Miyu: The Queen of Ace

By MiyuChii

4M 12.5K 586

Miyu Fujiwara was supposedly going to Boston for a vacation. With her was her personal butler named Cube. The... More

Prologue
Chapter 1- Am I Really There?
Chapter 2 - Sometimes Sweet Face May Harm You
Chapter 4 - What's That Over There?
Chapter 5 - The Mini Racing Tournament
Chapter 6 - Eh? Seriously?
Chapter 7 - What The Heck Is Going On?!
Chapter 8 - Creepy

Chapter 3 - Meet My Childhood Friend

97.7K 1.3K 89
By MiyuChii

Ami's POV

"Are you alright?" tanong ng isang pamilyar na boses.

Mabilis kong hinanap ang pinanggalingan ng boses at hindi ako makapaniwala sa aking nakita.

"Miyu..?" nasabi ko na lang.

Kahit medyo hinihingal, bakas pa rin ang maamo at inosente niyang mukha. Ang straight at mahaba niyang buhok na hanggang beywang, ang bangs niyang medyo tumatakip na sa kanyang mga mata, at kahit medyo tumangkad siya ng ilang pulgada ngayon, alam kong siya ito.

Muling bumilis ang tibok ng dibdib ko, hindi dahil sa takot kundi dahil sa tuwa.

"Eh?" bakas sa mukha niya ang pagtataka.

Nagbago man ang physical niyang anyo, pero 'yung expression niya naman ay hindi.

Napangiti ako. Hindi ako nagkakamali sa nakita ko. Siya nga si Miyuzaki Fujiwara - galing sa napakayaman at makapangyarihang angkan sa buong Asya. Half Hapones at half Filipina at... at.. ang kababata ko!

Miyu's POV

"Miyu..?" sabi niya na ipinagtaka ko.

"Eh?" paano niya ako nakilala?

Pero familiar ang hitsura niya eh. Pati na ang boses. Teka nga...

Ilang saglit din akong nag-isip bago ko siya tuluyang maalala.

"Ami-chan??"

Lumiwanag ang mukha niya nang banggitin ko ang pangalan niya.

Sabi na eh!

Meet my childhood friend sa Japan- Ami Kido. Tulad ko ay half Haponesa at half Filipina rin siya. Last 3 years ago nang lumipat sila dito sa Pilipinas and I can't believe it na magkikita kaming muli.

Niyakap ko siya nag pakahigpit higpit!

Kyaaah! I miss my bestfriend!

"Anata ga inakute sabishii Ami-chan!" (I miss you Ami!)

Naramdamam kong yumakap din siya sa akin. "Watashimo Miyu! O-genki desu ka?" (Me too Miyu! How are you?)

"Genki genki desu nee Ami-chan!" (Fine fine Ami!)

Kulang na lang ay magtatalon-talon ako sa sobrang saya.

Wag na kayo magtaka, pagkasama ko si Ami, nagiging childish ako.

At siya namang pagtunog ng pagkalakas ng tiyan ko.

Natigilan kami pareho.

Eer...

Kumalas siya sa pagkakayakap sakin at tinignan ako sa mukha.

"Hindi ka pa ba kumakain Miyu? Late na ah! Ay teka, bakit ka nga pala nandito? Di ba dapat nasa Japan ka?" sunod-sunod na tanong niya.

"Ano... eh.." ako, napakamot sa ulo, "Hala may sugat ka sa labi, Ami-chan! Tara nga muna dun sa covenience store nang malinisan natin 'yan."

Pumayag naman siya.

Sabay naming nilisan ang lugar na yun. Yung mga kumag na gangster naman ay tulog parin at nakahandusay lahat sa semento. Hmp! Pasalamat sila't kontrolado ko pa ang lakas ko kanina. Kung alam ko lang na bestfriend ko pala ang pinuntirya nila, dapat pala tinuluyan ko na ang mga iyon.

* * *

"NANI?!" di makapaniwala si Ami sa kanyang narinig. ('What' in english)

Nandito na kami ngayon sa loob ng convenience store. Nalagyan ko na rin ng bandaid ang gilid ng labi niya. In return, binilhan niya naman ako ng pagkain na nasa isang pack.

"Wag ka ngang sumigaw! Nakakahiya!" sabi ako.

"Naman Miyu! Pero paano nangyaring maling airplane ang nasakyan mo?! Hala oh! Hangtanga naman!"

"Ewan ko! Eh pinapasakay naman nila ako sa plane na 'yun so sumakay na rin ako."

"Tsk! Tsk! So ngayon nagiging palaboy ka na dito sa lugar na ito? Tsk buti na lang at nagkita tayo."

Hindi agad ako nakapagsalita dahil dumating 'yung cashier ng store at inilapag sa mesa namin ang pinainit niyang beef tapa.

"Kain muna tayo, " sabi ulit ni Ami pagkaalis ng cashier. Nag order din siya ng kanya kasi di pa rin siya nakapag dinner.

Naamoy ko ang bango ng tapa sa loob kaya lalong nagwala ang tiyan ko.

"Hai!" (Okay!)

"Itadakimasu!" chorus naming dalawa at sabay nilandakan ang pagkain namin.

Wala pang limang minuto ay naubos ko na 'yung akin.

"Hindi ka naman masyadong gutom no? Nakukulangan ka pa ba? Kukuha pa ba tayo? " sunod-sunod na tanong niya.

Mabilis naman akong umiling. Kinuha ko ang isang bottled water at ininom.

9Atlast I'm full!

"Ne Ami-chan. Yung kanina, paano ka nga pala nila nahuli? I mean anong nangyari at muntik ka nang mabiktima ng mga lalaking iyon?"

Kinuha niya rin ang kanyang bottled watter at uminom.

"Uhm... 'di ko alam Miyu eh. Papauwi na kasi ako nun galing school nang bigla nila akong hinarang at iyun nga ..dinala ako doon sa madilim na eskinitang iyun," sagot naman ni Ami at biglang lumungkot.

"Ba't ka ginabi sa pag-uwi?" tanong ko ulit.

"May tinatapos kasi akong project, Miyu-chan. Hindi ko na namalayan na gabi na pala. Hindi ko rin inaasahan na ako na pala ang susunod na magiging biktima ng grupong iyun," napahawak siya sa gilid ng kanyang labi na may bandaid at napatungo.

"Kilala ang grupong iyun as Moro gang dito sa lugar na ito," patuloy ni Ami.

Moro gang? Sana ginawa nalang nila na 'Mga Moron Gang'.

"Kadalasan nilang binibiktima ay ang mga babae. Siguro yun yung purpose kung bakit binuo nila ang grupong iyun, ang mangbiktima ng babae, gagahasain at pagkatapos ay... papatayin," pahayag ni Ami.

Tsk! Kumulo ang dugo ko sa narinig.

"Yan ang pinakaayaw ko sa lahat. Ang pagsamantalahin ang kaawa-awang babae ng mga tulad nila. Dapat talaga tinuluyan ko na sila kanina eh!"

"Baliw! Eh di wala ka ng pinagkaiba sa kanila," angal niya, "Pero mabuti na lang at dumating ka, Miyu. Salamat at iniligtas mo ako sa kanila. Akala ko pa naman katapusan ko na kanina," tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Mabuti na rin at naligaw ako kasi dahil dun, nakita kita, " pairap kong sabi.

Tumawa ng marahan si Ami.

"Next time, sasamahan na kita para hindi ka na mapapahamak, Ami-chan," sabi ko ulit.

At seryoso ako sa sinasabi ko. Ayokong mapahamak ulit ang bestfriend ko.

Tumango naman siya bilang pag sang-ayon.

"Nga pala Miyu, since wala ka namang matitirahan dito, doon kana muna sa bahay tumira. Mag-isa lang kasi akong nakatira doon eh"

"Hai!"

Tinuloy niya na ang pagkain at ilang saglit pa nag-aya na siyang umuwi.


* * *

Simple lang ang bahay ni Ami, hindi kasing laki pero hindi naman maliit, katamtaman lang. 2-storey ito na may tatlong kwarto sa itaas. Sa ibaba ang sala, kusina at isang cr. Okupado ni Ami ang isang kwarto sa taas sa kanan. So pipili na lang daw ako sa dalawang natira kung saan doon ang gagamitin ko.

"Teka nga," biglang sabi ni Ami pagkapasok namin sa loob ng bahay niya.

"Eh?"

Hinarap niya ako.

"Wala ka bang dalang gamit?"

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, balik sa mukha.

Napakamot ako sa ulo nang maalalang ninakawan ako kanina sa aiport.

"Anou...hehehe," parang nag aalinlangan pa akong sagutin ang tanong niya.

Nakatingin lang siya sa akin. Naghihintay ng sagot.

"Ninakawan ako kanina sa airport, Ami-chan, heheh."

Nasapol niya ang kanyang mukha, "Sabi na eh. And I bet wala ka ring pera?"

Tumango ako.

"Yang suot mo lang ang natira sa'yo?"

Tumango ulit ako.

"Aish! You're hopeless Miyu! Buti na lang talaga at nagkita tayo."

"Gomenasai!" yumuko ako sa kanya.
(I'm sorry!)

Hindi ko naman ginusto ang nangyari eh. Bakit siya nagagalit? Huhu!

"Psh! Hayaan mo na. Papahiramin muna kita ng damit. Magka-size naman yata ang mga katawan natin."

Tumalikod siya at dumiretso sa kanyang kwarto. Pagbalik niya ay may dala na siyang isang pares ng pangtulog.

"May cr sa taas, Miyu-chan. Maligo ka at magpalit nito, okay?"

Inabot niya sakin 'yung pangtulog niya.

"Arigato Ami-swan! Ikaw talaga ang savior ko eh!" akma ko siyang yayakapin pero pinigilan niya ako.

"Gaga! Maligo ka na nga nang makapag pahinga ka na."

"Hmp!" napairap na lang ako sa kanya.

Ano kayang nangyari dito at biglang nagsungit?

* * *

Pagkatapos kong maligo ay dumiretso na agad ako sa kama at umupo habang inaayos ang mahaba kong buhok. Siya namang pagpasok ni Ami sa kwarto ko.

"Okay ka lang ba dito?" tanong niya.

"Hai!" (Yes!) sagot ko sa kanya.

"Mabuti kung ganun," si Ami

"

Nga pala Ami, may charger ka ba para sa cellphone na ito?" at pinakita ko sa kanya ang cellphone na napulot ko sa airport kanina.

"Cellphone mo? Hmm, latest 'to ng iphone eh. Tignan ko lang sa baba baka may magkasya para rito." sagot niya.

Aalis na sana siya nang magsalita ako.

"Hindi to akin, napulot ko lang 'to sa airport kanina."

"WHAAT?!" agad siyang napalingon sa akin. Shock na shock ah!

"Sabi ko napulot ko lang 'tong cellphone na 'to sa airport kanina." ulit ko sa sinabi ko kanina.

"Nyek! Ano yan?! Anak ng isang multi-millionaire, nangangalakal na ngayon ng cellphone sa airport! Naku Miyu, bakit di mo sinauli yan sa may-ari?!"

"Because I have this feeling na pagmamay-ari ito ng lalaking yun!" mataray kong sagot sabay irap.

"Sino?" curious niyang tanong.

"Baastaa!" sagot ko.

Naalala ko tuloy ang nangyari kanina sa airport. Yung ginawa ng white-haired guy na yun sa akin... waaah!

"Ay? Nagblush ang loka?" puna niya sa akin. "Ano bang nangyari sa airport? Mind to share it with me?" lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko.

"W-wala ngaa! Shoo shoo! Alis na inaantok na ako!" pagtataboy ko sa kanya.

Hinila ko siya at pinalabas ng kwarto. Hindi naman siya umangal.

"Bukas ko na lang icha-charge 'tong cellphone na 'to sa charger mo. Shooo!" dagdag ko.

"Ikaw ha, may tinatago ka sa akin ha," sabi ni Ami at ngumiti-ngiti pa.

"Marami naman talaga akong tinatago sayo noh! At ganun ka rin sa akin! Tsee!"

Sinarado ko na ang pinto ng kwarto at nagbalik sa kama.


"Tss! Naalala ko tuloy ang ginawa ng lalaking iyon sa airport kanina!"

Umupo ako sa gilid ng kama at tinitigan ang cellphone na hawak hawak ko.

"Malakas talaga ang kutob ko na pagmamay-ari niya talaga ang cellphone na ito," nasabi ko na lang.

Ilang minuto kong tinititigan ang naturang cellphone at pagkatapos ay pinagpatuloy ko na ulit ang pag-aayos ng buhok ko. Pagkatapos nun ay humiga na ako sa kama at agad na akong nakatulog.

*

Ami's POV

Tatawa-tawa akong naglakad pabalik ng aking kwarto habang inaalala ang hitsura ni Miyu kanina. Grabe! It's my first time seeing Miyu-chan blushing.
Infairness ang cute niya magblush! Ha-ha-ha! I wonder kung ano talaga ang nangyari sa kanya sa airport and why she suddenly blushes like kanina? And of course yung cellphone thingy~ ? I want to know the truth!

Natigil ako sa pag-iisip nang biglang tumunog ang aking phone. Dali-dali ko itong kinuha at tinignan kung sino ang nag txt sa akin.

Unknown number.

Unknown number? Sino 'to?

Minabuti kong buksan ang message nito. At ganun na lang ang pagnginig ng aking katawan nang mabasa ang laman nito.

"Get Ready. She is back."  🃏

Continue Reading

You'll Also Like

25M 625K 51
A girl that has a lot of names.The lady with different faces and a gangster known for ages.She's calm,fearless and ABNORMAL?! What will happen if t...
1.1M 35.4K 61
Maxreign Ezriel always watch her brother's friend, Bullet Knights, from afar. Supporting him silently and loving him will all her heart even if he do...
331K 13K 30
As the King and Lord of Elityian's Empire, Avenight has to fulfill his responsibility and find a woman to marry before his ceremony. As their whole c...
12.6K 3.4K 55
There is a bigger question about what real life is. And that will be 'her' job to know what really is the truth. But an unfortunate things will go ag...