I'm the target? [MinSul FF]

By Rielleanidem

3.2K 43 19

SHE's living a peaceful life Then HE barged in Without her knowing who's the TARGET Copyright © All rights r... More

Greeting
She's my target
Miss Target

Chapter 1

397 11 7
By Rielleanidem

It's not that easy to avoid someone that is too handsome, talented, smart, and "perfect"

Madaming babae ang nagkakandarapa sakanya, yung kumbaga ngingitian nya lang mahuhulog na sakanya? Hindi ko naman sinasabing pangit siya. Pero hindi ko din sinasabing gwapo siya. Gets niyo?

"Charismatic"

"Perfect"

"Competitive"

"Cool"

"Hot"

"Handsome"

"Smart"

"Athletic"

Ayan ang mga naririnig ko sa mga kababaihan sa school namin tuwing nababanggit ang pangalan nya. It's just that, naiirita na ako minsan dahil inaraw-araw na nila kagaganyan nila.

"HOY Dane! Ano bang ikinakatulala mo dyan? At ang sama ng mukha mo nanaman ha?"

Nasa cafeteria kami ngayun ng matalik kong kaibigan na si Zeidria Sibug pero "Zea" nalang for short. Nako ewan ko ba kung bakit ko naging bestfriend to, eh nasangkot din sya sa "Charismatic syndrome" at isa sa "Flamers" or fans ng LALAKING YUN

"Ahh, wala. May naisip lang ako"

"Sus! Nako Dane! Hindi mo ako madadaan sa ganyan. Alam ko na yung charismatic Drakiiiee~ ang nasa isip mo"

"Psh. Wala akong pakeelam dun, bakit nyo ba kasi nagustuhan yun? Di naman kagwapuhan."

"HA?! ANONG PANGIT YANG PINAGSASABI MO?! GWAPO SI DRAKE TANDAAN MO YAAAAAAN~" Pabulong na pagsigaw na sabi ni Zei habang dinudutdot dutdot nya yung index finger nya sakin

"Opo. Sorry na po. Tatandaan ko na po."

"Good" Malawak na ngiting sabi nya sakin habang inirapan ko lang sya. Hindi ko naman sinabing pangit eh, sabi ko lang di kagwapuhan. Sus.

Tapos na ang klase at uwian na, ayan nanaman ang routine ko. Pero dahil nga sabi ko na simula nang dumating sya ay nagiba ang buhay ko aba talagang ginagawa nya!

Pagkalabas ko ng gate ay nakita ko nanaman ang kotse na lagi kong nakikita tuwing uwian. Ang kotse niya. I can't believe that this dude is doing this to me.

Pumunta ako sa isa sa mga halaman ng school namin sa harap ng gate at nagtago. Tinitingnan ko lang kung bababa sya sa kotse nya pero wala padin. Hmp! Baka nasalvage na sya? Sana nga! Para wala nang buwisit sa buhay ko!

Ilang minuto na akong nagtatago dito pero hindi ko padin sya nakikitang bumaba sa sasakyan nyang magara

Hintay hintay nalang po tayo.

Ako nga pala ang babaeng bida sa storyang ito, Jinri Dane Xy pero pwede mo akong tawaging Dane. Mahilig akong manood ng ANIME buong magdamag, well hindi naman lagi, tuwing bakasyon PO LAMANG.

Yup alam kong weird para sainyo dahil isa akong 2nd year college student na mahilig sa anime, well, technically cartoons. Masaya kayang magkaroon ng inspirasyon kapag galing sa anime! Kung naweweirdohan kayo problema nyo na yun!

TAKE NOTE. Hindi lang po HOT anime guys ang inspirasyon ko! meron din pong tao. Ang pangalan nya ay Gabriel. Actually pangalawa sya sa pinakasikat sa school namin. Oo, merong population poll sa school namin. (=__________=) Grabe lang, pang Wattpad ang tinira.

Gusto ko sanang siya ang number one pero lagi siyang nalalamangan ng mamaw na minamanmanan ko simula kanina, si Drake Josh Park.

Hindi ko alam kung ilang minuto na ang nakalipas pero pakiramdam ko nagmamanhid na yung mga paa ko dahil sa pagiging mala-tuod ko dito sa likod ng halaman. Lalabas na sana ako sa kinakataguan pero biglaang nasulyap ng magaganda at malilinaw kong mata si Oh my Gabriel, kaya nagtago muna ako.

Grabe, ibang klase talaga ang kagwapuhan niya. Nakavarsity jacket lang naman siya pero parang BOOM BOOM BOOM ang visual explosion! Lalong sumabog yung ovaries ko nung dilaan niya ang kanyang labi. Joke! Sabog talaga?

Mannerism niya na kasi yun. Pansin ko lang. Kaya dumodoble nang dumodoble sa bawat araw yung pagiging-hot niya eh.

"Hoy Jinri. Umaano ka dyan"

Oh sheet. Oh money sheet. Oh money frickin' sheet.

Mahilig lang sa papel? (+______+/)

Parang slow-mo ang paglingon ko para tingnan ang lalaking nasa likuran ko at tumawag saakin. Then nakita ko na sya. Ang sumira ng maganda at masigabong buhay ko. Ang tagasira ng Jinri Dane Universe.

The perverted alien that deserves to be raped by a homo. (Inspired by Kaichou-wa Maid-sama)

Drake Josh Park.

Parang may kulog at kidlat sa background ko.

"Psh pake mo--este--Oh Drake! Nandito ka pala. Wala, gusto ko lang tumambay sa likod nitong halaman na to." Napapairap nalang ako sa tuwing sinasabi ko pangalan nya.

"Tambay lang? Hindi ko alam na ang pagtambay ay may halong pagngiti na para aso habang nakatitig kay Gabriel." Walang emosyong sabi nya sakin at inirapan din ako.

"H-ha?! Anong ngiting aso?! Hindi ako ngumingiti ah! At saka hindi ko naman siya tinitingnan."

Tumalikod ako sakanya at nagsimulang maglakad papalayo sakanya. Pero biglaan siyang humarang saakin na hindi ko na ikinagulat.

"Teka nga eh. Halika, ihahatid kita sainyo"

Hinawakan niya ang kamay ko at akmang isasakay nanaman ako sa kotse niya.

"Ayoko. Kaya kong maglakad mag-isa." Pagpigil ko sakanya at bawi ng kamay ko.

"Tch. Isa. Pumasok ka na sa kotse" Deretso niya ako tiningnan sa mata. Sinuklian ko din naman ang tingin na iyon at hinihintay nalang namin ang pag-niyebe. Nasakop ng katahimikan ang paligid namin pero binasag ko nalang ito.

"Ikaw pumasok. Ako maglalakad lang"

"Nakakalimot ka na yata ng usapan. Sakay na." Matigas na sabi nya sakin.

"Ano bang problema mo ha? Gusto kong maglakad, hayaan mo muna ako." Kunot-noo ko nalang sambit sakanya.

"Sumakay ka na sa kotse."

"Bahala ka nga dyan"

Tumalikod ako sakanya pero naramdaman ko ang paghawak niya sa braso ko sabay harap sakanya. Nagkasalubong ang mga mata namin at nakita ko na naiinis na talaga sya.

Wala akong pakielam kahit na magalit pa siya saakin. Pero sa tingin ko ay aabutin kami ng gabi kung hindi ko pa siya pagbibigyan. Umirap nalang ako sakanya at naunang dumiretso sa kotse.

Three words. I hate him.

Tahimik lang ang loob ng kotse habang siya ay focus na nagd-drive sa daan papunta sa bahay ko. Napabuntong hininga ako at tiningnan siya.

"Wala ka bang balak na tigilan ako?"

"Wala."

(-_____-) Tingnan mo tong lalaking to. Bwisit talaga sa buhay. Naalala ko nung unang nagkita kami, dalawang buwan ang nakalipas. Grabe lang talaga, nasira ang buhay ko sakanya. Kinamumuhian ko talaga siya. (OA lang po talaga to, wala namang nangyaring di kaaya-aya sa buhay niya.)

"Eh bakit ka ba kasi ganito?! Ano bang ginawa ko para umakto kang ganyan sa akin? Biglaan ka nalang susulpot sa buhay ko tapos manggugulo. Aba! Mapanginis!"

"Wala ka ba talagang balak manahimik? Ihuhulog kita sa tulay." Kunot-noong sabi nya sakin at tumingin lang saglit bago bumalik ang tingin sa daan.

"Psh. Sa lahat ng babaeng pwedeng ihatid dyan ako pa ang naisipan mong gambalain. Dahil lang sa bagay na yun, ito yung kabayaran?" Ewan ko ba kungg bakit ayaw kong manahimik ngayun, sadyang matigas lang ang ulo ko.

"Aba ayaw talagang magpatinag, isa pa talaga ihahagis kita sa tulay." 

"Naiirita ka na ba? Bakit hindi mo ako ibaba ngayun? Para wala nang mag-iingay sa buhay mo." Oh yes, keep on talking dude to make the monster in front of you explode.

"Ihahatid ka na nga ayaw mo pa."

"Ewan ko sayo, hindi ko naman kailangan ng paghatid mo."

"Ang weird mo. Yung ibang babae dyan taeng-tae na mapunta sa sitwasyon mo, tapos ikaw umaarte at nagpapakipot lang dyan. Pabebe." Dinaig pa nito yung kaibigan ko sa kapal ng muka e. Pero wala akong masagot sa sinabi nya dahil totoo naman, maliban sa pabebe ako. 

Hindi ako makapaniwalang hindi gumana ang "Tarararararat!" na method ni mama. Alam niyo na yun eh. Puro dadak. Akala ko pa naman sasabog na siya at maiirita sa pag-iingay ko.

Binuksan ko yung pinto ng kotse nang makahinto na kami sa tapat ng bahay at sumalubog agad saamin si mama. Hay nako ma, hindi mo lang alam, hindi gumana ang magic powers mo sa mokong na to!

"Oh anak! Kasama mo ulet si Mr. Pogi? Nako. Ijo, salamat sa paghatid sa anak ko ah!" Malawak na ngiti ni mama habang sinalubong  siya ni Drake ng mano. 

"Walang anuman po tita." Ngumiti ng napakatamis si Drake sa mama ko at sinuklian naman ito ni mama.

"Osige, ingat sa pagdadrive ha."

"Opo." Umalis na ang kotse niya at kumaway naman si mama.

"Psh. Plastic." Bulong ko sa sarili ko habang nakahalukipkip.

"Nako! Ampogi talaga nyang kasama mo! Umamin ka nga, kayo na ba nun?"

"HA?! ANO MA?! HINDING HINDI NOH! IT WILL NEVER HAPPEN. NEVER!"

"Asus! Sayang naman anak. Gwapo na mukang mayaman pa. Tapos mabait pang bata. Ano pa ba ang hinahanap mo? Pabebe."

Hustisya ma. Hinahanap ko ang hustisya sa mga sinasabi ninyo. (=_______=)

"Tulog na po tayo. Pagod lang yan." Tapik kong sabi kay mama habang pumapasok sa bahay. Habang si mama tuloy parin pagdaldal tungkol kay Drake.

"Umamin ka nga Dane, nililigawan ka ba nun?"

"Hindi po! As if naman liligawan ako nun." Kumuha ako ng isang hopia at sinubo ang isang buo, maliit lang naman, promise.  

"Kailangan isamol? Para namang patay-gutom, Jinri. Sana lang anak pag dumating na ang panahon na magkagusto ka sa isang lalaki e yung matipuno, matalino, masipag, marunong sa buhay, siyempre dapat gwapo. Maawa ka namang sa magiging itsura ng mga magiging apo ko." Hay nako tong si mama walang tigil pag nagsimula na. 

"I heard you po, ma. Akyat lang po ako.

Hindi din naman mangyayari ang kahilingan mo ma.

Tumango lang si mama habang nagkakalikot sa phone nya. Pagkasarado ng pinto ay sumalampak na ako sa kama. Nakakapagod! Grabe! Eto ang routine ng buhay ko at gusto ko nang mabago to. Gusto kong mabalik ang dating buhay ko. No humans, especially men. Just 2D hotties.

Binuksan ko ang laptop ko at tiningnan kung may updates pero wala ni isa, napakaswerte ko nga naman ngayung araw. 

Continue Reading

You'll Also Like

184K 6.9K 31
Dahil lang sa pakikinig ng usapan, naituro siya bilang ama nang dinadala ni Aviah Alvarez na anak ng gobernador. Alam naman niyang kakaiba siya dahil...
956K 30.5K 129
DIM Series #1: Iñigo Valenzona (This is an epistolary) Rozel Roxas had tons of crushes when she was still in Grade 11 and she has always been vocal w...
538K 27.8K 56
What would you do if you have given the chance to live out in your favorite novel? Misty, a normal high school student was reading her favorite novel...
11.3M 481K 32
Hanapan ng girlpren si bitter bestfriend na friendzoned since birth? Game!