Ang Mutya Ng Section E

By eatmore2behappy

134M 5.3M 3.3M

Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung... More

eatmore2behappy
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 87
Not an update!
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter 108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 123
Chapter 124
Chapter 125
Chapter 125.02
Chapter 125.03
PART TWO
Part Two

Chapter 86

947K 36.4K 18.7K
By eatmore2behappy

Festival Day 5

Jay-jay's POV

7:35am. Ang aga ko nagising kahit late na ko nakatulog. Hindi kasi mawala sa isip ko si Cyrus. Sana pala sumama nalang din ako sa pag-patrol kung alam ko lang na ganto yung mangyayari.

Nag-ring yung phone ko kaya agad kong hinanap kung nasan yun. Sa ilalim ng unan ko sya nakita. Si Ci-N ang tumatawag sakin.

"Hello?" Sabi ko pagsagot sa tawag.

["Peram nga ako ng bra mo."] Bungad ni Ci-N sakin.

Gago men!

"Sira ulo kaba?!"

["Ayaw akong pahiramin ni Ate ko. Nagagalit sakin!"]

"Magpatulong ka kila Eren! Wag ako ang kulitin mo!" Sigaw ko sa kanya at pinatay yung phone.

Aga-aga kasi, gagalitin ako. Bumangon na ko at dumiretso sa banyo. Naghilamos na at nagsipilyo. Inipitan ko rin ang buhok ko.

Kagabi ko lang napansin na humahaba na pala yung buhok ko. Dati hangang balikat lang pero ngayon lagpas na at halos umabot na sa bewang.

Pagbaba ko, nasalubong ko pa si Kuya Angelo.

"Nagpunta daw dito yung parents ni Cyrus?" Tanung nya sakin.

"Oo.. tinatanung kung pwede ko daw puntahan si Cyrus." Sagot ko sa kanya.

"Pupunta kaba?"

Umiwas ako ng tingin at napakagat sa ibabang labi ko. Baka kasi hindi nya ko payagan kapag sinabi ko yung totoo.

"Kung pupunta ka, siguraduhin mong may kasama ka." Sabi nya at umalis sa harapan ko.

Hindi ko nga alam kung tutuloy pa ko. Kinakabahan kasi ako. Dumiretso na ko sa kusina at kumuha ng kakainin.

Pagkatapos mag-almusal bumalik ako sa kwarto at inayos yung mga gagamitin mamaya. Alam kong susunduin ako nila David mamayang 8:30am.

Biglang nag-ring yung phone ko. Si Ci-N ang nasa isip ko na tumatawag sakin pero iba yung nakalagay sa phone.

Sinagot ko yung tawag at hinintay na magsalita yung nasa kabilang linya.

["Jay-jay? Mom ni Cyrus to! Baka pwede mo ng puntahan yung anak ko ngayon?! Please!"]

Nanay ni Cyrus. Umiiyak sya at mula sa kabilang linya naririnig ko na nagkakagulo sila. Para bang may nagwawala na nakiki-usap.

"K-kasi po... May gagawin po ako ngayon." Sagot ko.

Bakit ngayon pa? May laban ako. Hindi ako makakarating ng 1pm baka ma-disqualified kami.

["Jay... Please nakiki-usap ako!"] Paki-usap nya at mas lalung lumakas ang pag-iyak.

Anong gagawin ko?!

Nakagat ko nalang ang ibabang labi ko. Bahala na!

"S-sige po. Pupunta na ko." Sagot ko.

["S-salamat!"]

Namatay na yung tawag. Nasabunutan ko nalang ang sarili ko. Mapapatay ako nila Keifer kapag hindi ako nakarating sa oras nito.

Agad akong naligo at nag-ayos. Nagtext na rin ako kila David at sinabing pupunta nalang ako dun.

Lumabas ako ng bahay ng hindi nagpapa-alam kay Kuya. Hindi nya ko papaalisin ng walang kasama. Itetext ko nalang siguro sya.

Sumakay ako ng taxi at nagpadiretsong terminal ng bus. Suntok sa buwan tong gagawin ko.

Saktong paalis na yung bus nung dumating ako. Mabilis lang ang byahe kapag umaga.

Pag-upo ko, parang sinisilihan yung pwet ko sa pwesto ko. Hindi kasi talaga ako mapakali. Pakiramdam ko, maling mali tong gagawin ko.

2hrs na byahe. 1 1/2 hrs kung hindi traffic.

Biglang may nagtext sakin. Alam kong sila Yuri yun kaya hindi ko na tinignan. Meron ding tumatawag sakin.

"Ate... Hindi mo ba sasagutin yan?" Tanung ng bata sakin na katabi ko.

Nagpilit ako ng ngiti at umiling.

Bumalik yung bata sa ginagawa nya. Sinilent ko na yung phone ko para hindi nakakahiya sa batang katabi ko. Muka kasing masungit.

Nakarating ako sa destinasyon ko. Pagbaba pa lang sa terminal pinagtinginan na ko ng mga nakakakilala sakin.

Pero wala akong paki sa kanila. Sumakay ako ng tricycle at nagpahatid sa ospital kung saan naka-confine si Cyrus.

Lumapit ako sa nurse station at nagtanung.

"S-saan po yung room ni Cyrus Velasco?"

"Sandali lang po ah?" Sagot sakin nung nurse at my pinindot pindot sa keyboard. "...Third floor po, Room 154."

"Thank you po." Sabi ko at lumakad na paalis.

Sa hagdan ako dumaan. Para incase na magbago ang isip ko pwede pa kong bumalik agad.

Pero mukang hindi ganun yung mangyayari. Nakarating ako sa third floor. Nasa tapat na ko ng pinto ng kwarto ni Cyrus. Nakahanda na rin ang kamay kong kumatok sa pinto.

May chances pang umatras.

Pero hindi na ko pwedeng umatras. Ang lakas ng loob kong pagsabihan si Denzel na harapin yung problema pero ako tong naduduwag.

Kumatok ako sa pinto at hinintay na bumukas ang pinto.

"Jay?" Bungad sakin ng Nanay ni Cyrus.

Nagpilit ako ng ngiti. Ginayak nya kong pumasok at sumunod naman ako.

"ANONG GINAGAWA NYA DITO?!" Galit na tanung ni Ate Cas, kapatid ni Cyrus.

"Cassandra! Gusto syang makita ng kapatid mo!" Sita ng Tatay ni Cyrus.

Napatingin ako kay Ate Cas. Galit na galit ang tingin nya sakin. Lumipat ang tingin ko kay Cyrus na nakahiga sa kama.

Nangingilid ang luha nya at parang ang saya nya na makita ako. Meron syang neck support, nakabenda ang kanang kamay at may bakal ang binte. Meron din syang benda sa ulo.

Hindi ako makapaniwala na ako ang may gawa nyan sa kanya.

"Jay-jay..." Tawag nya sakin.

Nilapit ako ng Nanay nya sa kaliwang bahagi ng kama. Sa sobrang inis ni Ate Cas lumabas sya ng kwarto at padabog na sinara ang pinto.

Pina-upo ako ng Nanay ni Cyrus sa tabi nya mismo. Para akong mulala sa ginagawa ng Nanay nya.

Hinawakan ni Cyrus ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Kamusta ka? Sabi nila hindi kana daw dito nag-aaral." Tanung nya sakin.

Kung titignan sya, parang sabik na sabik sya sa mga ikukwento ko. Hindi ako sigurado kung yun nga talaga sya ngayon. Hindi mawala sa isip ko na pwedeng may balak sya.

"D-dun na ko nag-aaral sa school ni Aries."

Bahagya syang nagulat. "Magkasama na kayo ni Aries? Kala ko galit sya sayo?"

Si Cyrus kaba talaga?!

"Nag-iiwasan kami kung kailangan." Pilit kong sagot.

Humigpit ang hawak ni Cyrus sa kamay ko, tinititigan din nya ko sa mata. Hindi ko maiwansan na hindi mailang.

"Mag-kwento ka... Tungkol sa mga bago mong classmate." Utos nya sakin.

Sandali akong tumingin sa mga magulang nya bagao tuluyang nagsalita.

Limitado lang ang kwento ko sa kanya. Ayokong magbigay ng detalye dahil sa bawat pangalan na banggitin ko nag-iiba yung tingin nya sakin.

Tumingin ako sa wall clock sa kwarto. 10:45am na, kung aalis na ko makakapag-ayos pa ko sa bahay at aabot ako sa contest.

Humarap ako kay Cyrus na mahigpit pa rin ang hawak sa kamay ko.

"C-cyrus... Kailangan ko ng umalis. Hinihintay na kasi ako samin." Sabi ko habang tinatangkang bawiin ang kamay ko.

"Wag muna... Dito ka muna, please!" Paki-usap nya.

"H-hindi kasi pwede..."

Nagulat nalang ako ng bigla nya kong hawakan sa leeg. Galit na galit ang tingin nya sakin at alam kong pwede nya kong patayin.

Hindi pa rin sya nagbabago.

Nataranta yung magulang nya at agad na lumapit samin para awatin si Cyrus.

"Dito ka lang! Hindi ka pwedeng umalis!" Galit na sabi nya sakin.

"Cyrus! Anak! Bitiwan mo si Jay-jay!" Sigaw ng Nanay nya habang pilit inaalis ang kamay ni Cyrus sa leeg ko.

Pero pursigo at taimtim ang tingin nya sakin. Balak nya talaga kong patayin. Alam kong nagtanim sya ng galit sa ginawa ko.

Biglang pumasok si Ate Cas sa kwarto at tumulong na rin sa pag-alis ng kamay ni Cyrus.

"Cyrus! Bitiwan mo sya!" Sigaw ni Ate Cas.

Sabay nilang hinatak ang kamay ni Cyrus at parang napagod din ito kaya bumitaw. Agad akong lumayo sa kanya at naghabol ng hininga.

Bigla nalang umiyak si Cyrus at parang nagmamaka-awa.

"Wag ka munang umalis! Dito ka lang! Please!" Paki-usap nya habang umiiyak.

Tinignan ako ni Ate Cas na parang nagsasabi na wag na kong magtagal pa dito.

"P-pasensya na po... Kailangan ko ng umalis." Yun na ang huling sinabi ko sa kanila.

Mabilis akong tumakbo paalis. Bastos na kung bastos pero hindi ko na kayang magtagal don. Wala akong balak makipag-plastikan sa kanila.

Baliw si Cyrus!

Pero parang pati ako mababaliw na din.

Huminto ako sa parking ng ospital. Sa isang bahagi ng pader ako sumandal at naghabol ng hininga.

Pero hindi pa ko nagtatagal ng may tumawag sakin.

"Jay!"

Tinignan ko kung sino yun. Si Ate Cas at palapit sya sakin.

"Ihahatid na kita sa inyo! Kailangan din nating mag-usap!" Sabi nito sakin at hinatak ako papasok ng kotse nya.

Hindi pa rin nagbabago ang kotse nya. Pati itsura nya, muka pa rin syang bata.

Mabilis na pinaandar ni Ate Cas ang kotse. Daig pa nya yung ng holdap sa bilis nyang magmaneho.

"Kung pwede lang sana... Wag ka ng magpakita kay Cyrus." Sabi nya sakin.

Hindi talaga! Wala akong balak bumalik don. Naawa lang ako sa Nanay nila kaya ako nagpunta.

Marami pa sana kong gustong malaman at itanung kay Cyrus pero hindi na pwede. Tutal eto nalang din ang huli naming pagkikita kaya sulutin na.

"A-ate Cas... A-anu po ba talaga yung ginawa ko kay Cyrus dati?"

Tinignan nya ko sandali. Para syang nainis sa tinanung ko.

"Ginawa mo tapos hindi mo alam? Nagpapatawa kaba?" Inis na sagot nya sakin.

"M-mahirap ipaliwanag."

"Binugbog mo si Cyrus! Ang dami naming umaawat sayo pero hindi ka tumitigil! Para kang ibang tao, wala kang pinapakinggan! Akala namin napatay mo na sya!" Paliwanag nya.

Napalunok nalang ako. Ganyan din ang sinabi ni Keifer sakin. May ginagawa ba ko ng hindi ko alam?

"Alam kong hindi maganda naging ugali sayo ni Cyrus! Pero bakit mo ba sya sinaktan ng ganun?!"

Hindi ako makapagsalita. Hindi ko naman alam kung bakit ko ginawa yun. Hindi ko rin alam kung panu ko nagawa yun.

"...Comatose si Cyrus ng ilang buwan! Ng dahil lang sa ginawa mo! Internal hemorage ang sabi samin ng doctor at operation lang ang option namin!"

Alam ko yun! Kaharap ako nung sinabi nung doctor yun. Lahat sila nakatingin sakin at ako yung sinisisi. At ng dahil dun, inatake sa puso si Lola. Akala ko mapapahamak na rin sya ng dahil sakin.

"...Mabuti nalang at nadaan sa gamot yung problema!" Dagdag nya pa.

Hindi na ko nagsalita pa. Hinayaan ko syang sermunan ako at kung anu-anu pa. Sa bilis nyang magmaneho hindi ko namalayan na malapit na kami samin.

Inihinto nya yung kotse sa tapat ng gate.

"S-salamat, Ate Cas." Sabi ko bago bumaba.

Hindi ko na hinintay ang sasabihin nya. Mabilis akong naglakad papasok sa bahay. Ang bigat ng pakiramdam ko. Hindi ako makahinga, sana talaga hindi na ko nagpunta dun.

Napatingin ako sa wall clock-----shit!

Tumakbo ako papunta sa kwarto ko para kunin yung mga gamit. Hindi na ko nag-ayos, dun ko nalang aayusin ang sarili ko.

Nagtawag agad ako ng taxi paglabas ko. Hindi ako aabot kung lalakad ako or mag-bike. Kayalang kung mamalasin, traffic na paglapit ng sasakyan sa boundery ng school.

Bumaba na ko at tinakbo nalang. Pagpasok sa gate ng school, napansin ko agad yung nagsisigawan sa harap ng main building ng fourth year.

"Jay!" Tawag sakin ng kung sino.

Hinanap ko yun at nakitang papalapit sakin si David.

"Bakit ngayon ka lang?" Tanung nya sakin.

"M-meron kasi ako-----"

"Tapos na yung contest."

Pero maaga pa! May isang oras pa ko para makapag-handa. Panu nangyaring tapos na?

Nakita ko sila Eren na naglalakad papunta sa room kaya agad akong tumakbo para habulin sila.

Sa tapat ng mismong room namin ko sila naabutan.

"Saan kaba galing?!" Galit na bungad sakin ni Keifer.

"M-meron akong----"

"Mahalaga pa ba yan sa araw na to?! Alam mong may laban ka pero sinabay mo pa talaga yan!"

"Keifer kasi----"

"Hindi na rin tumuloy si Ci-N kasi nga wala ka!" Sermon pa sakin ni Keifer.

Gusto kong magpaliwanag pero hindi ko alam kung panu ko sasabihin yung nangyari.

Lumabas si Yuri mula sa pinto ng room.

"Anu bang nangyari Jay?" Mahinahon na tanung ni Yuri.

Pati sila Ci-N at iba pa lumabas na din ng room at hinintay ang sasabihin ko.

"K-kasi... A-akala ko 1pm pa yung contest." Halos pabulong kong sabi.

"Tinatawagan ka namin, bigla kasing binago nila Freya yung oras." Sagot sakin ni Ci-N.

Nakagat ko nalang ang ibabang labi ko. Sana pala tinignan ko yung phone ko kahit sandali.

"Saan kaba talaga galing?!" Galit na tanung na naman ni Keifer.

"B-bumalik ako samin, sa p-probinsya namin." Sagot ko.

"Ngayon pa talaga?! Nanadya kaba?!" Sigaw sakin ni Keifer dahilan para kusang bumagsak ang mga luha ko.

Hinawakan ni Yuri yung braso ni Keifer para awatin sya pero tinabig lang nya yun. Galit pa rin ang tingin nya sakin.

"K-kasi... M-meron din naman akong sariling problema na kailangang harapin." Sagot ko at bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. "...Hindi ko naman gusto na hindi makarating. Pinilit ko naman eh. Hindi ko rin gusto na isabay yun ngayon. Pero kinailangan ko."

Lalapit sana sila sakin pero sinenyasan ko sila na huminto. Tinignan ko si Keifer na galit pa rin ang tingin sakin.

"...Anu pang gusto mong malaman?! Kung anu yung problema ko?! Yung Ex ko, si Cyrus! Na hangang ngayon misteryo pa rin sakin kung panu ko sya nagawang bugbugin at maging dahilan ng pagkaka-ospital nya!"

Tuloy-tuloy pa rin ang pag-iyak ko. Ayokong humarap sa kanila ng ganito. Hindi ko pinangarap na umiyak sa harap ng maraming lalaki.

Tumalikod ako sa kanila at naglakad paalis. Ayoko nito, ayokong ipakita sa kanila na mahina ako.




Author's Note: Si Cyrus Vellasco...

++Don't forget to Vote, Comment, and Share. 😉 ++

Continue Reading

You'll Also Like

381K 1K 16
Fullfil your sexual imagination with these different stories that'll make your feel good.
4.9M 99.9K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...
26.5M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
31.8M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...