na magkakabalikan 'kuno' sila kaya ayun, kaliwa't kanan pa rin ang mga projects nila.

"Di mo ba sasagutin? Si Jace yan oh." biglang sabi ni Trish kaya natauhan ako at napatitig sa cellphone kong patuloy na nagri-ring. I don't know where did I get the urge to decline his call. Wala lang siguro ako sa mood ngayon, "Woah! Ikaw na talaga ang pinakamahabang hair for declining JACE CLARKSON's call! Panis!" she teased and I just rolled my eyes. Nahihiya kasi ako kay Jace after nung nangyari nung isang araw sa hinanda kong picnic date. Everytime na nagkikita kami parang wala lang nangyari. I want to ask him about that but everytime I try, he always change the topic. Lalo lang tuloy akong nagi-guilty.

Fast Forward.

***LAMBERT UNIVERSITY'S ANNUAL GRAND BALL***

Kung wala lang talaga akong solo performance ngayon, I won't attend this damn grandball. It's not that I don't want to, ayoko lang makita si Cloud ngayon na si Aileen ang kasama. And besides, kawawa naman yung mga kapwa ko estudyante na naghihintay makita ang kagandahan ko ngayong gabi. Sino ba naman ako para ipagkait yun sa kanila diba? Suot ko lang naman kasi ang bonggang gown na gawa ng isang sikat na fashion designer ng bansa. Ayoko naman kasing may kakabog sa ganda ko, even Aileen Samonte. I saw her gown already—pretty and elegant indeed but that won't change the fact na hindi niya natalbugan ang gown ko. Better luck next time. *evil smile*

"You're so gorgeous tonight, Amethyst. Pero...are you disappointed na ako ang escort mo at hindi si Cloud? Because to be honest, I can't see any excitement from you." he said while driving. Saglit niya kong tiningnan at nginitian. He looked so handsome and a real heartthrob in his tuxedo. Bonus na lan yung celebrity factor niya.

"Jace...alam mong hindi totoo yan." malungkot na sabi ko na tinawanan lang niya.

"Ayaw mo pa kasing aminin na inlove ka kay Cloud. matagal ko ng alam yun. Ako lang naman 'ton nagpumilit na ligawan ka." tumatawa man siya ng sabihin niya yun pero ramdam ko pa rin ang lungkot sa boses niya. I guess, ito na yung time na hinihiling ko na makapag-usap kami ng masinsinan.

"I-I'm sorry." sabi ko at napayuko. I bit my lower lip to prevent myself from crying. Magkakalat ang make-up shocks.

"Sorry that you can't like me back or sorry because you're inlove with my bestfriend?" natatawang tanong niya.

"Jace I like you. I super duper like you, sagad sa buto pa nga e. Deads na deads ako sayo since high school pa lang ako. Pinapangarap ko lang yung ganitong moment noon pero yung sinabi mong gusto mo rin ako and you're going to court me, sobrang saya ko and I'm really thankful to God for answering my prayers. Para bang pandesal lang yung hiningi ko sa Kanya pero burger with ham and cheese pa ang binigay Niya. That was too much and I'm reaaly happy about it kaya lang—"

"Kaya lang you've realized that you're just infatuated. Nadala ka lang ng pagka-celebrity factor ko. You like me because I am your idol." he cut me off which made me caught off guard. Di na 'ko nagsalita dahil tama siya. Gusto ko siya dahil idol ko siya pero mahal ko si Cloud dahil...dahil mahal ko talaga siya. Ugh, ewan.

Anyway, speaking of that monkey, hindi pa kami nagpapansinan since last week nung makita nila akong umiyak. Mas okay na yun atleast may dahilan ako para iwasan siya. Tahimik ang naging biyahe namin hanggang sa makarating kami sa venue. Pinagbuksan niya 'ko ng pinto pero nagulat ako ng pagbaba ko ay bigla niya 'kong niyakap.

"Follow what your heart wants to say. Pero kapag nasaktan, nandito lang ako...naghihintay." he whispered bago siya kumalas sa pagkakayakap sa akin atsaka ngumiti, "Let's go?" he asked offering his arm. Pinilit kong ngitian siya kahit naiiyak na 'ko. I nodded my head and put my hand around his arm. Diretso na ang tingin niya habang naglalakad kami papasok ng venue pero nasa kanya ang atensiyon. I know he's hurt. I can see the pain in his eyes. Damn, Jace. You're making this hard for me.

*****

"May we invite here in front, the one and only Queen Bee of Lambert University for a solo performance. A round of applause for Ms. Amethyst Tuazon!" masiglang sabit ng emcee as he called my name for my performance tonight. Nagpalakpakan at may kasama pang sigawan ang mga tao dito ngayon, mostly mga boys lalo na ng tumayo ako at tumungo sa harapan.

Pinilit kong ngumiti sa harap nila ngayon. Kung may sakit man akong nararamdaman, siguro sa kanta ko na lang ibubuhos ang lahat.

Napatingin ako sa table nila Cloud pero nagsisi agad ako dahil sa ginawa kong yun. Nakasandal lang naman kasi ulo ni Aileen sa balikat ni Cloud and they looked so sweet with each other. Nag-thumbs up naman si Jace sa akin at ngumiti ng balingan ko siya.

I heaved a small sighed and looked at the crowd as the music started.

♫♪ "You and me...we got a long just fine

But deep inside I know there is more..." ♫♪

"Aaah... miss, ako ang nauna dito..." seryosong sabi niya.

"Pero kanina pa ko dito." pa-cute na sabi ko.

"Yeah, I know ... pero tinititigan mo lang siya diba?"

"Pero ako nga po ang unang nakakuha...." sagot ko na pinipilit maging mahinahon. Aba, don't tell me makikipagtalo to?

"Ibigay mo na lang sa akin to, so wala ng gulo... dahil ako naman talaga ang nauna dito..." he said. Aba! Nakipagtalo nga ang loko. Sino ba siya huh?! Well, siya lang naman yung cool handsome guy na pinapakyutan ko. Pero dahil sa ginagawa niya, nakaka-turn off. Tss.

"So kelangan ako ang magbigay, GANUN?!" sabi ko sa kanya. Kung tarayan lang pala, kala niya uurungan ko siya. Mukhang di rin siya magpapatalo. Ganun ba siya ka-desperado sa damit na to? Ang gentleman noh?

"Ikaw nga ang nauna dito pero ako naman ang nakakuha..GETS?"

"Ang gentleman mo rin noh?!" inis na sigaw ko sa kanya.

"Thanks."rinig kong sabi niya habang naglalakad papunta sa counter.

♫♪ "Right next to you

I know you're the right one

Can't fight this feeling, I'm taking chances now..."♫♪

"Of course not. Diba ang magkaibigan nagtutulungan? I know you like Jace that's why I am helping you out. Pareho tayong makikinabang dito kapag mission accomplished tayo. Ang besides, with or without this mission, I still want you to be my friend," huminto siya saglit at ngumiti kaya napangiti din ako kasi na-touch ako e, "Kahit na ang arte arte mo, ang ingay ingay mo, puro ka reklamo, kahit na feeling mo napakaganda mo, kahit napaka-maldita mo, kahit na—"

"CLOUD!" inis na sigaw ko tapos binigyan ko siya ng death glare.

"What? I'm just being honest. Diba ang magkaibigan dapat honest sa isa't isa?" natatawang sagot niya

♫♪ "....In my heart I feel that this is something real

I don't wanna let this moment go." ♫♪

"Anong sabi mo?" nakataas ang isang kilay 'kong tanong dito kay Cloud. Sabay kaming naglalakad ngayon papunta sa room.

"Ang sabi ko, pagkahatid ko sayo mamaya sa unit mo, dun na rin ako magdi-dinner. Ako na ang magluluto." he retorted then winked.

"Aba, nawiwili ka na ah? Eh kung dun ka na lang din kaya tumira?"

"Pwede ba?"

"Kapal mo!"

"Ito naman di mabiro. Saka, ayokong tumira kasama ang malditang kagaya mo. And besides, mas mayaman naman ako sayo e."

"Don't worry, ayoko ring tumira sa iisang bubong ng kasama ka. At mas mayaman ka sa akin? Eh bakit dun ka lagi nakikikain sa unit ko?"

"Kasi libre!" he said laughing.

"Patay gutom!"

"Atsaka gustung-gusto kong makita lagi yang ilong mo na umuusok. Nag-e-enjoy ako e, kagaya ngayon." aniya sabay pisil sa ilong ko kaya naihampas ko sa kanya yung librong hawak ko pero nakailag siya sabay takbo papasok ng room kaya naghabulan kami.

♫♪ "...Why oh, why do I feel this way?

When I'm with you I feel so alive..." ♫♪

"Take care of that, okay? Sasampalin talaga kita pag nawala mo 'yan."

Nagulat naman ako at huminto ang mundo ko ng bigla niya akong yakapin, "Sorry kanina kung nasigawan kita, I'm just worried about you and...thanks dito sa bracelet." he whispered at naramdaman kong masaya siya.

Napangiti na lang ako and I hugged him back. I admit, I bought that bracelet dahil naisip ko siya at ipina-personalized ko iyon pero wala naman talaga akong balak na ibigay yun sa kanya pero heto at ibinigay ko pa rin.

Right there, right at this moment...I know all the answers to my questions.

I'm inlove with this monkey.

♫♪ "...Why oh, why will I hide away?

I can't help it, I'm falling in love with you." ♫♪

"Pag nahulog ako, saluhin mo 'ko ah." I said.

He just smiled as he put his arm around my waist, "Of course. Hahayaan ba naman kitang masaktan?" he answered innocently which made me feel a sudden of sadness after I realized what I've said and what he answered. Sana ganun din ang isagot niya kapag sinabi ko sa kanya mga salitang yun sa ibang paraan, "Sige na...i-pedal mo na. Hahawakan lang kita." sabi pa niya kaya tumango lang ako at inumpisahang ipadyak ang pedal ng bike na 'to. Di ako marunong mag-bike e, takot ko lang magasgasan ang beautiful skin ko.

"Oh my gosh! Oh my gosh! Wag mo 'kong bibitawan ah!" napapatili pa 'ko minsan kapag tumatagilid yung bike, good thing at hindi talaga ako binitiwan ni Cloud.

After a while, nung medyo natuto na 'ko ay nag-rent na rin si Cloud ng isa pang single bike para sa kanya.

"Cloud naman e! Hindi pa 'ko ganun kagaling, pano na lang kapag tumumba ako? Tss, ang daya." I said pouting. Magsosolo na siya tapos ako hahayaan na lang niya, ganun?

"Here, hold my hand." he uttered pagkatapos niya 'kong tawanan. Nakasakay na siya sa bike niya ngayon habang ino-offer niya sa akin yung left hand niya at nakahawak naman sa manibela ng bisikleta yung right hand niya.

"Eh? What for?" I asked confused. Palipat-lipat ang tingin ko sa kanya at sa kamay niya.

"Sabay tayo. Kaya mo naman na e, natatakot ka lang masaktan. C'mmon, hold my hand para di ka na matakot. You know what, part na ng pagba-bike ang masaktan o masugatan. Parang sa love lang yan, hindi ka matututo kung hindi ka masasaktan."

"So kelangan munang sumemplang ako bago ako matuto? Damn you!" I said annoyed. Feeling ko kasi double meaning yung sinabi niya. Kabaklaan talaga, lakas humugot e.

"Pwede namang iwasan mo na lang mag-bike if you're really afraid to get hurt or to avoid getting hurt."

Pwede namang iwasan para hindi na lang masaktan? Siguro nga.

I closed my eyes to feel the song but when I opened it again, my tears started to fall. Magkahawak kamay na nagpunta si Cloud at Aileen sa gitna ng dance area. They hugged each other while slowly dacing in my song. This is the reality, Amethyst.

♫♪ "Never ending nights when I'm alone with you

A lifetime of dreams coming true

Nothing comes close to what we have right now

You're the only one that matters now." ♫♪

Damn you, monkey. I never thought you'd mean this much to me. Who would have known? We were just once a complete strangers and instantly, right then and there I knew I loved you.

♫♪ "In my heart I feel that this something real

I don't wanna let this moment go."

Should I have to let you go kahit na ni minsan o ni isang segundo hindi ka naman naging akin?

♫♪ "...Why oh, why do I feel this way?

When I'm with you I feel so alive...

Why oh, why will I hide away?

I can't help it, I'm falling in love with you." ♫♪

I always get what I always wanted pero this time ang hirap mong kunin. Gustuhin ko man, hindi naman ganun kadali dahil bago pa tayo magkakilala, meron ng nagmamay-ari sayo.

♫♪ "What if I fall inlove? What if I make you mine?

I wanna know if you'll be there about my side..."

Na-fall na 'ko ng tuluyan oh. Now tell me, how can I make you mine? This is bullshit. Loving someone who's already inlove with another is the worst feeling ever, I guess. Yung makitang nakangiti siya kasama yung totoong mahal niya? Masakit na masaya—masaya kasi masaya siya kahit hindi ikaw ang kasama niya.

♫♪ "...Why oh, why do I feel this way?

When I'm with you I feel so alive...

Why oh, why will I hide away?

I can't help it, I'm falling in love with you." ♫♪

Totoo pala talaga na nakakatanga ang one sided love. Move on na siguro ako, kahit na hindi naman naging kami. Sana lang kayanin ko ng kalimutan siya this time.

After the song ay natahimik saglit ang crowd bago tumayo at nagpalakpakan. Nagtaka pa 'ko nung una until I realized that I sang the song while crying. Ugh, I cried in front of the crowd again. This is new to them kaya ganyan na lang sila kung maka-react.

I quickly wiped my tears before I gave back the microphone to the emcee.

"Woah, nakakadala yung kantang yun ni Ms. Tuazon. Love and pain ang naramdaman ko habang kumakanta siya. Hays. Anyway, thank you for that song Ms. Tuazon." the emcee stated kaya pilit ko siyang nginitian at bumalik na 'ko sa upuan ko. Napatingin pa 'ko sa gawi ni Cloud and it's unexpected dahil nakatitig rin siya sa akin na parang nag-aalala. Umiwas na 'ko bago pa muling tumulo ang luha ko.

"Stop crying bestfriend. Let's enjoy this night, sayang yung ganda mo. Ayan, announcing na ng King and Queen of the night. Prepare yourself na, for sure ikaw na naman ang mananalo kaya tama na, hmm?" mahinahong sabi ni Trish sa akin ng makaupo ako kaya natawa ako. Para kasing sure na sure siyang ako na naman ang mananalo. Simula ata kasi ng pumasok ako dito sa Lambert, ako na lagi ang may hawak ng korona.

"And this year's Queen of the Night is no other than..." the emcee opened his card then smile, "You may now stand up and come here in front, AGAIN...Ms. Amethyst Tuazon!"

"I told you!" natatawang sambit ni Trish habang tinutulak tulak ako papunta sa harapan.

May ilang umirap sa akin pero mas lamang pa rin ang tili at palakpak na natanggap ko. Tsk, mga insekyorang palaka! Kasalanan ko bang title holder pa rin ako?

"Congratulations Ms. Tuazon." the emcee greeted me as he put the crown on my head, put the sash and handed me the bouquet of flowers. Feeling Ms. Universe na naman ako, ehem.

"Thank you." I mouthed while smiling.

"And for this year's King of the Night..." the emcee opened his card again bago tumingin sa crowd at ngumiti, "Please join Ms. Tuazon here in front...Mr. Cloud Montero!"

Nawala ang ngiti ko at biglang nanginig ang sistema ko, aish. Sa dami ng pwedeng manalo, bakit siya pa? Muling lumakas ang tibok ng puso ko ng makita ko siyang tumayo sa upuan niya at ibinutones pa ang suit niya bago lumakad papunta sa harap. Everything went slow-mo as he walked slowly papunta sa akin wearing his damn sexy killer smile.

"Congratulations." he mumbled after siyang masuotan ng crown at sash.

"C-congrats din." I answered stuttering without looking at him. Panay lang ang ngiti ko sa sunud-sunod na flash ng camera sa harap namin at iniiwasan ko pa rin ang tingnan siya. To be honest, ayaw huminahon ng puso ko dahil sa ginagawa niya. Nakikita ko kasi sa side vision kong nakatitig siya sa akin. Damn this monkey! I can't even move my feet!

"Wohoo! CLOUMETHYST!!" I heard Trish shouted. Napapikit na lang ako out of annoyance pero itong unggoy na katabi ko natawa lang.

"Infairness ang hirap i-deny ng chemistry niyo huh...Yieeeh, kilig!" the emcee suddenly interrupted kaya nginitian namin siya ni Cloud. Fake smile lang ang akin, anyway. "Okay DJ, one sweet music for this lovely couple of the night. Again, a round of applause for the King and Queen of the night!"

At ito ang part na iniiwasan ko. After kasi ina-announce ang King and Queen of the night ay sasayaw ang mananalo sa gitna ng silang dalawa lang sa isang buong sweet music. Pero pwede naman tumanggi diba?

I was about to leave when someone grabbed my hand and dragged me in the middle of the dance area. Hinarap niya ko sa kanya at ipinatong ang kamay ko sa balikat niya. Here we go again, the little dinasours in my tummy went wild again as he put the his hand aroung my waist and held my hand. Naiinis din ako sa sarili ko ngayon kung bakit parang di ako maka-react at para lang akong robot na sumusunod sa kanya.

Magsasalita na sana ako para sabihing ayoko ng ituloy to pero bigla ng nag-umpisa ang tugtog at sinamaan ko ng tingin ang napakagaling kong kaibian na nagpunta pa sa DJ na malamang siya ang nag-request ng kanta. What a very supportive bestfriend. Please note the sarcasm on that. Opo, napaka-supportive niya sa pagka-broken hearted ko. Ang ganda ng song e, insulto leche.

[Play the song 'Why Can't It Be'—Nina's rendition]

♫♪ "You came along unexpectedly

I was doing fine in my little world

Baby in case don't get me wrong

Cause I'm not complaining

But you see, you got my mind spinning..."♫♪

"Galit ka pa rin ba sa akin?" he asked suddenly while we're slowly moving. Napaka-calm ng boses niya at ramdam kong nasa akin yung mga titig niya. Napalunok muna 'ko bago ako dahan-dahang nag-angat ng tingin and there, I saw his face. The man I love who can never be mine.

♫♪ "Why can't it be

why can't it be the two of us

why can't we be lovers

only friends.

You came along at the wrong place

at the wrong time

or it was me."♫♪

"Ba't naman ako magagalit sayo? Wala ka naman ginagawang masama ah?" I answered trying my very best to hold back my tears.

"Eh bakit parang feeling ko...iniiwasan mo 'ko?" he asked again while looking at me straight in the eyes. Damn.

♫♪ "Baby I dream of you every minute

You're in my dreams

You're always in it

That's the only place I know

Where you could be mine

And I'm yours (Baby I'm yours)

Only till I wake up." ♫♪

Kasi ang sakit na. Nasasaktan na 'ko sa ginagawa mo. Kasi mahal kita pero hindi pwede kaya kailangan kong iwasan ka. This is the right thing to do to prevent myself from the pain because of that so called stupid love. Ayan yung gusto kong sabihin. Ayan yung gusto kong isagot. I want to say I love you but I can't because we can never be more than friends.

♫♪ "Why can't it be

why can't it be the two of us

why can't we be lovers

only friends.

You came along at the wrong place

at the wrong time

or it was me."♫♪

"A-Amethyst? Why are you crying? Did I say something wrong? Tell me." medyo nagpapanic na taong niya pero umiling lang ako at pilit na ngumiti. I was startled when he wiped my tears using his thumb, "Stop crying, dummy. Nakalimutan mo na ba yung last rule ko?"

Napatitig ako sa kanya ng nagtataka when he asked me that, "Once the mission is accomplish, be happy. Enjoy and be happy. Remember? Jace's courting you, diba dapat masaya ka?" bahagya pa siyang natawa dun pero lalo lang akong naiyak dahil ang tanga tanga niya. Unggoy talaga! Paano ako magiging masaya kung kitang-kita ng dalawa kong mata kung gaano kasaya yung lalaking mahal ko sa totoong mahal niya habang ako ipipilit niya sa iba? Masakit kaya! Pero gustuhin ko mang maging selfish, hindi naman pwede dahil hindi naman natuturuan ang puso.

♫♪ "Why can't it be

why can't it be the two of us

why can't we be lovers

only friends.

You came along at the wrong place

at the wrong time

or it was me."♫♪

"I'm sorry... I've fallen inlove with you." I just whispered the last part.

"What? Di ko narinig." reklamo niya pero nginitian ko lang siya saka ako tumakbo palabas ng venue. Tinawag niya ko pati nila Trish but I didn't bother to look back. Masyado ng masakit kung lilingon pa 'ko.

Dumiretso ako sa may fountain area at doon ako umiyak. Good thing at walang tao dito ngayon at nakadagdag pa ang dilim dahil gabi na. Crying is not my thing but look at me right now. Hindi naman siguro nakakasira ng ganda ang minsanang pag-iyak diba?

"I already warned you pero di ka nakinig. Sinong mukhang kawawa ngayon?"

Mabilis kong inirapan ang nagsalitang yun na nakatayo na pala sa gilid ko at naka-cross arms ng hindi ko namamalayan, "Well, salamat sa concern but as I've told you...I don't care. Anong ginagawa mo dito? Ang tindi mo, nag-abala ka pa talagang sundan ako. Tss." cold kong sabi sa kanya.

"Gusto ko kasing makita kung gano ka nasasaktan. Hard headed ka kasi e, yan tuloy. Sobrang sakit ba?" mapang-asar pang sabi niya sabay tawa.

"Shut the hell up Aileen. Ano pa bang gusto mo? Nasayo na siya diba?" I blurted out. Bwiset na bwiset na 'ko sa babaeng 'to e. Kala niya siguro di ko siya papatulan.

"Nasa akin na nga siya kaya kung pwede lang sana tumigil ka na. Tigilan mo na siya! Tigilan mo na kami! Alam kong gusto mo siya."

"Oh e ano ngayon kung gusto ko nga siya? And besides, ano bang ginagawa ko sa inyo para sabihan mo 'kong tigilan ko na kayo?" inis kong tanong sa kanya ng may mapagtanto ako at nginisihan ko siya, "Oww... Baka naman kasi...natatakot ka lang?"

"Yes! Because you're such a relationship wrecker! Sinira mo na kami ni Jace kaya hindi malabong sirain mo rin kami ni Cloud!"

"Wow. Just wow, Aileen! Baka nakakalimutan mong FAKE lang ang relationship niyo ni Jace? Ang lakas din ng loob mo ah? Feelingera—" napahinto ako sa sasabihin ko ng bigla niya 'kong sampalin. Sinamaan ko siya ng tingin habang hawak ko ang pisngi kong nasaktan ng bigla siyang umarte na parang nanghina kaya nagtaka ako dahil napaupo pa siya sa lapag. The hell is the problem of this crazy girl?

"Aileen!"

Mabilis kong nilingon ang tumawag sa kanya nun and it was Cloud na nagmadaling lumapit sa kanya at inalalayan siyang makatayo, "What the hell did you do, Amethyst?!" ramdam ko ang galit niya ng itanong niya sa akin yun.

"I didn't do anything to her!" depensa ko.

"C-Cloud...she...she slapped me so hard. Oh my God..." pag-iinarte pa ni Aileen na talaga namang may kasama pang pag-iyak. Best actress indeed huh?

"Hush. Stop crying...you okay now?" nag-aalalang tanong ni Cloud habang yakap-yakap niya ito. Ang saya naman sa paningin nito, tss.

"Cloud, I didn't slap her. She's the one who—"

"Shut it, Amethyst. Save it because we're gonna talk about it later." he cut me off and stared at me in a very very cold manner. Wow, so it means he believed that crazy witch girl? Unbelievable!

Inalalayan niya na si Aileen at sinamahang makapasok sa loob ng venue kaya naiwan na naman akong mag-isa. Natawa na lang ako at napailing dahil di ako makapaniwala sa ginawa ni Aileen na pinaniwalaan naman agad ng unggoy na yun. Ako yung sinaktan ng babaeng yun, leche. Bagay talaga sa kanya ang mag-artista dahil napakagaling niyang umarte and in just a blink of an eye, nabaliktad niya yung sitwasyon.

"Amethyst, bakit mo siya sinaktan?"

Hindi ko na nilingon kung sinuman ang nagsalitang yun dahil kilala ko naman na. I just rolled my eyes and instead na sagutin ko yung tanong niya ay tumayo ako at naglakad papunta sa akung saan. Ewan, bahala na.

"Amethyst, I am asking you!" pinigilan niya 'ko sa kamay at iniharap ako sa kanya.

I just stared at him blankly, "Paniwalaan mo na lang kung ano ang gusto mong paniwalaan. Wala na 'kong pake." I stated at muli ko siyang tinalikuran pero iniharap niya ulit ako sa kanya ng marahas at isinandal sa pader, "What the hell are you doing?! Let me go!" inis kong sabi sa kanya dahil iniharang niya ang dalawa niyang bisig kaya di ako makawala kahit anong pilit ko. Masyado siyang malakas.

"Are you that desperate to the point na kaya mo ng manakit? I know you're a spoiled brat but I never expected that you can hurt someone! Just what the hell is your problem?!" he exclaimed, "May gusto ka ba sa akin?" out of nowhere na tanong niya.

"W-what?" I asked stuttering and my tears started to fall. Nanlambot bigla ang tuhod ko. Nanghihina na ko dahil nasasaktan na ko sa mga ginagawa niya.

"O baka naman...ito ang gusto mo." bigla niyang inilapit ang mukha niya sa akin kaya napasinghap ako at lalong naiyak.

"C-Cloud..." I mumbled in between of my tears, "Tama na please...H-hindi ko siya sinaktan. Ako yung—"

Di ko na natuloy yung sasabihin ko ng marahas niya kong hinalikan. Gusto ko siyang itulak pero hawak niya ang dalawa kong kamay. Di nagtagal ay may nalasahan na 'kong parang metal knowing that my lips were already bleeding dahil sa diin ng pagkakahalik niya sa akin. I didn't response. Walang patid ang pagtulo ng luha ko dahil sa sakit na nararamdaman ko sa ginagawa niya. Akala ko ang makita sila ni Aileen na masayang magkasama ang pinakamasakit pero hindi pa pala dahil di ko inaasahang kaya niyang gawin sa akin ang bagay na 'to. Ayoko na.

Iyak lang ako ng iyak ng tumigil siya sa paghalik sa akin at blangkong tinitigan ang labi kong sa tingin ko'y dumudugo pa rin. Binitiwan niya na rin ang mga kamay ko kaya kahit nanghihina na ko ay nagawa ko pa rin siyang itulak palayo saka ko siya dahan-dahang tinalikuran.

"A-Amethyst..." kalmadong tawag niya sa akin pero di ko na siya nilingon. Natatakot ako na baka kapag nilingon ko siya , mawala lahat 'tong galit na nararamdaman ko sa kanya sa isang iglap. Gusto kong magalit sa kanya para may dahilan akong kalimutan siya. Masyado na kasing masakit.

Mabuti na lang at hindi na niya 'ko sinundan. Di ko alam kung nasaan na ko, I just want to be alone right now. Nakikiayon pa sa akin ngayon ang panahon dahil biglang umulan pero wala akong pake. Siguro kung may makakakita sa akin ngayon iisipin nilang nababaliw na ko. Napaka-cliche na ng ganitong eksena pero much better na rin atleast hindi halatang umiiyak ako.

"I hate you Cloud Montero." I whispered while smiling bitterly. For the first time nawalan ako ng pakealam sa hitsura ko ngayon.Napaupo na lang ako sa bermuda grass at niyakap ko ang tuhod ko saka 'ko yumuko. Sayang naman yung gown ko, basa na tuloy.

Patuloy pa rin ako sa pag-iyak ko kasabay ng patuloy na pagbuhos ng ulan. Mabilis akong nag-angat ng tingin ng maramdaman kong hindi na ko nababasa ng ulan, "Kanina pa kita hinahanap. Let's go home? Basang basa ka na, baka magkasakit ka pa." he asked innocently. Lumuhod siya at ipinahawak sa akin saglit yung payong saka niya hinubad yung coat niya at ipinatong sa balikat ko. Nag-iwas pa ko ng tingin ng titigan niya ko bigla, "Magang maga na 'yang mga mata mo. Tama na sa pag-iyak please?" sabi pa niya sabay yakap sa akin kaya imbes na tumahan ako ay lalo lang akong naiyak. HInalikan niya ko sa noo bago niya ko inalalayang makatayo. Akap-akap niya ko habang naglalakad kami papunta sa kotse niya at parang wala siyang pakealam kahit nababasa na rin siya. He's really a great guy. Jace's a great guy...yun nga lang at hindi sa kanya tumibok ang puso ko.

*********

"Are you sure you're okay here? I mean, mag-isa ka lang—"

"Jace...matagal na kong mag-isa dito. I'm okay." I said. Kinukulit niya kasi ako na sasamahan daw niya ko dito sa unit ko kasi aalagaan niya 'ko.

"Gusto mo bang lutuan muna kita ng soup bago ako umalis? I always have time when it comes to you,Amethyst."

"Hindi na Jace. Pagod na rin kasi ako kaya gusto ko ng magpahinga. Salamat na lang."

"Sure ka talaga? Para kasing namumutla ka."

"Giniginaw lang ako. Okay lang ako promise. Tatawagan na lang kita mamaya o bukas pagkagising ko."

"Promise mo yan ah?"

""Promise." I assured him.

He heaved a deep sigh as sign of defeat, "Sige bye. Take care." he kissed my forehead before he left.

Pagka-lock ko ng pinto ay muntik na 'kong matumba dahil nakaramdam ako ng hilo. Ugh. Stress lang siguro 'to. Ang dami ko kasing naubos na luha kanina e. Ipapahinga ko na lang 'to.

********

Cloud's POV

"What the fuck tol! Anong klaseng mukha yan? Bakit parang one week kang di natulog? Di ka ba naka-move on sa party kagabi?" natatawang bungad ni Carl sa akin pagkapasok ko ng classroom. Di ko siya pinansin at dumiretso lang ako sa upuan ko. Napapikit pa ko at napabuntung-hininga ng mapatingin ako sa bakanteng upuan ni Amethyst.

"May eyebag ka na nga na inborn dinagdagan mo pa. Di ka na naawa sa sarili mo, pft. Alam ba nila Uncle at Auntie na nag-aadik ka?" pang-aasar pa ni Cullen sabay tawa nila ni Carl.

"S-si Amethyst? Wala pa ba?" tanong ko na di pinansin ang pang-aasar nila.

"May nakikita ka ba? Di ba wala?" pilosopong sagot ni Carl.

"May sakit si Amethyst. Nakwento sa akin ni Jace na naabutan niya si Amethyst kagabi na basang basa ng ulan kaya pinuntahan ko siya sa unit niya kanina to check her pero pinaalis niya lang ako. Ang drama nga e, gusto niya daw mapag-isa. I told her na hindi na lang sana ako papasok so I can take care of her pero ipinagtabuyan nya lang ako. Aish. Napakatigas ng ulo niya, sobrang taas kaya ng lagnat niya. Nag-aalala nga ko sa bratinellang yun e." mahabang paliwanag ni Trish at bigla akong nakaramdam ng kakaiba. Guilt ba 'to? Pero mas lamang ang pag-aalala ko sa kanya.

To be honest, what I did to Amethyst last night was the reason why I didn't sleep well. Pabalik balik sa isip ko yung pag-iyak niya. Nasaktan ko siya at di ko alam kung bakit parang nasasaktan rin ako. The fuck, ang bading! Oo, nasaktan niya si Aileen pero di ko dapat ginawa sa kanya yun. That was too much and I hate myself because I made her cry.

"Cloud?"

I came back to my senses when someone called me and it was Aileen who's now standing in front of me and she looks so happy habang nakatitig sa akin.

"What?" I asked.

"I have a good news for you. This really made my day and I'll consider it as a miracle. I'm very happy oh my gosh!"

"What's the good news then?"

"We'll have a dinner date later...with Dad. I told him to give you a chance to prove yourself and he said yes!"

Biglang napawi ang mga ngiti ko ng marinig ko ang balitang iyon, "Aren't you happy?" she asked confused.

"N-no. I mean, I'm just shock how did it happen. Your father hated me so much back then kaya how come he—"

"Nakaabot kasi sa kanya yung balitang we're dating again and he confronted me last night and he was really mad. I cried and begged for him to give us a chance because I told that I really love you. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob pero...hindi ka ba masaya na nabiyan ka na ng chance ni Dad?"

"I-I'm happy of course."

"You know what, sinabi ko sa kanya na masyadong mababaw na rason lang ang inggitan nila sa negosyo para madamay tayo." sabi pa niya na para bang tuwang tuwa siya na nasabi niya yun sa Dad niya ng bigla siyang natahimik at parang may iniisip.

"Bakit?" tanong ko.

"Naisip ko lang...pano kaya kung noon pa 'ko nagkaroon ng lakas ng loob na ipaglaban yung relasyon natin no? Hindi na siguro tayo umabot sa puntong nagkasakitan tayo. I juts realized that my love for you is worth fighting for. Sana hindi ako naduwag noon."

"Let's just forget what happened in the past. Mas importante naman ang ngayon diba?" I said to make her feel better. Nagulat naman ako ng bigla niya akong yakapin. Pipictran sana kami ng mga classmate namin pero pinigilan sila nila Carl at Cullen. Jusko, salamat naman. Pag nagkataon, issue na naman 'to.

"Later huh? Wag kang matatakot kay Dad dahil kasama mo naman ako. Minsan lang magbigay ng chance si Dad kaya hindi natin siya dapat biguin."

"Okay." nasagot ko na lang saka siya kumalas sa pagkakayakap sa akin at nakangiting bumalik sa upuan niya.

For the nth time ay napa-buntung hininga na naman ako at napasandal na lang sa upuan. I have this kind of weird feeling that I can't explain. I don't know. Baka kinakabahan lang siguro ako.

*********

Saktong 5pm ng mag-dismiss ang professor namin sa last subject kaya nagmadali akong umuwi para maghanda sa dinner namin kasama ang Daddy ni Aileen. Ito ang unang pagkakataon na makikita ako ng Dad niya. Sikreto lang kasi noon ang naging relasyon namin at ng malaman iyon ng Dad niya ay aad siyang inilayo sa akin nito. Sobra akong nasaktan that time but that was already part of my past.

Kakatapos ko lang mag-shower ng muli na namang pumasok sa isip ko yung ginawa kong kagaguhan kay Amethyst kagabi maging ang pag-iyak niya. Napapikit na lang ako at napaupo sa kama ng hindi inaalala ang oras. I'm just a stupid guy who hurt in that way.

At hindi pwedeng wala akong gawin.

*********

Aileen's POV

We came at the restaurant at exactly 7pm. It's an exclusive restaurant since pare-pareho kaming may inaalagaang pangalan. To be honest, walang mapaglayan ang sayang nararamdaman ko ngayon dahil pormal ko ng maipapakilala si Cloud kay Dad.

"I cancelled my meeting with one of our investor for this dinner with that guy so make sure he'll come. Where is he?" Dad asked seriously and full of authority habang inaayos ang suit niya.

"I guess he's on his way na Dad. Don't worry, I am 100% sure that he'll come. Matagal na naming hinihintay ang opportunity na 'to Dad." I answered smiling.

After half an hour, wala pa rin si Cloud. Kinakabahan na 'ko dahil nagbabago na ang aura ni Daddy. Parang any minute now magta-transform na siya into a monster. This isn't good. I texted him so many times and I got no response.

"Darating pa ba yang lalakeng ipinagmamalaki mo sa akin, huh? Does he even know the word professionalism when it comes to time? You know that I'm a busy person but I still chose to come with you as you requested tapos ganito? I'm so disappointed!" galit na sambit ni Dad atsaka padabog na ibinagsak ang table napkin sa table.

"D-Dad...baka po na-traffic lang or what. Let's wait for some more minutes Dad please? I-I'll call him." I said stuttering. Napailing lang si Dad sa akin bago ako tumayo at lumabas para tawagan si Cloud.

{Hello.} he answered on the other line.

"Gosh, Cloud! Nasaan ka na ba? Kanina pa kami naghihintay ni Dad sayo. Malapit ka na ba?" I started pero nagtaka ako ng matahimik siya sa kabilang linya, "Why?" tanong ko at isang malalim na buntung-hininga ang narinig ko bago siya sumagot muli.

{H-hindi na 'ko makakapunta.]

"W-what?! Alam mo ba kung anong sinasabi mo Cloud? Matagal na nating hinintay to pareho diba? We shouldn't waste this opportunity! Kilala mo si Daddy!"

{I'm sorry. I just need to fix something important.}

"Mas importante kesa sa akin?" I asked in coldness.

It took him a while before he answered, {Y-yes.}

And with that, I ended the call.


***********

A very very late update. Forgive me guys, I'm so busy spazzing my lovies (GOT7 and KN) aside from being busy in work, it's kinda hard you know. Lol. So here it is, medyo mahaba haba na siya pambawi!

Sa mga KPOP fan diyan, sino Ahgase/IGOT7? I made a story of JB and Jinyoung which is the Inheritor's Angel sana po support niyo rin yun ♥

Yung Sequel po ng I Heart You, Mr. Sungit (KathNiel) soon. Promise! Just give me time huhuhu sorry. And besides di ko pa tapos i-revise yung IHYMS :(

Yun lang guys! Salamat po. Enjoy! 

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 20.8K 30
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
174M 3.7M 76
Sa Kingdom High kung saan magkakaaway ang mga lalaki at babae, posible bang may mabuong relasyon at pagkakaibigan? (Completed. Published under Pop Fi...
280K 19.4K 90
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...