Ang Mutya Ng Section E

By eatmore2behappy

134M 5.3M 3.3M

Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung... More

eatmore2behappy
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 86
Chapter 87
Not an update!
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter 108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 123
Chapter 124
Chapter 125
Chapter 125.02
Chapter 125.03
PART TWO
Part Two

Chapter 85

987K 36.5K 20.8K
By eatmore2behappy

Festival Day 4.5

Jay-jay's POV

Konti pa! Mananampal na ko dito. Kagu-gulo nitong mga kasama ko. Dinaig pa yung elementary student sa kakulitan.

"Jay-jay! Si Eren nga oh!" Sumbong sakin ni Ci-N.

"Ikaw kaya nauna!" Sagot naman sa kanya ni Eren.

Tinignan ko sila pareho ng masama pero walang talab yun. Pati sila Kit at Rory nakikigulo din sa kanila. Tanging kami lang nila Keifer at Josh ang walang kibo dito sa pwesto namin.

Meron akong iniisip.

Pag-uwi ko kasi sa bahay kanina. Meron kaming hindi inaasahang bisita. Yung parents ni Cyrus. Hindi ko alam yung gagawin ko kanina.

Gusto daw nila kong maka-usap. Ilang linggo na daw kasi akong hinahanap ni Cyrus. Gusto daw nya kong makita.

Pero ayoko! Natatakot ako!

Ayoko sanang pumayag pero nakiki-usap sila sakin. Ang masama pa nito, ngayon pa sana nila ko gustong isama. Buti nalang at dumating si Aries.

"Jay..." Tawag sakin ni Keifer. "...Bakit?" Tanung nya.

"Anong bakit?"

"Bakit ang tahimik mo? Kanina kapa ganyan simula nung tumawag yung----"

"Okay lang ako... Kinakabahan kasi ako para kay Yuri." Palusot ko.

Hindi na sya nagsalita. Maganda yun para sakin. Ayoko talagang pag-usapan.

Biglang may lumabas na matinis na tunog sa speaker mula sa stage dito sa auditorium. Mukang mag-uumpisa na yung contest. Kailangan ko munang alisin ang mga nasa isip ko. Susuportahan ko muna si Yuri.

"Good evening everyone!" Bati nung host samin.

Malakas na palakpakan naman ang sinagot namin. Sya rin yung naging host nung contest nung martes.

Kasama niya kaya yung future Wowowin dancer?

Habang nagsasalita yung host, napansin namin si Rory na tumatakbo palapit samin.

"Guys! Nasira yung audio tape na dala namin para kay Yuri!" Sabi nya samin.

"Gumagana pa yun kanina ah." Sabi ni Kit.

"Mukang may sumabutahe! May dala ba kayong back up?!" Tanung samin ni Rory.

Nagtinginan kami, nagbabakasakaling may sumagot ng meron. Pero wala, matatalo si Yuri nito.

"Edrix! Samahan mo si Rory sa room. Kunin nyo yung gitara, ipagamit nyo kay Yuri." Utos ni Keifer. Mabilis ang naging kilos nila Edrix.

Binalik namin yung tingin sa Host. Bigla kasing nagpalakpakan ang mga tao. Umpisa na pala ng contest. Sana nga lang umabot pa sila Edrix.

"Simulan natin sa Section B!" Sabi nung host at lumabas yung representative ng Section B.

Your Love ang kinakanta nya. Pero wala don ang atensyon namin. Hinihintay naming dumating sila Edrix.

Natapos ang Section B at muling lumabas yung host.

"Wala pa rin ba?!" Natatarantang tanung ko.

Pilit nilang sinilip ang paligid pero wala pa rin sila Edrix.

"Ngayon naman ang Section D!" Muling sigaw nung Host at lumabas ang taga Section D.

Habang kumakanta yung D, biglang dumating si Edrix hingal na hingal.

"Okay na... Naibigay na namin kay Yuri." Sabi ni Edrix at naupo.

Pero meron pang isang problema. Mapipilitang magpalit ng kanta si Yuri. Sinabi na kasi nya samin na hindi daw nya kayang tugtugin sa gitara yung unang kantang napili nya.

"Maraming salamat sa napakagandang kanta Section D!" Sabi nung Host at nagpalakpakan ang mga tao.

Alam naman na si Yuri na ang susunod. Napakagat nalang ako sa ibabang labi ko.

"Palakpakan naman natin ang Section E!" Sigaw nung host at lumabas si Yuri hawak ang acoustic guitar.

"Si Yuri na! Woooohhhhh! GO! YURI!" Sigaw nitong mga katabi ko.

Sandaling inayos yung gitara at nagtesting na rin. Ng maayos na ang lahat nagsalita si Yuri sa mic.

"I will sing Can't stop the feeling, covered by Joseph Vincent." Sabi ni Yuri at nagsimulang kumanta.

"I got this feeling inside my bones
It goes electric, wavey when I turn it on
All through my city, all through my home
We're flying up, no ceiling, when we're in our zone..."

Ang ganda nung kantang napili nya. May boses din palang maipagmamalaki tong si Yuri. Parang si Keifer lang.

"...I got that sunshine in my pocket
Got that good soul in my feet
I feel that hot blood in my body when it drops, ooh
I can't take my eyes up off it, moving so phenomenolly
Room on lock the way we rock it, so don't stop..."

Meron akong aaminin. Crush ko talaga si Yuri, nung unang beses ko pa lang syang nakita. Lakas kasi ng dating ng red hair. Hahaha

Kayalang magka-ugali kasi sila ni Keifer kaya hindi ko inaamin sa sarili ko. Pero nung bumait na sya sakin, hindi ko maiwasan na hindi mapangiti.

"...Under the lights when everything goes
Nowhere to hide when i'm getting you close
When we move, well, you already know
So just imagine, just imagine
Nothing i can see but you when you dance, dance, dance
Feeling good, good, creeping up on you
So just dance, dance, dance
All those things i shouldn't do
But you dance, dance, dance
And ain't nobody leaving soon, so keep dancing..."

Maswerte yung nagugustuhan ni Yuri ngayon. Sana nga lang magustuhan din sya. Kawawa naman kasi kung hindi. BH na nga kay Ella tapos BH pa sa kanya.

"...I can't stop the feeling
So just dance, dance, dance
I can't stop the feeling
So just dance, dance, dance..."

Kung ako lang yun, tapos wala din akong eklabu kay Keifer----Ay! Hayahay ang Buhay! Happy together lang peg namin.

"Did you know that Yuri only sing for a certain person?" Biglang sabi ni Keifer dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"Ha?"

"Sa mga oras na to, kinakantahan nya yung babaeng gusto nya." Paglilinaw nya.

Talaga?

Alam pala ni Keifer na may nagugustuhan si Yuri? Sabagay, bestfriend sila kaya hindi imposible yun.

"...Ooh, it's something magical
It's in the air, it's in my blood, it's rushing on
Don't need no reason, don't need control
I fly so high,  no ceiling, when i'm in my zone..."

Binalik ko yung tingin kay Yuri. Ako lang ba o parang nakatitig talaga sya sakin?

Ang weird ng pakiramdam ko.

Kahit hindi pa sya tapos kumanta napilitan akong tumayo. Nagpa-alam akong magc-cr lang.

Ang totoo, kakaiba lang kasi talaga yung pakiramdam ko. Bigla akong hindi naging komportable.

Dumiretso ako sa pinakamalapit na CR. Pero hindi pa ko nakakapasok sa loob ng makarinig ako ng umiiyak. May multo pa yata! Putcha!

Pero hindi multo yung nakita ko sa loob. Si Grace!

Hindi pa ko nagsasalita pero tinignan agad nya ko ng masama.

"Akala ko ba kaka-usapin mo si Denzel?!" Inis na tanung nya sakin at pilit pinunasan ang luha nya.

Lah! Kala ko ba okay na sila?

"May nangyari ba?"

Muli nyang pinunasan ang mga mata nya.

"Pinanagutan nga ni Denzel yung bata pero ganun pa din yung pakikitungo nya sakin." Sabi nya at muli na namang umiyak. "...Sabi nya mahal nya ko pero hindi ko naman maramdaman."

Nakagat ko nalang ang ibabang labi ko. Anu bang dapat kong gawin? Oo, alam ko hindi na dapat ako maki-alam.

Pero buntis sya! At umiiyak! Masama yun para sa baby. Hangang sa merong pumasok na ideya sa utak ko.

Agad akong lumapit kay Grace at bumulong sa kanya. Nagtaka pa sya nung una pero sumang-ayon din sya.

Agad akong lumabas ng CR at hinanap si Denzel. Nasa backstage sila at nakikipag-usap kay Yuri. Mukang kanina pa sya tapos mag-perform.

"Jay-jay!" Tawag nila sakin.

Tumakbo ako palapit sa kanila at sandaling naghabol ng hininga.

"Saan ka galing? Bakit bigla ka nawala?" Tanung sakin ni Yuri.

"Maya ko nalang papaliwanag." Sagot ko at humarap kay Denzel. "...Sumama ka sakin may pag-uusapan tayo."

Hinawakan ko ang kamay nya at agad syang hinatak palayo. Hindi ko na hinintay ang sasabihin nya.

"T-teka lang Jay!" Pigil nya sakin pero hindi ako nagpa-awat.

Nakarating kami sa gilid ng room. Binitiwan ko sya at tinitigan sa mga mata.

"B-bakit ba Jay?"

"Anong balak mo kay Grace?!" Inis na tanung na ko sa kanya.

"H-ha? Kala ko ba okay na lahat samin?"

"Yun din akala ko... Pero umiiyak na naman sya."

Sandaling tumahimik si Denzel at parang nag-isip. Aware siguro sya na hindi gusto ni Grace yung pagtrato nya.

"Jay... Hindi ko naman alam yung gusto nyang mangyari. Pinanagutan ko na yung bata, kaya nga nagtatrabaho akong mabuti."

"Pero si Grace? You accept your responsibility with the child, but how about your responsibility with Grace? Babae pa rin sya at kahit hindi kayo kasal, meron ka pa ring responsibilidad sa kanya!" Inis na paliwanag ko.

Bigla nalang syang umiyak. Nagulat ako pero hindi ako nagpakita ng awa o simpatya. Hindi ko na kasi talaga alam ang gagawin sa kanya.

"M-mahal ko kasi si Grace pero... N-natatakot ako. Alam kong galit sya sakin dahil sa ginawa kong pag-gamit sa kanya. Alam ko din na hindi nya ko mapapatawad kaya kusa na kong lumalayo. Kapag okay na lahat at meron na kong ipagmamalaki, liligawan ko sya ulit. Pero ngayon na wala ako kahit anu, alam kong papasok at papasok sa isip nya na ginagamit ko pa rin sya." Paliwanag nya habang pilit pinupunasan ang luha nya.

Huminga ko ng malalim at tumingin sa ibang direksyon.

"Pwede ka ng lumabas!" Sigaw ko.

Alam kong nagtaka si Denzel sa sinabi ko. Mula sa likod ng mga tambak na gamit lumabas si Grace.

Lumapit sya samin at tinignan ng masama si Denzel.

"Ganun ba tingin mo sakin?!" Galit na tanung ni Grace.

Oo naman! Tropa kaya kayo ni Freya!

Hindi sumagot si Denzel. Sa inis ni Grace, pinaghahampas nya at halos itulak nya si Denzel. Pero hindi pa rin sya sumasagot.

"Denzel... Kaharap mo na si Grace. Sabihin mo na yung problema. Walang mangyayari kung lalayuan mo lang sya ng lalayuan." paliwanag ko.

Pero parang para sa akin yung mga sinabi ko. Bigla kasing pumasok sa isip ko si Cyrus. Siguro nga dapat ko na syang harapin.

"Grace..." Panimula ni Denzel at bigla nalang nyang niyakap ang kaharap. "...S-sorry kung naduduwag ako sayo."

Hindi ko na hinintay ang sasabihin pa ni Denzel. Umalis na ko at hinayaan na silang mag-usap. Meron din akong sariling problema na haharapin.

Kinuha ko yung phone ko at dinial yung number na iniwan sakin ng parents ni Cyrus.

["Hello?"] Sagot ng kung sino sa kabilang linya.

"H-hello? Si Jay-jay po ito."

["Jay... Sana pumayag kanang magpakita sa anak namin kahit sandali."]

Huminga ako ng malalim at napatingin sa langit. "P-payag po ako."

["Salamat Jay! Matutuwa si Cyrus sa sinabi mo!"]

Pero ako hindi natutuwa. Kilala ko si Cyrus, malalim pa sa ugat ng puno kung magtanim sya ng galit sa kapwa. Hindi sya titigil hanga't hindi nakakaganti.

Hindi ko alam kung tama ba tong ginawa ko.






Author's Note: Sa kanya ka tumabi pagsakay mo ng Train to Busan, ligtas ka. hahahaha... Si Denzel Castillo.

Si Grace Miller

++Don't forget to Vote, Comment and Share. 😉 ++

Continue Reading

You'll Also Like

26.5M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
185K 3.5K 55
The Teenager Mommy into Aimer La Maman Célibataire. SYPNOSIS Carisha was sixteen when she decided to go in a Bar. She was so careless at that time th...
25.2M 903K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
29.1M 1M 53
It's hard to prove yourself when everyone thinks that everything's being given to you on a silver platter. And in Siobhan Margarette's case, she'll d...